Chapter 11

Chapter 11

August Gavine


Nandito ako ngayon sa sarili kong kwarto, nakatingin sa kisame at malalim ang iniisip. Hinahanap ko ang rason kung bakit ako humantong sa sitwasyon na ito. Noong una, napapansin ko na may nag-iba sa akin. Akala ko si Claud, pero ako pala itong nagsisimula mag-iba. Hinayaan ko noong una, oo, dahil ang akala ko nami-miss ko lang ang presensya niya, dahil nga sobrang focus ko last year sa pag-aaral.

Sana pala hindi ko na lang hinayaan. Sana pala mas inunawa ko ang dahilan kung bakit ko iyon nararamdaman. Sana pala pinigilan ko ang sarili ko.

"Pero kasalanan ko ba? Ha? Saan ba ako nagkamali?"

Pagulong-gulong ako sa kama habang sinasabunotan ang sarili. Kanina pa ako ganito. Tinatanong ang kisame na hindi naman sasagot sa'kin.

"Hinayaan mo kasi itong mangyari, August! Kaya kasalanan mo! Alam mo iyong nararamdaman mo pero hinayaan mo! Gaga ka talaga! Si Claud pa? Siya pa talaga? Ang bobo mo!"

Mukha na akong tanga'ng pagulong-gulong at pinapatid ang paa sa ere dahil sa inis ko sa sarili ko. Para akong bulate na nilagyan ng asin. Natapos lang ang magulong pag gulong-gulong ko sa kama nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Napabalikwas ako ng bangon habang nanlalaki ang mga matang nilingon ang pinto. Naka-lock ito kaya hindi makatuloy ang tao na nasa kabila.

Wala si mama ngayon, bukas pa siya uuwi. Sinabi nya sa akin na sasabayan nya ako bukas pumasok dahil gusto nya manood sa event namin. Hindi rin si Claud dahil pagod iyon, may laro pa sila bukas dahil nanalo sila kanina.

Muling nanumbalik ang ala-ala ko kanina.

It's time for Claud to serve kaya nakatingin lang talaga ako sa gawi nya. Hindi ako palaging nanonood sa mga trainings nila dahil abala rin ako, pero hindi ito ang unang beses na nanood ako sa mga laro nya. I'm sure nag level up din siya dahil sa mga training na pinagdaanan nila.

When Claud smack the ball with force, lahat naka abang lalo na ang kabilang team. She did a jump float serve and I was amaze how smooth her moves were. Nakanga-nga lang ako nang hindi makuha nang kabilang kupunan ang bola. As far as I know, float serve is hard to predict lalo na kapag nagawa ito ng tama, dahil hindi madaling ma predict kung saan talaga patungo ang bola.

Everyone were shouting, dahil score na naman namin. Hanggang third set lang sila at nasa pangalawang set na sila ngayon, at ang nangunguna ay ang school namin which is lima ang lamang namin sa kabila.

After Claud's serve nag tawag ang coach sa kabila ng time-out. Pansin ko na patungo sa akin si Claud habang ang lapad-lapad ng ngiti.

"Saya natin ah?" Bungad ko rito at binigyan ng bimpo, pampamunas sa pawis nya.

"'Kita mo'yon?" Medyo proud pa ito sa ginawa nya kaya nag approved sign ako sa kanya sabay tango.

"Dapat manalo kayo ha?" Sabi ko pa at nilakihan siya ng mata na ikinatawa nya ng malakas.

"Oo naman, nandiyan ka eh."

Nagulat ako sa sinabi nito pero hindi na ako nakasapagsalita pa dahil balik na sila sa gitna.

The whole time nakatingin lang ako sa kanya. Nakita ko lahat ng naging emosyon nya during sa laro and I could say na sobrang nag-enjoy siya. She's one of the player na nag shine sa laro and after they won nilapitan nya ang kabilang team at nakipag kamay. Nagpasalamat pa siya sa lahat lalo na sa coach ng kabilang team.

"August! Alam ko gising ka pa, online ka pa eh! Buksan mo'to!"

Kumaripas ako ng takbo at nagmamadaling binuksan ang pinto. Nakalimutan ko na may kumakatok pala. Lihim ko na lang kinurot ang sarili ko at pinigilang dumaing sa sakit. Pag bukas ko ay bumungad sa akin si mama.

"Ma!" Gulat na sabi ko.

Nag expect ba ako na siya ang makikita ko?

"Hindi!"

"Ano'ng hindi? Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Five minutes na ako sa labas ng kwarto mo kumakatok, hindi mo man lang ako pinagbuksan. Alam ko gising ka pa dahil nag shared post ka pa sa social media account mo. At saka, ba't ba ang gulo-gulo ng buhok mo?"

Ngumiwi lang ako habang nakikinig kay mama. Inayos ko naman ang buhok ko, pati damit ko dahil nagusot.

"Akala ko bukas ka pa uuwi," mahinang sabi ko. "Hindi ka man lang nag text."

Nagkatinginan kami, mga two seconds, tapos pinakita nya sa akin ang cellphone nya.

"Nag text ako sa'yo."

Nandoon nga 'yong text nya sa akin informing me na nasa labas siya nang bahay.

"'Di ko nakita eh." Nakangiwi ko na namang sabi. "Sorry, may ginagawa kasi ako."

"Mag ayos ka, kakain tayo sa labas." Aniya at kaagad tumalikod, pero hinabol ko siya nang tawag.

"Saan ma?"

"Basta, mag ayos ka!"

Saan naman kaya kami kakain? First time in history na nag-aya si mama kumain sa labas. Sinarado ko na ang pinto at naghanap ng masusuot. Kinuha ko ang isang halter top ko na bigay sa akin ni mama. Floral ito pero minimal lang, tapos see through ang upper part. U-shape ang cut sa likod kaya halos buong likod ko ay exposed.  Pinaresan ko lang ito nang blue skinny jeans na high waist that emphasizes my curves. Oo, may curves ako, mana kay mama. Tapos sinuot ko 'yong New Balance na color white.

Pagkatapos ko makapagbihis ay sinipat ko ang sarili sa life-size ko na salamin, only to find out na sobrang gulo nang buhok ko. Kaya nagmamadali akong naghanap ng suklay.

Sinuklay ko lang saglit ang buhok ko tapos nagpaganda na. Minsan lang kaya kami kumain sa labas, kaya dapat maganda ako tignan. I put foundation on my face, nag kilay, nag blush-on, at nag lip tint, and then, lastly, nagpabango.

"Ang ganda mo!" Sabi ko sa repleksyon ko sa salamin.

When I'm satisfied, lumabas na ako sa kwarto. Sa sala ko naman nadatnan si mama na naka kulay green na dress. It's a simple dress pero sobrang ganda ni mama.

"Woah!" Sabi ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig. I was speechless when I saw her. It's new to me seeing her like this. Super simple lang din kasi ni mama, even sa trabaho nito. "Malaki ba sweldo mo this month kaya ka nag-aya kumain sa labas?" Biro ko sa kanya, pero ngumiti ito ng sobrang lapad. "Woah! Woah! Totoo?"

"Sasabihin ko sa'yo mamaya habang kumakain tayo. Tara na."

Na intriga ako kasi feeling ko masaya si mama tapos feeling ko rin may kinalaman ito sa trabaho nya. Sumunod na ako sa kanya pero nag send ako ng text kay kuya.

To: Kuya

May sinabi ba si mama sa'yo na hindi ko alam?

Naghintay lang ako sa reply nya hanggang sa makapasok ako sa kotse ni mama. Napansin ko na hindi company car ang gamit nya, kundi ang mismong kotse nya.

"Ma, nag leave ka ba?" Usisa ko.

"Hindi. Day-off ko ngayon," sagot nya sa akin habang naka focus sa harap ang atensyon. "Bakit?"

"Kotse mo kasi ang gamit mo at hindi ang company car ninyo."

"Ginamit nang kasamahan ko 'yung company car namin since day-off ko, kaya ito ang dinala ko."

Tumango ako bilang tugon. Rinig ko na nag ha-hum siya kaya mas na intriga pa talaga ako sa rason kung bakit siya masaya. Then naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko at nang tinignan kung sino ang nag text, it was my brother.

From: Kuya

Malay ko.

Napataas na lamang ako ng isang kilay sa reply nya at tumingin sa gawi ni mama. Imposibleng si papa ang dahilan kasi next year pa siya uuwi.

To: Kuya

Nag-aya lang naman siya kumain sa labas. She's wearing a dress at higit sa lahat pa ay masaya siya. Sobrang saya niya.

Hinintay ko ang reply nito at hindi na ibinalik ang cellphone sa bag ko. It only take a minute for him to reply.

From: Kuya

Wee? Tinanong mo ba?

Walang alam si kuya? That's new. Siya palagi sinasabihan ni mama kapag may magandang balita itong dala. Then muli itong nag send ng text.

Update mo'ko ano'ng ganap ha!?

Lihim akong napatawa. Wala nga siyang alam kaya meaning nito ako lang ang pagsasabihan ni mama.

To: Kuya

Pilitin mo'ko.

Hindi ko mapigilan ang sariling hindi tumawa ng malakas sa sinend ko kay kuya. Ibabalik ko lang sa kanya ang ginawa nya sa akin noon. Binalik ko na ang cellphone ko sa dala-dala kong sling bag.

"Sino ba iyang ka text mo? Si Claud ba?"

Natigilan ako bigla sa naging tanong nito. "H-ha? Hindi po."

"Wee? Si Claud lang naman nagpapatawa sa'yo ng ganyan."

Ngumiwi ako sa narinig. "Ma naman!"

"What? Sobrang tagal na ninyong magkaibigan kaya nasanay na ako na si Claud ang palagi mong ka-text. Hindi ba?"

Hindi ako sumagot dahil tama naman ang sinabi ni mama. Siya lang naman ang katawagan ko buong magdamag noon, at ka text halos araw-araw. Wala akong ibang kaibigan bukod sa kanya. Ngayon nga lang nadagdagan eh, si Jamila.

"Si kuya ang text ko ngayon." Sabi ko na lang.

"Ahhh, akala ko may boyfriend ka na at hindi mo lang sinasabi sa akin."

"Ma!"

Natawa ito sa pag sigaw ko na may halong inis.

"Normal lang naman ang mga bagay na iyan, August. Basta lang ay hindi mo ilihim sa amin ni papa mo at sa kay kuya mo rin. Alam mo naman na hindi ka namin pinagbabawalan lalo na at malaki ka na."

Marahan akong tumango.

Pero paano ko sasabihin sa inyo na babae na ang nagugustohan ko ngayon? Hindi na po straight ang anak ninyo!

Hindi na ako umimik, pati si mama, hanggang sa tumigil na ang kotse. Tumigil ito sa harapan nang isang mamahalin na restaurant. Lihim akong humanga sa structure nang buong building. I didn't bother to ask her kung bakit dito kami kakain kasi palagi kong nakikita ang restaurant na ito sa isa sa mga documentary nya.

Isang local journalist si mama at ito ang dahilan kung bakit wala siya palagi sa bahay. She's always out of town dahil sa klase ng trabaho mayroon siya. Halos buong Pilipinas ay napuntahan na nya. From small businessess to large ones ay dino-document nya. Sa larangan na ito rin nakilala ni mama si papa, but si papa ay international naman ang sa kanya. This year ay sa Japan ang destination nya. Pero wala akong pinagsabihan sa kung ano'ng trabaho ng mga magulang ko, bukod kay Claud.

Pagpasok namin sa restaurant ay kaagad bumati ang mga crew kay mama.

"Good evening po, Mrs. Gavine."

"Good evening. Table for two."

May nag assist sa amin na isang waitress patungo sa table. Hindi ito umalis hangga't hindi kami nakapag-order ng kakainin. I was amaze by my own mother. Ang astig kasi nire-respeto siya nang lahat.

"Alam ba nila na anak mo ako?" Bulong ko na tanong tapos bigla-bigla nya akong binatukan. "Aray!"

"Malamang alam nila, taga rito ka 'diba?"

"Tsk!"

Pagdating ng order namin ay nagsimula na kaming kumain. Dito na rin nagsimula si mama na magsalita tungkol sa sasabihin nya.

"I already told your papa about it, pero hindi ko pa nasabi sa kuya mo ito, so that makes you the second person who knew about this. So, you already know na I've been in the same company for eight years and  for those years, I've been moving around the country. Then yesterday my boss summoned me sa office nya for a good news. Guess what,"

Nag-isip muna ako ng mabuti. Pero wala naman akong ma-isip na idea kung ano.

"Pinag-leave ka ng matagal?"

Nang nakita ko muli ang malapad nitong ngiti ay hindi ko maiwasang hindi mapatili sa saya. Kaya nakatanggap na naman ako ng batok mula sa kanya.

"But there's more about that."

"Pero teka, for how long ba ang leave mo?"

"A year."

Isang taon? Wow! Hindi na ako mag-iisa sa bahay ng matagal. May magluluto na para sa'kin, tapos hindi na ako mag-aalala sa labahin. Yes!!

"So ano pa, ma?"

"Binigyan nila ako ng bagong project. Pero sa ibang bansa."

Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa narinig. Sa ibang bansa, just like kay papa. Pero ayokong maging malungkot kasi sobrang ganda ng ngiti ni mama. Ayokong maging rason kung bakit hindi nito tatanggapin ang inalok na proyekto sa kanya.

"Congrats ma! Deserve mo naman ang isang taon na pahinga. Then dream mo iyong mag document sa ibang bansa kasi gustong-gusto mo 'yong mga kultura nila."

"Okay lang sa'yo na mawawala ako nang halos isang taon?"

Kagat-labi akong tumango. "Basta e-reto mo ko nang isang singkit at hunk na tsino, tapos mayaman."

Natawa kami pareha sa sinabi ko. Them we continue eating our dinner. Sa totoo lang ay sobrang dami ng in-order ko. Lahat nang mga pagkain na mukhang masarap ay in-order ko. Sinita na ako ni mama nang um-order ako ulit nang maubos ko ang ika-apat na order ko.

Pagkatapos nang dinner namin ay muli itong nag-aya sa akin na mag kape. Hindi ako mahilig sa kape pero um-oo ako kasi libre. Nag take-out lang kami ng kape sa Starbucks, tapos pumunta kami sa isang lugar na mahangin. Tahimik kami pareho habang sumisimsim ng kape. It was a very comfortable silence between the two of us, iyong tipong napapangiti ka na lang habang humihigop sa mainit na kape.

Dahil sa katahimikan ay nanumbalik sa akin ang inaalala ko kanina, tungkol kay Claud. Alam ko na iba na ang maramdaman ko kapag magkita kami bukas, kailangan ko lang pigilan ang sarili ko. Pwede rin hahanap ako ng paraan para maging abala ako bukas, para hindi kami magkita. Kaso nandoon din si mama, ang hirap umiwas.

"Hoy!"

Nabilaukan ako nang bigla akong tinawag ni mama na may kasamang kalabit. Dahil biglaan ay nagulat ako, at mabuti na lang hindi nalagyan ng kape ang suot kong top.

"Ma, naman eh!"

Tumawa ito dahil tumutulo pa ang kape mula sa bibig ko. "Sorry. Pero kasi may itatanong ako."

Kinuha ko na lang 'yung tissue na nasa bag ko, pampunas sa bibig ko.

"Hindi ko pa ever nabalitaan na may jowa si Claud. May nagugustohan ba siya sa school ninyo?"

"Ma!"

"Ano? Nagtatanong lang naman ako ah? May problema ba?"

Inirapan ko siya. "Ang chismosa mo!"

"I'm a journalist."

Ngiwi na lamang ang ibinigay ko sa kanya habang napapa-iling.

"Pero totoo naman kasi. Wala ba siyang nagugustohan?"

Pormal na akong humarap sa kanya sabay nag-iisip. Wala pa naman akong naririnig na may crush siya. Wala rin siyang naging jowa. Alien ata yun.

"Wala. Busy 'yun eh!"

"Ahh." Tanging sagot nito.

Ano kayang nakain ni mama? Hindi naman siya nagtatanong kay kuya tungkol sa mga bagay na ito, pero nagtanong siya tungkol kay Claud? Feeling nya talaga anak nya si Claud. Tsk!

Babalik na sana ako sa tanawin na nasa harapan ko nang may nahagip akong isang pamilyar na tao. Nang makita ko siya bigla akong kinabahan, baka kasi kasama nya si Claud. Gusto ko na tuloy umuwi para hindi kami magpang-abot.

Pero naisip ko na kanina pa tulog si Claud. Magka-text kami kanina no'ng nasa bahay pa ako, and it's already ten in the evening. So ano'ng ginagawa ni tito rito?

"Ma, sa kotse lang ako ha? Kukunin ko iyong bag ko," agarang sabi ko sabay tayo at sinundan si tito.

He's wearing a casual clothes. Actually naka tsinelas lang siya at may hawak na puting plastic. He's walking alone, and I was just few meters away from him. Pero nagtatago ako para hindi nya ako makita. Nakatago ako sa isang pick-up at sa muli kong pagsilip sa kanya ay doon ko nakita na lumapit siya sa isang babae, kaedad nya lang ito, may kasama silang batang lalaki na kinarga ni tito.

"Papa!"

Iyan ang tawag no'ng bata nang kargahin siya ni tito. Muli akong bumalik sa pagtatago habang nakatakip ang parehong palad sa bibig ko.

Alam ko si tito iyon, papa ni Claud, pero bakit ibang tao ang kasama niya? Bakit papa ang tawag nang bata sa kanya?

"Tama ba itong nakikita ko?"

- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top