Chapter 10

Chapter 10

August Gavine

Dumating na nga ang araw na matagal ko ng hinihintay, ang interhigh. Sobrang abala ko noong unang dalawang buwan dahil sa preparation sa event ngayon. Today is the first day of this event and the only thing I need to do is to interview the players, audiences, committees, coaches, and staffs. Kailangan ko rin mag video. May kasama rin pala ako ngayon, isang first year student at bagohan sa club namin.

"Ganyan lang kakainin mo?Mapapagod ka ngayong araw at kailangan mong kumain para hindi ka madaling magutom."

Wala pa ring pagbabago, nandito pa rin si Claud at kasalukuyan kaming nag aagahan. Siya nga rin ang nagluto dahil alas quatro pa lang ay nandito na siya sa bahay.

"Pero busog na ako, Claud!" Maktol ko sabay himas sa aking tiyan.

'Nga pala, hindi kami mag u-uniform kaya ang sinuot ko ngayon ay puting bermuda short at kulay sky blue na t-shirt. Plano ko sana na suotin ang sandal na binigay sa akin ni mama last birthday ko pero dahil sa activity na gagawin ko ngayon ay naisip ko na hindi ito akmang gamitin.

Baka mahirapan ako kapag kailangan kong tumakbo.

"Magbaon ka. Update ka rin sa akin sa mga gagawin mo dahil abala rin ako."

May laro nga pala si Claud ngayon at kalaban nila ang mortal enemy nila sa volleyball. Pressured nga rin ang iba sa kanila dahil gusto talaga nilang manalo this year, lalo na iyong mga graduating students.

"Gusto kong manood," nakanguso kong sabi. "Reserve mo naman ako ng seat sa front row," paglalambing ko sa kanya. Niyapos ko pa nga ang kamay nito para mas effective ang pagpapa-cute ko.

"Paano ang mga gagawin mo?"

"Pwede naman akong magpa sub," bulong ko pero rinig naman nito. "Isang game lang naman kayo ngayon diba?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya kaya agad akong umayos ng upo at tumingin sa kanya na may ngiti sa mukha. Ayoko siyang inisin ngayong araw dahil may game siya at may pabor akong hinihingi sa kanya. Baka hindi nya ako ipapa-reserve ng seat sa harapan.

"Oo basta kumain ka ng marami, nagmumukha ka ng stick sa payat," naging pabulong na lamang ang huling sinabi nito pero naririnig ko naman. Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay irap na naging dahilan ng pag tawa nito ng mahina.

Pagkatapos ng agahan ay sabay kaming nag-ayos at naglinis then after ay umalis na kami. Naka jogging pant na kulay itim lang si Claud at puting oversized t-shirt na hindi namang nagmumukhang oversized dahil sa malapad nitong pangangatawan. Habang naglalakad papalabas ay hindi ko maiwasang mag komento sa napapansin ko.

"Kung mabubuhay ka ulit sa pangalawang pagkakataon ay nasisiguro ko talaga na magiging lalaki ka, Claud." Bulalas ko.

Lumingon ito sa gawi ko at siya na mismo ang nagsuot nang helmet sa akin.

"At hinding-hindi kita magiging best friend," pagpapatuloy nito sa sinabi ko at umangkas na sa motor nya.

Hindi ko nakuha ang point ng sinabi nya. Ayaw ba nya akong maging kaibigan if ever magiging lalaki siya? Ang unfair ha? Kala siguro nito magiging gwapo siya kapag naging lalaki. Sus!

Nakabusangot akong umangkas at kumapit sa balikat nya, dahil baka pagalitan na naman nya ako. Ang OA pa naman ni Claud. Hindi ako umiimik buong biyahe namin dahil naiinis ako. Sana pala hindi ko na lang vi-noice out 'yong nasa utak ko kanina.

Kahit kailan panira talaga sa mood itong kaibigan ko!

Pagdating namin sa parking lot ng school ay saktong kararating lang din ni Jamila na may ka angkas din. Naging pamilyar sa akin ang babaeng kasama nya dahil siya rin ang kasama nito noong nakita namin sila sa mall.

"Woa! Saktong sakto pala ang dating ko!" Wika nito sabay tingin sa aming dalawa ni Claud. "Good morning, August!"

"Good morning din." Nakangiti kong sagot sa kanya. Good mood parati itong si Jamila.

"Jam, tara na mala-late na ako oh."

Tinignan ko iyong kasama nya at laking gulat ko na lamang dahil sobrang talim ng tingin na binibigay nito sa akin. Hindi iyon nakita ni Jamila dahil busy ito sa pakikipag-usap kay Claud na nasa likod ko.

"Kita na lang tayo sa game!" Paalam nito.

Umirap pa iyong babae sa akin bago ako talikuran at tumabi kay Jamila. Kunot-noo ko na lamang silang sinundan ng tingin. Kaibigan din ba 'yon ni Jamila? Nope, baka girlfriend nya 'yun. Nag kiss sila 'diba?

"May relasyon ba sila?"

Nilingon ko si Claud na katulad ko rin ay nakatingin sa papalayong dalawang tao.

"Siguro. Pero papalit-palit kasi ng babae si Jamila kaya hindi ako siguradong kung seryoso ba siya r'on."

Gano'n ba 'yon? I mean, may ganito talagang nangyayari sa totoong buhay? Wala naman akong masamang komento tungkol sa ganitong bagay, naninibago lang ako.

"Does it bother you?"

Tumingala ako upang tignan siya. Nasa harapan pa rin ang paningin nito.

"Na may kaibigan akong gano'n?" This time tumingin na siya sa akin. "Hindi naman ako nagpapa-influence, so don't worry."

Matamis itong ngumiti sabay gulo sa buhok ko habang naiwan naman akong nagugulohan dahil sa sinabi nito. Ano'ng ibig sabihin nang sinabi niya? Magulo pa rin ang isipan ko habang sinusundan siya sa paglalakad pero hindi ako nagtanong.

May napapansin ako kay Claud simula noong nagkabati kami. May pagbabago sa treatment niya. Pansin ko rin na napapadalas ang pag stay nya sa bahay namin. Tapos mas maaga na rin siyang pumupunta sa amin. Madalas na rin siyang natutulog sa amin.

Hindi naman siya ganito noon eh. I mean, parang naging clingy siya this time.

"August!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Claud naman na nasa unahan ko ay napalingon din dahil sa sobrang lakas ng boses nang taong ito.

"August!" Muli nitong tawag.

Nagtataka pa ako nang makita siya ng buo dahil sa palagay ko ay nakita ko na siya. Hinihingal pa ito nang makalapit sa akin.

"B-bakit?" Bungad ko sa kanya.

Hindi muna ito nagsalita pero itinaas nito ang isang kamay niya na may hawak na camera. Hinintay ko muna na kumalma siya dahil parang may sasabihin siya. Marahas itong napabuga ng hangin bago tuwid na tumayo.

"I'm Gino Macapagal, a newbie and I'm going to be your partner for today's activity." Pormal itong nagpakilala at seryoso talaga ang mukha nito habang nagpapakilala.

Naramdaman ko ang paglapit ni Claud sa aking tabi.

"Ikaw 'yung lalaki na lumapit sa kanya sa canteen, hindi ba?" Tanong ni Claud at dahil sa naging tanong nya ay doon ko lang naalala kung saan ko siya nakita noon.

"Ahh, oo. I was going to introduce myself and to inform her as well na ako ang magiging ka partner nya sa event. Pero mukhang wrong timing ako that time," napapakamot pa ito sa kanyang ulo sabay ngiti.

"August Gavine." Simpleng wika ko sabay lahad sa aking kamay para makigapag shake hands. Binawi ko naman kaagad ang kamay ko at tinuro ang dala nitong camera. "Si Pres ba ang nagbigay niyan sa'yo?"

"Oo, galing ako sa office. Uhmm.." nakita ko ang pagtingin nya kay Claud at, siguro namamalikmata lang ako, pero parang takot siyang tumingin sa katabi ko. "K-kasama ba natin siya?" Alanganin nitong tanong.

"Hindi, player ng volleyball si Claud. Siya nga pala ang best friend ko, Claudelle Tuliao."

Wala sa kanilang dalawa ang naglahad ng kamay at umimik kaya nagtuloy-tuloy na ako sa pagsasalita.

"Nabasa mo na ba ang memo para ngayong umaga?"

"Yes, I have it on my phone para hindi ko makalimutan. Anyway, may pupuntahan ka pa ba? Can we start already?"

Tumango ako saka lumingon kay Claud. "Reserve mo'ko seat ha? Pupuntahan kita mamaya."

Inayos nito ang pagkakasabit ng bag nya sa kanyang balikat. "Yeah sure. Make it quick," aniya sabay gulo sa buhok ko at naglakad na papalayo.

Katulad ng nakasanayan ko ay hinatid ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Nakalimutan ko pa nga na may kasama ako, kung hindi lang umimik si Gino ay hindi ko siya maalala.

"Mag jowa ba kayo?"

Laking gulat ko na lamang sa naging tanong niya. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Mukha ba kaming mag jowa?"

"I can say it through her eyes."

"Ano?"

Nagkibit-balikat lamang ito at nagpatiuna na. "First destination natin ngayon ay ang soccer field. We have to interview some players from other team and their coach and, of course, our team as well. Pagkatapos sa field ay sa Chess naman tayo which is nasa library ang venue nila. We only have to take pictures in there and after that we have to interview the principal, the coordinators, some teachers and coaches," ani nito habang dahan-dahan na naglalakad. Nakikinig lang naman ako dahil saulo ko na ang memo na binigay sa amin ni pres.

"Simulan na natin," pag-aya ko rito. Ten o'clock ang laro ni Claud kaya kailangan namin matapos ng maaga.

Wala namang imik ang kasama ko habang naglalakad kami patungong soccer field. Pagdating namin doon ay sobrang daming tao na at kompleto na rin ang mga manlalaro. Si Gino ang lumapit sa mga taong kailangan naming ma interview.

We only asked few questions regarding with the sport and what they are expecting for today's event. Gino was the one holding the camera while I was the one interviewing the guests. Gano'n ang naging set-up namin hanggang mapunta kami sa Chess club.

Dahil sa library ang venue ng laro nila ay sobrang tahimik ng buong paligid. Marami namang nanonood pero walang sinuman ang may lakas ng loob na gumawa ng ingay. Before makapasok si Gino sa loob ng library ay nagpaalam muna kami sa mga facilitators na kukuhanan namin sila ng video. We also asked if we could interview few players while they are playing, and it's fine.

Nang makapasok na si Gino ay nag video lang siya sandali and we only interviewed two players para hindi na  kami makaabala pa.

"Okay lang ba 'to?" Tanong sa akin ni Gino nang makalabas na kami. "Hindi ba boring panoorin?"

"May mga editor naman tayo, sila na ang bahala riyan."

Sinipat ko ang wrist watch ko upang alamin ang oras. Thirty minutes na lang bago mag ten o'clock pero okay lang naman na medyo ma late ako konti sa laro dahil alam ko pina-reserve na ako ng seat ni Claud.

"Tara na sa teacher's office," rinig kong wika ng kasama ko. "By the way, as for you, do you have something to look forward into this event?"

Sinabayan ko siya ng lakad habang iniisip ang tanong nito. Last year naging part ako ng mga editors dahil sobrang dami pa namin noon sa school publication. Hindi ako nakagala masyado no'n dahil ang daming trabaho sa club. Hindi ako nakapag-enjoy pero worth it naman ang naging outcome nang trabaho namin.

As for this year, isa lang naman ang nilo-look forward ko, ang maipanalo nila Claud ang team nila.

"Meron naman. Last year wasn't our year kaya sana ngayong taon ay manalo na tayo sa mga sports."

Hindi masyadong matunog ang school namin every sports fiest dahil nga sa hindi kami parating nananalo, pero magagaling ang mga athletes namin.

"Right!"

"Ikaw?"

"Ahmm, I was looking forward to be part of the school publication club. I really wanted to see my name on the books that our club makes. Nakaka-proud kasi knowing that I made an achievement not just for myself but for the school as well."

Humanga kaagad ako sa sinabi nito kaya nakanga-nga akong nakatingin sa kanya. Pumalakpak pa ako na siyang ikanatawa nito.

"Huwag kang mag-alala, marami pang mga event na magiging parte ka."

Naputol ang pag-uusap namin dahil nasa tapat na kami ng teacher's office.  Si Gino na mismo ang kumatok at binuksan ang pinto. Hindi lahat ng mga teachers ang nandito dahil ang iba ay nasa labas at nakisali na sa event.

"Good morning po!" Sabay namin na bati ni Gino.

"We are from the school publication club and we're here for some interview, po." Magalang na wika ng kasama ko.

Apat lang na mga teachers ang nandito sa loob at lahat sila ay kilala namin dahil may subjects sila sa grade twelve students.

All of them gave their statements for the sports fiest and what are they looking forward for this one-week event. Mostly sa mga na interview namin na guro ay iisa lang ang sinasabi. Actually pare-pareho lang kami ng hinihiling, na sana ito na 'yung year ng school namin.

"Sa ano'ng sports po ba kayo manonood?" Ito ang naging tanong ko kay Mr. Guzman na isang P.E teacher.

Tumingin ito kay Gino na siyang may hawak sa camera. "Of all the sports we have prepared for this highly anticipated event, volleyball is the one that I am very excited to watch. I want to see how they grow and how they apply what they have learned from last year's loss. But still, win or lose, I am still proud of them!"

I didn't bother to hide my smile. Masaya akong malaman na kahit hindi man nila maipanalo ang laro, may mga tao pa rin na masaya para sa  kanila. Sabi sa akin ni Claud, takot silang ma disappoint ang buong school sa volleyball team. Ayaw nilang umasa sa wala ang school.

"Thank you, sir!" Humarap ako sa camera at pinakita ang malawak na ngiti. "Not just for the volleyball team but to all the Josephina Academy athletes, don't forget to remember that whatever happens, everyone are still proud to all of you."

Then Gino put down the camera after two minutes. Hinarap niya rin ang mga teachers sa loob at nagpasalamat sa paglaan ng kanilang oras sa maikling interview namin. Nang lumabas na kami ng office ay sinipat ko ang wrist watch ko para tignan ang oras.

"We're done!" Rinig ko'ng wika ni Gino habang inaayos ang camera. "May mamaya pa 'diba?"

Tama, may after lunch pa kami na activity. "Magkita na lang tayo sa canteen dahil for sure doon tatambay ang mga players."

Nakita ko siyang tumango at saka tumingin sa akin. "You're going to be late, ano pa'ng hinihintay mo?"

Kunot-noo kong sinalubong ang tingin nito. Pero hindi na ako nagtanong pa at tumango na lamang. Fifteen minutes na akong late at medyo malayo ang gym sa kinaroroonan ko ngayon.

"Una na ako!"

Nang makalabas na ako ng building ay kaagad akong tumakbo patungong gym. Hindi ko na inalintana ang init ng sikat ng araw at ang pawis na tumatagaktak sa noo ko. Napapatingin naman sa akin ang mga taong nadadaanan ko, ngunit hindi ko na sila binigyan pa ng pansin.

Pagdating ko sa gym ay sumalubong sa akin ang sandamak-mak na tao. Napupuno ng hiyawan ang buong paligid at hindi lang taga Josephina Academy ang nandirito. Nilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng gym, lahat sumisigaw, ayaw magpatalo sa isa't-isa.

Nang tinignan ko na ang gitnang bahagi ng gym ay saktong si Jamila ang nag serve ng bola. Kasunod no'n ay ang nakakabinging hiyaw ng mga taga J.A dahil hindi  nagawang depensahan nang kabilang koponan ang serve ni Jamila at nawalan ng balanse ang kanilang libero. Kahit ako ay napahiyaw din. Tumawag ng time-out ang kabilang school at habang abala ang lahat sa pag-uusap ay nagmamadali akong makahanap ng daraanan patungo sa area nila Claud.

Mabuti na lang at may nakakita sa akin na ka team nila at tinulungan akong makadaan. Katulad ng pangako ni Claud, pina-reserve niya talaga ako ng seat.

"Salamat." Sabi ko sa ka team nila na tumulong sa akin. "Si Claud?"

Napansin ko kasi na wala siya sa gitna kanina kasama sa mga naglalaro.

"Ayon!"

Tinignan ko naman ang direksyon na tinuro nito. There I saw Claud sitting on the bleachers wearing their jersey uniform. Her hair was tied up tightly leaving only her signature bangs. Naka sideview siya sa akin kaya mas naging kapansin-pansin ang tangos ng kanyang ilong at ang perpektong sideview ng labi nito. I can see some visible sweats on her neck, siguro naglaro ito kanina tapos pina-upo ng coach nila. I don't know why but Claud is someone who is very important to their team.

I saw her pick up a bottle of mineral water and drink it bottoms up. Hindi na nawala ang paningin ko sa gawi niya kaya kitang-kita ko kung paano gumalaw ang leeg nito habang umiinom ng tubig. Then suddenly, while still drinking, she turned to me. The moment our eyes met, a wide smile plastered on to her lips.

Then napansin ko na lang na tumayo si Claud at pumunta sa gitna. I almost forgot na nasa gym pala ako at may laro siya ngayon. But here goes again the strange sensation brought by her smile. Actually, it's not strange anymore dahil naging pamilyar na ang pakiramdam na ito sa akin dahil sa kanya. Tanging kay Claud lang naman ako nakakaramdam ng kakaibang kilig...kinikilig ako??

Sapo ko ang aking bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa taong dahilan ng matinding gulat na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin pero..totoo? Kinikilig ako kay Claud?

May gusto ako sa kanya? Legit?

- BM -

[ Thank your for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top