Chapter 1
Chapter 1
August Gavine
Tang'na! Gagi! Hindi ako na inform na alas siyete pala ang unang subject namin ngayon lunes. Dahil sa late na ako naka-uwi kagabi galing gala ay late na rin akong nagising. Pag tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding ay muli na naman akong napamura. Kanina pa ring nang ring ang cellphone ko at ayoko munang basahin ang mga nakapaloob sa text messages na natatanggap ko. Kilala ko naman kung sino ang sender eh.
Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Dalawang minuto lang yata ang tinagal ko sa loob at nagmamadaling pumili nang maisusuot sa araw na ito. Dahil sa pagmamadali ay kumuha lang ako ng isang puting oversized t-shirt at sinuot ang pencil skirt ng uniform namin. Pagkatapos kong mag-ayos ay sumilip muna ako sa salamin at sinipat ang sarili. Nag lagay na rin ako ng polbo at konting liptint.
Pagkatapos nang lahat ng mga dapat kong gawin ay kinuha ko na ang cellphone ko at binuksan ang mga text messages na nanggagaling lamang sa iisang tao. Hindi pa ako natapos sa pagbabasa ay tumatawag na ito. Kaagad ko namang sinagot.
"Yow! Claudelle!" Magiliw na bungad ko sa kanya at dahil alam ko na napipikon na ito sa kahihintay sa akin ay inunahan ko na siya. "Alam mo ba na ngayon ang release sa last episode nang webtoon na binabasa natin? Sobrang nalulungkot ako ngayon dahil matatapos na ito. Pero may mga special chapters pa naman na ipo-post ang author. Sana nga lang—"
"August!" Putol niya sa mga sasabihin ko pa. Nakikinita ko na ang mukha ni Claudelle ngayon. Naka kunot ang noo habang naka cross-arm. Dahil sa naisip ko ay hindi ko maiwasang matawa. Ang cute lang kasi nitong tignan kapag nagagalit.
"Good morning, Claudelle!" Bati ko at mas pinagaan ko pa ang boses ko dahil baka magalit sa'kin lalo. "Nandiyan ka na ba sa baba? Wait lang ha? Pababa na ako." Malambing na sabi ko.
"Dalian mo, late na tayo!" Mariin niyang sabi kay tumango ako kahit hindi niya kita.
Si Claudelle ang best friend ko simula elementary. Ang karamay ko sa lahat ng mga drama sa buhay at siya rin ang palaging nasa tabi ko kapag gusto kong mapag-isa. Gagi nga eh! Sabi ko sa kanya no'n gusto ko mapag-isa kaso biglang niya akong pinuntahan sa bahay at nag dala ng mg CD tapes. Movie marathon daw kami.
Laking pasasalamat ko nga talaga ngayong school year na magkaklase kami. Nasa senior year na kami ng highschool. Taon kung saan kailangan alam mo na kung ano ang gusto mong maging sa pag laki mo. Sa kaso ko, hindi ko pa alam. Ewan ko ba, baka nga wala talaga akong mararating. Pero isang bagay lang naman ang alam ko. Kung nasaan si Claudelle ay doon din ako.
Pagkababa ko ay nakita ko kaagad ang nakabusangot na mukha ni Claudelle. Complete uniform pa ang gaga pero naka loose naman ang necktie niya tapos hindi naka butones ang unang dalawang butones sa itaas. Kaagad ko siyang nilapitan at inayos ang kanyang uniform. Ganito naman ang ginagawa ko palagi. Tamad kasi eh.
"Nag complete uniform ka pa kung ganito mo rin naman susuotin," sabi ko rito habang inaayos ang necktie nito. Hindi naman siya nag salita at nang lingunin ko ito'y hindi naman siya nakatingin sa akin. Pagkatapos kong ayusin ang necktie nito ay inunahan ko na siyang lumabas ng bahay.
"Tara na oy!" Sigaw ko dahil nanatili lang itong nakatayo. "Ang bagal eh!" Maktol ko pero nginitian ko lang siya nang bumaling na siya sa'kin na naka kunot ang noo.
Paglabas namin sa gate ay scooter kaagad ni Claudelle ang bumungad sa akin. Napangiti ako nang makita ang dalawang itim na helmet na nakasabit sa manobela. Kinuha ko ang isa at sinuot at nang makalapit na sa'kin si Claudelle ay sinuot ko sa kanya ang isa pa. Nagulat pa ang huli pero natawa na lang din siya.
"Saya mo yata ngayon? Ano'ng meron?" Tanong pa nito sa akin.
Wala namang meron sa araw na'to. Masaya lang ako dahil classmates kami sa huling taon namin sa highschool. Palagi kasi siyang nasa pilot section, matalino eh. Ang ginawa ko nga last school year ay nag-aral ng mabuti. Last year nga lang yata ako naging top achiever dahil sa pinilit ko talagang makakuha ng mataas na grades. Kaya nga nasabi ko sa sarili ko na kaya ko rin naman palang sumabay, 'yun nga rin hindi madali dahil halos madaling-araw na ako natutulog at hindi na kami nag bo-bonding ni Claudelle every break.
"Masaya lang," sabi ko at sumampa na sa motor. "May fifteen minutes pa tayo, kaya dalian mo," bulong ko sa may punong tenga nito at niyakap siya sa bewang. Kaagad naman sumalubong sa ilong ko ang panlalaki nitong cologne.
"Hoy! Umayos ka nga!" Saway nito at bahagya pang ginalaw ang katawan para kumalas ako. "Nagugusot uniform ko."
"Ayaw!" Paninigas ko. Bahala siya, alam ko naman na wala siyang magagawa. Ang tigas kaya ng ulo ko. Narinig ko naman ang pagbuga nito ng marahas na hangin, tanda ng pagsuko.
"Huwag kang magalaw ha? Bibilisan ko ang pag takbo."
"Okie dokie, po!"
Nang pinaandar na nito ang motor ay mas hinigpitan ko pa ang pag yakap ko sa kanya, pero hindi naman to the point hindi na siya makakahinga. Bigla namang bumagal ang pag takbo kaya tumingala ako.
"Bilisan mo uy!" Utos ko sa kanya pero hindi naman niya ginawa. Sinipat ko ang relo na nasa palapulsuhan ko. Five minutes na lang mag-a-alas siyete na. "Claud!" Sigaw ko malapit sa tenga nito.
"Tsk! Sabing 'wag kang magalaw mababangga tayo dahil sa'yo eh!" Asar na sigaw niya pabalik kaya kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. Alam naman niya na late na kami. Oo, kasalanan ko pero kailangan niyang magmadali.
Bigla-bigla na lamang nitong binilisan ang pagtakbo dahilan para dumikit ang katawan ko sa likod niya. Napakapit na rin ako sa kanya ng mahigpit at sobrang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa kaba.
Walang'ya talaga tong babaeng to!
"Claud!" Saway ko rito pero wala naman akong narinig na kahit na anong komento mula sa kanya. "Dahan-dahan naman." Lalayo na sana ako kaso bigla nitong hinawakan ang isang kamay ko kaya hindi ko natuloy ang binabalak. "Ano?" Inis na tanong ko pa.
"Kumapit ka lang." Malamig na wika niya kaya sinunod ko na lang. Alam ko kung paano magalit si Claudelle. Proven and tested ko na ito. Kahit makulit ako't palagi ko siyang inaasar ay alam ko naman kung kailan ko siya titigilan.
Nakayakap lang ako sa kanya sa buong biyahe. Ako ang unang pumanaog nang makarating na kami sa skwelahan. Siya na rin mismo ang nagtanggal sa helmet sa ulo ko. Okay na siguro siya. Hindi na siguro siya galit sa'kin kaya nginitian ko ito. Kaso hindi naman siya nag react at seryoso lang ang mukha.
"Galit ka ba?" Malumanay na tanong ko sa kanya. "Sorry na uy."
Bumuntong hininga ito sabay gulo sa buhok ko. Hinayaan ko lang siya para hindi na siya magalit.
"Ano ba'ng ginawa mo last year at lumaki ang mga 'yan?"
Kunot noo ko siyang tiningala. Mas matangkad kasi siya sa'kin. Sa katunayan nga niyan ay hanggang balikat lang ako ni Claudelle. Ewan ko ba pero nasa kanya na lahat. Pogi na maganda tapos matangkad, matalino, maputi at mabait. Tapos ako na kaibigan niya 'di man lang nadiligan ng katangkaran, kagandahan, at katalinohan.
Pero ika nga nila opposite attracts, so kaya siguro nag click kaagad ang friendship naming dalawa.
"Ha?" Nagtataka kong tanong sa kanya. May tinuro naman ito at nang tinignan ko ay pinamulahan kaagad ako ng mukha. "Hoooooyyy!!" Nalalaki ang mata na tinignan ko si Claud kaso ang gago tinalikuran lang ako. "Hoy!" Tawag ko rito pero hindi na niya ako pinakinggan.
Pagdating namin sa classroom ay wala pang guro sa harapan kaya dali-dali akong umupo sa usual seat ko, tumabi naman sa akin si Claud. Dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase ay kinuha ko ang cellphone ko at nag facebook. Sa kalagitnaan ng pag s-scroll ko ay may biglang umagaw sa cellphone na hawak ko. Nang tignan ko ay si Tristan pala. Magagalit na sana ako kaso crush ko eh, kaya kaagad nawala ang asar ko.
"Good morning!" Nakangiti kong bati sa kanya. Si Tristan ang Vice President ng section namin habang si Claud naman ang President. Silang dalawa ang pinakamatalino sa klase pero si Claud palagi ang nasa top one at proud best friend lang ang ambag ko.
"Good morning!" Ngumiti siya pabalik kaya sumilay kaagad ang biloy nito sa kanan niyang pisngi. Ang gwapo talaga! "Free ka ba sa sabado?"
Umakto akong nag-iisip pero ang totoo ay wala naman talaga akong gagawin sa araw na'yun. Napadako naman ang tingin ko kay Claud na nakatingin sa amin ni Tristan at na realize ko na kailangan ko nga palang bumawi sa kanya this year.
"Naku sorry, Tristan may lakad ako sa sabado eh," may panghihinayang sa boses ko nang sabihin ko ito. Nakakapanghinayang naman kasi crush ko kaya siya. Baka ayain ko nito sa isang date. Pero mas priority ko si Claud ngayon.
"Ah! Sige sa susunod na lang."
Tumango ako pero kahit naman ayain ako nito hindi pa rin ako sasama. Crush ko si Tristan pero not to the point na iri-risk ko ang friendship namin ni Claud. Siyempre siya ang uunahin ko. Nang bumalik na si Tristan sa seat niya ay tinawag ako ni Claud. For sure magtatanong ito kung saan ako sa sabado dahil nakita ko kanina ang pag kunot nang noo nito sa naging sagot ko kay Tristan.
"Yes?" Maarte na tanong ko. "May itatanong ka po ba mahal kong Claud?"
Nagulat ito sa tinuran ko kaya tinawanan ko siya. "Ano nga kasi?"
"Saan lakad mo?" Nagtataka nitong tanong. "May hindi ka ba sinasabi sa'kin, August?" Pansin ko na parang nasasaktan siya sa ideya na naglilihim ako sa kanya. Well kahit naman siguro ako.
"Secret!" Tudyo ko. Sa sabado ko na siya aayain total kailangan ko pa mag prepare sa mga gagamitin ko sa lakad naming dalawa sa sabado. Nag paalam na ako kina mama sa bagay na ito at pumayag naman sila. Basta talaga si Claud ang kasama ko ay hindi na sila magdadalawang-isip. Mas may tiwala pa nga sila kay Claud kaysa sa'ki eh.
Umiwas na ako ng tingin dahil may pakiramdam ako na kukulitin ako nito hanggang sa sumagot ako. Binaling ko na lang ang paningin ko sa gilid at inaliw ang sarili sa mga tanawin sa labas. Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok na ang adviser namin at ang unang instructor namin sa umagang ito.
Nang mag break time na ay sabay kami ni Claud na pumunta sa cafeteria para bumili ng snacks at tumambay sandali sa ground.
"Saan ka ba sa sabado at tinanggihan mo si Tristan?" Iyan ang tanong niya nang maka upo kami sa bench na gawa sa bakal. Kasalukuyan itong kumakain ng sandwich. Nang tumingin ako sa gawi niya ay napansin ko na may dumikit na sauce sa gilid ng labi nito kaagad ko naman itong pinunasan gamit ang hinlalaki. Napansin ko naman ang pamumula ng pisngi niya, siguro dahil sa mainit ang panahon ngayon.
"Ang kalat mo talaga kumain, Claud."
Bumalik ako sa pag kain at pinagpatuloy ang pamamasid sa mga estudyanteng naglalakad sa hallway.
"S-sa sabado," rinig kong wika ni Claud. Nakalimutan ko tinatanong pala niya ako kanina.
"Ah! Sa sabado! May lakad ako. Sama ka?" Kaswal na tanong ko rito. "Sama ka para masaya!"
"Pero nag aya si Tristan sa'yo kanina, bakit hindi na lang siya ang isama mo sa lakad mo?"
"Ayaw mo'ko makasama?" Umakto akong nasaktan pero inirapan lang ako nito. "Seryoso nga kasi, Claud. Ikaw na lang sumama sa'kin. 'Di mo na ba ako lab?"
"Tsk! Tara na!"
Tumayo na ito at tinalikuran ako. Hinayaan ko siyang mauna sa paglalakad dahil nag-iisip ako kung ano ba ang magandang ibigay sa kanya.
Sinuri ko ang hugis ng kanyang balikat at pati na rin ang haba ng kanyang biyas. Muntik ko nang makalimutan na athlete pala si Claud. Volleyball player na siya simula elementary hanggang ngayon at dancer din siya kaya solid ang pangangatawan. Palaging XL ang size ng mga t-shirt niya at kapag sinuot ko ay nagmimistulang bistida sa haba. Kahit na panlalaki ang porma nito ay bumabawi naman sa hitsura, sobrang ganda.
Marami nang nagkaka-crush sa kanya both gender at sobrang proud naman ako as her best friend. Alam niyo na, ito lang ang ambag ko sa buhay ni Claud. Pero napapa-isip din naman ako sa sarili ko kung bakit gustong-gusto ko siyang makasama. Hindi kompleto araw ko kapag hindi ko nakikita ang pagmumukha niya or hindi ko man lang ma amoy ang panlalaki nitong pabango.
Siguro dahil na rin sa parte na si Claud sa pagkatao ko.
Pagpasok namin sa classroom ay diretso upo lang ako sa usual seat ko at gano'n din si Claud. Lihim ko siyang tinignan. Ngayon ko lang ito napansin, iba ang dating ni Claud sa akin. Sobrang iba sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Espesyal siya sa'kin eh pero hindi ko naman alam kung bakit.
"Ano?" Lumingon ito sa akin na mag pagtatanong sa mukha.
Matangos na ilong, manipis na labi na may natural na kulay, matalim ang tinginan nito dahil sa hugis ng kanyang mata pero alam ko naman ang mga emosyon na pinapakita niya at higit sa lahat may kakapalan ang kilay nito na natural ang kurba.
"Hoy!" Untag nito sa akin dahil nanatili lamang akong nakatitig sa mukha niya.
"W-wala," agad na bawi ko at lumingon sa kabilang gilid. Palihim ko na dinama ang aking dibdib na ngayon ay tila lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang kaba.
Bakit ako kinakabahan? Natural lang naman sa akin na titigan si Claud, pero bakit ako kinabahan nang magkasalubongan ang mga tingin namin?
August! Gago ka talaga! Hindi pwede si Claud!
Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko sa mga naiisip ko ngayon. Nababaliw na yata ako. Kaya siguro ako nagkakaganito dahil kailangan ko ng jowa.
Tama! Kailangan ko ng jowa nang sa gano'n ay hindi si Claud ang mapagtripan ko. Nasira na siguro ang bait ko dahil sa sobrang drain last sem. Itutulog ko lang ito mamaya ng maaga. Tama!
•••°°°•••°°°•••°°°•••
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top