PROLOGUE
"ILANG araw nang hindi ko kayo nakikita ni kuya Reign na magkasama. Talaga bang ayos lang kayo?"
Iniwasan ko ang titig ni Reighly nang maramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Hindi ko maiwasan iyon sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng kuya niya. It's like his name has become a sharp glass in my chest and stabs at my heart whenever I press his name.
Ilang araw at gabi ko nang hinihintay ang tawag niya, pero linggo na ang lumipas at ganoon pa rin. Tahimik pa rin siya. Kahit man lang simpleng text ay wala.
How ironic.
I liked him because of that trait of his. Tahimik siya sa kanilang magkakaibigan. It started out as a simple curiosity for me. A mystery I wanted to unearth.
I wanted to know what his voice sounds like? What makes him break his silence? What are his interests? Does he like talkative girls or the quiet ones?
Hanggang sa mas lumalim pa ang mga tanong sa isipan ko. May girlfriend na ba siya? Kung wala, may natitipuhan na ba siya? What does he like about girls? Did he prefer good-looking ones or the good-hearted ones?
When men in school and around town tried to court me, I didn't entertain them because I didn't want to hurt their feelings knowing that in the end, I'd reject them. May mga may hitsura naman sa kanila, at mababait. Pero hindi alam kung bakit wala akong magustuhan. Hanggang sa ma-realize ko kung bakit.
It's Reign. I've been trying to look for him in them. I've been trying to see him in them. And that's when I realized I was falling for him.
Just like that, a simple crush slowly grew deeper into love.
I was 19 then. Just a sophomore college student and he was already an architecture graduating student.
Pumasok ako sa art club na kabilang siya para lagi ko siyang nakikita. Gusto ko nang sumuko noong una pa lang na ma-realize ko dahil hindi lang pala ako ang nakakapansin sa kanya. He's already a prince to every girl.
While my classmates and friends think I'm pretty, the girls that often surrounds him were prettier and more sophisticated. At magkakaedad lang din sila. I thought then that he's probably thinking I was too young for him.
So I stood at the side, while watching him from the distance with my secret feelings. I thought it would be the story of my life—hanggang sa makilala ko si Reigh.
She looked for me and told me she wanted me to be her friend. I thought she was weird, but she was really nice kaya madali kaming nagkasundo. She was actually the one who told me Reign had a crush on me since I was a freshman, pero dahil mahiyain daw ang kapatid ay siya na lang ang gumawa ng paraan para makilala ko si Reign.
He started to show his interest when he's near to graduation. And since then, we've been happy together for almost three years. Hanggang sa dumating itong pagsubok na sa tingin ko ay magiging katapusan ng lahat.
"May nangyari ba?" I could hear the concern in her voice. Inabot niya ang kamay ko at nag-aalalang humigpit ang hawak niya sa akin nang balingan ko siya.
Lumukso ang kama ko nang lumapit pa siya lalo. She had to come by to my house when I refused to go out today. Ni hindi ko na maalala kung kelan ako huling lumabas ng bahay simula noong hapong iyon nang magkasagutan kami ni Reign at hindi na ulit siya nagpakita.
Lalo akong napapagod sa tuwing dumadaan ang araw na hindi niya ako kinakausap. Was it my fault that I didn't tell him?
"Mia," alo ni Reighly nang lumabas ang pinipigilan kong luha. "Sinaktan ka ba ni kuya? Sabihin mo lang, talagang gugulpihin ko ang gagong iyon—"
"I think he's breaking up with me," I said with my tear-stricken face.
God, just thinking about parting ways with him and not seeing him ever again felt like I'm already losing my breath. Ganito ba ang pakiramdam kapag nababasag ang puso mo?
Napahawak ako sa dibdib ko para tiyaking buo pa ako. I just can't let him go.
"What?" She stared at me in mortification. "Bakit naman?"
"Narinig niyang aalis ako..." I said and I had to stop when my voice trembled.
"You mean about the California thing?"
I could only nod my head. My sister told me about it. Aksidenteng narinig ni Reign ang kuwento niya kay Aling Soling noong dumaan siya sa bahay nila at nagtanong tungkol kay Tita Ella. Nabanggit ni Mavie ang balak ni tita na sa kanya ako tumira panandalian kapag nag-decide na akong mag-aral sa California.
Kinausap niya ako tungkol doon at hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko dahil sa tindi ng galit niya—or maybe because he's too hurt that's why he reacted like that.
"I see... kaya pala laging wala si kuya sa bahay. He's coming home very late these days. Minsan pa nga umuwi siyang lasing na lasing. Inuwi lang siya ni Kuya Veto sa sobrang kalasingan niya."
Lalong namuo ang sama ng loob sa dibdib ko sa sinabi niya. I've always hated it when he drinks alcohol with his friends. Alam niya iyon at minsan na rin naming napag-awayan iyon.
He promised me he wouldn't drink again or touch an alcoholic beverage unless I'm with him, with limits. And now he broke that promise.
What else will he break?
Maybe my heart will be next.
"Ano nang plano mo? Do you really want to go to California?"
Umiiling na ako kahit na hindi pa niya tapos ang tanong. "Alam mong hindi ko iiwan si Reign." I've known loss when my mom died from a disease. Alam ko ang sakit ng nawalan. And I couldn't do it to him. I don't want to cause him pain or anything that is close to it.
"That idiot," bulong ni Reighly at nagbuga ng galit na hininga. "Kung bakit kasi ang liit g utak ng lalaking iyon."
Her phone suddenly rang. Sinulyapan niya muna ako na tila iniisip kung sasagutin niya ang tawag o hindi. Doon pa lang alam ko na kung sino ang tumatawag sa kanya.
Bumaba ang tingin ko. I don't want Reighly to feel she's betraying me as her bestfriend. Kapatid niya pa rin si Reign kahit na anong mangyari o kahit na magka-away kami. Blood is thicker than water after all.
"Ano? May load ka na? Kaya ngayon ka pa tuma—ano? Hello? Sino 'to?"
Mabilis na bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Oo, kapatid niya 'to, bakit? Bakit na sa'yo cellphone ng kuya ko?" mataray niyang tanong.
She's so different from me. Sa aming dalawa, siya ang mataray at ako naman ang hindi makabasag-pinggan, ika nga nila. She was the fighter while I was the coward. Kaya lagi akong nakasandal sa kanya.
Parang sumikip ang dibdib ko sa takot na dumaan sa mukha niya. "Ano'ng... nasaan na siya?"
My tears dried as soon as I heard the fear in her voice. "Si Reign ba?"
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Okay po. Salamat kuya. Papunta na po kami diyan. Kayo na po muna ang bahala sa kanya."
"Bakit? Ano'ng nangyari?" agad kong tanong nang ibaba niya ang tawag.
"Si Kuya Reign. Nakipag-away daw sa bar. Napuruhan daw ng tatlong lalaki. Bilis! Kailangan natin siyang puntahan bago pa malaman ni Daddy!"
Nagkumahog kaming lumabas ng kuwarto at ng bahay. Iyon ang unang pagkakataong umapak ako sa labas sa nakalipas na ilang linggong hindi namin pag-uusap ni Reign, ni hindi ko na inisip kung ano ang itsura ko, ayos ng buhok ko o ang suot-suot ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makita si Reign na buo pa at humihinga.
Hinabol pa kami ni Mavie habang sumisigaw kung saan kami pupunta. But we're nearly out of our mind right now as we raced outside.
Marami nang tao sa labas ng bar pagdating namin doon. Andoon na rin ang pinsan nila, si Veto, at agad siyang kumaway sa amin nang makita niya kaming paparating.
Nagulat pa siya sa itsura ko, dahil madalang lang akong lumabas ng bahay nang naka-pajama lang.
"Si kuya?" nag-aalalang tanong agad ni Reighly rito.
"Inuwi na nila sa bahay. Kinausap ko lang sandali ang may-ari sa ginawa ni Reign."
"Ano'ng ibig mong sabihin? Si kuya ang nagsimula ng gulo?" Hindi makapaniwalang tinitigan ni Reighly si Veto. Kahit ako'y hindi rin magawang paniwalaan siya.
Reign was not a violent person. Wala sa buto niya ang manakit ng tao. Ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng agresibong pag-uugali. He's the gentlest man I know beside my father. Napakatahimik niya at hindi lapitin ng gulo.
"Lasing na lasing na naman siya kaya napahamon ng away," ani Veto at tiningnan ako. "Kung gusto niyo siyang makita, mabuti pa puntahan niyo na sa bahay."
Sumunod kami sa kanya dahil doon din naman siya pupunta.
Magkapatid ang mga nanay nina Veto at Reign. Nang mamatay ang nanay ni Veto at maging ulila ito'y kinupkop na ito ng magulang nina Reign. He was born out of wedlock, kaya hindi niya na nakagisnan ang tatay niya. Mas kinilala pa niyang ama ang daddy nina Reign at para na ring kapatid ang turing nila rito.
Hindi malayo ang nilakad namin patungo sa mansyon ng mga Alba. Sa bayan namin, isa ang mga Alba sa mayayamang pamilya. Kaya ganoon na lang pagkaguluhan si Reign ng mga kababaihan.
Nang marating namin ang bahay nila ay agad kaming ipinuslit ni Veto sa kuwarto niya.
"Thank you, kuya Veto," ani Reighly.
Isang napakastriktong tao ng tatay nila—si Don Renaldo Alba. Isa siyang dating sundalo kaya ganoon na lang siya kahigpit sa mga anak niya, lalo na sa panganay na si Reign.
Hindi man ako parte ng pamilya'y nagpasalamat din ako sa kanya. I know how much Reign respects his dad, at ayaw niyang na-didisappoint niya ito. Kaya hindi pwedeng malaman ng daddy nilang nakipag-basag-ulo siya. Because he'll be in a lot of trouble.
Agad akong nanlumo nang makita ko ang putok sa labi niya at ang mga sugat niya sa gilid ng panga. May ilang dugo pa sa kamao niya at sa ibang parte ng damit niya. Seriously, why did he have to fight when he'll be hurt like that?
Kasabay ng panghihina ng tuhod ko ay ang pag-usbong ng galit sa dibdib ko. Bakit ba siya uminom kung hindi naman niya kaya? He's just breaking everything that he promised he won't do.
Gusto akong pangunahan ng pride ko, na huwag siyang kausapin katulad ng ginawa niyang hindi pagpansin sa akin ng ilang araw. And frankly, I wanted to ignore him and not to talk to him.
Pero nang mag-angat siya nang mata sa amin ay agad na nalusaw ang galit sa dibdib ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makitang nandoon ako, pero agad din siyang nagbaba ng ulo. He looked sober now. Pero amoy na amoy ko pa rin ang alak sa kanya. I wanted to stranggle him.
He knew why I do not let him drink. My mom had a liver failure because she was an alcoholic. That's why I hated the smell of liquor and even cigarettes.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Para mag-rebelde? Para ipakita sa akin na hindi na ako mahalaga sa kanya? Para iparamdam sa aking wala na siyang pakialam sa akin?
He didn't have to ruin his life to make me feel all that.
"Kung tititigan niyo lang siya, lumabas na lang kayo," ani Veto nang pumasok siyang may dala-dalang bimpo, tubig sa maliit na palanggang, at isang first aid kit.
"Kami na dito kuya," ani Reighly at kinuha rito ang mga dala-dala. "Abangan mo na lang si Daddy kapag dumating."
Nag-alinlangan sandali si Veto pero sa huli ay iniwan niya na rin kami at lumabas ng kuwarto niya.
Tinungo ni Reighly and mga gamit na iniwan ni Veto at lumapit sa kuya niya habang ako ay tahimik lang sa tabi ng pintuan at hindi alam ang gagawin.
"Ikaw naman kasi!" Inis na pinalo ni Reighly si Reign sa braso at napahiyaw naman ito.
Reign glared at her, pero wala iyong epekto kay Reighly. "Gusto mo suntukan na lang tayo?" ani Reighly ay sinumulang punasan ang dugo sa mukha niya.
"Tsk," asar-talong bumuntong hininga si Reign at napahawak sa gilid ng labi niya. Dumiin ang noo niya nang makita ang dugo doon at sumulyap sa kinatatayuan ko ang madilim niyang mga mata. "Lumabas ka na."
My gut twisted and I could feel the blood draining from my face.
Muli siyang hinampas ni Reighly sa braso. "Gago 'to. Gusto mo lang yatang ma-solo si Mia e." Ibinaba ni Reighly ang hawak na bimpo at tumalikod paharap sa akin.
She motioned her head, telling me to come over to them, pero umiling lang ako habang hindi pa nakatingin si Reign sa amin.
Reighly hissed and walked over to me. "Ikaw na bahala diyan, pinapalabas nga ako e. At saka para magkausap na kayo."
My heart went to overdrive. Pinandilatan ko siya at ganoon din ang ginawa niya sa akin. "Ayokong makipag-usap sa nakikipag-basag ulo," I whispered, but he still heard.
Reign smirked. "Reigh, pakisabi siya ang rason kaya ako nambugbog ng tao kaya siya ang dapat gumawa nito," anas niya at muling nagtama ang mga mata namin.
I looked away first. Ako? Paanong naging kasalanan ko at nambugbog siya habang lasing?
Umiling ulit ako kay Reighly. I just could not talk to him. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Iyon na lang ang ginawa ko sa mga nakalipas na araw na hindi niya ako kinausap. I was almost begging him to answer my calls...
So why don't you just talk to him now and ask if he wanted to end it? At nang magkaliwanagan na? Tutol ng maliit na boses ng konsensya ko.
"Narinig mo?" ani Reighly at itinulak sa akin ang first aid kit. "Sige na. Sa labas lang ako."
Binuksan niya ang pintuan at lumabas. For a small moment, I felt myself panicking and I was tempted to stop the door from closing. Ayokong maiwan mag-isa kasama si Reign ngayon.
Pero pinigil ko ang sarili ko at pinilit kong pakalmahin ang puso ko. Tama. Walang magagawa ang pag-iiwas. Ginawa na iyon ni Reign pero tumagal lang ang away namin dahil hindi kami nag-uusap. Hindi kami nagkaintindihan.
Sabi nga ni papa, walang problema ang hindi nadadaan sa malinaw na usapan.
Isang malaking hininga ang ginawa ko bago ako naglakad palapit sa kama. Hindi niya ako tiningnan o umimik man lang. He barely said anything to me, and he even used a third person to talk to me indirectly para lang sabihing kasalanan ko kung bakit nakipag-basag ulo siya.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis ngayon sa inaasal niya. At hindi ko iyon itinago. Inabot ko ang bimpo at padabog akong umupo sa tabi niya.
"Aw!" hiyaw niya nang punasan ko ang sugat sa panga niya.
That's for not talking to me for two weeks. Natiis niya akong hindi kausapin, well I won't talk to him.
He kept glaring at me as I washed the blood on his face. Nakagat ko ang labi nang makita ko ang pagtatagis ng panga niya sa tuwing dumidiin ang kamay ko sa sugat niya.
Pinunasan ko ang dugo sa ilong niya at sa bandang gilid ng labi niya. I gentled my hand when he hissed at the contact.
Ayaw pa niyang humarap noong una pero bigla ay buong katawan na niya ang iniharap niya sa akin. Napalunok ako dahil sa nakikita kong galit sa mga titig at bawat hininga niya.
I've never seen him so mad. Palagi ay ako ang nagagalit sa aming dalawa, and he's always been submissive. Kaya hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang galit niya.
It's my fault. Alam ko iyon. Siguro nga dapat sinabi ko sa kanya ang tungkol sa plano ni Tita Ella at ni Papa. Kaya ko lang hindi nasabi kasi akala ko hindi na importante iyon. I wasn't planning to go, so why would I even tell him?
I quickly looked down when I felt my eyes burning. Binasa ko ang bimpo at piniga iyon bago linisan ang mga dugo sa kamay niya. I wondered how strong did he punch those guys when I saw the bruises and cuts on his knuckles.
Alam niyang ayaw ko sa mga bayolente at palaaway at alam na alam niya kung gaano ko sinusuka ang alak. But here I am, smelling the reek of alcohol from him.
Did he really have to do this just to break up with me?
Bigla siyang nagmura. "Bakit ka umiiyak?"
Kinagat ko ang labi ko para huwag siyang sagutin. Kung nakayanan niyang hindi ako kausapin, kakayanin ko rin.
Pinagilan niya ang kamay ko sa mahigpit na kamay tanda ng galit niya. "Tingnan mo ako," mariing utos niya.
Hindi ko ginawa. I kept looking down on his arm and pulled back my hand. I just can't do this. Ibinalik ko ang mga bimpo sa maliit na palanggana at tumayo.
Pero natigilan ako at bumalik sa pagkakaupo nang abutin niya ang kamay ko. "Okay, I'm sorry," biglang sabi niya. His vocie was so low and deep it was like those words were wrenched out from him—the voice I know when he's sincere. When he's overwhelmed by his emotions.
"I'm sorry, hindi kita kinausap ng ilang araw. Pero hindi ba dapat ikaw ang humingi ng tawad dahil nagtago ka sa akin ng sekreto? Kaya bakit ka umiiyak?" His angry tone was mixed with frustration. "Wala na ba akong karapatan magalit? Pagkatapos ng nalaman ko?"
"Alam ko galit ka, pero pwede naman nating pag-usapan iyon, Reign."
"Usap? You wouldn't have talked to me if I didn't know," sumbat niya. "Alam mo kung gaano ka ka-importante sa akin, Mia. I always put you first. Hindi ko isinusumbat sa'yo iyon dahil ginusto kong mas piliin ka sa kahit anong desisyon ko. Ako? Naging importante ba ako sayo?"
I closed my eyes as frustration plague me. "Kailangan pa bang itanong iyan?"
"Sabihin mo!" His jaw clenched hard. "Dahil kung totoong naging importante ako sayo, hindi mo ililihim sa akin ang tungkol sa pag-alis mo!"
"Plano ko pa lang naman iyon," I cried.
"Ah, tapos sasabihin mo lang sa akin kapag andiyan na?" sarkastiko siyang ngumit. "Ganoon na lang ba ako sayo?"
Marahas niyang pinalandas ang kamay sa buhok habang umiiling. My heart ached at the pain etched on his face.
I blinked away the tears threatening to leave my eyes. "Pwede mo naman akong kausapin, Reign. Sana kinausap mo man lang ako. Hindi iyong hindi ka na nagpakita sa akin." Nag-init na naman ang sulok ng mga mata ko nang maramdaman ko ulit ang sakit nang binabalewala niya ang mga tawag at text ko. Iyong pag-iisip na baka nga hanggang dito na lang kami. Na dito matatapos ang ilang taon naming pinagsamahan. I almost went crazy thinking the same questions over and over again.
How could he not talk to me for weeks?!
"Sorry, okay? I'm sorry hindi ko sinabi agad sayo. Pero wala naman talaga akong balak na umalis at iwan kayo—ikaw. Alam ko... may plano ka para sa ating dalawa..."
My father wanted to see me finish my masters and my PhD, because that had always been my dream. But everything changed when I met Reign. My life and even my dreams... lahat iyon nagbago. I was already canceling my plans because I wanted to be with Reign. He's been feeding me thoughts about family and kids and a home he will build for us. I actually thought he would propose. Pero hindi na siguro mangyayari iyon dahil sa nangyari.
"Kung ayaw mo na, harapin mo ako. Sabihin mo sa akin, hindi iyong bigla kang mawawala at mananahimik ng ilang linggo. Just tell me, Reign. Hindi mo na ako makikita kung iyon ang—"
"Marry me."
"—gusto mo..." biglang naglaho ang boses ko at napakurap-kurap sa kanya. "Anong..."
Itinabi niya ang first aid at umisod siya palapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko at hinanap ng titig niya ang mata ko. "Marry me, Mia," ulit niya. And this time, I knew I was not hearing things.
Nanginig ang labi ko gayon din ang mga daliri ko. "Reign, kung sinasabi mo lang iyan para patunayang mahal mo ako—"
"Mahal kita, Mia at hindi ko na kailangang patunayan iyon kahit na kanino. Ang gusto ko, patunayan mong mahal mo ako..." Bumaba ang mga mata niya at ramdam ko ang hirap sa dibdib niya. "Importante ka sa buhay ko at hindi sa akin mahalaga kung mas prayoridad mo ang pag-aaral at ang pangarap mo kesa sa akin. Ang gusto ko lang, ang malamang akin ka. Na hindi magbabago ang nararamdaman mo. I don't care if you leave tomorrow, as long as I have you as my wife, at sa akin ka babalik, I'm fine with it. Just... just be my wife, Mia."
"Sigurado ka ba?" We just graduated and he's still looking for a job.
"I've never been sure my whole life."
Even though there was no ring, even though it wasn't the most romantic or the most extravagant proposal that I've always imagined, it was still the most beautiful and genuine proposal I have always dreamed he would make.
And I said 'Yes' then because there's nothing I wanted more that to be his wife.
But I never got to have that dream because even before it came true right before my eyes, he crushed it when he never showed up on our wedding day. Without any reason or word, he disappeared and made me the saddest bride.
It was the cruelest thing he could've ever done—when he branded me as the jilted bride. The girl he left behind.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top