Letter 3: The Queen


Wincy Han POV

Patakbo akong papasok ng Hospital, I immediately dial the number of Evans. Ilang segundong nakalipas at may sumagot sa tawag ko.

"Who's this?" Natigilan ako sa narinig. Di na babae ang sumagot sa phone ni Evans, di na 'yong taong tumawag sa akin kanina na humingi ng tulong sa akin.

Medyo natagalan ako sa pagsagot dahil di ko alam kung anong isasagot ko. What if family ni Evans ang lalaking sumagot sa tawag ko? I'm not needed to be here, Evans and I not really related with each other, and we're just met only two times at the bus.

In the end ay napagdesisyonan kong ibaba ang phone.

Third Person POV

"Tsk. Ibang klase, binabaan ako." wika ng lalaking nakaupo malapit sa higaan ng pasyente na nagngangalang Evans Yu.

"Wrong call siguro Ethan, sino namang magtatangkang tawagan ang pepe mong kambal?" nakabungisngis na wika ng kaibigan ni Ethan Yu na nagngangalang Hiro.

Nagpantig naman ang tenga ni Ethan sa narinig at marahas na kinwelyuhan ang kaibigan. "Get out!"

"What?! anong mali sa sinabi ko?" inis na tanong ni Hiro.

"You just insulted my lil bro and you just asked me what's wrong?" Tinulak ni Ethan palabas ang kaibigan at agad na pinagbagsakan ito ng pintuan.

Nagising naman bigla si Evans at nakatingin kay Ethan nang may pagtataka sa mukha. Kitang-kita kasi sa mukha ng kapatid ang pagkainis.

"They bullied you again?" inis na tanong ni Ethan, "Here, your hearing aid. Di ko na mabilang kung ilang hearing aid na ang nasayang ng dahil sayo."

Ngumiti lamang si Evans sa kanyang kuya at agad na inilagay sa tenga ang hearing aid.

"Nga pala, may tumawag sa cellphone mo." mabilis na itinapon ni Ethan ang phone at nasalo naman ni Evans.

Bigla namang nagbago ang reaksyon ni Evans nang makita ang number kaya na-curious si Ethan kung sinong tumawag sa kapatid niya. It's first time na nakita ni Ethan ang kapatid na nagpakita ng interes.

Sino kaya ang tumawag? Bakit gano'n na lamang ka excited ang kapatid habang nakatingin sa sariling phone nito?

Mabilis naman na kinuha ni Evans ang notebook at ballpen na hinanda ni Ethan para sa kanya at mabilis na nagsulat at pinabasa kay Ethan.

Kunot noo naman si Ethan sa nabasa, "Tawagan mo siya at itanong kung bakit siya napatawag?"

The hell dude.

"Pwede ba wag mo akong gawing tanga. Di naman pala gano'n ka importante ang itatanong mo."

Nagsulat muli si Evans "Please"

Napakamot na lamang ng buhok si Ethan, "Akin na nga, wag mong kalimutan na may kapalit ito. You shouldn't talk to me at school because they don't know that we're fraternal twins except that bastard Hiro!"

Evans just nodded happily without minding the rudeness of his older brother.

Mabilis namang inagaw ni Ethan ang phone at agad na tinawagan ang numero. Nakatayo lamang ito sa tabi ng higaan ni Evans at nakatingin sa kambal na nakakunot ang noo. Napahawak naman ito sa kanyang bewang at mukhang naiinip na.

"Tsk. Ano namang mapapala mo sa taong tatawagan mo?" Ethan said with annoyance.

Di nagtagal ay may sumagot sa tawag. Nagtinginan naman ang kambal sa isa't-isa at halata sa mukha ni Evans na kinakabahan.

"Sino po sila?" tanong ng taong nasa kabila ng linya. Boses matanda ang sumagot kaya mas nadagdagan ang inis ni Ethan.

"Bakit ka raw napatawag?" Maangas naman na sinagot ni Ethan ang kausap. Naka-loud speak ang call kaya rinig na rinig ni Evans ang pinag-uusapan nila.

"H-Hindi ako ang tumawag, baka si Ma'am Wincy ang tinutukoy niyo."

Napataas kilay naman si Ethan sa narinig, tila pamilyar sa kanya ang pangalang Wincy. Di kaya siya 'yong babaeng kinahuhumalingan ni Hiro? Imposible, malabong mangyari na magkakilala si Evans at ang school beauty ng campus. Ang taas kaya ng standard ng babaeng 'yon. Kahit si Hiro ay madali lang na etsapwera.

"Pasensya na pero nakauwi na si Ma'am Wincy sa kanila. Ipaparating ko na lang sa kanya ang mensahe mo."

"Tsk. Evans! Anong sasabihin ko dito?" asar na tanong ni Ethan sa kambal.

Mabilis naman nagsulat si Evans at ipinakita kay Ethan ang nakasulat sa notebook, "Tell her that i'm fine."

"Pakisabi daw na okay lang si Evans." Pagkatapos ni Ethan na sabihin 'yon ay kaagad niyang pinatay ang phone at hinagis kay Evans.

"Sino bang Wincy 'yan? Himala atang may babae pang nakakapansin sa iyo?" tanong ni Ethan ngunit di na siya sinagot pa ni Evans dahil nakatuon lang ang atensyon ng kambal sa sarili nitong phone habang di maalis ang ngiti nito.

Wincy Han POV

Sinubsob ko ang aking mukha sa desk. 20 minutes na lang bago mag lunch.

Panay ngiti ko habang hawak-hawak ko ang phone. I can't believe this; I just save his number to my contacts. Nakuha ko 'to mula sa phone ni Manong driver. I'm also glad that I know now his name.

Evans, what a cool name...

"Ma'am Wincy, napatawag pala 'yong number na tinawagan mo kagabi at sabi niya na maayos lang siya."

Di mapawi ang ngiti ko, I'm glad that he is okay. Kontento na ako do'n.

Pinapanalangin ko sa Diyos na sana makita kong muli ang ngiti ni Evans...

Even though I found out that Evans was unable to hear, I'm still glad that he didn't ignored me for no reasons.

Honestly speaking, I'm not disappointed of his condition but I still can't believe that he has a disability behind his innocent smile.

Tumunog na ang school bell, napagdesisyonan ko nang lumabas kasama ang ilan kong mga kaibigan. Kahit papaano ay di ako naging loner sa school na 'to. Thanks sa iba d'yan na naninira ng buhay ng iba, mas naging mapili ako sa kaibigan at di ko naiibigay ang buong tiwala ko. Note, pinariringgan ko si kwago este Hiro.

"Look Wincy!" Nakuha naman ang atensyon ko nang bigla akong kalabitin ng classmate ko, "May pinagti-tripan na naman si Hiro."

Pagkarinig ko pa lang sa pangalang Hiro ay bigla na namang nagsilabasan ang mga natutulog kong mga ugat.

"Di mo naman kailangan i-report sa akin ang lahat tungkol sa Kwago na 'yon." Mahinahon ngunit malamig kong sabi.

"Tsk. Huwag ka ngang ganyan. Nakakatuwa kaya ang ginagawa ng Prince Charming mo! Sino na naman kayang loser ang target niya ngayon?"

Ngumiti na lamang ako ng peke sa classmate ko, bahagya kong tinabig ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Ayoko talagang hinahawakan ako ng mga kampon ni Hiro at baka mahawa ako.

Pasalamat siya at wala ako sa mood na patulan siya kundi kanina pa dumikit ang palad ko sa pisngi niya.

Napatingin naman ako sa kumpulan sa hallway. Kahit kailan talaga ay may saltik sa utak si Hiro, bakit dito pa sa gitna ng hallway naisipang mag-eskandalo? Drug addict ata ang loko.

Dahil gutom na talaga ako at di na matiis ang nagrereklamo kong sikmura, di na ako nagpaligoy-ligoy pa na lumusong sa gitna ng di mahulugang karayom ng mga chismoso't chismosa.

Sa di kalayuan ay nakikita ko na si kwago kasama ang iba pang mga Akatsuki. Nasanay na ako sa kanila, walang araw na di sila nambubully. Kung wala mang mahanap si Hiro na maging target for the day ay ako naman ang pinagtutuunan ng pansin niya.

Sometimes, I felt glad that someone caught the attention of Hiro and be the toy for the day for him because it saves my day.

Nang makalapit naman ako kina Hiro ay di ko naman maiwasang marinig ang kanilang panlalait sa target.

"Hoy wag kang magbingi-bingihan bingi!"

"Hahaha! Nakakatawa ang isang 'to. Nerd na nga bingi pa!"

"Wag niyo munang sirain ang bagay na nasa tenga niya! Kailangan pa nating utusan ang bingi na maglakad ng hubad sa buong campus!"

Nagsi-apiran naman ang mga barkada ni Hiro aka mga akatsuki at sabay na nagtawanan. Nagtawanan na rin ang iba pang mga estudyanteng nanunuod sa eksena.

Di na ako makatiis, paano nila maaatim na manlait ng gano'n?! Paano ba sila pinalaki ng mga magulang nila? I can't believe this school!

Full of trash!

Plano ko sanang lagpasan na lang sina Hiro at umiwas sa gulo ngunit di ko talaga mapigilan ang sarili na tulungan ang kawawang estudyanteng pinagtulungan nila.

Nang makalapit na ako ay nakita ko naman ang taong pinagtulungan nila, puno ng pasa ang kanyang mukha at suot-suot niya parin ang basag niyang salamin.

He... What is he doing here?!

Gulat akong napatingin sa lalaki. Di maalis ang tingin ko sa kanya.

My heart suddenly aches when I met his gaze once again.

Akala ko ay magugulat siyang makita ako na nakatayo sa harapan niya o hihingi man lang ng tulong sa akin ngunit mas pinili niyang ngumiti sa kabila ng natamo niyang bugbog.

Di ko alam ang sasabihin ko, feeling ko na mas doble akong nasaktan sa ginawa nila kay Evans.

Third Person POV

"Hoy wag kang magbingi-bingihan bingi!"

"Hahaha! Nakakatawa ang isang 'to. Nerd na nga bingi pa!"

"Wag niyo munang sirain ang bagay na nasa tenga niya! Kailangan pa nating utusan ang bingi na maglakad ng hubad sa buong campus!"

'Yan ang naririnig ni Ethan mula sa mga estudyanteng nangungutya sa kanyang kambal. Nakikitawa na lamang siya dahil di niya naman kasalanan kung bakit nasa gonoong sitwasyon si Evans.

They promised to each other that they will treat each other as strangers inside the campus.

Palagi na niyang pinagsasabihan ang kambal na iwasan niyang magtagpo ang kanilang landas ni Hiro ngunit di talaga siya nakikinig sa payo niya.

Inaamin ni Ethan na ikinahihiya niya ang bunso niyang kapatid dahil may kapansanan ito. He will not let anyone know his secret but unfortunately Hiro dig some information about him that's why he became the evil's confidant.

Hiro blackmailed Ethan kaya naging sunod-sunuran siya sa kinikilalang hari ng campus.

Di niya sinasadya na hahantong sa ganitong sitwasyon na pagtitripan mismo ni Hiro ang may kapansanan niyang kapatid. Pilit niyang ikinubli ang kanyang sariling emosyon para lang maprotektahan ang kanyang sariling katayuan sa loob ng campus.

Pag nalaman ng lahat na kambal niya ang pepeng palaging pinagti-tripan ni Hiro ay paniguradong itatakwil siya ng kanyang mga kaibigan. At ang mas malala pa no'n ay sa kanya ibubunton ang lahat ng kasalanan ni Hiro dahil alam ng lahat na naging kasabwat siya nito. He will get a bad reputation by bullying his own brother.

Sa likod ng tawa ni Ethan ay ang nararamdamang awa sa kapatid. He clenched his fist.

Someone...

I need someone... help Evans!

Sa gitna ng tawanan ay bigla na lamang pumagitna sa pagitan nina Hiro at Evans ang sikat na model ng J&J Magazine. Hinarap ng babae si Evans at sinusubukan namang basahin ni Ethan ang reaction ng babae habang tinititigan nito ang kambal niya.

Napangiti naman si Evans nang makita ang babae.

Sa pagkaka-alam ng lahat na kasing sama ng ugali ni Hiro ang sikat na model. She gives a cold aura to everyone. She's indeed the queen of their campus.

"Wincy! You're here for me? How unusual, i-imbitahin mo na naman ba akong maglunch?" hambog na tanong ni Hiro. He really likes Wincy Han, she's a part-time model of J&J Magazine and the daughter of the most prominent family in the country. Sino pa bang aayaw sa katulad niya di ba? All boys must be drooling over her but they also know that she's a prick.

Nagtataka naman si Ethan sa ikinikilos ng campus queen. Why is she looking at Evans? Don't tell me she decided to join Hiro to bully Evans?

Bigla na lamang hinawakan ni Hiro ang braso ni Wincy at pinilit na hinarap sa kanya. Nagulat naman ang lahat nang marahas na hinawakan ni Wincy ang kwelyo ni Hiro at malakas itong sinampal. Rinig ng lahat ang malutong na sampal sa pisngi ni Hiro.

They can't believe that Wincy Han could do such thing to Hiro.

Di naman makapaniwala si Ethan sa ginawa ni Wincy. Katabi lamang ni Hiro si Ethan kaya di siya nagmamalikmata. Klarong-klaro kay Ethan kung gaano kagalit ang mga mata ni Wincy sabay ang pagbagsakan ng mga luha nito.

Mabilis na hinarap ng babae ang kakambal at tinulungan itong makatayo ng maayos.

Di makapaniwala ang lahat sa nasaksihan.

The Queen helping a losser? And even slapped the king?

Ethan's mouth slightly open, he can't understand why someone like Wincy Han helping a loser likes Evans. She's not afraid to lose face in front of everyone?

Ito ang unang pagkakataon na makatagpo si Ethan ng taong iiyakan ang kanyang bunsong kapatid.

She's the queen bee yet she unexpectedly became Evan's guardian angel.

At ang taong iyon ay nagawang buksan ang mga mata ni Ethan at nagawa ring patibukin ang patay nitong puso.

Sa unang pagkakataon ay nakamdaman si Ethan ng selos sa kapatid.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top