Chapter Six
WALA PA RIN SINA TANYA AT KEITH sa mesa pagbalik nina Nena at Clint. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Yves na nakikipagkwentuhan sa isang babaeng kakapusin sa tela ang suot na pulang damit. But Nena had to admit, the woman had the right to wear that. Anyone who ever had a body as sexy as that would proudly flaunt it, whether everyday or for just one night.
Ang nakakapanibago lang sa kanya ay ang pagkaaliw ni Yves sa kausap. Hindi pa niya kasi ito nakikitang makipag-usap ng ganoon sa isang babae. 'Yong tipong halos magpalitan na sila ng mukha. Ang kulang na lang ay dumantay ang nakaabang na kamay ng lalaki sa hita ng kabulungan nito. The woman seemed to reciprocate the same feeling, tapping Yves' hand that rested on his own knee as she laughed. Nag-angat ang mga ito ng tingin nang maramdaman ang presensya nila.
"Nena!" ngiti sa kanya ni Yves. "Si Iris nga pala."
Bumalik siya sa dating kinauupuan. Iris extended a hand to offer her a handshake. Tinanggap iyon ni Nena.
"Wow, you're gorgeous!" At nilingon niya si Yves, "Kaano-ano mo?"
"Ah..." naghagilap pa si Yves ng isasagot. "Friend."
Awtomatikong napunta kay Clint ang tingin ni Nena. Nginisihan lang siya ng lalaking nakaupo na sa tabi ni Iris. Hawak nito ang baso ng beer habang relaxed na nakasandal sa backrest ng kinauupuan. Nakapatong ang isang braso nito sa ibabaw ng backrest, kaya parang naka-akbay na rin ito kay Iris.
Ang lalaking ito! Ang lakas ng loob landiin ako tapos may pinasunod pala siya ritong isa sa mga babae niya! wala sa loob na dinama ni Nena ang gilid ng leeg na dinilaan kanina ni Clint.
Lalo tuloy lumuwag ang pagkakangisi ng lalaki bago uminom sa baso nito.
His eyes were still on hers.
Umiwas si Nena ng tingin sa lalaki at hinarap si Yves.
Umakto ka lang nang normal, Nena.
"Yves, baka makalimutan ko pang ibigay sa'yo ang gift ko. Kunin na natin sa kotse mo!" masigla niyang wika. "Kukunin ko na rin ang bag ko."
"Oo nga pala, si Attorney na ang maghahatid sa iyo pauwi, 'di ba?"
Diyos ko! Oo nga pala. Nagprisinta siya, sulyap niya kay Clint na binubulungan yata ng kaharutan si Iris kaya bungisngis ngayon nang bungisngis ang babae. Ewan kung bakit damang-dama ni Nena ang panggagalaiti habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.
Natigil ang pag-uusap ng mga nito nang sumingit si Yves.
"Dito muna kayo, Attorney," paalam nito. "Kukunin lang namin ni Nena 'yong gamit niya sa kotse ko."
Clint's eyes narrowed, scanning her. Or better say, double-checking something before he smiled at Yves.
"Sure," swabe nitong sagot.
Yves turned to her. "Tara."
Tumayo agad si Nena at sinundan si Yves. Inusog nina Iris at Clint ang mga binti para padaanin ang lalaki. Sa kabilang side ng mesa dumaan si Nena dahil wala pa naman sa upuan nila sina Tanya at Keith.
Tinapik ni Yves sa tuhod si Clint.
"Attorney, pakisabi na lang kila Tanya, ha? Babalik din kami agad ni Nena."
"Yeah, sure," ngiti nito sabay simangot nang tutukan siya nito ng matalim na tingin.
Iniwas na lang ni Nena ang mga mata sa lalaki at humawak sa braso ni Yves.
Their footsteps and voices echoed upon reaching the parking space. Binilisan nila Nena ang paglakad nang matanaw ang kotse ni Yves. Binuksan ng lalaki ang pinto at ito na mismo ang kumuha sa bag niyang naiwan sa shotgun seat.
"Thank you," sukbit ni Nena sa bag bago iyon binuksan para ilabas ang regalo.
Ni-lock ng binata ang kotse at sumandal sa gilid niyon. His eyes carefully studied her features. Si Nena naman nakayuko pa rin, hinahalungkat ang regalo sa bag. Natabunan iyon ng paper bag na pinaglagyan niya ng pinalitang damit at isa pang paper bag kung saan niya nilagay ang extra na sapatos.
Ngumiti ang lalaki nang sulyapan niya ito.
"Teka lang," mahina niyang tawa, medyo ninerbyos sa sobrang tagal makuha ang ibibigay na regalo. "Natabunan ng mga gamit ko, e."
Inihilig nito ang ulo, malaya siyang tinitigan. "Hindi ka sana nahirapan sa pagpili ng regalo para sa akin."
"Asus," aniya, maingat na hinihila palabas ng bag ang regalo, "ano ka ba? Dati pa naman tayo nagpapalitan ng regalo kapag may nagbi-birthday. Ako nga ang dapat mahiya, kasi mumurahin lang ito."
"Nag-abroad lang ako," tawa nito. "Hindi naman ako nagbago, Nena. Mga simpleng bagay pa rin ang gusto ko."
She lifted her eyes on Yves and met his stare with his charming smile.
"Iyan din ang naisip ko," patuloy niya sa paghila palabas sa regalo. Maingat si Nena kasi baka magtalunan palabas ng bag ang iba niyang mga gamit. "Kaya..." she finally pulled it out, "...simple rin itong gift ko," abot niya ng natuping birthday bag kay Yves.
"Talagang tinago mo pa ito sa bag mo ha?" kuha ng lalaki sa bag.
"Siyempre," taas ni Nena ng tuhod para ipatong doon ang shoulder bag. Ini-zipper niya iyon pasara. "Kung nakalabas iyan kanina, e 'di hindi na surprise na may regalo ako para sa'yo."
Mahina itong tumawa at tinatanggal ang scotch tape ng paper bag.
"Hoy, pwede namang mamaya mo na buksan iyan," panlalaki niya ng mga mata sa lalaki.
"Ah, bubuksan ko na," ngiti nito at nagnakaw pa ng tingin sa mga mata ni Nena. "Para ngayon pa lang, magkaalaman na tayo."
Inayos ni Nena ang pagkakasukbit ng shoulder bag sa kanyang balikat. She placed a hand on her hip.
"Simple 'yan pero maganda 'yan," pagmamayabang niya. "Magkaalaman ka pang nalalaman, ha?"
He chuckled and lost his patience for the last scotch tape. Hinatak na nito pabukas ang bag at nilabas ang laman niyon. It was a cute neck pillow that had a bear's face, arms and ears.
"Para hindi ka mangalay kapag nasa eroplano ka na ulit," nakangiting hilig ni Nena ng ulo.
Maluwag na ngumiti sa kanya si Yves bago nito sinuot sa leeg ang neck pillow. Nang isuot ang neck pillow, nagmistulang niyakap sa leeg si Yves ng mga braso ng oso.
"Thank you," anito. "Wala pa akong neck pillow kaya magagamit ko talaga ito. Lalo na sa flight pabalik ng Japan."
"Buti naman! Magagalit ako kapag sinayang mo ang effort ko sa pagbili niyan!" tawa niya at tumagilid. "Ano? Tara na sa loob at baka hinahanap na nila tayo—"
Tatalikod na sana siya nang hablutin ni Yves sa braso. Napaharap tuloy siya sa lalaki. Bigla siya nitong kinabig para yakapin.
"Thank you," he grunted, squeezing her with his arms.
"Kung thankful ka, pahingain mo ako!" tawa niya habang tinatapik-tapik ito sa likod.
Yves laughed and released her. Sumaglit ang mga mata ng lalaki sa mga mata niya. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Akala ni Nena may sasabihin pa ito kaya nakatitig ng ganoon pero tuluyan na itong lumayo sa kanya at tiniklop ang birthday bag. Hinarap nito saglit ang kotse para iitsa sa seat niyon ang birthday bag. Then he locked it again and offered an arm for her.
"Let's go," akay nito sa kanya pabalik ng club.
"Sino pala 'yong Iris?" lingon niya kay Yves habang naglalakad na sila.
"Ah, niyaya ni Clint 'yon sa birthday ko," anito na parang nahihiya.
"Date ni Clint?" usisa niya.
"Uh... hindi."
Hindi date. Baka isa sa mga pang-one night stand ng harot na herodes!
Paanong hindi siya maiirita? Nilalandi siya ni Clint kanina lang! Tapos pagbalik nila sa table, may plus one pala itong babae!
Ano ba ang dapat kong i-expect sa lalaking iyon? Kaya nga ayoko siyang patulan, 'di ba? Ang landi-landi! gigil na huramentado pa rin ng isipan niya.
Pagbalik nila, hindi na rin naman sila masyadong naglasing pa. Lalo na ang mga lalaki dahil magda-drive pa ang mga ito ng mga sasakyan nila pauwi. Naunang tumayo si Clint at nagpaalam kay Yves na lalo niyang kinainis.
"Ayoko pang umuwi!" protesta ni Nena nang bigyan siya ni Clint ng makahulugang tingin.
"Look, Nena," labas nito ng susi mula sa sariling bulsa, hudyat na hindi na ito makukumbinsi pang magtagal sa club, "your weekends are day-offs, but for me, I have a client to meet at nine in the morning. We have to go."
"Ah, gano'n," dampot niya sa baso ng beer. "Sabay na lang ako sa iyo, Yves," lingon niya sa katabi.
"Nena," pisil nito sa pisngi niya, "sumabay ka na kay Attorney at uuwi na rin naman kami." Pagkatapos, sila Tanya na ang kinausap ni Yves. "Kaya mo pa ba mag-motor pauwi, Keith?"
"Oo naman," sagot nito, nakaakbay kay Tanya na mukhang inaantok sa kabila ng nakabibinging tunog sa club. "Magsipag-uwian na nga rin tayo at inaantok na itong asawa ko."
"Heh!" paitaas na tingin ni Tanya sa asawa. Nakasandal ito sa balikat ni Keith habang nakadantay ang braso sa dibdib nito. "Nagpapababa lang ako ng tama ko."
"The more reason you'll need to go home already," ani Clint na nakatayo pa rin at siya na naman ang pinukulan nito ng tingin. "Let's go, Nena."
Sumaglit ang mga mata niya kay Iris. So, ako ang magiging witness sa harutan ng dalawang ito sa kotse ni Clint?
She lazily stood up.
"Hoy, 'yong bag mo," paalala ni Tanya sa kanya. Mabilis na dinampot ni Nena ang bag naiwan sa upuan.
Tumalikod na si Clint kaya mas nagmadali si Nena. Bumeso siya kay Tanya.
"Mag-iingat sa byahe," anito habang nagbebeso-beso sila.
Then she waved a hand at Keith. Tumango lang ito. Sunod niyang hinarap si Yves at niyakap ang lalaki. Pinatong niya ang baba sa balikat nito para malapitang makausap ito.
"Happy birthday ulit! Dapat, magkita ulit tayong lahat bago ka umalis, ha?"
He smiled. "Oo naman." Yves' eyes stared back into hers then wondered on her lips.
"Nena," mahigpit na tawag ulit sa kanya ni Clint. She was oblivious to that sour look on his face.
"Ingat, Attorney," paalam ni Tanya sa lalaki.
"Thanks. Have a safe trip sa inyo. Enjoy the weekend too," walang kabuhay-buhay nitong sagot. Pinalagay naman ng mga kasama ni Nena na epekto lang iyon ng alak sa lalaki kaya hindi 'yong normal nitong personalidad ang lumalabas—'yong masigla, palabati at palangiti.
"Thank you, Attorney," ngiti ni Yves dito nang humiwalay na si Nena sa pagkakayakap sa birthday celebrant.
Nakidaan si Nena kila Tanya hanggang sa makatabi na si Clint. Tatawagin pa lang niya si Iris para sabayan sila pero biglang nagpatiuna ang abogado. She turned to Iris who was already talking to Yves. Gusto niyang tawagin ang babae kaya lang paglingon niya, malayo-layo na si Clint.
"Attorney!" habol niya sa lalaki.
Hanggang sa makarating sa parking, bunganga pa rin ng bunganga si Nena.
"Attorney, naririnig mo na ba ako?" buntot niya rito. Bakit ba kasi ang bilis nitong maglakad? "Ang sabi ko, naiwan 'yong Iris do'n sa club. Hindi ba siya sasabay sa atin?"
"Hindi," tipid nitong sagot. He did not even turn to look at her.
"May sariling kotse 'yong chicks mo?"
"Wala," pindot nito sa car remote kaya may tumunog at umilaw na kotse sa 'di kalayuang parte ng parking lot, "kaya nga ihahatid ko pauwi ngayon, 'di ba?"
"Wow, ha?" taas niya ng isang kilay sa lalaki na naunang nakalapit sa kotse nito.
So, siya pa talaga ang tinutukoy na chicks nito. Kailan pa? Ni hindi pa nga siya pumapayag sa gusto nitong mangyari!
He opened the door for her. "Get in," anito na parang hindi narinig ang komento niya kanina.
"Hindi mo ako chicks," mapanghamong ngisi niya rito bago pumasok at hinila pasara ang pinto.
Umikot si Clint para okupahin ang driver's seat.
.
.
***
.
.
NANANAKIT ANG BATOK NI NENA. She stretched. Hindi lang batok niya. Pati likuran, masakit. At ang init-init din. Damang-dama niya ang pangangalay at dahan-dahang dumilat na siya. She let out a loud gasp and looked around. Kinusot niya ang mga mata na medyo nanlalabo pa.
Bakit nasa loob pa rin siya ng kotse? Nalingunan niya sa tabi si Clint na bukas lahat ng butones ng suot nitong polo. Napatingin tuloy si Nena sa sarili at kinapa ang dibdib.
Okay, she was still fully clothed and untouched. Nakasubasob ang lalaki sa manibela ng kotse kaya kinabahan siya.
Tinanaw niya ang harap ng kotse nito.
Hindi naman sila nabangga. Salamat sa Diyos.
Kahit nung sumilip siya sa likod, wala ring nabangga ang puwitan ng sasakyan. Nena sighed in relief.
Tumanaw naman siya sa labas ng bintana.
Nakaparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sementado ang daan pero napapaligiran sila ng mga puno at talahiban.
Niyugyog niya agad si Clint sa balikat nito. Bumagsak tuloy ang ilang hibla ng mahaba nitong buhok. Bakit nga ba natanggal na ang ponytail nito? Kinailangan pa tuloy niyang hawiin ang buhok nito at ipitin sa likod ng tainga nito. Nakapikit pa rin ang lalaki habang niyuyugyog niya ng maingat sa balikat. Ayaw niyang mahulog ito mula sa pagkakasubasob sa manibela.
"Attorney," tapik niya sa mukha nito habang ang isang kamay ay nakaalalay sa baba ng lalaki. "Attorney, huy!"
Medyo gumalaw na ang nakapikit nitong mga mata.
"Attorney!" pisil ni Nena sa ilong nito kaya napaderetso ito ng upo.
Hindi niya makuhang matawa kahit nakakatawa pagmasdan ang iritadong pagkakagusot ng mukha nito... ng gwapo nitong mukha na ang cute sumimangot ng ganoon. Bukod sa iritasyon, naghahabol din ito ng hininga.
He blinked a lot. Tumutok na kay Nena ang namumungay nitong mga mata.
"Nena," inaantok pa nitong saad. Lutang pa yata dahil walang katinag-tinag ang katawan nito. Mga mata lang ang gumagalaw at tinitingnan ang paligid.
"Nasaan tayo?!" panlalaki niya ng mga mata rito. "Attorney, bakit nandito pa rin tayo sa kotse mo?"
Inangat nito ang kamay para silipin ang relo.
"Oh damn," he muttered in his sexy throaty morning voice. "It's nine-fifty already."
Kumunot ang noo niya. "May meeting ka, 'di ba?"
"Pumipintig pa sa sakit itong ulo ko." Yumakap ulit ito sa manibela at pinikit ang mga mata. "Five more minutes."
"Hoy!" yugyog ulit niya sa lalaki. Inangat tuloy nito ang ulo pero nakapikit pa rin. "Kailangan ko nang umuwi! Magtataka si Tita kung bakit hindi pa ako nakakauwi! Ang paalam ko sa kanya, uuwi rin ako pagkatapos mag-celebrate ng birthday ni Yves! Male-late lang ako dapat ng uwi, hindi 'yong hindi na makakauwi!"
"Sabihin mo na lang, nalasing ka nang sobra. Nakitulog ka sa kaibigan mo," mahina nitong sagot.
Palibhasa, abogado. Magaling magdahilan, layo niya rito para kalkalin sa bag ang cellphone.
Kaya ang lakas din ng loob mambabae.
Ipagbibigay-alam na lang niya sa tita niya na pauwi na siya. A bored look registered on her face.
"Attorney, gumising ka na. May meeting ka at kailangan ko na makauwi!" iling-iling ni Nena, tsine-tsek pa rin ang cellphone. Wala mang missed calls o text galing sa tita niya, alam niyang nag-alala pa rin ito. Hindi naman kasi nito afford na laging magpa-load. Kahit nga siya, madalang lang magpa-load ng cellphone.
Kapag ganitong alam niyang male-late lang siya ng uwi.
She took in a deep breath and began texting her aunt.
Wala pa ring tinag ang lalaki sa pagkakayakap sa manibela nang iangat ni Nena ang ulo.
"Attorney!" sigaw na niya rito.
"Nena," sapo nito sa ulo. "I have a little hang-over here, okay?"
"Mukhang okay ka naman kagabi nung umalis tayo," balik niya ng cellphone sa bag matapos i-text ang tita niya.
"But quiet," start ng lalaki sa kotse at humikab saglit. "Because I'm drunk."
"Tingnan mo, alam mong magda-drive ka, iinom ka nang marami!"
Tumaas ang sulok ng labi nito, kasunod niyon ang swabeng tunog ng nabuhay na makina ng sasakyan.
"Thanks for the concern. I did not drink as much as you did, Nena. Mahina lang ang tolerance ko sa alak."
May kinalikot pa ito sa kotse bago iyon napausad ng lalaki.
"Bakit ba kasi nandito tayo?" silip ni Nena sa bintana. "Nasaan pala tayo?" paniningkit ng mga mata niya sa hindi pamilyar na lugar.
Inikot ni Clint ang sasakyan pabalik.
"This is the subdivision where I live," walang buhay pa rin ang boses nito.
Napalingon tuloy siya rito. "Iuuwi mo ako? 'Di ba, ihahatid mo ako sa bahay namin?"
"Nena, I know my body, okay? Kapag alam kong hindi ko na kakayaning mag-drive, hindi ko na pinipilit. That's for your safety too. Kaya nga pumarada ako sa tabi ng kalsada. I only fucking told myself I will sleep for five minutes," he sighed.
Pamumulahan na naman yata siya ng mukha nang masulyapan ang katawan nito na kita dahil sa bukas na butones ng shirt nito. He was smooth and evenly toned on the chest... and that abs... The man looked really hard...
Binalik niya ang tingin sa bintana. Naiinis siya sa sarili dahil bakit nakatulog siya sa kotse nito? Hindi niya tuloy alam ang nangyayari habang nasa biyahe pauwi.
"At bakit nakahubad ka?"
"I am not naked," depensa nito. "Binuksan ko lang itong damit ko at mainit dahil nakapatay din ang aircon nitong kotse. And I can't just leave the car windows open while sleeping, okay?"
"Okay, Attorney," she groaned. "Sorry kung nainis ka sa tanong ko."
Halata naman kasi sa boses nito ang pagka-aburido.
"I'm just annoyed because you are making me feel like I am taking advantage of you, which is not. Be careful of that playful imagination of yours, Nena," he half-scoffed.
Tumingin ulit siya sa lalaki. Lintian, pinagtatawanan nga yata siya ni Clint sa loob-loob nito. Ang taas ng pagkakangisi ng sulok ng labi nito, eh!
"Ano'ng taking-advantage? Inakusahan ba kita?"
"Indirectly, yes," kabig nito sa manibela para palikuin ang sasakyan palabas ng gate ng subdivision.
"Wala akong sinasabi o pinapahiwatig na ganyan! Siyempre, nagulat ako bakit nandito tayo tapos ganyan ang hitsura mo."
He chuckled lowly. Damn, so sexy. Napunta na naman sa malapad nitong dibdib ang tingin niya. Bumaba na sa abs. Sa balakang nito. Sa pagkakahakab ng pantalon sa baba pa niyon...
His voice interrupted her sight-seeing. "Now don't get too panicky."
"Hindi ako nagpa-panic, Attorney," titig niya ulit sa mukha nito.
Sumulyap ito. There was this smugness in his grin towards her.
"Too bad your actions don't show it," sumandal ito sa kinauupuan. He stole another sidelong glance at her. "What is it about my presence that's making you restless? Do I turn you on and it's too hard to handle now?"
Sumandal na lang din si Nena sa backrest at inekis ang mga braso. A piece of advice, you wouldn't like to argue with a lawyer if you're not a lawyer too.
Magaang tinawanan siya ng lalaki.
"Don't worry, Nena. I won't force you into things. No need to be bothered."
She looked at him on her peripheral vision. Sumeryoso na ito.
"I'll wait for you to ask me for it." Intensity was evident in his voice and in his eyes.
What made his statement a bit more terrifying was how certain Clint sounded. As if he knew that's exactly what's going to happen... soon.
Binalik niya sa bintana ang tingin.
"You see, Nena, I have never done this before. Ngayon pa lang at sa iyo pa lang," higpit ng isa nitong kamay sa manibela. "If you'll be mine, then I'll be exclusively yours. Simula sa araw na pumayag ka hanggang sa pagsawaan mo ako."
Hindi makapaniwalang hinarap niya si Clint. She knew that the man was bearing the torturous feeling of trying to control himself by seeing his jaws tense, as well as his arm and how the lump of his throat moved. Nagsalubong na rin ang mga kilay nito. Nasa daan ang tingin ng mga mata pero nanunuot sa matalim nitong titig ang intensidad.
Nakatitig pa rin siya sa lalaki na natahimik na. Why would Clint offer her something like that?
"What about Iris?"
"There's nothing between me and Iris."
"Oh, really? E nagbubulungan nga kayo kagabi nung Iris?"
"I have to lean close to her dahil maingay sa club."
Now he was sounding more intense. May bigat kung magbitaw ng mga salita nito.
"And besides, Iris and I didn't have the kind of relation you're thinking, Nena. She's there for Yves."
Si Yves?
"Kay Yves siya sumabay ng uwi kagabi. Not sure kung nakauwi pa siya o inuwi na siya ni Yves."
Natulala siya saglit. Naguguluhan. Hindi naman siya kahapon lang pinanganak. Mapaglaro rin ang imahinasyon niya. Pero hindi pa nakikitaan ni Nena ng ganoong side si Yves.
'Yong nangkakama ng babae. He looked too decent and brotherly for her...
Hay! Bakit ba siya nakikialam sa sariling buhay ni Yves? Muli siyang nakahuma para sagutin ang huling sinabi ni Clint.
"Maraming babae diyan na makakasundo mo sa trip mong iyan. Bakit ako pa?"
"Dahil ikaw lang ang gusto ko," mahigpit nitong wika.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top