Chapter Four
"UY, DALA MO BA 'YONG REGALO MO PARA KAY YVES?" ani Tanya habang wala pa silang inaasikaso sa receptionist desk.
"Oo naman, 'no," lingon niya bago umupo sa tabi nito. "Ako pa! Alam mo namang malakas sa akin si Yves, e."
Ngumiti ito. "Good! Dahil tuloy na tuloy na mamaya ang pagba-bar natin!"
Supportive si Nena sa excitement ng kaibigan. Matagal na naman kasing hindi nakakapagliwaliw si Tanya mula nang magkaroon ito ng sariling pamilya. Kahit papaano, deserve nito ang makapaglibang tulad ng ganito paminsan-minsan. Ito man lang, maging reward na ni Tanya sa pagiging masipag nitong employee, mabuting asawa, at mapagpasensyang ina sa mga anak nito. Isa pa, makakasama rin naman sa birthday celebration ni Yves ang asawa ni Tanya na si Keith. Kaya hindi malaking kaso iyon sa mag-asawa. Okay lang din naman kay Yves na isama ni Tanya ang asawa nito dahil kung sino ang kaibigan o karelasyon nila ay tinuturing na rin nitong kaibigan.
Si Yves ay dating messenger ng Salvadores Law Firm. Two years ago, nag-resign ang lalaki para magtrabaho sa ibang bansa bilang factory worker. Nagkataong ngayong buwan ng Hulyo ang bakasyon nito sa Pilipinas. Kaya nag-message ito sa group chat at nagyaya sa isang bar para mag-celebrate ng birthday nito.
Pagpatak ng alas-sais, sa banyo na lang ng firm gumayak sina Nena at Tanya. Halos sila rin naman ang huling umaalis sa gusali. Bilang receptionist, sinisigurado nilang wala nang mga kliyenteng hahabol ng appointment. Naunang nakabalik sa receptionist desk si Nena para kolektahin ang mga gamit. Nilapat niya ang kamay sa desk at napatitig sa kawalan.
Dahil sa naging diskusyon nila kahapon ni Clint, hindi sila ngayon nagpapansinan ng lalaki. Kaninang umaga, nilagpasan lang sila ng lalaki, dumire-diretso ng sakay sa elevator. Nagtaka man si Tanya, pinagpalagay lang nitong baka nagmamadali ang lalaki.
She let out a sigh. Bakit nakakaramdam siya ngayon ng panghihinayang?
She shook her head.
Hindi. Tama lang ang ginawa mo, Nena, pep talk niya sa sarili. Hindi ka cheap. Hindi ka tahong na mainitan lang, bumubuka na agad.
"Hoy," tawag sa kanya ni Tanya. Nasa likuran na pala niya ito at sinusukbit na ang bag. "Tara na."
"Ah," balik niya sa kasalukuyan. "Tara!" pasigla niya sa boses habang nakasunod kay Tanya palabas ng gusali. Binati rin nila ang gwardiyang malapit sa pinto bago ito lagpasan.
Pinasiksik ulit siya nina Tanya at Keith sa motorsiklo, pero hanggang sa waiting shed lang siya madadala ng mga ito. Kapag lumagpas pa sila roon, mahuhuli sila dahil bawal ang tatluhan sa motorsiklo. Mabilis siyang naihatid ng mga ito.
"Oh," lingon sa kanya ni Tanya nang maitaas na nito ang salaming takip ng suot na helmet. "Mag-cha-chat ka kapag nasundo ka na rito ni Yves, ha?"
She smiled. "Oo naman."
"Sige, kitakits sa bar!" kaway nito bago binaba ulit ang takip at humawak nang mabuti sa baywang ng asawa.
Nena uneasily adjusted the strap of her shoulder bag. Komportable siya sa suot na fitting low waist jeans at v-neck shirt. Mas maumbok ngayon ang bag niya dahil sa pinagkasyang pinalitang uniporme at flat shoes. Nahigit niya ang paghinga habang nag-aabang sa waiting shed. Medyo out of the way iyon sa panggagalingan ni Yves, pero dahil tropa naman sila, hindi pwedeng hindi siya daraanan nito. At hindi rin ito papayag na siya lang ang magko-commute papunta sa bar.
A red car finally halted in front of her. Biglang bumukas ang pinto ng shotgun seat na kaharap niya. Sumilip mula sa loob si Yves at ginawaran siya ng malapad na ngiti.
"Wow, Yves!" nagmamadaling lapit ni Nena rito.
"Tara!" masiglang tapik nito sa seat bago umayos ng pagkakaupo sa likuran ng manibela.
Sumakay agad si Nena at matunog ang naging pagsara ng pinto. Walang anu-anong pinaandar na ni Yves ang kotse.
"Wow naman, Yves," ikot niya ng mga mata sa sasakyang mukhang bagong-bago pa. "Iba talaga kapag sa abroad na nagta-trabaho, e 'no?"
"Tiyagaan lang din, Nena," magaang tawa ng lalaking may kulot na buhok at malalim na mga biloy. Moreno ito at may pagkapayat. Pero mas nagkalaman na ang lalaki kung ikukumpara noong messenger pa lang ito sa Salvadores Law Firm.
He sat beside her wearing a simple green shirt and jeans. Natutuwa si Nena isiping hindi lumaki ang ulo ng lalaki kahit 'di hamak na mas malaki na ngayon ang kinikita nito kung ikukumpara sa kanila ni Tanya. Masaya siya dahil pagkauwi na pagkauwi ng kaibigan, hindi ito nakalimot sa kanila.
"Nakapag-celebrate ka ba kasama ang family mo?" titig niya sa lalaki na tutok ang mga mata sa pagmamaneho. "Baka sabihin nila, ha, bakit kami ang una mong niyayang mag-celebrate."
Natawa ito. "Ano ka ba, Nena? Siyempre, kaninang umaga pa kami nakapag-celebrate. Halos lahat nga ng mga pamangkin ko, nasa bahay kanina." Kita niya ang saya sa mga mata nito. "Grabe, naging children's party nga yata kanina ang birthday ko. Pero mas masaya naman 'yong gano'n. Nakakatuwa panoorin ang mga bata na nag-e-enjoy sa mga palaro."
"Wow naman," sandal na niya sa kinauupuan. "Baka mas lalo ka pang mapagastos mamaya niyan sa amin, Yves."
"Wala 'yon," sulyap nito sa kanya, nakangiti. "Aba, ilang beses niyo na rin naman akong nalibre kapag nagkakayayaan tayo noon sa labas. At ako naman ang may birthday."
Tumingin na siya sa harap.
"Kumusta kayo nung umalis na ako sa firm? Ano na ang bago? Naroon pa rin ba si Jeric?"
Si Jeric ang pumalit kay Yves bilang messenger noong nag-resign ang lalaki.
"Oo naman. Okay naman si Jeric sa trabaho niya." She turned to him. "Sayang, 'no? Kung hindi lang siya umuuwi tuwing katapusan ng buwan sa pamilya niya sa Bicol, kasama natin sana 'yon ngayon."
"Ayos lang," maluwag nitong ngiti. "At least, menos sa gastos ko!"
Kapwa sila natawa.
"Nagkukuripot ka pa rin palang hayop ka!" palatak niya.
"Aba, siyempre, sa sobrang hirap magtrabaho nang malayo sa pamilya, tapos hindi ka pa makapag-Tagalog, dapat lang na magsinop ako. Nag-iipon-ipon ako ngayon ng pampagawa ng bahay. Matapos lang 'yong pa-renovate sa bahay nila Nanay, mas malaki na ang maitatabi ko para sa sarili kong bahay."
"Buti ka pa," namamangha niyang titig sa lalaki. "Ako, limang taon na sa firm, nakikitira pa rin sa Tita ko."
"Pwede ka namang maghanap ng ibang trabaho, ah."
Napayuko si Nena. "Oo, pero hindi mo rin naman kasi masasabi, 'di ba, kung maganda ang malilipatan ko. E dito sa Salvadores, maganda naman ang environment at nahuhulugan naman ang mga benefits ko tulad ng SSS. At saka, gusto ko na rin naman itong trabaho ko."
Mapang-unawang tumango-tango ang lalaki. "Iyan ang nakakatuwa sa iyo, Nena. Ang humble mo."
"Humble ka diyan?" nangingiti niyang tingin sa lalaki.
Pagkarating sa bar, nakaabang sa labas sina Keith at Tanya. Tuwang-tuwa na nag-bro hug ang dalawang lalaki at yumakap din si Yves kay Tanya. Pagkatapos, nilingon siya nito at tinanguan bago sila sabay na pumasok sa bar.
"Nahiya pa kayong maunang pumasok!" ani Yves sa dalawa.
"Hindi kami nahiya!" sagot ni Tanya, natural na talaga sa babae ang pagiging outspoken. "Mahirap nang pumasok kami rito tapos hindi pala darating 'yong manlilibre sa amin!"
Yves playfully groaned, making them laugh altogether.
Nang makahanap ng pwesto, tulong-tulong na silang namili sa menu card ng mga o-orderin bago sila iniwanan ng waiter. Na-enjoy nila ang pagba-bonding. Gayondin ang performance ng alternative rock band sa entablado.
"Sure ba kayo sa beer tower?" sandal ni Yves sa couch, katabi ni Nena.
Nasa tabi naman ni Nena si Tanya na inaakbayan ng asawa nito. Both wore matching colors of attires. Itim na shirt ang suot ni Keith, samantalang kulay itim na spaghetti-strap blouse naman ang kay Tanya.
"Pagbigyan mo na ito," turo ni Keith kay Tanya. "Ilang taong uhaw sa alak, e."
"Masyado mo naman kasing pinaghihigpitan, p're," tawa ni Yves rito.
"Dapat lang! Iniingatan ko lang ang asawa ko."
"Asus, Keith," ekis niya ng mga braso. "Huwag kang mang-inggit."
"Eses," pabirong tulak sa kanya ni Tanya para bumunggo siya sa katabing si Yves. "Ayan si Yves! Huwag ka nang bitter!"
"Payag ka ba, Yves?" biro niya sabay yakap sa braso ng lalaki.
"Syempre, hindi! Mauubos lang ang pera ko sa iyo!" ngisi nito.
Bumitaw agad si Nena sa lalaki, tumuwid ng upo at pinalo ito sa braso. Pigil niya ang matawa habang ang lalaki naman ay tawang-tawa sa facial expression niya. She looked as if she was very disappointed.
"Excuse me! Dapat lang na gastusan mo ako! Paliligayahin na nga kitang hayop ka, ako pa gagastos?"
Lalong lumakas ang tawanan mula sa grupo nila.
"Paano mo pasasayahin iyang si Yves wala ka namang alam!" tukso ni Tanya.
"Ay, bastos kang babae ka rin, e 'no!" panlalaki niya ng mga mata rito, tumatawa lang kasama ang mga ito.
"Turuan mo nga, Yves!" turo ni Keith sa kanya habang nakatingin kay Yves.
Pabirong inakbayan siya ni Yves at tinuro sa pisngi. "Oh, iyan, tinuro ko na!"
Tawanan.
Siya ang naunang tumigil sa pagtawa nang mapansin ang bultong lumapit sa mesa nila. Masyadong malikot ang ilaw sa bar kaya medyo natagalan bago nakilala ni Nena kung sino ang bagong dating. Napansin yata ni Tanya ang gulat niya kaya sinundan nito ng tingin ang gumulat sa kanya. Sumunod na rin sina Yves at Keith.
The figure stepped closer, his handsome face touched by the colorful lights until Nena could fully picture the image of Clint Guillermo's piercing eyes, thin lips and thick eyerbrows furrowed.
"Attorney!" layo agad ni Yves sa kanya para kamayan ang lalaki. "Halika, upo ka!"
"Aba, aba!" lapad ng ngiti ni Tanya. "Ibang level ka na talaga, Yves! Pati si Attorney tropa mo na rin!"
Pinanood lang ni Nena ang pagsunod ni Clint kay Yves. Umupo ang lalaki sa tabi ni Yves na pumapagitan sa kanilang dalawa. Kampanteng umakbay si Yves sa abogado. Clint just glanced at him before his eyes found hers. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin.
Na-realize ni Nena na hindi niya dapat ginawa iyon, kaya lang pinangunahan siya ng reaksyon.
Ng kaba.
Whatever this feeling is.
"Siyempre naman!" harap ni Yves sa mga kasamahan nila. "Alam niyo bang si Attorney ang nag-encourage sa akin na umalis do'n sa employment company na under ako dati?"
"Ay, gano'n? E 'di ba nag-resign ka dahil maga-abroad ka?" curious na si Tanya.
"Oo, pero naisipan ko lang naman mag-abroad, kasi nung nagtanong nga ako rito kay Attorney, hindi raw makatarungan 'yong ginagawa nung na-applyan kong employment company, 'yong mga deductions pagdating sa sweldo-sweldo. Kaya naisipan kong mag-abroad."
Tumango-tango lang si Clint, ngumiti. "It's your birthday, huwag ako ang binibida mo."
"Nagkukwento lang ako, Attorney!" alis ni Yves ng nakaakbay na braso sa lalaki. Mukhang nahirapan dahil kahit nakaupo, mas matangkad pa rin si Clint. Nakukuba na rin nga ito kaka-adjust para lang maakbayan nang maayos ni Yves. "Kung hindi dahil sa tulong mo, o, paano ko kayo malilibre ngayon?"
He chuckled lowly and shook his head. His smile was light, but it was a magnet that caught her sight. Kahit gaano pa kadilim sa bar na iyon, kahit saglit lang dumaan ang malikot na liwanag sa mukha ng lalaki, nahuli pa rin ng paningin ni Nena ang sexy nitong ngiti.
"I'm getting thirsty," he hotly glanced at her way.
"Parating na 'yong order, Attorney," paninigurado ni Yves na dahilan ng paglipat ng tingin ng binata sa may birthday.
"Iba ka talaga, Attorney," ani Tanya. "Buti napapayag ka ni Yves na sumama sa amin!"
"Akala ko nga hindi darating," paliwanag ni Yves.
"I just said, I'm not sure," taas ng sulok ng labi nito. "I have appointments." Umiwas na naman siya ng tingin nang mahuli ni Clint ang mga mata niya. "Hey, you're quiet there."
Lintian naman. Sa kanya na tuloy nakatingin ang mga kasamahan.
Nena awkwardly smiled. "Nakikinig lang ako," dahilan niya.
Maluwag ang pagkakangisi ni Clint. Ewan kung bakit ganoon ang reaksyon ng lalaki sa sinabi niya. Binalik din nito agad ang tingin kay Yves habang may kinukuha sa kabilang tabi ng kinauupuan nito.
"Happy birthday," abot nito ng kahon kay Yves.
"Naku naman," abot ni Yves sa kahon. "Thank you."
Wala pa rin sa loob si Nena habang alertong nakamasid kay Clint. She was keeping an eye on him, observing the lawyer. Pinag-aaralan niya ang mga kilos ng lalaki, kung apektado pa rin ba ito ng naging huling pag-uusap nila sa kotse nito. He was acting fine, which was beyond her understanding as to why. Ito nga siya at nakakaramdam ng pagkailang. Mauunawaan niya kung lalayo-layo sa kanya si Clint, dahil alam niyang napahiya ang lalaki sa sobrang bulgar ng mga sinabi nito sa kanya tapos mauuwi lang pala sa pagtanggi niya.
Being with Clint here was giving Nena two possibilities-makapal lang ang mukha nito o sadyang balewala lang sa lalaki ang nangyaring iyon. Hindi ito apektado kaya hindi niyon mapipigilan ang pagsulpot nito sa birthday celebration ni Yves.
Or maybe, because Yves was that important to Clint?
Honestly, she was feeling this excitement upon seeing him. Hindi niya inaasahan ito. Hindi rin naman kasi nabanggit ni Yves na inimbitahan nito si Clint. Ayaw niyang isiping kinikilig siya sa presensya nito. She should keep in mind that she already rejected Clint's offer. Mas pinili niyang panghawakan ang pagiging disente kaysa magpatangay sa mga salita nito. Malaki siyang tanga kung magpapadala ang utak niya sa nananalaytay na pagkasabik sa katawan niya kapag nakikita si Clint.
Her heart pounded loudly as she looked away from the gorgeous man.
"Ano, bigayan na ba ng regalo?" hiwalay ni Keith kay Tanya para maghanda sa pag-abot ng regalo nilang mag-asawa rito.
"Ah, kahit mamaya niyo na iabot!"
"Hindi, ngayon na, para sabay-sabay. Makakalimot na kami mamaya niyan kapag nalasing na kami!" tawa ni Keith.
Nilahad ni Yves ang kamay, "O siya! Akin na at baka magkalimutan pa!"
Nagtawanan ang mga ito. Keith bent down to get the paper bag he placed on the floor. Muling bumalik ang mga mata ni Clint sa kanya. Dapat kumikilos na si Nena para iabot ang regalo kay Yves pero parang kumunoy na nahila na siya ng matiim na titig mula sa mga mata ng lalaki. She sucked in a breath and felt her throbbing heart.
"Ah! Lintian!" Nena sharply inhaled and turned to Tanya. Gulat ang mga mata niyang tumutok sa katabi habang hinahagod ang tagiliran niyang kinurot nito.
Ang bruha talaga, sinakto pa ang kurot nito sa lumitaw na balat ng balakang niya dahil sa low waist jeans.
Tinawanan siya ni Tnaya. "Anyare sa 'yo? Nasaan na 'yong regalo mo para kay Yves?"
Tarantang kumapa siya sa kinauupuan pero kahit saan lumapat ang kamay niya, puro leather lang ang nararamdaman ni Nena. Nahihiyang napatingin siya kay Yves. Her eyes were pleading.
"Naiwan ko sa kotse mo 'yong bag ko," paliwanag ni Nena. "Pwede ko bang kunin?"
"Ngayon na?" Mapang-unawa ang ngiti nito. "Okay lang naman kung mamaya mo na ibigay sa akin. Ihahatid naman kita pauwi."
"Isn't that a little bit out of your way?" singit ni Clint sa pag-uusap nila ni Yves.
Kinabahan siya nang mapalingon si Yves sa lalaki. How clueless Yves looked, smiling like that as he responded to Clint.
"Oo naman, pero baka anong oras na tayo makauwi. Ayoko namang mag-commute pa si Nena, baka mahirapan pa makahanap ng sasakyan."
"Iisa lang naman ang daan namin," kampante nitong sandal sa kinauupuan. His gaze found her eyes again. A spark in his eye triggered an inexplicable excitement and tension at the pit of her belly. "I can take her home."
"Aba, paano mo nga pala nalaman kung saan nakatira si Nena, Attorney?" nanunukso ang himig ni Tanya kaya inapakan niya ito sa paa.
Napasigaw tuloy ito. "Aray naman! Nagtatanong lang ako kay Attorney!"
"Bakit sa akin ka nagagalit? Ano ba ang ginawa ko?" pagkukunwari niya.
Magkaibigannga talaga sila ni Tanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top