Episode 3

Pumasok ng maaga si Ice kinabukasan pagkatapos ng mga pangyayari. Ang binanggit lang nya sa Boss nila ay ang tungkol sa pambabastos nila Mang Uno sa kanyang nanay. Hindi na nya isinumbong pa ang tungkol sa tsismis na ikinakalat nila Mang Uno patungkol dito at sa bago nilang nurse. Kahit ganoon naman ay ayaw din naman nya mawalan ng trabaho ang mga ito dahil alam nya ang hirap ng buhay ngaun. Huwag na lang mauulit at hindi na talaga nya palalampasin. 

    Natanaw nya sa di kalayuan si Lara. Kahit balot na balot ito at kumpleto ang  araw-araw na get up nito na cap, shades at mask ay pinagtitinginan pa din ito ng mga kalalakihan. Kapansin-pansin pa din kasi ang tangkad nito at pangangatawan. Hindi man hapit ang suot nitong uniporme ay mababakas pa din na may kalakihan ang dibdib at puwitan nito. Dumiretso ito sa kwarto ni Boss Mike. Hindi tuloy maalis sa isip ni Ice na kalaguyo nga siguro ito ng boss nila. C’mon Ice, nakipag-away ka pa kahapon eh, iniisipan mo na din ng masama yung babae.

“Bebe ko, tanggalin mo nga muna yang cap at shades mo. Tayong dalawa lang naman ang andito sa loob ng office. Hindi ka naman matutunton ng mga manliligaw mo dito,” wika ni Boss Mike.

Bigla tuloy nya naalala ang mga lalaking naobsess sa kanya na karamihan ay nang-iistalk na. Halos wala na sya privacy. She values her privacy so much. Introvert kasi sya. Hindi naman sa ayaw nya magpaligaw, hindi lang talaga siguro pa sya handa. Gusto din naman nya umibig noh, sino ba namang hindi? Minsan nga naiisip nya kung manhid ba talaga sya. Kasi pakiramdam nya allergic sya sa ligaw. Naniniwala kasi sya na kapag ready na sya, mararamdaman naman nya yun eh. Baka nga hindi na sya magpaligaw, kasal na agad. Wala pa lang talaga nakakakuha pa ng atensyon nya sa ngaun.

"Tito Mike naman eh." Bigla syang nabalik sa kasalukuyan ng hinablot ng matanda ang suot nyang cap. Pinsan ng nanay nya si Mike na isa sa mga nag-alaga sa kanya mula pagkabata. Bumagsak ang itinatago nyang mahabang buhok. Kasalukuyan nyang binabawi ang cap nya ng may biglang pumasok.

Hindi alam ni Ice bakit sya pinapatawag ng amo nila. Natatakot sya na baka sisantehin na sya nito. Under probation kasi sya dahil nga sa nangyari. Pede naman talaga sya sisantehin dahil part time worker lang naman sya doon. Kumatok sya sa pinto pero dahil walang sumasagot ay pinihit na nya ito at papasok na sana doon. Tamang tama naman na nakita nyang "naglalambingan" yung mga taong nasa loob. Nakayakap kasi si Lara sa matanda habang inaabot nito ang cap. Ang amo nila na nakaharap sa pinto ang nakapansin sa kanya. Ibinalik nito ang cap sa ulo ng babae.

" Ay, sorry po. Pinapatawag nio daw po kasi ako," wika ni Ice habang bahagyang nakayuko.

" Aalis na po muna ako." wika ni Lara

" Ok sige, Be, uhm, Lara pala." wika naman ng amo nya. 

Inirapan ni Lara ang tito nya kahit hindi nito nakikita ang mga mata nya. Dahil nga kabisado na nito ang ugali nya, tumawa lang ng ito ng malakas. Alam naman ng tito nya na ayaw na nya magpatawag ng bebe ko dahil hindi na akma sa edad nya sa ngayon. Ginagawa na lang yun ng matanda pag gusto sya inisin.

Uwian na. Mabilis ang mga hakbang ni Ice dahil mamimili pa sya ng uulamin nila sa bahay. Bumaba sya sa may kanto malapit sa kanila. May shortcut kasi dun papunta sa suki nyang karinderya. Namukhaan nya na yung nauunang maglakad sa kanya ay si Nurse Lara. Mabagal ang mga hakbang nito noong una nang bigla nitong binilisan ang lakad na akala mo ay may humahabol dito. Nagulat sya nang bigla na lang itong humarap sa kanya.

"Wag mo nga ako sundan." Sigaw nito

" Miss, hindi kita sinusundan. Dito lang talaga ang way ko," sagot nya.

" Hindi ako naniniwala sayo," balik nito

"E di wag ka maniwala, bahala ka na nga jan." Naiinis na banggit ni Ice.

" Sandali!" Hinablot nito ang mga kamay nya. "Bakit wala nang balot yan? Dumaan ka sa clinic bukas. Lagyan natin ulit ng gamot yan," mahinahong banggit nito na tinutukoy ang dapat sana ay bandage sa kamao nya.

Pagkasabi nun ay dalidaling umalis ito.Natawa na lang si Ice sa inakto ng dalaga. Ang weird talaga nun. Pero cute ha. 

Kinabukasan ay masayang tinungo ni Ice ang clinic. Naabutan nga nya dun si Nurse Lara na abala sa pagtatype sa computer. Hindi nga nito nahalata na nakabukas na ang pinto at kanina pa nya ito pinagmamasdan. Napakamisteryosa talaga nito dahil hindi pa din nito tinatanggal ang suot nitong mga borloloy sa mukha. Dahan-dahan nyang nilapitan ito at padaskol na kinuha ang cap. Humulagpos ang buhok nito na napakahaba pala. Itinatago kasi nito iyon sa loob ng cap.

“Ay, anong ginagawa mo?!” galit na bigkas nito. Inagaw nito muli sa kanya ang cap at ibinungkos ulit paloob sa sombrero.

“Ang ganda naman ng buhok mo, bakit kailangan mo itago?” usisa ni Ice dito.

“Wala ka nang pakialam noh?! Ano bang ginagawa mo dito ha?” wala sa loob na tanong nito.

“Ikaw nagpabalik sakin dito para dito sa kamay ko, remember?” sagot nya dito.

Iniwanan ni Lara saglit ang lalaki para kuhanin ang bandage at antiseptic sa loob ng medical box. Pagkatapos ay nilapitan nitong muli si Ice. Inabot nya ang kamay nito at sinimulan nang linisan at balutan ng bandage. Habang ginagawa nya ito ay masinsinan syang pinagmamasdan ni Ice.

“Pede ba wag mo akong tignan? Wala ka namang mapapala eh.”Inilapag nito ang kamay nya sa kanyang binti.

“Bakit ba kasi nakaganyan ka?”

“Bakit? Tinanong ba kita bakit nakabalot din mukha mo?”

“Kailangan sa trabaho. Mainit sa labas. Kung gusto mo, tanggalin ko ang mga ito. Ikaw din ganun gawin mo.”Nanghahamong wika ni Ice.

“Wag na. I am not interested. Makakaalis ka na at wag ka nang babalik dito,”masungit na sabi ni Lara.

    “Ok.”

Pumunta pa rin si Ice sa clinic kinabukasan pero, wala na ito, hindi na pumasok. Umiingay na kasi masyado yung tsismis tungkol dito at sa amo nila. Baka naman totoo yun. Umiiwas na lang. Napakamisteryosa talaga nun. Gaano nga kaya kaganda yun at marami daw manliligaw? Naalala nya kasi yung sinabi ni Doc Navarros. Natipuhan pa nga ng striktong boss nya eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top