Episode 2

    Ang init na ng araw kaya pansamantalang kinuha ni Ice ang bag nya at inilabas doon ang baon nyang tubig para makainom sya. Di sinasadya ay narinig nya ang bulungan ng kapwa nya manggagawa patungkol sa reliever ng company nurse nila. Bigla na lang kasi nag AWOL ang dati nilang nurse. 

    “Pre, curious talaga ako dun sa bago nating nurse. Ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang mukha nun. Lagi nyang suot ang cap at shades nya, with mask pa nga. Pagkatapos naman ay nagla-lock ng pinto kapag andun si Boss. Di kaya may ginagawang milagro sa loob mga yun?” Nakangising sambit ng isa.

    “Ganun nga din ang iniisip ko eh.”tugon naman ni Mang Uno. “O, Ice, andiyan ka pala. Nakadaan ka na ba sa clinic natin? Napaka mysterious kasi ng new nurse natin. Ayaw magpakita ng mukha. Pero kahit ganoon eh, napakabait naman. Nakikipagkwentuhan naman wag mo lang kulitin na alisin nya ang suot nyang cap at shades.  Hindi yun sumasabay sa pagkain kahit kanino. Sa pag-uwi naman ay sumasabay kay Boss yun. Number two siguro ni Boss.” Siniko pa sya nito na parang humihingi ng opinion nya.

    “Kayo talaga napakadumi ng mga isip niyo. Wag nyong igaya sa sarili ninyo ang ibang mga lalaki. Meron pa ring mga matitino.” Ayaw nya sa mga tsismis lalo na kung sa kapwa nya lalaki maririnig ang mga iyon.

    “Kung wala sanang katulad ng nanay mo, edi sana walang mga katulad namin.” Asik nito. Natapakan marahil ang ego dahil pinapayuhan pa sya ng mas bata sa kanya.

    “Pakiulit nga po ng sinabi ninyo?”May pagtitimping sambot ni Ace habang pinapagsalikop ang kanyang mga kamay. Ayaw nya ng away.

    “Kung wala sanang kasingharot ng nanay mo e di… Aray!” Napahawak ito sa mukha nitong sinuntok nya.

    Galing sa CR si Lara nang may narinig syang nagkakagulo. Kitang kita nya ang dalawang lalaking akala mo ay dalawang manok na nagsasagupaan. Ang isa ay mukhang nasa trenta na habang ang isa naman ay hindi pa ata aabot sa bente ang edad. May mga ibang trabahador na umaawat na sa mga ito. Nang mapaghiwalay ang dalawa ay nakita nya na parehong duguan ang mga mukha nito. 

    “Nurse, dalhin na namin sa clinic ang dalawang ito ah,” bigkas ng isa sa umawat nang mapansin ng mga ito ang presensya nya.

   

    Malaking katahimikan ang saglit na namayani sa loob ng clinic pagkatapos dalhin ng mga katrabaho nila ang dalawang nagsuntukan. Unang dinaluhan ni Lara si Mang Uno na halos pumutok na ang labi at hindi tumitigil ang pagtulo ng dugo sa ilong nito. 

    “What happened?” Tanong nya sa isa pang lalaking naiwan sa clinic maliban kay Ice at Mang Uno.

    “Ano po kasi, uhm... Bigla na lang po kasing sinuntok ni Ice si pareng Uno,”Nauutal na sagot nito

    “Teka lang. Kuya, hindi mainitin ulo ko pero baka gusto mo makatikim din ng kamao ko ngaun.” Nanghahamong sagot ni Ice. Tumayo pa nga ito at akmang susuntukin din ang isa pang lalaki.

    “Sige subukan mong manuntok kung hindi ay ipapasibak kita sa trabaho.” Hinawakan nya ang braso ni Ice at pinaupo ito.

    “Tsssk.. Kita mo na, malakas talaga ang nurse natin kay Boss. Sibak ka agad.”Nanunuyang sagot ni Mang Uno. 

    Hindi na sumagot si Ice at padabog na tinungo ang pinto. Lalabas na sya bago pa sya tuluyang magwala. Hindi na nya matagalan ang mga tao sa loob ng clinic. Una, binastos ng mga lalaking iyon ang nanay nya. That’s a big NO-NO for Ice. Pangalawa, ang nurse nila na isa sa ginagawan ng tsismis ng mga lokolokong yun ay pawang kinakampihan pa nito.

    “San ka pupunta, Sir?”salita ni Lara habang hawak ang siko ni Ice nang naabutan nya ito. Hindi pa naman masyadong nakakalayo ang binata.

    “Bitiwan mo ako, Miss, please. “Pakiusap nya habang marahang hinihila ang braso nya. 

    “Babalik tau sa clinic, SIR.” Mariing sabi ni Lara. “Kung gusto mo makipagbardagulan kay Mang Uno, bahala ka. Gamutin lang muna natin yang kamay mo.” 

    Tiningnan ni Ice ang kamay at doon lang nya napansin na namamaga nga ang mga iyon. 

    Pagkabalik nila sa clinic ay wala na doon ang dalawang lalaki. Nilinga nya ang paligid.

    “Kung hinahanap mo sila, pinaalis ko na. Nauna ko nang pinapunta kay Boss,”turan ni Lara. Hinawakan nya ang isang kamay ni Ice at masuyong nilagyan ng antiseptic. Pagkatapos nun ay binigyan nya ito ng ice pack para ilagay sa namamaga na nitong mga kamao. Dumiretso sya sa kanyang table at may ni-type sa kanyang computer. Sa bawat galaw naman nya ay sinusundan sya ng tingin ni Ice, sinusuri ang kabuuan nya. 

    “Ikaw ba yung anak ni Doc Navarros?”

    Napabaling ang tingin ni Lara kay Ice, nagtataka sa tanong nito. Paano nito nalaman na anak sya ng isang doctor? Ang nakakaalam lang ng katauhan nya ay si Mike, yung kanilang boss. Hindi nga sya nagpapakilala kasama ang last name nya para di malaman na anak sya ni Doc Perfecto Navarros, ang company doctor doon. Hindi na ba ayos ang disguise nya? Ilang araw pa lang sya sa kompanyang ito ay nakilala na agad sya?

    “Sino ka?” Balik tanong nya dito.

    “So, ikaw nga yun.” Siguradong sagot ni Ice.

    May sasabihin sana si Lara dito ng pumasok si Boss Mike at nilapitan silang dalawa.

    “Ice, anong nangyari?” Tanong nito sa lalaki.

    Lumapit ito kay Lara at inakbayan ang babae. Hinawakan naman ni Lara ang kamay nito at isinalikop pa sa kanya. Nasusuyang napatingin si Ice sa mga ito. Ok lang naman na gawin nya iyon dahil na rin sa hindi rin nya inaalis ang mask at shades na suot nya.

    “Bebe ko, bakit naman parang pareho pa kayo ng getup nitong si Ice?” Bulong na tanong nito sa nurse nila na lalong ikinasuya nya. Ayaw nya maging judgmental pero mukang totoo nga ata ang sinasabi nila Mang Uno. Ah basta, wala naman ako pakialam sa kung anumang relasyon nila. Labas na ako dun. Ang kailangan ko ay ang trabaho na ito dahil hindi pa makakapasok sa ngaun si Tatay sa trabaho.

    “Ice, tinatanong kita, anong nangyari sa inyo ni Mang Uno?” Muling tanong ni Boss Mike. Tumingin sya kay Lara dahil hindi nya alam paano ikukwento ang mga pangyayari dahil involve ito at ang boss nila mismo. 

    “Sige, labas muna ako. Mukhang kailangan nyo ng masinsinang usap.” Sabi ni Lara bago nya tinungo ang pintuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top