Chapter 44 (3/9/2015)

44

It never really occured to me how famous my husband is, until now. Ngayong, palabas na kami sa airport at nakita ko ang paglingon at ang pagtingin ng mga taong nakakakita sa amin at ang mga stolen shots at ang mga paparazzi. Hindi pumasok sa isip ko na isang celebrity ang asawa ko, until now. Kaya pala pinilit niyang isuot ko ang shades pagkatapos kong maisuot ang overcoat na binigay din niya kasi daw malamig ngayon sa Paris.

“C’mon baby.” Ang bilis ng lakad namin habang pilit na iniiwasan ang mga paparazzi na unti unting dumadami. Nakayakap na siya sa akin at kulang na lang buhatin niya ako para mas lalong bumilis kami at hindi abutan ng mga humahabol sa amin.

“Ayaw mo bang magselfie with them?” I joked as I matched his long strides.

“Mamaya tayo mag selfie. I’ll give you my naked pic with an autograph.” Tiningnan ko siya ng masama and he laughed. Pagkalabas namin sa airport, a limousine is waiting for us and the chauffeur opened the door nung makita niya si Alexis. He ushered me inside the limo and slid in beside me immediately. Isinara agad ng chauffeur ang pinto bago pa nakaabot ang mga paparazzi. Napabuntonghininga siya.

“Hindi ba sila susunod?”

“Susunod. Pero wala na silang magagawa.”

“Di ba Princess D died on a Paris tunnel because paparazzi are chasing after their car? Ganito pala ang feeling.”

“You’re not Princess D. You’re not the people’s princess. You are my queen.” Seryosong sabi niya. Dyan siya magaling eh. Sa pagsasalita ng sobrang nakakakilig pero yung expression niya passive pa rin. Para bang wala siyang sinabing nakakakilig. Para bang wala siyang ginugulong damdamin.

“Yan tayo eh. Gumagaling ka na sa banat. Pa kiss nga.” I joked but he didn’t take it as a joke because he suddenly cupped my face and kissed me deeply. Nagulat ako siyempre. Sino ang hindi magugulat kung may bigla na lang sumunggab sa mga labi mo.

“I’ve been dying to do this.” He said breathlessly when our lips parted to gasp for air. Sasagot pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil hinalikan niya ulit ako. 

Nag alangan pa akong halikan din siya kasi baka makita kami ng chauffeur  pero nung lumingon ako sa may bandang driver’s seat the compartmert  is already closing for us to have some privacy.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko, I encircled my arms around his neck to pull him closer and to deepen the kiss. I miss this. I miss his kisses. I miss his lips against mine. I miss him. Para akong pinagkaitan ng tubig ng mahigit isang taon at ngayon lang ako pinatikim kaya uhaw na uhaw ako. Hindi ko nga namalayan na nakakandong na ako at nakaharap sa kanya. Ang kamay niya nakahawak sa magkabilang bewang ko habang napapulupot pa din ang mga kamay ko sa batok niya.

“I missed you.” He said as we again gasp for air. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.  

“I missed you too.” I replied and smiled at him. Hinapit niya ako lalo palapit sa kanya and I felt something poke on me. Nanlaki ang mga mata ko. He is already turned on. Sino ba ang hindi? Ako nga din.

He kissed my jaw and the pulse in my neck. I moaned and I was about to kiss his lips nung may mahagip ang mga mata ko.

“Alexis! May pulis.” May dalawang pulis kasi na nakamotorbike ang nakasunod sa amin. Naka hazard pa silang dalawa at  nung tumingin ako sa gilid, may tig iisa pa. Huhulihin ba kami dahil sa intense halikan namin? Nakikita ba kami sa labas? Bawal ba ang make out sa Paris?

“Don’t worry, they’re our escort.” Baliwalang sabi niya.

“Teka nakoconscious na ako.” Umalis na ako sa kandungan niya at umupo ng maayos. Kahit di kami nakikita sa loob ng limo, aba malay ko kung may laser chuchu yang mga shades ng mga pulis at makita ang kandungan episode namin ng asawa ko.

“At teka nga, bakit may escort tayo?” VIP lang ang peg? May escort?

“She insisted on it. “

“Sinong she?”

“My mother.” Nanlaki ang mga mata ko. Wag niyang sabihing…Ibig ba niyang sabihin…

“Yung mother na sinasabi mo, yung biological mother mo?” I looked at him wide eyed.

“Yes.” And my heart started thumping wildly. My hand began to sweat and I looked at my husband sharply.

“Bakit hindi mo sinabi? Kilala mo ba kung sino ang Nanay mo? Tapos ipapaharap mo akong ganito ang itsura?” I panicked but he just looked at me as if I’m weird.

“There’s nothing wrong with how you look.” Pero hindi ako naniwala. For goodness sake, I will be meeting the Archduchess of Austria tapos ganito ang itsura ko? I don’t even look fresh. Halos wala pa akong tulog sa eroplano. With that thought, I hastily opened my bag at kumuha ng salamin para tingnan kung gaano kalaki ang  eyebags ko and I groaned upon seeing myself.

“Just relax Mandy.”

“Paano ako makakarelax? Hindi ako prepare…” I wasn’t able to finish my sentence dahil bigla na lang niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. Napapikit na lang ako at nakalimutan ko kung bakit ako nagpapanic. I kissed him back and I was so into the kiss that I was disoriented when he stop.

“Are you okay now?” Sabi niya pero hindi nilalayo ang mukha niya sa akin.

“Ha?” Parang tangang tanong ko.

“Kinakabahan ka pa?” A small smile is tugging at his lips. Oo na! Ikaw na! Ikaw na ang may halik na nakakawala ng katinuan.

“Medyo.” And he kissed me again. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa ginagawa niya. Bongga tong naisip ni Alexis na pamparelax. Gusto ko pang magrelax more.

“How about now?” Pinigil ko ang mangiti at tumingin ako sa kanya ng seryoso.

“Grabe sobrang kabado talaga ako.” I bit my lower lip to stop myself from grinning. But it was already too late because he just burst out laughing.

“Wag kang mag alala, hindi ko ipagdadamot ang halik ko sa’yo kung kailangan mo for whatever purpose.” And he kissed me again. Ang saya ng buhay. I sighed contentedly but he stopped when the kiss got deeper  and more demanding.

 “Pwedeng bang maghalikan na lang tayo at hindi na natin I met ang nanay mo?” I said breathless.  

“But we’re already here.” Napatingin ako sa paligid ko and indeed the limo is already entering a gate. Gate lang ang  nakikita ko at malaking garden garden tapos walang hanggan na damuhan. Hindi ko kasi makita ang harapan.

Nag travel pa kami ng mga 5 minutes bago tumigil ang sasakyan.

“Don’t worry. Just be yourself.” Mahinahong sabi niya. 

“Yeah. Nice advice.” Sarcastic na sabi ko sa kanya sabay irap. Gusto ko pa sanang magsalita pero bumukas na ang pinto sa may side ko at pati sa side niya kaya sabay na kaming bumaba.

Napanganga ako sa bahay na nasa harap ko. Bahay pa ba to? Bakit parang palasyo? Akala ko, sa tanang buhay ko, ang bahay na nila Alexis sa Maynila ang makikita ko pero wala ata sa kalahati ng bahay na to ang mansion nila.

“Welcome to the Chateau de D’Aviano Mademoiselle.” Said the guy who opened the door for me in a deep accented voice.

“Thank You.” Pa demure na sabi ko and at the corner of my eyes I saw Alexis smile. He is enjoying my awkwardness, but due to my nervousness hindi ko na siya sinita lalo na nung hinawakan niya ang kamay ko nung papasok na kami sa loob ng Chateau de D’Aviano kuno. 

“Mabait naman siya di ba?” I looked at Alexis hopefully asking for a reassurance but he just shrug. What the!

“I don’t know.” Dagdag pa niya.

“Anong you don’t know? Nanay mo kaya yun!”

“I don’t know 'coz I don’t really know her. Lately lang kami nagkausap ng matino. Wala pa sa limang beses kaming nagkita ng personal.  Pero siguro, oo,  kasi dati kahit insultuhin at murahin ko siya, di naman niya ako ginagawan ng masama. Wala namang nambugbog sa akin o kaya nangsalvage.” At talagang inexpect niya na gawin yun sa kanya ng sarili niyang ina?

“Dahil anak ka niya.”

“Anak ka na rin naman niya kasi asawa kita.” He then looked at me lovingly. My heart did a summersault.

“Yan tayo eh.”

“Pa kiss?” Dagdag pa niya na nangingiti. Aba, ang bilis matuto.

“Mahiya ka naman, nakasunod ang royal guards.” I grinned at him and he chuckled. Maya maya pa, may sumalubong sa aming isang babae na matangkad, maganda at naka 3-piece suit. Akala ko yun na ang Nanay ni Alexis kaya todo ngiti naman ako  at kulang na lang yumuko ako. Pero natigil ako nung yumuko siya nung makita si Alexis bago niya ito batiin. Ganun din ang ginawa niya sa akin.  

“She’s one of my mother’s staff.” Buong ni Alexis sa akin. Juiceko, kung staff pa lang ay forminable na ang itsura paano pa kaya ang Nanay niya? Kailangan ko na bang panginigan ng kalamnan?

The girl who introduced herself as Eloisa ushered us down the lavishly decorated hall. Kahit na nenenerbiyos ako, di ko mapigilan i-appreciate ang kagandahan ng bahay este chateau pala. Feeling ko pati alikabok, mamahalin. That is kung may alikabok na maligaw dito.

Sa haba ng nilakad namin, sino ang mag aakala na sa labas kami dadalhin nitong si Eloisa. Yun nga lang hindi sa harap kundi sa hindi ko alam kung nasaan. Ang narinig ko lang sa may garden daw.

Paglabas namin, naglakad pa ulit kami sa may walkway. Pakiramdam ko, nasa maze kami kasi sa gilid namin ay ang mataas na pader na mga tanim. Yung makikita mo talaga sa mga maze. Naiimagine ko tuloy ang scene sa Harry Potter and the Goblet of Fire. 

“Alam mo ba na sa dulo ng maze na ito ay ang Hufflepuff’s Cup?” Bulong ko kay Alexis and he laughed.

“Potterhead.” Ginulo pa niya ang buhok ko.

“Ikaw din naman. Dahil hindi mo maintindihan ang sinabi ko kung di ka nakapagbasa o nakapanood ng Harry Potter.” I smirked at him.

“Not arguing.”

Nakarating kami sa dulo ng maze na hindi naman maze kasi hindi naman paikot ikot. Then at the end of the wakway, I saw a gazebo at sa gitna nun nakaupo at nakaharap sa maliit na mesa ang isang babae. Her hair is dark brown, katulad ng kay Alexis. She’s wearing an elegantly white coat and pencil cut skirt of the same color. Kahit na hindi pa kami nakalapit, she already exudes the air of elegance.

Bago kami pumasok sa gazebo, nagsalita si Eloisa ng French announcing our arrival.

“Kinakabahan ako.” I whispered at Alexis at hinawakan ko mahigpit ang kamay niyang nakahawak sa akin.

“Gusto mo ng kiss?” He whispered back.

“Tumigil ka. Napaghahalataan ka na.” He just chuckled.

Napatingin ulit ako sa babae and she gracefully stood up at napanganga na lang ako. Kahit kailan, hindi ko makakayang gawin ang klase ng pagtayo niya. Kung sa malayo ramdam na ramdam na ang elegance niya, sa malapitan, nag uumapaw na.

She looked at Alexis and she nodded at him and she looked at me without a trace of smile on her lips. Naguluhan ako bigla. Dapat ko bang salubungin ang tingin niya. Hindi ba yun sign ng disrespect?

But then Alexis told me to be myself and I cannot stop myself from being curious. I want to look at her. At kung lalaki lang ako, baka naglaway na ako. Kung hindi ko lang mahal si Alexis, baka natomboy na ako. She’s a beauty…no, she’s a goddess. Shete! Mapapamura ka sa ganda niya.

But when I look into her eyes, I saw the most beautiful and coldest green eyes I have even seen. My heart hammered at my chest and…

I gripped the hand of my husband tightly. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top