Chapter 43 (3/8/2015)
43
Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising ako sa panaginip ko pero ayaw ko naman kasi ayaw kong maputol ang napakagandang panaginip. Kaya ang ginawa ko na lang hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Alexis na nakahawak sa kamay ko para naman in case na magising ako baka pwede ko siyang dalhin sa realidad.
“Mukha lang akong aparisyon, pero totoo talaga ako.” I heard him chuckled.
“Stir?” Tumawa siya dahil sa sinabi ko pero hindi na siya nagcomment. Instead, bumaling siya kay Kuya Nestor at sinabihan itong sa airport na kami didiretso.
“Andun ka kanina nung graduation ko?” Okay. Nagbago na ang isip ko. Kung panaginip man ito, sana magising na ako kasi ayaw kong umasa.
“I wouldn’t miss it for the world. Hindi ko kayang palampasin ang isang pangyayari sa buhay mo na mahigit isang taon kong hinintay. Mabuti na lang at hindi mo naisipang mag masteral kaya isang taon lang akong naghintay.” I feel like shrieking. Totoo nga! Hindi nga ito panaginip. Umattend nga siya nung graduation ko. Katabi ko nga siya ngayon sa kotse and we’re going to Paris. This is all too much to handle.
Napatingin ako sa kanya and I blink plenty of times at nung nasigurado ko na hindi lang ako nananaginip, I shrieked at threw myself at him at hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak habang nakasubsob sa dibdib niya. He encircled his arms around me in a tight embrace. Yung puso ko, gusto nang lumundag dahil sa tuwa. Hindi ko maexplain, I cannot even put into words the joy I am feeling right now. Ang sarap sarap ng feeling na nakakulong ako ngayon sa mga braso niya pagkatapos ng mahabang panahon.
I missed him. I missed him so much at hindi ko alam kung paano ko nakaya ang mahigit isang taon na hindi kami nagkita. Siguro dahil katulad niya, I am also waiting for this day na magkikita kami. The wait is all worth it.
Ngayon ko lang naappreciate ang naging desisyon namin noon. Tama lang na lumayo muna kami sa isa’t isa because we both need to heal. Siguro kung hindi namin yun ginawa, hindi ko siya kayang yakapin ng ganito. Siguro hanggang ngayon, I am still grieving for our loss. Nagpapasalamat na lang ako sa maturity ni Alexis. Kahit na dalawang taon lang ang tanda niya sa akin, nakikita ko kung gaano siya ka mature.
“I missed you.” Bulong niya sabay halik sa ulo ko. Nakasandal na ako ngayon sa dibdib niya habang yakap pa din niya ako. Ayaw na naming maghiwalay. Gusto na lang namin magkayakap.
“I missed you too.” I closed my eyes and welcomed the familiar comfort his embrace brought me.
Nakakapagtaka. Pagkatapos ng mahabang panahon na hindi kami nag usap at sa daming tanong, kwento at salitang hindi namin nasabi sa isa’t isa ito kami ngayon at kuntento nang magkayakap. Na para bang ang mga araw at mga buwang lumipas, ang mga salitang di namin nasabi ay balewala na lahat. Ang importante na lang ay ang ngayon na kahit hindi kami magsalita, alam namin ang damdamin ng isa’t isa. We found comfort in each others arms, we found solace in our silence, we found love just by looking into each other’s eyes. Words are no longer necessary.
Hindi ko alam na pwede pala yun. Nagkakaintindihan kayo kahit na hindi kayo mag uusap. Hindi ko inakalang magkakaroon kami ng ganun kalalim na connection.
Inalalayan niya akong bumaba ng kotse pagkarating namin sa airport. Siya na din ang nagdala ng luggage ko na nasa trunk ng kotse. Pinaayos pala ni Mama ang mga gamit ko sa mga katulong kanina nung nasa graduation ako at dinaanan ng driver para pagkatapos ng graduation diretso na kami sa airport.
Mabuti na lang pala at nung buntis pa lang ako, inasikaso na namin ni Alexis ang European Visa ko kaya hindi ko na kailangan kumuha pa ngayon. Di sana na spoil ko ang surprise nila.
“You can sleep. Matagal ang flight na to, 18 hours.” Sabi niya sa akin nung nakaboard na kami sa business class ng eroplano papuntang Paris.
He reclined my seat para mas comfortable ako pero wala akong planong matulog. Mas gusto ko na lang ang titigan siya dahil parang hindi pa din talaga ako makapaniwala na nasa tabi ko na siya.
“Ayaw ko pang matulog.”
“Hindi ka ba pagod?”
“Kanina oo, pero ngayon, hindi na.” I saw how the smile curved on his lips as he lovingly looked at me.
“You really think na hindi ko sisiputin ang graduation mo?” Nakangiti pa ding sabi niya. Umusod siya ng kunti sa upuan niya and he guided my head para sumandal sa balikat niya. I indulgently rest my head on his shoulders and discreetly smelled the distinct smell na si Alexis lang ang meron. It’s the kind of smell na kapag naaamoy ko, alam ko kaagad na siya yun.
“Hinanap kita sa crowd. Hindi kita nakita. Akala ko nakalimutan mo ang graduation ko.” I wasn’t able to hide the loneliness in my voice. Naalala ko kanina na kulang na lang umiyak ako dahil wala siya.
“I was at the back.” He played with my hair. Napansin ko, dati pa, mahilig na siyang laruin ang buhok ko. He usually does it kapag pinapatulog niya ako.
“Tumingin ako sa likod. Hindi kita nakita. If I know, hindi mo talaga naabutan ang graduation ko.”
“I was backstage and I saw you looking around and I knew you were looking for me. I’m sorry if my supposed absent upsets you but I witnessed every part of the ceremony. I’ve seen your every emotions and it took all my willpower not to come near you. But then I would spoil the surprise kung lalapitan kita.” Napatingin ako sa kanya and I saw him looking at me.
“I’ve missed you Mandy.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko and lowered his head to capture my lips. Nung magtagpo ang mga labi namin, automatic na napapikit ako. It was not a deep kiss nor a long one. It can even be considered as a smack except that it was longer and I think it only lasted for 10 seconds. It can also be considered as a peck except that he nibbled my lower lip before he released my lips. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko when the kiss ended. But the kiss, no matter how short, no matter how innocent, jumpstarted my heart. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang sinasabing…
‘I’m alive again.’
“Pero natiis mo ako? Natiis mong hindi ako tawagan. Natiis mong di ako kausapin. Imagine, if I didn’t stalked you…” I stopped myself at agad kong naramdaman ang pag iinit ng pisngi ko. Grabe, nakakahiya.
“Go on.” He said but a small smile is playing at the corners of his lips. I ignored it.
“If I didn’t follow you on twitter, hindi ako magkakaroon ng balita sa’yo. Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng ganun?”
“I know what you are feeling that time.But we needed it Mandy.”
“I know and I understand. It was just the bitterness in me talking.”
“Kailangan kitang bigyan ng panahon not only to heal but also to reach your dreams na naunsiyami dahil sa relasyon natin. I promised your parents to give you what you deserve. And you don’t deserve to be deprived of your diploma just because you are married to me. And even if I can provide for you, hindi pa din nararapat na nakawin ko ang mga pangarap mo.”
“Nakausap ko sila nung huli tayong magkita. Nung pinuntahan kita sa bahay niyo. My intention really was to talk you into coming with me to Paris. Ayaw kong maghiwalay tayo. Alam mo yun. Pero nung nakausap ko ang Mama mo at ang Papa mo, naliwanagan ako and I know that they are right. I intentionally didn’t contact you because I don’t want to distract you and to distract myself. Buo na ang pasya kong hahayaan ka muna at bibigyan ka ng time at kapag kinausap ulit kita, tinext kita, makikipagkita ako sa’yo, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko and I would again seduce you to be with me and I would fail your parents, I wouldn’t be able to keep my promise at magiging selfish ulit ako. Ilang beses din akong natuksong tawagan ka na lang o kahit itext ka. It was an ultimate test of self control. But despite my efforts to stop myself, sadly, I failed.” He failed? Pero hindi niya ako tinext, tinawagan except dun sa stalker issue.
“What do you mean you failed? Dahil sa kinausap mo ako sa twitter?”
“No, it was indulgence.”
“Hindi ko natiis na hindi ka makita. Hindi ko natiis na malayo sa’yo ng matagal. Hindi ko kinaya.” Napayuko siya at parang hiyang hiya sa ginawa niya. Pero hindi ko siya maiintindihan. Anong pinagsasabi niya?
“Mahigit isang taon tayong di nagkita.Hindi pa ba pagtitiis ang tawag doon?”
“I cheated.” Napatingin siya sa akin and he turned crimson. Ay hayop sa pagkamestiso itong asawa ko. Pati tenga namumula.
“What!? Anong you cheated?” Nambabae siya? At umaamin siya ngayon? Yung babae ba yun ang subject nung post niya sa twitter last time? Pero bakit andito siya ngayon?
“Umuuwi ako once a month para makita ka. I looked at you from afar. Minsan sumusunod lang ako sa kotse kapag nagkataong umuuwi ka at sinusundo ka ni Kuya Nestor and I was very tempted to tell him na dalhin ka sa bahay.” Napanganga ako sa sinabi niya. Umuuwi siya? Nakikita niya ako?
“Ang daya mo!” I blurted out. Nakikita niya ako samantalang ako, sa twitter o sa net ko lang siya nakikita dahil sa mga post niya na pictures o sa mga articles tungkol sa kanya. Madaya siya.
“I know.” Pero hindi ko makuhang magalit sa kanya because I was damned flattered. Hindi ko tuloy naiwasang ngumiti,
“Teka! Yung tweet mo… yung, ‘I’m gonna destroy any guy who comes near you. Even just to say, Hi!’” I quoted.
“Were you referring to me?”
“Who else would I refer to?” Napahiya ako ng kunti. Kung ano ano pa ang pinag iisip ko. That’s the downside of being a woman. Ang bilis tumakbo ng isip at nagcoconclude ng kung ano ano.
“Pero paanong…” At bigla akong kinabahan. Kung ako yung sinasabi niya, sino yung…
“I saw you with that guy, Louis. The volleyball team captain. He was flirting with you.” He said seriously. His mouth is set na para bang bumalik sa kanya ang nakita niya and it still upsets him.
“Huh?” I recalled the moment and I remembered the last time Louis approached me and offered na ihatid ako. Naghihintay kasi ako ng sundo ko nun kasi si Kuya ang may dala ng kotse.
“Kaya ba simula nun hindi na ako kinausap ni Louis? Ni hindi niya ako matingnan? What did you do?”
“I kicked him out of the volleyball varsity.” Hindi nakaligtas sa akin ang maliit na ngiti sa mga labi niya. I didn’t see any remorse on what he did.
“Ano? Pero paano mo nagawa yun?”
“Let’s just say, I have the power to do that.”
“Anong klaseng powers? Hindi ka naman si Superman. Mas lalong di ka si Darna.” At wag na wag siyang magkamali na maging si Darna. Tama na yung dati. Oo nga, that it was fun chasing after a gay, but in the end I still wanted my man.
He chuckled at what I said. “The power called shares of stocks.”
“At gaanong kalaking power yun?” Alam kong mahilig si Alexis sa pag iinvest dahil ako ang may hawak ng isang bank account niya kung saan kinukuha ang mga gastos sa bahay at nagtatransfer ng pera para sa ibang investment company sa Pilipinas. Ang pagkakaalam ko, the money that was deposited to that account are merely dividends from shares of his investment dito sa Pilipinas and a part of his income abroad. Although hindi ko na inalam kung gaano kalaki ang shares niya sa ganito at ganyan pero alam kung hindi yun maliit based on the deposits made to that account at hindi kasama ang personal na kita niya. Pero pati ba naman ang sa school?
“55%. Enough to impose what I want.” Nanlaki ang mga mata ko.
“You bought shares of our school just to kick Louis out of the varsity? Dahil lang kinausap niya ako?”
“Gusto ka niyang ihatid. At kung pumayag ka, he would eventually court you. And I know he wouldn’t stop with a single no from you so I need to cut his bloated ego. The nerve of that guy!” Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya yun at ngayon na ako naniwala sa sinabi niya dati sa akin that he's a jerk. Na hindi siya mabait.
“ And no. Of course not, hindi ko yun binili para paalisin siya as a varsity. Although yun ang way. It’s just for him to stop making a move on my girl.” He’s really proud of what he had done. No regrets. Naririnig ko sa boses niya.
“Alexis…”
“Don’t worry. I’ve talked to the guy and I made a deal with him. Madali naman pala siyang kausap. At isa pa, pinagraduate ko naman siya. Kawawa naman ang bata.” He sounded as if he’s even regretful that he did allow him to graduate.
Note to self. Wag galitin si Alexis.
Hindi na ako nagsalita. Hindi ko na siya inaway sa ginawa niya.
Napatingin ako sa kanya. I looked at his smug face. What he did was wicked, ruthless and selfish but hell, hindi ko maitatanggi that I am flattered. Hindi ko ikinakasiya na may taong nawalan dahil sa akin pero hindi ko mapigilang kiligin. Siguro selfish din ako kasi instead na malungkot, kinikilig ako. What he did was wicked, it was ruthless and selfish but his action made me feel that…
I am loved and treasured.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top