Chapter 41 (3/6/2015)

41

 “Ma’am Mandy.” Itinigil ko ang pagpfacebook sa phone ko at tumingin kay Kuya Nestor. Pauwi na kami ng bahay. Siya kasi ang tagahatid at tagasundo sa akin kapag coding ang kotse ko. Tatlong buwan na ang nakalipas simula nung huling uwi ni Alexis. Nakapag enroll na din ako ulit sa school.

Pinagsabihan ko na si Kuya Nestor na wag na akong ihatid at sunduin sa school tuwing coding ang kotse namin pero nagmatigas siya. Nakakahiya namang tumanggi kasi andyan na siya. Nagbyahe pa siya mula Makati papuntang bahay kaya pumapayag ako kasi napagod na ako kaka saway kasi mukhang hindi naman niya ako susundin.

Hindi ko naman masabihan si Alexis na itigil na kasi hindi na nga tumatawag yung tao. Ayaw ko namang maunang tumawag  kaya hinayaan ko na lang.

“Bakit po Kuya Nestor?”

“Kelan po ang graduation mo?”   

“Bakit po? Napapagod na kayong maghatid sundo sa akin ano?” Nakita kong napangiti si Kuya Nestor at saka kinamot ang batok.

“Hindi po Ma’am. Bakit naman po ako napapagod.”

“Bakit niyo po natanong Kuya? May regalo ka sa graduation ko?” Biro ko sa kanya. Kahit papaano naging kaibigan ko na din si Kuya Nestor. Minsan, nakikipagbiruan ako sa kanya. Parang tinuturing ko na din siyang kamag anak. 

“Ang tagal mo daw po kasing gumraduate?” Nagulat ako sa sinabi niya and something tugged at my heart.

“Palagi po ba kayo nag uusap ni Alexis Manong? Kamusta naman po siya?” Hindi ko na napigilang itanong. Miss na miss ko na siya.

“Sa tingin ko po okay naman po. Minsan lang po siya tumatawag. Busy ata sa trabaho niya.” Napabuntunghininga ako.  Kahit ako, gusto ko rin hilahin ang oras para makagraduate na ako pero sa kasamaang palad, after this semester, may isang semester pa akong kukunin kasi hindi inooffer ang isa kong subject this semester kaya kailangan kong maghintay.

Hanggang makarating sa bahay hindi na ako mapakali. Ilang buwan ko ding tiniis ang hindi makarinig ng kahit na anong balita tungkol kay Alexis. Natakot pa nga ako nung nag enroll ako kasi baka makita ko ang kakambal niya pero nakagraduate na pala sila Lexie pati na rin si Missy. Naiwan na lang akong mag isa sa University. Mabuti na lang may mga lower years akong kakilala at may kaclose akong kakatransfer lang mula sa ibang school.

Natigil ang pagmumuni muni ko nung  may may notification na lumabas sa fb ko.

Missy Sippi mentioned you in a post.

I immediately click the notif and read the post.

‘Kitakits tayo guys. Miss ko na kayo.’  She tagged Barbie, Chelsea, Lexie and Me. Nauna nang nagcomment sina Barbie, Chelsea at Lexie at sinabing okay sila.

Missy Sipi: Mandy magparamdam ka na. 

I click on comment and replied  na sabihin na lang sa akin kung kelan.

I was about to close facebook nung mapatingin ako sa account ni Lexie. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, I clicked on his profile and checked his friends at nahigit ko ang hininga ko when I saw his name.

AW d’Aviano Mondragon.

Yung profile niya ay Eiffel Tower. Sobrang common. I clicked on his fb page and it was set to private.

Then I found myself closing facebook and I opened google and typed his name. Hindi ko akalaing gagawin ko to. Hindi naman kasi ako stalker. Nalula ako nung makita ko ang mga results na lumabas. Ngayon ko lang talaga narealize kung gaano kasikat si Alexis. Although hindi siya kilala masyado sa Pilipinas pero kilalang kilala siya sa Paris, sa Europe at kahit sa US. I clicked on the images attributed to him. Mga photoshoots, commercial shoots, runway shoots. Pati mga party kung saan may kasama siyang mga ibang babae. Hindi ko na tinuloy ang pagtingin sa mga images kasi habang tumatagal nakakaramdam ako ng inis.

I clicked on his twitter account at pinanalangin ko na sana hindi dummy at sana hindi nakaprivate. Laking tuwa ko nung hindi nakaprivate and it seems na iyon ang official twitter account niya. Anong klase akong asawa? Hindi kami friends ng asawa ko sa facebook at hindi ko alam ang mga social networking accounts niya.

At dahil wala akong twitter account, I created one and I make sure na hindi ko pangalan ang ginamit ko and I followed his twitter account. Para akong baliw kasi kinakabahan ako habang nagbabrowse sa mga tweets niya na kukunti lang naman. Kadalasan ay mga mentions lang. Ganun pala ang feeling ng isang stalker.

Pagkatapos ng stalking episode ko sa asawa ko, hindi na ako mapakali kaya araw araw kong chenecheck ang twitter niya for an update. Sobrang dalang niyang magpost. Isang linggo na since I followed him pero wala siyang post kahit isa. Mukhang walang kwenta ang pagfollow ko kasi di naman ako ma uupdate sa kanya. At bakit ba ako nagtitiis sa mga tweets niya kung pwede ko naman siyang tawagan at itanong kung kamusta na siya. Pero alam kong di ko magagawa yun.

Kaya naman laking gulat ko when he posted a tweet:

‘Alex Mondragon @awmondragon After a tiresome week, you made my day.’

Ilang beses kong binasa ang tweet niya. Gustong gusto kong magcomment at itanong kung sino and nagpapasaya sa araw niya pero hindi ko ginawa. Sa libong followers niya, impossibleng magreply siya sa akin. Pero ang sakit pala malaman na may ibang taong nagpapasaya sa taong mahal mo.

Dala ko ang sama ng loob ko hanggang matulog. Ang konsolasyon ko lang ay ang unti unti nang paglambot ng puso ni Papa sa akin. Kinakausap na niya ako katulad ng dati. Tinatanong na niya ako kung kamusta na ba ang pag aaral ko.

Ganun pa rin ang nangyayari sa akin ang kaibahan lang, dumadalas ang tweet ni Alexis. Baka hindi na busy. At tuwing nagttweet siya, nagwawala ang fangirls niya. Minsan natatawa na lang ako habang binabasa ang mga comments nila. Hindi ako nagseselos kasi wala naman kahit isa sa kanila ang nirereplayan niya. At kung meron man, hindi ko alam kung magseselos ako kasi siguro tama lang na pansinin naman niya ang mga taong sumusuporta sa kanya. At ewan ko ba kung nababaliw na talaga ako because I’ve decided to be his fan. Gusto ko siyang suportahan in anyway that I can kahit hindi niya alam.

Kaya naman  nakisabay ako sa mga fans niya nung isang beses na nasa UK siya. Nagtweet kasi siya na andun siya for a photoshoot at may nagreply na taga UK na gustong magpaautograph sa kanya. Naisipan kong magreply,

‘StalkPaMore @thestalker @awmondragon send me your nude photo with an autograph please.’

Tatawa tawa ako habang pinopost ang tweet ko. I know it’s naughty pero may mas naughty pa na post kaysa sa post ko and for sure he wouldn’t even notice it sa dami ng nagtutweet sa kanya. Pero laking gulat ko pagkatapos ng class namin at nakasakay na ako sa kotse when I saw my twitter account.

‘Alex Mondragon @awmondragon @thestalker And what are you gonna do with my nude photo may I ask?’

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil nagreply siya. Sa dami ng nagtweet ang tweet ko ang nireplayan niya. Na offend ko ba siya? Hindi naman nakakaoffend ang tweet ko di ba? Mas vulgar pa nga ang tweet ng isa na . ‘I want you inside me so badly @awmondragon.’ O kaya yung ‘I’ll sell my husband just for a night with you @awmondragon’. May iba pang wala na talagang filter pero bakit ang tweet ko ang nireplayan niya? Kinabahan ako bigla pero hindi ko pa din napigilan ang magreply. Namamawis ang kamay ko habang nagtatype.

‘StalkPaMore @thestalker @awmondragon I need money. I’m gonna sell it.’

Reply ko para naman hindi niya sabihing pinagnanasaan ko din siya katulad ng iba niyang fans.

‘Alex Mondragon @awmondragon I’m insulted. Am I not a good provider @thestalker?’

Napapanganga ako sa nabasa ko, shocked. Hala! Kilala niya ako? O baka naman nantitrip lang siya at sinasakyan lang niya ako. I mean nakikiride lang siya. I am nearly convinced na ganun nga when suddenly my phone rang. Nakatulala ako sa phone ko na roaming number ni Alexis ang nakalagay.

“Kuya Nestor!”

I shouted before I can stop myself. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top