Chapter 40 (3/6/2015)

40

I close my eyes as his lips touched mine. I clung to him like my life depended on him. I answered his kisses with sweet abandon. When was the last time we’d kissed like this? I don’t exactly remember the date but I remember the kisses he’d given after we lost the baby we’re all chaste kisses. Just a peck on the lips. Not as deep and as emotional as the one we’re sharing right now.

Tulo ng tulo ang luha ko habang hinahalikan niya ako and I felt his hands cupped both of my cheeks and he wiped my tears with his thumb.

“Andito na ako. Tama na.” He said gently at hinalikan ang noo ko. Mas lalo akong umiyak kaya isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. I was already hiccupping but I can’t seem to stop myself from crying. Hinayaan lang niya akong umiyak. Hinayaan niya akong basain ang shirt niya. Ni hindi ko namalayan na nakaupo na kami sa kama at nakasubsob pa din ako sa balikat niya at nakapatong naman ang chin niya sa ulo ko.

Nung mahimasmasan na ako, I cleared my throat and look up at him. Namumula ang pisngi niya pati ang mga mata niya at alam ko na umiyak din siya.

“Galing ka pang airport?”

“Yes.”

“Magpahinga ka muna. I’m sure pagod ka.” Ilang oras din ang byahe at siguradong di siya nakatulog sa eroplano.

“Let’s talk Mandy.” Bigla akong kinabahan sa sinabi niya pero alam ko naman na kailangan naming mag usap. Tumango ako at lumayo ng kunti sa kanya but he stopped me. Hinapit niya ako sa bewang and he hugged me. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya and I sighed contentedly.

“What do you want Mandy?” Naguluhan pa ako nung una sa tanong pero and it took me a while to understand him at narealize ko na tinatanong niya kung ano ang gusto kong mangyari sa relasyon namin. At hindi ko alam ang isasagot ko. Ayaw kong maghiwalay kami dahil alam kong mahal pa namin ang isa’t isa pero ang hirap harapin ang araw araw kapag naaalala ko ang lahat ng mga nangyari.

“Tell me what you want. Tell me what you feel. Huwag mong isipin ang mararamdaman ko.”

“Pwede ba yun? Pwede bang hindi ko isipin ang nararamdaman mo?” Dalawa kami sa relasyon na to at tama lang na maging mutual ang desisyon na gagawin namin.

“What you want is what my heart desires.” And my heart melted. Pero ano nga ba ang gusto ko? Gusto ko bang maghiwalay kami? And the answer is a resounding no. Pero kakayanin kaya naming tumagal? I’m scared for our future.

I heaved a sighed.

“Ayokong maghiwalay tayo.” Mahinang sabi ko and I felt him kiss my temple.

“Me too. But there’s a but. I can almost hear it Mandy.”

“Pero natatakot ako Alexis.”

“Dahil?”

“Paano kung di tayo magtatagal? Paano kung di na tayo magkakababy? I’ve heard a lot of broken marriages dahil sa hindi pagkakaroon ng anak. Ayaw kong mangyari sa atin yun.” Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pinaharap niya ako sa kanya.

“When I found out that I am falling in love with you, I never thought of a baby. I just want you. It was just selfishness on my part kaya naisipan kong buntisin ka at pakasalan dahil alam kong malapit na akong bumalik ng Paris at ayaw kitang bitawan. Pero hindi ko rin masasabi na hindi darating ang panahon na hindi ako maghahanap ng baby. Siyempre gugustuhin kong magkaroon tayo ng pamilya but I don’t want to rush things. Let’s take it slow. Wag muna nating pangunahan. Okay?” Tumango ako.

“Mandy, naisip mo bang hiwalayan ako?” I bite my lips and I wanted to say no dahil alam kong masasaktan siya pero ayaw kong magsinungaling sa kanya.

“Yes.” I saw him flinched. “Pero yun ay dahil natatakot akong baka hindi na kita mabigyan ng baby.” Bawi ko agad.

“If magkakaroon pa tayo ng baby, would you give this relationship a chance?” Tumango ako and he smiled a little.

“We have this little chance of having a baby. I’ve talked to your OB. Are you willing to give this relationship a little chance?”

“I need to think.” Kailangan ko yun because a little chance means a big heartache.

“I’ll give you that. Let’s have a short term plan. Ngayon ano ang gusto mong gawin?” Nagyuko ako ng ulo kasi pakiramdam ko nalulunod ako sa klase ng titig niya. At isa pa, sa hope na nakikita ko sa mga mata niya, baka hindi ko na masabi ang gusto kong sabihin.

“Dito muna ako sa amin. Masyadong malungkot sa bahay. At isa pa kailangan ko munang makipagbati kay Papa. Gusto ko ding mag aral at makagraduate but most of all I need to sort out my emotions.” Dire-diretsong sabi ko.

“With or without me?”

“Without you.” Tumango siya at iniwas ang tingin sa akin.

“Okay.”

“Okay? Ganun kadali?” Ilang beses kong sinubukang makipaghiwalay sa kanya dati but he vehemently refused. He doesn’t want to let me go. Pero ngayon, okay lang ang sasabihin niya?

“Hindi ganun kadali. It is not easy Amanda. You are asking for your freedom and I will give it to you. Pero hindi ganun kadali.” Anong hindi?

“What do you mean?”  

“I will not bother you ‘till your graduation. Siguro tamang panahon na yun. By that time, pwede na tayong magdecide tungkol sa future. I will give you your freedom for now pero isipin mo na maghihiwalay tayo ngayon hindi dahil hindi na natin mahal ang isa’t isa. I refused to part ways with you na masama ang loob natin sa isa’t isa. Maghihiwalay tayo dahil yun ang mas nakakabuti sa ngayon. Because we both need that space. I will let you go not because I am tired of you. I will let you go not because I can no longer bear the pain. I will let you go because I know that you’re mine. I will let you go because that’s what I’m supposed to do and because I know that’s  what we both need.”

Iniisip ko dati na isang katangahan na maghihiwalay ang dalawang tao kahit na mahal pa nila ang isa’t isa. Para sa akin kung nagmamahalan kayo, you should stick together. Ipaglaban niyo ang pagmamahal niyo. Pero sa nangyari sa amin ni Alexis narealize ko na may pagkakaton na kailangan niyong  maghiwalay hindi dahil sa gusto niyong mawala ang isa’t isa kundi gusto niyong buuin ang mga sarili niyo para pag dumating ang panahon maibibigay niyo na ng buong buo ang pagkatao niyo sa taong minamahal niyo.  Although hindi niyo malalaman kung kayo nga ba sa huli, doon masusukat ang lalim ng nararamdaman niyo.

“Mandy, kaya natin di ba?"

“Kaya nating maghiwalay di ba? Kaya nating maghintay?” Hinawakan niya ang mga kamay ko. I looked at him and I  nodded dahil sigurado akong kahit na maghiwalay kami siya pa rin ang mamahalin ko.

“Good.”

“But I need someone to take care of my finances while I’am away. I need someone to take care of my house. Can you do it for me?” Tumaas ang kilay ko dahil alam kong hindi yan ang dahilan niya.

“I auto debit mo na lang.” Patay malisyang sabi ko. Kahit papaano lumuwag ang nararamdaman ko dahil sa pag uusap namin. Dahil andito siya sa tabi ko.

“It is your duty to take care of the bills and it is my duty to provide for your needs.”

 “Hindi ba tayo magpapaannul?”

“Do you want our marriage to be annulled?”

“Hindi.”

“Then let it be. Para may panghawakan ka kapag nagloko ako.” A small smile crept his lips habang ako naman hindi makapaniwala sa sinasabi niya. At iniisip ko pa lang na lolokohin niya ako, kumukulo na ang dugo ko.  

“Lolokohin mo ako?” I cannot contain my emotions. Parang hindi ko yata kakayanin kapag niloko ako ni Alexis.  

“Let us see. I cannot promise. Kaya wag na tayong magpa annul para may habol ka sa akin.”  Napanganga ako. Seriously?   

“Pwede ba akong matulog dito?” At humiga na siya sa kama. I can see that he is tired. May dark circles na sa gilid ng mga mata niya. I wonder kung ilang araw nab a siyang di natulog.  

“Hindi ko alam, baka magalit si Papa. Hindi pa kami maayos.” Tapos magpapatulog ako sa kwarto ko ng lalaki. Kahit na nga ba asawa ko na si Alexis.

“Pwede ka bang matulog sa bahay?” He asked sleepily.   

“Magpapaalam ako.” Tumayo na ako at bumaba para magpaalam kay Mama na sasama muna ako kay Alexis at pinayagan naman ako pero pagkaakyat ko sa kwarto I saw Alexis peacefully sleeping on my bed. Wala na akong nagawa. Nakakaawa naman kung gisingin ko siya. Tiningnan ko siya ng ilang saglit and I lay down beside him.

I felt him reach out for me and he imprisoned me on his arms.  I felt an overwhelming sense of joy as he embraced me. I snuggled closer to him and I sighed  contentedly before I whispered.

“I love you.” 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top