Chapter 38 (3/5/2015)
38
Pagkatapos namin mag usap ni Alexis, nagligpit agad ako ng mga damit ko at tinawagan si Mama at si Kuya para magpasundo. Mabigat na mabigat ang dibdib ko.
Siguro nga masasabi ng iba na isang katangahan ang gagawin ko. Bakit ko iiwan ang isang taong mahal ko? Nagmamahalan naman kami pero bakit kami maghihiwalay? Bakit namin sasaktan ang mga sarili namin? Is this some kind of a martyrdom or am I being a masochist?
No, alam kong hindi ako martyr at hindi rin ako masochist. Pero kasi sa isang relasyon, hindi habang buhay na pagmamahal ang iiral. Although on the duration of the relationship, andun pa din ang pagmamahal, pero habang tumatagal nag iiba na ang focus sa isang relasyon. As you grow old, both of you would be more focused on your family, on your children and your grandchildren. Sex, wouldn’t be as mind blowing as the time na mag bf pa lang kayo o bagong kasal. Hindi na kayo mag sasabihan ng I love you every text message or every call. Baka nga hindi na kayo magtetext sa isa’t isa.
Ayaw kong dumating kami sa point na yun at ayaw kong dumating sa point na pag aawayan namin kapag hindi ko siya nabigyan ng anak. I don’t want him to hope for a child that I couldn’t give. I don’t want to see the disappointment on his face whenever a pregnancy test turned out negative. Ayaw kong dumating sa puntong malalaman ko na may inanakan siyang ibang babae dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Ayaw kong dumating sa point na ipagpalit niya ako sa ibang babae dahil sa kakulangan ko.
I am not a martyr and a masochist. I am selfish. I will be selfish because I wanted to protect my heart from future heartaches kahit na alam kong masasaktan ko siya at masasaktan ko din ang sarili ko.
Pagkatapos kong magligpit ng mga gamit, kinausap ko ang mga katulong na uuwi muna ako sa amin at sila na ang bahala sa bahay. Kinagabihan, sinundo ako ni Kuya kasama si Mama and I said my goodbye to the househelps and I look around the house which had become my home for the past 4 months. Mabigat ang dibdib kong lumabas ng bahay. Tahimik ako habang sakay ng kotse. Si Kuya ang nagdadrive at nasa harapan si Mama.
“Okay ka lang anak?” Tanong ni Mama sa akin. Hindi ko masabi na okay lang ako kasi hindi naman talaga ako okay. In fact, I am far from okay.
“Mama, I’m sorry.” My voice broke. Minsan naisip ko, kaya siguro ako nasasaktan ng ganito ngayon kasi hindi rin ako naging mabuting anak. Nagsinungaling ako sa parents ko. I have disappointed them at kung gusto ko mang maayos ang buhay ko, siguro, tama lang na simulan ko sa pamilya ko.
“Amanda, hindi ko sasabihing okay lang sa akin ang lahat ng nangyari. Nasaktan din ako sa ginawa mo pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na ang lahat at hindi na iyon maibabalik. Magalit man ako sa’yo ngayon, wala na ding mangyayari. Ang importante, natuto ka sa mga nangyari at bilang magulang mo, andito lang ako para suportahan ka. But I cannot stay the same with your father. Kilala mo siya. Kilala mo kapag nagalit siya.Pagpasensiyahan mo na kapag pinagalitan ka niya dahil karapatan niya yun bilang ama mo pero nakapag usap na kami, hindi ka na niya pagbubuhatan ng kamay. Hindi ko na yun mapapayagan.” Kahit papaano, lumuwag ng kaunti ang nararamdaman ko ng dahil sa sinabi ni Mama. Ang totoo, hinanda ko na ang sarili ko sa gawin ni Papa. Pakiramdam ko kasi, nararapat lang sa akin ang anumang gawin niya.
“Salamat po Mama.”
“Anak, kayanin mo.” My mother said with a sympathetic voice at naluha ako.
Pagdating namin sa bahay, nasa trabaho pa si Papa kaya pina akyat ako ni Mama sa kwarto ko at pinagpahinga. Pero hindi ko magawang makatulog dahil kinakabahan ako sa pagdating ni Papa. Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon niya. Baka palayasin niya ulit ako. At lalong nadagdagan ang kaba ko nung magdinner na at tinawag na ako ni Mama.
Napayuko ako kaagad pagkakita ko kay Papa na naka upo na sa dining table. Dahan dahan akong pumunta ng hapag kainan. Sobrang kabado ako na pakiramdam ko nanginginig na ako sa sobrang kaba.
“Good evening po Papa.” Mahinang sabi ko at nagpasalamat ako na di nautal ang pagsasalita ko.
Naghintay ako na sulyapan ako ni Papa pero hindi niya ginawa. Niyaya niya lang sina Kuya at Mama na kumain and he totally ignored me. Nag init ang sulok ng mga mata ko and I keep on reminding myself that I deserve it. I deserve to be treated coldly by my father dahil malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. I have disappointed him.
“Maupo ka na Mandy.” Sabi ni Mama when I was still standing trying to hold back my tears. Iniusog pa ni Kuya ang upuan ko para makaupo na ako. Pati tuloy sa pagkuha ng pagkain, nahihiya ako kaya si Mama pa at si Kuya ang naglagay ng pagkain sa plate ko.
The dinner was awkward. Kinakausap ni Papa si Kuya at si Mama pero parang invisible ako sa kanya. At habang tumatagal, lalong bumibigat ang dibdib ko. I barely ate my dinner and it was the most uncomfortable dinner I’ve ever had in my life with my own family.
Agad akong umakyat pagkatapos ng dinner. Kakausapin ko sana si Papa pero nakita kong umiling si Mama when I approached them habang nasa living room sila. Pagkapasok ko sa kwarto, kinuha ko agad ang cellphone ko nung makita ko ang oras. Lagpas na ang oras na dapat tatawag si Alexis.
And when I checked my phone, indeed there are 3 missed calls from him. Nanghinayang ako na hindi ko siya nakausap because I missed him. Pero hindi dapat. Ibinaba ko na lang ang cellphone ko sa side table at dumiretso na ng banyo para maligo at natulog. Naisip ko na masasanay din ako. Sabi nga nila time heals all wounds kaya siguro darating ang panahon na makakamove on din ako, na maaalis din ang sakit na nararamdaman ko ngayon. At kapag nangyari yun, I would remember the days I had with Alexis as the best days of my life and I would remember him as the best man I have ever loved or maybe the only man that I will love.
Mabilis na dumaan ang dalawang linggo. Kahit naman papaano, nag improve na ang pakikitungo ni Papa sa akin. Although he is still cold, I am no longer invisible to him. Tinatawag na niya ako pag kakain na. Ilang beses na din akong nagsorry sa kanya at kahit na hindi pa niya ako lubusang napatawad, siguro darating ang panahon na mapapatawad niya ako. At hihintayin ko yun. Katulad ng paghihintay ko na makamove on na ako. Hindi naman kasi nadadala sa mabilisan ang lahat.
Hindi na din ulit tumawag si Alexis sa akin after nung missed calls niya. I am tempted to call him pero pinigilan ko ang sarili ko. Yung driver, ilang beses nang pumunta ng bahay. Minsan magdadala ng pagkain pero kadalasan para ibigay sa akin ang mga bills na binabayaran ko online. Kahit kasi nakabukod na ako, ako pa din ang may hawak ng bank account ni Alexis kaya responsibilidad ko pa rin na pangalagaan ang bahay.
Katulad ngayon. Nasa kwarto ako at binabayaran online ang mga gastusin sa bahay and I checked the balance of the account and I sighed. Nung maayos pa ang lahat sa amin, I would usually transfer the money to our joint checking account o kaya sa mutual fund at ibang investment. He thought me how to invest and he opened an account for me para daw kahit papaano may pagkakaabalahan ako. He gave me full reign on our finances. At mag iiwan lang ako ng sa tingin ko ay sapat para sa sa mga gastusin namin sa dalawang linggo. Pero ngayon hindi ko alam kung gagawin ko pa ba yun. If I am still entitled to do those things. I was intently looking at the transfer funds button when I heard the knock on my bedroom door. Nailock ko ba ang pinto?
Baka si Mama ang kumakatok. Kaming dalawa lang kasi dito sa bahay kasi nasa work pa si Kuya at si Papa.
I stood up from the chair and headed to open my bedroom door.
“Ma, pasensiya na nailock ko pala ang…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko because I came face to face with a broad chest underneath a white shirt. My breathing hitched as the familiar scent assaulted my senses and my heart jumped with joy.
Agad na nag init ang sulok ng mga mata ko at nanakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na wag maiyak and I tried so hard to stop myself from throwing my arms at him.
Napatingin ako sa hawak niyang handcarry suitcase. Nanggaling pa ba siyang airport? At dito siya dumiretso?
“Mandy…” Gusto ko nang humagulgol. Gusto ko na siyang yakapin. Masyado kong tinikis ang sarili ko na hindi ko namalayan na nag uumapaw na pala ang pagkamiss ko sa kanya that I needed to clench my fist in order to stop myself. Pero hanggang kelan ko ba kayang pigilan ang sarili ko?
My eyes are dying to see his face. My hands are etching to to touch his face. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na tiisin ang lahat, And yes, I can no longer stand it so I look up at him and when our eyes met humalagpos ang lahat ng pagtitimpi ko.
“Alexis.”
I then let the tears roll down my eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top