Chapter 34 (3/1/2015)
34
Napag usapan namin na hindi ko na siya ihahatid sa airport dahil madaling araw ang flight niya. But I felt him kissed my forehead nung paalis na siya. Gusto kong ipaalam na gising na ako but I’m afraid na iiyak lang ako at ako pa ang maging cause kapag nalate siya sa flight niya. So, I pretended to be asleep kahit na nananakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na umiyak. Kahit na gustong gusto ko siyang habulin nung tumayo na siya sa kama at naglakad papuntang pinto. I wanted to wail, I wanted to stop him. And it took all my willpower not to do so. Nung makalabas na siya ng kwarto saka ko hinayaan ang sarili kong umiyak. Hindi ako pumasok sa school. Nagmukmok lang ako sa kwarto. Kung hindi pa ako pinuntahan ng katulong para kumain, di pa ako tatayo. Kung di lang siya nagsabi na isusumbong ako kay Alexis, di niya ako mapapakain. Pero sobrang unti pa din ng nakain ko. Wala akong gana.
Bago mag lunch, sinabihan ako ng katulong na hinihintay ako ng driver kasi schedule ng ultrasound ko. Pumunta kaming ospital para gawin ang procedure at bumalik din kaagad sa bahay. Malungkot pa din ako at matamlay. Kahit na nasa dining table ako, hindi ko makuhang matuwa kahit na madami ang pagkain. Parang kinakain ako ng lungkot ko. Pinilit kong kumain kasi binabantayan ako ng mga katulong. I have this impression na inutusan sila ni Alexis na bantayan ako.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Kahit ang pagbibihis at ang paglilinis ng katawan, parang ayaw kong gawin. Gusto ko lang magmukmok at alam kong hindi tama yun. Buntis ako at nag aaral pa ako. Hindi pwedeng ganito lang ako.
I stood up and was on my way to the bathroom nung narinig kong may tumatawag sa akin. At halos tumalon ang puso ko nung makita ko kung sino ang tumatawag. I immediately swiped my phone to answer the call.
“Alexis.”
“Hi Baby.”
“Nasa Paris ka na?” Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Kung kanina nakasimangot ako, ngayon hindi ko na maalis ang ngiti ko. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang saya na nararamdaman ko.
“Hindi pa. Nagstop over lang kami. Hindi ka daw magana kumain? Tumawag ako kay Manang Sela bago ako tumawag sa’yo.”
“Pinapabantayan mo ako?”
“I just want to make sure that you are well taken care of.” His voice is full of concern and my heart overflows with love.
“Nalulungkot kasi ako. Namimiss na kita.”
“I miss you too Mandy at kung pwede lang na hindi na ako umalis. Pero kahit wala ako, gusto kong alagaan mo pa din ang sarili mo. Dalawa na kayo, so you need to be extra careful. Promise me that you’ll take care of yourself Mandy.”
“I promise.” At nagtagal ng mahigit isang oras ang pag uusap namin hanggang sa inantok na ako. At siguro nga naramdaman niyang inaantok na ako kaya nagpaalam na siya. Pagkatapos namin mag usap, naligo na ako at nahiga sa kama na may ngiti sa mga labi. Kahit na hindi kami magkasama. Kahit na miss na miss ko na siya, masaya pa rin ako. At sa ngayon, tama na nagkausap kami sa phone. It was enough to give me a good night sleep.
Napakabagal ng panahon. Kapag malungkot ang isang tao, napakabagal ng panahon and each time that passes add up to the longing that I am feeling. Tumawag naman si Alexis, nung dumating siya sa Paris and since then, tumatawag naman siya araw araw pero iba pa din kasi kapag katabi ko siya or kasama ko siya. Kaya ang ginawa ko, inabala ko ang sarili ko sa school at sa paghahanap ng name ng magiging baby namin. Pati pagbabasa ng mga pregnancy books ginawa ko na.
A week passed at pumunta na ako sa OB ko for a check up. Muntik ko pa ngang makalimutan kung hindi lang pinaalala sa akin ni Alexis kagabi.
The doctor checked the condition of the baby and listened to the heartbeat. Naiyak pa ako nung narinig ko ang heartbeat ng anak ko. Parang may bumundol sa dibdib ko. Kakaiba ang feeling.
We’re in the middle of my examination when Alexis called. Tinawagan niya si Manang Sela na kasama ko. Pinarinig din namin sa kanya ang heartbeat ng baby. He requested to be on speaker phone kasi gusto niya daw marinig ang lahat ng sasabihin sa akin ng OB. I was touched kasi kahit wala siya physically, he is still trying his hardest to be there for me and for the baby.
“The baby is healthy and the heartbeat is normal.” Napangiti ako sa sinabi ng OB but my smile faded when she took out the result of my ultrasound. Wala pa siyang sinasabi pero ramdam ko na lalo pa at bigla din nawala ang ngiti sa mga labi niya.
“However.” And however, is a big word.
“Your ultrasound result shows that you have PCOS. Polycystic Ovary Syndrome. It is a hormonal imbalance and the result shows that you have small cysts in your ovaries. Last week you’ve mentioned about your irregular menstrual cycle. Isa lang yun sa mga symptoms ng PCOS. Most women who have PCOS have difficulty bearing a child and you’re lucky that you were able to do so without any medication and workups. But women with PCOS and pregnant have a very high risk of miscarriage on the early stage of pregnancy.” Parang nablangko ang utak ko pagkatapos niyang sabihin ang salitang miscarriage. Madami pa siyang inexplain na complications pero halos hindi ko na narinig. I was so scared. Ngayon pa lang takot na akong baka hindi ko makayang buhayin ang anak ko kahit na nasa tiyan ko pa lang siya. Pakiramdam ko, may kulang sa akin bilang isang babae.
“Baby…” Narinig ko ang boses ni Alexis sa phone at doon lang ako natauhan. Pinilit kong magpakatatag kasi ayaw ko naman magbreakdown sa harap ng OB ko. Si Alexis na ang kumausap sa kanya. Siya na din ang nagtanong kung ano ang dapat naming gagawin para maalagaan ang baby. Lutang ako buong check up hanggang sa matapos kami. Kahit nung nakauwi na kami sa bahay wala pa din ako sa sarili ko.
I didn’t plan this pregnancy. Hindi ko rin pinangarap na mabuntis at my age. Pero nung nalaman kong buntis ako, I didn’t feel any remorse. Natuwa ako dahil alam kong isang blessing ang pagkakaroon ng isang anak. At tama nga na dapat akong matuwa kasi hindi pala ako basta basta mabubuntis. Isang himala nang maituturing ang pagkabuntis ko.
And the fear of knowing that I can lose it anytime scare the hell out of me. I clutched my still flat stomach. No…hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang baby. I said, to myself teary eyed. Ngayon ko lang narealize na totoo pala na kayang gawin ng ina ang lahat para lang sa kanyang anak.
Natigil ako sa pag eemo nung may kumatok sa kwarto namin. Dahan dahan ako sa pagtayo at binuksan ang pinto.
“Ma’am Mandy.”Sabi ni Manang Sela.
“Kanina pa daw po tumatawag si Sir Alexis sa inyo.”
“Salamat po Manang.” Mabagal akong naglakad papunta sa bag ko at kinuha ang phone ko. Natatakot ako na baka pag binilisan ko ang paglalakad, makunan ako. Ganun ako ka praning.
Tumawag kaagad si Alexis pagkakuha na pagkakuha ko ng phone.
“Mandy.” He said the moment the answered the call.
“Are you alright?” His voiced is laced with worries. Siguro katulad ko, nag aalala din siya tungkol sa baby.
“Natatakot ako Alexis. Paano kung may mangyaring masama sa baby? What if I can’t deliver it full term?”
“Baby, calm down. Everything will be alright. Wag kang mag isip ng kung ano ano na makakastress sa’yo.” Pero hindi ko maiwasang hindi mag isip. Hindi ko maiwasang hindi matakot.
Matagal kaming nag usap. He tried his hardest to pacify me and I’m glad na tumawag kaagad siya dahil malapit na akong magpanic at kung ano ano ang iniisip ko. Pagkatapos naming mag usap kahit papaano ay napakalma ako. Pumayag naman siya nung sinabi ko na hindi na muna ako mag aaral. Baka kasi ma stress pa ako at iyon pa ang maging dahilan na makunan ako. Uuwi na din siya once a month para ma check ako at makasama sa check up ko. Natuwa ako sa sinabi niya.
Four months had passed at limang buwan at dalawang linggo na ang pinagbubuntis ko. Siguro kung hindi ako tumigil sa pag aaral, gumraduate na ako. Pero hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko. Hindi ko kayang ipagpalit sa pag aaral ko ang buhay ng anak ko. Every month umuuwi din si Alexis para samahan ako sa prenatal check up. Yun na ang pinakabonding namin kasi 2-3 days lang siya na nagcstay sa bahay at babalik na naman siya. Si Mama at si Kuya binisita din ako at kinamusta, yun nga lang si Papa galit pa din sa akin. Hindi ko naman siya mapipilit na patawarin ako kaagad kasi alam ko naman na ang laki ng kasalanan ko.
The baby is doing well based on my monthly prenatal check up kaya naman kahit papaano nawala ang kaba ko. Lumalaki na ang tyan ko at napakasaya ko. Kung yung ibang buntis, napapangitan sa sarili nila, ako naman gandang ganda sa sarili ko. Proud na proud ako na buntis ako kaya ang aga kong nagsuot ko maternity dress. Alagang alaga din ako ni Alexis kapag umuuwi siya.And I am always looking forward sa pag uwi niya. Katulad na lang ngayon. Bukas uuwi na naman niya kasi schedule ng check up ko and as usual I am always edgy and excited. Hindi na ako nasanay.
Maaga akong natulog kasi maaga siya naming susunduin sa airport at didiretso na kaagad kami sa OB. Ganun palagi ang routine namin. Dati pinipilit ko pa siyang magpahinga muna pero ayaw niya kasi nakakatulog naman daw siya sa plane at gusto niya ma maximize namin ang time naming dalawa kapag umuuwi siya.
Pero yung akala kong normal na araw ay hindi pala normal because I woke up with a severe headache. And when I opened my eyes, I could barely see. Siguro kung mga nasa first trimester pa lang ako hindi ako magtataka kasi sumasakit ang ulo ko nung naglilihi pa lang ako although hindi ganito kasakit.
Pinilit kong tumayo and it was such an effort. Hiningal kaagad ako and I almost crawled my way to the door dahil hindi ko masyadong nakikita ang paligid. Nabubulag na ba ako? Fear immediately gripped my heart not for the fact that I might be getting blind but for the fact that what I am feeling right now have an effect to my baby. Automatic na napahawak ako sa tyan ko.
“Manang Sela!” I shouted while struggling to open our bedroom door. Ngayon ako nagpapasalamat na lumipat kami ni Alexis sa dati kong room sa baba para daw hindi na ako pababa at paakyat sa hagdan.
Nung nabuksan ko ang pinto I struggled to walk papuntang kitchen kung saan ang servant’s quarter.
“Manang!” Buong lakas na sigaw ko as I felt another pain in my head. Napapikit ako ng mariin at napaupo sa sofa na nasa living room. I heard the opening and the closing of doors and voices pero hindi ko na masyadong marinig. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.
“Ma’am! Ma’am Mandy!”
“Tulungan niyo po ako.” Yan na lang ang nakuha kong sabihin sa mga taong nakapaligid sa akin. Then…
I lost consciousness.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top