Chapter 3 (11/17/2014)
Chapter 3
"Oo nga pala, di pa pala kayo magkakilala ni Mandy. Lexie, si Mandy, Mandy, si Lexie, the reigning Miss Engineering." Pakilala sa amin ni Missy sabay bungisngis.
Hindi ko nagawang magsalita. Nakatingin lang ako kay Lexie. Hindi pa din ako makaget over sa nalaman ko. Hindi matanggap ng isip ko na ang lalaking pinagkalooban ko ng pagkababae ko ay hindi totoong lalaki kundi binabae. Hindi ko matanggap na ang isang lalaking kasing pogi niya ay isang binabae. Dahil kapag tinitingnan ko siya ang naalala ko ay ang moment when our bodies finally become one.
And then my illusion vanished when suddenly another image flashed into my mind. Yung ano niya, yung you know, when it was about to enter me, pumilantik ito. Napanganga ako. I shook my head.
Ang samang pangitain!
"Hi Mandy." Sabi niya sa binabaeng boses. Bumalik ako sa kasalukuyan para lamang gumuho ang mundo ko. How could it be? Ugghhh!
Then biglang nag iba ang kanta sa cafeteria.
'Nothing is so good that lasts eternally.
Perfect situations must go wrong...'
Gusto kong magdabog. Pati ba naman kanta kinukutya ako? Hindi ko na nga ma take ang sitwasyon kailangan pang ipangalandakan? At ngayong nakalahad ang kamay niya sa akin, ni hindi ko magawang makipag kamay kasi naaalala ko ang mga ginawa ng kamay na yan sa akin. Kung paano ako pinaligaya. Kung paano ako dinala sa rurok ng kaligayahan. Hindi ko matanggap na ang mga kamay nayan ay pumipilantik pala! Ahhh!
'Wasn't it good? (Oh so good)
Wasn’t he fine? (Oh so fine)
Isn’t it madness
He can’t be mine.’
Dagdag pa ng kanta. Nag init bigla ang ulo ko.
“Sandali nga!” At tumayo ako at hindi na pinansin ang kamay ni Lexie tapos pumunta sa cashier ng cafeteria.
“Ate, pwede bang pakihinaan ang volume niyang music niyo? Hindi kasi kami magkarinigan.” Naiiritang sabi ko. Nakipagtitigan pa muna ng masama sa akin ang kahera ng cafeteria at nagkasukatan pa kami ng kamalditahan bago padabog niyang hininaan ang stereo. Tinaasan ko siya ng kilay at umismid pa bago bumalik sa table namin.
“Ano yun Mandy?” Nagtatakang tanong sa akin ni Missy.
“Maingay ang music niya.” Nakasimangot na sabi ko.
“Ba’t ba ang sungit mo? Ni hindi mo tinanggap ang handshake ni Lexie. Buntis ka ba?” Walang pakundangan na sabi ni Missy. Dapat ako ang magulat. Pero mas nagulat kami nung biglang nabilaukan ng iniinom niyang juice si Lexie. Partida naka straw pa siya.
“Okay ka lang Lexie?” Concern naman na tanong ni Barbie. Kulang na lang ata himasin pa ang likod ng inuubong kabaro niya. Ahh.. naalala ko na naman. Umismid ako kahit nagtataka silang lahat.
“O-okay lang.” Mahinhinat puno ng kabaklaan na sabi niya.
God help me, bakit ba sa lahat ng nilalang? Ang dami namang pwedeng pagpilian bakit siya pa? Bakit si Lexie pa? At bakit ba Lexie ang pangalan niya?
Seriously? Lexie talaga?
“Anyway as I’ve said, Amanda, si Lexie, Lexie si Amanda.” Pakilala ulit sa amin ni Missy.
This time he or she didn’t offer his or her hand.
“Seriously, Lexie talaga ang name mo?” Hindi ko mapigilan itanong. Pilit na itinatakwil ang panghihinayang na unti unting namumuo sa kaibuturan ng puso ko.
“Alexis.” Sabi niya ng nakayuko at sumisipsip ulit sa straw ng juice. Juicecolored, kapag naalala ko ang ginawa ng mga labing yan sa akin. Kung paano sinipsip niyan ang mga labi ko at ang ko. Ahhh… gusto ko siyang hawakan sa dalawang paa tapos ihampas sa lupa na parang rag doll para matauhan siya at mawala ang kabaklaan sa kaluluwa niya.
Pero alam ko naman na impossible kasi 5 feet five inches lang ako samantalang siya, mahigit 6-footer ata. Ngayon pa lang kumakanta na akong isip ko.
‘Sayang na saying lang… ang virginity ko…’ hayuf!
“Mas bagay sa’yo ang Alexis.” Tumawa sina Barbie at Chelsea. Bakit nga ba friendship niya ang mga to? Dahil sa birds of the same feather flock together?
“I’d prefer Lexie.” Malanding sabi niya. Mangali ngali akong hamunin siya ng one round of sex para mapatunayan ko sa kanya na hindi siya bakla. At mapatunayan ko din sa sarili ko na mali ang mga nakikita at mga naririnig ko.
At dahil sa sinabi niya, I snorted na dinig ng lahat na nasa table namin.
“Alam mo Mandy, kakaiba talaga ang katarayan mo ngayon. May dalaw ka talaga.” Dagdag ni Missy. Tama naman siya. Madalng lang talaga ako magtaray. Pero, sino ba naman ang hindi magtaray pagkatapos ng lahat lahat ng mga nalaman ko? Matatawag na akong santa kapag hindi pa ako nagtaray ngayon. Buti nga hindi ako nagbasag ng baso eh. O kaya nanghampas ng mesa.
“At paano ka nakakasigurong may mens nga ako?” Nakataas ng kilay na sabi ko.
“Siyempre alangan naman na buntis ka eh wla ka naman boyfriend noh! Sa ilap mong yan? Ni hindi ka pa ata nakaktikim ng first kiss.” Pinandilatan ko si Missy sa sinabi niya. Pero baliwala lang ito sa kanya. Nasanaty na ata.
“Aba malay mo ba? Malay mo ba kung nakipag one night stand ako nung party ni Barbie!” nakatingin ako kay Lexie habang sinasabi ko yun.
And again, nabilaukan siya.
Hindi na ata nakatiis pa sina Barbie at Chelsea. Hinimas na nila ang likod ni Lexie este Alexis kasi mukhang hindi na ito makakarecover.
“Ano ka ba naman girl, dahan dahan lang sa pag inom. Paano ka matatanggap sa audition ng Super Sireyna kung sa pag inom pa lang unladylike ka na!” Sabi ni Chelsea habang hinihimas sa likod si Lexie.
And that moment…
I died.
A/N: Sorry for late update. Maysakit akokahapon until now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top