Chapter 23 (2/10/2015)

Thanks for the 1K comments. 

23

Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Looking at both of them, you wouldn’t know the difference. Pati buhok nila magkaparehas, pati kilay, ang shape ng mukha. They are so identical.

“Kuya, kilala mo siya? Ano ang pinagsasabi niya?” I heard the other one said. The other one, kasi hindi ko alam kung sino ba talaga si Lexie sa kanilang dalawa. Wala akong kapasidad ngayon na mag isip. I am so shocked with seing two Alexis in front of me. Pakiramdam ko nanlalaki ang ulo ko.

“Mandy.” The guy na tinatawag na kuya approached me and I know kahit hindi ko na isipin na siya ang taong pinakasalan ko. It’s the way he say my name. It’s the way he looked at me. He always looked at me with tenderness and now with longing but right now, I can’t even appreciate his looks. Nung mga nakaraang araw miss na miss ko siya ngayon parang binuhusan ako ng malamig na tubig at pati ang lahat ng nararamdaman ko nawala. The only feeling left is confusion na unti unting napapalitan ng sakit na pakiramdam ko unti unting sinasakal ang puso ko habang nagsisink in sa akin ang lahat.

“Sino ka?” My voice sounded strange. Na para bang hindi nanggaling sa akin ang boses. Na para bang pati ang boses ko ay isang estranghero. Just like the two people in front of me.

“Mandy…” Lumapit siya sa akin kaya umatras ako tsaka ko naalala na papunta ako sa kamukha niya so I immediately stop.

“Sino kayo?” Dinig na dinig ko ang panginginig ng boses ko. Then I realized that I am shaking. My hand is shaking,my whole body is shaking.

“Amanda. Mag usap tayo.”

“Wag mo akong hawakan.” Bigla siyang lumapit sa akin at agad akong pumiksi nung nagtangka siyang hawakan ako.

“Lexie, mag uusap muna kami.”  Napatingin ako ulit sa tinawag na Lexie na mukhang shock din sa mga nangyayari. Tapos tumalikod na ito at umalis. Naiwan kaming dalawa.

“Mandy I’m so sorry…” he started I held up my hand to stop him.

“Sino kayo?” My voice is cold and if I am in a different situation I would be amazed at the sudden change of my emotions. But who in her right mind would be amaze at this kind of situation.

“I’m Alexis. I’m your husband. Lexie and I are twins.” He said.

I looked at him as if I am looking at him for the first time.   I looked at him from head to toe and up. Wala naman talagang pagbabago. The same haircut, the same thick but clean eyebrows, the same deep setted expressive eyes, the same aristocratic nose, the same firm pinkish lips. Kahit ang mamula mula niyang kutis walang pinagbago. Pati ang klase ng tayo niya parehas pa din. The same yet I feel that I don’t really know him. Dahil yun ang totoo. Hindi ko talaga siya kilala.

At ano ang ginagawa ko sa bahay nila? Ipinilig ko ang ulo ko, then I walked towards him dahil sa kanya talaga ako dadaan para makalabas ako sa bahay na to.

Kailangan kong umalis. Kailangan kong lumabas dahil pakiramdam ko sinasakal ako kahit na ang laki laki ng mansion na to.

Dinaanan ko siya pero hindi ako tumingin sa kanya. Dumaan ako sa tabi niya na parang wala siya. Pero hindi pa ako nakakalayo sa kanya nung hinawakan niya ang kaliwa kong braso. I immediately flinched at his touch. Andun pa din ang parang kuryente na dumaloy sa katawan ko the moment he touched me. And that same current woke me up. As if it melted the coldness that I’ve felt in my heart a while ago  only to be replaced by a searing pain. A pain so real that I wanna see if indeed my heart is bleeding.

“Mandy, saglit. Mag usap muna tayo please.” The pleading in his voice didn’t touched me. Pero dahil hawak niya ang braso ko, hindi ko natuloy ang paglalakad. Tumigil ako at humarap sa kanya at the same time taking my arms away from him. Again I looked at him coldly.

And before I could even stop myself, my right palm landed on his cheek. And it sting. Sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya sumakit ang palad ko pero walang wala ang sakit ng palad kumpara sa sakit na nararamdaman ko ng puso ko.

Hindi ko na tiningnan ang reaction niya. Pagkasampal ko sa kanya agad akong naglakad palabas ng bahay nila. Binuksan pa ng katulong nila ang pinto para sa akin kahit na kitang kita sa mukha niya ang gulat dahil siguro sa nasaksihan. Pero wala na akong pakialam. The hell I care.

Nagmamadali akong naglakad papunta sa kotse ko pero kung kelan naman ako nagmamadali tsaka ko hindi makita ang keyless remote ng kotse ko. Dahil siguro nanginginig ang kamay ko.

“Nasaan na ba yun?” Kulang na lang itapon ko ang lahat ng laman ng bag ko sa paghahanap ng keyless remote pero hindi ko mahagilap and I become frustrated. I pour all the contents of my bag on the hood of my car at kasabay ng pagkalaglag ng mga gamit ko ang pagtulo ng mga luha ko.

Hindi ko na alam kung ano ba ang iniiyakan ko. Ang hindi ko mahanap na keyless remote o ang lahat ng nangyayari sa akin.

And I sobbed and sobbed in front of my car. Hindi basta tahimik na iyak, I sounded like a wounded animal. My shoulder and my whole body is shaking dahil sa pag iyak ko hanggang sa napaupo ako sa harap ng kotse ko and I hugged my knees while crying my heart out.

Then I felt someone hugged me.

“Tahan na. Stop crying please. Mandy please, let’s talk. We need to talk.” Napatingin ako sa kanya and he attempted to wipe my tears pero pinalis ko ang kamay niya tapos tinulak ko siya ng mahina at tumayo. Inalalayan naman niya ako at hinayaan ko lang siya.

Pagkatayo ko kinuha ko ang panyo ko at dun ko nakita ang keyless remote. Pinunasan ko ang mukha ko at pinulot ang mga gamit ko na nahulog kanina. He helped me pick my things and I let him.

“Saan tayo pwedeng mag usap?” Mahinang tanong ko at namamalat ang boses ko. Pero gusto ko nang tapusin to. Gusto ko na ding umuwi para may laya akong umiyak ng umiyak sa kwarto ko. Kaya naman mas gugustuhin ko pang malaman ang totoo ngayon mula sa kanya kahit na alam kong lalo akong masasaktan. Parang isang bagsakan ng sakit na lang. Siguro naman hindi na ako magbbreakdown sa harap niya.

“Let’s get inside.” Tumango ako at nagtangka siyang alalayan ako pero nagbigay ako ng distance.

I saw him clenched his jaw pero hindi na ako nag comment. What for?

Nauna na siyang naglakad at sumunod ako sa kanya. Hindi kami dumaan sa front door. Instead sa isang pathway kami dumaan hanggang sa makarating kami sa den. Then he opened a door leading to a room na sa tingin ko ay library dahil sa dami ng libro.

“Dito na lang.” Sabi ko sabay upo sa pang isahang sofa kaya napilitan siyang maupo sa kaharap ko na sofa.

Walang nagsalita sa amin. Nakatingin lang siya sa akin.

“I’m sorry.” Di ko alam kung ilang beses na niyang sinabi sa akin ang mga salitang yan. And I want him to stop saying sorry.

“Sino ka?” I said and I forced myself to look straight at him. I tried to stay calm and composed and opposite of what I am feeling at this moment.

“I’m Alexis. Alexis Willem Mondragon.” Pumikit ako. At least totoong pangalan pala ang sinabi niya sa akin.

“At ang kambal mo?”

“Alexander William. Lexie ang palayaw. Siya talaga si Lexie. I’m sorry.” Yumuko siya.

“Ikaw ba ang ka-kasama ko nung party? Ikaw ba ang…Are you the one I fucked with at the party?” Kahit ako napangiwi sa salitang lumabas sa bibig ko. Pero ano ba ang matatawag sa ginawa namin? Sa mga ginawa namin? We’ve been fucking all this time. I’ve been delusional enough to think that we loved each other.  

“Amanda we never fu—“ He protested and I saw a glint of anger in his eyes. The eyes that I used to adore so much.

“Stop sugarcoating me with words. I’ve had enough. Sana sagutin mo na lang ako at parang awa mo na wag mo na akong bolahin pa.” I felt my eyes water and I paused to blink it away.

“Sino ang pinakasalan ko?” I’ve never had this many doubts before.

“You married me.” And should I be thankful? No I feel wretched. I feel used. I feel…I willed myself to stop thinking. 

“Since kelan kang nagpanggap na si Lexie?” Alam kong masasaktan ako kahit ano pa ang sagot niya. But I wanted to know. I am dying to know kung kelan ako simulang naging tanga.

  

“Nung unang nagkita tayo sa school niyo.” He said and I flinched. I fought the urge to shout and throw something at him. How dare you! How dare you!My mind is already shouting profanities for him but I don’t want to lose it in front of him.

“Ang tagal mo na pala akong niloloko.” I smiled bitterly.  

“Mandy. Let me explain, I was just helping out my brother. I didn’t mean to deceive you. At first I just can’t tell you who I am because I promised my brother not to tell anyone.” He said immediately in a futile attempt to explain but I know that it was no use. No explanation would suffice and would negate the fact that he make a fool out of me.

“Nung una yun Alexis. Nung una. Sinabi ko naman sayo na tanggap ko kung ano ka. Do you think that it would matter to me if I happen to know who you really are? Pero hindi mo sinabi. Ilang pagkakataon ba meron ka? Ilang buwan na tayong magkakilala. Isang linggo tayo sa Palawan. You married me pero hindi mo pa din sinabi sa akin. You choose to deceived me.” At naramdaman ko na lang ang mga luhang nag uunahan na sa pisngi ko which I brushed immediately.  

“At para akong tanga na pinrotektahan ko pa ang baklang status mo kasi akala ko may image kang pinapangalagaan at iniisip na magkakampi tayo. I thought that I was in to your secret, yun pala kasama ako sa niloloko mo. Ang tanga ko di ba?” I angrily brushed my face as another batch of tears fall.

“I’m so sorry.”

“Wag kang mag sorry because you are not really sorry. How could you be sorry for something that you did intentionally? At ano ang sinabi mo sa Amanpulo? You will never hurt me deliberately?” I snorted at my stupidity for believing in him

“Natakot akong sabihin sa’yo dahil natakot akong magalit ka at hiwalayan mo ako. Amanda, I love you so…” I stopped him because I can’t take another lie from him. Mas lalo lang akong nagagalit. Mas lalo lang akong nasasaktan.

“Mahal mo ako? Anong klaseng pagmamahal meron ka? I gave you everything pero ikaw, ni hindi mo man lang magawang ipakilala sa akin ang tunay mong pagkatao. Don’t mock love in front of me Alexis dahil naiinsulto ako. Ininsulto mo ang pagmamahal ko sa’yo.”

“But don’t worry, dahil may natitira pa naman akong pagmamahal sa’yo. And because of it, I assure you no one will know of your secret. Hindi kayo mabubuko. Your secret is safe. You will not hear me talking about it. Iisipin ko na lang na isang masamang panaginip ang lahat at hindi ka naman talaga nag e-exist.” Tumayo na ako at tumayo din siya.

“Mandy. Please let’s settle this. We can make it work. Magkaka anak na tayo.” Nakikita ko ang panic sa pagmumukha niya but the hell I care.

“Hindi totoong buntis ako. Balak ko lang na lokohin ka. I thought it was a funny joke. Nakarma tuloy ako. Pero okay lang naman sa’yo di ba? Normal lang naman sayo na maglokohan tayo at magsinungaling tayo sa isa’t isa, right?” Nakatingin lang siya sa akin. I gave him one last look and…

I left. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top