Chapter 18 (2/4/2015)

Dedicated to Annlee (Purpleyhan for the wonderful cover of No One. Sobra akong natuwa sa ginawa mo kaya dahil nagbabasa ka nito. This untimely updateSS is for you.)

18

He woke me up at around 3PM, pinaliguan at pinakain niya ako. Nagtataka ako kung bakit parang minamadali niya ako. Nung ginising niya ako kanina, ayaw ko pa talaga sanang gumising dahil inaantok at nanlalata pa ako pero binuhat niya ako papuntang banyo at ibinaba sa bathtub and he bathe me.

Siyempre nagising ang diwa ko. Pagkatapos kong maligo, may naghihintay na pagkain sa kwarto. Gusto pa sana niya akong subuan pero pinigil ko na siya. It’s not that I don’t want him pampering me, but I have this feeling that he’s in a rush.

“Finish your meal, I’ll just wash.” At pumasok na siya sa banyo at ninamnam ko naman ang kinakain ko.

Pagkalabas niya, nakabalot lang ng tuwalya ang bewang niya and he’s drying his hair with another towel. His muscles rippled at his movements at napalunok ako at napainom bigla ng juice kasi pakiramdam ko nanuyo bigla ang lalamunan ko.

“You’re done eating?” Tanong niya habang sinusuot ang bathrobe. Oh my! He is not the Gay Who Stabbed Me. He is the God Who Stabbed Me. Hindi na kasi pangkaraniwang tao ang gandang lalaki niya. Mukha na siyang diyos na bumaba sa lupa para magpakilig ng matris ng lahat ng mga babae at ako ang pinakaswerteng babae kasi ako ang napansin niya.

Napatango na lang ako sa kanya dahil hindi ko makuhang magsalita habang nakatingin sa kanya na ngayon ay itinatali na ang robe niya.

“They’re already waiting for you.” He lowered himself and kissed my forehead.

“They?” Nagtatakang tanong ko. May bisita ba kami? Andito ba ang pmailya niya? Ipapakilala ba niya ako? At makikita nila akong ganito lang ang suot? Nakarobe with nothing underneath? Saan na ba ang mga damit ko?

“Ang mag aayos sa’yo. C’mon, I don’t want you to be late for the ceremony.” Mas lalo akong nagtaka. Anong ceremony pinagsasabi nito?

“Ha?” I asked puzzled.

“Nakalimutan mo?” He asked. Disbelief is evident in his eyes.

“Ang ano?”

“Our wedding.” Ngayon na ba yun? Ang alam ko nag propose siya at umoo ako. Pero wala naman kaming napag usapan na ngayon na yun.

“Ngayon na ba yun? Kelan mo sinabi?”

 “I told you a while ago before you sleep. Baka nga disoriented ka pa kaya hindi mo na maalala.” 

“Alexis teka…” Okay fine! Willing akong magpakasal sa kanya. I can see myself getting old with him. Pero hindi pa ako magpakasal ngayon. I’m only 20. Hindi pa ako graduate. Next sem pa ako gagraduate. At sina Mama at Papa? Ano ang sasabihin nila? Oo nga at madami akong inilihim sa kanila lalo na ang tungkol  sa amin ni Alexis pero magpapakasal ako without their blessing? Baka bitayin  nila ako patiwarik pag nalaman nila.

“You don’t want to marry me?” He said looking hurt and disheartened. And I felt my heart tightened. Oh Shit! Wag mo akong daanin sa ganyan. Hindi ba siya naaawa sa akin? Hulog na hulog na ang loob ko sa kanya tapos titingnan pa niya ako ng ganyan na parang nagmamakaawa. Naku! Wala na!

“Hindi sa ganun Alexis. It’s just that, hindi naman alam nina Mama at Papa ito. Magagalit sila at isa pa ang babata pa natin. You’re only 22 and I’m 20.”

“Sasabihin ko sa kanila. Pagdating natin sasabihin natin sa kanila. Then we’ll marry again with their consent but I want us to marry today para kung sakaling ayaw nilang ipakasal ka sa akin, wala na silang magagawa.”

“Sigurista lang po? Sabihin mo nga sa akin, lahat ba to pinlano mo?” Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Kunyari hindi ako kinikilig. Kunyari hindi ako affected.

“No. Hindi ko pinlano na pakasalan ka ngayon. I invited you here for a vacation. But the moment you step inside this house, I have this very strong urge na ibahay ka na lang at wag nang pauwiin sa inyo. Kaya naisip ko na bago kita ibahay, pakakasalan na muna kita.” And I died. He uttered those words in a casual manner na para bang walang maapektuhan sa mga pinagsasabi niya. Na para bang normal lang ang lahat at walang panty na malalaglag. Walang matris na sasabog. Well, wala naman talaga kasi naman akong panty. Oh Shit! Ano ba to?

Kaya naman, hindi ko mapigilan ang maging emotional.

“Grabe ka magsalita. Nakakalaglag matris. Sige na nga, may magagawa ba ako sa very strong urge mo?” He laughed and gently kissed my forehead.

“When you’re done papasundo kita dito.” Tapos umalis na siya at maya maya dumating ang isang babae at dinala ako sa isang room. At doon inayusan ako ng limang babae. Hindi ko alam ang mararamdaman. Kinakabahan ako na ewan. Ganito ba ang feeling ng ikakasal?

“Pikot na to.” I murmured to myself habang nilalagyan ako ng make-up at the same time may nagpepedicure sa akin.  

“Ang pogi naman ng namikot sa inyo Ma’am. Alam mo po bang ultimate crush si Sir ng halos lahat ng babae dito?” Kinikilig na sabi ng nagpepedicure sa akin. Sipain ko kaya to?

“Kaya nga, hindi na ako nakatanggi,kasi ang pogi. At kayo ha, mula ngayon bawal na kayong magkacrush sa kanya.” Natatawang sabi ko.

“Ay si Ma’am selosa.” Medyo nawala ang kaba ko kasi naaliw ako sa mga kwento ng mga nag aayos sa akin. At totoo pala talaga ang sinabi ni Alexis na wala pa siyang dinalang babae dito maliban sa akin. Na touch naman talaga ako kaya pagkatapos ng kasal reregaluhan ko siya ng kiss.

Bumalik lang ulit ang kaba ko nung tapos na nila akong ayusan at nakaharap na ako sa full length mirror and staring at a beautiful stranger in front of me.

The stranger’s brown curly hair is smooth and shiny cascading down to her shoulders. Some of it are tucked on the sides to give more emphasis on her face. And I gaped while looking at her face. From her perfectly shaped brows to her small pointed nose na parang nang iisnob lagi, to her pinkish lips. She looked so virginal in her white satin dress na umabot hanggang talampakan.    

“Teka seryoso, ako ba to? Bakit parang nagpaplastic surgery ata ako?” That earned a laughed from the attendants.

“Maganda ka naman talaga Ma’am. We just enhanced it.” Sabi ng isa attendant sabay abot sa akin ng bouquet of white roses and lilies. It was just simple but it was beautiful in its simplicity.  

“Sigurado ba kayong ikakasal ako ngayon?” I asked the attendant. Naluluha ako sa ganda ko. Inaamin kong maganda na ako dahil may mga nanliligaw din naman sa akin at tumitingin naman ako sa salamin pero di ko akalain na may igaganda pa pala ako.

“Yes Ma’am. Siguradong sigurado po. Naubos nga po ang bulaklak sa flower shop. Ngayon lang kami naghanda ng sobrang rush na wedding.” Kaya naman para akong naglalakad sa ulap habang papalabas kami ng kwarto.

“Ma’am ready na po?” One of the attendant asked me.

“Teka. Nasusuka ata ako. Nasaan ba si Alexis?” Ganito pala ang ikakasal? Para akong kukuha ng exam.

“Naghihintay na po sa inyo sa labas. Okay na po kayo?” Tumango na lang ako sabay lumunok at bumuntonghininga. And then I heard the piano playing the Mendelssohn wedding march and I whispered to myself. This is it. Ikakasal na talaga ako.

Tapos bumukas ang glass sliding door na natatakpan ng curtain. Lumakas sa pandinig ko ang wedding march and my heartbeat accelerated. I take in the view in front of me. Unlike any wedding, walang upuan. Walang guests, maliban sa pianist at sa babaeng nagvaviolin. I looked at the smiling  uniformed personnel na sa tingin ko ay siyang nag ayos sa buong venue.

I took a step forward and I stepped on petals of flowers in different varieties. Sinundan ng paningin ko ang mga petals and it led my eyes to the makeshift altar where a middle-aged man is standing looking at me. To his right nakatayo ang isang middle aged woman and teenage girl and to his left I saw Alexis, intently looking at me.

Our eyes met.

And I started walking. Para akong naengkanto. Kung kanina, kinakabahan ako, ngayon, nawala ang kaba ko. I just wanted to be with him. And while walking, I need to remind myself that this is my wedding And I need not run towards him eventhough I really wanted to do that. To run to him and flung my arms around him.

I am in a daze and I feel like I was under a spell. Kaya naman, halos wala akong matandaan sa buong ceremony. I was just looking at him, awed by his splendor. Para tuloy akong tanga na nakatingin sa crush niya.

“Naiilang na ako.” He whispered on my ear sabay hapit sa akin palapit sa kanya. Lalong lumakas kabog ng dibdib ko.

“Diyos ka ba?” Wala sa sariling tanong ko and I immediately regret it. I heard him chuckled at hinalikan ako sa noo. Grabe! Sa kanya ba talaga ako magpapakasal? Ano kayang ginawa kong kabutihan sa pastlife ko at ang swerte swerte ko naman ata ngayon?

“You are breathtaking  Mandy. I can’t barely wait to make you mine.”

“I am already yours.”

“ Not until you said ‘I do’." Ay may insecurity pa siya sa lagay na yan?  

“Amanda Kristine Cortez, do you take Alexis Willem Mondragon to be your lawfully wedded husband…” The judge said.

I look at Alexis who is also looking at me. His eyes are expectant na para bang tatanggi ako at tatakbo anytime.

Ngumiti ako sa kanya and matched his unsure gaze with my determined one. And as sure as the sunrise and the sunset, I said,

“I do.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top