Chapter 16 (1/9/2015)

Chapter 16

Despite the lewdness in my mind, nakatulog pa din ako sa plane papuntang Palawan dahil siguro hindi talaga ako sanay na magising ng maaga o dahil ang sarap sarap matulog na nakasandal sa  balikat ni Alexis at siguro nga nakakaantok ang mabining amoy niya. O dahil sa  paghagod niya ng buhok ko habang nakasandal ako sa kanya.

Kaya naman medyo disoriented pa ako nung ginising niya ako dahil malapit na daw kaming mag land sabi ng pilot at kailangan na daw naming isuot ang seatbelt namin.

“Nasa Pilipinas pa ba tayo?” Tanong ko sa kanya nung makita ko ang kagandahan ng isla sa ilalim. The water is bluish green and the sand is so immaculate in its whiteness that it shines because of the morning sun’s reflection.

He chuckled at my question at ako hindi naman nagkandatuto sa pagtingin sa magandang view sa baba. Katulad ng mga kasamahan namin sa plane na hindi magkamayaw sa pagkuha ng pictures.

“Welcome to Amanpulo, Mandy.” He whispered pagkalapag na pagkalapag ng Cessna plane na pagmamay ari ng resort mismo at ang mga sakay ay pawang mga guest at villa owners ng resort.

“Wow! Ang ganda dito! I could live here forever!” I said excitedly habang sabay kaming naglalakad papunta sa naghihintay na golf cart.

“Teka, saan ang mga gamit natin?” Bigla akong nagpanic nung umandar na ang golf cart pero wala ang mga gamit namin. Paano ako magbibihis kung wala akong damit? Ano ang plano niya, hindi na niya ako pagdadamitin?

“Ipapahatid na lang sa villa.” Cool na cool na sabi niya.

“Welcome to my happy place Mandy.” He said when he opened the door of the Villa na lalong nagpamangha sa akin. Parang ayaw kong pumasok dahil natatakot akong madumihan ng sandals ko ang wooden parquet na sahig na sa sobrang kinang pwede ko nang masilip ang panty ko kung nakaskirt ako.

“Wow! Sa’yo to?” Ngumiti lang siya  at pinulupot ang mga braso niya sa bewang ko sabay halik sa punong tenga ko. Nakiliti ako at saglit na nawala sa sarili.

“I bought it two years ago.” Hindi na dapat ako magtaka kasi alam ko naman na mayaman sila. Sobrang yaman nila. Pero hindi ko talagang mapigilan ang sarili kong ma amaze.

“C’mon, let’s eat breakfast bago pa lumamig.” At giniya niya ako papasok. Swear, natatakot akong madumihan ang sahig.

Akala ko sa kitchen kami pupunta o sa dining pero nagkakamali ako dahil lumagpas kami sa living room and overlooking the glass wall surrounding the living room  is a huge  pool.

“May sarili kang pool. Wow. Gusto ko na talagang tumira dito!” I said excitedly at halos takbuhin ko na ang sliding door palabas ng living room papuntang pool. 

 “By all means.” Sabi niya sa tabi ko.

“Wag kang magbibiro ng ganyan at papatulan kita.” Lumingon ako sa kanya and I saw him pull a chair on a table where our breakfast is served. Ang bongga, pagdating namin agad may breakfast na.

“Di ba matagal mo na akong pinatulan?” He said smiling at me and he motioned me to sit. Sumunod naman ako pero hindi maalis ang nagtataka kong tingin sa kanya as well as ang kilig na nararamdaman ko.

“And you’re flirting with me now Mr. Mondragon?” Ngumiti lang ulit siya at gusto ko nang mahimatay. 

“Not yet.” Not yet? Sa lagay na to, not yet pa?

Akala ko dati full blown na ang paglalandi niya sa akin pero nagkakamali ako kasi tip of the iceberg lang pala yun. Nagtitimpi lang pala talaga siya kasi ngayon, hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang kilig na nararamdaman ko.

Halos hindi ko na nga malunok ang pagkain na sinusubo niya sa akin. Ni ayaw niya akong pahawakin ng kutsara at tinidor kasi gusto niya susubuan lang niya ako. Sino ako para magreklamo? Sino ako para tumanggi? Ako ay isa lang namang babae na malapit nang pumutok ang matris dahil sa kakiligan na nararamdaman.

“Ay grabe ka! Naninibago ako sa’yo Hindi ka naman ganyan kalandi ah.” I blurted out when I can no longer restrain myself from speaking out my mind.  

“I told you, I won’t restrain myself while we’re here.”

“Palagi ka bang andito?”

“Kapag may pagkakataon.” I narrowed my eyes at him.

“What?” Nagtatakang tanong niya.

 “At ganito ka kalandi kapag andito ka?” Automatic na tumaas ang kilay ko as a vile of jealousy gripped me. Ay baka hindi lang ako ang nilalandi nito dito! Naku!    

“Umamin ka nga Alexis! Ilang babae na ang dinala mo dito? At lahat ba sila nilalandi mo pag andito kayo?” Nakakunot ang noong napatingin siya sa akin tapos binaba niya ang hawak niya na juice. 

“Wala. Wala akong dinalang ibang babae dito.” But the small smile that he tried so hard to hide by drinking a glass of water didn’t escape me. Kumulo ang dugo ko.  

“Umamin ka!”

“Wala nga.” And a grin cross his face.

“Sigurado ka?” Impossible. Sa pogi niyang yan?

“Napakaselosa mo. Wala nga. Itanong mo pa sa management ng resort.” He said calmly at sumandal sa upuan niya while intently looking at me as if I am the most astonishing specie he had ever laid eyes on.  

“Pahingi ng guest record nila for the last two years.” I declared defensively and that made him laugh.

“Baka gusto mo video pa?” He said chuckling. Anong nakakatuwa? What is so amusing?

“No. Maybe you’ve already tampered it para di ka mahuli.” Umismid ako.  He laughed out loud

“Your possessiveness is turning me on Amanda.” Napanganga ako. Ano daw? Turning him on? Nagulat ako.

“Hoy! Bakit ganyan ka na ka blunt. At wag mo akong tingnan ng ganyan! Utang na loob. Pagod ako sa byahe!” Sabi ko sa kanya because his face suddenly turned serious and they way he looked at me, it’s as if he want to devour me whole. And the word devour sounds so appealing that I don’t think I would even exert an effort to stop him.

“Then if you’re done, let’s take a rest.” Tapos tumayo siya at  lumapit sa akin tapos walang sabi sabing binuhat ako.

“Teka! Di pa ako ready!” I shrieked. Shucks! Nakakagulat siya. I am not used to him being like this. Dapat ako ang nangseseduce sa amin at hindi ako ang sineseduce.  

“Pinaghahandaan ba ang pagpapahinga.” He chuckled while carrying me effortlessly inside the villa.

“Eh bakit kailangan mo akong buhatin?”

“Pagod ka di ba?” Hindi na ako nagsalita. I just enjoyed the feeling of being carried by him. Pakiramdam ko tuloy, bagong kasal kami at naghahoneymoon. Hanep tong si Alexis kung magbakasyon. Sana magbakasyon kami linggo linggo.  

Pumasok kami sa isang kwarto and he kicked the door close. Pagkapasok pa lang namin I was assaulted by the smell of roses and then I saw the bed full of rose petals. Binaba niya ako sa kama pero nangunyapit ako sa leeg niya kaya naman nasama siya sa paghiga ko. His arms supporting his weight para hindi niya ako madaganan. 

“At hindi pala pinaghahandaan ang pagpapahinga ah. Bakit pakiramdam  ko maghahoneymoon tayo at hindi magbabakasyon?”  I said as I looked around the room. It looked like a honeymoon suite. May bote pa ng champagne sa isang table.

“Masyado bang halata?” Sabi habang nakatingin sa akin. Nailang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit. Maybe I am still not used na ganito siya.

“Honeymoon ka dyan! Pakasalan mo muna ako oi! Sinuswerte ka ata masyado.” Oi si Amanda nagpapakipot.  Tukso ng isang bahagi ng isip ko. Pero ayaw ko nang magpakaplastic, alam ko naman ang rason kung bakit kami pumunta dito. Kung bakit kami nagbakasyon. And thinking of what might happen to us during our 5-day stay in this paradise excites me.

“Will you marry me?” He whispered, while his face approached mine and his eyes are staring at my lips. Hindi ako makapagsalita, pati ata paghinga nakalimutan ko. I blinked plenty of times to make sure that I heard it right and that he is still on top of me pinning me on this bed.

I am so shocked at his question na hindi agad nag register sa utak ko.  Teka! Seryoso ba siya?

“Will you marry me, Mandy?” His lips touched mine and he nibbled my lower lip. Gusto ko pa sanang sagutin ang tanong niya. But how could I speak when I cannot even think straight. O damn! Ganito ba talaga siya mag propose? Kailangan may kagatan ng labi?  

“If I ask you to marry me today, will you marry me Mandy?”  And when his lips let go of my lower lip only to rain kisses on my cheeks and blow warm breath on my ears, all coherent thought escaped me. And when he licked the side of my ears wala na akong nagawa.

I gasped and moaned my yes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top