Chapter 13 (12/29/2014)

Chapter 13

“Anong sasabihin ko kina Mama pag nagtanong kung bakit iba na ang damit ko?” Tanong ko sa kanya habang nasa sasakyan na kami pauwi sa amin. Pagkatapos kasi namin kumain sa hotel, hinintay na lang dumating ang dmait na pinabili niya tapos umuwi na kami. Akala ko nga magtatagal kami. Hindi pala. Dapat daw kasi kakain lang talaga kami at mag uusap. Yun pala ang more na ibig niyang sabihin pero ibang more ang nangyari. Mas nauna pa nga ang more kesa sa pagkain.

“Sabihin mong nakalas ang mga butones ng blouse mo dahil sobrang wild tayo.” Baliwalang sabi niya at nagdadrive pa din. Napanganga ako tapos napatingin sa kanya. Walang expression ang mukha niya. Nakatutok lang siya sa kalsada.  

“Kanina ka pa ha! At bakit sinabi mo kay Mama na gumagawa tayo ng baby? Naku!” Infairness, hindi ko pa siya nasumbatan dahil doon. Lumabas kasi agad siya ng CR at paglabas ko naman ng kwarto, nakahain na ang food sa table at alangan naman na awayin ko siya sa harap ng pagkain. Pagkatapos naman naming kumain, dumating na ang damit at pagkabihis ko nagyaya na siyang ihatid ako.  

“You told me to say that. Bakit ka nagrereklamo? I am just being honest.” I rolled my eyes. Wow ha! Honest?

“Honest? Ikakamatay ko ang honesty mo Alexis!” Exaggerated ko na sabi.  

Then I saw him smile. Sobrang tipid na ngiti pero agad ding nawala at seryoso ulit siya sa pagdadrive. But he did smile na para bang may nakakatawa sa pangyayari. Then it dawned on me. Walangya!

“You didn’t really tell her did you?” Akusa ko sa kanya. Nanlilisik na ang mga mata ko.

“Ang ano?” Patay malisya pa din ang walanghiya! Kung ano ano pa ang pinag iisip ko. Nag mental practice pa ako ng alibi na sasabihin kina Mama para madeny ang sinabi niya tapos…tapos…Arrggh! Papatayin kitang lalaki ka!

“Niloloko mo lang ako. Hindi mo talaga sinabi kay Mommy na nasa Sofitel tayo at gumagawa tayo ng baby!” Bulyaw ko sa kanya.

“You heard me say it while talking to her.”

“Hindi mo na siya kausap nung sinabi mo yun. Pinatay mo na ang cellphone. You did it to deliberately annoy me!” Imagine yung kaba ko tapos hindi pala totoo. Bwisit! Kinabahan ako dahil sa wala. ANg lakas mantrip ng bwisit.  

He smiled again. Kitang kita ko.  Sa tingin ko nagniningning pa ang mga mata niya. And it confirmed that I am right.

“Nakakainis ka! Pinakaba mo ako!” Kaya naman sa sobrang inis ko hinampas ko ang braso niya. Hindi talaga ako makapaniwala na naisahan niya ako.

Natatawa siya na umilag. This time hindi na niya tinago ang ngiti niya. In fact, hindi na ngiti ang pinipigilan niya kundi tawa.

“Aahhh! Sasabunutan kita!” Akmang sasabunutan ko na siya nang nagsalita siya.

“Amanda, I’m driving.” Seryosong sabi niya.  That stopped me. I sulked at humalukipkip sa passenger seat. At nag isip ng magandang paraan para makaganti sa kanya. Gusto ko sanang deadmahin siya pero hindi ko matiis ang nakakalokong ngiti niya kapag sumusulyap ako sa kanya.

“Mag sorry ka sa akin!” Nakapout na utos ko. Nakita ko siyang tipid na ngumiti bago ako sinulyapan at nung sumulyap siya, seryoso na ang mukha niya pero obvious na pinipigilan ang tawa.

“I’m sorry.” Sabi pa niya with a patronizing voice. Pinagloloko talaga niya ako.

“Yung seryoso!”

“Seriously, I’m sorry.” Pero ang boses niya parang yung boses ni GMA nung nagsorry about sa Hello Garci.

“You’re not serious. You are making fun of me. Nakakaasar ka. Pinag isip mo pa ako ng kung ano ano. You’re mean!” Tapos humarap na ako sa salamin at hindi na siya pinansin. Hinayaan lang niya akong mainis sa kanya. Hindi man lang ako sinuyo.

Kaya naman kahit nasa harap na kami ng gate namin, nagsasulk pa din ako. Nakanguso pa din ang labi ko at nagmemake face pa ako para ipahalata talaga sa kanya ang inis ko. Tapos hinintay ko lang na buksan niya ang pinto ng kotse.

“Mandy...” Sabi niya pero hidni pa rin binuksan ang pinto.

“Wag mo akong kausapin. Di tayo bati.”

“Mandy…”

“Hmp!” Inirapan ko nga.

“I’m sorry okay? I just can’t resist the thought of seeing your reaction kapag ginawa ko ang sinabi mo. And it’s…” Hindi niya nagawang tapusin ang anumang sasabihin niya kasi pinandilatan ko siya.

Ayan! Eh di inamin din niya na pinagttripan lang niya ako kanina.

“Shut Up!”

“I’m sorry.” Hinawakan niya ang kamay ko and this time seryoso na siya.

“Sa Sembreak. Let’s go somewhere. Ipagpapaalam kita sa parents mo.” He said out of the blue. Sa sembreak? That’s a week from now.   

“Saan naman?” Curious na tanong ko.

“Somewhere south.” Nag isip ako. Ano naman ang irarason niya sa magulang ko.

“Paano kung hindi ako papayagan?”

“Tingnan lang natin. Kung hindi, di hindi. Pero papayag naman siguro sila, mababait naman sila di ba? So, bati na tayo?”

“Sinusuhulan mo ba ako?” May pagdududang tanong ko, pero ang totoo, excited na ako kung saan kami pupunta. Halos hindi na nga ako makapaghintay. At kung hindi kami papayagan, alam ko na gagawa at gagawa ako ng paraan para matuloy ang plano niya.

“Halata ba masyado?” Sabi niya sabay kamot ng ulo.I find it cute pero hindi ko na lang sinabi. Umismid ako kunyari at humarap sa bintana para maitago ang ngiti ko. Shit! Napaka adorable niya.

“Ugh!” Sabi ko na kunyari naiirita pa din.

“Let’s go.” Binuksan na niya ang kotse at lumabas tapos nagmamadaling umikot at pinagbukas ako ng pinto ng kotse. Gusto ko nang himatayin sa kilig. Ang gentleman talaga ng baklang to. Kaya naman instead na magsisi at pigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya, hindi ko magawa dahil mas gentleman pa siya sa ibang lalaki at pakiramdam ko pag magkasama kami, babaeng babae ako at wala nang ibang babae sa mundo kundi ako lang.

Kaya naman itong puso ko, and bilis na ng tibok. Ang mga butterfliues sa tiyan ko di na tumigil at lalong nagwala especially when he put his hand on the small of my back habang papasok kami sa gate ng bahay. Ay shit naman! Feeling ko napakaswerte kong babae at natagpuan ko si Alexis na nagpapapanggap na Lexie.

“Hindi na ako papasok. Medyo late na rin.” Sabi niya nung nasa  harap na kami ng pinto ng bahay namin. Mag e-eleven na nga  ng gabi.

“Ikaw bahala. Sige goodnight. Bye.” And it felt like I just had my first date and it turned out so well.

“Bye.” Tapos yumuko siya at hinalikan ako sa pisngi. Medyo disappointed ako pero hindi pala ako dapat ma disappoint because his next kiss landed on my lips. I thought it was just a brief and chaste kiss. Sa tingin ko, yun din ang intention niya pero paglapat ng labi niya sa labi ko I instantly knew that a smack wouldn’t be enough so it stayed longer. Hanggang sa lumalim at tumagal  ang supposedly chaste kiss namin. Hanggang sa parehas na kami naghahabol ng hininga yet we couldn’t get enough.

Until I felt his hands massaging my breast at mas lalo akong hinapit palapit sa kanya gamit ang isa niyang kamay na nakapulupot sa bewang ko. Nakapulupot na din ang dalawa kong braso sa balikat niya. Nangunyapit na ako sa kanya kasi pakiramdam ko, nanlalambot na ang mga tuhod ko at anytime matutumba ako.

And when his lips left my lips to kiss my jaw, I moaned at lalong idiniin ang sarili ko sa kanya. Ngayon lang ako nagpapasalamat na mataas ang gate namin at hindi kita sa labas ang nangyayari sa amin. At lalong hindi kita sa loob ng bahay kasi nakasandal na ako sa pinto ng bahay namin.

Lalo akong napaliyad when I felt his hand on my breast. Just on top of my bra. Hindi ko namalayan na nabuksan na niya ang ilang buttons sa harap ng  dress ko.  At dahil dyan lalo kong idiniin ang sarili ko sa kanya at doon ko naramdaman that he is also arouse.

Nung hinalikan niya ako ulit ako sa labi, I kissed him back just as passionately, at tuluyan ko nang nakalimutan kung nasaan kami at siguro ganun din siya. Nakapapasok na nga ang isang kamay niya sa loob ng bra ko. Pero natigil lang kami nung biglang tumahol ang aso sa kabilang bahay namin.

Note to self: Lasunin ang aso ng kapitbahay bukas. Joke lang.  Baka makasuhan ko ng PAWS.

Tumigil siya sa paghalik sa akin. Parehas kaming habol ang hininga.

“Dapat hindi na lang kita hinatid.” Sabi niya habang nakasandal pa din ang noo niya sa noo ko. Pero ang kamay niya abala na sa pagbabalik ng buttons ng dress ko.

“Ikaw lang eh. Alam naman nina Mama kung nasaan ako.”     

“Pero hindi nila alam kung ano ang ginagawa mo.” Bumuntonghininga siya. “Amanda,don’t date any guy.” Sabi niya nung nakalayo na siya ng kunti sa akin.

“Why?” Painosenteng tanong ko.

“Because I don’t want to.” Matigas naman na sabi niya.

“Why?” And I’m starting to enjoy this conversation.

“Because I am not that generous to share my girlfriend.” Napangiti ako and I wasn’t able to hide that smile from him. Girlfriend. Sa kanya galing yun ha!

“Tayo na ba?” Tukso ko sa kanya.

“Hindi pa ba?” nakakunot na ang noo niya.

“Ni hindi mo pa ako nililigawan.” And it made me curious. Paano kaya manligaw ang isang Alexis? Hmmm..

“Okay.” Sabi niya. Huh?

“Anong okay?” Tama bang sagot yun?

“Liligawan kita kahit na girlfriend na kita. Is that okay with you?” Tatanggi pa ba ako? Magpapakipot pa ba ako? Samantalang ilang beses nang may nangyari sa amin.

“Okay.” Sabi ko.

“Pumasok ka na.” Sabi niya at binuksan na ang pinto ng bahay namin.

Pero bago ako makapasok  he kissed me once again. This time, mabilis lang.

At habang pumapasok ako sa madilim na sala namin hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko. Gusto kong magtatalon. Gusto kong magsisigaw dahil sa tuwa at kilig. I still can’t believe it.

I’m taken. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top