Chapter 10 (12/19/2014)
Chapter 10
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Ang alam ko lang, kahit na humihikbi na ako ni hindi ako sinuyo ni Alexis. Ni hindi niya ako pinatahan. Hindi ko alam kung paano niya natiis na may babaeng umiiyak sa tabi niya. Malamang pinairal na naman niya ang kabadingan niya.
Kaya naman hindi ko pa namumulat ang mga mata ko, masama na agad ang loob ko. Kasi bilang babae, nag expect ako na susuyuin niya ako tapos we will kiss and make up and make out and we will end up…you know…in bliss.
Pero ano ang nangyari. I end up sleeping with tears in my eyes. Mabigat tuloy ang dibdib ko pagkagising ko.
Pero hindi lang pala yun ang mabigat sa akin. Mabigat din ang katawan ko dahil may nakapulupot sa akin. At siyempre sino pa ba? Sino ba ang katabi kong natulog kagabi. Sino ba ang hinayaan akong umiyak? Tapos ito siya ngayon, nakapulupot sa akin? Aba masuwerte siya.
Kaya naman sa inis ko, Padabog kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at tinulak siya ng malakas.
“Ugh! Aray!” He grunted pagkabagsak niya sa sahig. Dumilat siya at inikot ikot ang tingin sa paligid. Hindi pa ata niya alam kung nasaan siya.
“Amanda!” Gulat na gulat siya pagkakita sa akin.
“Ako nga. Bakit sinong akala mo? Si Jake Cuenca?” Asar na sabi ko.
“Galit ka pa din sa akin hanggang ngayon?”Dahan dahan na siyang tumayo mula sa sahig. HInahawakan pa niya ang bewang niya. Nabalian ba siya? Wala akong pakialam!
“Hindi! Tuwang tuwa nga ako sa’yo eh.“ Bulyaw ko sa kanya.
“Pero sige tanggap ko na. Hindi tayo bagay. Babae ako, bakla ka. Hindi tayo talo. Okay fine. Yan ang gusto mo sa buhay, anong magagawa ko?” Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tumalikod na ako at dumiretso sa banyo. Pagkalabas ko ng banyo, wala na si Alexis sa room ko. Wala na din siya pagbaba. Umalis na daw sabi ni Mama kasi uuwi pa sa kanila. Umismid na lang ako at pumasok na sa school pagkatapos kumain. Mabuti naman at hindi na ako coding.
Maayos naman ang buong araw ko kahit na hindi maalis sa isip ko ang pinag usapan namin ni Alexis. Pero everytime na maiisip ko yun, agad kong inaalis sa mind ko kasi nakakabad vibes lang. And I am looking forward na hindi ko siya makita buong araw.
Pero nagkakamali ako, dahil nung lunchtime, kasabay ni Missy na kumakain ng lunch ang tatlong bakla. Sumama agad ang mukha ko kaya dumiretso ako sa bilihan ng food at bumili ng lunch at saka ako pumunta sa table nila tapos tumabi sa upuan ni Missy. Pero sa kasamaang palad, napapagitnaan nila ako ni Alexis.
“Bakit ka bumili Mandy?” tanong agad ni Missy sa akin pagkalagay ko ng food ko.
Nakita ko din na wala silang mga binili. Nagsalo salo sila sa pagkain sa table na hindi ko alam ang mga pangalan.
“Ano ang mga yan?” Turo ko sa pagkain. Mukha kasing masasarap.
“French food that you need to taste before you die.” Sabi ni Missy habang kumuha ng isang mukhang cream tart. Tumaas ang kilay ko.
“Anong mga pangalan niyan?”
“Ratatouille, Tartiflette , Éclair, Croquembouche “ Lalong tumaas ang kilay ko nung tinuro isa isa ni Alexis ang mga pagkain at sinabi ang mga pangalan ng mga ito without even a slip of the tongue na para bang sanay na sanay na siyang sabihin ang mga yun. Gusto ko sanang itanong pero di ko na nagawa. Paki ko ba sa bading na to? Kaasar!
“Ang sasarap Mandy. Tikman mo. Dala lahat yan ni Lexie. Umuwi kasi si Tita galing France, nagluto kagabi kaso na stranded itong si Lexie at kanina lang nakauwi kaya pinabaunan na lang.” Inabot sa akin ni Barbie ang katulad ng kinakain ni Missy pero tumanggi ako.
“Later, uubusin ko muna ang binili ko sayang.”
“Di ka kasi nagtatanong.” Lumabi na lang ako kay Missy at kumain na ng pagkain ko kahit na naglalaway na ako sa mga pagkain sa harap ko.
“Aba himala! Tumanggi ka sa pagkain. At mas malaking himala, hindi mo ngayon kinukulit si Lexie.” Natatawang tukso sa akin ni Missy.
“Break na kami.”
“Ang bilis naman. Wala man lang 'Isang Linggong Pag ibig'?” Humagikgik pa si Missy. Umismid ako lalo.
“Oo. Kisapmata lang.” Sumubo ako sa spaghetti ko, pero iniisip ko ang ratatouille. Yan lang ang familiar sa akin kasi may movie na ganyan.
“ Ang bilis nga. Eh di pwede ka nang ligawan?” Napatingin ako bigla kay Missy. Nakasubo pa ang fork sa bibig ko. Tapos nalaki ang mga mata ko.
“Liligawan mo ako?” Tanong ko with my mouth full.
“Gaga!Eww! Hindi. Pero sabi ni Louis liligawan ka daw niya.” Puno ng malisya ang boses at tingin ni Missy.
“Sino naman yun?” Hindi ko yun kilala. Bakit liligawan niya ako eh hindi ko siya kilala?
“Ay di mo kilala?” Disappointed ang lola. Kala ata lahat ng kilala niya, kilala ko din. Samantalang kung hindi nga kami nag one night stand nitong si Alexis, malamang hanggang ngayon deadma pa din siya sa akin,
“Magtatanong ba ako kung kilala ko?”
“ Taray. Pero sige papakilala kita. Magugustuhan mo yun. Yummy. Volleyball player, Engineering student.” Humagikgik pa siya. Nilunok ko na ang spaghetti na kanina ko pa nginunguya tapos uminom ng tubig.
Napaismid ako at tumingin kay Alexis. Mataman niya akong tinitingnan. Tinitingnan ata ang reaction ko. Mas lalo akong napaismid.
Hmp! Kala niya siya lang ang yummy? Madami kaya! Hindi pa bading. Hindi nga ba?
“Straight ba yan? At hindi takot sa relasyon? Baka mas malakas pa manampal kesa sa akin yan. Volleyball player pa naman.”Mataray na tanong ko kay Missy pero sinusulyapan ko si Lexie.
“Bakit kung makapagtanong ka, parang papakasalan mo na agad yung tao? Liligawan ka pa lang ate. At ikaw naman, magpakipot ka ng kunti. Wag mo sagutin agad.”
“Why not? Kung yummy ba naman at totoong lalaki.” I emphasized on the last word.
“Sige, mamaya after ng last subject natin papupuntahin ko siya sa classroom.” Tuwang tuwa na sabi naman ni Missy. Papayag na sana ako kung hindi lang may parang binagsak na tinidor sa table namin. Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng ingay.
“Di ba hindi ka pwede mamaya Amanda? Kukunin mo ang mga inorder mong makeup?” Seryosong sabi niya. Magpoprotesta pa sana ako pero hindi ko nagawa because I felt his hand suddenly clutching one of my legs. And when it started roaming… I wasn’t able to stop myself,
I gasped.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top