Kabanata 7
Kabanata 7: A billion dollar deal.
"Jireh, bitbitin mo nga 'to!" singhal ko sa walang kwenta kong kasama. Binalya ko sa kaniya ang limang paper bag na hawak ko.
"Kanina ayaw mo ipahawak, ngayon galit ka kasi lahat hawak mo na!" singhal din niya.
Huminto ako at malakas na hinila ang kwelyo niya palapit sa akin.
"Gusto mo bang mapaaga sa hukay?"
"H-hindi, Queen. Ito naman hindi mabiro."
Binitawan ko siya. Ang mga tao sa mall naman ay mga bobong naka tingin na naman sa ginawa ko. Sinamaan ko ng tingin ang pinaka malapit sa akin. Putanginang mga chismosa 'to!
"Queen, pagod na ako. Di pa ba tayo tapos?"
"Sumasahod ka ng hundred thousand sa akin tapos yan lang ang gagawin mo aangal ka pa."
Pumasok ako sa Mac at nag tingin ng lipstick. Nilapitan agad ako ng sales lady. As usual, pinalalayo ni Jireh ang lumalapit sa akin, iyan ang dahilan ng pagsama niya sa akin.
I was busy checking for better shade of red when I heard whispers from teenagers on my right.
"Nag m-make up pala ang tomboy?" nagbulungan pa e rinig ko naman.
And tomboy? I look at myself. I was wearing oversized t-shirt, short and Nike Air Max Koko. Baka pag ginamit ko pang sipa to e bumakat 'to at magkaron ng humps mukha niyo?
I combed my natural brown and curly hair using my fingers. Inirapan ko ang babaeng naka tingin sa akin. Subukan mong sumagot!
"Queen, naka pili ka na?" pag lapit ni Jireh.
Kinuha ko ang shade na nagustuhan ko at inabot sa sales lady na kalalapit lang and paid it using my card. Si Jireh na ang kumuha ng paper bag na maliit.
Maybe I should buy some lingerie? Next time na lang. Bigla ko tuloy naalala si Beni. Siya ang madalas kong kasama bumili sa lingeries. Mahilig kasi 'yun sa ganon. Palagi nga 'yun naka thong.
Bigla akong napadaan sa isang sikat na jewelry shop. What about ring? Busy akong nag titingin-tingin ng may mapansin akong matangkad sa tabi ko.
Pag lingon ko, bigla akong nailang at nahiya. Nandito pala siya. Sana hindi niya ako makilala.
Pinalabas ko sa sales lady ang singsing na nagustuhan ko para sukatin. Ang sabi, 18k daw ang kabuoan niya tapos .5 diamond carat naman ang nasa gitna. I like this one! Simple yet elegant. Since it has diamond, pwede ko itong ipanuntok sa kalaban. Sa tibay ng batong 'to, makakawasak kaya 'to ng mukha?
"Try this one, I think that suits you more."
Tinignan ko si Raph, pati doon sa singsing na tinuro niya. Nawala ang ngiti sa labi ko. Ang pangit naman!
"Dapat alam mo ang gusto ko bago ka mag suggest."
"W-what.."
Tinalikuran ko na siya at hindi na lang bumili. Sino ba yun para makialam sa gusto ko. Ayoko talaga sa lahat ng pakialamero. Pakialam ko kung suggestion yun?
What he suggests suits for teenagers! Infinity ring! Duh?
"Queen, alam mo yung binatog?"
"Hindi, ano yun?"
"Masarap 'to. Libre kita!"
Sinundan ko ang bakulaw at pumunta siya sa maliit na stall. Habang nag hihintay, may lumapit sa aking babae na hindi ko kilala.
"Ma'am gusto niyo po mag apply ng credit card?" may hawak siyang papel na binibigay sa akin.
"Huh?"
"Anong bank niyo po ba ma'am?"
Kumunot ang noo ko. Bakit tinatanong ng taong 'to? Isn't that supposed to be confidential?
"Ay, baka palamunin pa ng mama." mahina niyang bulong bago umalis.
Excuse me?
Sa inis ko, lalapitan ko sana para wasakin ang mukha ng pigilan ako ni Jireh. Masama ang tingin ko sa kaniya.
"Queen, tara na. Hayaan mo na 'yun!"
"Sinabihan akong palamunin ng mama?!"
Ang laki laki ng kinikita ko tapos sasabihan lang ako non?! Tangina non ah! Baka isampal ko sa kaniya ang checking at savings account ko. Hindi pa kasama don ang total assets ko.
"Oh, tikman mo."
Inagaw ko sa kaniya ang maliit na baso. Unang tingin, parang pagkain ng aso. Ano to? Ginagago yata ako ng taong to e!
"Masarap 'yan."
"Saan ang bilihan ng cp dito?"
"Sa pinaka taas, doon lahat ang bilihan ng gadget." at dahil si Jireh ang nagaya sakin dito at siya ang nakakaalam, siya ang pinauna ko maglakad.
Habang naglalakad, kain lang ako ng kain nitong binatog. Masarap nga 'to. Kaso paubos na. Ang konti naman. Magkano kaya 'to? Magpapabili ulit ako mamaya.
Pag dating namin sa 4th floor, sakto may basurahan kaya nagtapon ako. Muntik ko na masapok ang lalaking biglang sumulpot sa harap ko.
"Ma'am, realme?"
"Anong real you?" hindi nakapag react yung lalaki, nilagpasan ko na.
Hinila ko si Jireh palapit sakin. "Ganito ba talaga mga tao dito biglang sumusulpot sa harap mo?"
Bumungisngis ang tanga, "Mga nag aalok lang yun, queen, hayaan mo na!"
"Bakit kasi tayo dito? Sabi ko mag Greenbelt na lang tayo."
"OK din 'tong SM."
Nakita ko ang familiar na cellphone brand at agad pumasok sa loob. Ilang taon na rin pala 'tong cellphone ko, dapat palitan na. Bumili ako ng bagong phone, watch, iPad tsaka MacBook. Inabot ko ang card ko para magbayad.
"What are you buying?" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Sa inis ko dahil sa mga taong sulpot ng sulpot sa akin, natuloy na ang suntok na kanina ko pa gustong ilapat.
Hinarap ko ang nagsalita at malakas na sinikmuraan. Napayuko siya sa sakit. Masakit talaga kasi malakas 'yun, although hindi sobra pero alam kong masakit.
Ng mapansin kong matangkad ang nasuntok ko, oh my sino 'to? Is this going to be another lawsuit?
"You're really a gangster, damn it!"
Nanlaki ang mata ko ng makita ang taong sinuntok ko ay walang iba kundi si Ali. What the...
"Ano ba?! Nang gugulat ka e!!" singhal ko.
"Did I— damn it. Nakakagulat ba 'yon?!"
Lumapit ang cashier para iabot sa akin ang card ko kasama ang paper bag na puro pinamili ko. Tinawag ko si Jireh na busy magkalikot sa iPhone na naka display.
"What are you doing here?" I asked,
"I saw you kaya nilapitan kita."
"Next time, don't startle me. Nanununtok talaga ako."
"You made me question my ability to sustain even though I'm a fucking a MMA fighter." sabi niya,
Ngumisi ako, "Really? Want to fight me in a ring?"
"No, I'd rather spend my time talking to you than that,"
"Baka takot ka lang matalo."
"Kumain ka na?" he asked.
"Hindi pa,"
Ali choose the restaurant for us. While waiting for our orders, inutusan ko si Jireh bumili ng binatog. Ayaw niya pa nung una kasi gutom na daw siya pero sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa.
"So, tinarayan mo ang kapatid ko?"
"Totoo ngang chismosa ang mga lalaki."
Kinuha ko ang bagong bili ng phone para buksan at i-transfer don ang sim ko.
"He's just suggesting, he said."
"He's suggesting me to wear an infinity ring, Ali. That doesn't suit me. Maybe, girl does. I'm not a girl."
He barked in laughter. Kumunot ang noo ko.
"You tell him that,"
"No, never." he smiled.
Dumating si Jireh na may dalawang tatlong cup ng binatog. Sakto rin na dumating ang orders namin. They started with their meals while I focused on my binatog. Hanggang matapos.
"Queen, sa atin 'yan lahat."
"Huh?"
"What is that? And where's mine?" Ali asked.
Umiling ako. "Bumili kayo ng inyo."
Paguwi sa bahay, inabot ko sa katulong ang mga pinamili ko. Dumiretso ako sa dining kung saan kumakain na sila ng hapunan.
"Oh, akala ko mamaya ka pa?" Papa.
Humalik ako kay ma at pa pati na rin kay ismael. Hindi na ako kakain pero nakita ko ang salad, napaupo ako bigla.
"Ano 'yang hawak mo, hija?" tanong ni Papa.
"Binatog."
Natigilan si mama, "Sakin na lang, anak. I miss that."
"Nope."
"Please? Ang tagal ko ng hindi nakakakain niyan."
"No, mama. Bumili ka po ng sayo."
"50k."
I shook my head.
"100k."
"Seriously, Natasha?" Papa can't believe it.
"150k."
"Fine! Nice deal!" naka ngisi kong inabot sa kaniya ang binatog.
"Paki send na lang sa bank account ko."
"Hon, pay our daughter."
"Excuse me?" mas lalo siyang hindi makapaniwala. "We can just buy you binatog without dealing with her?"
"Hon, closed na ang mall ganitong oras. Bukas pa ako makakatikim nito. Baka mawala na 'to sa isip ko."
Nag sandok na ako ng salad, si Ismael busy sa kinakain at walang pakialam sa amin, habang si Papa at Mama ay nagtatalo.
Ako naman, naka ngisi na kumakain. Ang bilis naman talagang kumita ng pera.
"Arden,"
"Yes, Pa."
"What can you say about Laude Uytingku?"
Why is he asking about him?
"Lame,"
He sighed, "I want you to start spending time with him. His father and I talked. We're arranging you two a marriage."
Naibagsak ko ang kutsara sa lamesa. Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko ng ganito?
"It's been dealt, Arden. Nakapag sign na kami ng contract sa isa't isa. Wala ka ng magagawa pa."
"You can't do this to me!"
"You have three months to prepare."
"Papa, please! Hindi ko nga gusto ang lalaking 'yon, at lalong hindi pa ako handa na magpakasal!"
"I'm sorry, Arden. If you do not, we'll have to pay for breaching of contract worth 5 billion dollar."
My jaw dropped. I looked at ma and she can't even look at me. Sa inis, nag martsa ako papunta sa kwarto ko at binagsak ang pinto.
Fuck!
Fuck!!!
And true to that deal, kinabuksan lang, sira agad ang mundo ko matapos ipagkalat ni Laude na ikakasal kami.
Kaya naman alas nuebe pa lang ng umaga, nandito na ako sa Eastridge, isang sikat na bar ng mga gangster, para mag inom.
Wala pang masiyadong nagiinom pero maraming kalalakihan. Mga tauhan 'to ng bar na tingin ko'y nagpapalipas ng oras.
Nakaka ilang bote na ako, pero parang walang tama sa akin. Sabagay, immune na ako sa alak. Sinulyapan ko ang phone ko na naka patong lang sa bar counter. Patuloy ang pag bukas nito sa dami ng texts and calls. They're probably asking about me and Laude.
Tanginaaaaaaaa, anong gagawin ko?
Bumukas ang pinto sa entrance at pumasok ang babae at isang—wait, is that the Goblin?
Natigilan ako sa paginom. When did the last time I saw this man? I can't remember. He's... I don't know. He's denying being a gangster, but he has handling platoon of gang in England. That man is on a different level.
What is he doing here?
Nasagot agad ang tanong ko ng marinig kong hinahanap nila si Hades. And based on my observation, Raegan seem to be the bodyguard of this girl. Wait, kung tama ako, she's Summer. Hades' girl!
Ngumisi ako. Umalis yung babae at si Goblin ang natira para kalabanin ang bouncers ng Eastridge.
Before the fight started, the Goblin glanced at me. I raised a glass, he nods at me.
Naka pang halumbaba ako rito sa bar counter habang nanunuod ng laban. Mas maganda sana kung malakas ang kalaban niya para may thrill, pero, okay na rin 'to. Napa 'ohhh' ako ng sungalngalin niya yung isang bouncer gamit ang shot glass na nasa lamesa.
Saglit lang natapos ang laban. Bitin! Dumating si Summer, kasama si Hades na galing sa VIP room. What is this drama? Kaya ayoko ng love life e. Nakaka stress.
Oh shit... ikakasal nga pala ako. That's... depressing.
Sa bwisit ko sa kanila, kinuha ko na lang ang phone ko. Bigla akong dinala ng kamay ko sa contacts and saw Ali's number. Ngumisi ako. I called him.
Ilang ring lang, sinagot agad.
"I didn't imagine you'd be the first to call, hmm."
"Hey, Antonius. Good morning!"
I heard him sighed, "Are you drunk?"
"Paano mo alam? Are you stalking me?"
"Where are you?"
Napansin kong umalis na si Summer at naiwan si Hades, naka tunganga. Napansin niya ako, pero inirapan ko siya. Buti nga sayo, lover boy!
"I heard about your upcoming engagement,"
"Yeah, that sucks."
"Want me to come over?"
"Wag na, ma-issue ka lang sakin."
"I don't care about what people will say."
"Really? Pakasalan mo nga ako?"
Natigil ang kabilang linya. Natatawa ako. Damn it! I must be drunk? Pero hindi naman ako nahihilo? Why was I blabbering nonsense then?
I felt heat on my face. Dapat pala hindi ako nagbiro non. Nakakahiya.
But damn it, half joke 'yun. Ayoko talaga makasal. Pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang atrasan 'yun kasi sigurado na maghihirap ang pamilya namin.
"Wag ka ngang magbiro ng ganiyan,"
"Right, I'm so—"
"Baka nga pakasalan kita, kung hindi ka nagbibiro."
I ended the call.
I suddenly felt nervous. Gago 'yun ah! Putangina.
Hindi pa umaabot ng isang minuto, tumatawag na siya ulit. Napapikit ako sa inis. Damn it!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top