Kabanata 6
Kabanata 6: The first touch.
Napadura ako ng dugo sa sahig. Ramdam ko ang hapdi sa labi ko na pumutok. Sinamaan ko ng tingin ang kalaban ko. Mas lalo akong nanggigil sa mapang asar niyang ngisi.
"Sagad mo na 'yun?" I gritted my teeth.
Mabilis akong sumugod para atakihin siya. He expected my left punch that's why he's going to counter it by dodging to the right but I was quick enough to duck and punch his right knee. I heard his bones cracked.
Mabilis siyang umatras pero hindi pa ako tapos. I'm aiming for a fast knock down but he's strong. I threw him punches from right and left until he's got no choice but to raise both his arm for defense. And when he did, that's my cue. Sinipa ko ang left thigh niya ng malakas, when he lost balance and had his arm open, ang unang bumungad sa vision niya ay ang kamao ko. Solid itong tumama sa mukha niya.
"Fuck!!" napaluhod siya sa sakit, hindi dahil sa dumudugong mukha, kundi dahil sa nabaling paa.
Hindi ko na siya hinintay pa na tumayo. Tumakbo ako papunta sa likod niya. I held his jaw sideward to the left and punched his right jaw. Hindi tumalsik ang panga niya dahil hawak ko ito pero sigurado na bali 'yon.
I glanced at my knuckles, both swollen and reddish. Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa mukha ko. Mula sa likod, nag side kick ako papunta sa mukha niya dahilan ng pagka talsik nito ng isang dipa.
Pagtapos ng laban, dumiretso agad ako sa kwarto. I look at myself in the mirror and saw a small cut on my lower lip. Paano ko ito itatago ngayon? May event mamaya. Ngayon pa lang, naririnig ko na ang pag hysterical ni mama.
"Ikaw na ang bahala Jireh, may lakad ako ngayon."
"Paano ang pera? Cash 'yun ibibigay."
"Sa'yo na lang," nasan na ba yung kinesio tape ko? Parang ang sakit ng braso ko.
"100k 'yun Queen, sigurado ka ba?"
Hindi ko na siya pinansin at umalis na. Late na nga ata ako, takte. Bakit ko ba kasi pinatulan ang laban na 'yun. Haist!
Pag dating ko sa bahay, naka bihis na ang lahat at ako ay hindi pa. Nice! Anong oras pa lang? Ang usapan ay 7pm aalis!
"Diyos mio! Ano ang nasa mukha mo?!"
Oh jeez, here we go.
"Ma, wala 'to. Ligo muna ako!" tumakbo na ako paakyat para matapos na agad ang usapan.
After cleaning myself, nasa kwarto ko na agad ang mag aayos sa akin. I'm going to wear a champagne color strapless dress, fitted to my curve body, hanggang sahig ang haba nito pero dahil may takong ang suot ko, hindi naman ako madadapa. I also noticed the slit on the right leg, hanggang gitna ito ng hita ko at hindi naman masiyadong revealing tignan. Pero masiyadong exposed ang dibdib ko!
Masama ang titig ko sa gown habang inaayusan ako sa mukha. Dapat yata mag jacket ako. Nakakainis naman!
"Are you tying my hair?" I asked the hair dresser.
"Yes, ma'am. Bun hairstyle po kasi ang bagay sa mga strapless na gown. It will give highlight to your chest curve."
She also put some silver accessories on my hair, and, for the final outfit, sinuot niya sa akin ang mamahaling kwintas at hikaw.
"I don't remember choosing that one," tinuro ko ang kwintas. Both the necklace and earring are made of diamonds.
"Your daddy bought this for you ma'am. Bagay daw po ito sayo." the hair dresser said, malawak ang ngiti niya habang naka titig sa akin.
Hindi ko na tinignan pa ang sarili ko sa salamin kaya nung natapos, bumaba na agad ako. My mama look very elegant with her champagne color dress too, and with Papa by her side who look dashing on his suit. Si Ismael naman ay ganon din. Parehas sila ng tie ni papa. Mukhang lahat ng suot namin ay pasadya.
"Your necklace suits you, hija."
"Thanks for this, Pa." I said, rolling my eyes though, because ang corny.
"But I'm not happy with your cut on your lip, Adi. You're so beautiful. I don't understand why you engage yourself in fighting." that's mama,
"It's a hobby,"
"Your hobby is dangerous. Ewan ko ba dito sa ama mo at bakit parang hinahayaan ka."
Nakarating kami sa event ng 8:30PM. Sakto lang dahil hindi pa naman nagsisimula. Nang bumaba kami, marami agad camera ang sumalubong sa amin sa entrance.
The security of the event went to help us get through. This event is hosted by the Forbes. It is to gather the prominent families in the country. It is a social gathering I'd rather ditched, but well, I couldn't.
My parents was greeted by some wealthy investors. Ismael and I were both introduced. Nagkaroon lang ng konting paguusap, at lipat naman sa ibang kakilala.
I scan the people inside, trying to find Beni's shadow. I'm sure nandito siya. I need a friend I can talk to. Nag mumukha akong tuod dito kakasunod sa kanila.
Nang mapansin ni mama na lumilinga ako, sumama agad ang mukha niya, pero yung hindi mahahalata.
"Mamaya kana umalis,"
I snorted. Hinawakan ko na lang ang kamay ng nakababatang kapatid na mukhang wala rin interes sa mga tao sa paligid.
"Someday, you will be like Papa."
"I know." he simply answered. Napahawak ako sa dibdib sa gulat.
"Wow!" sarkastiko kong tugon. Masiyado na ba absent sa bahay na hindi ko namamalayang lumalaki nang hambog ang batang 'to?
Ngumisi ako. Mukhang maraming paiiyakin ang kapatid ko ah?
"Don Carlos!"
Nagulat ako sa lakas ng boses ni papa. Hindi halata na masaya siyang makita ang tinawag niya. I noticed my mother, she's not smiling to anyone but it was not to the point that she would look snub.
"Lary! How's everything?" the old man from late fifties joyfully asked papa. Mukhang dati silang magkaibigan.
"Everything is good. How's Donya?"
"Oh, she's still in the Canada for her therapy. Gusto na ngang umuwi pero hindi ako pumayag. Kaylangan ay magpagaling muna." he giggled.
"Please send my regards to her. By the way, this is my daughter—" hinarap ako ni Papa. It was my cue to step beside him and do my part. "Arden Lyx Cojuangco."
"Good evening, Don! It was nice to meet you po."
I smiled, and took a step backward. Natigilan si Don at si Papa, maging si mama. Naningkit ang mata ng aking ina at mukhang anytime ay pwede niya akong bugahan ng apoy. Why? Hindi ko naman intensyon maging rude. Bumati na nga ako e?
Napansin ko ang saglit na pag ngisi at bulungan ng nasa paligid. May mali ba akong ginawa? I gritted my teeth. I fucking hate this talaga! This is where you must showcase your perfection, but that's not me!
Don Carlos smirked, but I don't know what's that for? Is that a bad sign? My father fake coughed to divert the attention.
"Your daughter is beautiful, Lary. Here is my sons— Ali and Raph."
Ngayon ko lang napansin ang dalawa at parehas na matangkad na lalaki na nakatayo sa likod ni Don Carlos. Anak niya pala 'yon. Akala ko bodyguard niya. Hindi kasi umiimik.
Nagusap usap sila at hindi na ako nag abala pa makinig. Hindi talaga ako maka relate kapag business topic na. Para bang automatic sumasarado ang tenga ko kapag ganon ang pinaguusapan.
After dinner, naging maluwag na rin lahat. Karamihan kasi ay nasa kanilang lamesa at naguusap usap na lang. I excused myself para kumuha ng glass of wine sa alcohol table. Natuwa ako ng may scotch sa lamesa, ayun ang hiningi ko sa waiter.
I decided to drink somewhere quiet. Hawak ang baso na may laman scotch, nakarating ako sa darker part ng hall, kung saan tanaw ko ang malaking infinity pool. Walang tao rito o miske dumadaan 'man lang.
My arm rested on the aluminum barrier of the hall and drink quietly, where I only hear faint chatters.
"Didn't like the party?" a baritone voice spoke behind me.
Bumuntong hininga ako. I was about to dismiss the stranger nang tumabi siya sa akin at sinandal din ang braso niya sa barrier.
"I was never fan of parties."
"For a woman, you're a hard drinker." he said, pertaining to my scotch.
"I'm not the usual woman you're talking about."
Napansin ko ang hawak niyang baso. It's probably jack daniels, based on its color.
"Right, you're no typical. You were the first person to ever snub my father."
Ngayon lang ako tuluyan tumingin sa kaniya. The more I look at him, the more I realize he's familiar.
"Have we met before? And, I didn't snub your father. I greeted him, in case you didn't heard."
He chuckled, "Are you just acting up? We met like three weeks ago."
Natawa ako sa sinabi niya, "Mister, I don't recall things that are irrelevant to me. No offense."
"None taken,"
"It's impressive, actually. Meeting someone different." pagtuloy niya.
"Well, I hope you're different, not some typical rich son who thinks they matter to the world."
"Try to get to know me, then."
Mabilis akong bumaling sa kaniya, tinawanan siya. "Hey! Dinidiskartehan mo ba ako?"
"The first time we met, I was a stranger to you. Let me introduce myself again,"
Wait, that sounds familiar...
"My name is Antonius, nice to meet you, Arden."
Parang biglang may tunog kampana ang umingay sa tenga ko. Nanlaki ang mata ko ng maalala siya. It's him! Iyong nasa race.
Tinignan ko ang kamay niyang naghihintay ng pagsagot ko. Fine, maayos siyang kausap ngayon. So, I smirked, and accepted his hand.
"Call me Adi, that's my short-name."
"Really?" he smiled, "They call me Ali, medyo parehas no?"
"You're implying something?" taas kilay kong tanong.
Umiling siya, pero hindi naka takas sa akin ang magandang ngiti niya.
"I think my parents need me," I said, para lang umalis sa usapang 'to.
Hindi naman sa ayaw ko pero, hindi ako mapakali. Parang may gumugulo sa tiyan ko, it felt uncomfortable.
Am I nervous?
No, impossible. Me, Arden, getting nervous? Hindi pa 'yan nangyayari.
He smiled, but keep staring on my face, kaya napansin kong bumaba ang mata niya sa labi ko, at nagtagal ng ilang segundo doon. He sighed. Like he saw something he didn't like.
Was it my lip? Pangit ba?
Oh! The cut on my lip! Why is he looking mad?
"Use my coat, then. Malamig na sa labas."
Nagulat ako ng lumapit pa siya sa akin at pinatong sa balikat ko ang oversized na coat. It looked huge on me! Pero hindi ko maikakaila na nawala ang lamig ng pakiramdam ko. Thanks to his coat, I feel warmer.
"Thank you for this, Ali."
Ganoon pa rin ang event pag balik ko kung paano ko iniwanan. They're on their desserts while chattering. Parang automatic na dumako ang mata ko sa isang lamesa. To my shock, two men are also looking at me. First, Don Carlos, his eyes are on me until lumipat ito sa coat na naka sampay sa akin. Second, his brother Raph who is now smirking, looking at his brother who just get back, now without his coat.
Damn it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top