Chapter 12

Chapter 12: Stabbed

"What happened?" I asked Jireh.

Pag dating ko sa lair, nagkakagulo ang mga gangsters. Tinatanaw ko sila mula rito sa vip room ko. Ng lumapit si Jireh sa akin, may hawak na siyang isang baso ng scotch.

"Nagwawala sila kasi si Hades, inactive na. Gusto nila magkaroon muli ng bagong King."

Ngumisi ako. Inactive huh? Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ng lalaking 'yun? It must be his love life.

"By the way, may naghahamon pala sayo. Yung tinalo mo noon, gusto ka kalabanin ulit."

I shook my head. "Alam mong hindi ko na kinakalaban ang mga tinalo ko na."

"He's persistent, Queen. Nag abot na siya ng 500k sa operator ng lair. Any moment from now, darating na dito ang head para kausapin ka tungkol diyan."

Umiling ako. Wala na talagang pinagbago ang mga 'to. Basta ba tapalan mo ng pera ay gagawin ang lahat. Kung sabagay, every thing are just business.

"60/40 Queen, wala daw pakialam sa pera basta matalo ka lang niya."

Natawa ako. "How desperate. Kaya kong tapalan ng mas doble pa ang perang nilalabas niya. How dare him insult me thinking I was after money?"

"But you know my principle and will stay that way, Jireh. Hindi ko nilalabanan ang natalo na. Even if I have to pay the head of this lair double the amount of what he has paid, I will."

"Noted, Queen."

I sipped on my glass and watch these low gangsters rally. Napa iling na lang ako. Although I get their point, they can't just simply change and alter the course of this world. Hades is the Gangster King, and will remain that way until someone defeats him.

Magbabago lamang ito kung pupunta rito mismo si Hades para isuko ang titulo niya. That way, the gangster world would again host an event in race for the King title.

Question is, will Hades continue be the King or he will finally surrender his title now that he has set up his new life?

One thing is for sure. I'm gonna miss him. Not because we had sex, but because he's one of person I knew who's got honor and principle.

He's a good company too.

Pagbaba ko ng VIP room, agad nag tabihan ang mga gangsters para paraanin ako. I received a call from my father and it seem urgent. Pero bago ako tuluyan makalabas, may lalaking matangkad ang humarang sa daraanan ko.

"Takot kang matalo kaya tinanggihan mong kalabanin ako ulit?!" he said angrily.

"Excuse me?" sa dami ng problema sa mundo, nakuha pa niyang dumagdag.

"Bakit hindi mo na lang aminin na natatakot ka ng lumaban, huh?!"

The crowd roared. As if booing me. The hell I care. Ano bang pinagsasasabi ng hayop na 'to? Ang ayoko pa naman sa lahat ay dinidisturbo ako.

"You declined me on the battle arena. Why not settle it right here right now?"

"I don't talk to strangers," biro ko.

That triggered him. Mabilis niya akong sinugod gamit ang kamao pero mabilis akong umatras para ilagan ang suntok niya. Alam niyang gagawin ko iyon kaya nakagawa siya agad ng susunod na atake. He grabbed me behind my neck but I resisted and twist his wrist to make him lose grip, then I kicked him on his chest hard enough to ended up 3 meters apart.

Mabilis siyang naka bangon mula roon. I cracked my neck, ready for a battle. Ako na mismo ang lumapit sa kaniya para makipag mano-mano.

His fist landed on my soft face. Susuntok siyang muli pero nasalag ko na ang pangalawa using my left palm. His hard fist was on my palm and using my force, kinulong ko ng mahigpit ang kamao niya sa aking palad until his finger bones started cracking. Then, I twisted his arm and punched his shoulder hard. Rinig ko ang pagka bali ng buto niya.

Sinipa ko ng malakas ang gilid ng tuhod niya kaya nabali ito at halos mapa yuko siya. Tsaka ko siya sinuntok ng malakas ulit sa mukha. Nagulat ako ng pag angat niya, isang malakas na suntok na naman ang natanggap ko.

Tumilapon ako ng isang dipa. Tangina! I spit my own blood. Sinusubukan ko pa lang tumayo ng daganan niya ako. Fuck!

He started giving my face hard punches. Naramdaman ko ang pag lagitik ng buto ko sa panga. I lifted both my arms to defend myself kaya ang nasusuntok niya ay ang mga braso ko.

Shit! Hindi puweding tumagal ito.

I waited for the right time. Ng makakita ako ng butas sa atake niya, mabilis naka lusot ang kamao ko at tumama ito sa noo niya. Hindi pa doon natapos ng muli ko siyang suntukin naman sa kaliwang mata. Nang manghina siya sa sakit, malakas ko siyang tinulak at mabilis akong bumangon. Ako naman ang dumagan sa kaniya ngayon.

"Tangina mo ka!" sigaw ko habang pinagsusuntok siya sa mukha, sa mata, sa tenga, kahit saan dumadapo ang kamao ko. Hindi ako tumitigil hangga't hindi nababalot ng dugo ang kamao ko.

I grabbed his neck tight. Nagsimulang mamula ang mata niya at maglabas ang mga ugat sa mukha. No, I'm not yet done! Fucker!

Nagulat ako ng may maramdaman na hapdi sa tagiliran. Pag lingon ko, nasaksak niya pala ako. I gritted my teeth. Malakas kong binunot ang punyal niya at tinusok 'yon sa hita niya.

Kasing lakas ng sigaw niya ang ingay ng crowd. I kicked his balls so hard I'm sure mababaog na siya.

"I didn't give you a second life only to be wrecked again by the same person who spared you. Don't make your third be your last, asshole."

The crowed once again cheered for me. Umalis na ako sa dagat ng gangsters para umalis. Pag kapa ko sa tagiliran ko, puno ito ng dugo. Napa daing ako sa sakit. Fuck! Sigurado naman akong hindi malalim ang pagka-saksak sa akin pero nanghihina ako sa dugong nawawala.

I sighed. Fuck! I need to go to the hospital. I'm not some fucking assassin who cures herself with a fucking dagger and alcohol. Who the fuck does that? Sa palabas lang 'yon.

Sasakay na sana ako ng kotse ko ng may mabilis na yumakap sa akin. Pag lingon ko para sana pumatay ng tao pero nagulat ako ng makita si Ali, pawis at namumutla.

"Fuck, Arden!" he shouted in my face.

Nanlaki ang mata ng makita ang dugo na umaagos sa sahig. Ngumiti ako para mawala ang pagaalala niya. Tangina! Ang babaw lang nito! Ilang beses na akong nasaksak o nasugatan ng punyal. Nadaplisan na rin ako ng baril at hindi ko 'yon ikamamatay. Para saan pa na naging Gangster Queen ako kung sa simpleng ganito  matatapos mg buhay ko?!

Hindi! Marami pa akong mukhang babasagin.

"Nandito ka pala. Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" I smiled again, pero yung mukha niya putlang putla talaga.

He's definitely scared, and angry. I can see burning in his eyes. Like he would explode and kill the man who have hurt me but damn baby, not yours to make. It should be me who will do the fighting.

My vision starts to blurry. Tangina! Bago pa tuluyan magdilim ang paningin ko, nakita ko pa siyang alalayan ako pero huli na. The darkness consume not just my vision, but also my consciousness.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top