Kabanata 5

Nagsimula ang unang klase sa hapon pero hindi pa rin dumadating si Hades. Kamusta na kaya siya? Magaling na kaya yung sugat niya? Hay. Hindi ako mapalagay. Imbes na lecture ng teacher ang pumapasok sa isip ko, ang duguang batok ni Hades ang inaalala ko.

Nakokonsensya yata ako. Pero bakit kasi gangster siya? Alam kaya nilang basagulero ang King nila? Ano ba yan! Ang daming tanong sa isip ko.

"A penny for your thoughts?"

Nilingon ko si Yeuseff. Bumuntong hininga ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya ang iniisip ko. Tsaka siguro hindi rin siya maniniwala.

"Natutuwa lang ako kasi tumigil na sila sa pang bu-bully sa akin. I guess ako lang talaga ang napagtripan kahapon."

"What are you talking about, Summer?" - nagtatakang tanong ni Yeuseff.

"Di mo ba alam—"

"Hindi ka nila napagtripan. Nabasa mo yung puting papel diba? It was actually your Day#1 of punishment. There would be 2nd and 3rd day but it didn't happen kaya nagtaka ang lahat."

Naguluhan ako sa mga sinabi niya. Oo naaalala ko yung papel, halos lahat may ganung papel kahapon at nabasa ko rin ang nakasulat dun. Even my picture were printed there kaya hindi ko malilimutan.

Pero anong ibig niyang sabihin? So yung pagkaka-bully sa akin, nakatakda talaga yun mangyari kahapon? At dapat meron pa ngayon at bukas pero hindi nangyari? Ang gulo yata.

"Bakit walang nang bu-bully sa akin ngayon?"

Naalala ko yung mga tinginan ng mga tao kanina. Akala ko dahil lang kasama ko si Yeuseff. Kung ganon, may ibang rason pa.

"Iyun nga ang ipinagtataka ko. Your judgement day was supposed to be three days pero isang araw pa lang ang nakakalipas, pinahinto na ni King."

Bakit kaya? Hindi kaya naawa sa akin si Hades dahil kahapon? Nasaan ba siya. Hinahanap ko siya pero sure naman akong hindi ko rin siya lalapitan sa oras na makita ko siya.

"Wala akong maintindihan."

Bulong ko na alam kong narinig ni Yeuseff. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.

"Hindi ko rin alam kung bakit nagbago ang desisyon niya. Sa ngayon, ikaw ang kauna-unahang babae na nakapag-pabago ng isip ni King sa isang araw lang. You made history, Summer."

Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasasabi ni Yeuseff. Siguro mas mabuting wag ko na lang isipin ang kung anong may kinalaman kay Hades. Wala rin naman siguro itong patutunguhan. Ako lang ang nagpipilit na isipin siya kahit hindi naman.

Kinabukasan, medyo late na akong pumasok kumpara sa normal na oras ng pagpasok ko. Napansin ko kasing palagi rin naman late ang teachers. Nasasayang ang oras ko sa paghihintay sa classroom.

Pagtapak ko sa loob ng St. Martin, umihip ang malakas na hangin. Mukhang hindi maganda ang kutob ko ah. Ewan pero parang sumama yata ang timplada ng sikmura ko.

But Summer, think positive. Taas noo akong lumakad sa hallway sa kabila ng nakakaasar na tingin sa akin ng lahat. Lahat sila ay obvious na pinagbubulungan ako. Ano na naman meron? Hindi na mawalan ng kalokohan ang school na ito.

Patawid na ako sa kabilang building kung nasaan ang room ko ng biglang may tatlong babae ang humarang sa akin. Saktong nasa gitna kami at sa may center pa ng school kaya maraming students.

I glanced at three girls in front of me. Mas maikli ang skirt nila kumpara sa akin at napaka-kapal ng make-up na nasa mukha nila. Typical bitch ika nga nung iba.

"Anong kaylang—"

PAK

Napapikit ako dahil sa lakas ng sampal na iyon. Pakiramdam ko ay naginit ang pisnge ko dahil dun. Napahawak ako sa pisnge ko. Sana hindi magkapasa. Hindi ko na alam ang sasabihin kay daddy once na may makita na naman siyang galos.

Hinarap ko ang babaeng sumampal sa akin, pero ganun na lamang ang gulat ko nang muli ako nitong sampalin at sa kabila naman. Fuck! Ang sakit.

"Ang kapal ng mukha mo! Dahil sayo kaya nakulong si King!"

"You should rot in hell bitch!"

"Hindi namin alam kung bakit pinatigil ni King ang judgement day mo, pero hindi kami makakapayag na basta na lang matatapos yun!"

Ramdam ko ang pagnanais na tumulo ng luha ngunit pinigilan ko iyon. Ayokong umiyak sa harapan nila. They don't deserve my tears. Shit!

Dahil sa eksena, dumarami na ngayon ang nanunuod sa amin. Rinig ko ang samu't saring sinasabi nila at karamihan non ay masasakit na salita laban sa akin.

"Kung naaawa si King sayo, kami hindi."

"Tama! Kami ang magtutuloy ng judgement day mo!"

Biglang may sumabunot sa akin. Napangiwi ako sa sakit. Pakiramdam ko ay lalabas ang anit sa ulo ko. Dalawa, hindi, apat na kamay ang humila sa buhok ko.

Sinusubukan kong magpumiglas pero may mga kamay na humahawak sa akin. Wala na talaga akong kawala. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin pero nasisiguro ko na hindi magiging maganda ang lagay ko.

Akala ko ba ayos na?! Ano ito!

"... dahil sayo nakulong si King."

How come na dahil sakin? Then naalala ko ang nangyari nung isang araw. Dahil ba ito doon kaya nagkakaganito sila? Then I can explain myself. Hindi ko naman kasalanan na makulong siya.

Nagulat ako nang ihagis nila ako. Napasubsob ako sa madulas na sahig. Dun ko na lang na-realised na nasa gym kami. Tumayo ako. Pero agad din may sumugod sa akin at sinapak ako kaya napatumba agad ako.

"Tama na ano ba!" sigaw ko.

Ang sakit ng mukha ko. Nakakainis. Hinawi ko ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

Wala akong ibang makita sa mukha nila kundi galit sa akin.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo?!"

Yung babae kanina na humarang sa akin, lumapit siya at muling hinila ang buhok ko.

"Hindi mo alam kung anong kasalanan ang nagawa mo?! Hah! Nakulong si King dahil sayo! Bitch!"

Then I got another slap and this time mas malakas kesa sa nauna.

"Hindi ko naman ginusto na makulong siya. Sorry, okay? Let me explain! This were just misunders—"

"Do you think kelangan namin ng explanation? Kahit anong sabihin mo, mali pa rin ang ginawa mo!"

"Napaka bobo mo. You don't know anything. You don't even know the King. You don't know how big name he has tapos hinayaan mo lang siyang makulong ng ganon?!"

"He is a Dmitri, bitch! In case na hindi mo alam, ang apelyidong yan ang pinaka-makapangyarihan sa buong mundo. And Hades Dmitri is a demigod na tinitingala ang pangalan hindi lamang dito sa loob ng school, maging sa ibang lugar and even out of the country. He is the sole heir of the number one company worldwide. Mas importante pa ang buhay niya kesa sa buhay mo and yet hinayaan mo siyang makulong? Sa isang walang kwentang lugar?! You fucking stupid bitch! Umpisa pa lang ayoko na sayo!!"

Hindi ko naman alam na malaking pangalan pala ang Hades Dmitri. Isa pa, nakikipagaway siya. Hindi porket mayaman siya, hindi na siya pwedeng makulong. Ganun naba ang pananaw ng mga tao?

Ganon ba kataas ang tingin nila kay Hades? Nakakababa naman ng tingin. Akala ko sa rank lang talaga pero totoo pa lang sinasamba nila ang lalaking iyon.

"I don't know, okay? There was a fight and he was involved—"

"Hindi ka na dapat tumawag ng pulis! King could handle that. You have no idea how he hates pakialamera!"

Tinulak niya ako sa gitna. Tapos nakaramdam nalang ako ng mga bagay na tumatama sa akin. They're throwing eggs on me!

Naiyak na ako hindi dahil sa sakit kundi dahil sa pagka-awa ko sa sarili ko. How come na nangyayari sa akin ito? I just want a normal life katulad ng dati pero bakit ganito ang binigay sa akin?

Bakit ba palaging kasalanan ko!

Napaluhod ako dahil hindi ko na rin kinaya ang mga ibinabato nila sa akin. Shit talaga! Kasalanan ito nung bwisit na King na yun e. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako gagantuhin ng mga alagad niya.

Fuck him and his people. Fuck this school! Ang sasama nila. Sobrang sama nila. Hindi ako makapaniwala na may ganitong mga taong nabubuhay sa mundo.

"FUCKING STOP!"

Malakas na sigaw ang nakapag patigil sa lahat. Sobrang lakas ng sigaw na iyon na feeling ko naputol ang ugat ng kung sinong sumigaw na iyon. Automatic na natahimik ang lahat. Sunod na narinig ko ay ilang mga yabag.

Dinilat ko ang mata ko para makita ang nangyayari. Lahat ng nambato sa akin ay nahawi na parang may binibigyan ng daan. Sinundan ko ang linya at nakita ang dalawang pares ng sapatos sa gitna. Tinignan ko kung sino ito at ganun na lamang ang poot na naramdaman ko matapos itong makilala.

It's the great fucking King, Hades Dmitri. Ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin 'to.

"Who ordered you to do this?" tanong ni Hades. Natigilan ako. Sobrang lamig ng boses nito.

Lahat ay napayuko sa tanong niya. Isa sa mga students ang nagtaas ng kamay at tinuro ang babae na sumampal sa akin ng tatlong beses. Kaagad nanginig sa takot ang babae at parang bigla rin siyang namutla.

"K—king,"

"Why?"

Isang salita. Isang salita pero lahat ay nanginginig sa takot. Puno ng otoridad ang boses nito. His voice brings fear to everyone and that's also the reason kung bakit ilag ang lahat sa kaniya.

"K—King, we were worried about you nung nalaman namin na nakulong ka dahil sa babaeng 'to. King, please let us continue her second day of judgement. She deserves to be punished, King."

After magsalita nung babae, muling natahimik ang lahat na waring hinihintay ang magiging desisyon ng hari. Napapikit na lamang ako dahil sa takot. Alam ko anomang oras ipagpapatuloy nila ang kalokohan na ito at nakahanda ako.

Nakahanda akong tanggapin lahat ng gagawin nila sa akin ngayon. Dahil bukas, hindi na ako babalik dito.

Nakarinig ako ng yabag papalapit sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Hanggang sa huminto ang yabag na iyon sa tapat ko. Nakita kong huminto si Hades sa harap nung babae.

"King!"

Nagulat ako ng bigla na lang hablutin ni Hades ang kwelyo nung babae. Sa paraan ng pagangat nito, halatang wala siyang pakialam kung babae ang nasasaktan niya.

"And you dare to contradict my order?" bakas ang galit sa boses nito.

Pansin ko na rin ang pagangat ng paa nung babae sa ere. Nagsimula itong umiyak at nagmakaawa kay Hades. Pero mukhang wala itong naririnig.

"K—King, sorry—"

"What was again my decision yesterday? I remember it posting on the bulletin."

"S—Stop the Judgement day of Summer Harrison." naiiyak na sagot nung babae. Napahagulgol na ito sa takot. Sobrang talim ng tingin sa kaniya ni Hades na maging ako ay bahagyang kinabahan.

"Then, what is this?!" saglit na tumingin sa akin si Hades pero wala akong ibang mabasa sa mata niya kundi galit para sa babaeng hawak niya.

Napayuko ako dahil hindi ko kinaya ang intense na naramdaman ko nang tignan niya ako. Hindi ko alam kung bakit ganito kataas ang epekto niya sa akin.

"S—sorry King,"

Halos magmakaawa ang babae. Kung kanina halos lahat ay pabor sa kaniya, ngayon naman ni isa wala siyang kakampi. Siguro lahat talaga sila takot na madamay.

"Pray hard tomorrow, bitch." at tsaka nito binalibag yung babae. Napangiwi ito dahil sa sakit nang tumama ang likod niya sa simento. Hindi nakaligtas sa akin ang masamang tingin ng babae.

Mistulang nakahinga ng maluwag ang lahat ng makitang paalis na si Hades, ngunit lahat ay natigilan muli nang huminto ito.

"Kalabanin niyo ulit ang salita ko at hindi lang kamao ko ang matitikman niyo." at tsaka ako nito tinignan ng saglit bago tuluyang umalis ng gym.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top