Kabanata 4

I once consider the thought of transferring into another school. Even dad asked me if I would want to. He was worried of my safety at ayaw na niyang maulit ang nangyaring incident kahapon. Pero sabi ko ay hindi na kaylangan. It's my fault also kung bakit ako nadamay sa gulong iyon.

Pero ngayong nandito na ako sa tapat ng school, parang gusto ko na lang ulit umuwi at magkulong sa kwarto. What if maulit na naman ang nangyari sa akin kahapon? Isa pa, natatakot akong makaharap ulit si Hades ngayon.

Napatawa ako ng mapakla sa isipan ko. So this is why everyone feared of him, huh? Wala pa siyang ginagawang kung ano pero matatakot kana. I just wanted to thank him but after knowing he's the St. Martin's King na kinatatakutan at sinusunod ng lahat, yung tapang na meron ako biglang nawala.

Tumalikod ako sa gate at nagpasyang bumalik sa sasakyan para umuwi. Hindi ko pa kayang pumasok ngayon. May trauma pa ako sa nangyari kahapon. Masakit pa rin hanggang ngayon ang tuhod ko at ayaw kong madagdagan pa ulit iyon.

Nagtaka ang driver namin ng makitang bumalik ako, but he didn't questioned me. Binuksan niya lamang ang pinto ng sasakyan para makapasok ako.

"SUMMER HARRISON!!"

Natigilan ako dahil may malakas na tumawag sa pangalan ko. Sa sobrang lakas, halos lahat ng nasa paligid ay narinig at napatingin sa akin.

Hinarap ko kung sino ang walanghiyang tumawag ng buo sa aking pangalan. Isang lalaking puti ang buhok. Bumagsak ang balikat ko ng makilala kung sino ang taong iyon.

Isa lang naman ang kilala kong puti ang buhok dito sa St. Martin.

"Yeuseff,"

Mabilis itong lumakad patungo sa akin na may baong malapad na ngiti. Nag jog ito para bumilis siya. Pero hindi iyon ang napansin ko. Ang kakaibang tinginan ng mga tao.

I forgot. This guy is a superior.

"Kaylangan mo?" tanong ko.

I heard everyone gasped. Hindi ko pinansin iyon.

"Wala. Good mood ako ngayon kaya ihahatid kita sa room niyo." Inalis ko ang pagkakaakbay nito sa akin dahil sa reaksyon ng mga tao. Kung kanina napasinghap lang, ngayon naka-nganga na silang nanunuod samin.

Wala na akong nagawa ng hilahin ako nito papasok sa loob. Nilingon ko ang driver namin at sinenyasan siyang umalis. Ngayon, ito ang problema ko.

Nagpumiglas ako sa kamay ni Yeuseff pero sobrang higpit ng hawak nito sa akin, kaya nga nakakapagtaka na hindi ako nasasaktan. Hanggang sa makarating kami sa room ay hindi niya binibitawan ang kamay ko.

Medyo nakakainis na kasi ang sasama na ng tingin sa akin ng mga tao. Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako nakalibing.

Tinadyakan ni Yeuseff ang pinto kaya bumukas ito. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko na nagawang mag react dahil hinila na naman ako nito papasok.

"Saan ka nakaupo?"

Alanganin kong tinuro ang seat ko. Lumawak naman ang ngisi niya at agad dinala ako at pinaupo duon. Dun ko lang naramdaman kung gaano katahimik ang classroom.

Tinignan ko sila pero ang lahat ay nakatingin lamang sa black board.

"Yebaaah! Ikaw pala ang seatmate ko. Ayos!"

Mabilis kong nilingon si Yeuseff.

"Ano? Seatmate kita?"

No. Mas nagtataka ako na kaklase ko pala siya. Bakit wala siya kahapon? O baka late lang.

Tss. Vacant kasi yung chair na nasa kanan ko. Yung pang 5th chair na nasa pinaka tabi ng window. Napakamalas naman na siya ang katabi ko.

"Summer, kumain ka na ba?"

I nodded. Bakit ba napaka daldal ng lalaking ito? Hindi ko siya pinansin at nagdrawing na lang sa likod ng notebook ko.

Lumipas ang halos kalahating araw ng klase pero wala pa rin'g kakaibang nangyayari sa akin. Nakakapagtaka pero at the same time ay masaya. Siguro napagtripan lang talaga ako kahapon.

Nasa cafeteria ako ngayon para maglunch, kasama si Yeuseff. Ayaw lang naman niya akong tantanan kaya wala akong choice kundi hayaan siya. Normal naman ang cafeteria. Marami ang nagkkwentuhan pero name-maintain yung kaingayan nila.

This was the first time actually na napadpad ako sa isang canteen na sobrang tahimik and it felt good. Peaceful akong makaka-kain. Maganda rin pa lang kasama itong si Yeuseff. At least may pakinabang siya.

Si Yeuseff ang pumili sa magiging upuan namin. Since he's playing the gentleman thing, siya ang nagbitbit ng tray na in-order namin.

"This is the best part."

Napairap na lang ako. 5 plates. Can you imagine how matakaw he is? Ang payat niya pero hindi ko alam na ganito siya katakaw.

Medyo natakam ako sa fries na in-order niya kaya kumuha ako.

"Aray!"

"Sorry, Summer. Kahit kaibigan kita, umorder ka pa rin ng sayo. Sa akin to eh!"

Napangiwi ako ng tapikin ni Yeuseff ang kamay ko. Kakainis ah!

But natigilan ako ng marinig ang sinabi niya. Kaibigan? Sino nagsabi na magkaibigan na kami. Huminga ako ng malalim at muling kumain. That word, I'm sure makakalimutan niya rin yan.

Habang kumakain, napansin ko na parang mas lalong tumahimik. Lihim akong nagmasid at nakita ang school president na kakapasok lang ng cafeteria. Sinipa ko sa paa si Yeuseff at nginuso ang nasa likod niya.

Nilingon niya ito at lihim na napaismid.

"It's Cielo, student president. Crush mo?"

Sa inis ko ay nabatukan ko siya kaya muntik ng masubsob ang mukha niya sa spaghetti. Napangiwi ako. Ang pangit kasi ng reaksyon niya.

"Problema mo!"

"Hindi ko siya crush!" giit ko.

"Bakit kaylangan mambatok?!"

"Ang tanga mo kasi!"

Napailing ito sa sinabi ko at nagsimulang magpatuloy sa pagkain. Ako naman ay nananatiling nakatingin kay Cielo na nago-order ng food niya.

He's tall and maganda ang pangangatawan. Lahat naman ng lalaking nakita ko rito ay ganon. Matangkad, gwapo, macho, mayaman. Isang dream guy ng karamihan. Even this weird guy Yeuseff, kahit para siyang bata kumilos at makulit, hindi maipagkakaila na gwapo rin siya.

"Curious ka ba sa kaniya?"

Nilingon ko si Yeuseff dahil sa sinabi niya. Now, it made me curious even more. There's something within him na medyo kakaiba. He's such a mysterious, and I hate people like that.

"Nope," I denied.

"Before Hades came here, siya ang tinitingala ng lahat. Everyone's attention were always focused on him. Siya ang palaging laman ng St. Martin's article na ini-issue every year, pero nagbago lahat simula nang dumating si Hades dito. Yung lahat ng atensyon na na sa kaniya, napunta lahat kay Hades. But unlike Cielo, walang pakialam si Hades sa mga iyon, the reason kung bakit mas lalong nagka-interest ang lahat sa kaniya."

Hindi ko naman maiwasan mapaisip sa sinabi ni Yeuseff. What does he mean by that-parang sinasabi niya na inagaw ni Hades ang dapat para sana kay Cielo?

Pero hindi naman kasalanan ni Hades iyon, diba? Bago lang din siya. Nagkataon lang na nagustuhan din siya ng marami. But on the other hand, bakit ko ba siya pinapaburan?

"Simula nun, naging tahimik na si Cielo. Bihira na siyang makipagusap at naging cold na siya. He focused his attention on studies and he became freak-nerdy-guy na ayaw ng lahat. He became too boring kaya mas lalong nawala ang atensyon sa kaniya. Ngayon, isa na lang siyang school's president na kinatatakutan ng students dito."

People doesn't like boring stuff. We always get to like what entertain us. We choose things na nakakapag-pasaya sa atin. And when that thing became boring dahil nasanay tayo sa gamit na iyon, we tend to find another one, and the cycle goes on.

If a person was used like a thing, what would that person feel? Hurt. He would feel hurt and such, and maybe that was also the reason why he changed.

"Kawawa naman siya."

Yeuseff looked at me, a serious one that made me a bit nervous.

"Hindi mo siya dapat kaawaan, Summer."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top