Kabanata 3
Hindi naalis sa isip ko ang mga sinabi ni Yeuseff tungkol sa St. Martin. I thought this was just simple and typical school pero mukhang hindi iyon ang inaasahan ko. Something more than that. Heirarchy? Damn! Anong kalokohan naman yun? May alam kaya ang dean sa pakuno ng mga students niya O wala siyang pakialam as long as nagbabayad ng mataas na tuition ang mga ito?
He also said he is a bishop, that mean he is an Elite. Isang nanggaling sa marangyang pamilya, even though elite sounds superior, nagiging mababa pa rin sila para sa King. Ganon ba talaga makapangyarihan ang hari? Kaya nitong mapasunod kahit na sino, kahit pa nanggaling ka sa mataas na pamilya?
Kung sino 'man ang King nila, parang na e-excite akong makilala siya. Sino ang tao sa likod ng kinatatakutan at nirerespeto ng lahat?
Hades Dmitri, Pangalan pa lang hindi na pangkaraniwan. In Greek, Hades is the King in underworld, maybe the reason why everyone is calling him King.
Pero napagisip isip ko, ganoon ba akong tao? Katulad ng mga students dito sa St. Martin, na nagsusunod-sunuran? Hindi naman ako pinanganak para maging ganon.
Nagpaalam muna ako sa nurse bago umalis. Hindi na rin ako nakapasok sa mga klase ko. Nawalan na rin kasi ako ng gana. Kung ganon sila kapursigi na parusahan ako, useless lang din ang pagpasok ko dahil siguradong babalik at babalik lang din ako sa clinic.
Should I transfer to another school? Pero kapag ginawa ko iyon, magmumukha akong talunan. And I won't like that.
Paika-ika akong naglalakad palabas ng school. Nakakapagtaka na pinagtitinginan lang ako ng mga students at hindi ako sinusugod o ginagawan ng kahit na ano. Pero ayos din ito sa akin dahil nakalabas ako ng buhay sa school na iyon.
Sa sobrang pagod na nararamdaman ko, wala na akong lakas para kunin ang phone ko at magpatawag ng sundo. Naisip ko na maglakad lakad na lang muna hanggang maka-kita ako ng taxi.
Napaupo ako sa gather para magpahinga. Secluded kasi ang St. Martin. Kumpara sa ibang schools na madaling makita, naiiba ang St. Martin. Nasa pinaka looban pa ito at mahirap makita dahil sa daming kalye. Puro kalye. Walang bahay. Parang isang isolated na subdivision tapos ang tanging naroroon lang ay ang school na ito. Walang kahit na ano.
Napatigil ako saglit ng makarinig ng ingay. Parang may nagtatawanan? Nilibot ko ng tingin ang paligid pero wala naman mga bahay dito or any establishment, maliban nalang sa nagiisa at mahabang building na ito sa may kanto. Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa kanto.
Habang palapit ako ay mas lalong lumakas ang tawanan. Ano kayang meron dito? Curious naman ako. Huminto ako ng makarating sa kanto at sumilip sa kaliwa para tignan ang nangyayari. There's a bunch of men outside na puro may hawak na weapons.
Nanlaki ang mata ko. Is there a fight? God! What to do? Napapikit ako saglit at napaisip kay Lord. Please, guide me.
Should I leave the place and call for the police? No. Hindi ako aalis dito kasi baka makatakas sila. Tatawag na lang ako agad ng pulis. Kaagad kong kinuha ang phone ko at diniall ang 911. Kinakabahan ako. Medyo nagtago ako sa pader para hindi nila ako makita.
"Good afternoon this is 911 emergency team, what can I help you?"
"I need help! I need help! There's a fight here and they have deadly weapons. Please help and stop them!"
"Alright, ma'am. Can you please tell us your exact location?"
Napalingon lingon ako. But damn! Hindi ko alam kung anong lugar ito.
"Ma'am?"
"Ahh! I don't know this place. But malapit ito sa St. Martin—"
"Thanks for the cooperation ma'am. Our team will be there in a minute. Please wait for back up and find a safe location for you."
Toot. Toot.
What? Napatingin ako sa phone ko. Binabaan ako nung babae. Bwisit yun ah! I looked at the GPS pero naka-off naman ito. Hindi ko pa sinasabi ang exact location ko pero bakit alam na nila? Anyway, hindi iyan ang problema.
Muli akong sumilip para tignan ang mga mangyayari. Nagtaas ang isa kong kilay nang parang may napagtanto sa aking nakikita.
All of them versus him? Wait. This is impossible. Based on their weapons, sigurado akong mga nakamamatay iyon, and yet magisa lang siyang nakatayo sa harap nilang lahat without any weapon on his hand? This is ridiculous.
I need to help the guy. Sigurado akong ikamamatay niya kung ipagpapatuloy niya ang katangahan niyang ito. At hindi rin naman ako papayag na maka-saksi ng isang murder.
Nakita kong parang magsisimula na kaya mas binilisan ko pa ang lakad.
"Napakalakas naman ng loob mong manghimasok sa teritoryo namin. Sino ka ba bata! Kung ako sayo umuwi ka na!"
Tama. Maganda ang suggestion'g iyon ni kuya. Sa lakas ng boses niya rinig ko hanggang dito. Medyo binagalan ko ang lakad. Baka naman magagawan ng paraan? Kuya umalis ka na lang kaysa mamatay ka. Kawawa ka naman!
"Teritoryo? What are you talking about, bastard? This is St. Martin's property so technically this is my territory."
His voice was as cold as ice. Masyadong malamig iyon na wala na akong ma-sense na emosyon.
Nagtawanan yung mga mukhang kutong lupa na parang nakarinig sila ng isang nakakatawang joke. Kutong lupa kasi naaanig ko na ang mukha nila at ang papangit nila.
"Teritoryo niya raw? Pre, todasin na natin ito nang matuto. Hindi tamang inaangkin ang pagaari ng iba, bata."
Pinagmasdan ko ang tindig ng lalaki. Medyo familiar siya sa akin. Nakapamulsa siya at nakatingin lang sa mga kaharap niya.
"STOP!"
Akmang susugod na sana ang isa sa kanila ng mapahinto dahil sa malakas na sigaw ko. Lahat sila ay natigilan at nagtatakang tumingin sa akin. Nilapitan ko yung lalake at hinawakan ito sa braso.
"Hindi niyo ba nakita? Sobrang dami niyo at nagiisa lang ito. Hindi ba parang unfair iyon? Tsaka niyo na patayin ang lalaking ito kapag marami na siyang kasama! Kaya ikaw—" tumingin ako sa lalaki at halos manigas ako sa kinatatayuan ng makita ang masamang tingin nito sa akin.
"T—tara na!" hila ko pa sa balikat niya pero hindi siya matinig.
Sobrang sama talaga ng tingin niya na parang nakagawa ako ng isang napakalaking kasalanan. Ano bang problema ng isang to? Nililigtas ko lang naman siya laban sa mga kutong lupa na ito.
Muli, nagtawanan na naman ang mga pangit, napatingin ulit sa kanila si kuya maging ako. Kakainis naman ih.
"Ang gago nagpasundo pa sa babae. Duwag ampota! Hahahahaha!"
"Pre, wag kang magtago sa saya ng babaeng 'yan at labanan mo kami."
"Hahahahaha!"
Halos manlaki ang butas ng ilong ko sa mga pinagsasasabi nila. Ang kakapal!
"Asshole!" sigaw ko.
Mukha naman natigilan ang parang leader nila at nanggagalaiting tumingin sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ko talaga makontrol ang bibig ko kapag kinakabahan ako.
Dahan dahang humakbang ang leader nila na may hawak na kutsilyo. Humigpit ang hawak ko kay kuya ng makalapit ang leader sa harap ko. Wala akong ibang marinig kundi lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Katangahan. Yan ang tawag sa ginawa mo Summer. Katangahan. Hindi ka na dapat lumapit pa at naghintay na lang sana sa pulis na rumesponde.
Mabilis na hinawakan ng leader ang pisnge ko. Mahigpit ito na nasasaktan na ako. Kahit pangit siya, hindi ko maiwasan ang matakot dahil sa mga mata nitong hindi natatakot pumatay.
"Ang kapal naman ng mukha mong bastusin ako, babae. Hindi mo siguro kilala kung sino itong kaharap mo."
Napailing iling ako. Nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko. And you know this is what I hate the most. Kahit ilang beses kong sabihin o ipamukha na matapang ako, I always end up crying, because I am weak and that's the thing na hindi ko na mababago pa.
"Please..." I was crying, begging him to let me go. He is holding a knife for God sake. What if he stab me bigla? That would be the end of my life at natatakot ako sa mga mangyayari.
Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa mukha ko pero sobrang higpit nito at talagang nasasaktan na ako.
"Kanina ang tapang mo. Ngayon para kang isang anghel na nagmamakaawa mabuhay." - mabagal ang pagkakabigkas nito. Mas nilapit pa nito ang mukha niya kaya mas kinabahan ako.
He sniffs me. Oh god! He is going to rape me. Please God, help me. Nasaan naba ang mga pulis? Bakit ang tagal tagal nila.
Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa ginawa nitong pagsinghot sa leeg ko. Nagpumiglas ako pero ang higpit ng kapit niya sa mukha ko. Dahil sa galit ko, dinuraan ko ang mukha niya. Natigilan siya pero mas humigpit ang hawak niya sa akin na may halong pang-gigigil na.
"Bastos ka!" bigla itong sumigaw ng malakas na kinagulat ko.
Mukhang nagalit ko siya. Pero mas lalo akong nagulat ng sampalin ako nito. Sa lakas, parang biglang nagpantig ang tenga ko at wala akong ibang marinig kundi ang impact ng pagkakasampal nito sa akin.
Napahawak ako sa pisnge ko. Ang sakit!
"Fuck!"
Napatingin ako kay kuya ng magmura ito. And suddenly, the fight started. Bigla nalang hinila ni kuya yung kwelyo nung lalaking sumampal sa akin at malakas na sinuntok ito sa mukha.
Akmang sasaksakin na ng leader si kuya kaya napatili ako. Pero mabilis na nagawan ito ng paraan ni kuya. Umilag siya at mabilis na hinawakan ang kamay nung leader na may hawak na kutsilyo at pinilipit ito. Tapos mabilis nitong tinadyakan yung tuhod ni leader kaya napaluhod ito.
Sunod na sumugod ang mga kasama nung leader. May mga dala silang armas. Pero mabilis si kuya kumilos dahil naiilagan niya ang mga atake nung mga pangit. Nahigit niya ang pinakamalapit sa kaniya at binigyan ito ng malakas na suntok sa mukha. Nawalan ng malay ang kalaban.
Marami sila at may mga armas pero hindi nila magawang saktan si kuya. Sa mga kilos nito halatang sanay na siya sa pakikipag away. Kung ganito siya kagaling, sana hindi na ako nakialam.
"SA LIKOD MO!" hindi ko mapigilan na mapasigaw sa takot.
May sumugod sa kaniya mula sa likod at may hawak itong bote, malakas nitong pinalo ng bote sa ulo si kuya at dahil may dalawang kalaban si kuya sa harap niya, hindi siya nakailag sa atakeng iyon.
Napapikit ako at napaiyak. Nasan na ba ang mga pulis? Malakas nga si kuya pero what if tamaan pa siya ng maraming atake mula sa kalaban? What if manghina siya? He might die and I don't want that. Not with my sight. He can't die. No one should die.
"YAAAAH! PAPATAYIN KITA!!"
Sumugod ang isa pa. May dala rin itong kutsilyo kaya napapikit na lamang ako. Please, stop this. Tama na! Sana walang masaksak. Natatakot ako.
"Tama na!" Napahagulgol ako. Tama na. Natatakot na ako.
Napadilat ako at nakita si kuya na nakatayo habang yung lalaking balak siyang saksakin ay nakahiga na sa lupa, walang malay. Nilibot ko ng tingin at laking tuwa ko ng makitang tumba na lahat.
Natapos niya. Nanalo si kuya. Ang galing. Nakahinga ako ng maluwag. At least safe ako at si kuya. We'll just have to wait the police.
"Patay ka!"
Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Dahan dahan akong humarap sa likod at nanlaki ang mata ko nang makita ang leader na kanina lang ay nakahiga, ngayon ay nakabangon na at may hawak na baril.
B—baril?
Sunod sunod na dumaloy ang luha sa mata ko ng mapagtantong sa akin nakatutok ang baril nito. God, bakit kelangan mangyari sa akin ito?
Umiling-iling ako. No. Please. Dont.
"Wag po..."
But he just smirked at me and mercilessly pulled the trigger.
BANG
I closed my eyes as I wait for the bullet to hit me. So this is really the end huh? Humigpit ang sara sa aking talukap dahil sa takot ngunit lumipas na ang ilang segundo pero hindi pa rin ako natatamaan. Wala pa rin akong nararamdaman.
Unti unti kong dinilat ang mata ko at nakitang ang leader na nakatayo lang sa harap ko ay nakahiga na ulit ngayon, dumudugo ang mukha at wala ng malay. Sa tabi nito ay isang basag na bote. Wala naman yun kanina ah?
Napalingon ako sa likod at nakita si kuya na nasa likod ko. Nakatingin din ito sa akin. Nakapamulsa siya katulad ng kanina at malamig na nakatingin sa akin. Somehow, he looked familiar to me. Have we met before?
"You,"
Natigil ako ng marinig ang sirena ng pulis. As always, late na naman silang dumating. Nagtaka ako ng makitang nagsimula nang umalis si kuya.
"Wait!" hinawakan ko siya sa braso. Ramdam kong nanigas siya at natigilan.
"Wag ka munang umalis." pakiusap ko.
Lumapit ang mga pulis sa amin at sinakay kami sa mobil. The whole ride were silent. Nakatingin lamang siya sa daan habang ako ay sa kaniya nakatingin.
He was bleeding actually, sa may batok niya. Pero hindi ko magawang kabahan kaya nakakapagtaka. He was hurt pero nananatili akong kalmado. Maybe because kahit alam ko na nasugatan siya, I know that he's fine.
Ilang saglit lang din ay nakarating kami sa police station. Binaba kami sa mobil pero ang kunot sa noo ko ay hindi nawala. Anong ginagawa namin dito?
Tinulak pa ako nung pulis papasok sa loob, this time ay nagpumiglas na ako.
"What are you doing?! Why are we here?" Nagsimulang magtaas ang boses ko dahil na rin sa takot.
Hanggang sa makarating kami sa loob ay walang sumagot sa tanong ko. Pinaupo ako sa upuan kaharap ang isang hepe ng pulis, ganoon din si kuya.
"What's this? Bakit dito kami dinala? Can't you see that we're both hurt? And this one here is bleeding. Kelangan matahi ang sugat niya."
Tinignan ko si kuya pero wala itong kaemo-emosyon. Ganunpaman, nananatili ang masamang tingin nito hindi lamang sa akin kundi pati sa mga pulisya. I eyed him head to toe at nagulat ng makitang naka-posas siya.
Wait. Kanina pa ba siya pinosas?
"Remove his handcuffs. He's not a criminal. We're the victim here. Yung mga lalakeng nakahiga kanina, they tried to kill us, okay? This man only defend me and himself so what he did was just self defense! Bakit kaylangan iposas pa siya?"
Hindi ko maiwasan mainis. This is a total misunderstanding. At ang mas nakakainis pa ay hindi naman ako pinapansin ng mga pulis.
"Kalma lang, miss. Kahit ganon nga ang nangyari, hindi natin maiiwasan ang katotohanan na pumatay siya at ang pagpatay ay isang labag hindi lamang sa batas kundi maging sa batas ng diyos."
"Are you serious?! Didn't you heard me? He only defends himself. Killing them was not his intention!"
"Mam, pasensya na pero mukhang hindi mo naiintindihan. Ang lalaking ito ay kabilang sa gang war. Isa siya sa mga binabantayan namin—"
"I don't care! Let me call a lawyer. Sasampahan ko kayo ng kaso!"
Walang nagawa ang pulis kundi tumango na lamang. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni daddy. Actually, hindi ko alam ang gagawin ko. I'm doing my best na magmukhang matapang pero hindi ko talaga maiwasan ang kabahan sa ganitong sitwasyon.
Wala akong kakilala na lawyer. Kung meron 'man, wala akong number nila. Why would I save their number anyway. In behalf, I called my daddy. Siya lang naman ang makakatulong sa amin ni kuya.
Pinalabas ako ng office nung pulis at pinaupo ako sa may malapit sa entrance ng police station. Tinext ko na ang lugar kung nasaan ako and dad told me he's on the way.
Sa totoo lang, wala akong balak sabihin ito kay daddy. Pero wala na akong ibang alam na paraan para mapalabas kami rito. Hindi naman pwede na makulong kami lalo na't wala kaming ginagawang masama.
Napabalikwas ako ng bangon ng may marahang tumapik sa braso ko. Bumungad sa akin si daddy na mukhang nagaalala. Nakatulog ako kakahintay sakaniya.
"Daddy!" tumayo ako at niyakap siya.
Bahagya rin tumulo ang luha ko. I was in the verge of death kanina kaya ganito ako kasaya na makita si daddy. I really thought I was going to die but that guy saved me.
"Shh. Let's go home. You have to rest."
"How about the—"
Daddy smiled.
"I have fixed every thing. Napatunayan naman na biktima ka lang kaya pwede ka nang umuwi. Tara! Nagugutom ka ba?"
Mabuti na lang. Akala ko makukulong ako. Nakakatakot makulong. Hindi dahil sa mga makakasama mo, kundi dahil sa freedom na mawawala sayo.
Pero natigilan ako ng maalala si kuya kanina. Hala nakalabas na rin kaya siya?
"Yung lalaking kasama ko po kanina?" I asked dad pero sa itsura niya ay halatang hindi niya kilala ang tinutukoy ko.
Nagmadali akong bumalik sa opisina na pinasukan namin kanina. Binuksan ko ang pintuan at nakita ang hepe na nakaupo sa upuan nito at nagkakape.
"Hoy kalbo!"
Bigla nitong naibuga ang kapeng iniinom niya. "Tangina."
Napatayo siya at nagpagpag dahil natalsikan siya. Pumasok na ako at lumapit. Sinamaan ako nito ng tingin pero hindi niya na ako matatakot. Nandiyan si Daddy sa labas.
"Nasaan na yung lalaking kasama ko kanina?"
That guy, isa pala siyang gangster. Hindi halata. Akala ko kasi talaga mamamatay siya. Kasi naman, nagiisa lang siya tapos ang dami dami ng kalaban niya.
Still, I need to thank him. He saved my life. Utang ko sa kaniya ang buhay ko. Dapat nga ay hindi niya na ako niligtas dahil sa pakikialam ko pero mas pinili nitong pumanig sa kabutihan kaya naman nais kong magpasalamat.
"Si Hades Dmitri ba? Umalis na kanina pa. Nag bail ang abogado niya kaya nakalaya na naman siya." bakas ang panghihinayang nito sa mukha.
Lumabas ako ng opisina. Hanggang sa nakarating ako sa bahay ay lutang ako dahil sa gulat. Kung ganon, siya rin kaya yun?
Siya rin kaya ang King ng St. Martin?
"Teritoryo? What are you talking about, bastard? This is St. Martin's property so technically this is my territory."
That particular scene flashbacked to my mind and that was when I confirmed my thought,
Hades Dmitri, the guy earlier, that gangster is the St. Martin's King.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top