Heir 51: Twisted Memories
Heir 51: Twisted Memories [The Painful Truth of the Hidden Past]
Ayah—Princess Light’s POV
“In gloom there’s light, in light there’s gloom.”
“Light.”
“Incess.”
Sabay-sabay nag-echo ang iba’t-ibang boses, hindi ko maintindihan ang ilan sa mga naririnig ko dahil sabay sabay sila sa pag-sasalita. Magulo maingay, nakakarinig din ako ng mahinang tawa ng mga bata.
Ngunit sa ilang sandali lamang, biglang naging tahimik at naging malinaw ang lahat.
Maliwanag ang langit at sikat na sikat ang araw, natatakbluban ng mga ulap ang sinag ng araw kaya’t medyo malilong din, mayroon ding malakas na ihip ng hangin. Napatitig ako sa isang bahay sa harapan ko. Malaki ito, ngunit ang nakakatuwa sa bahay na ito, mayroong maliit na playground sa garden nito. Ang dami ding bulaklak na ang titingkad ng kulay at may mga matatayog na puno ding nakapaligid, kitang kita ko din ang mga berdeng berdeng dahon ng mga puno iyon, ang sarap sa pakiramdam na makakita ng ganitong lugar—isang peaceful, maganda at maayos na lugar.
Naglakad pa ako papalapit sa main entrance papasok ng bahay, buhay na buhay ang buong paligid, nakakarinig ako ng huni ng ibon, at masasayang tawanan. Ang gaan sa pakiramdam, parang ang sarap tumira sa ganitong klaseng tahanan.
“Sweetie!” Agad akong napalingon sa garden noong may babaeng may malambing na tinig ang tumawag mula doon. Nagulat na lamang ako noong biglang may sumulpot na bata at biglang itong tumakbo papunta sa direction ko.
“Hello po.” Nahihiyang bati nito noong maka-rating sa harapan ko. Muka siyang anghel, ang mga mata niyang punong puno ng kasiyahan at ang ngiting dala dala niya, sobrang nakakagaan ng pakiramdam. “Ang ganda mo po, ate.” She sweetly told me then she gave me her genuine smile. Unti-unti lumuhod ako sa harapan niya saka siya hinawakan sa pisngi.
Ngumiti nanaman siya ng pagka-lapad lapad sa’kin. “Halika po, hold mo po ang hand ko.” She laughingly whispered. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ako nag-salita at dahan-dahan kong inabot sa kaniya ang kamay ko, dahan-dahan hinawakan niya ang kamay ko, pagka-hawak na pagka-hawak niya doon. Biglang tumulo ang mga luha ko sa hindi malamang dahilan. Parang nag-karoon kami ng kakaibang contact, parang pakiramdam ko na buo ang buong pagkatao ko noong mahawakan ko ang malambot at maliit niyang mga kamay.
Agad ko siyang niyakap. Hindi ko na lang mapigilan ang sarili ko na yakapin ang batang nasa harap ko. “Ate? Are you kwaying (crying)?” Narinig kong tanong nito, agad akong umiling iling dahil doon. Pinigilan ko din ang pagkawala ng mga mahihinang hikbi sa labi ko, habang yakap yakap ko siya.
“Ate, don’t kway (cry) anymore. Alweys remember na lang po in gwoom (gloom) there’s light and in light there’s gwoom (gloom).” Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, biglang dumilim ang paligid kaya’t nagulat ako. Nawala din bigla iyong batang yakap ko. Dahan dahan akong napatindig dahil sa madilim na paligid.
Asan ako?
Unti-unti nag-adjust ang mata ko sa dilim at pilit kong tinanaw ang paligid, ngunit wala akong makita. Naglakad ako ng maingat hanggang sa agad akong napatigil noong tila parang may spot light na lumitaw, at ang tinatapan ng spot light na iyon, ay ang batang si Gab Gab at a-ako?
Lalapit sana ako sa kanila, kaso biglang may malakas na putok ng baril akong narinig kaya’t agad akong napa-upo. Bigla akong nakarinig ng isang malakas na pag-iyak, kaya’t dahandahan akong tumingin sa dako nila, malabo man ang paningin ko dahil sa luhang galing sa mata ko. Kitang kita ko ang dugong umaagos mula sa batang babaeng iyon. Ako ba iyon? Tahimik na tanong ko sa sarili ko.
Ang ala-alang iyon, malinaw na sa isip ko, ngunit may kulang pa dito. Ang sakit... sobrang sakit... Napahagulhol na lang ako bigla habang nakikita kong umiiyak ng malakas ang batang si Gab Gab yakap yakap niya ang duguang katawan k-ko?
Agad akong napa-iling iling dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, gusto ko itong i-deny ngunit hindi ko ito makita, kumikirot ang puso ko kada maririnig ko ang paglahaw na iyon. Napatungo na lang ako at tinakpan ang tenga ko habang naka-upo sa sahig dahil nanginginig na din ang buong katawan ko sa nasasaksihan ko.
Tahimik akong nakatungo noong may ingay akong biglang narinig...
Agad naman akong napalingon sa isang dako noong biglang may spotlight na umilaw ulit doon. Nanginginig ang buong katawan ko noong makita ko ang dalawang babaeng nakahiga sa sahig at duguan. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa takot at lungkot na nararamdaman ko.
Gustuhin ko mang-tumakbo papunta doon, at tulungan sila ngunit hindi ko magawa. Habang nakikita ko sila, nanghihina ako unti-unti... nanginginig ang mga labi ko at napapikit ako ng mariin dahil doon. Nakakatakot na trahedya ng buhay ko, ang nakakakilabot na mga naranasan ko, unti unti bumabalik na sa’kin ito.
“Tama na! Tama na!” Mapait na sigaw ko, habang humahagulhol... parang awa niyo na ayaw ko ng makita ang mga ito, tama na itong sakit na nararamdaman ko sa puso ko, sa buong pagkatao ko, para akong ilang beses pinaputukan ng baril at sinaksak ng paulit ulit, ramdam na ramdam ko ito lahat, para akong inoperahan ng walang anesthesia. Parang iyong puso ko, paulit ulit inaapakan, pero wala akong magawa, hindi ko matulungan ang mismong sarili ko. I’m helpless.
“Tama na please... tama na...” Paulit ulit na bigkas ko habang nakapikit at hinihiling na mawala na ako sa lugar na ito. Patuloy lamang ako sa pag-iyak, hanggang sa makarinig ako ng ingay na tila may nagbukas nanaman ng isa pang-spotlight. Natigilan ako dahil doon.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko, para tingnan kung anong ipapakita sa spotlight na iyon. Nakakita ako ng dalawang batang babae, siguro nasa edad tatlo o apat sila. Nakatalikod iyong isa sa’kin at iyong isa nakaharap sa’kin, inaninag ko kung sino ang dalawang batang iyon na naka-tayo habang magiliw na nagtatawanan. Dalawa sila ngunit hindi ko makita ang muka noong isa, dahil na katalikod ito sa’kin, ang tanging nakita ko lamang ay iyong isa...
Natigilan ako at nanlaki ang mata noong nakita ko kung sino iyong isang bata. Iyon yung kanina kong nakita. Iyong batang nasa isang masayang lugar. Iyong batang niyakap ko. Ngumiti sa’kin ng pagkatamis tamis iyong bata. Pagkatapos ay naglaro sila noong kasama niya.
Masayang nag-apir iyong dalawang bata, ngunit nanatiling nakatalikod iyong isa sa’kin. Kitang kita ko ang sobrang lapad na ngiti noong batang iyon at halos mawalan na siya ng mata sa sobrang laki ng ngiti sa muka. “May mga bear sa loob ng isang bahay.” Agad akong natigilan at halos mawalan ako ng hininga noong sabay nilang kantahin iyon, habang sumasayaw. Para akong nabato noong sinimulan nila iyon.
“Si papa bear, si mama bear, at mga cute na bear.” Hindi ko alam sa sarili ko ngunit unti-unti kahit masakit ang lalamunan ko kaiiyak ay nakisabay ako sa pagkanta noong dalawang bata, dire-diretso pa sa pagsayaw ng magiliw iyong dalawang bata. Nakakatuwa silang pagmasdan.
“Si papa bear ay malakas.” Sabay sabay na kanta naming tatlo.
“Si mama bear ay maganda.” Hindi ko alam ngunit lalo akong naging emosyonal sa pambatang kantang ito. Patuloy ang pagpatak ng mga luha sa mata ko habang nakikikanta ako.
“Si—” hindi na nila natuloy ang pag-kanta noong biglang may malakas na putok na baril akong marinig, at nagulat ako noong makita kong tumba na ang isa sa dalawang bata.
“Waaaaag!” Malakas na sigaw ko ngunit huli na ang lahat...at kasabay ng madinig kong pag-iyak at noong isang bata ang...
Pag-mulat ng mga mata ko.
Mahigpit ang hawak ko sa kobre kama noong magising ako. Hinahabol ko din ang hininga ko, at doble doble ang tibok ng puso ko, ramdam na ramdam ko din ang malamig na pawis sa noo ko.
Agad akong napayakap sa tuhod ko at naramdaman ko nanaman ang maiinit na likidong umaagos sa pisngi ko. Nasa isang hospital room ako at medyo madilim dito. Napalingon ako sa isang sofa sa kwartong ito, at nakahiga doon si Kurt habang nakataklob ang braso sa kaniyang muka. Mukang tulog ito.
Nanatili akong nakatulala at yakap yakap ang tuhod. Hanggang sa gumawa na ng sariling melody ang tinig ko. “M-may mga bear s-sa l-loob n-ng i-isang bahay...” Nauutal na kanta ko sa kantang iyon. Ang lakas ng epekto sa’kin ng kantang iyon sa hindi malamang dahilan.
Sigurado akong may kinalaman pa iyon sa nakaraan ko. Tandang tanda ko na ang ilan sa mga ala-ala ko, ang mga ala-alang kasama ko sila JJ, Thon Thon, Tim Tim at Annicka, ngunit isang bagay ang nakakapagtaka hindi ko matandaan kung paano ako nabaril habang umiiyak si Gab Gab habang hawak hawak ako. Hindi ko alam kung bakit kami duguan. Iyon ang hindi ko pa din matandaan. Ngunit nakakapagtaka alam kong may nangyaring trahedya ngunit hindi ko alam ang buong kwento.
Gustong magtanong ngunit parang ayaw ko din dahil mas gugustuhin kong tuklasin ang lahat sa sarili ko lamang. Ayoko maging pabigat sa kanila, dahil ako si Princess Light Smith ay hindi para magkaroon ng utang na loob sa iba.
Hindi ko na din alam ang iisipin ko dahil punong puno ng kasinungalingan ang buhay ko. Baka mayroon pang nagsisinungaling sa paligid ko. Princess Light Smith o Ayah Lynn Rivera... isa lang ang nasa utak ko ang bigyan ng hustisya ang mga namatay ng dahil sa mga walang kwentang dahilan.
“Si papa bear, si mama bear at mga cute na bear.” Patuloy ko sa pagkanta, habang umiiyak.
Gusto kong mag-wala ngayon aaminin ko. Galit na galit din ako kay tita at tito dahil sa mga pagsisinungaling na ginawa nila, ngunit kapag na-aalala ko ang ginawang sakripisyo nilang dalawa ay nagagalit ako sa sarili ko, dahil fucking shit, bakit kailangan nilang mapahamak sa pag-proprotekta sa’kin gayong kayang kaya ko namang protektahan ang sarili ko!?
Lintik na amnesia naman kasi ito! Kung hindi ko nakalimutan kung sino ako, sana buhay pa sila ngayon! At isa pa kailangan ko ding matuklasan kung bakit mas pinili nilang ilihim sa’kin ang lahat.
Ang magulang ko, ang lolo ko. Pinaniwala nila ako sa nga walang kwentang kasinungalingan! Ang sakit, sakit! Sa lahat ng gagawa sa’kin ng mga ganitong bagay? Bakit ang mga taong nakapaligid pa sa’kin? Bakit ang mga taong pinahahalagahan ko pa ng sobra?
“Si papa bear a-ay m-malakas.” Nanginginig na kanta ko. Hindi ko alam kung bakit ko kinakanta ang kantang ito, marahil ay baka dahil malakas ang epekto nito sa’kin, at baka dahil dito ay ma-ala-ala pa ako.
Napalingon agad ako kay Kurt noong maramdaman ko ang pag-galaw nito. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-upo ni Kurt habang naka-kunot ang noo. Marahil ay nagtataka sa kinakanta ko.
“Si mama bear ay maganda.” Patuloy ko pa. Agad lumakad si Kurt papalapit sa’kin.
“Naisisraan ka na ba ng bait Riyah? Nabangga ka na lahat lahat kanina at halos kagagaling mo lang sa emergency room, ganiyan ang pinagsasabi mo?” He mocked. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at ibinigay ang matatalas na paningin ko. Agad siyang natigilan na tila kinabahan dahil sa titig ko. Napa-atras din siya ng kaunti dahil doon. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kaniya.
“Si—” pilit kong inalala ang kasunod na lyrics ngunit hindi ko na matandaan. Tumawa na tila kinakabahan si Kurt, kahit nakatitig pa din ako sa kaniya. Marahil ay iniisip niya nababaliw na ako. Tss. Wala akong paki-alam sa iniisip niya.
“Riyah? Nababaliw ka na ba? Ha-ha-ha. Nice try.” Mapag-larong sabi niya.
“Bakit?” Matalim na banggit ko habang tinititigan ko siya sa mga itim nyang mga mata. Agad siyang napa-iwas ng tingin doon, na tila uneasy dahil sa pag-titig ko sa kaniya. “Bakit? Kailan pa naging bawal kumanta?” Seryosong banggit ko sa kaniya.
Natigilan siya doon at hindi makapag-salita. “I think you have gone mad.” He stated. Agad napataas ang kilay ko doon.
“Huwag kang mag-biro sa’kin, lalo kung seryoso ako. Kung pwede lang umalis ka na sa kwarto na ito at pabayaan mo ako. Naiirita ako sa mga maiingay na gaya mo.” Walang ganang banggit ko at saka ko umiwas ng tingin sa kaniya.
Hindi sa galit o kung ano man ako sa kaniya, gusto ko lamang talagang mapag-isa. Alam kong galit sa’kin si Kurt, ngunit hindi niya maaring sabayan ang galit ko dahil baka may masama akong magawa.
“Wow ha. Wow.” Asar na banggit niya saka nagsimulang mag-lakad paalis ng kwartong ito at malakas na ibinalibag ang pinto, agad akong napa-roll eyes noong maka-alis siya. Aalis din pala, magdadabog pa.
Huminga ulit ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos ay biglang sumakit ang ulo ko, at narinig ko ang pag-eecho ang kantang iyon sa utak ko. Kaya’t napatakip ako ng tenga at mariing napapikit.
“May mga bear sa loob ng isang bahay. Si papa bear, si mama bear, at mga cute na bear.”
Gusto kong sumigaw ngunit tulad ng dati hindi ko nanaman magawa. Sumakit pa lalo ang ulo ko dahil doon. Hanggang sa nakita ko nanaman ang masayang bahay na iyon na galing sa bangungot ko kani-kanina lang.
Tila naikot ang paligid ko at gusto kong masuka sobrang sakit ng ulo ko, ngunit hindi ako makasigaw, namimilipit lamang ako sa sakit at saka iyong tawanan ng mga bata paulit ulit kong naririnig. Tama na, jebal, tama na.
“Si papa bear ay malakas, si mama bear ay maganda—”
Hindi na naituloy pa iyong kanta noong bigla akong makarinig ng isang malakas na putok ng baril, kasabay noon ang malakas na paglahaw ko. “Ahh!” I yelled.
“Ayah!” Hindi ko namalayan andito na pala sa kwarto sila Alyx, Lian, at Shana, kitang kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala. Ngunit hindi nila natinag ang sakit na nararamdaman ko.
Paulit ulit ang tawanan ng mga batang iyon, ang kantang iyon at ang mga katagang ‘In gloom there’s light.’ Halos mabingi at mag-wala na ako ngunit biglang tumigil ang pananakit ng ulo ko at agad akong napatitig ako kayna Lian.
Kasabay noon ang pag labas ng tinig sa bibig ko. “M-may mga bear s-sa l-loob ng i-isang b-bahay.” Nauutal na kanta ko sa harapan nila, upang makita ko ang reaksyon nila. I felt a sudden tension and tense, unti unting napa-atras si Shana habang naka-awang ang mga labi, si Alyx naman ay biglang pumatak ang mga luha, at si Lian napatakip ng bibig.
Hindi ko sila pinansin kahit ganun ang naging reaksyon nila. Isipin na nila ang gusto nilang isipin, wala na akong paki-alam ngayon.
Agad akong tumindig at naglakad papunta sa papunta sa banyo. Agad kong kinuha sa isang plastic doon kung nasaan ang pantalon na suot ko kanina at kinuha ang iyong sing-sing na nakuha ko. Saka ko pilit na inalala iyong address na nakita ko doon sa secret room.
Lumabas ako ng banyo ngunit nadatnan ko sina Lian na natili pa ding nakatulala. Lumapit ako sa kanila at saka sila binulungan. “In gloom there’s light.” Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, I just felt like doing it to see their reaction, and then... they suddenly all collapsed on the floor, agad kong kinuha sa kamay ni Alyx ang dala dala niyang bag. At dumiretso ulit sa cr saka nagbihis, at pinuyod ang buhok ko. Napatitig ako sa salamin kung saan nakikita ko ang sariling repleksyon ko.
Ang mga mata ko kitang kita ko ang galit at poot doon. May sugat pa ako sa noo at medyo masakit pa ang tagiliran ko ngunit wala na akong paki-alam, gawa siguro ito noong banggan kanina. Hindi naman ako ganung napuruhan kaya’t hindi ako pwedeng mag-sayang ng oras.
Huminga muna ako ng malalim at saka tuluyang lumabas.
Tiningnan ko sina Shana, Lian at Alyx na natiling naka-upo sa sahig habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang takot mula sa kanila, ramdam na ramdam ko din ang kaba. “Follow me, or else I’ll kill myself, your choice.” I candidly stated and left them jaw-drop there.
Galit na galit din akong lumabas ng kwarto at saka ko dumiretso palabas ng ospital. Napayukom ako ng kamao noong makalabas ako. Isa lang ang nasisigurado ko ngayon. Silang tatlo...
...silang tatlo ang isa pang bahagi na nawawala sa ala-ala ko.
Base sa reaction nila kanina sigurado ako doon, dahil tila parang may alam sila na hindi ko alam. Iyong kanta na kinanta ko alam nila, at higit sa lahat iyong phrase na iyon alam na alam din nila.
Ngayon kailangan ko na talagang tuklasin ang natitira pang kinukubling ala-ala ng utak ko.
Mabilis akong pumunta ng parking at hinanap ang sasakyang dala nila Shana. Nasa akin ang susi dahil noong bumulong ako sa kanila, doon ko palihim iyon na nakuha iyon kay Shana.
I pressed the key at saka umilaw ang isang sasakyan sa isang dulo kaya’t dali-dali akong tumakbo doon. Hindi ko na ininda ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkakabangga kanina at pinatakbo ang sasakyan patungo sa address na nakasulat sa technology paper na iyon kanina.
Madaling araw na pala, dahil sa kulay orange na kalangitan at kakaunting mga sasakyan. Sabagay gabi naman ako naaksidente noon. Si Gab Gab kaya asan na?
I’m sorry Gab Gab, hindi pa kita mapuntahan, gusto ko kasi pagbalik ko sa’yo, lahat na tatandaan ko na. I’m sorry.
Kailangan ko muna hanapin ang mga nawawalang ala-ala ng nakaraan ko.
***
Nathaniel Gabriel’s POV
Everything’s a fucking mess right now. Napahawak ako ng mahigpit sa isang envelop nahawak ko. This is insane. Paanong nangyari ang mga bagay na ito?
How I wish. How I wish na sana wala na lang maalala pa si Light sa nakaraan nya.
Nasa isang ospital ako kanina sa Korea. Umalis ako kaninang mga tanghalian dahil may natuklasan ako. Simula noong mag-trabaho at alamin ko ang galaw ng Gangster Empire. Marami na akong nakitang mali at marami na akong napansing kakaiba.
Gusto ko na talaga maniwala kay Mr. Leonard na traydor ang empire namin dahil mga mata ko na din mismo ang naka-saksi ang daming mga maduduming gawaiin empire, ang daming mga maling nangyayari at ang masaklap, mukang walang ka-alam alam ang Mommy ko at ang dad ko naman mukang may alam siya. Ayaw ko iyong i-report sa mommy ang mga nalalaman ko dahil may nag-uudyok sa’kin na sarilinin ko muna at makipagtulungan muna ako sa Hoodlum upang mas maresolba ang lahat.
Kasalukuyan naman akong nasa himpapawid ngayon, kaalis ko lang kanina-kanina mula Korea. Pagka-kuhang pagkakuha ko ng kailangan ko umalis din ako, madali lang naman makapunta doon, dahil sa connection ng empire. Napunta naman ako doon, dahil habang nag-mamanman sa Gangster Empire, napadpad ako sa pinaka-lumang unit na ang great grandfather ko pa daw ang namumuno noong iyong lugar na iyon ang main, halos doon daw nakalagay ang pinaka mga lumang documento ng Gangster Organization, kaya’t naging interesado ako.
Hanggang sa makita ko accidentally ang isang bagay...
Nag-hahanap ako sa malalaking shelves ng Hoodlum Empire kanina dahil wala naman akong makita masyado sa Yobbo at Gangster, dahil nga sinaunang documents pa nga ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may nalaglag na mga documents noon sa Hoodlum Shelves at halos hindi ako maka-paniwala sa nakita ko. Malabo at halos punit punit na iyon, pero kahit papano, may naaninag ako.
Napapikit ako ng mariin noong maalala ko iyong nangyari kanina sa ospital noong nakidnap kami, kaya ba? Kaya ba—? Ngunit paano? Anong nangyari? Bakit ganito ka komplikado ang lahat? Kasama ba ito sa sinasabi ni Mr. Smith na, katotohanang sobrang hirap tanggapin? Marahil kasama nga ito...
...dahil sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon, na naiisip ko na lang tumalon at mamatay sa eroplanong ito.
How cruel is the world full of lies? How cruel is it?
Flashback
“Sir, you can now certificate you needed.” Agad akong napalingon noong sabihin iyon nung nurse na kausap ko. Agad akong napatango at sinundan siya saka kami pumunta sa isang office. Dahandahan akong pumasok sa office na iyon.
“May I know, how are you related to the Smith’s?” The old doctor asked, naka glasses na iyo at maputi na din ang buhok at kulubota na ng kaunti ang muka ngunit hindi maikakaila na malakas pa din ito.
“I’m from the empire, and Mr. Smith ordered me to get that.” Pag-dadahilan ko—pagsisinungaling ko. I badly need to check the original copy. Bakit ba naman kasi dito pa Korea ang original, malinaw at maayos na copy ng certificate na iyon?
“I see.” Tungon nito at saka niya inabot sa’kin ang mga documents. “That’s really confidential and we don’t really give those unless we have the permission from them.” Agad akong napa-lingon sa kaniya noong sabihin niya iyon. A-ano?
“Yes, Mr. Leonard Smith, called me a while ago, to give you the permission to get those. He didn’t order you to get that, but still he gave the permission. You don’t need to lie.” He said as he laughed softly. Agad akong napatayo doon. The fuck? Mukang sinigurado muna nitong doctor.
Dali dali akong tumakbo paalis habang mahigpit na nakahawak sa documents na nakakukuha ko lamang. Bakit niya ako binigyan ng permission? Kailangan ko siyang maka-usap at maka-harap ngayon. He’s really damn fast and smart when it comes unto this.
Natataranta na ako ngayon, my heart is pounding like hell, and I’m really damned confused because everything. Everything is a fucking mess.
End of Flashback
-4 hours later-
Ilang kasinungalingan pa ba ang kailangan kong malaman? Ilang kasinungalingan pa ba ang nakukubli sa mundong ito? Nahihirapan ako, nasasaktan ako. Pero, papaano pa kaya si Light? Walang wala ang dadanasin niyang sakit. Kapag bumalik na ang lahat ng ala-ala niya.
Maybe that explains everything...
Maybe that’s why, they don’t want her to remember something, and live like that, maybe that’s why she chose to forget everything back then, because it’s damn too much to handle. How I wish, how I wish she won’t remember anything. It may sound fucking selfish, but this is too much, it can kill her. It can shatter her in the most cruel way.
Napapikit na lamang ako ng madiin dahil nagbabayad nanamang pumatak ang luha ko sa mata. Bakit kailangan maranasan niya ito? Habang naalala ko iyong, mga inosenteng ngiti niya biglang Ayah Lynn Rivera, masama bang hilingin na maging ganoon na lang siya habang buhay? Masama bang hiligin na itapon niya na ng tuluyan ang lahat sa nakaraan? Marahil sobrang sama ko nga, pero iyon na lang ang mahihiling ko, para hindi niya maranasan ang sobra sobrang sakit at lupit ng tadhana.
Nanatili akong nakatulala habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. “Why? My problems feel like a crap after knowing this.” Mahinang bulong ko sa sarili ko.
Noong araw na nakuha kami noong nakidnap kami noon... Mapait na lang akong napangiti noong maisip ko ang araw na iyon, ang pinakamasakit na araw sa buhay ko at buhay ni Light.
“Sir, we are about to land.” Tahimik akong napatango noong sinabi iyon noong isang attendant na nandito sa private jet plane. Habang hindi pa nag-laland iyong plane kinakabahan na ako. Naiyukom ko din ang isang kamao ko. Isa na lang, kukumpirmahin ko na lang.
*
Noong makababa ako ng plane, biglang nag-ring ang cellphone ko. Halos mag-mamadaling araw na din. Bakit ba naman kasi halos 3-4 hours pa ang byahe.
“Hello?” I answered.
“Nate! Fuck! Bakit hindi ka macontact?!” The girl on the other line yelled. Agad akong napakunot ng noo at napahawak ng mahigpit sa cellphone ko at sa kabila kong kamay ang envelope na dala ko naman.
“Lian?” Naguguluhang tanong ko.
“Oo! Si Ayah, Nate... Si Ayah...” I heard her voice stammered and she’s crying I’m sure of that, lalo akong kinabahan sa inasta niya. Dahandahang bumilis ang lakad ko hanggang sa naging takbo na.
“What the hell happened?!” Sigaw ko habang na takbo. Ramdam naramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba dahil hindi makapag-salita si Lian sa kabilang linya. “Damn it! Anong nangyari?!” Galit na sigaw ko, saka ako dali daling pumunta sa parking kung nasaan ang kotse ko.
“N-Nate...” Hagulhol niya. Hindi ako magkaintindihan kaya mabilis kong minaniobra ang sasakyan ko, at dali daling nagmaneho. Base sa boses na naririnig ko hindi lang si Lian ang naiyak. Fucking shit. Anong nangyari kay Light?
“Nasan kayo?!” Kailangan ko silang mapuntahan.
“Sa hospital.” Lalong bumilis ang kabog ng puso ko doon. Sinabi niya ang pangalan ng ospital, kaya dali dali akong nagmaneho papunta doon. Nag-full speed na din ako, kahit makasuhan ako ng over speeding wala na akong paki-alam.
Kada minutong lumilipas ang bigat bigat sa pakiramdam ko, kada segundong lumilipas, pakiramdam ko huling huli na ako. Napatingin ako sa envelop na dala ko. Kailangan ko pa nga pala pumunta kay Mr. Smith. Pero kailangan ko mas unahin si Light.
Dahil madaling araw pa lamang, kakaunti pa ang sasakyan, kaya’t mas madali akong nakapagmaneho. Gusto kong paliparin itong sasakyan dahil sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko may masamang mangyayari.
Hindi nagtagal nakarating din ako sa ospital, iniwan ko na lang basta basta ang sasakyan kong nakaparada sa entrance dahil sa sobrang pagmamadali ko. In full speed tumakbo ako papunta sa sinabi ni Lian na room number.
Noong mabuksan ko ang pinto noon...
Nakita ko sina Lian, aligaga at umiiyak ng sobra andito andito din ang buong gang pati si Kurt, pero walang anino ni Light, palakad lakad din silang lahat at hindi mapakali. Noong makita nila akong lahat, lumapit sa’kin iyong apat na babae. Nagulat ako noong lumuhod pa sina Lian, Alyx at Shana sa harap ko. I stood their frozen.
“Anong nangyari?!” Kinakabahang sigaw ko sakanila.
Umiling iling sina Lian, habang lumalakas ang iyak nila. Hindi sila makapag-salita ng maayos dahil sa pag-iyak nila. Pilit silang pinakalma noong mga lalaki, ngunit halos magwala na sila.
“Iligtas mo s-siya parang awa mo na.” Hingal nahingal na sabi ni Lian.
“Ano ba kasing nagyayari?!” Ulit nasigaw ko. Gulong gulo na ako. Gulong gulong gulo!
“Naaksidente kanina si Riyah, nabangga siya dahil sa sobrang pag-iyak. Akala ko nababaliw na siya sa kinikilos niya kanina. Binabanggit ka din niya, humihingi siya ng sorry sayo. Hindi ko alam ang dahilan. Pagkatapos niyang mawalan ng malay sa aksidente, dinala ko siya dito. Kanina pang gabi iyon, wala akong macontact sa inyo noong mga panahong iyon. Wala naman akong number ninyo. Pagkatapos noong okay na siya, dinala siya dito sa ordinary room, habang walang malay. Doon ko nakuha ang cellphone niya at tinawagan sina Ana.” Kurt seriously stated.
“Tinawagan ko din ang number mo, tutal nasa speed dial number 1 ka kaso out of reach. Hanggang sa nakatulog ako. Nagising na lang ako, kumakanta si Riyah ng kakaiba, naramdaman ko agad ang kakaibang aura habang nakatitig ako sa kaniya kanina. Hindi ko maipaliwanag, nakakatakot siya. I thought she must have gone mad.” He added.
“Nasa magkakahiwalay kami na lugar noong matanggap namin ang tawag sa kanya.” Simula naman ni Annicka. “Alyx said she headed to get her some dress, tas sina Lian at Shana dumiretso na dito, nagkakita kita silang tatlo, dito sa ospital bago makapasok ng kwarto ni Ayah. Sabi nila Lian kanina, pagkatapos may sinabi daw si Ayah at umalis ito.” Pag-kwekwento niya.
Biglang lumapit sa’kin si Lian habang nakaluhod. “Please, N-Nate.” Nauutal nabanggit niya habang hinihingal, hindi din makapagsalita ang dalawa niya pang kaibigan habang yakap nina Thon Thon at JJ. Marahil ay na trauma sa kaba.
“H-help and s-save, P-Princess.”
That name struck me. Napatulala ako doong frozen na nakatingin ng umiiyak na si Lian. P-Princess? H-How? Hindi ako makapag-salita sa tindi ng nararamdaman ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. A-ano? P-paano niya alam? B-bakit niya alam?
“Anong pangalan ang sinabi mo?” Skyler broke the silence. Kitang kita kong pag-break down ni Annicka at halos natumba siya sa kinatatayuan niya mabuti na lamang at nasalo siya ni Kurt. Lumapit si Skyler sa kung saan kami ni Lian.
Ramdam naramdam ko ang pagpatak ng luha sa mata ko. “A-ano?” Rinig kong bulong nina JJ na nakatitig kay Lian. Lalo itong naiyak.
Agad kong nabitawan ang dala dala kong envelop at saka umupo upang maging kalebel ni Lian. Agad ko siyang hinawakan ko siya sa braso niya ng mahigpit. “Ulitin mo ang sinabi mo.” Mahina ngunit madiin at punong puno ng pagbabatang sabi ko sa kaniya.
Walang pumigil sa ginagawa ko. Nakatulala lamang silang lahat sa’min. “Ano?! Ulitin mo!” Gigil at galit na sigaw ko sa kaniya, habang pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa kaniya. Bullshit!
“S-save her, s-save P-Princess L-Light Smith.” She said those words full of fear and sadness, she’s shaking and crying so much. Agad ko siyang nabitawan doon at napa-atras ako ng unti unti sa kaniya.
Agad tumakbo si Shana at Alyx papunta kay Lian. Marahan namang napatawa ng mapait sina JJ, Thon Thon, at Tim Tim.
“Nakikipag-biruan pa kayo?” Kitang kita ko ang pagpatak ng luha sa mata ni JJ sa tinanong niya.
“Grabe, huwag niyo namang bastusin ang kaluluwa ni Incess! Tangina dito oh!” Galit nasigaw ni ThonThon kasabay noon ang pag-suntok niya sa lamesa.
“Anong pinagsasabi niyo ha?! Lian naman oh!” Tim Tim bellowed, napahawak na lang siya sa ulo niya at napa-upo dahil doon.
Annicka rushed in front of the three girls, while Skyler and I, stood frozen. Samantalang si Kurt naman mukang naguguluhan.
“Anong sabi mo? Anong sabi mo? Sinabi mo ba pangalan ni Incess? Ha? Ha? Bakit? Anong meron? Si Ayah at Incess ba ay iisa?! All this time, niloloko nyo kami?!” Umiiyak na sigaw ni Annicka sa kanilang tatlo.
Nanginginig iyong tatlo, habang umiiyak, hindi sila makapagsalita, ni hindi din sila makatingin sa mata namin dahil sa takot. “Ano sagutin nyo! Sagutin nyo!” Sigaw ni Annicka habang inaalog iyong tatlo.
“S-stop it, A-Annicka.” Shana stuttered.
“Huwag mo akong pag-sasabihan! So ano yun naglolokohan tayo dito?! Sagutin nyo iyong tanong ko!” Galit na galit na sigaw nito, agad siyang nilapitan ni Skyler at itinayo, nag-wala si Annicka at sumigaw sigaw, pilit siyang niyakap ni Skyler para pakalmahin, hearing Annicka’s scream and sobs hurts me.
“S-sorry...” Alyx whispered, halos maubusan na din siya ng hininga sa kaiyak.
Nahigpit kong naiyukom ang kamao ko, nanatiling tahimik ang lahat at tanging mga pag-iyak nalamang ang maririnig mo. “Explain.” Maikli at mahina ngunit punong puno ng galit na bigkas ko.
Nanginginig na tumayo si Shana. Napahawak siya kay Kurt dahil muntik na siyang mapa-upo ulit. “N-nakarating k-kaming tatlo dito, gising na siya. Titig niya pa lang alam naming may k-kaiba na. She’s singing a s-song...” Hindi mapigilan ni Shana na maiyak pa lalo dahil sa sinasabi niya.
“I-iyong kantang i-iyon, ang paboritong kanta niya noong bata p-pa s-siya.” Alyx absentmidedly continued. Nakatulala lang siya habang umiiyak ng sobra.
“L-lumapit siya sa’min, ilang sandali at ang mga katagang binigkas niya...” Napahagulhol na si Alyx at hindi na ito makapagsalita. Hingalnahingal na din siya.
“I-in gloom there’s l-light.” Mahinang usal ni Lian. “D-doon namin n-na sigurado. Bumalik na s-siya. Bumalik n-na ang ala-ala n-niya. Bumalik na s-si Princess Light Smith.” Narinig ko ang pag-mumura ng mga lalaki, hindi nila magawang lapitan sila Lian dahil doon, samantalang si Annicka ay nagsimula nanamang magwala na tila gustong gusto niyang sugudin sina Shana.
“T-tell me.” Nanginginig ang mga labi ko noong nagsalita ako. “I-is Light an only child?” My heart is pounding like hell, habang inaantay ko ang sagot nila.
Dahandahang tumingin sa mata ko si Lian. Then, she slowly shook her head, while tears are slowly streaming down her face.
Doon ako napa-upo na lang ako bigla at napatitig sa envelop habang dire-diretsong tumutulo ang luha sa mata. I’m in denial, kanina lamang dahil malabo iyong copy na una kong nakita, pagkatapos noong makuha ko ang original copy pilit ko pa ding tinatanggi sa sarili ko, hindi ako makapaniwala sa laman ng envelop na iyan nakinuha ko. Pero ngayon nakumpirma ko na talaga.
Napaiyak na lang ako ng malakas, sabay ang pagsigaw. “Bullshit!” Dahandahan kong binuksan ko ulit ang envelope na iyon. Birth certificate iyon.
Napatitig na lang ako sa nakita ko.
c. BIRTH ORDER ( live births, and fetal deaths including this delivery )
Second.
**
Princess Light’s POV
Kababa ko lang sa sasakyan, napalad ng ihip ng hangin ang buhok ko kaya’t natakpan ng kaunti ang muka ko, dahandahan hinawi ko ito.
Napatitig ako sa bahay na nasa harapan ko. Ito iyong bahay sa panaginip ko kanina lang. Ito iyon. Sigurado ako.
Halos maluma na din itong bahay, wala na iyong mga matitingkad nabulaklak na matatanaw mo sa garden at front gate ng bahay, lanta na iyon lahat, nagkalat din ang mga nalaglag na dahon mula sa puno sa paligid, halatAng halata mo din na wala na talagang nangangalaga sa bahay na ito.
Dahan dahan akong lumapit sa gate doon. Binuksan ko iyon, medyo makalawang at maalikabok na ang malaking gate, pero hinayaan ko ito.
Dahandahan naglakad ako papunta sa main entrance. Nakita ko ang knob ng bahay. Imbis na hugis susi ang nandun, isang bilog na flat lamang ang nandoon. Napa-isip agad ako, at saka ko tahimik na inilabas iyong sing sing na may malaking bato. Itinapat ko ito sa knob... unti unti parang umilaw iyon, at saka may tumunog. At saka doon nabuksan ang pinto.
Pagkapasok ko sa bahay, madaming mga puting tela ang naka-taklob sa paligid at madami ding spider webs, maingat at dahandahan akong naglakad doon.
Hanggang sa nakita ko sa isang pader na mayroong isang malaking tela na nakatakip, nilapitan ko ito saka ko marahang tinggal ang telang iyon... Lumagpak sa sahig iyong tela at nakakita ako ng isang family picture. Kung saan may limang tao... Agad akong napa-atras at napatakip ng kamay sa bibig, pagkatapos ay nagtuloy tuloy na ang pag-tulo ng luha sa mata ko.
Si lolo... Nakangiti siya habang may hawak na metal na tungkod nasa likod siya at nakahawak sa medyo mahabang wooden na upuan. Si Dad naman ay katabi ni lolo sa likod habang malawak din ang ngiti sa labi kitang kita ko ang saya sa mata nilang dalawa. Samantalang ang naka-upo naman sa upuan ay si mom... nasa gitna siya, malawak ang ngiti sa labi at payapa ang muka. Pinag-gigitnaan si mom ng dalawang bata...
Biglang nag-echo lahat lahat ng sabay sabay ang iba’t-ibang ingay. Napatakip ako sa tenga ko habang sumisigaw at saka ako dali daling tumakbo papuntang hagdanan. Kada hakbang ko sa hagdanan nakakakita ako ng mga pangyayari. Iyak ako ng iyak, wala akong magawa.
Nakarating ako sa harap ng isang pinto. Hingal na hingal ako noong dahandahan ko itong buksan. Andun pa din... Andun pa din ang dalawang kama, at isang malaking picture frame na natatakluban ng telang puti. Nanginginig at dahandahan akong lumapit papalapit doon. Kada hakbang ko parang sinasaksak iyong puso ko, kada hakbang ko, parang pinapatay ako unti unti.
My hands are shaking when I slowly reach for the cloth and then, I slowly put it down. Unti unti, parang slow mo sa paningin ko, bumababa iyong white cloth, hanggang sa nakita ko na ng tuluyan ang picture doon sa frame.
Dalawang batang babae— ang mga batang iyon, nakakita ko din sa picture sa baba. Malawak ang ngiti sa muka at magkayakap. Ang mga batang iyon...
...sila iyong nasa panaginip ko. Iyong dalawang batang naglalaro.
Unti unti akong napa-upo sa sahig dahil hindi na kayang suportahan ng mga binti ko ang katawan ko. Unti unti din, lumakas nanaman ang pag-iyak ko. Kasabay noon ang unti unti pagkawala ng mga natitirang blurry images sa utak ko. Kasabay noon, ang balik nila unti unti. Napayakap ako sa binti ko at napa-sigaw habang umiiyak.
Ito na ata ang pinaka-masakit na parte ng nakaraan ko. Ito na ata iyon.
“May mga bear sa loob ng isang bahay...” Nahihirapang kanta ko. Ang sakit... Ang sakit sakit... Pakiramdam ko durog na durog na iyong pagkatao ko, pati na din ang puso ko.
“Si papa bear, si mama bear, at mga cute na bear.” Pagpapatuloy ko, kahit hirap na hirap na akong huminga, kahit parang mababaliw na ako sa sakit na nararamdaman ng katawan ko, ng utak ko at higit sa lahat ng puso ko.
Ikakamatay ko ata ito...
Iyong batang nakita ko sa panaginip ko, iyong niyakap ko, iyong tila bumuo sa pagkatao ko... hindi ako iyon.
“Si Empress bear ay makulit.” Pumipiyok at hirap na hirap na bigkas ko. Ang sakit... Pangalan niya pa lang ang sakit sakit ng bigkasin. Hirap na hirap na akong huminga. Ang sakit sakit na ng lalamunan ko. Tangina, ito na talaga iyong pinakamasakit sa lahat ng nangyari sa buhay ko.
“At si Princess bear ay tahimik.” Narinig ko pa ang tila pag-eecho ang tawanan at palakpak, dahil sa pagkanta noong dalawang bata.
“Tingnan nyo tingnan nyo ang saya nila!” Napahawak ako sa lalamunan ko habang umiiyak ng sobra sobra, ayoko na ayoko na. Patayin nyo na lang ako. Maawa na kayo. Patayin nyo nalang ako.
“Ahhh!” Malakas na sigaw ko, iniisip na mawawala iyong sakit na nararamdaman ko, iniisip na sana bangungot lang ito,at iniisip na sana mamatay na lang ako.
Patuloy na nag-echo ang mga ala-ala ng bahay ito sa’kin. Napatitig din ako sa kama. Tila parang nag-appear doon iyong dalawang bata.
“In gwoom (gloom) there’s wayt (light).” Sabi noong isa. Lalo akong napahagulhol sa nakikita ko. “And in wayt (light) there’s gwoom (gloom.)” Masayang sabi naman noong isa. Nagyakapan sila matapos nilang sabihin sa iyon.
“Ang shaya ( saya ) ‘di ba? Bagay na bagay sha (sa) pangalan natin.” Nakangiting banggit niya.
“Oo nga, ate gwoom. (Gloom) Ako shi Light. Ikaw shi gwoom. (Gloom).” Sa mga katangang iyon... doon ako nagbreak down ng todo todo.
Ang panganay nakakambal ko...
Ang niyakap kong bata kanina...
Ang batang masiyahin at may mala-anghel na ugali...
Siya ay walang iba kundi si...
...Empress Gloom Smith.
***
A/N: HUWAG NYO KO TANUNGIN KUNG SINO SYA! O ANONG NANGYARI BAT GANERN. LOL. NASA NEXT CHAPTER KASAGUTAN. MAG INTAY KAYO, K? HUWAG NYO DIN SABIHIN NA HINDI AKO NAG DROP NG CLUES. GULAY SIMULA MGA PAUNANG CHAPTER---CHAPTER BLANK PA LANG NAG DROP NA AKO NG CLUES, DI LANG HALATA. READ BETWEEN THE LINES KASE. HAHA. SO AYUN! HUWAG NYO AKO COMMENT-AN NG REKLAMO. SALAMAT SA PAGBABASA. :)
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top