Heir 48: Sudden
Heir 48: Sudden
Ayah Lynn’s POV
Noong umalis si tita, hindi na talaga ako mapakali. Lalo na dun sa sinabi ni Alyx, alam ko biro iyon pero bakit ganun? Iba ‘yung dating sa’kin. Ano ba ‘yan, may problema na nga ako kay Kurt, tas biglang ganito ‘yung mararamdaman ko ngayon? Ang nice one talaga, parang ayaw na ako pasayahin ng pagkakataon.
“Ayah, okay ka lang?” Tanong ni Lian. I sighed and nodded, kahit hindi naman talaga ako okay, minsan mas gugustuhin ko na lang ikimkim kaysa sabihin sa iba.
Umakyat ako sa kwarto ko. I paced back and forth because of nervousness. Pakiramdam ko talaga may mali. Bakit naman kasi sasabihin ni tita iyon? Kung titingnan mo talaga parang namamalaam s’ya.
Napatitig na lang ako sa full length mirror na nasa harapan ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Siguro marami talaga akong nagawang kasalanan sa past life ko, tapos hanggang ngayon ganun pa din, ang dami ko pa ding kasalanan, kaya siguro ang daming problema, kaya siguro iyong kasiyahan ko sandali lamang lagi.
Umupo na lang ako sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko. Evans, okay ka lang ba? Bigla kong naisip. Hindi ko na kasi siya nakita, baka kung ano nanaman nangyari sa kaniya.
Hay. Ang dami talagang problema. Nakakatakot na harapin.
Matapos ang konting minuto, medyo inantok na ako, hinayaan ko na lang ang sarili ko na madala ng antok, tutal pagod na pagod na din ako sa sobrang daming nangyayari, kahit papano sa pag-tulog matakasan ko iyong mga problema na iyon, nakakasawa na din kasi minsan.
***
“Ayah... Ayah... Ayah...” Napalingon-lingon ako sa paligid noong may tila mahinahon at mahina akong boses na naririnig, tila ba mayroong gustong sabihin. Ngunit ang dilim dilim ng paligid para makita ko kung sino ang natawag sa’kin.
“Ayah...” Marahang tawag ulit ng boses na iyon. Pinilit kong aninagin ang paligid ngunit, tanging dilim lamang talaga ang nakikita ko.
“Paalam na, Ayah.” Tila bumagsak ang puso ko sa mga katagang iyon, tila nawalan din ako bigla ng hininga. Gustuhin ko mang magsalita hindi ko magawa, gustuhin ko mang magtanong walang boses na nalabas sa bibig ko. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil doon. Anong nangyayari?
Patuloy kong naririnig ang tinig na iyon, paulit ulit, at kada nauulit iyon, masakit na parang may pumipilas sa puso ko, ang nararamdaman ko.
“In gloom, there is light.”
***
Nag-hihingalo akong napa-mulat na lang bigla. Napahawak ako ng mahigpit sa cover ng kama ko. Naramdaman ko din na pinagpapawisan ang noo ko. Napatingin ako sa paligid, nandito naman ako sa kwarto ko, pero ano iyong madilim na kwarto kanina kung nasaan ako?
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko, binangungot pa ata ako. Huminga muna ako ng malalim at saka mahinahong tumindig. Noong makatindig ako, tila pa narinig ko nanaman iyong tinig na narinig ko kanina sa panaginip ko.
Napalingon ako sa digital clock sa may lalagyan ng lampshade. 11:30 pm ang nakalagy, samantalang 8:00 pm ako kanina pumanik dito sa kwarto. Gabi pa pala, akala ko madaling araw na.
Kinuha ko ang cellphone ko, bubuksan ko pa lamang sana ito, noong bigla itong tumunog, kaya’t muntik ko na itong maitapon. Noong makita ko kung sino ang tumatawag tila ba bigla akong kinabahan. Aish, kanina pa ako ganito ah, ‘di kaya mababaliw na ako? Agrh.
Evans calling...
Huminga muna ako ng malalim, at pinakalma ng kaunti ang sarili ko saka ko ito sinagot. “Hello?” Mahinang bati ko. Medyo natigilan ako nung hindi sumagot si Evans pero rinig ko naman ang background noise, kaya’t napatingin ako sa screen ng phone ko. Nakikipaglokohan ba itong si Evans? Gabing gabi na tatawag pa. Psh.
“Hoy, Evans. Gabi na ah, bakit ka tumatawag?” Tanong ko pa ulit. Nagulat ako ng makarinig ako ng pag-singhot na tila, parang galing sa iyak. Nanlaki agad ang mata ko. Hala? Umiiyak nanaman siya?
“Aba, umiiyak ka nanaman?” Tanong ko.
“Hindi.” Biglang sagot niya, kaya’t medyo nakahinga ako ng maluwag. “Medyo sinisipon lang. Ayah.” Bigla akong kinabahan noong tawagin niya akong Ayah, never niya naman ako tinawag noon, lagi na lang Rivera ang tawag niya sa’kin.
“Bakit gabing gabi na tumawag ka pa?” Asar na tanong ko.
“Ayah...” Mahinang bigkas niya ulit. Argh. Bakit? Bakit kinakabahan ako ng todo sa inaasta ni Evans? Parang may masamang ibabalita. Arg. Ano bang meron?
“Ano bang meron, sabihin mo na. Kinakabahan ako sa inaasta mo.” Saad ko.
“Ms. Vigor...” Bigla akong napatakip ng bibig noong, narinig ko ang apelyido ni tita. Bakit naman sya tatawag at tila parang kinakabahan at sasabihin ang apelyido ni tita. Unti unti tila nanghina ako. “B-bakit? Anong nang-yari?” I asked.
“She’s at the emergency room, as well as Mr. Peter Felix Augustin.” Agad akong napaupo sa sahig noong marinig ko iyon. Bumilis ang pag-hinga ko, at unti unti pumatak ang luha ko sa mata. B-bakit sila nasa emergency room? Gusto ko sanang tanungin ngunit tila nawalan na ako ng enerhiya, tila biglang nablanko ang utak ko, at paulit ulit ang pag-echo ng mga katangang sinabi ni Evans.
“She’s on the emergency room, as well as Mr. Peter Felix Augustin.”
“She’s on the emergency room, as well as Mr. Peter Felix Augustin.”
“She’s on the emergency room, as well as Mr. Peter Felix Augustin.”
It echoed, like a fucking nightmare I wanted to escape from, but I cant. It echoed like a fucking joke that I couldn’t laugh on. It echoed like a fucking recorder inside my head, and I felt like going to explode.
Hindi ko ganung namalayan lumakas ang pag-iyak ko. At saka ako napasigaw. “No! No! What the hell happened?!” Yes, I found my voice to speak, but it was painful as hell.
The door suddenly burst open. “Bakit?!” Sabay sabay na tanong noong tatlo. Dali dali akong tumayo sa kinalalagyan ko, at niyakap sila. Iyak ako ng iyak hindi ako makapagsalita, hindi ko masabi dahil pakiramdam ko may malaking tinik na humaharang sa lalamunan ko.
“Ayah, okay lang iyan. Okay lang.” Pag-papakalma nila sa’kin. Ngunit dali dali akong umiling, at dali daling tumakbo pababa, kailangan ko puntahan si tita at tito, anong nangyari sa kanilang dalawa?
Dali dali akong tumakbo papunta sa garage ng cabin. Sumunod sa’kin iyong tatlo. Kahit hindi nila alam kung anong nangyayari dali dali pa din silang sumunod sa’kin, dahil alam nila na pag ganito ang inaasta ko may mali.
Bubuksan ko na sana ang pinto sa driver seat noong biglang akong hawakan sa balikat ni Shana. “I’ll do it, I have the key.” Agad akong napatango doon, habang umiiyak. Hindi ko na din maintindihan ang nararamdaman ko, parang gusto ko lumipad papunta ospital.
Noong makasakay na kaming apat, Shana queried kung saan kami. I stuttered when I said, we’ll go to the hospital. Tinanong n’ya ako kung saang hospital, pero napailing iling ako, hindi ko alam. Then, Lian answered some hospital’s name, iyon daw ang pinaka malapit sa labas ng school.
Mabilis nag-maneho si Shana, hinarangan kami ng guard, but Lian said that I’m experiencing something kaya pinalabas na din kami ng school. I’m really anxious. Ramdam ko din na ganun ang nararamdaman nina Lian. Nasa back seat kaming dalawa ni Lian. Hawak hawak n’ya ang nanlalamig kong kamay, she will always glance at me, wearing her worried facial expression.
Si Alyx at Shana naman na nasa una, mukang kinakabahan din kahit hindi nila alam kung bakit kami pupuntang ospital. Samantalang ako hinihingal gawa ng pag-iyak, hinahagod na ni Lian ang likod ko, pero fuck talaga hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama kayna tita.
“Ayah, calm down. Please tell us, anong nangyayari?” Alyx questioned. Tingnan ko siya sa mata. Kahit hinihingal ako at hindi ganung makapagsalita. I tried to speak. Fuck ang hirap umimik eh, kasi lalong naglalabasan iyong luha sa mata ko kada ita-try ko, kada gusto ko sabihin sa kanila na may masamang nangyari kay tita at tito, at pagnaiisip ko ito hindi ko mapigilang mapahagulhol.
Lian tried her best to comfort me. She hugged me tight. And she whispered, “Andito lang kami. Shh. Shh.” She repeated those words, that made me calm down a little, kahit ang sakit sakit ng lalamunan at puso ko.
Noong medyo malapit na kami sa ospital tulad ng sabi ni Lian. I tried my best to speak kahit putol putol at nauutal ako. “S-si tita at t-tito n-nasa e-emergency.” Noong naimik ko iyon, agad na papreno si Shana kaya’t nagulat kaming lahat.
“What the fuck?” Tanging nasambit niya.
“A-Ayah. Nagbibiro ka lang ba?” Hindi makapaniwalang tanong ni Alyx, then suddenly Shana started the car again, nasa highway kami kaya’t hindi siya pwede tumigil ng matagal. Sobrang bilis na naging patakbo ni Shana.
I shook my head to answer Alyx, then I saw her, nervously bit her lips. Saka ko lang napansin sa side mirror na biglang umiyak si Alyx. “Fuck. Fucking shit, how the hell?” I heard her say. As she cried.
Napayakap naman si Lian sa’kin at doon ko narinig ang mahinang hikbi niya. Lalo akong naiyak, at lalo akong nasaktan noong makita ko kung gaano katindi ang epekto noong sinabi ko kayna Lian. Alam ko kanina pa sila kinakabahan sa inasta ko, at hindi nila akalain na ganito kalala kaya dali dali kaming napaalis ng wala sa oras.
Ganito ako matakot, mag-alala, at masaktan ng sobra, hindi makapagsalita, dahil sa pakiramdam na parang sinasaksak ako kada may lalabas na tinig sa bibig ko. Gusto kong magsalita, gusto ko sabihin sa kanila lahat, pero hindi ko magawa. Kaya sa tangging paghagulhol na lang ang nagagawa ko.
“Okay lang si tita ‘di ba? Okay lang sila ni tito.” Napapikit ako ng mariin sa sinabi ni Lian. Oo, Lian. Sana okay lang siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi. Hindi ko ata kakayanin Lian, parang magulang ko na silang dalawa.
Habang papalapit kami ng papalapit sa ospital, lalo akong kinakabahan. Kahit papano medyo kumalma na ako, pero dire-diretso pa din ang pag-luha ng mga mata ko. Andaming tumatakbo sa isip ko, andaming gumugulo dito. Kinakabahan din ako ng todo baka kasi kung anong datnan namin doon.
“Biro lang naman iyong sinabi ko kanina eh, si tita naman...” Simisinghot na sabi ni Alyx.
“Shh. Huwag kang maingay dyan Fortaleza, lumalabo lalo iyong paningin ko. Baka mabangga tayo.” Shana said, umiiyak din si Shana pero mabilis nya pa ding napapatakbo ang kotse, hanga talaga ako sa lakas niya. Sana meron din ako niyon, sana meron din akong lakas. Kasi ngayon pa lang nanginginig na talaga ako.
Hindi nagtagal nakarating agad kami. Dali dali kaming tumakbo papunta sa emergency entrance. Kahit nanghihina ang tuhod ko at nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha, dali dali pa din akong tumakbo.
Hindi dapat ako magpaka-nega, hindi pwede. Dapat ang iniisip ko pagkadating ko sa emergency room, andun si tita at okay na. Ililipat na sa ordinary room. Dapat iyon ang iniisip ko, dapat iyon. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Dumating kami sa loob ng emergency, dali daling kinausap nina Lian iyong nurse samantalang ako, hinanap ko si Evans. Kinakabahan din ako baka mali itong ospital na napuntahan namin, pero bawal kami magkamali. Sana dito iyon. Sana dito.
“Theanna Sabrina Vigor and Peter Felix Augustin nasan sila?!” I heard Shana shrilled.
“Bilisan mo naman oh!” I heard Alyx shrieked.
Biglang may nadaanan ang mata ko, kaya’t napatakip ako ng bibig. Nanginginig akong tumakbo papalapit sa kaniya. “Ayah saan—” hindi ko na ganung narinig ang sinabi ni Alyx, noong nakita nila kung saan ako papunta. Dali dali na din silang sumunod.
Napayakap agad ako sa kanya noong makalapit ako. He hugged me tightly. “Shhh.” I heard him comforted. “They are still at the operating room.” Tanging sabi ni Evans na lalong nakapag-paiyak sakin. Napa-higpit ang yakap ko sa kaniya. Kasi kahit papano sa braso niya, kahit papano pakiramdam ko, magiging okay lang ang lahat.
Patuloy ang pag-singhot at pag-iyak ko sa bisig niya habang tahimik lamang niya akong yakap. “Tahan na, mahal. Tahan na.” He repeatedly said. Habang hinahagod iyong likod ko, para pakalmahin ako.
Gusto ko magtanong kung gaano kalala ang lagay nina tita, ngunit kagaya kanina, walang lumalabas na tinig sa bibig ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakayakap kay Evans, kaya’t noong medyo nanghihina na iyong mga tuhod ko, humiwalay ako, inalalayan niya naman ako na umupo. Hinubad niya din iyong coat niya at sinaklob sa’kin. Hinawakan niya din ang kamay ko, habang nakatingin ako sa sahig, pinipilit pigilan ang mga luha.
“Kanina pa sila tita at tito sa operating?” Lian suddenly asked.
Evans glaced at his wrist watch. “Exactly 30 minutes ago.” He replied. Lian sighed, lumingon ako sa kanilang tatlo, Alyx is pacing back and forth, umiiyak pa din siya, si Shana umupo sa katapan naming bench, nakatulala habang may tumutulong luha sa mata si Lian naman nagtatanong habang tahimik na umiiyak.
“Ano daw nangyari?” Nahihirapang tanong niya.
“Car accident.” Evans retorted. Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Car accident? Fuck it, hindi ako naniniwalang accident ang nangyari. Oo, wala pa akong ganung alam sa buong nangayri, pero ramdam na ramdam ko, may gustong pumatay sa kanila.
“Car accident? The fuck.” Lian angrily spoke. Alam ko maraming natakbo ngayon sa utak ni Lian. At alam ko din, hindi siya naniniwala sa accident na iyon.
“Pano mo nalaman?” Lian queried. Napatingin na din ako kay Evans noong tanungin ni Lian iyon. Oo, nga paano niya nalaman?
“I was on my way to the academy, when suddenly a traffic arose on the north road. Galing kayo sa south road, kaya hindi niyo nakita iyong mga kotse at iba pa. Akala ko noong dumating ako part na may mga bumbero, pulis at iba pa. Normal na aksidente lamang, kaso limang kotse ang nagbanggan. At ang malala, ang pinaka-napuruhan ay ang kotse ng tita at tito niyo. Pano ko nalaman na kotse ng tita nyo? Noong una hindi ko talaga alam, pero noong maki-gulo ako sa commotion, nakita kong inilalabas silang dalawa sa kotseng iyon. Inaamin ko sobrang takot ko noong makita ko sila, dahil halos warak na warak na iyong kotse. At halos durog durog na din ang buto ng tita at tito nyo sa paa.” Napatakip ako ng bibig sa narinig kong kwento ni Evans. Lalo akong naiyak, may part sa’kin na ayaw ko na pakinggan pa, pero may part sa’kin na gusto kong malaman pa. Pero kahit anong piliin ko, alam kong iiyak lamang ako.
“Nahirapan akong mamukaan sila, dahil punong puno sila ng dugo, pero ng makausap ko iyong isang pulis, doon ko nakumpirma. Theanna Sabrina Vigor and Peter Felix Augustin are one of the victims. Ang hirap tingnan ng katawan nila, dahil iyong paa ng tito niyo, kina-ilangan na daw putulin doon sa kotse, para lang mailabas, ginawa iyon ng medical team. Nakakagimbal iyong nangyaring bungguan at ang kotse ng tita at tito niyo ang pinaka-damaged. Isinugod sila sa ospital, kaya’t sumunod na din ako.”
Nanghihinang napa-upo sina Lian sa tabi ko, at umiiyak na talaga sila ng todo. Nadala ako sa naririnig ko kaya’t hindi ko mapigilan na mapahagulhol nanaman. Shit naman oh, bakit sobrang sakit? Bakit sobrang hirap paniwalaan? Damn, kung panaginip man ito, maawa na kayo, parang awa niyo na, hindi ko na kaya ito. Ang sakit sobrang sakit.
Naramdaman ko ang bisig ni Evans na yumakap sakin, kaya’t lalo akong naluha. Hinihingal na ako, pero tila hindi pa din nauubusan ng luha ang mga mata ko.
Tita... Tito... please, please, please.
Napatayo agad sina Lian noong, biglang may lumabas na doctor sa operating room. “Family of Theanna Sabrina Vigor?” Napataas ako ng kamay doon. At saka ako nanginginig na lumapit sa doctor.
“I’m sorry.” Putangina. Gusto kong sabihin kaso napa-upo na lang ako sa sahig, at lalong lumakas ang iyak. Napa-hawak ako sa dibdib ko. Gusto kong suntukin iyong doctor, gusto ko syang sigawan, gusto ko mag-demand, kaso hinang hina na ako. Hinang hina na.
“Paki-ulit po? Naglolokohan po ba tayo dito?! Doctor kayo ah! Anong sinasabi nyo ha?!” Hindi ko nakikita ngayon sina Alyx, pero ngayon ko lang narinig na halos pumiyok si Alyx sa pag-sigaw dahil sa galit, pero mas nangingibabaw at mas mararamdaman mo iyong sakit sa boses niya.
Habang naka-upo sa sahig naramdaman ko iyong yakap ni Evans, kaya’t lalo akong naiyak.
“I’m sorry, we did our best, she’s on a 50-50 situation when she arrived, and we can’t do anything when everything became a mess. Her body stopped fighting. I’m sorry.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong marinig ko ang sinabi noong doctor. “I’m sorry for your loss.” He said.
“Bawiin niyo ang sinabi nyo! Tangina naman dito oh! Bawiin nyo! Pucha! Gusto niyo ba ng mas malaking pera?! Madami ang pamilya namin noon! Kahit gaano pa kalaki! Parang awa niyo na! Iyong tita namin, iligtas nyo!” Sumikip ang dibdib ko sa mga katagang binitiwan ni Lian, ngunit hindi na nagsalita iyong doctor at malakas na hagulhol na noong tatlo ang sunod kong nadinig.
Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko at napapikit habang kagat kagat ang lower lip ko. Tangina ang sakit. Para akong nabibingi, habang naririnig ko nanaman paulit ulit iyong, ‘I’m sorry’ noong doctor. Gusto ko siyang gulpihin, pero wala akong magawa. Wala akong magawa, kundi ang umiiyak.
“Sabihin nyo, mali iyong nadinig natin hindi ba? Mali iyon?” I heard Shana say. Nanginginig na ang buong katawan ko noong dahandahan akong tumayo. Inalalayan ako ni Evans na tahimik lamang, pero nanunubig ang mga mata.
Noong makatindig ako, biglang bumukas iyong pinto ng operating room, at may inilabas na stretcher habang may nakataklob na kumot doon. Nanginginig akong pinagmasdan iyon, at noong makarating ito, sa katapatan ko, may tinig na lumabas sa’kin. “S-sandali.” Nauutal na bigkas ko.
Tumigil iyong nurse na nagtutulak doon sa stretcher, samantalang ako kahit medyo blurry ang paningin ko, gawa nang namumuong luha, dahandahan my hand reached out for the white cloth. Kinakabahan ako, nanginginig ako, parang sasabog ang puso ko sa sakit at bilis ng tibok, noong mahawakan ko iyong white cloth, kabadong kabado kong tinggal iyon. At pumatak ang luha ko at napatakip ako ng bibig ng makita ko ang walang buhay na katawan ni tita.
“Fuck, tita...”
“Tita bumangon ka dyan!”
“Tita, huwag ka mag-biro ng ganiyan.”
Hindi nanaman ako makapagsalita, sobra sobra na iyong sakit na nararamdaman ko. Sobra sobra na.
“Ayah, maging malakas ka ha? Sa kasinungalingan ng mundo, labanan mo ito. Huwag kang papatalo hanggang makamit mo ang hustisya mo. Huwag kang bibitaw, huwag kang susuko. Dahil ikaw man sa puso mo, alam mo din sa sarili mo na may kulang sa pagkatao mo, sa tamang panahon, malalaman mo iyon, sa tamang pagkakataon, sana malampasan mo iyon. You must stay strong, Ayah. You must. Face the truth with courage, even though it could shatter you into pieces.”
Biglang bumalik sa’kin ang mga ala-ala ni tita at ang mga huling sinabi niya, hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak at shock. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga narinig at nangyari, tila ba mamatay na ako sa bangungot na ito.
Sa huling mensahe niya ako pa ang inalala niya—kami pa ang inalala niya. Bakit tita? Bakit ang aga mo akong iniwan?
Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, mukang hindi na kinaya ng katawan ko, bigla na ding umikot ang paningin ko. Narinig ko pa ang iyak nila Alyx, at ang pag-cocomfort ni Evans, pero mahina na ata ang sistema ko at pagod na pagod na, then suddenly, everything went black.
***
Naalimpungatan ako, sa sinag ng araw na sumisilaw sa mata ko, medyo nagtaka ako kung asang kwarto ako, dahil puti ang ceiling at wall. Nasan ba ako?
Nagulat ako noong may makita akong dextrose na nakakabit sa’kin. Te-teka? Ba’t may dextrose ako? “Asan ako?” Bulong ko sa sarili ko.
“Ayah. Gising ka na pala.” Napalingon ako sa pinangagalingan ng boses. Si Lian. Nagtataka ko siyang tiningnan dahil paga ang mata niya.
“Okay ka lang ba?” She asked. “Ang sakit, Ayah. Ang sakit.” Biglang tumulo ang mga luha ni Lian sa mata, then it suddenly hits me. Napatakip ako ng kamay sa bibig. “Hindi. Hindi. Hindi totoo ito. Hindi nangyayari ito.” I whispered, pero kahit anong tanggi ko, tila bumalik sa’kin lahat ng sakit na naramdaman ko kagabi, lahat lahat ng mga ayaw ko balikan, bumalik sa’kin.
“Si tito... Ayah.” Agad akong napalingon kay Lian habang umiiyak, noong banggitin niya si tito.
“Sabihin mo Lian, okay si tito ‘di ba? Okay s’ya?” I asked, kung pati si tito... Fuck. This is bigtime. Tama na please? Tama na?
Umiiyak na tumango si Lian. “He’s okay. Pero nasa coma s’ya.” Napaiyak ako noong marinig ko na nasa coma si tito. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil kahit papano buhay pa si tito, o magagalit ako, dahil fuck, coma iyon. Hindi iyon basta basta. Nevertheless, mas nangibabaw sa’kin ang pagpapasalamat dahil, hindi kinuha si tito sa’kin. Sila ni tita ang parang magulang ko na, kung sabay silang mawawala sa’kin sana isinama na nila ako.
“Gusto ko siya, makita. Gusto ko puntahan si tito.” I said. Lian, nodded mutely, while tears are streaming down her face. Dumiretso kami ni Lian sa isang room na medyo malayo sa room ko, naka-dextrose pa din ako. Habang papalapit kami ng papalapit sa room, kinakabahan ako, natatakot ako, pero gustong gusto kong makita si tito.
Noong buksan namin ang pinto, andun si Alyx at Shana naka-suot ng hospital gown para sa room ng mga comatose. Umalis sina Alyx doon at tinapik ang balikat ko, nakita ko ang nanunubig nilang mga mata habang naka face mask. Bakit ganun? Lalo akong nasasaktan?
Naglagay din ako ng hospital gown, at face mask, pagkatapos pumasok ako sa mismong kinalalagyan ni tito, hindi ako sinamahan nina Lian, sabi nila sa labas na lang daw sila hihintayin ako.
Noong makalapit ako kay tito. Awang awa ako sa lagay niya. May bemda iyong ulo niya, pagkatapos may nakalagay pa sa leeg niya. At --- at, lalo akong napahagulhol noong makita kong wala na iyong isang binti ni tito. Putol na ito. May pasa at galos din iyong nakikita kong braso niya. Fuck. Sinong demonyo ang gagawa nito?
Napa-upo ako sa upuan dito habang umiiyak. Nanginginig ko ding hnawakan iyong kamay ni tito. “T-tito...” Nahihirapang bigkas ko, napa-hagulhol na lang din ako bigla. Ang sakit sakit na makita mo siya sa ganitong kalagayan.
“Tito...” Hindi ko maituloy iyong sinasabi ko kasi ang sakit sa lalamunan at saka lalo akong naiiyak. Aah! I wanted to shout, gusto ko ilabas ang sama ngloob ko, pero nanatili akong umiiyak ng tahimik. “Ang s-sakit tito...” I stammered.
“P-please naman tito... Gumising ka na oh. Please. I-iniwan n-na t-tayo ni tita. K-kaya w-wag m-mo ko iiwan ha?” Hirap na hirap na bigkas ko. “A-ang daya ni tita... Sobrang d-daya niya. Bakit n-nya tayo iniwan? D-di ba, ikakasal pa kayo? ‘D-di ba magkakaroon pa k-kayo ng mak-kukulit na a-anghel? K-kaso s-si tita iniwan tayo eh. Pano na iyan?”
“Tito... H-hindi ko a-alam ang gagawin ko k-kapag pati ikaw... Kaya please l-lang huwag mo akong iiwan ha?” Paki-usap ko sakan’ya. “Jebal tito, jebal...” Nanghihinang bigkas ko, saka ako tumungo sa kama niya at umiyak ng umiyak.
Hindi ko lubos na maisip na wala na si tita. Sobrang sakit. Alam kong sina Lian nasasaktan din. Pero bakit kailangan niyang mawala? Bakit? Para saan? Mabait naman si tita kahit istrikta siya. Sino nang mag-tuturo sa’kin? Sino nanggagabay sa’kin? Sino nang ituturing kong nanay, ngayong wala na siya? Ang sakit... Bakit ganun? Bakit ang lupit ng tadhana?
“Why?” Mahinang bulong ko. Eto nanaman ako nagtatanong sa walang katapusan kong bakit, na wala namang sumasagot. Ang sakit sakit na. Sobra.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. Pero umalis din ako matapos ang ilang sandali. Noong paalis na ako. May mga nagbabantay ng mga gwardiya sa labas ng room ni tito. Lumapit sa’kin si Lian at inalalayan ako.
“They are from the hoodlum empire.” Lian explained. I looked at her, asking why? “Uncle Peter is a secret and trusted hoodlum empire member. Akala ko simpleng pulis lang sila? Hindi, miyembro din sila ng hoodlum empire. Iyon ang sinabi sa’kin ni Nate.” I nodded, noong sabihin iyon ni Lian.
Nakarating kami sa kwarto ko, at nadatnan ko doon ang buong gang. Tahimik sila, at mukang nag-aalala. Yakap yakap ni Thon ang umiiyak na si Alyx, at si Shana nasa bisig naman ni Jj. Tinanguan lamang ako nung dalawang lalaking nagcocomfort sa mga kaibigan ko. Tinapik naman ni Skyler ang braso ko, at si Tim naman tinanguan lang din ako, saka niya nilapitan si Lian. Lian hugged Tim and I saw her cried again. Maya’t maya na kami naiyak. Si Annicka naman, she mouthed ‘it’ll be okay’ kahit papano sa paligid ng mga kaibigan ko kailangan ko maging malakas.
Maya-maya pa pumasok na din si Evans dito sa kwarto, medyo malaki naman iyong kwarto. Kaya comfortable kami lahat.
“Are you okay?” He queried. I shook my head, tapos inilapit niya na lang iyong ulo ko sa balikat niya. “I’m here. Always here. Okay?” Dahan dahan akong tumango doon.
“We’ll buy some foods.” Skyler presented habang kasama si Annicka. “Oo nga, kagabi pa kayo dito Ayah, baka magkasakit kayong apat.” She added, kaya lumabas sila ni Skyler.
“Sleep again a little.” Evans whispered. Hindi na ako tumaggi. At saka ako humiga sa kama at umupo si Evans habang pinagmamasdan ako, nakarahap kasi ako sa kanya habang nakahiga ako. “Sleeping is a little escape from pain.” He said. I tried my best to smile, saka ko dandahang ipinikit ang mata ko, naramdaman ko pang may tumulong luha dito, hanggang sa dahandahan binalot ako ng antok.
***
Nathaniel Gabriel’s POV
Umalis muna sina Alyx kasama sina Thon, uuwi ata sila sa cabin nila sa school at kukuha ng damit para kay Light, at ganun na din para sa kanila. Habang nakikita ko silang nasasaktan, parang nasasaktan na din ako.
It was all sudden. Hindi ko din akalain na makikita ko iyong aksidente kagabi. Pauwi na talaga ako sa school noon, matapos ang rounds ko sa Gangster Empire. Tapos madadatnan ko sa kalagitnaan ng kalsada ang kagimbalgimbal na aksidente.
Hindi din ako makapaniwala na wala na si Ms. Vigor. Inaamin ko isa siya sa pinagbintangan at kinagalitan ko. Pero, mali pala lahat ng iyon. Dahil isa lang din si Ms. Vigor sa tumulong kay Light. Ayon kay Mr. Leonard.
Andito ang mga tauhan ng Hoodlum Empire, noong mabalitaan nila ang nangyari, alam kong alam na nila kung sino ang may kasalanan ng lahat. I know in myself what happened is not an accident it was all planned. Dahil talagang sina Ms. Vigor ang pinaka napuruhan sa limang sasakyan.
Plano ko mamaya na pumunta kay Mr. Smith, para makatulong sa nangyari at para malaman na din ang lahat, dahil tita na ang naging turing ni Light sa kaniya, at habang nakikita si Light na umiiyak at nahihirapan magsalita nagiging double ang epekto sa’kin noon. Kaya’t kahit papano sa ganitong paraan makatulong ako.
Andito ako ngayon, binabantayan si Light habang natutulog ito. She’s deeply hurt I can feel that. Naawa din ako sa kaniya, dahil sobrang nanghihina na siya, mukang hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari.
Hindi niya pa nga alam ang nakaraan niya, dumagdag pa ito. Paano na pag nalaman niya? Natatakot ako, baka hindi niya kayanin at piliin niya na lang na mamatay na talaga. Natatakot ako ng sobra doon. Hindi ako papayag na sa ikalawang pagkakataon mawawala nanaman siya. Sabihin mo pang, kamumuhian din naman niya ako, at least kahit malayo may magagawa pa din ako para sakaniya.
Seeing her cry, makes me weak and strong at the same time. Parang iyong mga luha niya kasi, sinasabi na ipagtanggol ko siya, alagaan ko siya, at huwag ko siyang iiwan, kaya’t habang ‘di niya pa naalala, iyon ang gagawin ko, at kahit maalala niya na iyon pa din ang gagawin ko.
“Gabriel.” Agad akong napalingon noong, may umimik. Si Mr. Smith. Napatayo agad ako at napa-bow.
“Kamusta na ang prinsesa namin?” Tanong nito.
“She’s deeply hurt.” I replied. Napabuntong hininga si Mr. Smith. “Ang bilis ng pangyayari, di ko akalain na may masamang magyayari sa kanila ngayon, they are the people that I trusted the most. They are a real loss. I hope Peter will wake up soon.” He said.
“Please watch, my grand-daughter.” Paalala pa nito. “Malakas siya alam ko. Pero, isa sa kahinaan niya ang mawalan ng taong pinahahalagahan. Make sure she’s surrounded by people that will let her feel everything’s going to be okay. Arasso?” Napatango na lang ako sa sinabi ni Mr. Smith.
“Please, take care of her.” He said.
“I will.” I retorted.
“Ililipat ko si Peter sa Hospital namin, at pinaayos ko na din ang burial ni Sabrina.” Dugtong nito. Tahimik akong tumango doon. Pagkatapos ng huling paalala noon, umalis na siya kasama ang dalawang body guard niya.
Later that moment. Nagitla ako sa kasunod na pumasok. Umiiyak ito habang nakatitig sa tulog na si Light. “How is she?” Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala nito at sincerity nito. Nanay nga talaga siya ni Light.
“Can I hug my baby princess?” Umiiyak na tanong nito. Hindi ako makapag-salita dahil nanay siya ni Light. Lumapit siya sa tulog na si Light.
“Stay strong, Princess. Stay strong.” She kept whispering. Seeing Light and her mom, reminds me of me and my mom. May mga strong bond nga siguro kami. Si tita Nadine. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Nakikita ko din ang pagiging eager niya na mayakap niya na ulit ang anak niya. Ang tagal na panahon na din kasi na hindi niya ito nakasama.
“Take care of her okay? Dumaan lamang ako dito ng patakas, gustong gusto na kasi siya makita. Don’t tell, papa about this okay?” Paalala niya sa’kin.
“Yes, tita.” I said. Tumango tango siya sa’kin at saka hinawakan ang braso ko, doon dire-diretso pumatak ang luha niya, sa mata. “Salamat. Salamat sa pag-aalaga at pag-babantay sa kan’ya. Maraming salamat.” Muntik na din akong maluha sa sinabi niya, dahil damang dama ko iyong pagmamahal niya kay Light. Ang swerte swerte ni Light, pagdating sa pamilya andaming nagmamahal sa kaniya ng totoo.
Lumabas na si tita sa kwarto. At naiwan kami ni Light. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. “Stay strong Light. I love you.” I whispered.
***
Ayah Lynn’s POV
Ilang araw na din ang nakalipas mula noong mamatay si tita, at hanggang ngayon comatose pa din si tito, at nasa Empire hospital siya. Hindi na din ako ganung naiyak ngayon, matapos ang halos ilang araw, mukang nasaid na ang mga luha ko.
Bukas na din ang libing ni tita. Hanggang ngayon ‘di pa din ako makapaniwala. Hanggang ngayon, ang sakit sakit sakit pa din. Parang nasa isang masamang panaginip pa din ako at hindi ako magising gising.
Ang hirap tanggapin. Ang hirap isipin, pero kahit anong gawin ko hindi ko naman magagawang baguhin ang mga nangyari na.
Pumasok ako ngayon dito sa bahay namin bago kami lumipat sa cabins, nasa labas ng school ang bahay na ito. Umalis muna ako sa libing niya, para pumunta dito sa bahay. Namimiss ko kasi masyado si tita, kapag kasi nakikita ko siya doon sa casket niya, parang hindi ko kaya, parang gusto ko siya alugin at sabihing wag na magloko ng ganun.
Bawat hakbang ko sa parte ng bahay na iyon, parang nakikita ko ‘yung mga scenes dati. Iyong pinagalitan niya ako ng todo dahil nakulong kami gawa ng drag racing. Grabe, mangiyak ngiyak ako nun eh. Pati noong naliliyo ako ng sobra, lagi siyang andyan sa tabi ko, iyong mga kulitan nila ni tito Peter...
Ano ba iyan, naiiyak nanaman ako. Paano kaya kapag nagising si Tito Peter? Ano kaya magiging reaksyon niya? Kayanin niya kaya na wala na si tita? Please stay strong tito... Ikaw na lang ang natitirang magulang ko, huwag mo ako iiwan ha?
Kada hakbang ko talaga, andaming nagflaflashback, iyong tawanan namin, kulitan, at syempre madami pang iba. Napatingin naman ako sa kitchen, parang bumalik sa’kin lahat ng recipes ni tita, iyong masasarap na luto niya.
Ma-mimiss ko iyon ng sobra...
“Mahal na mahal kita, tita. Salamat sa pag-titiis sa kagaya kong isip bata, makulit, at laging sakit ng ulo.” Mahinang bulong ko, saka ako umakyat patungo sa kwarto niya.
Pagkadating ko doon. Binuksan ko iyon, saka ako umupo sa isang tabi doon. Nasasaktan pa din ako, pero andito ako nagtatago.
Hindi ko namalayan ang oras, hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala doon. May usapan nga pala kami ni Evans na susunduin niya ako ng 3:00 pm, at mag-aalas tres na din. Baba na sana ako, kaso may nahagip ang mata ko.
May kung anong naka-awang sa sahig. Parang may secret storage nanaman. Out of curiosity, pumunta ako doon. Mukang tama ako, hidden storage nga, madaming ganito sa interior ng bahay na ito. Pati nga mga hagdan meron, tamda ko noon noong kumuha ako ng mga armas noong nakidnap si Evans.
Binuksan ko iyon, at merong box na nakalagay doon. Medyo magabok na iyon kaya’t pinagpagan ko. Matapos kong pagpagan, dandahan ko itong binuksan, at nakakita ako ng parang lumang libro. Inilabas ko iyon doon sa box, dahil nagtataka ako. Kay tita kaya ito?
Pagkatapos dahan-dahan kong binuksan ang unang page nito. May nakalagay doon na pinong kabit kabit na mga letra...
Sabrina.
Ang ganda ng pagkakasulat, pino at malinis. At alam kong sulat kamay ito ni tita. Hay, tita, miss na miss na kita, pwede bang bumalik ka at sabihing joke lang ang lahat? Di ko nanaman mapigilan maluha kaya’t pinahid ko ang nang-gigilid kong luha.
I opened the next page, and I was stupefied because of what I have read.
I, Theanna Sabrina Vigor member of Yobbo Empire was all a lie. I’m not Theanna nor Vigor, I’m also no member of the Yobbo Empire, because I am Sabrina Claudette Jimenez, a loyal member of the Hoodlum Empire.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top