Heir 47: The Last Time
Heir 47: The Last Time
Ayah Lynn’s POV
“Paanong?” Hanggang ngayon walang nag-sasalita sa’min, matapos umalis ni Kurt. Nagpakita lang s’ya sa’min at umalis din agad. Ramdam na ramdam ko ang tens’yon sa buong headquarters, bagamat walang nag-sasalita, alam kong nag-aalala ang mga lalaki sa’min, dahil nanatili kaming nakatulala.
Kanina pa din akong bulong ng bulong sa sarili ko, kung paano napadpad o paano kami natunton ni Kurt, hindi naman sa nagtatago kami. Hindi lang namin akalain na makikita namin s’ya. Nagulat na lang ako ng bigla bigla na lang s’ya magpapakita.
Inaamin ko, natakot at kinabahan ako kanina. Pakiramdam ko, tinggalan ako ng kaluluwa sa sobrang kaba. Napatingin na lang ako bigla kayna Alyx, mukang hindi din talaga sila makapaniwala sa nakita nila.
“Kurt?” Mahinang usal ni Lian, sabay taklob ng muka. Mukang na-iistress din s’ya sa nangyayari. Ano bang nagyayari ngayon? Bakit parang tuloy tuloy ang problema? Aish! Mababaliw na ako dito eh!
Napatakip na lang din ako ng kamay sa muka. Matapos noon naramdaman ko na may biglang humigit sa kamay ko. Gusto ko sana sigawan ‘yung humamblot sa’kin, ngunit tila wala na akong enerhiya para gawin iyon kaya’t nagpadala na lamang ako.
Lumabas kami ng headquarters at dumiretso sa soccer field at umupo sa bench doon. Dahil pagabi na din, may mga ilaw na ang mga light posts dito. “Okay ka lang ?” Napalingon ako kay Evans noong tanungin n’ya ako.
Nagbuntong hininga ako bago sumagot. “Ikaw dapat tinatanong ko n’yan. Okay ka na ba?” Evans smiled at me in return. We both stared at the starry night sky above us. Tahimik ang paligid at presko ang ihip ng hangin. Hawak ni Evans ang kamay ko hinayaan ko na lamang ito. Mas’yadong madaming nangyayari ngayon.
“Sino s’ya?” Biglang tanong n’ya noong tumagal ang katahimikan namin.
“He who came from the past.” I answered.
I heard him sighed. “What’s with the past?” He queried. Ngumiti muna ako bago sumagot. “He came from Korea, but he’s a half Filipino, marunong magtagalog at iba pa. Naging ka close ko s’ya. He treated me like a sister, but a tragedy interfered, he was devastated and I’m the one to blame.” Simpleng paliwanag ko.
Hindi ko alam kung nagets ba ni Evans. Pero matalino naman s’ya, alam kong magegets n’ya. At saka hindi ko pa kaya ikwento ng buo eh, masakit pa din. Kailan kaya ako sasaya ng tuluyan? Aish, ang drama. Sumaya naman ako ng sobra dito eh, habang kasama ang gang, that was my happiest moment of all time.
“Ikaw kamusta ka na?” I asked.
“Eto gwapo pa din.” Walangyang ‘yan! Seryoso usapan eh! Napa-poker face na lang ako bigla sa sagot ni Evans eh. Nakita ko namang tumingin s’ya sa langit matapos noon.
“Ang mga tao, natural instinct nan ang mag-bintang ‘pag wala na silang mapagbintangan. Minsan sarili, minsan iba. Galit ka syempre, gusto mo ng may mapapaglabasan ng galit mo. Oo, merong tahimik lang at nagkikimkim meron din namang sobra magalit talaga. Don’t get swayed sa sinasabi ng nila. Basta may tiwala ka sa sarili mo. Minsan sapat na ‘yun.” Tahimik akong napatango sa sinabi ni Evans.
***
Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom namin, kasama ko sina Alyx, Lian, Shana at Annicka. Tahimik pa din sina Lian. Si Annicka naman, mukang tumahimik lang dahil wala kami sa mood. Aish. Inis si Kurt. Ba’t ba kasi nagpakita ulit ‘yun eh. Joke lang, para namang masisi ko s’ya.
Malapit na kami sa room, noong bigla akong napatigil. “Riyah!” I was startled by the voice that called me by that name. Napapikit na lang ako, saka ko naramdaman na may umakbay sa’kin. “Kamusta, Riyah?” Nakangiting tanong n’ya, ngunit ang mga ngiting ‘yun may bahid ng kinikimkim na panghuhusga at galit.
“Kurt. Don’t act like you like me. Because you damn hate me.” I seriously retorted. Natigilan sina Alyx, tila kinakabahan sila ngayon lalo na noong Kurt pinned me, to the wall. Gusto nilang maki-alam, kaso tiningnan ko sila na tila na, pabayaan nila ako.
“Yeah I hate you damn much. I’m glad you know that.” He mocked. Tinitigan ko s’ya sa mata na tila hindi ako natatakot sa kan’ya pero habang nakikita ko ang mata n’ya, nanghihina ako. Naguguilty ako. Nasasaktan ako.
“You also hate me, Riyah. Why? Because I’m the fucking reminder of the past right? You have taken away all of my happiness. You demon.” Nang-gagalaiting saad n’ya. Dandahang naiyukom ko ang kamao ko dahil sa mga katagang sinabi n’ya sa’kin. Damang dama ko. Tagos na tagos sa puso ko.
Inilapit lalo ni Kurt ang muka n’ya sa muka ko. Hindi ako makaiwas, nanghihina ako. Namimiss ko s’ya oo. Namimiss ko ‘yung dating Kurt na kasangga ko, at parang kapatid ko. Kaso iba talaga ang nagagawa ng galit, kaya’t ‘di na ako aasang makikita ko muli ang dating Kurt.
“I’m sorry.” I whispered as I avoid his gaze. Hanggang sa dahandahan tumulo ang luha ko sa isang mata ko. I heard Kurt cursed, and the next thing I knew —I was stunned because he punched the wall.
Nag-aalala ko s’yang tingnan pero tingnan n’ya ako ng tila isa akong demonyo. “I hate you. I fucking hate you.” He whispered as he gritted his teeth. I can sense the anger at the same time, the pain.
“N-nadugo ‘yung kamay mo.” I stuttered. Alam ko sa sarili ko, natatakot ako sa kan’ya, kinakabahan, pero higit sa lahat hindi mawawala dun ang pag-aalala. Dahil kahit pa sabihin mong malaki ang galit sa’kin ni Kurt, buong puso kong tatanggapin ko ‘yun, dahil kasalanan ko naman talaga.
“Huh! Kailan ka pa nagkaroon ng pake?!” He yelled angrily, some students were watching and they were stunned.
“Just hate me, but don’t question what I feel.” Mahinang sabi ko. Alam kong hindi n’ya iyon maririnig. Nakita kong inihaya ulit ni Kurt ‘yung kamao n’ya na susuntukin ulit ‘yung pader, mabilis akong kumilos at biglang sinangga iyon. “Tama na, please...” I murmured. He looked at me. I closed my eyes. “Tama na. Kasalanan ko oo, pero ‘wag mo parusahan ang sarili mo.” Dugtong ko pa. Gusto ko din s’yang kamuhian kaso, ‘di ko magawa.
“Li—Rivera?” Agad akong napamulat noong biglang may umimik.
“Nate! Ano nanaman bang pinag—” napatigil sa pagsasalita si Cassidee noong makita n’ya ako, at si Kurt. Ganun din si Evans natigilan din. Humarap ako sa kanila. Agad akong hinila ni Evans na kinagulat ko. Tingnan n’ya ng masama si Kurt. Lalapitan n’ya sana ito noong pigilan ko s’ya.
“Tama na.” I told him. He looked at me, in return I looked at him pleadingly.
“Kurt, right? Pwede bang guluhin mo na ang lahat ng nandito, ‘wag lang ang babaeng pinahahalagahan ko?” Lalong natahimik ang lahat noong sabihin iyon ni Evans.
“Nate!” Cassidee shrieked.
“What? I told you, I will talk to the empire about our engagement. I’ll cancel it.” Asar na sabi ni Evans sabay higit sa’kin papasok sa room. Kitang kita ko sa muka ni Cassidee ang pagkainis at pagkagulat. Huli ko namang nakita kay Kurt ay tahimik lang s’yang nakatingin sa pader ngunit may masamang ngiti sa labi nito.
Pumasok kaming lahat sa room. Pati sina Alyx sumunod na din. Sa pinaka likod kami umupo. “Ayah.” I heard Lian. “Hmm?”
“Okay ka lang?” Tanong nito, I nodded.
Alyx smiled at me, like she was saying it’ll be okay. Shana on the other hand, tapped my shoulders. “Kaya mo ‘yan. He’s Kurt. Let’s trust him.” Sabi naman ni Shana. I smiled at her. Tama si Shana. Naging kaibigan din naman namin si Kurt noon. Hay.
‘Yung mga chismosa naming kaklase sa subject na ‘to, mukang nasa empire site na sila. Nagkakalat ng chismis tungkol sa’min ni Evans, Cassidee, at ang new student na si Kurt. ‘Di na ako magtataka. Gan’yan naman sila.
Suddenly, the doofuses came. “Yow! Hello people!” Thon greeted. Some of the girls, shrieked. Si JJ at Tim naman dumiretso kayna Shana at Lian. Si Tim, nilapitan pa nung iba naming kaklaseng babae pero, iniwasan lang sila ni Tim. He really changed from being a playboy to a gentleman. Si Skyler naman dumiretso lang din kay Annicka.
“May nangyari ba?” Tanong ni JJ noong tumalikod ito sa’min ni Evans.
I mutely nodded. Tahimik na lang si JJ na tumango mukang alam n’ya na ayaw namin pag-usapan. Samantalang si Tim at Thon naman kinukulit si Lian at Alyx.
Tahimik lamang kami ni Evans noong biglang pumasok si Kurt at Cassidee. Lumapit agad si Cassidee sa’kin at nagulat ako noong bigla n’ya akong sampalin. Fuck.
“What’s with you?!” Nagulat kami noong biglang sumigaw si Kurt, bago pa man maka-pag react si Evans o ako. Biglang napaharap si Cassidee kay Kurt. “Wala kang paki. Bakit sino ka ba? May kasalanan at atraso s’ya sa’kin. Kulang pa ang sampal na ‘yan.” Madiing sabi n’ya kay Kurt.
Napahawak ako sa pisngi ko. Aaminin ko. Damn it, ang sakit nun. Ang lutong ng sampal na ‘yun. Peste. Agad akong napatayo. “Ano nanaman ba?” Asar na tanong ko. Pero imbis na sagutin ako ni Cassidee. Sinampal n’ya naman ako sa kabilang pisngi ko. Fuck talaga.
“Bullshit, Cassidee!” Evans shrilled, then he drageed out Cassidee out of the classroom.
“Curse that girl. Gusto n’ya bang mabalian ng buto?!” Shana shrieked.
“Ayah!” Lian said in alarm.
“Hala? Ayah...” Alyx whispered.
Umupo na lang ako ulit hawak ang dalawang pisngi ko. Pagod na pagod na akong makipag-away sa bruhang iyon. Kung gusto n’ya si Evans isaksak n’ya sa baga n’ya. Dahil hindi ko naman kasalanan kung ako ang gusto ni Evans. Tss.
Padabog na umupo sa katabi ko si Kurt. Noong sumigaw s’ya kanina, ‘di ko akalain. Nagulat ako doon. Dahil, kahit papano tila nakita ko ang pag-aalala n’ya sa’kin.
“Tss. Nag-papasampal ka na ngayon. Asan na kademonyohan mo?” I heard him say and I sighed. Nasan na nga ba?
***
Nathaniel Gabriel’s POV
“Fuck this, Cassidee. Ano nanaman ba?!” I yelled. Agh! Sa lahat ng sasampalin n’ya bakit si Rivera pa? Sa’kin s’ya galit ah! Bakit hindi ako? Shit naman dito oh.
“Ayan, dyan ka naman magaling ‘yung ipagtanggol s’ya.” Mahinang bulong n’ya habang nakapamewang. “Ganyan ka naman. Mabuti pa nung mga bata pa tayo, kahit papano. Nakikita at nararamdaman ko ‘yung pagpapahalaga mo. Asan na kaya ‘yung Nate na kilala ko noon? Nasan na?” Nagulat ako nung may pumatak na luha sa mata ni Cassidee.
“Nate. Kailan magiging ako ha? Kailan ko ulit mararamdaman ‘yung pagtatanggol mo ha? Dati noong bata pa tayo. Magkasangga tayo sa kalokohan eh, kaibigan kita eh. Maayos tayo! Pero anong nangyari, bakit parang galit na galit ka sa’kin? Bakit, dahil ba ako ang naging fiancé mo, at hindi s’ya? Tangina, Nate! Kasalanan ko ba kung ba’t namatay s’ya?!” Galit na sigaw nito sa’kin habang tila sinusuntok ang dibdib ko ngunit mahina lamang ito na tila pagod na pagod na s’ya.
“Lagi na lang si Light. Noong mga teenager tayo, s’ya at s’ya lang eh. Ano bang meron sa kan’ya na wala ako? Ang sakit na eh. Ano bang ginawa kong mali? Ngayon naman, puro si Ayah. Grabe Nate, damang dama ko ha. Damang dama ko na parang ni minsan hindi tayo naging magkaibigan! Na parang ni minsan ‘di mo ako nasandalan!”
“Sorry.” I murmured.
“Sorry. It’s not intentional. Oo noong bata tayo close tayo, magkasangga tayo. Pero ikaw, ano nga bang nangyari sa’yo noong dumating si Light sa buhay natin? You became a brat and a self centered person. Sinabi ko na sa’yo noong bata tayo, na huwag mo ng ituloy ang pagiging mag fiancé na’tin dahil hindi ko magagawang mahalin ka ng higit pa sa kaibigan. Ikaw ‘tong nagpumilit sa empire na ituloy pa din. Kung nasasaktan ka ngayon, it’s already your own greed. Cassidee, just let me go.” Paki-usap ko sa kan’ya.
Umiyak lamang s’ya sa’kin habang pinapalo palo ako. “Ang sama mo. Ang sama mo. Ang sakit sakit sakit.” Bulong n’ya habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ‘yung sakit sa binibitawan n’yang salita, ang walang kwenta ko talaga kahit kailan.
“I’m sorry.” I whispered.
Hindi mo lang alam Cassidee. Gusto ko ng masasandalan ngayon, gusto ko ulit maging kaibigan mo. Gusto ko ng mapagsasabihan ng problema. Gusto ko maging tulad ulit ng dati. Kaso mahirap na ibalik. At hindi lang ikaw ang nasasaktan ngayon. Ayoko ng maging fiancé mo. Tama na siguro ang halos apat na taon. Dahil may iba pa akong kasalanan na pagbabayaran ko pa.
Nanatili kami ni Cassidee sa mini garden ng school habang kumakalma s’ya. Hawak hawak n’ya ang kamay ko ng sobrang higpit at yakap yakap naman n’ya ako gamit ang isa pang kamay n’ya. Samantalang ako I just stood there, frozen.
Noong medyo kumalma na si Cassidee, I slowly removed her embrace, pati na din ‘yun pagkakahawak n’ya sa kamay ko. Naramdaman ko nanaman ang pagsisimula ng pag-iyak ni Cassidee. Bago pa man n’ya ako yakapin ulit, nagsimula na akong maglakad paalis.
I’m sorry, Cassidee. I’m sorry Cass.
“No... No... No!” I heard her, but I refrained myself from going back. May kailangan pa akong punatahan.
Dali dali akong pumunta sa parking lot matapos noon. Napaub-ob ako sa manibela dahil pagod na pagod na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Sana payagan ng empire na itigil ang engagement namin ni Cassidee.
Maliban doon, si Light pa nga pala. Tila sumasakit nanaman ang puso ko habang iniisip si Light. Bakit ganun? Dapat nagagalit s’ya sa’kin eh, pero bakit gustong gusto n’ya akong nakikitang tumatawa, kung ano ano pang sinasabi n’ya para pagaanin ang pakiramdam ko. Damn, Light. Lalo akong naguguilty. Lalo akong nahuhulog ng mas malalim sa’yo. ‘Yung ugaling cold mo, mahal na mahal ko, pati na din ‘yung ugali mo ngayon, patuloy kong minamahal.
Hindi ko alam kung gaano ka-complicated ang mga nangyayari ngayon. Pero sana pag-dating ng araw, maging maayos na ang lahat.
Bago ako pumunta sa pupuntahan ko. I texted Tim, na bantayan at agalagaan si Light, baka guluhin nanaman s’ya nung Kurt na ‘yun. Ang alam ko lang, galing s’ya sa Korea at mukang namatay ang isang mahalagang tao sa kan’ya at sinisisi n’ya si Light, baka kung anong gawin ng lalaking ‘yun kay Light. Kaya mabuti nang kahit wala ako, nababantayan nila Tim si Light. Andyan naman sina Alyx na magproprotekta sa kan’ya habang wala ako.
***
Dali dali akong nagdrive para pumunta sa Hoodlum Place, kung saan nag-iintay sa’kin si Mr. Leonard. May usapan kasi kami na mag-kikita ngayon.
Pinaharurot ko ang kotse ko papunta doon. Habang nasa daan, kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Kung ano anong mga what ifs, kung ano anong mga pwede naming pag-usapan.
Walang traffic kaya’t mabilis din akong nakarating sa Hoodlum Place. Noong makadating ako sa harapan ng malaking gate doon, bumukas iyon. Saka ako pumasok sa tila parang mansion na lugar, kung saan may malaking fountain pa sa gitna.
Bumababa na din ako noong makarating ako sa main door o entrance ng masyon. Pagkababa doon. May mga guard na sumalubong sa’kin, saka ako dumaan sa inspection panel. Kung saan dadaan ka sa parang maliit na room, at doon matratrace kung may dala kang mapanganib na bagay. Noong hindi nila ako makitaan noon, dali dali akong dumiretso sa library doon, dahil ang sabi n’ya doon kami magkikita.
“Kamusta?” Iyon agad ang bati sa’kin ni Mr. Leonard noong makita n’ya ako. Tumango lamang ako biglang sagot.
“Ngayon na magsisimula ang pagmamanman mo sa sarili mong empire, handa ka na ba?” Napaka-direct to the point n’ya, sakan’ya siguro namana ni Light ang pagiging ganoon. I nodded as a response.
“Siguraduhin mong may makukuha kang iba’t-ibang ibedens’ya, kapag may makikita ka ding kakaiba, ipaalam mo agad sa’kin o saamin. Tandaan mo, never let your guard down, or someone will stab you at the back. Mag ingat ka Gabriel.” Nangiting tugon nito, aaminin ko, I felt goosebumps. Kahit naman alam kong nasa iisang side kami ngayon, kinakabahan pa din ako. Aish. Iba talaga ‘pag Smith. Tss.
May mga guidelines at iba’t-ibang kailangan kong malaman ang pinaalam at ibinigay n’ya sa’kin. Matapos ng maikling pag-uusap namin, tutal direct to the point naman s’ya kaya’t mabilis lang. Umalis na din ako. At mabilis na dumiretso sa Gangster Empire.
Pinaharurot ko ang kotse ko, habang mahigpit ang hawak ko sa manibela ko.
“Lastly, huwag na huwag mong hahayaan na may makaalam na nagtutulungan tayo.”
Mr. Smith’s last words echoed in my head. Kaya’t noong makarating ako sa Empire ko, ipinikit ko muna ang mata ko at nag-buntong hininga. Ngayon ko pa lang ulit makikita ang parents ko after the ball. And I’m really nervous right now, what if? Agh! Pano kung ‘di ko mapigilan ang galit ko? Argh. I cannot let my emotions overflow, I need to control it, for Light’s sake.
Nakailang buntong hininga ako bago ako tuluyang lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng empire. Nagulat ‘yung ibang gwardya noong makita nila ako. Minsan lang kasi ako mapadpad sa empire.
Pagkapasok ko nagbow din agad ang mga gwardya at ilang staff na nakakita sa’kin. Ang Gangster Empire building ay tila parang company lang, pero dito may mga illegal na ginagawa at, andito din ang ilang importanteng mga dokumento na pwede kong magamit na ebidensya, sa mga ginawa nila.
Pumanik ako sa floor kung asan ang mga magulang ko. Nagulat si mom noong makita n’ya ako. “Anak!” She greeted in surprise. I clenched my fists para kumalma ako dahil noong makita ko si mom, parang gusto ko s’ya kuwestyunin.
“Mom.” I greeted back, she smiled at me. “Anong ginagawa mo dito?” Tuwang tuwang tanong n’ya. “Gusto ko lang malaman ang pasikot sikot dito sa empire. Mamanahin ko ‘to ‘di ba?” I really tried to make it enthusiasm, na mukang kinagat naman ni mom.
“Talaga? Wait, let me call your dad’s secretary , para masamahan ka namin ng dad mo maglibot. Medyo binago na ‘to, kaya hindi na tulad nung dati noong unang nalibot mo ‘to. Hindi ka naman ganun interesado noon eh.” Then she chuckled. Mom... Bakit? ‘Yung inosente mong ngiti, ‘yung maalalahanin mong tinig, ‘yung masasaya mong mga mata... Pagpapanggap ba lahat ng iyan? Pero, bakit tuwing nakikita kita ayaw kong paniwalaan?
“Nate.” My mom called my attention, hindi ko namalayan napatulala na pala ako sa kan’ya. “Yes?” I asked her. “Ano? Tara sa dad mo?” She happily retorted. I shook my head.
“Huwag na mom, tayo na lang. Busy si Dad, iistorbohin pa na’tin. Ayaw n’yo ba akong masolo ha?” I kidded. Hindi ko alam, pero habang nakikita ko ang nanay ko ngayon, magaan ang pakiramdam ko, na tila ba hindi ko kayang paniwalaan na, niloloko n’ya lang kami at nagpapanggap lang s’ya.
“That’s a nice idea, Nate. Pft. Sige na tayo na lang dalawa. Nakakatuwa kang tingnan anak, ang laki laki na ng baby ko.” Panlalambing n’ya sabay halik sa pisngi ko, hindi ko mapigilan na ngumiti at manubig ang mata. I looked at the ceiling saka ako kumurap kurap. Para hindi maging luha iyon.
How can the devil be pulling you toward someone who looks so much like an angel when she smiles at you?
Mom... Ano ba talagang totoo? Damn, I wanna I ask her but instead I kept quiet at sinarili ko na lang. Ayokong maging kumplikado ang lahat dahil sa isang maling galaw ko.
Nilibot ako ni Mom, sa buong Gangster Empire, pati mga ibang empleyado doon ipinakilala n’ya ako. Mom looks elegant, lalo na pag-pinapakilala n’ya ako, pag-may nakakasalubong s’yang employees, may dignidad, at may awtoridad ang dating n’ya, pero bakit ganun? Hindi ko talaga makita ‘yung sinasabing pag-papanggap. Damn. Nabubulag na ba ako dahil nanay ko s’ya?
‘Yung ngiti n’ya, ‘yung pakikitungo n’ya, ‘yung pagiging cold n’ya sa iba, ‘yung pagiging sweet n’ya sa’kin. Isa lang ang sigurado ko, I’m seeing Light, I’m seeing someone true—who doesn’t pretend.
“Nate, pagod ka na ba? Ikuha kita ng beverage. Wait here.”
What’s going on, inside my head right now? Is that—I’ll prove to Mr. Smith, that my mom’s innocent. Sabihin na nating Empire ko pa din ang may gawa, pero sa nakikita ko talaga kay mom, totoo ang ipinapakita n’ya, at papatunayan kong wala s’yang kinalaman dito. Kahit ‘yun man lang... Kahit man lang isa sa parents ko, walang kinalaman sa pagtatangka sa buhay ni Light, makakahinga na ako kahit kaunti.
Call me bias, because she’s my mom, nevertheless, I know in my heart... my mom’s innocent.
***
Ayah Lynn’s POV
Hindi ko pa din nakikita si Evans noong umalis sila kanina ni Cassidee. Samantalang si Cassidee naman nakita ko na kanina, mukang galing pa nga sa iyak iyong malditang iyon eh.
Ang sabi naman sa’kin nina Tim, huwag ko na lang daw hanapin dahil may inaasikaso daw. Tsk. Napaka talaga nung Evans na ‘yun. Mamaya umiiyak nanaman ‘yun. Iyakin pa naman ‘yun. Tss.
“Ayah!” Napalingon ako bigla noong tawagin ako nila Alyx. “Ha?” I replied, hindi ko kasi narinig pinag-sasabi nila, dahil lumilipad ang utak ko. Hindi literal ha!
“Sabi ko, huwag mong alalahanin masyado si Evans! Masyado ka ng inlove sa kumag na ‘yun!” Alyx told me. I bitterly smiled and replied, “Tss.” Napatawa naman dun sila Alyx, na tila inaasar ako. Mukang medyo nakahinga na sila kay Kurt. Dumali nanaman sa kakulitan eh. Mas gugustuhin ko na ganito sila, kesa naman apektado sila, lalo akong naghihina.
“Ayah, may naisip ako!” Masayang sabi ni Alyx. Tila, naging interesado naman sina Lian, Shana at Annicka. Nasa likod naman namin ‘yung boys parang mga body guard. Asar. “Ano?” Sabay sabay na tanong namin.
“Mag-concert tayo—ARAY!” Biglang nabatukan ng mga girls, si Alyx dahil kung ano ano nanaman ang naiisip nito. Ibang klase talaga. Ang lakas ng pitik.
“Ano ba! Ang sakit ha! Patapusin meee~! Mag-concert tayo, para sa charity event! Napaka n’yo naman eh!” Alma n’ya.
“Ewan namin sa’yo Alyx, kita mong andami nating problema charity pa naiisip mo, sa yaman mong ‘yan mag donate ka na lang.” Lian said. Hindi naman sa ayaw namin tumulong, pero sobrang dami din naman naming problema ngayon eh.
“Hays. Napaka n’yo tsk!” Asar na sabi n’ya, pagkatapos ay nagmaktol ito.
Noong wala na kaming magawa sa plaza. Doon kasi kami tumambay kanina. Kasama ang boys. Umuwi na kami nila Alyx sa cabin.
Pagkadating doon, nakita namin si tita nag-luluto.
“Wow naman tita! Ang baaaangoooo!” Masayang sabi ko, sabay punta sa kusina. “Napaka lakas mong mambola, Ayah.” Biglang extra ni Alyx. “Pero, ‘di nga tita, ang bango. Anong niluluto n’yo?” Biglang sabi nito. Kaya’t medyo natawa kami. “Nagsalita ang ‘di mahilig mambola.” Pagpaparinig ni Lian, kaya’t napasimagot si Alyx, at napa-tawa ulit kami.
“Oh, girls? Sakto andito kayo.” Sabay sabay kaming napalingon sa front door ng may umimik mula doon.
“Waaa! Titoooo!” Masayang bati ko. “Anong ginagawa mo dito, tito?” Dugtong ko pa. Tito chuckled because of that.
“Ayah, naman. Bawal na ba ako pumunta dito?” Napatawa naman ako dun. “Haha! ‘Di mabiro si Tito.”
“Hi Tito Peter!” Bati nung tatlo.
“Peter Felix, sakto dating mo! Maluluto na ‘to.” Nakangiting sabi ni Tita. Agad kaming nag-titiling apat dahil sa sinabi ni Tita, agad din kaming nagkanchawan na magpakasal na sila haha. Namula naman ‘yung dalawa ng dahil doon.
“Yieee. Ang sweet!” Kanchaw namin.
Natawa lamang sila doon. Noong matapos ‘yung niluluto ni Tita, tutal naman, gabi na din at time na for dinner, nasa hapag-kainan na kami. Masaya kaming kumain, nag kwentuhan, tila nawala na nga din sa isip ko si Kurt eh. Naglolokohan din kami, cool kasi si tita at tito kahit sabihin mo pang over protective sila at may pagka-strict, parang teenager pa din ang dating nila. Nakikisakay sa trip namin at iba pa, pero pag-dating sa ibang bagay matured na.
Matapos naming kumain, nagkwekwentuhan pa din kami. Pero biglang nagsalita si Tita.
“Shana, ikaw na bata ka. Huwag ka masyado magpaka-bato ha? Andyan naman si Mr. Williams para sa’yo. Minsan uso sumuko at tumanggap ng pagkatalo. Pagbutihin mo pa ha? Huwag ding masyadong matabil ang dila, tandaan mo, maraming tao ang nagpapahalaga sa’yo kasama na sina Lian, si Peter, at ako doon ha?” She said then smiled. Si Shana naman parang na teary eyed dahil doon.
“Tita naman...” She shyly retorted.
“Ikaw Alyx, sobrang kalog mo, may pagka-isip bata, baliw at iba pa. Pero alam kong matured ka na, ayaw mo lang talaga ganung ipakita. Okay lang ’yan, at least ikaw ‘yung nagbibigay saya sa barkada n’yo. Ikaw ‘yung nagpapagaan ng bawat mabibigat na sitwasyon. Tandaan mo Alyx, minsan okay lang din maging malungkot, dahil minsan ang pinaka jolly sa barkada s’yang may dinagdadaanan ng sobra.” Nag-act si Alyx ng parang kinikilig dahil sa sinabi ni Tita.
“Haha! Joke lang tita, emegesh Tita. Maraming salamat sa advice! I love you na talaga!” Medyo nagkatawanan namin kami dahil doon.
“Ikaw naman, Lian. Matalino ka, matured, maasahan at iba pa. Huwag mo pababayaan iyang tatlo ha? Ikaw ‘yung maging guide sa kanila. Ikaw ‘yung maging mabuting ehemplo nila. Don’t ever let your friendship be over okay? You must stay strong.” Then tita smiled.
“I will, tita.” Lian replied.
“Ayah.” Tita started. “Omygosh, tita. I’m all ears, I’m all ears.” Excited na sabi ko. Aba, minsan lang makarinig ng papuri kay Tita eh. Hehe.
“Ayah, maging malakas ka ha? Sa kasinungalingan ng mundo, labanan mo ito. Huwag kang papatalo hanggang makamit mo ang hustisya mo. Huwag kang bibitaw, huwag kang susuko. Dahil ikaw man sa puso mo, alam mo din sa sarili mo na may kulang sa pagkatao mo, sa tamang panahon, malalaman mo iyon, sa tamang pagkakataon, sana malampasan mo iyon. You must stay strong, Ayah. You must. Face the truth with courage, even though it could shatter you into pieces.” Agad akong natahimik sa sinabi ni tita, akala ko papuri ang maririnig ko eh. Pero sa ‘di malamang dahilan bigla akong kinabahan.
Magtatanong na sana ako noong biglang may teleponong tumunog. Kay tita-ng telepono iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko, ramdam na ramdam ko ang kaba. “Urgent. Bye girls.” Mabilis na sabi ni Tita saka tumayo.
Noong nasa pinto s’ya, hindi ko alam kung bakit kakaiba talaga ang pakiramdam ko. Noong ngumiti s’ya sa’kin bago tuluyang umalis, ngumiti din ako pabalik.
Dali dali na ding sumunod si Tito Peter sa kanya. Noong makaalis sila habang nagliligpit kami nina Alyx ng pinagkainan nina Shana. Alyx suddenly uttered...
“Grabe, ang weird ni tita. Parang namamaalam na eh.”
Little did I know, what Alyx had said was true. Little did I know that will be the last time, I’ll see her smile. The last time I’ll see her alive.
***
A/N: Yow Gangstars! Lol. Sali kayo sa group sa FB, dali! Paingayin nyo haha. RenesmeeStories WP Group. Tas follow me on twitter @RieChantie. ‘Yun langs. Abang abang lang tayo ng mga next chapters busy here! ^^ Comment pang-pamovitate, para mabilis ang update haha.
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top