Heir 46: From the Past
Heir 46: He Who Came From the Past
Ayah Lynn's POV
Noong medyo kumalma ako matapos umiyak, bumalik ako kung saan ko iniwan si Evans, ewan ko ba parang sinasabi sa'kin ng wonder pets at ni Dora na huwag kong husgahan si Evans na baka may rason s'ya, saka 'pag naalala o nakikita ko 'yung muka n'ya, naiiyak talaga ako at naawa sa itsura n'ya na tila ba pasan pasan n'ya ang lahat ng problema sa mundo.
Pano ko kaya i-cocomfort si Evans? Saka hindi pwede makita ng barkada na hindi na kami nakahandcuff sa isa't-isa baka magalit sila kay Evans. Nako nako nako talaga, tas paiiyakin nanaman nila! Ay, hindi pwede 'yun, reresbak na ako. Hindi ko pwede pabayaan si Evans!
Saka 'yung bata sa panaginip ko, bakit kaya naging si Evans 'yun? Teka nga, hindi pa naman confirm. Dedekwat muna ako ng picture ni Evans nung bata pa s'ya, para sure. Hehehe. Gwapo kaya si Evans nung bata o puchupuchu? Hehehe. Nakaka-excite tuloy makita. Pero gwapo 'yung nasa panaginip ko eh. Emeged.
Ikaw kasi Ayah eh, ang arte mo. Iiyak iyak ka pa d'yan, kaawa na nga 'yung isa. Tsk. Tsk. Tsk.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Evans na nakaupo sa sand at nakatakip ang kamay sa muka, mukang umiiyak pa din s'ya. Hay. Pano ba magpagaan ng loob ng lalaki? Hmm? Bigyan ko kaya ng candy? Ay, wala nga pala akong candy. Hehe. Hmmm? Kiss ko kaya? Waaa! Erase. Erase. Erase. Grabe Ayah! Ano nanamang nakain mo at kung ano ano nanamang naiisip mo! Tch.
Tumakbo ako papunta kay Evans at sinunggaban s'ya. "A-Aray!" Sigaw n'ya nung daganan ko s'ya, natawa naman ako dun, pulang pula ang mata eh, galing talaga sa iyak.
"Hoy Nathaniel Gabriel Evans! Ako nga, 'wag mo dramahan ng bongga d'yan. Sasapakin na talaga kita o kaya ipapatingin na kita sa doctor sa mental! Simula nung dumating tayo dito lagi kang may iniisip tas iiyak ka? Aba, lalaki ka ba?" I said to him as I got up from what I've done. ('Yung pag-dag-an ko sa kan'ya.) Tinulungan ko din s'ya tumayo. Tumingin s'ya sa madilim na langit at saka nagbuntong hininga.
"Payakap na lang." Mahinang sabi n'ya. Dali dali akong lumapit sa kan'ya saka s'ya, kinulong sa yakap ko. "Nako ka talaga, umiyak dahil 'di ka makakuha ng yakap sa'kin?" Takang tanong ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa n'ya. Agad akong napangiti doon! Yehey! Narinig ko na ang tawa ni Evans ulit!
"'Wag ka na umiyak ha? Kahit 'wag mo sabihin sa'kin ang dahilan kung ba't ka naiyak, okay lang. Basta promise mo sa'kin 'wag ka ng iiyak ulit." I said as he hugged me tightly.
"Opo. Kiss mo ko?-ARAY!" Hahaha. Napahawak agad si Evans sa braso n'ya noong kumawala ako sa yakap at hampasin s'ya ng malakas. Aba, ang lakas maka-chansing ng gagong 'to eh! Natawa naman s'ya ng kaunti dahil sa ginawa ko. "Yah! Ikaw ha! Niyakap ka na nga. Abusado eh!" I yelled at him. "Sorry na." Maamong sabi n'ya sabay higit ulit sa'kin para yakapin. Hinayaan ko na lang ulit s'ya, aba baka umiyak nanaman eh.
"Evans, balik mo 'yung handcuff." I murmured. "Bakit?" He asked. Aish! Gusto nanaman ata nitong mahampas.
"Ano ka ba, makikita nila Tim na wala na tayong handcuff 'no! Sasabihin nila ang daya nako! Tas sasabihin nila, ikaw 'yung traydor kahit naman talaga binigay lang ni Dora sa'yo 'yung susi!" Alma ko. Pero syempre joki joki lang 'yung kay Dora, ayaw ko lang kasi na pagdudahan nila si Evans. Kasi naman feeling ko talaga may rason s'ya ba't kami andito saka safe naman kami eh, may bonding at syempre mas naging close sa isa't-isa. Nakakatuwa nga eh, mas nag-strengthen 'yung bond namin dahil dito. Baka naman kasi ang plano nitong si Evans ay pasiyahin lang kami, gamit ang Adventure Dora Game! Hehe. Baka nga. Talino mo talaga Ayah!
"Ibang klase ka talaga mag-isip." Iiling iling na sabi n'ya kasabay noon ang pag-hahandcuff n'ya ulit sa'ming dalawa. "Syempre Ayah 'to eh!" Masiglang sabi ko sabay bigay ng encouring smile na abot tenga. He patted my head then smiled a little. "Kaya mahal kita eh-ARAY!" Hahaha! Natawa ako sa itsura ni Evans eh, halatang nagulat at nasaktan ng todo, pinalo ko kasi ulit sa braso.
"Nako ka talaga ha! May Cassidee ka na! Dun ka na!" Sabi ko sabay tulak sa kan'ya. Pero syempre bumalik s'ya sa'kin. Emeged. Ba't iba dating sa'kin ng sarili kong iniisip? Haha. Syempre, bumalik malamang! Naka-hadcuff na ulit kaya kami, juice ko naman Ayah, mga iniisip mo! Aish! Haha.
"Ayoko, sa'yo lang ako." Parang batang sabi ni Evans, pakiramdam ko namula ako dun. "Yah! Sasapakin na talaga kita isa pa!" Banta ko sa'kanya. "Sorry na po. Tara na balik na tayo dun? Baka hinahanap na nila tayo." Sabi n'ya sabay akbay sa'kin, kaya't nag-simula na kaming maglakad patungo sa kung saan sila.
"Gusto mo hiwalayan ko si Cassidee?" Aba oo! Waaa! Ayah, ang utak mooo! Ang ulooo mooo! Iuntog mo na plith? Ang bilis sumagot eh! "Gagawin mo?" Hamon ko naman. Aba, pakipot ala-ala. Hahaha. Joki joki lang talaga, ayoko naman manira ng relasyon ang sakit kaya nun.
"Sabihin mo lang." He retorted. "Gago. Ang relasyon hindi isang laro. Hindi 'yun tulad ng kung ayaw mo na, pwede ka umalis ng basta basta, hindi mo ba alam ang mga katagang 'masakit maiwan'? Sana una pa lang, hindi mo na itinuloy 'yung pagiging mag-fiancé n'yo noon pa, kung ganyan ka. Kung kayang kaya mo s'yang iwan para sa iba, nakakaawa 'yung kasunod na mamahalin mo, kasi panigurado mauulit lang 'yun." I said.
"Hindi mo kasi alam, mahal ko si Cassidee, oo." He said.
"Oh? Mahal mo naman pala eh, edi go." I said, kahit na... Waaa! Ba't may konting hurt ako? Tas naiinis nanaman ako kay Cassidee? Aish naman eh! Hindi ko 'to dapat maramdaman eh! Agh. Nakakainis ka Evans, kung ano ano na lang naiisip at nararamdaman ko dahil sa'yo eh!
"Aish, 'wag ka nga sabat ng sabat. Mahal ko biglang kapatid at kaibigan. Pero 'yung pagmamahal talaga, like 'the one' no. I don't think I'll ever love her as a woman, I told her so many times that I don't love her as someone whom I can spend my whole life with, but she refrained to listen, I know I sound unfair, but hell, it's her who don't listen." He explained.
"Hay. Malay ko sa inyo, in the first place bakit ba kasi kayo engaged?" Takang tanong ko.
"Kasi nawala ka." Hindi ko na rinig 'yung sinabi n'ya, kaya't hinayaan ko na lang dahil mukang ayaw n'ya naman iparinig. Bubulong ba, aba ayaw mag-share. Tsk. Tsk. Tsk.
Maya-maya pa matapos ang mahabang lakadan, nakadating kami sa place kung asan ang gang. Aba't! "'Yan ba ang naghahanap sa'tin?" Pang-aasar ko kay Evans! Aba hinahanap daw, eh nagpapakasaya sila eh! Haha.
Aba, kasi sina Tim at Lian nakayakap sa isa't-isa habang nag star gazing. Si Annicka at Skyler naman nag-susulat ng kung ano ano sa sand, tas biglang tatawa si Annicka at ngingiti si Sky. Si Shana at JJ nag-papalakasan braso 'yung parang fist fight ba 'yun? 'Yung magkahawakan 'yung kamay ng kalaban at kamay mo, tas maglalaban kayo ng palakasan, ang maibaba ang kamay talo. Nakadapa sila parehas sa sand tas naglalaro nun, tas natalo si Shana at bigla s'yang hinalikan ni JJ sa pisngi, nakita ko naman ang pagkaasar sa expression ni Shana pero tinawanan lang s'ya ni JJ. Si Alyx at Thon Thon naman nagbabato bato pik, syempre joke lang. Hahaha. Nakadantay si Alyx sa balikat ni Thon Thon at si Thon naman parang kinakantahan si Alyx. Nuks!
"Ang sweet talaga nila ha." Biro ko. "Inggit ka?" Biglang tanong nitong isa. Babatukan ko sana s'ya kaso hinawakan n'ya isang kamay ko. "Joke lang, hindi ka na talaga mabiro. Kaiiyak ko lang oh, hindi ba pwedeng maging sweet ka muna?" Pang-aasar n'ya. Aish! Topakin talag 'tong lalaking 'to!
"Aba aba aba! Ang landian! To the highest level ha!" I suddenly said aloud, kaya nabaling sa'kin ang atensyon biglang naghiwalay ( 'yung konti lang naka-handcuffs eh.) ang mga couples ng kaunti na tila walang nangayri. Hahaha. Mga itsura nitong mga 'to! Mga patay malisya eh. Hahaha.
Maya maya pa, lumalim na ang gabi at lumamig ang hangin. Magkakatabi ang couples syempre gawa ng handcuffs haha. Ang cute tuloy nila. Nag-aasaran pa eh, tutulog na lang. Nagkain kami kanina sa bonfire at nag kwentuhan ng konti, si Evans walang pinagbago ang tahimik n'ya pa din, na tila ba hindi naman s'ya nakikinig sa'min at nandun lamang katabi ko ngunit nalipad naman ang utak.
Nakapatong ang ulo ko ngayon sa dibdib ni Evans. Nakatingin din ako sa langit. "Ang ganda 'no?" Mahinang sabi ko. "Alam mo ba, ewan ko kung sang memorya galing 'to, pero parang pangarap ko mangkaroon ng ceiling na ganyan ang itsura, para kada titingin ako parang langit talaga nakikita ko." Kwento ko sa kan'ya. Then he whispered, "I know." Napataas naman ang kilay ko dun.
"Panong alam mo?" Tanong ko. "Basta." Tahimik na sagot n'ya. "Matulog ka na." Dugtong n'ya pa. Napa-pout naman ako dun kaya't wala akong nagawa kundi ipikit ang mata ko, dahil medyo inaantok na din naman ako.
Sa mga susunod na araw, bakit pakiramdam ko, parang kinakabahan ako? Hays.
Bago pa ako makatulog, ang ingay ng paligid mukang hyper pa ang ilang couples. Pero walang makakapigil pag antok na talaga ako. Bahala sila sa buhay nila. Tapon ko life nila kay Dora eh. Hehehe.
"Always remember I'm here to protect you, even though, I know... you'll curse me to hell." I heard someone whispered, I was too drowned into my thoughts that those words, seems like from a dream.
***
Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, pero ramdam ko ang malakas na hangin na tumatama sa buong katawan ko, kasabay noon ang isang malakas na ugong ng makina. Aish. Aga-aga may naririnig kang ganyan, nakakabarino ah. Napabalikwas na lang ako sa pagkakahiga ko sa asar.
"Hmm?" I heard Evans' voice, as I felt that he moved to got up. Dahil sa pagkaasar ko sa maingay na bagay na iyon at malakas na hangin na gumising sa'kin! Habang ang ganda ganda ng panaginip ko, napaka panira talaga ng umaga, agad din akong napabagon.
"Ano ba 'yang napakalakas na hangin at maingay na bagay na iyan?!" Asar na sigaw ko, saka lang ako nag-mulat ng mata. Noong una medyo blurry ang paligid pero later on, naging malinaw din ito. Nanlaki agad ang mata ko at napaturo sa bagay na iyon.
"O-omo?" Nauutal na sambit ko. Agad akong napalingon sa mga kaibigan ko, tahimik sila pero bakas ang pagkagulat sa muka. Pero nakatitig lang sila dun.
"Helicopter?" Antok na sabi ni Annicka kay Skyler, tumawa pa ito ng marahan. "Helicopter oh, Zeus. Sakay tayo?" Haha. Grabe, mukang bangag pa si Annicka. Inakbayan lang ni Zeus si Annicka and he patted her head. "Sleep." I saw Skyler mouthed.
"Boyfriend. Nanaginip pa ba ako, o nakakakita ako ng saging na lumilipad?" Takang tanong ni Alyx habang napikit pikit pa na tila kulang sa tulog. Ayan kasi bago ako makatulog kagabi narinig ko pa ingay ng mga 'yan, mukang nag-kukulitan. "Girlfriend ano ka ba. Hindi saging 'yan. Tutubi 'yan. Kita mo may pakpak oh. Hahaha!" Tawa naman ni Thon Thon sabay bagsak at napahiga ulit. Seriously? Anong oras silang natulog at parang lasing na lasing pa?
"Good boy. Halika na tulong 'yan oh. Pero inaantok pa talaga ako." Sabi naman ni Shana. Samantalang si JJ. Bagsak pa sa buhangin at nakahiga. Haha. Ano kayang ginawa nitong mga 'to kagabi?
"Pandak. Tumayo ka buhatin mo ako at isakay dyan sa helicopter na 'yan, uuwi na tayooo." Sabi naman ni Lian habang nakapikit. "Teka Siopao, inaatok pa talaga ako. Five more minutes." Takte. Kami lang ba ni Evans nakatulog ng ayos kagabi?
"Evans, anong meron sa mga 'yan? Parang lasing?" Takang tanong ko.
"Lasing nga." He retorted. "Whut?!" Gitlang sambit ko. Napakamot naman ng ulo si Evans. Sinamaan ko s'ya ng tingin na tila ba, humihingi ako ng paliwanag, he sighed in defeat. "Ganto kasi, kagabi. Gusto ko sana maglasing ng akin lang. Sabi mo bawal umiyak edi maglasing na lang. Alam mo naman na ako may pakana kung ba't tayo andito. Edi sinabihan ko 'yung mga tauhan na dalhan ako ng alak. Kaso, nakita ni Thon na may alak ako sa kabutihang palad 'di n'ya nakita mga tauhan at tanging alak na bubuksan ko pa lang, tsk ang daming bote pa naman nun. Ayun, uminom ang gago. Nagising din 'yung iba maliban sa'yo kaya nagpakalasing sila. Darn, I didn't even get to drink a single shot because of them. Ininterogate pa ako ba't ako may alak, kaso mga lasing na ata, kaya sabi ko pinadalhan ako ng sirena. Ang mga gago naniwala. Malay ko ba naman kasi sa'yo tulog mantika ka." Napahagalpak na lang ako ng tawa sa kinuwento ni Evans. Grabe! Haha. Galing sa sirena? Naniwala sila? Hahahaha. May saltik ba 'tong mga 'to?! Hahaha.
Itinayo ako ni Evans matapos kong magtatawa, at saka n'ya tinaggal ang handcuff namin at saka ako binalutan ng bath robe at binuhat papunta sa helicopter, inutusan n'ya 'yung ibang tauhan na nakasakay sa helicopter na dalahin 'yung mga lasing naming kaibigan. Matapos noon, mga balot na din sila ng bath robe at tulog pa din. Tanging kami lamang ni Evans ang gising ngunit nanatili kaming tahimik. We travelled back to our city, in peace.
Habang nasa ere kami nakikita ko ang ganda ng nature at hindi ko maiwasang tahimik na mapangiti. Hanggang sa 'di ko maiwasang magtanong. "Bakit mo kami pinakidnap doon?" I asked.
"I just wanted to have a bond with all of you." Tahimik na sagot n'ya. "Ba't 'di mo na lang sinabi sa'min?" I asked again. "So it'll be more thrilling." Simpleng sagot n'ya. Hindi na ako nagtanong pa, dahil feeling ko talaga may mas malalim na rason ngunit ayaw n'ya lang sabihin.
Matapos ng conversation namin na 'yun, nanatili na lang akong tahimik at nakatanaw sa nature, habang andito sa helicopter, hindi nagtagal. Nakadating din kaming lahat sa mini airport ng school at dun nag land.
Walang tao sa mini airport parang sinecure ang lugar. Then there are cars that will bring us into our own cabins, at saka ako nilapitan ni Evans nung nasa kotse na kami nila Shana. "There will be doctors in your cabin. Take care always dummie." He said as he held my hand and kissed my forehead, at saka s'ya tumakbo pasakay sa isang sasakyan. Napangiti na lang ako sa kan'ya matapos noon. At nanatiling tahimik sa buong byahe papuntang cabin.
Noong makadating kami sa cabin mukang may mga nag-iintay na nurses at inalalayan sina Shana na medyo may malay na. They did different tests on all of us, and okay naman kami, lasing lang talaga 'yung tatlo.
The nurses and doctor gave the three, medicines for their hang-over, pagkatapos nun hinayaan nila silang magpahinga. Samantalang ako nag shower at naglinis maigi ng katawan, aba ang alat ko kaya. Haha. Sayang pala hindi ko nadala sila Alyx dun sa falls, hehe. Memorable place ko na pala 'yun kasama si Evans. Unconsciously, napangiti nanaman ako with the thought of Evans, hay grabe lagi na lang. Tsk.
Matapos kong mag-ayos ng lahat, feeling ko fresh na ulit ako. Haha. Humiga na lang ulit ako sa kama ko. Yay! Ang labot! Hihihi. Ang saya talaga. Sakit ng likod ko sa buhanginan eh. Haha. Pero isa 'yung great experience. Gusto ko tuloy mag spa at magpa-massage dahil dun. Labas kaya muna ako? Tulog pa 'yung tatlong bruha eh. Ang boring naman eh.
Bumababa ako ng cabin at naabutan ko si Tita sa salas, agad akong tumakbo sa kan'ya at niyakap s'ya. "Titaaa!" Tuwang tuwang bangit ko sa kan'ya. Ngumiti s'ya sa'kin at niyakap ako. "Kamusta?" She asked.
"Ang saya sa island, tita!" Masayang sabi ko.
"Mabuti nag enjoy ka." Nakangiting sabi nito. Napataas ang kilay ko doon. "Alam mo tita?" Takang tanong ko. She just nodded. "I'm your précepteur, of course I know." Ay, pero sino nagsabi sa kan'ya?
"Someone I trusted the most, told me. Ayah, always remember, I will never be your enemy, your blood saved me from everything, and I'm glad to be a part of your life since then." Hindi ko narinig 'yung mga huling sinabi ni Tita dahil tumalikod s'ya sa'kin, tanging 'yung someone I trusted the most, told me, lang narinig ko. Aish, ba't ba ayaw magshare ng mga tao ngayon? Kaduga. Napa-pout na lang tuloy ako.
"Tita, punta akong mall dito? Anong tawag sa mall dito?" Tanong ko. "Sa Shop Building? Anong gagawin mo dun?" Takang tanong ni tita. Ngumiti ako. "Spa tita. Hehe." Napailing iling naman si tita doon. "Hatid na kita." She said. "Talaga?!" Masayang sabi ko, she nodded, kaya't dali dali akong sumunod sa kan'ya aba baka magbago pa isip eh.
***
Hindi nagsalita si Tita sa kotse, kaya 'di na din ako nagsalita. Pagkatapos ng maikling byahe, dumiretso na din ako sa loob ng Shop Building. Pagkadating doon. Medyo madami ding tao. Wala palang pasok ngayon, sabi daw, holiday ng school. Aba malay ko sa kanila.
Naglakad ako sa mga botique shops doon, at naglibot libot, ang mamahal ng bilihin pero ang gaganda din, bumili nga ako ng dalawang dress at crop tops. Ang cucute kase. Hehe. Bumili din ako ng friendship bracelets. Ang cute kasi nung nakita ko sa isang shop dun, pwde syang personalized. Ginawan ko 'yung apat ng bracelets, including Annicka, tutal naging kaibigan ko na din s'ya. Syempre meron din ako. I made some butterfly designed bracelet for Alyx with a letter 'F' on it. Fortaleza. Ang cute nung bracelet na gawa ko for Alyx, angkinin ko kaya? Hehe. Joke lang. Kay Lian naman gumawa ako ng music bracelet like 'yung may mga notes s'ya tas may mga instruments din. Bagay na bagay kay Lian. May letter 'V' naman 'yung kay Lian for Valle. Kay Shana naman, I made a simple desinged bracelet na 'yung mismong parang lace na 'yung may design kasi ayaw ni Shana ng magarbo tas may isang palawit lang 'yun na letter 'R' for Roberts. Simple but it looks elegant, sure ako matritripan 'to ni Shanabells. Kay Annicka naman, dahil makulit at parang angel si Annicka, I desinged it simple as possible, 'yung tipong halos walang ganung design at isang pares ng pakpak lang ng angel ang palawit, pero kahit ganun ka simple tingnan 'yun alam kong babagay din kay Annicka 'yun! Hehe. Ang cute. Parang letter 'W' din 'yung pakpak tutal, Williams s'ya, sana magustuhan n'ya. As for me. Syempre meron din ako. Hehe. Puro letters palawit nung akin na bumubuo sa salitang, 'Empire' hehe. Parang ang cute kasi kung Empire bubuuin kong word, tutal, lagi silang empire ng empire, naglagay din ako ng isa pang palawit na baril. Pagkatapos ko design-an ang lahat ng bracelets, bumili ako nung box nila, syempre para presentable pag binigay ko sa kanila. Ang ganda! Perfect! May gift ako para sa girls! Hehe.
Umalis na ako sa shop na 'yung pagkatapos. Napadaan ako sa isang bake shop. Hmm? Gawan ko kaya ng personalized cupcakes at cookies ang boys? Tutal may hang-over sila eh ay dapat pala soup. Hehe. Pero parang ang cute nung cupcakes at cookies eh! Napa-pout na lang ako, at dumiretso papasok sa bake shop para bumili ng ingriedients, marunong ako mag-bake gawa ni Tita at nina Lian, bonding namin 'to noon eh. Ay! Pwede ko sila akitin mamaya para pag-bake din nila ang mga jowa nila. Wahahaha. Ansarap asarin ng mga 'yun! Landi eh. Haha. Akitin ko din kaya si Annicka? Hehe. Nice one Ayah, ang ganda ng nasa isip mo!
Natapos kong bumili ng lahat ng ingredients, lumabas na din ako sa store na 'yun at dumiretso na sa spa. Mabuti na lang may counter 'yung spa kung saan pwede nilang dun ilagay mga binili ko. Masyadong madami eh. Hehe. Napasaya ako pag-shoshopping. Nakakamiss din pala, kahit tatlong araw at dalawang gabi lang naman kami sa isla.
Nag pa foot spa muna ako, tas may free nail art sila sa kamay kaya pumayag ako sa hand spa nila. Mabuti na lang napalitan at natakluban ko na 'yung nagcoconceal sa mga tattoos ko sa magkabilang wrist ko. Kaya maayos at secure na ulit.
Maya maya pa nag-pa massage na din ako. Hay. Ang sarap sa pakiramdam. Hehe. Iingitin ko pala 'yung tatlo mamaya. Haha. Ayan kasi anlakas ng loob uminom, tumba naman pala. Hahaha. Hindi ko alam kung ilang oras ako sa spa na 'yun. Pero kahit na ang refreshing sa pakiramdam. Pati ata facial, napasubo ako eh. Haha. Mabuti na lang 'di ako nangitim sa island na 'yun. Matapos ko sa spa na 'yung feeling ko sobrang linis ko. Grabe! Ilang araw din kaya akong 'di naligo. Hahaha.
Sinabi ko kay ateng staff kung pwede ko iwan muna 'yung ibang dala ko kasi ang dami talaga. Pumayag naman sila. Kaya umalis muna ako at naglibot. Pumunta naman ako sa hair salon. Feeling ko ang lagkit ng buhok ko eh.
Nagpa-gupit din ako ng konting konti lang at pinakulot ko ng konti 'yung ilalim at saka pinakulayan ulit ang buhok ko. Waaa! Feeling ko talaga galing ako sa break up eh. Hahaha. Ang lakas ko mag-paganda. Pero keribells lang, hindi naman eh. Sadya naman talaga akong maganda. Mwahahaha.
Matapos ko sa salon, umalis na ulit ako dun. Hmm? Ano kayang mabili. Bili kaya ako ng new phone case? Ay nako, ang gastos ko na. Haha. Uwi na kaya ako? Para makapag-start na din kami ng baking? Ay nice nun!
Dali dali akong naglakad papunta sa spa para kunin ang mga binili ko, para makauwi na din ako. Kanino kaya ako magpapasundo? Hmm. Tawagan ko na lang si Tita.
"Hello, tita?" I said, noong sagutin n'ya ang phone n'ya.
["Ye, agassi. Problem?"] She asked, I shook my head as if she could see me. Hehe. Patuloy ako sa paglalakad para puntahan 'yung spa, medyo malayo eh.
"Wala, tita. Hmm? Pwede mo ko sunduin? Masyado kasi ako madaming napamili eh. Ay tita, kung wala kang gagawin, 'yun- papasundo sana ako." I retorted.
["I have something to do. I'll ask a driver to pick you up. What time?"]
"Now na din tita, kukunin ko lang mga pinamili ko lalabas na din ako dito." I said. Saka ko natanaw 'yung spa, kaya't dali dali akong naglakad papunta dun.
["Alright. 5minutes. I'll hang up. Bye."] Then I heard the beep sound, so I pocketed my phone and started to walked to the spa. As I got in front of the spa, two girls suddenly blocked my way.
"Excuse me." I urgently said. Gusto ko na umuwi eh. Naeexcite ako magbake. Hehe. Pero imbis na padaanin ako nung dalawang babae, nanatili silang naka-harang sa dadaanan ko. Aba't nang-aasar ba sila, saka kung makatingin sila, para namang may masama akong ginawa. Lakas mag-assume. Tss.
"Dadaan ang reyna, tumabi kayo 'di kayo bagay sa level n'ya." Mataray na sabi ko. Ayaw ako padaanin eh. Bigla namang tumawa ng nakakainsulto 'yung dalawa sa sinabi ko. Napa-cross arms naman ako dun. Anong nakakatawa? Nababaliw na sila?
"Reyna ka? Tss. Don't be a feeler, Ayah Lynn Rivera, in this school there's only one queen, and that's Cassidee Therese Servilla." One of the girl said smirking.
"Oo. Reyna ng ano? Demonyo? Geh lang." I nonchalantly retorted. Aish, ano ba 'tong dalawang 'to gusto ng away? Napatingin ako sa relo ko, 3 mins na nakalipas, nako magiintay pa si kuya driver sa'kin.
"Move." Mahinahong sabi ko. Ayaw ko ng away, pero 'pag ako naasar ng bongga, pagsisihan nila.
"Sino ka para utusan kami?" Sabi naman nung isa.
"At sino ka para harangan ako?" Nakataas kilay na sabi ko. "Tumabi ka na, bago ka mabalian ng buto." Sabi ko sa kan'ya saka s'ya tingnan ng masama at tinabig kaya't nakapasok ako sa spa, ngumiti ako sa staff doon, at saka sila kumilos para ilabas 'yung mga pinamili ko.
Hindi ko pa man nakukuha 'yung mga pinamili ko, naramdaman ko na 'yung presensya sa likod ko na tila gusto akong sabunutan. Agad akong humarap sa kan'ya at hinawakan ng mahigpit ang kamay n'ya at saka iyon pinilipit.
"Kagagaling ko lang sa salon, sasabunutan mo 'ko? Kung pagbayadin kaya kita ng triple?" Asar na sabi ko sa babaeng nangharang sa'kin kanina. I don't need to know their names, they are not important at all tss. Pilit binabawi nung babae 'yung kamay n'ya ngunit di ko s'ya binitawan.
"You bitch! Sino ka para agawin si Nathaniel kay Cassidee ha?!" Galit na sigaw nito sa'kin. I smirked because of that.
"Sino ko? Kasasabi mo lang ng pangalan ko kanina 'di ba? Tanga lang?" I retorted, as I pushed her away, kaya't napasalampak s'ya sa sahig. Lumapit naman sa'kin 'yung isa at sinigaw sigawan din ako.
"Ang landi landi mo! Alam mong mag fiancé na. Kumakabit ka pa!" She yelled at me, medyo nakagawa na kami ng eksena sa loob ng store dahil sa ingay nila. Aish. Nako, nagmamadali ako eh. I placed my index finger to my lips to hush them.
"Be careful from what you are saying, ladies. You don't even know the whole story." I said. Saka ko kinuha ang mga pinamili ko at nilampasan ko sila. "Ang bibig ng mga chismosa, magandang isara lalo na kung may masasang na amoy na." Bulong ko sa kanila, saka ko sila nilampasan ng tuluyan. Narinig ko pa silang nagtitili dahil sa inis. Losers, tsk.
Naglakad na ulit kaso, may naramdaman akong may nagbato ng kung ano papunta sa direction ko, kaya agad akong tumungo at ala alang nag-ayos ng sapatos. Tss. Magbabato lang sala pa. Agad akong napatingin sa sapatos na lumagpak sa harap ko, heels s'ya at mukang elegante. Tumindig ako at saka lumingon sa likod ko. I smirked because of what I saw-no, because of someone I saw. Cassidee.
Lumapit si Cassidee sa'kin. Kasama 'yung mga alipores n'ya. Tsk. 'Yung kaninang nangharang sa'kin. So ano sila ngayon? Powerpuff girls? Ay okay na 'yun, 'wag lang ang paborito kong wonder pets. Hehe.
"Ang ganda ko naman para batuhin mo." I said.
Nakapamewang na lumapit si Cassidee sa'kin. "Maganda ka? Baka naman malandi lang." She retorted, I nearly pulled her hair dahil presensya n'ya pa lang inis na inis na talaga ako. Agh.
"Oh, baka para sa sarili mo 'yan?" I replied. She laughed to show her sarcasm.
Lumapit pa s'ya sa'kin then she smirked. "Huwag na huwag mo ng lalapitan si Nate, dahil kaya kong ipapatay ang mga kaibigan mo." Agad uminit ang ulo ko dahil sa sinabi ni Cassidee. How dare she? Idadamay n'ya mga kaibigan ko dahil sa lintek na pagka-obsessed n'ya kay Evans. Huh! Nasa katinuan pa ba s'ya?
"Kaya mo, Cassidee? Dadaan ka muna sa'kin." Banta ko sa kan'ya.
"Yes I can. And I will." She smiled sweetly. "And I can also, eliminate you in this school." Talagang pinapainit ng Cassidee na 'to ang ulo ko ah. Hindi ito maganda. Kailangan ko kontrolin ang temper ko. Baka masapak ko 'to ng wala sa oras, poise Ayah. Poise.
"Geh. Ikakasaya mo eh." Bored na sagot ko.
"Nga pala, napag-alaman ko. Ampon ka 'di ba? Haha. Nakakaawa ka naman pala. Siguro malandi din ang nanay mo, tas madami kang kapatid na anak s-" hindi na natapos ni Cassidee ang sinasabi n'ya noong, bigla ko s'ya sakalin sa leeg at idiin sa pader. Malapit lang kasi kami sa pader.
"Ano ulit Cassidee?" Mapanganib na tanong ko sa kan'ya.
"Bakit? Malandi ang bunga, malamang malandi din ang ugat. Bakit? Natamaan ka?" Kahit nahihirapan na s'yang magsalita, hindi pa din s'ya natinag. Tiningnan ko s'ya ng matalim. Ngumiti pa ito na tila nasisiyahan sa pag-kaasar ko sa kan'ya, kaya't tinggal ko ang kamay ko sa leeg n'ya. Naghabol ito ng hininga, pero nanatiling nakangiti sa'kin. Agh. Lakas mang-asar.
"Don't be too happy when you look at me." I firmly said, masyado na ata s'yang nasisiyahan asarin ako. Tss.
"What do I do? I feel happy every time I converse with you." Mapang-asar na sagot n'ya. Pero nag-smirk lang ako.
"Pakamatay ka." I retorted.
"Ikaw kaya unahin kong patayin?" Sagot naman n'ya. I smiled sweetly at her, gusto ko na kasi talaga umalis. Mag-babake pa ako eh. Tss. Balak ko pa naman pumunta pa sa headquarters.
"Bahala ka. Pero ito ang tandaan mo Cassidee, masamang ginagalit ang mabait." Nakatitig sa mata na sabi ko sa kan'ya, sabay ang pag-taas ang isang sulok ng labi ko, saka ko s'ya tinalukuran bitbit ang mga pinamili ko.
Hinaya ko ang kamay ko, para bumuwelo na sampalin s'ya. Nanatili s'yang nakatingin sa'kin, isasampal ko na 'yung kamay ko sa pisngi n'ya at halatang kinakabahan s'ya, sasalagin n'ya na sana eh. Kaso bigla kong nilapit sa muka ko ng kaunti 'yung kamay ko at hinipan ang kuku ko. 'Oishi!' Gusto ko sana sabihin kaso, iniba ko.
"Masyadong precious ang kamay ko para lumapat sa walang kwenta mong muka, 'wag kang umasa. Bye, Ms. Servilla." Saka ko s'ya kinawayan at poise na poise akong umalis doon.
Hay salamat, akala ko hahaba pa pakikipagtalo ko sa babaeng 'yun eh, haha.
Tumakbo na ako palabas, dahil baka iniwan na ako nung kuyang driver. Lumingon lingon ako sa paligid para maghanap ng nag-aantay. Tapos may lumapit sa'kin, na lalaki. "Ms. Rivera? Ms. Theanna Vigor sent me to pick you up." Saad niyo kaya't ngumiti ako at ibinigay ko sa kan'ya 'yung mga dala ko.
Dumiretso ako sa kotse n'ya. At saka kami byumahe, maikli lang din 'yung byahe. At tahimik lang ako on the way dahil naiinis pa din talaga ako kay Cassidee. Tss. Karapatan n'yang sabihin 'yung mga sinabi n'ya kanina? Bakit ba ang OA n'ya pagdating kay Evans? Agawin ko sa kan'ya 'yun para asarin s'ya eh. Tsk. But, I don't play like that. I stab in front, never on the back.
Nakadating din kami sa cabin tinulungan din ako nung driver na buhatin 'yung mga ingredients papasok sa bahay. Gising na 'yung tatlo at nanunuod ata sila ng movie ngayon. "Hoy, Ayah! San ka galing ha?" Bungad nila sa'kin. Lumapit sila kay kuya driver para kunin 'yung ibang pinamili ko. At inilagay sa kusina.
Ipinanik ko naman sa taas 'yung ibang mga pinamili ko, including the bracelets for the girls. Baka mamaya buklatin nila eh. Mamaya ko na ibibigay sa headquarters, para andun din si Annicka.
"Ganda natin ah." Biglang sabi sa'kin ni Alyx.
"Nag-pa-salon at spa ka?" Tanong ni Lian. I nodded.
"Ang daya." Sabi naman ni Shana.
Tinawanan ko silang tatlo. "Ayan kasi, lakas mag-lasing. Hahaha." Pang-aasar ko sa kanila, kaya't napasimangot sila. Maayos na din naman ang itsura nila, mukang nakapaligo na ng sampung beses hahaha.
"Alam n'yo tulungan n'yo na lang ako. Mag-bake tayo for the boys." I said. Biglang ngumiti 'yung tatlo. "Game!" Masayang sabi nila. Agad kaming dumiretso sa kusina at naghugas ng kamay at saka hinanda lahat ng ingredients na binili ko.
"Girls, ba't mukang trip na trip n'yo na ang boys ha?" Tanong ko.
"It's been how many months na ba since nakakasama natin sila Ayah, matagal na din. They are caring, protective, cool, jolly, a little childish, and drop dead gorgeous, plus hot pa." Sabi ni Alyx.
"Saka bukod doon, hindi n'yo pansin? Tayong limang babae, including Annicka, ang only exception nila. Ang sasama kaya ng ugali ng mga lalaking 'yan. Siguro ikaw Ayah 'di mo pa nakikita, pero 'pag 'di tayo magkakasama nakikita ko sila, grabe sila magpatraining at mag bigay ng parusa 'pag alam nilang may mali ang estudyante." Lian said.
"They are like, special to us. Aminin n'yo man o hindi. Macharms sila eh, at saka nakakatuwa na sa'tin lang sila nagbigay ng ganung ugali at atensyon." Shana added. Napatango tango naman ako dun. So they really feel special when they are with them? Nako, nabingwit na ng mga 'yung mga kaibigan ko ah. Bibigwasan ko sila, pag-sinaktan nila ang mga kaibigan kong babae.
Habang nag-gagawa ako ng mixture ng cupckaes, may nag-door bell, kaya agad akong nag-volunteer na ako na magbubukas. Agad kong tinngnan 'yung nasa screen. Waaa! Saktooo andito si Annicka, dali dali akong lumabas, kahit magulo 'yung pagkakatali ng buhok ko at may apron ako.
"Annicka!" Kaway ko sa kan'ya saka bukas ng automatic na gate, saka ko s'ya sinalubong. Ngumiti ito sa'kin, at lumapit.
"Anong ginagawa n'yo, Ayah?" Tanong nito.
"Nag-babake kami ng cookies at cupcakes, para sa boys. Gusto mo tumulong?" Tanong ko. Ngumiti ng malawak si Annicka. "Talaga?!" Masayang sabi n'ya. I nodded happily. And we excitedly headed to the kitchen of our cabin.
Matapos naming gawin 'yung mixtures, nilagay na namin sa oven 'yung mga ginawa namin. Tuwang tuwa sila Annicka dahil sa ginawa nila. Marunong din pala mag-bake si Annicka. Ang nice. Gumawa na din kami ng icing habang nag-iintay mabake 'yung cupcakes. Ni ready na din ni Lian 'yung boxes na paglalagyan namin. Ang tagal naming natatawanan at nagkukulitan sa kitchen ang saya lang.
Medyo matagal tagal din naming inantay na tumunog 'yung oven. Pagkatapos nung, nilagay namin sa cooling rack 'yung mga cookies, pati na din mga cupcakes. Maya maya namin de-decorate-tan 'pag malamig na.
Nag-kwentuhan na lang muna kami ng kung ano ano habang nag-iintay, noong lumamig na 'yung baked good, nilagay namin sa jar na may ribbon 'yung cookies. Tapos sinimulan naming design-nan 'yung mga cupcakes. Habang nagdedesign ng cupcakes, nakangiti ako dahil nakikita ko na talagang effort 'yung girls, may kanya kanyang box pa ng cupcakes 'yung mga lalaki. Syempre nasa sa'kin 'yung box ni Evans. Para mas mainis si Cassidee hahaha.
I've designed the cupcakes a little cute, mga cartoon characters na animals ginawa ko. Hehe. Meron si Cookie monster, meron din si Shaun the sheep, meron ding duck, haha. Si donald duck. At madami pang iba. Ang cute nila. Parang nakakahinayang kainin. Tapos sa gitna noong box ng cupcakes. Ang design ay 'yung parang logo ni Superman, 'yung may S. Para kasing superman ko si Evans, laging andyan pagkailangan ko. Pero inaaway ko naman lagi hehehe. Tas 'yung ibang natitirang walang design na cupcakes sa box na 'yun nilagyan ko na lang ng 'Evans' at 'Gab-Gab' nako sana magustuhan n'ya 'to.
Clinose ko na 'yung box matapos kong magdesign. Mukang tapos na din sila Annicka, kaya't tinabi na nila 'yung boxes. Napangiti naman ako noong may nakita akong tirang cupcakes sa lamesa at may mga icing iyon. Agad kong nilapitan si Lian at pinahidan noon. Kaya't nag-simula ang riot sa kusina. Hahaha.
"Hahaha. Yah! Ang lagit ko na!"
"Teka! Taympers!"
"Aish! Hahaha. Gantihan!"
"Ang tamis! Haha!"
"Susumbong kita kay Dora!"
Natawa na lang ako sa ingay namin. Haha. Nagkatuwaan pa nga daw, bago mag-impis. Noong napagod kami sa pagkukulitan, naglinis na kami. Pagkatapos namin mag-bihis, nagpalit na kami ng damit. Si Annicka naman, pinahiram ko na lang ng damit.
Tapos naupo kami lahat sa sala. "Girls, nasa headquarters ang boys, pinapupunta na tayo." Sabi ni Annicka. Napa-yes naman kami lahat, dahil 'yun lang naman ang go signal namin at aalis na kami at pupunta doon.
Dali dali naming kinuha 'yung mga cookies at cupcakes. Tapos may kinuha din akong weapons for the boys ( eto 'yung dati nung blue moon pa ako, sa mga kagang ko regalo ko sa kanila, kaso hindi ko na naibigay kaya ibibigay ko na lang kayna Evans, buti naitabi ko pa 'yun at hindi 'yun kasama sa nanakaw dati ) gift ko lang sa kanila 'yun. Tas 'yung bracelets para sa girls.
Matapos noon. Sumakay na kami sa sasakyan at dumiretso sa headquarters.
Pagkadating namin doon. Nakaupo ang boys sa entertainment corner at nanunuod ng movies. Tahimik lang sila. Andito din si Evans at Skyler, kumpleto nice.
"Oy, andyan na pala kayo. Nood tayo." Akit ni Tim Tim. Ngumiti ako. "May ibibigay kami." I said, kaya't nakuha noon ang atensyon nilang lahat. Mukang naexcite sila.
"Oh. Pandak." Sabi ni Lian. Sabay lapit kay Tim. Ibinigay n'ya 'yung box ng cupcakes. Tapos nag-usap 'yung dalawa na parang may sariling mundo na nakaupo sa isang tabi.
"Boyfriend, lason oh." Natawa naman kami sa sinabi ni Alyx. Haha. Adik talaga nito.
"Hey, for you." Maangas na sabi naman ni Shana kay JJ. Haha. Ang cute ni Shana, halatang nahihiya eh.
"Baby Zeus~" Emeged, kinikilig agad ako sa pagkaka-approach ni Annicka kay Skyler na nakasimangot sa isang tabi, pero noong tawagin s'yang baby Zeus ni Annicka, eh, nakita kong nagpigil ng ngiti si Skyler, haha. Ang cute.
"Tss. You really love teasing me, baby Hera?" Ganti ni Skyler. Kaya't nagkanchawan kaming lahat. Haha. Sila na ang baby couple. Hart hart. Hahahaha.
Samantalang ako umupo ako bigla sa lap ni Evans ang adik eh, hindi ako pinansin asar. Haha. "Aray!" Alam n'ya pero tinawanan ko lang s'ya. Saka ko padabog na ibinigay 'yung box ng cupcakes. Napangiti naman s'ya. Saka n'ya ko niyakap sa bewang agad kong tinampal ang kamay n'ya saka ako tumayo, natawa naman s'ya ng konti doon.
Kinuha ko 'yung isang paper bag na dala ko, tas isa isa kong inabot sa boys 'yung weapons. 'Yung weapons na parang lalagyan ng pocket knife, pero may nalabas doon na laser, blade, knife, door knob opener, nagiging spray din sya na ginagamit 'pag gusto mo makita 'yung finger prints at etc. At pwede din s'yang emergency call.
"What's this Ayah?" Tanong ni Tim. Tapos tina-try n'ya pindutin 'yung button at ayun lumabas 'yung iba iba't weapons at napa-spray din s'ya. Hahaha. Nakakatawa itsura ni Tim nung biglang may nag spray eh.
"Cool." JJ said.
"Naks, Ayah. Magkano 'to?" Agad s'yang binatukan ni Alyx dahil doon hahaha. "Babayadan mo? 'Wag na. Sabihin mo libre na lang." Baliw talaga 'to si Alyx. Haha.
"Haha. Regalo ko sainyo 'yan." Nakangiting sabi ko.
"Grabe Ayah. Ang ganda talaga." Sabi ni Thon.
"This is awesome. Thanks." Skyler smiled at me. Yiee~ kahit kay Annicka ka. Crush pa din kita, hahaha.
Samantalang si Evans ngitian lang ako.
"Awdee, kami wala?" Biglang alma ni Alyx. Natawa naman ako dun. Kaya nilabas ko 'yung malilit na presentable boxes kung saan nasa loob noon 'yung bracelets.
"Lian!" Sabi ko sa name n'ya saka ko inabot 'yung regalo ko.
"Shana." Then I also gave her that.
"Alyx." Saka ko binigay kay Alyx.
"And Annicka!" Masayang sabi ko sabay abot nun kay Annicka. Sabay sabay nila 'yung binuksan 'yung boxes, at natouch ako nung makitang gustong gusto nila 'yung bracelets. Tingin pa lang kasi nila, makikita mo na. Tapos sabay sabay pa silang tumakbo sa'kin at niyakap ako.
"Waaa! Salamat talaga Ayah! Ang ganda!" Sabay sabay na sabi nila. Kaya't natawa naman ako doon.
Umupo na ulit sila at sinuot iyon. Tuwang tuwa sila sa binigay ko. Hay salamat naman. Tas pinagmayabang pa nila 'yun sa boys. Haha.
"Ayah. Andami mong binigay ah. Nagpapaalam ka ba?" Napataas naman ang kilay ko dun, baliw. Haha. Lakas topak talaga 'to si Thon. Magsasalita na sana ako nung biglang tumunog 'yung buzzer dito. May tao sa labas. Tumayo tuloy ako, saktong tumayo din si Evans.
"Ako na." Sabay na sabi namin. Kaya't natawa 'yung iba. "Parehas na kaya kayo." Suggest nila. Kaya't napa-tango ako. Oo nga 'no. Haha.
Sabay kaming pumunta ni Evans sa entrance ng headquarters. Tapos may nagtatawanan sa likod namin. Aba't sumunod pala lahat. Topakin.
"Si Cassidee 'yan." Natatawang sabi ni Annicka.
"Nako patay tayo!" Sabi naman ni Thon kaya't nagkatawanan kami.
Binuksan na ni Evans 'yung pinto hindi pa din matanggal ang ngiti sa labi ko, ngunit noong makita ko kung sino 'yung nasa pinto. Natigilan ako. Naistatwa ako. At nanatiling nakatitig sa kan'ya na tila ba isa s'yang multo. At unti unting nawala ang ngiti sa labi ko.
"Long time, no see. Lyx. Ana and Naya." Natigilan din sina Alyx dahil doon. Kinabahan din sila sa nakita nila. Na tila hindi sila makapaniwala.
Naramdaman kong hinawakan ni Evans ang kamay ko, kasabay noon ang pagbaling ng tingin sa'kin ng lalaking nasa harapan namin ngayon. Pakiramdam ko nanlalamig ang buong katawan ko, hindi din ako makapagsalita, at tila ba nanghihina ako. Kaya't napakapit ako ng mahigpit kay Evans at saka pumikit, hinihiling na sana mawala na 'yung lalaking nasa harap ko.
Napaatras ako ng kaunti sa panghihina, kaya't naramdaman kong inalalayan ako ni Evans, saka ko dandahan na minulat ang mata ko. Wishing he's gone...
...but he stood there, staring at me with coldness and anger.
"Annyeonghaseyo. Riyah." Lalo akong nanghina noong tawagin n'ya ako sa pangalang iyon. Ri-vera and A-yah, makes Riyah. Damn him.
"Perseus Kurt Villamor." He who came from the past, and he who cursed me to the depths of hell.
***
A/N: Lame. Haha. [Unedited]
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top