Heir 45: Twisted Way

Heir 45: Twisted Pathway [ A Way to Everything ]

Ayah Lynn’s POV

Nagising ako sa sinag ng araw. At sakit ng katawan ko, at may nakayakap sa’kin kaya’t hindi ako ganung makagalaw. Enebe nemen yen. Nakayakap kasi sakin si Evans tapos naka-ulo ako sa balikat n’ya at nakayakap din ako sa bewang n’ya. Juice ko. Juice ko. Pano kami napunta sa gantong pwesto ng pagtulog?!

Eh, ang katabi ko ay si Lian at Annicka ah?!

Agad akong napabangon dahil doon. Wala na akong paki alam kung magising si Evans sa biglaang pagbangon ko dahil nakanakaw nanaman siya ng halik kagabi. At tinawag pa akong, ‘Light,’ ng gago. Kung sino mang Light talaga ‘yun. Bibinggo na s’ya sa’kin. Aba! Kami magkasama ni Evans. Tas Light itatawag n’ya sa’kin. Ansarap kalbuhin eh!

Naalimpungatan si Evans dahil sa pagbagon ko. Tatayo na sana ako nung bigla akong bumagsak pabalik kay Evans. Biglang nanlaki ang mata ko. Lalo na nung yakapin n’ya ulit ako. “Mamaya na, Light.” He whispered. Waaa! Kung sino ka mang Light ka! Humanda ka sa’kin! Walangya ka! Nakakapangselos ka alam mo ‘yun? Selos? Ay teka! San galing ‘yun? Erase. Erase. Erase.

Sasawayin ko na sana si Evans ngunit nanlaki ang mata ko sa kasunod kong nakita. “Waaa! May pulis! May pulis! May pulis!” I yelled, then suddenly lahat nagising—yelling...

“Asan?!”

“Shit. May tulong na?!”

“Omygad! Where?!”

“Hellpppp!”

“Police! Police!”

“Asan ang pulis?!”

Eh? Asan ang pulis? Napatingin tuloy ako sa paligid. “Asan ang pulis Ayah?!” Biglang sigaw ni Lian sa’kin. “Eh?” Tanging banggit ko.

“Aish. Ano nanaman ba Rivera?” Kamot ulo na sabi ni Evans. “Nasan na ‘yung pulis, Evans?! Bakit may handcuff tayo?!” I hysterically yelled. Sa sinigaw kong ‘yun dun din ata natauhan ‘yung mga boys at girls, na nakahandcuff kaming lahat. At wow ha. By partner?

Si Lian kasi naka handcuff kay Tim. Si Thon kay Alyx. Si JJ kay Shana. Si Skyler kay Annicka at ako kay Evans. Nakahandcuff ang isa sa sarili naming kamay tas ‘yung isa mga boys. Waaa! Ba’t kami pinag-dikit dikit?

At saka pano kami nagka hand cuff? Grabe naman ito! May pumunta ba dito? Hala naman!

Natigilan kami lahat, tila ba nag isip agad si Lian at Tim ng possibleng nangyari kagabi kaya may ganito kami sa kamay. “Hoy pano tayo nito?” Mangiyak ngiyak kong sabi kay Evans. Pero hinikaban lang ako ng loko.

“Guys.” Biglang umimik si Lian, mukang ready na magpaliwanag.

“Maybe it’s either, may pumunta dito para gawin ‘to sa’tin, maybe habang tulog tayo nag-spray nanaman sila ng pampatulog para hindi tayo magising o maalimpungatan at inilipat tayo ng pwesto at saka hinancuff, dahil si Ayah at Alyx naman ang katabi ko kagabi, at hindi si Tim.” Pahayag ni Lian. Medyo kinabahan ako dun. Ano nanamang trip ng kumuha sa’min at ginanito kami?

Hala? ‘Di kaya? Nasa parang hunger games o maze runner kami? ‘Yung parang pinag-lalaruan, tas patayan, matira matibay? Aba, ‘wag naman po! Hindi ko keri ‘yun, o di kaya naman, pinaglalaruan kami ng engkanto? Aba sosyal na engkanto ‘yun ah may handcuff na alam? O kaya naman si Dora! Baka ni-handcuff kami ni Dora, aish, napaka sama talaga ng ugali ng negrang ‘yun, kung ginanto n’ya talaga kami.

“Another option is...” Tim Tim started. “Isa satin ang nagpadukot satin.” Eh? Bakit parang naguluhan ako sa sinabi ni Tim? Satin? Satin? Say whut?

“Pakilinaw nga.” Sabi ni Alyx.

“What I mean is, what if andito ngayon sa island ‘yung nagpadukot satin. Pwedeng si Ayah.” He said.

“Eh? Ang ganda ko talaga. Ako nanaman.” Nakasimangot na sabi ko. “Bakit ba ako na lang lagi? Ang unfair n’yo na ha.” I said.

“Joke lang Ayah.” Sabi ni Tim.

“Pwedeng isa sa’tin ang nag-padukot sa ating lahat, at nagpapanggap lang s’ya na walang alam ngayon, maaring planado n’ya ‘to. At ang rason. S’ya lang ang nakakaalam.” Tim Tim concluded.

“Hindi kaya ikaw ‘yun Timothy?” Shana said.

“Woah bakit naman ako?” Biglang sabi ni Tim.

“Oo nga, Tim. Hindi kaya ikaw ‘yun? Kasi alam mo na pwedeng isa sa’tin, ‘di kaya nagpapanggap ka ngayon? ‘Di kaya may alam ka kung ba’t kami andito? ‘Di kaya traydor ka at gusto mo kaming patayin?” Annicka said.

“Hala!” Parang nakasurrender ang kamay na sabi ni Tim. “Hindi ako. Naisip ko lang ‘yung possibility na ‘yun. At saka kung papatayin tayo ng isa sa’tin, aba ba’t ‘di n’ya pa ginawa kagabi? At saka hypothesis lang ‘yung sinabi ko ‘no. Wild guess. Hindi nga din kapani-paniwala kasi bakit naman tayo kikidnapin ng isa sa’tin? Eh? Nasa iisang gang tayo at saka magkakaibigan. Wala akong maisip na rason na may magtratraydor sa’tin.” He explained.

“Well, you have a point.” Sabi ni Lian. At biglang natahimik ang lahat.

Na tila ba lahat nag-iisip kung bakit nga ba kami andito. Bakit nga ba? Sino ba ‘yung kumuha sa’kin noon sa building? At bakit kami napadpad dito? Nakakapagtaka naman. Ano kaya nangyayari? Ang weird ng mga nangyayari ngayon, ang weird talaga. Hays.

Patuloy ang katahimikang nangyari ang awkward tuloy. Tahimik lamang akong nakatanaw sa dagat at pinag-isipan mabuti ang nangyayari dito ngayon. Parang kung hindi ko kasi pag-iisipan mababaliw na ako eh. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari, parang kailangan may gawin ako, kaso hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Aish. Nakaka-i-stress pala itong ganito. Argh.

“Rivera.” Agad akong napalingon kay Evans noong nag salita s’ya. Hindi ko s’ya pinansin, tingnan ko lang s’ya, matapos n’ya akong tawaging Light ng ilang beses. Huh! Kapal n’ya. Bahala s’ya sa life n’ya.

“Hey, bakit ganyan ka makatingin, nainlove ka na sa’kin?” He kidded. Napa-poker face naman ako dun. Ang waley n’ya grabe, mas waley pa s’ya kay Alyx.

“Che, dun ka na sa Light mo.” Hindi mapigilang bigkas ko. Napatawa naman s’ya doon. “Hahaha. Are you jealous?” Agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n’ya.

“Luh? Ang kapal naman ng muka mo dre.” Asar na sabi ko, pero tinawanan n’ya lang ulit ako.

“Hey, ano ‘yun?” Sabay kaming napalingon ni Evans noong may ituro si Annicka sa dalampasigan, agad kaming nag-tayuan. “Aray!” Rinig ko pang-sigaw nung iba, dahil na bigla sa pag-tayo at nakalimutang may handcuff sila.

Agad kaming dumiretso lahat sa dalampasigan. ‘Yung nakita ni Annicka, isang bola, parang pang-soccer na bola? Eh? Ano namang ginagawa ng bola dito? Nag-lolokohan na ata tayo dito eh.

“Bola?” Takang tanong ni Skyler habang kinukuha ito, kasama si Annicka sa pagkuha nun tutal parehas silang naka-handcuff sa isa’t-isa.

“Grabe, ano ba talagang trip ng nag-dala sa’tin dito? Kakaiba ah.” Sabi naman ni JJ noong ipasa sa kanila ni Skyler ‘yung bola.

“Hey, baka may bomba ‘yan.” Cautious na sabi ni Lian. Natawanan naman ang boys dun.

“There’s no bomb in that ball.” Skyler said. Biglang nagkanchawan ang mga lalaki dahil doon. Pano n’ya alam? “He can sense it.” Sagot ni Tim Tim sa tahimik kong tanong.

“Come on, try to hold it.” Sabi ni Tim kay Lian upang patunayan ito. Agad ibinigay ni Tim ang bola kay Lian, at hinawakan iyon ni Lian. Mukang gumaan naman ang pakiramdam ni Lian doon. “Seems like wala namang panganib na dala ‘yan.” Nakangiting sabi nito.

“So pwede tayong mag-laro?” Biglang tanong ni Alyx.

“Game!” We all yelled, kahit ako nakisigaw na din pati si Evans, dahil gusto din naman naming mag-enjoy, nako talaga, mukang pinasasaya lamang kami nung kumidnap sa’min dito eh. Kakaiba. Pero okay na din, haha. At least wala kami sa suffocating place like the city. Maganda na dito sa isla.

“Ganito na lang game mechanics natin. Ihahagis natin ‘yung bola paunahang makakuha, tas kung sino mang maka-kuha kailangan hindi mawala sa paa nila ‘yung bola, bawal gumamit ng kamay ha. Pag nasipa ‘yang bola or simply nawala sa inyo ‘yung bola. Idadare kayo nung nakakuha ng bola. Game?” Nakangiting suggestion ni Tim Tim.

Ano daw? Kailangan paunahan kunin ‘yung bola, tapos proprotektahan mo ito ng partner n’yo using feet, tapos pag may nakaagaw sa inyo ng bola, idadare kayo nun. ‘Yun ba pinaparating ni Tim? Aba, exciting ‘to! Game ako dyan!

“Game!” Sabay sabay na sigaw namin, pagkatapos hinagis ni Tim Tim ‘yung bola pataas. Dali dali kaming tumakbo ni Evans para maagaw ‘yung bola, kaso naunahan kami ni Annicka at Skyler. Active na active ‘yung dalawa.

Nagkatinginan kami ni Evans. “Anong gusto mong dare sa kanila?” He asked. I winked at him. “Agawin muna natin ang bola.” I said as we both run smiling, to snatch the ball from them. Ang bilis ng kilos ni Evans minsan nga hindi ko na ito ganung masundan, tas sila Lian, Alyx, at Shana pa with their partners na nakikiagaw din. Napuno tuloy kami ng tawanan at sigawan. Ang galing din mag protekta ni Skyler, kahit magkadikit sila ni Annicka.

Sinipa ni Skyler ‘yung bola ng malayo, kaya’t nagkatakbuhan kaming lahat. Paunahan dun sa direction na pinuntahan nung bola. Nahuhuli si Annicka ng kaunti at parang nahihigit ng bilis ni Skyler pero tawang tawa pa din ito.

Halos malapit ng tumigil sa pag gulong ‘yung bola, samantalang si Skyler at Annicka ay halos katapatan na namin ni Evans. At ang madugang Evans bigla akong hinigit papalapit lalo sa kaniya, at kayna Skyler, at nagulat kami noong bilang i-trip ni Evans si Skyler, kaya’t na tumba ito sa sand habang tumatawa, nasalo naman ni Skyler si Annicka, na nadala sa pagkakadapa n’ya, kaya’t bigla kaming nag-tilian, nakadagan kasi si Annicka kay Skyler, at magkatitigan pa sila ngayon. Yieee. Ibang klase talaga itong dalawang ito.

Habang naka’y Annicka at Skyler ang atensyon ng ibang couples, agad kaming tumakbo ni Evans para kunin ang bola.

“Steal!” He yelled. At saka lang napansin ng mga couples na nakuha namin ang bola. Sinipa sipa ito ni Evans, habang nakahawak ‘yung isang kamay n’ya sa isang kamay ko. Kung saan kami may handcuff. At lumapit sakanila.

“Yah! Anduga!” Alma ni Annicka noong tulungan silang makatayo nung iba.

“Haha. Nice one, Pards, tuso ka talaga.” Natatawang sabi ni Skyler kay Evans nag apir lang silang dalawa gamit ‘yung free hand nilang hindi naka-handcuff.

“Maduga ka Nate. Dapat hindi counted ‘yun!” Alma ni Annicka.

“Haha. Hey, Annicka walang sinabing sa rules na may bawal. Tanging ‘pag protect, pag steal at pa dare lang.” Natatawang sabi ni Evans. “Naks! Oo nga naman Annicka, ‘wag kang mag-alala madali lang naman ang dare namin.” I said as I winked at her. Biglang nagkatawanan ang lahat.

“Humanda kayo Annicka, at Skyler. Topakin ‘yang si Ayah. Hahaha! We will pray for both of you.” Natatawang sabi ni Alyx sabay palakpak, pati sila Thon Thon natawa sa sinabi ni Alyx.

“Yah! Madali lang swear!” I said.

“Haha. Skyler, Annicka. Ang madali kay Ayah, parang...” Parang nag isip muna si Lian sa idudugtong n’ya tapos nag-salita s’ya. “Hanapin n’yo si Dora at Boots sa lugar na ito.” Seryosong sabi ni Lian sabay hagalpak ng tawa, kaya’t pati ng boys nagkatawanan pati si Evans, Annicka at Skyler. “Kaya humanda kayo.” Pananakot pa ni Lian. Ang bait talaga nitong si Lian, kahit kelan. Tsk tsk tsk. Pano n’ya nalaman na ‘yun ang ipapagawa ko?! Nowwww! I need to think of something new! Asar huhuhu.

Pero biglang may kalokohang pumasok sa isip ko.

“Alam ko na! I dare both of you to write your name in the air using your butt!” Sabi ko sabay palakpak. Nadala tuloy kamay ni Evans dun. Bigla namang nagkatawanan ang lahat dahil sa sinabi ko.

“Hahaha! Kahihiyan mo Pards!”

“Amputa. Buti hindi tayo ang naagawan ng bola, girlfriend! Hahaha!”

“Grabe ka Ayah, kakaiba ka talaga mag-isip. Hahaha!” Natatawang sabi sa’kin ni Alyx. Aba, gusto ko makita kung kakayanin ba ni Skyler at Annicka ang kahihiyan eh. Hahaha.

“Omygad! Pwede mo ba ibahin Ayah? Hindi ko keri Ayah. Huhuhu.” Takip mukang sabi ni Annicka, “May kakahihiyan pa ako.” Dugtong pa nito, kaya’t lalo kaming nagkatawanan.

“I’ll do it.” Sabay sabay kaming napalingon kay Skyler noong bigla s’yang umimik. Natahimik kaming lahat at manghang nakatingin sa kan’ya. “Gagawin ko din punishment ni Hera. So kahit hindi n’ya na gawin ang kan’ya okay lang?” Tanong n’ya sa’kin.

Bigla akong na-amaze doon. Waaa! Grabe, ang lakas ni Skyler. Feeling ko ako ang kinikilig doon, in behalf of Annicka eh. Agad akong tumango tango dahil doon.

Tumalikod sa’min si Skyler. Hindi pa naman s’ya nag-sisimula, nagtawanan na kami. “Hahaha! Pota. Pards! Woooo!” Tawanan nila Tim Tim. Haha, grabe tuwang tuwa sila sa punishment slash dare ni Skyler ah. Hahaha. Ibang klase. Ang nice talaga ng idea na naisip ko. Grabe! Hahaha.

***

“Hahaha! Grabe. Pocha, bakit napakaduga na sila Ayah, ang naka steal lahat? Tapos aba’t pareparehas ang dare! Mga pards nakakahiya tayo!” Nakahiga sa sand na alma ni Thon Thon. Syempre nakahiga din si Alyx katabi n’ya. Haha.

“Isa ‘to sa pinaka-masaklap na kahihiyan sa buhay ko.” Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Tim Tim. Katulad ng pwesto ni Thon at Alyx ang pwesto ngayon ni Lian at Tim, nakahiga din sa buhangin.

“At nagawa pa nating saluhin ang dare para sa girls!” Alma naman ni JJ nakatabi nila Lian. Sabay sabay tuloy nagkatawanan kaming lahat, maliban sa kanilang tatlo.

“Tanggapin n’yo na kasi damay damay lang ‘yan.” Nakangiting sabi ni Skyler habang naka-akbay kay Annicka, nakaupo lamang sila gaya namin ni Evans.

“Hahaha. Gumapta, sa pagsalo sa kahihiyan ko mine.” Nanglolokong sabi ni Lian kay Tim Tim habang nakangiti ng malawak. “Yieee~” Tukso namin, tinawag kasi ni Lian si Tim Tim na ‘mine’ haha. Ang cute mang-asar ni Lian. “Pero nakakatawa ka talaga kanina pandak. Hahaha! Laptrip ako sa’yo eh!” Biglang dugtong ni Lian, at halos wala na atang maiharap si Tim Tim kay Lian. Haha. Aba kahit naman kasi naka handcuff sila sa isa’t-isa pinanuod pa din nila itong mga lalaki eh. Haha.

“Haha. Nakakahiya ka kanina good boy, damn. That was sooo funny!” Pang-aasar din ni Shana, hindi nagsalita si JJ, pero kitang kita mo sa muka n’ya na namumula na s’ya sa kahihiyan. Haha. Ang cute mahiya.

“Hahaha. Eto talagang katabi ko, maarte lang, wala naman dapat ikahiya ‘to eh! Hahaha! Pero grabe, ‘yun na ata ang pinaka nakakadiring bagay na nakita ko sa buong buhay ko!” Hahaha. Lalo kaming nagkatawanan dahil sa sinabi ni Alyx.

“Girlfriend ha! Napakaduga mo, sinalo ko na nga ‘yung dare mo eh!” Alma ni Thon Thon, pero tinawanan lang namin s’ya. Haha.

Nakakatuwa kasi ‘yung game kanina. Kami lang ang nakakasteal ni Evans tapos ‘pag nasa ‘min ang bola hindi nila makuha. Grabe lang. Hahaha. Tapos ‘yung dare ko sa kanilang lahat, katulad nung dare ko kay Skyler. Grabe nakakahiya na nakakatawa ‘yung ginawa ng boys eh, lalo na sinalo din nila ‘yung dapat dare o gagawin din ng girls, sila na din ang gumawa, which I found so cute and sweet. Nakakatuwa talaga sila, kahit puro kalokohan, hindi maiaalis na nahulog na sila sa isa’t-isa. Ang powerful ng mga actions nila.

Sa ngayon nagpapahinga kaming lahat, dahil na din sa pagod sa paglalaro kaya nakahiga sila Tim, Lian, Alyx, Thon, JJ at Shana, tapos kami ni Evans nakaupo katulad nila Annicka, nagkwekwentuhan na lang kami ngayon, tutal hapon na din naman. Katatapos lang din namin kumain kani-kanina lang.

“Hay. Kelan kaya tayo kukunin nung nagdala satin dito?” I curiously asked. They all shrugged. Hay, kung sino ka mang nagpadala sa’min dito. Salamat sa bonding time na binigay mo sa’min, feeling ko mas nalinawan kami sa nararamdaman ng bawat isa, at higit sa lahat nagkaroon kami ng masasayang ala-ala.

Ano kaya talagang plano nung nagpadala sa’min dito? At saka sino kaya? Ay, bahala na kung sino, basta thankful ako sa nangyayari sa island na ‘to, kahit ba nakaka-asar talaga ‘yung Light chuchu ng Evans na ‘to. Kanina habang tulog pa ang lahat at wala kaming kasama kagabi, ‘Light’ ang tawag n’ya sa’kin, tapos ngayon? Rivera na ulit? Nakadrugs ata ‘to. Tsk. Tsk. Tsk.

“Yah!” Nagulat ako nung biglang humiga si Evans, at dalahin ako sa pagkakahiga n’ya kaya tuloy napahiga din ako. Tahimik lamang n’yang ipinikit ang mata n’ya, matapos n’yang ilagay sa ang ulo ko sa balikat n’ya.

Tapos bigla s’yang bumulong sa tenga ko. “Mahal kita nung parang yelo pa ang ugali mo, at mahal pa din kita, kahit na dinaig mo pa ang bata sa ugali mo.” He whispered those words. Bigla naman akong napatulala dun. Ano ba talagang nakain ng Evans na ‘to?!

Mahal daw. Mahal daw. Bigwasan ko s’ya eh. Ang mahal ay expensive, o di kaya Love. Pero sa tono ng pananalita n’ya, love eh. Huhuhu. Ano ba ‘tong si Evans hindi ko na alam iisipin at mararamdaman ko eh. May fiancé s’ya eh. Okay sana kung single s’ya eh. Gagawin n’ya pa akong ‘other woman’ wag na uy, kahit alam ko sa puso ko, may nararamdaman na ako para sa kan’ya.

Parang kanina lang noong magising ako, nagising na lang ako na may nararamdaman na pala ako sa kan’ya. Ang unexpected talaga ng love, halos magkaaway naman kami lagi, pero hindi ko akalain na may posibilidad na maramdaman ko ito sa kaniya, it’s like unreal and unreasonable, pero eto na eh, may magagawa ba ako? Meron, ang pigilan ito. Kahit sabihin n’yang may nararamdaman din s’ya sa’kin, dahil mali ito. Mali.

“Umayos ka Evans, may fiancé ka.” I said. He just chuckled at hindi na ulit nag-salita. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko kung asan ang nakalocate ang puso ko, ang bilis nanaman ng tibok nito. Bakit sa maling tao ka pa tumibok ha? Aish.

Ipinkit ko na lang ang mata ko hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

***

“Ayah. Ayah. Ayah.” Naalimpungatan ako nung may tumapik tapik sa pisngi ko.

“Gising na, gabi na din. Kanina pa kayo tulog ni Nate.” Lian murmured, nung una parang hindi nag-sink in sa utak ko ang sinabi n’ya, kagigising ko pa lang kasi, I was in dazed. However, later on parang pumasok na din sa utak ko ‘yung sinabi n’ya umupo ako ng dandahan at tiningnan ang paligid. Madilim nanaman at mataas nanaman ang alon. Kaya pala medyo nilalamig ako kanina, hay buti na lang katabi ko si Evans, body heat din. Haha. Chansing, syempre joke lang.

Matapos kong pagmasdan ang paligid, tinapik ko ng dandahan sa pisngi si Evans, aba ayoko na mauulit ‘yung, sampal scene baka mahalikan nanaman ako. Pakiramdam ko namula tuloy ako ng kauntian dahil sa iniisip ko. Aish. Etong si Evans kasi eh. Argh. Dora naman ako nagbigay ng pana saiyo ‘di ba? ‘Wag mo ako panain ng multiple times, napana mo na nga uulit ka pa. Letche ka. Huhuhu.

“Evans. Evans, hoy.” I murmured, maya maya parang naalimpungatan din s’ya. “Hmm?” Nakapikit na bigkas n’ya.

“Bangon na gabi na. Andun sila sa bonfire oh.” Sabi ko sa kan’ya, agad naman s’yang umupo doon, at kumurap kurap. Dumiretso kami sa bonfire ni Evans. Nagkukulitan nanaman ang mga couples doon, habang nakain.

“Eto na ang bagong gising na mag-asawa!” Pang-loloko ni Thon Thon, kaya’t natawa sila, maliban sa’kin dahil kagigising ko lang tas ganyan ang biro n’ya. Tsk. Sabing may fiancé ‘tong isa eh. Psh.

Paligpit ko kaya si Cassidee sa wonder pets? Ay hindi hindi. Joki joki lang ‘yun. Hehehe. Ano ba ‘yan. Iniling iling ko ‘yung ulo ko. Ibang klase na talaga ‘yung naiisip ko. Grabe. Nang dahil kay Evans naiisip ko ‘to. Waaaa. Help me. Help me. Nakakatakot pala ang may nararamdaman para sa isang lalaki! Kung ano anong kabaliwan ang naiisip. Kahit naman may taglay na talaga akong kabaliwan. Aba nakakaloka pa din ang makaisip ng ganito. Aish.

“Hahaa. Chill! Since kumpleto na din tayo dito, let’s have an open forum!” Biglang suggest ni Annicka.

“Pass. Ayoko n’yan.” Biglang sabi ng mga boys. Annicka frowned. “Ay grabe, ang k-KJ n’yo talaga eh ‘no? Dali na kasi~ please~ jebal~ dali na. Just this once. Dali.” Pag-pupumilit n’ya, ang cute ni Annicka mamilit haha.

“Hoy, dali na. Wala namang mawawala.” Nakangiting sabat ko.

“Yown. Kakampi ko si Ayah. Ano? Game?” Annicka winked at me. Haha. Kaya nag-thumbs up ako na parang sinasabing mag-kasabwat kami dito haha.

“Pass muna.” Nakangiting sabi ni Evans, sabay ang pagtayo kaya’t nadala ako. Nag-simula nanaman syang maglakad. Syempre dakilang taga-sunod na lang ako, ewan ko ba, kahapon ko pa nararamdaman may kakaiba eh, hindi ko lang matukoy kung ano. Aish. Wala na din akong nagawa, kundi sumama sa kan’ya.

“Ang KJ naman eh!” Alma nung mga lalaki at babae, pero tuloy tuloy pa din si Evans sa paglalakad. At sumunod lamang ako sa kan’ya. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng pakiramdam ni Evans eh, ano ba kasi?

“Oy, Evans. May sakit ka ba? Hala? Papatawag ko na ang wonderpets gusto mo?” I asked. Hindi s’ya umimik at nagpatuloy sa paglalakad. Ano ba ‘yan, hangin ba kasama ko dito? Hays. “Evans, alam mo, kung may pantanggal lang ako ng handcuff natanggal ko na. Aba, mag-eemo emo ka dyan, isasama mo pa ako ‘wag na—”

Naputol ang sinasabi ko noong tumigil sa paglalakad si Evans at nabangga ako sa likod n’ya. Humarap s’ya sa’kin, pulang pula ang mata n’ya at may mga luhang tumutulo dito. Agad akong napatakip ng bibig ko. Umiiyak nanaman s’ya? Hala bakit? Napatakip ako ng bibig gamit ang isang kamay ko. “B-Bakit?” Kinakabahang tanong ko. Kasi sa bawat pagtulo ng luha n’ya, nasasaktan ako, nasakit ‘yung lalamunan ko na tila gusto ko na din umiyak sa nakikita ko.

“Gawin mo na ang lahat, ‘wag lang ang iwan ulit ako... Geez, I’m really so selfish.” Nakatitig sa mata ko na sabi n’ya, ang mga boses n’ya tila nanghihina at pagod na pagod na. ‘Yung huling katangang sinabi n’ya, mahina lang, na parang sinasabi din ng mata n’ya, sana ‘di n’ya na lang sinabi ‘yung mga sinabi n’ya.

“E-Evans, ano bang nangyayari sa’yo?” Nagsimula na ding magtubig ang mata ko dahil doon.

“Ang sakit, sobrang sakit...” He stammered, at bigla na lang s’yang nag-kneel down at niyakap ako sa hita. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam ang iisipin ko. Mababaliw na ata ako. Putanginang mga pangyayari ‘yan!” Aaminin ko na gitla ako nung mag-mura at mag-breakdown s’ya sa harap ko, nanginginig na ang buong katawan ko at nag-simula ng tumulo ang luha sa mata ko. Kahit wala akong naiintindihan sa sinasabi ni Evans nasasaktan ako ng sobra.

“Shh... Shh... Shh...” ‘Yun na lang ata ang nabanggit ko, dahil wala akong masabi, dahil baka pag nagsalita ako, baka magpalakasan kami ng hagulhol dito.

“I’m sorry... I’m sorry... I’m sorry...” Paulit ulit na banggit ni Evans habang nakayakap sa’kin, hindi ko alam kung bakit s’ya nag so-sorry o sa kung ano mang sinasabi n’ya. I’m clueless. So clueless of what’s going on... I wanted to know, but it felt like a bomb, so I remained silent.

Hindi ko alam kung ilang minuto s’ya nakayakap sa’kin umiiyak. Hindi ko alam kung ilang patak ng luha na ang kanina pa pinapakawalan ng mga mata ko, hindi ko din alam kung bakit nasasaktan ko, andami kong hindi alam, pero natatakot naman akong alamin.

Suddenly, Evans stood up. Pagkatayo n’ya may kinuha muna s’ya sa pocket n’ya. Nagitla ako ng makita ko kung ano ‘yun, nagitla din ako sa kasunod na nangyari...

He suddenly...

Unlocked the handcuff.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko, at hindi ako makapaniwala sa ginawa n’ya. I’m looking at him unbelievably, slowly my heart is breaking so badly, seeing him cry like that a while ago, then unlocking the handcuff? What the?

“E-Evans? A-Ano ‘to?” Nauutal na tanong ko, napaatras din ang ng kaunti dahil doon.

“Just go,” he murmured looking at the sky, “C-can you leave me alone, for a moment?” He asked. Kahit naguguluhan ako, at nalilito sa mga nangyayari, unti-unti humakbang ang paa ko, patakbo paalis sa kan’ya.

Dali dali akong tumakbo palayo, habang tumutulo ang luha sa mata ko. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko ng pag kakataon na ‘yun, mabuti na lamang at malayo kami sa gang at hindi nila kami kita. Sa pagtakbo ko, napa-upo na lang ako sa buhanginan and I let myself cry out loud.

Patuloy kong iniisip kung bakit may susi si Evans ng handcuff, kung bakit napunta sa kan’ya ‘yun. Pero ilang beses ko mang tanungin ng sarili ko, isang sagot lang ang naiisip ko...

“Why?” Here am I again, asking question to myself. “Why? Bakit?” Naninikip na ang dibdib ko dahil sa pag-iyak ko, gustong gusto ko mag-wala. Bakit?!

Bakit nakita kita, biglang isang bata?

“Bakit?!” I yelled out of frustration. Anong nangyari Evans? Why did I see you as the child in my dreams? Bakit hindi na blurry ‘yung lalaking muntik ng mabaril sa panaginip ko, at bakit ikaw ‘yun? Sino ka ba sa buhay ko?

And why? Why did you put us in this isolated island?

***

Nathaniel Gabriel’s POV

Kahapon—hindi, hindi ko na alam kung kelan pa noong isang araw pa ata— ko pa pinipigilan ang sarili ko na wag umiyak o kung ano man. Pinipigilan ko ang sarili kong mag-wala o magalit, pinipigilan ko ang sarili kong sabihin ang lahat ng nalalaman ko.

I told her to leave, because I don’t want to make her cry anymore. I don’t want to burden her, I don’t want to make the situation worse...

Baka may masabi ako sa kan’ya kung andito s’ya baka kung ano pang mangyari. Gustong gusto ko s’yang yakapin at halikan tulad kahapon, pero hindi ko na ulit ginawa, dahil parang ang unfair ko nanaman. Ha-ha-ha. Tangina.

Ano bang nangyari sa tahimik kong buhay, 5 year ago. Si light lang oh, kumpleto na, okay na, kakayanin kahit ano. Pero hindi eh! Inilayo s’ya sa’kin! At ngayong nasa harapan ko na ulit s’ya, wala na ata akong mukang maihaharap sa kan’ya.

Tangina, anong klaseng buhay ‘to?! Bakit puro kasinungalingan?!

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at hinayaan ang sarili kong umiyak habang nakikita kong s’yang tumatakbo papalyo sa’kin, tama ‘yan, Light. Takbuhan mo ako, dahil hindi ko alam kung may mukang ihaharap pa ako ‘pag, lumabas na ang lahat ng katotohanan sa buhay mo.

I’m sorry.

Why is it so hurtful to say sorry to you? Because I know, I don’t deserve to be forgiven... Alam ko sa sarili ko may mali pa sa mga nalaman ko, at hypothesis lamang ito, pero ansakit pa din eh. Sobrang sakit pa din, meron pa ding tanong sa utak ko na...

“Paano kung totoo?” Tangina. Ikakamatay ko.

Flashback

-The night of Annual Ball-

Madami ng umalis sa mga students ngayon, pati sina Rivera, umalis na sinigurado din nila JJ, na maayos makakauwi sila Ayah, sa cabin nila.

Kami kami na lang ata ng Empire ang andito. “What the hell is wrong with you, Gabriel?!” My dad yelled. “You have your fiancé here, yet you sang with another girl? Such a disappointment!” He bellowed, kinalma naman s’ya ni Mom.

“Dad not now. I still need to go somewhere important. Bye.” I said as I waved my hand and smiled to him, galit na galit ata si dad sa inakto ko, pero wala s’yang nagawa. Tumakbo ako papunta sa parking kung asan ang kotse ko.

Kaalis pa lang ng kotse nila, kanina nakita ko. Kailangan ko silang maabutan.

“Mr. Leonard Smith, I know there’s something.” I said as I opened the door of my car, alam ko talaga may iba eh, simula nung pumunta s’ya sa headquarters at may sabihin kay Rivera, nagduda na ako, pati kaninang nag-announce s’ya sa Ball. Damn, hindi joke ang dating nun sa’kin. May mali eh. Meron.

Pinaharurot ko ‘yung kotse ko, at sinundan ko ng tahimik ang kotse nila Mr. Smith, mautak naman ako kaya’t alam kong hindi nila mahahalata na sinusundan ko sila, at isa pa. Hindi ako papayag na wala akong malalaman ngayong gabi.

It’s been decades for me, and I need some answers now, and I know Mr. Smith can answer those, unanswered questions in my head. Binilisan ko pa ang pagmamaneho, para mauna ako ng kaunti sa kotse ng mga body guard nila Mr. Smith, para hindi halatang sinusundan, dahil nauuna, medyo nabagal din ako ng pagmamaneho.

Sinundan ko sila ng sinundan hanggang tumigil sila sa isang pinakamahal na hotel, pagmamay-ari ng empire. Nagpark na din ako ng malayo sa kanila at saka sumunod sa loob.

Pagpasok ko sa loob, pasakay na sila ng elevator. Kaya’t tumigil ako sa lobby.

“Room of Mr. Smith?” I asked.

“Sir?” Takang tanong nung staff. I frowned. “Room number of Mr. Smith. Tell me. Just so you know, I’m the gangster heir.” Asar na sabi ko. Mukang natauhan ‘yung babae at namukaan ako. “Honorable, Gangster Heir, did you have a permission?” She asked. Argh! Bakit ba ganito ang mga staff sa Empire? Masyadong strict. At alam ang salitang loyal. Tss. Mapa-heir ka pa o hindi, basta alam nilang may kulang hindi pwede, tsk.

Ipatanggal ko kaya ‘tong mga ‘to? Imbis na patagalin pa ito, umalis na ako sa lobby, at dumiretso sa elevator, sa 27th floor sila pumanik. Dahil nakalagay pa sa pader ‘yung 27 at may sign pa na up, kaya’t alam kong 27. Bumukas na ‘yung kasunod na isang elevator, kaya’t dali dali akong sumakay doon, at pinindot ang 27th floor.

Pakiramdam ko iyon ang pinakamatagal na elevator ride ko eh. Tss. Hindi ako mapakali habang nag-iintay na makarating sa 27th floor. Agh. Bakit ba ang bagal bagal ng elevator na ‘to? Tss. Nasa 10th floor pa lang. I paced back and forth, pakiramdam ko natetense, at kinakabahan ako tsk. Nevertheless, I will make sure, I will get some answers tonight.

Kada pag-akyat ng floor, may pakiramdam talaga ako na, kailangan ko maghanda sa malalaman ko. Parang excited na natatae ako dito, argh. Damn this unexplainable feeling. I clenched my fists, and closed my eyes. Relax, Gab. Relax. You need to relax, hindi pwedeng humarap ka kay Mr. Smith na parang mangangain. Relax. I told myself.

I composed my posture, and calmed my nerves. Damn, sana sagutin ni Mr. Smith ang mga katanungan na itatanong ko. Tiningnan ko kung nasaang floor na ako. I’m on the 25th floor. Dalawang floor na lang.

26th. Bumilis akong tibok ng puso ko noong isang floor na lang. Argh. Biglang tumunog ‘yung elevator. Shit. I’m finally here. Dali dali akong lumabas sa elevator at pinagmasdan ang paligid. Tss. Mukang hindi ko na kailangan mag-hanap dahil iisa lang ang room sa floor na ito. Agad akong dumiretso sa pintong iyon, at hinawakan ang knob.

Pinihit ko ito at nagitla ako nung nag-bukas ito. Shit? Hindi ba sila marunong mag-ingat para iwang bukas ito? Hindi ko na ganung inisip ‘yun at nilawakan ang pagkakabukas ng pinto. Pagkabukas nito na gulat ako.

Para s’yang old office style, madaming book shelves at nasa katapatan ko ang isang table at swivel chair, mga nakahanay din ang gwardiya n’ya, at hindi man lang tumingin ang mga ito sa’kin. Nakarinig din ako ng ng marahang palakpak na nakapag-pakaba ng sobra sa’kin. Anong nagyayari?

Dahandahang umikot ang swivel chair at nakakapangilabot na ngiti ni Mr. Leonard ang sumalubong sa sa’kin, agad akong napa-bow ng kaunti dahil doon. The hell. Did he know I was following them the whole time? Damn this smart old man.

“Welcome, Mr. Nathaniel Gabriel Evans.” Nakangiting sabi nito sabay kuha ng parang sina-unang sigarilyo at nag pop out doon ang usok na parang circles pataas. Damn that’s cool. “Hindi mo ata, inaasahang alam ko Nathaniel Gabriel?” He kidded, but the hell it’s more like he taunted.

“H-how?” I asked.

“Una pa lang alam kong magdududa kana sa inasta ko sa harap ng gang mo, lalong lalo na sa isang dalaga doon. Ikalawa, siguradong kakagatin mo ang mga sinabi ko sa ball at hindi ka papayag na walang kasagutan ang tanong mo, at siguradong ako agad ang una mong tatanungin tama ba?” He said as he chuckled devilishly.

“I’m smarter than you think, Mr. Evans.” He said, as he started to smoke again. I’m lost of words. S’ya talaga ang isa sa pinakamatalino sa Hoodlum, after all hoodlum is the brain of the empire. Alam ko, kung gaano katalino si Mr. Smith. Siguradong ganoon din katatalino ang mga nasa group nila, lalo na at empire sila. Lalo na siguro ang magulang ni Light.

“Pero etong tatandaan mo, kahit gaano pa kami katatalino, may kahinaan kami at ‘yun ay ang kapangyarihan ng mas makapangyarihan sa’min.” Napuzzled ako sa sinabi ni Mr. Smith. Ngunit nanatili akong tahimik sa sobrang kaba. Pakiramdam ko nanlalamig ang kamay ko dahil doon.

“Matanong kita Mr. Nathaniel, anong kailangan mo sa’kin at sinundan mo pa ako dito? Ah! May gusto kang malaman hindi ba?” Parang nang-aasar na sabi nito sa’kin. Napahakbang ako dahil sa inis. Alam n’ya, naman pala pero nang-aasar pa s’ya. Aish.

“Mr. Leonard—” magsasalita na sana ako nung putulin n’ya ito. At saka s’ya tumayo sa swivel chair n’ya. Hindi natanggal ang mga ngiti sa labi n’ya, pati na din ang galit sa mga mata n’ya. Tila ba maamong dragon siya ngayon sa harap ko, ngunit handa nang bumuga ng apoy kapag may mali akong sinabi at ginawa.

“Princess Light Smith.” He whispered those words, which caused a pang in my heart.

“Pangalan pa lang n’ya, nasasaktan ka na. Paano pa kaya pagnalaman mo ang katotohanan sa buhay n’ya, kayanin mo pa kaya?” Naguguluhan ako sa sinasabi n’ya, ngunit ang lakas ng epekto ng mga salita n’ya, parang sasabog na ang puso ko sa kaba dahil sa mga titig at kakaibang pagpapahiwatig n’ya.

“I know, that you know something. Tell me everything you know.” Madiin na sabi ko sa kan’ya. Alam kong may alam s’ya. Damn I’m also dying to know everything about Light’s death. Sana huwag n’yang ipagkait sa’kin ‘yun. Limang taon na ako nagtitiis. Limang taon na.

“Mamili ka Nathaniel Gabriel. Would you choose to leave now, and live in a life where a beautiful and blissful lie exist, or would you choose to stay here, and I’ll kill you so kind, with the pieces of the truth.” Seryosong bangit n’ya, bawat salita n’ya ay nagbigay sa’kin ng kakaibang pakiramdam na parang bombang sasabog. Para akong natrap sa isang bahay na pwede kang umalis ngunit wala ka ng babalikan o pwede kang manatili ngunit mamatay ka nang dahandahan.

It’s like, leave— so you’ll see a beautiful lie of life, or stay — to face the cruel pieces of the painful truth of death.

What would I choose? Nanatili ang buong katahimikan sa kwartong iyon, pakiramdam ko rinig na rinig ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nanatili ding nakatingin sa’kin si Mr. Leonard ng seryoso na tila nag iintay sa magiging kasagutan ko. I clenched my fists even more, and closed my eyes so I could think.

Masakit mang malaman ang katotohanan, mas gugustuhin ko ‘yun, kaysa makipaglaro ng tanga-tangahan.

Iminulat ko ang mata ko at tumingin ng diretso sa mga mata n’ya. “Handa akong mamatay ng dahandahan malaman lang ang sinasabi n’yong parte ng katotohanan.”

Ngumiti ito sa’kin ng kakaiba at naglakad, na tila ba sinasabing sundan ko s’ya. Dali dali ko s’yang sinundan sa isang kwarto, ang kwarto naman na ito ay parang living room. Sinauna din, may fire place konting book shelves, leather sofa, wide windows at mababa na table. Ibinigay n’ya ang sigarilyo n’ya sa isang guard, matapos nito, lumabas na din ‘yung guard doon sa kwarto kaya’t naiwan kaming dalawa.

“Inaasahan ko na na iyan ang sasabihin mo.” Seryosong sabi nito, habang naka-upo sa sofa na katapatan ko. “Gaano mo kamahal ang apo ko?” Tanong nito.

“Higit pa sa inaakala n’yo, na handa akong bumalik sa panahon at iligtas s’ya o di kaya naman handa akong mamatay, maging maayos lang s’ya.” Seryosong sagot ko.

Tumawa ito ng marahan. “Limang taon na kitang pinaoobserbahan sa mga tauhan ko, hindi nga sila nagloloko sa mga sinasabi nila sa’kin. Totoo talaga ang pagmamahal mo sa apo ko, na matapos ang limang taon hindi mo pa din s’ya magawang pakawalan.” Komento nito ngunit hindi na ako nagsalita.

“Handa ka bang kayanin ang mga malalaman mo?” Tanong nito sa’kin. Habang nakatitig sa mata ko. Tumango ako doon. Akala ko sasabihin na nito sa’kin, ngunit ngumiti lamang ito at tumindig. “Hindi mo pa kaya. Umalis ka na.” Iiling iling na sabi nito at saka naglakad papunta sa pinto.

Hindi ko alam, pero bigla akong nainis. Damn, I came all the way here to hear something hindi ‘yung papaligoy-liguyin n’ya ako na tila batang walang kaalam alam sa mundo.

“Mr. Leonard Smith. Hindi ako batang walang kamuwang muwang sa mundo. I came all the way here, to see whether you know something or not. Hindi ako nakikipagbiruan dito, Mr. Smith. I’m damn serious here, because Light is fucking involved! You think na naloko n’yo ako sa biro n’yo sa ball kanina? Well, heck no. Why would you joke on such a thing like that?! Because I know, Light is alive! She is alive and you made her suffer because you hid her for fucking five years!” I yelled out of frustration and anger. Pagod na pagod na akong humanap ng maling akala, at maling ebidensya since five years ago, pagod na pagod na akong paikutin ng kung sino man kaya’t wala pa din akong sagot sa mga tanong ko. At ngayong nasa harapan ko na ang pwedeng maging sagot saka pa ipapagkait? Hindi na. Tama na. Kasi tangina. Wala na atang mas sasakit pa na nangyari sa buhay ko, mula ng mamatay kuno si Light!

Dahil sa galit ko hindi ko na ata namalayan na hawak ko na sa collar n’ya si Mr. Smith. Nagulat din ako dahil sa mabilis na akto ko kaya’t binitawan ko s’ya. “Tell me! Tell me! I’m tired of everything! Akala n’yo hindi ko kakayanin?! Damn it. When Light died in a fucking cruel way, there’s no more hurtful than that thing, so I could handle everything so tell me—” naputol ang pagwawala at pagsigaw ko noong sumigaw si Mr. Smith.

“Kakayanin mo?! Kakayanin mo?! Huwag kang makipaglokohan, bata! Dahil sinasabi ko sa’yo, ikakamatay mo!” I was taken aback by his words, nonetheless hindi ako nagpatalo.

“Sa tingin n’yo ho ba buhay pa ako sa lagay na ‘to?! Matagal na akong patay simula noong namatay ang apo n’yo!” Naiiyak na sambit ko sa kan’ya, napasabunot ako sa buhok ko dahil sa pagkaasar, at sama ng loob. “Utang na loob! Utang na loob. Hoodlum Emperor X. I died long time ago, so there’s nothing more to be sorry for, just tell me everything you know!” Pagmamakaawa ko sa kan’ya saka ako lumuhod.

“The cruelty will arise, the painful pieces are the way and you will die everyday.” Napapikit ako dahil sa mga salitaain n’ya. Hindi ko na nga maintindihan ayaw n’ya pa sabihin ang nalalaman n’ya.

“Buhay pa s’ya, hindi ba?!” I pleaded. “Parang awa n’yo na sabihin n’yo kung maayos ang kalagayan n’ya! Sabihin n’yo! I’m begging you, I’m begging you, tell me! She’s alive, right?! Please. I would die repeatedly just to make sure she’s doing well...” Pinagdikit ko na ang palad ko habang pinagkukuskusan ito habang nagmamakaawa na sabihin n’ya sa’kin ang katotohanan.

Mahabang katahimikan ang nangyari tanging pag-iyak at pagmamakaawa ko na lang ata ang tanging ingay. Kada minutong lumilipas para akong pinapatay unti unti, sa katahimikang ito, hindi ko alam ang paniniwalaan ko, ang sarili kong wild guess na buhay pa talaga s’ya, o ang katotohanang hindi ko makuha kuha ang sagot. Akala ko hindi na ako sasagutin ni Mr. Smith, pero nagulat ako nung naglakad ito papunta sa harap ko, nilock n’ya din ang pinto bago pumunta sa harap ko.

“Yes, she is alive.” Mahinang bigkas nito.

Para akong nabato sa narinig ko. I wanted to yell ‘yes’, I wanted to scream that, my Light, she’s alive. She’s alive! Damn it. Hindi ako makapag-salita, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko, parang may sumabog na bomba sa buong sistema ko, parang gusto kong magtatalon sa saya. Na tangina. Buhay s’ya! Buhay s’ya! Ito ‘yung pinaka-imposibleng pangyayari sa buhay ko na matagal ko nang hinihiling, at hindi ko akalaing matutupad. Ito ‘yun eh!

Nanginginig ang buong katawan ko, nakangiti ako, pero tuloy tuloy ang pag-tulo ng luha ko sa mata ko. Ito ba ‘yun? Ito ba ‘yung tears of joy? Oo, matagal na akong may hinala na buhay si Light, ngunit hindi ko ito pinaniniwalaan dahil takot na takot at pagod na pagod na ako sa false hope. Pero eto ‘yun eh! ‘Yung malalaman mong buhay s’ya, parang gusto kong magpakamatay sa tuwa.

“B-buhay s’ya?” Hindi makapaniwalang ulit ko. Para akong nanaginip. Kung panaginip man ito, ‘wag n’yo na akong gisingin pa. Ito na ata ang panaginip na hinihiling ko buong buhay ko. Nanginginig akong tumayo at humarap kay Mr. Smith.

“B-buhay s’ya?” Pag-uulit ko. Tumango ng marahan si Mr. Smith. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha pa ng mas madami, naging emosyonal ako, pilit ko mang hindi mapaiyak o kung ano, wala eh, tuloy tuloy. Para akong asawa na nakahinga ng maluwag matapos manganak ang misis. Para akong si superman na gustong lipadin ang buong mundo. Ang pinakamatagal kong hinintay, at inakalang imposibleng marinig, na ririnig ko na.

“I-is, i-is she here?” Kabadong tanong ko. Gusto ko magtatalon sa tuwa dahil buhay s’ya, call me redundant, but I can’t think of anything... All in my mind right now, is the fucking fact that she’s alive.

Muling tumago si Mr. Smith sa tanong ko, gusto ko s’yang yakapin ngayon dahil sa mga nalalaman ko. Kumakabog ang puso ko sa dibdib na para bang gusto ng tumakbo papunta kay Light.

Ipinikit ko ang mata ko, at inalala ang batang si Light, kasabay noon ang biglang pag flash ng mga nakangiting muka ni Rivera sa utak ko, na lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. My heart knows, my heart knows that they are one, but my mind is the only one that’s in denial.

“Nakakasama mo s’ya, nakakatawanan, nakakasagutan, nakakakulitan, hindi mo nga s’ya makikilala dahil sa ugali n’ya ngayon, hindi mo din aakalain na may masakit na nakaraan s’yang pinagdaanan dahil sa mga ngiti n’ya, she’s like a gullible child like angel you always see, and you always hear her silly laughter and absurd thinking. Hindi mo aakalain na may masakit na nakaraan pala s’yang pinagdusahan, dahil sa limang taon na itinago ko s’ya... She changed, she become the person you’ll never imagine, in those smiles, you’re seeing... an innocent child who doesn’t know anything about her past. I would like to see her forever, the way she is now, but I know, slowly everything will come back, the past will haunt her, and after all; even though her attitude is altered a little, she’s still the cold devil that’s asleep in the childish angel.” Napatingin ako kay Mr. Smith matapos n’yang sabihin ‘yun, naka-upo s’ya sa sofa at nakatingin sa glass window, nakatitig sa kalangitan ng kadiliman. Ang pagkakasabi n’ya ng mga salitang ‘yun, damang dama ko na nasasaktan din s’ya, na nahihirapan.

“A-Ayah Lynn Rivera.” I uttered, dahandahan tiningnan n’ya ako at ngumiti s’ya, halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng makumpirma ko na si Light at Ayah ay iisa. Biglang nag flash sa isipan ko ‘yung, ginawa kong pag-bitaw sa kan’ya sa ball. Hawak ko na pala talaga si Light. I’m sorry for not holding you, and for being in denial even though, my heart knew that you’re one.

Tuloy tuloy ang pag-patak ng luha sa mata ko.

“S-Sinong may gawa nun sa kan’ya, sinong gustong pumatay sa kan’ya?” I asked, Mr. Smith. We both looked at each others’ eyes. He smiled bitterly.

“It’s someone you wouldn’t thought of doing those things.” He started as he removed his gazed from mine, and looked out the dark sky, mukang uulan din kasi sa labas. Napatingin din ako sa makulimlim na langit ngayong gabi.

“It’s someone you trust,” He murmured. Ipinikit ko ang mata ko.

“Tell me, so I can give justice to what happened to Light or Ayah. She deserves justice. And I love her, for who she is, I love her, even now that her attitude is a little altered.” Mahinang sabi ko sa kaniya habang dahan dahang pumapatak ang luha sa mata.

“You’ll die slowly after knowing this. Are you prepared?” Mahinang tanong n’ya, na tila ba nakakaramdam ng awa. “I’m more than prepared.” I answered.

“The one who wanted to get rid of Light based on everything we know, and my hypothesis...” Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko, at tila ba nanghihina na ako, dahil may binulong si Mr. Smith na hindi ko nakayanan. Dahandahan napaluhod ulit ako sa carpeted na sahig, dahandahan parang may pumipilas sa puso ko. Dahandahan parang nababali ang mga buto ko, dahandahan parang gumuguho ang mundo kong kabubuo pa lang, dahandahan kinakain ako ng dilim, dahandahan tila namamatay ako.

Napasuntok ako sa sahig, at nagwala bigla. Kinuha ko lahat ng libro at ipinagbabato iyon. “Aaaahhh!” Malakas na sigaw ko. Pinasusuntok ko ‘yung pader, ngunit tila walang maramdaman ang mga kamao ko, kahit dumudugo ito, tila walang maramdamang sakit ang katawan ko, dahil nasa puso ko lahat ng sakit, na dahandahan akong pinapatay. “Ahhh!” I yelled once more.

Ito pala ‘yun? Ganito pala ang pakiramdam ng killing so kind, na unti unti parang mas gugustuhin mo na lang mamatay ng mabilisan kesa ganito. Sumisigaw ako ngunit wala ng nalabas na boses sa bibig ko. Napaluhod ako at napasabunot sa buhok ko matapos mag-wala.

Tell me, mali lang ang rinig ko hindi ba? Mali lang? Pero bakit sobrang linaw ng pagkakarinig ko na hindi ko magawang itanggi sa sarili ko?

“It’s your own blood who killed her back then, it’s your empire who make her suffer slowly, then killed her in a vicious way. It’s your blood, ikaw at ang pamilya mo ang may kasalanan ng lahat.”

Matapos kong marinig ‘yun, pakiramdam ko katapusan ko na. Pakiramdam ko wala na akong karapatan pang mabuhay sa mundo. Tanginang ‘yan?! Sariling pamilya mo ang gustong magpapatay sa mahal mo?!

Unti unti... namamatay ako sa paulit ulit na pag-eecho nang mga salitang ‘yan sa utak ko. Hinayaan ako ni Mr. Smith na mag-wala. May mga pumasok na din na gwardya dahil siguro naalarma sila sa pagsigaw ko ng sobrang lakas, at pagwasak ko sa mga bagay bagay na nakikita ko, andami ko ng naitapon at nasira, dumudugo na din ang kamay ko, ngunit wala akong maramdaman na physical na sakit. Dahil emotionally at mentally ako nasasaktan ng sobra.

***

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagwawala at sumisigaw, hanggang sa kumalma ako ng kauntian. Umiling iling ako matapos akong matauhan ng kaunti. Hindi. Hindi magagawa ng parents ko iyon. Hindi magagawa ng pamilya ko iyon. Pilit kong iniisip.

“No. Hindi nila magagawa ‘yun.” I said. “I’m with Light that day, I’m with her. Nakidnap din ako. Hindi pwedeng sila, dahil sana hindi ako kasama at sana hindi ako pinahirapan.” Matigas na sabi ko kay Mr. Smith.

“That’s what I also thought. Akala ko ‘yun din, pinilit kong iniisip na hindi magagawa ng empire n’yo ‘yun dahil bakit nga naman nila papahirapan ng ganun ang sarili nilang heir?” He said, while laughing a little, but I know it’s a sad sarcastic.

“There’s a cruel tradition in your family, did you know?” Natahimik ako doon. Cruel tradition? “Ninuno mo pa ata ang nagsimula noon. Remembering how cruel your tradition is, there’s no doubt that they can do that to you. Akala mo simpleng kidnapping? I think it’s your traidition already.” He said.

“Natatandaan mo pa ba ang yumao mong lolo Greg?” Natigilan ako doon. Oo, ang lolo Greg ko na papa ni Dad, he died when I was young. “He was my partner. Dahil sa kalokohan namin noong mga bata pa kami, natuklasan namin na parehas kaming heirs, dapat ‘pag labing limang taon saka lang namin malalaman, pero hindi, pasaway kami ni Greg. He’s an easy go lucky child which reminds me of you. Naglolokohan pa nga kami dati noon, na itatakda namin ang mga magiging apo o anak namin ‘pag babae at lalaki para maging magkapamilya na talaga kami. Ang saya saya n’ya lagi. Pero matapos noong naging labing limang taon kami, isang araw tumakbo s’ya sa bahay umiiyak, puro galos at sugat, dumudugo ang katawan at ulo. He collapsed suddenly after that. My parents were so nervous, they knew that Greg is a really strong child at hindi nila akalain na nangyari ‘yun sa kan’ya. Dinala namin s’ya sa ospital, then after an hour nagising s’ya, kaso wala pa ang parents n’ya noon nasa ibang bansa pa daw, pagkakaalam ko sa parents ko. Greg was crying when he woke up, and he told me that his parents made him like that. He told me that was the cruel tradition of your family, to kidnap their own child and to made him or her suffer to see whether if he or she is worthy of the thrown. That’s a secret in your family, narinig lamang ito ni Greg sa nagpapahirap sa kan’ya na naawa sa kan’ya, at grabeng mental breakdown ang dinala noon kay Greg kaya’t nakatakas s’ya. Pagkadating ng parents n’ya umakto ang mga ito na nag-aalala at parang walang nangyari. He said that I should kept everything I heard as a secret and that’s how cruel your family is. Pagkakatapos ng mahabang panahon, mga nasa thirties na siguro kami noong ipaliwanag sa kaniya ng ama n’ya iyon na hindi nila pwedeng baliin ang tradition, kaya’t walang nagawa si Greg kundi gawin din iyon sa iyong ama, naranasan din ni Philip ang dinanas ni Greg. Your family is way too vicious. And that’s the secret of your family, hindi pwedeng may makaalam maliban sainyong makakadugo. But as you can see, Greg did tell me so I know.” Para akong nabingi sa nalaman ko.

Yes, may pagkastrict at brutal si dad, but when it comes to me and my mom, sobrang sweet at caring n’ya, hindi ko akalain... Napapikit ulit ako.

“No! No! No!” I yelled. “Nag-alala sila sa’kin! Naghanap ang empire noon. Kaya hindi pwede!” I ululated.

“Hindi mo ba alma ang salitang pagpapanggap ha Nathaniel?! Nagawang magpanggap noon ng parents ni Greg! Parents mo pa kaya?! Anong akala mo santo sila? Sinasabi ko sa’yo nabubuhay ka sa mundo ng mafia at gangsters kung saan kung mahina ka patay ka, kung saan walang lugar ang awa, at kaliwa’t kanan ang pagtratraydor at pagpapanggap!” Parang natatauhan ako sa mga sinasabi ni Mr. Smith. Pero hindi, hindi, hindi! Ang sakit, sobrang sakit.

“No! The Grim Monarch! Baka sila ang may gawa!” I protested.

“Gising Nathaniel! Oo kalabang mafia natin sila, but I didn’t find any evidence stating that they are the culprit! All are pointing into the Gangster Empire!” Pakikipagtalo ni Mr. Smith na nagyon ay nakatayo na sa harap ko.

“No!” Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang stress. “Bakit naman gagawin ng empire namin iyon?!” I bellowed.

“Bakit?! Bakit?! Because your empire is greedy! Because of power, because of wealth because of money! Wala na talaga ngayong hindi nadadala ng pera. Tsk. Tsk tsk. Gusto nila solohin ang Empire, at i-eliminate ang Yobbo at Hoodlum. Pero bakit ‘di nagawa ng move ngayon ang Empire n’yo ng move about that? Maybe because they are moving quietly. Baka nga mamaya bagsak na pala ang Yobbo Empire ng hindi natin nalalaman at isususnod kaming Hoodlum Empire.” Paliwanag n’ya.

Napa-upo na lang ako sa pang-hihina. “But why are you saying this to me? Traydor nga ‘di ba? Traydor nga ang empire na mamanahin ko hindi ba?”

“Dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang apo ko na gagawin mo ang lahat, makamit lang ang hustisyang ipinagkait sa kan’ya.” Mahinahong sabi nito.

“Bakit mo sinasabi sakin to matapos mong itago ng limang taon si Light? Bakit?” Mahinang tanong ko.

“Ang parents ni Light, I told them that I will investigate on my own, ayoko na masaktan pa sila ng sobra kaya’t, sinabi ko na ako ang magiimbestiga, may tiwala ang anak ko at asawa n’ya sa’kin dahil mahal na mahal ko ang apo ko at masyadong masakit ang lahat para sa kanila. I need to protect Light kaya itinago ko s’ya. Yes, her parents know that she’s alive, araw araw alam nila ang nangyayari sa anak nila, pinapanuod nila ito sa malayo. Also, the reason kaya hindi sila nakaattend kanina sa ball ay dahil baka lapitan lamang nila ang anak nila, dahil matagal na nila ito gustong lapitan at alagaan muli, they are refraining themselves to do something. They are also planning to do everything to get the justice for her. Like you. I’m telling you this because I know, you can help us.” Marahang paliwanag n’ya.

Tama s’ya, ngayon pa lang I’m planning to help them, even though it means betraying my own family. It hurts damn much. It hurts so much.

“I’ll do everything just tell me.” Naglakad na ako papalapit sa pinto matapos ko sabihin iyon. Kahit sa ganitong paraan man lang mapagbayaran ko ang mga kasalanan ang pamilya ko kay Light, dahil hindi ko na alam kung may mukang maihaharap pa ako pagnalaman n’ya ang totoo.

“Remember Nathaniel, this is just a hypothesis because all the evidences that we have is pointing into your empire. We need you to confirm it for us. Not by asking them, but by being an eye for us in your own empire.” Alam ko alam ko! ‘Wag mo na paulit ulitin pa dahil ang sakit sakit sakit!

Kahit sabihin mong hypothesis ‘yan, parang nainiwala akong empire ko nga, dahil kaya ba all these years I cannot find any evidence of Light’s death? ‘Yung mga evidence na naligtas namin noon sa arson, ang mga laman nun ay mga files ng kumidnap sa’min, and almost all of them were dead when we found them. At saka ‘yung mga order of events, at hypothesis namin ang nandun. Pati na din ang mga maling nangyari 5 years ago dun naka record. Maliban sa mga ebidensyang ‘yan, wala na kaming ganung ibang nahanap dahil tila ba protected ang iba pang pwedeng may kinalaman sa nangyari 5 years ago. Siguro nga dahil Gangster Empire is blocking it. Dahil siguro nga pinapaikot nila ako para hindi ko malaman ang totoo.

Ang dami naming mga inisip noon, we connected also the things like, ‘yung nangyari sa pamilya ni Light, bago ang kidnapping, but it didn’t even cross our minds, na pwedeng Empire ang may gawa noon. Kasi fuck lang, sinong mag-aakalang Gangster Empire? Ang sarili kong mamanahing empire? For whoever’s sake, it’s the Empire! Hindi mo nga naman sila pagdududahan. Shit lang, I felt like a fool the whole time!

Ako lang naman siguro ang kikidnapin noon, nadamay ka lang Light dahil kasama kita, siguro mali ang mga hypothesis namin noon nila Tim. Siguro, kaya ikaw ‘yung sinasabihan nila na gusto nilang mamatay ay dahil para hindi ko mahalata na tradition iyon ng family namin at maeliminate unti unti ang ibang empire. Ang sakit Light. Ang sakit. Hindi ko ko akalaing, parang demonyo ang pamilya ko.

I’m sorry. I’m sorry.

I don’t even know, if I deserve to be forgiven after everything that I’ve discovered. I don’t even know if I deserve to be with you after everything, I don’t even know if you can forgive me after everything. I’m sorry...

Kahit papano, sa pagiging espiya ko ngayon sa Gangster Empire, makabawi ako, kahit papano mapagbayaran ko ang mga paghihirap mo.

Dahil wala nang mas sasakit pa sa unti unting pagpatay sa’kin ngayon dahil sa mga nalaman ko. I know I deserve this. I deserve all of this, but shit thinking that you might cursed me to hell is a lot worse for me. I’m sorry. I’m sorry.

Parang pinipiga unti unti ang puso ko at hindi na ako makahinga ng maayos matapos ang mga nalaman ko.

Inaamin ko gusto ko ngayong sugudin ang Gangster Empire at mga magulang ko matapos ang mga nalaman ko, gusto ko silang sirain at pahirapan tulad ng ginawa nila sa’min. Pero tangina, magulang ko sila, at sobrang sakit noon. Gusto ko silang ipagtanggol gusto silang depensahan ngunit hindi ko magawa!

I need to control this temper of mine. I need to. “Mr. Smith, can you ask a favor?” Alam ko ang kapal na ng muka ko, kaso pag hindi ko ‘to nahiling baka makapatay ako.

“Put the gang in an isolated island.”

End of Flashback

Matapos ang gabing ‘yun, nagising na lang ako nasa isang island na kami. I know this island is a little dangerous for us. Pero gusto kong lumayo kahit panandalian lang sa problema, at ang ngiti ng barkada specially ni Rivera o Light ang nagtatanggal ng galit sa puso ko, kaya isinama ko sila sa island na ‘to.

Pinalabas din namin na si Rivera o Light  ang nagpapunta sa’ming lahat dahil alam naman naming walang tatanggi sakan’ya kahit ano pang sabihin n’ya. Basta s’ya, wala ng tanong tanong pupunta sila.

Simula din nung makadating ako sa island na ‘to puro pagpapanggap ang ginawa ko. Na masaya ako at walang alam, kahit sobrang sakit na.

Siguro kung wala kami ngayon sa island na ‘to. Nakapatay na ako ng sarili kong miyembro sa Gangster Empire, baka pati parents ko pag nakita ko hindi ko na alam ang gawin ko sakanila.

Kagabi nga hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasabi ko na kay Rivera ang tunay na pangalan n’ya. It’s because I miss her damn much and I’m really sorry for everything that she’ve been through.

Kahapon pa ako nagpapanggap na okay lang ako. Kahapon ko pa kinukumbinsi ang sarili ko na ‘wag na ‘wag s’yang tawaging Light, na iwasan ang pag-iisip ng mga nalaman ko. Nagawa ko naman lalo na nung andun kami sa falls. Noong umalis kasi ako mag-isa maglalabas sana ako ng sama ng loob, hindi ko naman akalain na susunod si Rivera o Light at kinabahan ako ng todo ng sumigaw s’ya.

Noong nasa falls kami kinalimutan ko ang problema, kinalimutan ko na s’ya si Light, para maging masaya ako kasama s’ya, pero noong bigla n’yang tanungin sa’kin si Light, kaya ako napatigil ay dahil sumakit nanaman ang puso ko, dahil parang nagising nanaman ako, na may kinalaman ang Empire na mamanahin ko sa nangyari sa kan’ya.

Yes I’m laughing, smiling and enjoying our bonding, yet inside I’m dying. Nagpapanggap lang ako na okay ang lahat pero ang sakit sakit pala. Minsan nga hinihiling ko na sana namatay na lang ako para kahit papano napagbayaran ko na lahat.

Pero hindi eh, I deserve more punishment. Hiniling ko kay Mr. Smith na panatilihin kami dito ng tatlong araw at dalawang gabi. At mag-handa s’ya ng pwede naming magawa, at isa na dun ‘yung bola at handcuffs kanina. Nagising ako kagabi ibinigay sa’kin ng ilang tauhan ni Mr. Smith ang mga handcuffs, idea daw iyon ng mommy ni Light, para kahit papano makapag-enjoy kami by partner. I agreed, and pinagpartner partner ko sila kagabi. Pagkatapos noon, ibinigay nila ‘yung susi sa’kin. Yes, they did spray something to make them fall asleep, para hindi maalimpungatan, at dahil nga ginising ako hindi ako damay.

Nadamay pa sila sa kagaguhan ko. Kung wala siguro sila ngayon dito, kung hindi nila ipinapakita ang mga ngiti at kilos nila, malamang pinatay ko na ang sarili ko ngayon, pero sakanila ako kumukuha ng lakas, sa kanila kahit papano nakakapag-isip ko ng tama.

Pasens’ya na nadamay pa kayo. Gusto ko lang naman sumaya kasama si Light, kahit alam kong imposible.

I’m sorry Light, I’m sorry Rivera. I’m sorry.

Hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak nanaman sa dalampasigan dahil pagkatapos ng gabing ‘to, kailangan ko ng harapin ang malupit kong kapalaran.

***

A/N: Sorry, sa matagal na update. Masama kasi pakiramdam ko noong nakaraan eh, tas andami pang school works. Hindi po kasi ako bakasyon, kasi wala naman ako sa pinas. Nasa Canada na kasi ako ngayon. So ayun. Paki-intindi na lang po. Vote and Comment. :)

Isang pasabog. Done. Ready for more? ;)

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top