Heir 36: Bamboozle

Heir 36: Bamboozle

Ayah Lynn's POV

"Tell me Ayah, trinaydor mo ba kami?" Kapapasok lang namin ni Lian sa base ng boys team. At iyo agad ang itinanong niya. Huhuhuhu. Nakakatakot si Lian.

"L-Lian naman..." I said.

"Answer me. Tell me!" She yelled. Napaatras ako dun. Eh kasi naman eh! Niloko ako ni Thon Thon! Malay ko ba! Huhuhu!

"Eh kasi eh! Sabi ni Thon Thon saakin kanina noong nasa labas ako ng building nung nag walk out ako, makikipaglaro daw siya ng dora game saakin! Edi pumayag ako, tas sabi nya drawing daw ako ng map natin!" Mabilis na sabi ko. Eh huhuhu, saka sabi nya bibigyan nya ako ng oreo at chuckie, edi tuwang tuwa ako at pumayag ako. Huhuhu.

"Ayah!" Lian yelled.

"Lian, ah wag mo akong sigawan." Seryosong sabi ko habang nakapout, sinisigawan ako eh anlapit lapit ko naman huhuhu. Ang bad bad na ni Lian.

"Tsk! You're a pain in the ass!" Asar na sabi nito. Sinaaman ko naman siya ng tingin doon. "What?!" Alma niya pa noong tiningnan ko sya ng masama. Pa-english english na din sya ngayon ah! Pa pain pain in the ass pa. Che~! Andaming alam huhuhu.

"Hindi kaya ako may kasalanan!" Depensa ko.

"Ay sino bang nagbigay ng map sa kanila ha?" Tanong ni Lian, napaturo ako sa sarili ko sabay sabing, "Ako?"

"Aba malamang! Edi ikaw may kasalanan," she hissed.

"Hindi kaya ako, ikaw, ayaw mo kasi sumali sa dora game." I said. Agh, magwawala ako dito eh! Ako daw may kasalanan? Eh hindi naman ako!

"Bakit ba kasi dora game ka dyan ng dora game? Ay wala nga tayo sa dora game. Snap back to your senses! Iuuntog na talaga kita eh!"

"Lian naman huhuhu! Wag masakit yun!" I shrieked. "Agh!" Frustrated na sabi ni Lian.

"Bumawi ka." She demanded. "Oo na, pano ba. Saka malay ko bang tinulungan ko sila noong binigay ko yung map." I spoke.

"You have a great mind. Minsan nga lang slow pero alam kong kayang kaya mo lahat magsolo iwasan ang trap dyan sa loob." She said. My eyes widened.

"D-don't tell me, solo akong haharap sa lahat ng yan?" I said.

"Nakuha mo!" Masayang sabi ni Lian sabay palakpak. "Niloloko mo ba ako?" Tanong ko kay Lian. Umilimg iling si Lian. "No, oh come on, Ayah. May kasalanan ka, matatalo ang grupo natin dahil sa'yo now, kailangan mo bumawi, so ayan ang paraan para makabawi ka, harapin mo lahat iyang traps."

"Eh pano ikaw? Uupo lang dyan?" Sabi ko sa kanya sabay turo sa sahig.

"Oo, masama?" Sabi niya sabay irap. Aish! Asar naman itong si Lian, iwan ba naman ako ng solo sa laban. Agh. Wala na akong nagawa kundi tumango, aish. Niloko kasi ako ni Thon Thon eh! Humanda sakin yun mamaya pagkatapos ng game!

Tumindig na ako sa starting line ng first floor habang si Lian nakasandal lamang sa pader at nakatingin saakin. Agh.

Humakbang ako ng isa at huminga ng malalim, nagitla ako noong unang apak ko may lumabas na matilos na dulo sa isang pader. Shit, muntik na ako dun.

"Bilisan mo Ayah! Tuso sila!" Lian suddenly yelled. Nagulat ako nung makaramdam ako ng konting pagyanig dito sa lugar namin. Saka ako napalingon sa magkabilang side ng pader. Sht nagalaw ito! Andaaayaaa! Bat may ganto sila?!

Dali dali akong humakbang pa ng malayo at tumalon dahil na din sa bigla biglang nasulpot na matatalim na dulo na parang kutsilyo. Talon sa kanan, bend pa baba, talon sa kaliwa iwas sa patalim. Maging sa tinutungtungan ko may nalabas na din na mga patalim! Agh! Ang bibilis. Yung pader din! Masasarahan ako nito eh!

Dali dali akong tumakbo na halos parang lipadin ko na makarating lang ako dun sa pinto. At letche naman oh! Napupunit ang pants at damit ko kada madadanggilan ako ng patalim dito eh! Bakit ba kasi may bigla bigla na lang nasulpot na patalim sa sahig at yung mga patalim naman sa pader bigla na lang parang hinahagis sa ere, tapos sa kisame naman may bigla bigla na lang nalalaglag na kutsilyo! Peste naman heels pa naman ako!

Nasa kalagitnaan na ako ng daan papunta doon sa pinto noong madaplisan ang braso ko at agad itong nagdugo. Letche nasa first floor pa lang ako ganito na! Agh!

Kumuha na ako ng kutsilyo mula sa sahig at hinugot ito, kahit dumugo ang kamay ko dahil sa pagkakahila dito, naiinis ako eh, ang asar naman kasi. Sino ba namang ganito ka brutal ang makakaisip ng trap na ito?! Brutal lang! Agh! Dapat pala nakisali ako sa panggagawa ng trap saamin at mas brinutalan ko!

Naging punit punit na tuloy iyong pants ko dahil dito. Pero okay lang at least may style na hehe. Ripped jeans. Tapos iyong damit ko, natanggalan ng sleeves ayan tuloy, naka sleeveless na ako ngayon, nadugo pa braso ko. Dali dali kong tinanggal iyong heels ko at tumakbo ng mabilis habang iniiwasan ang bigla bigla na lang na sulpot na mga matatalim na bagay sa sahig, habang ang kinuha kong kutsilyo kanina ay ginagamit ko na pang-sangga sa nagliliparang kutsilyo at shuriken na galing sa pader. Iyon namang nagbabagsakan mabilis ko naiiwasan! Huhuhu! Grabe kawawa ako dito! Puro patalim! Humanda talaga sila thon thon saakin mamaya! Huhuhu! Hindi ito makatarungan!

"Agh." Namali ang kalkula ko kaya't nadaplisan ang paa ko, nakayapak na kasi ako dahil tinggal ko nga yung heels. Tumakbo na ako ng mas mabilis dahil malapit na akong maipit nung pader na punong puno ng matutulis na bagay.

Dali dali akong tumakbo at halos pati binti ko madaplisan na sa kamamadali ko, madapa dapa na nga ako. Dahil maiipit na ako dun sa dalawang pader na halos didikit na saakin! Hindi na ako makahinga sa kaba at ang bilis bilis na din ang tibok ng puso ko. Juice colored. Hindi na talaga ako maghahangad pa ng dora game kung ito ang kabayaran! Huhuhu! Natumba ako noong tumalon ako mataas. At sumalampak sa sahig. Napa-ungol ako sa sakit dahil doon. Agh. "A-aray." Mahinang usal ko, dahil nga may mga hiwa ako. Pinilit kong umupo at tiningnan ang puti kong damit, pula na ito dahil sa mga hiwa ko, tapos yung pantalon ko. Letche! Sira na. Huhuhu. Pero...

"Omygad! Buhay pa ako!" I sighed in relief, nakarating na ako sa pinto. Akala ko mamatay na ako! Ansakit pa ng katawan ko, tapos yung paa ko nadugo pa. Aish! Maghihiganti talaga ako. Huhuhu, hihingin ko pa ang tulong ng wonder pets eh!

Pinilit kong tumayo kahit ramdam na ramdam ko ang sakit sa katawan ko. Unti-unti nakita kong bumukas ulit yung pader mas mabilis ang paghihiwalay ulit nito kesa sa pagsasarado nito kanina sa gitna. Noong tuluyan na itong bumalik sa dati, nakita ko si Lian sa kabilang dulo na nakangiti.

"Goodluck! Hanapin mo yung flag ha?" She yelled. I scoffed. Grabe di talaga nya ako tutulungan ang daya. Huhuhu.

Parang tulad kanina nag simula nanaman yung mga paglipad ng matitilos na bagay at magsulpot ng mga kutsilyo sa sahig. At dandahang pagsasara ng pader. Samantalang ako. Dali dali na akong pumanik sa second floor. Hinayaan ko na magdugo ang braso ko at konting sugat ko sa binti, buti na lang wala sa muka. Ang beauty ko kawawa pag nangyari iyon. Huhuhu.

Noong makarating ako sa second floor. Empty space ang sumalubong saakin. Isang patibong lang ang pumasok sa isip ko dito. Laser. Panigurado na. May mga invisible laser dito. Kaso pag nadanggil ko iyon, hindi ko lang alam ang consequence.

Agad akong kinuha sa pocket sa loob ng damit ko ang shades. Mabuti na lang hindi ito na damage, sabagay matibay naman ang lalagyan nito. Sinuot ko na ang shades at inactivate ko ang invisible censor nito. Agad akong nakakita ng maraming color red na parang buhol buhol na sinulid.

Kumuha ako ng isa sa hikaw ko at ibinato sa empty space na punong puno ng lazer, noong ibato ko iyon, bigla na lang umusok. Shit akala ko mga kutilsyo o bala ng baril ng pwede dito. Hindi usok. Agh.

Alam ko at pamilyar ako sa amoy ng usok kaya't pinunit ko ang laylayan ng damit ko, kaya't kita na ang tiyan ko ngayon. Ipinaikot ko yung tela ng damit ko sa ilong at bibig ko, maari akong mahimatay dito sa amoy na ito.

Pakapal na ng pakapal ang usok. Dapat pala hindi ko na tinesting kung ano mangyayari pag nadanggil ang mga strands ng laser kung ganito ang consequence. Dapat iniwasan ko na lang ng iniwasan. Syempre dahil sobrang hirap iwasan nung laser may nadadanggil pa din ako, at kada danggil ko dun, iba't ibang chemicals ang nausok. Sht. Binilisan ko na ang kilos ko dahil too much exposure to these chemicals might burn my skin, might poison me or worse might kill me. Dali dali akong tumakbo na lang at hinayaan madanggil ang mga laser dahil sa ginawa ko, lalong kumapal ang usok. Nakarating nanaman ako sa pinto. At sht! Nakalock ito.

Walangya talaga ang mga lalaking iyon! May balak ba silang patayin ako?! Labag sa rule yun ah! Kaso yung mga yun pa ba ang susunod sa rule? I doubt. They are rule breakers! Damn it.

Dali dali akong gumamit ng lakas upang mabuksan ang pinto. Ibinangga ko ang sarili ko sa pinto ng malakas kahit masakit sa katawan ko ito kelangan ko itong gawin dahil kung hindi malalason ako sa mga nalalanghap ko. Letcheng patibong ito!

Isang malakas at matinding pwersa na ang ginamit ko. Halos sumigaw ako sa sakit noong mabuksan ang pinto dahil sa pwersa ko. Halos maiyak din ako sa sakit. Oo sanay ako sa sakit ng katawan kaso naman, masakit eh, pwede naman masaktan di ba? Huhuhu. Napa-ubo ubo na din ako sa sobrang hirap huminga dahil sa mga nalanghap kong usok.

Halos limang minuto akong nakahiga sa sahig noon dahil sa pagod at sakit ng katawan, agh. Ano ba iyan! Noong naisip ko na kelangan kong maunahan ang kabilang team sa pagkuha ng flag, para akong nabuhayan at dali daling bumangon at tumakbo pataas ng third floor. Pagkadating ko sa third floor.

May malaking screen na sumalubong saakin. Nagtaka naman ako dun. Walang traps?

Nagitla ako nung biglang may lumabas na text dun sa sa screen.

Answer all the questions correctly, you can simply go to the fourth floor, but if you answer the questions wrong, be ready for the punishment.

Hindi ko alam mararamdaman ko sa mga nabasa ko. Pagod ako parang drained, tapos may mababasa ako na ganito? Na utak pa ang kailangan? Matinde mag-traps ang mga lalaking yun, nakakapikon. Agh. Si dora kasi eh! Ipinahamak ako. Aish.

First question: The most outstanding gang in the world?

Eh? Nakikipaglokohan ba sila? Letche! Agad na may lumabas na parang keyboard na parang nakalutang na transparent na nailaw na color blue sa harap ko. Agad kong itinay-pe ang sagot ko. Hindi ko alam kung sila pa din ba, pero sa pagkakaalam ko sila pa din.

Nakiyama's Clan.

I answered. Nagdadasal ako na sana sila pa din. Dahil kung hindi. Agh. Huhuhu. Nagulat ako nung may tumunog! Kaya't napatingin ako sa screen! Yes! Yes! Yes! Tama ako! Wooo! Tama ako! Parte parte!

Second question: What does Improbus Ille Imperium means?

Ah! Ano nga ba meaning nan? Aish! Ano nga ba? Think Ayah think! Natataranta ako alam ko ito, pero nablablanko ang utak ko sa stress at pagmamadaling mag isip. Agh, alam ko to eh, alam ko! Hindi ako ganung kasigurado pero nagtype na lang ako, kesa naman walang sagot.

Heartless Empire.

Halos mapasigaw ako sa saya noong tama nanaman ang sagot ko, waaa! Letche! Ibabalita ko kay Lian na mas matalino na ako sakaniya! Haha! Like omygad! This is insane! Ang galing galing, nakakasagot ako! Emeged. Haha. Malay ko ba kung pano ko alam ang mga sagot sa mga tanong na iyan, basta alam ko na lang haha. Ang galing ng utak ko! Parang may memory na kanya! Hohoho!

Third question: The three organization in the underground world that's extremely dangerous and prohibited but still operating?

Waaa! Ano ba namang mga tanong ito! Bakit puro ganito? Huhuhu. Antinde. Dapat talaga si Lian na ang pumunta dito eh!

Mafia, Gangster and Black Organization.

I answered, crossed fingers na tama ako. Huhuhu. Bakit ba kasi ganito ang mga tanong eh! Pede namang 1+1! Mga ganun. O kaya, Sino maganda si Alyx o si Ayah? Edi pag yun, madali lang! Huhuhu. Pikit mata kong inabangan ang tunog at halos gumulong gulong ako sa sahig ng tama ang sagot kooo! Waaa! Em so proud! Ang talino ko! Mouhahaha! Talo ko na si Lian! Halos magsasayaw ako dito noong tama nanaman ang sagot ko. Emeged. Haha.

You can now pass this floor.

Nakalagay dun sa screen kaya't dali dali akong tumakbo papunta doon sa pinto. Akala ko makakalampas na talaga ako, kaso letche ang sinungaling nila! Huhuhu. Bigla na lang may sumuntok sa tagiliran ko, patingin ako kung saan nanggaling iyon at dun pala sa isang parang statwa. Huhuhu. Ang sakit nun, talbog ako eh.

Tumakbo ulit ako at mabilis iniwasan yung istatwa na sumusuntok suntok pa din, wala na akong ganung oras, kailangan ko ng bilisan. Sa kabilang side kasi ng building naririnig ko na ang mga pagsabog at kung ano ano, mukang natatalo sila kahit na may binigay akong map. Agh.

Nasa fourth floor na ako. At nasa dulo nito ang flag! Sht! Sa wakas! Huhu! Makukuha din kitang flag ka! Tumakbo ako papunta doon at peste! Illusion! Isang illusion flag lang pala iyon! Noong hawakan ko kasi ito, bigla itong nawala na parang nag blurry na computer. Nagulat na lang ako nung matapos kong hawakan iyon, biglang nalaglag ang sobrang daming flag mula sa kisame. Fck! Anong tunay dito? Huhuhu! Paano na ito?! Alam ko tong tactic na ito! They are killing time! Syempre ang rule lang naman ng game na ito ay paunahang makuha ang flag. Binilisan ko ang kilos ko at hinanap ang tunay na flag. Kada hawak ko sa isang flag nawawala ito, tas may papalit nanaman.

"Ahhhhh! Pano ko mahahanap yun?!" Asar nasigaw ko. Sabay ang pagpadyak padyak! Aaa! Ang peste nila! Huhuhu! Paulit ulit ang nangyayari hanap ako ng hanap pero halos matabunan na ako dito dahil padagdag lamang ito ng padagdag. Bakit ang galing nila sa technology?! Huhuhu! Mga technology trap ito eh! Huhuhu! Halos thirty minutes ako naghahanap doon, napahiga na ako sa sahig sa sobrang pagod! Waaa! Andami dami pa! Para akong nasa lugar kung saan tambak ng kabundok na labahin! Asar! Asar! Asar! Susuko na ba ako? Huhuhu. Pero wala sa vocabulary ko yun eh! Napaupo ako ng padabog.

"Humanda kayong apat saakin! Bubugbugin ko kayo mamaya!" Asar na sigaw ko sabay ang pag wawala ng konti. Asar na asar na ako! Tatawagan ko na ang wonder pets! Isa na lang! Aish! Pahiga na sana ulit ako ng may maalala ako!

Agad akong nabuhayan ng loob noong maalala ko iyong shades! Waaa! Bat ngayon ko lang naalala?! Dali dali kong kinuha iyon at isinout, at halos manlumo ako nung wala akong nakitang totoong flag sa mga iyon! Mga walangya kayong mga fake kayo! Huhuhu! Pinaghanap niyo ko ng halos kalahating oras?! Tas walang tunay sa inyo! Huhuhu! Tama nga, they are killing the time! Huhuhu!

Dali dali akong pumanik sa last o fifth floor pagkadating ko dun, nakita ko na ang tunay na flag na nakasabit sa isang parte doon. Pinakiramdaman ko ang paligid and I can sense danger. Sa bawat aapakan kong mali sa sahig panigurado, may sasabog, kung hindi naman tatamaan ako ng bala. Kelangan ko makuha ang flag sa kabilang dulo. Ngunit paano? Kung halos ang buong sahig dito ay may lamang explosives? Huhuhu. Papatayin talaga ata ako nung mga yun eh!

Tiningnan ko ang lagayan ko ng shades. May kung ano ano pang laman yun eh. At nakakita ako ng ballpen. Akala mo simpleng ballpen lang, kaso napangiti ako. Mouahaha! Nasa akin ang huling halakhak! Mouahaha.

Agad kong pinahaba ang ball pen na iyon, at saka sinungit ang flag. Dandahan at maiingat kong pinaikli ulit yung ballpen para lumapit saakin. Dandahan... Kinakabahan ako, naginginig ang kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Pag nalaglag ang flag na ito. Siguradong sasabog ang floor na ito. At maaring ikamatay ko. Kaya't halos kinalkula ako ang bagal at maayos na paglapit ng flag na ito saakin.

Malapit ko na itong makuha abot kamay ko na ito! Pero...

"Omg!" Malakas na tili ko, halos tumigil ng pagtibok ng puso ko at parang nag slow mo ang mundo. Hindi na ako huminga noong nakita kong unti unting babagsak ang flag sa floor!

Hindi ko alam pero mabilis ang reflexes ko! At omygad! Praise the Lord! Alleluia! Nasalooo kooo! Waaaa!

"Waaa! Letche Ayah! Parte! Parte na!" Masayang sabi ko sabay lukso at yakap dun sa flag!

Dali dali akong bumababa sa floors pero nagtaka ako nung shut down na ang mga traps? Eh? Dapat hindi pa ito shut down ah? Dapat dadaanan ko ulit ang hirap na dinaanan ko kanina, dapat nag fufunction pa ito. Eh? Bakit ganito?

Hindi ko alam pero parang bigla akong nawalan ng pag-asa. Nag-shut down na ang traps. Ibig sabihin... Naunahan na kami ng kabilang grupo.

Dandahan akong nag-lakad papunta sa place kung saan ang kitaan yng place kung nasaan sina Annicka, Evans at Cassidee.

Pagkadating ko doon. Nakita ko silang lahat. Hindi ko alam kung manlulumo ako dahil tama nga ang hinala ko, nauna sila. Hawak ni Tim tim ang flag namin at nakalagay sa isang malaking screen ang time kung kelan nila ito nakuha.

1 hour, 22 mins and 16 seconds.

Samantalang yung amin.

1 hour, 25 mins and 13 seconds.

Aaah! Andaya! 3 mins lang! Huhuhu! Andayaaa! Dapat kasi talaga nagshades na agad ako dun sa third floor eh! Dapat talaga hindi na ako naghanap pa ng sobra dun eh! Yun yung nag kill ng time saamin eh! Huhuhu! Kasalanan ko to!

"Huhuhu. Sorry Lian. Sorry Shana. Sorry Alyx." Agad silang napalingon saakin noong dumating na ako.

"What the heck?!" Sigaw nilang tatlo. Nina Alyx.

"Ooooh. Sexy! Witwew!" Sigaw ni Tim Tim.

"Sizzling hot!" Natatawang sabi naman ni Thon Thon.

"Daring! Wooo!" Sigaw naman ni Jj.

"Wew. Sexy." Sabi naman ni Skyler.

"What the hell happened to you?!" Nagitla kaming lahat noong sumigaw si Evans at lumapit saakin. Waa. Nagitla na lang ako nung hubadin ni Evans ang shirt nya at biglang ihagis saakin.

"Wear that!" He exclaimed. Halos magulat ako dun. Bakit ba? Napatingin ako sa sarili! Omygad! Muka na akong sexy-ng pulubi! Huhuhu! Ang dungis dungis ko kasi may mga bahid ng dumi at dugo ang damit ko which is naging tube na lang. Oo tube, kita na tyan ko. Tas yung pantalon ko naging short! Aba ang tinde kaya nung nangyari kanina sa first floor! Tas nakayapak pa ako. Pero kahit na, sexy at maganda pa din ako.

Wala akong nakagawa kundi suotin yung binigay ni Evans. Hanggang hita ko yung t-shirt kaya natakluban yung shorts ko. Parang naka t-shirt lang ako ngayon. Kesa naman yung kanina, halos makita na ang body ko. Letche. Haha.

"What the?! Lian?! Hinayaan mo si Ayah na solohin ang pagkuha ng flag?!" Sigaw ni Alyx.

"Oo." Simpleng sagot ni Lian.

"But why?!" Shana bellowed. Lian just smirked.

Napatingin naman ako dun sa apat na lalaki, halos matawa ako sa itusra nila. Muka silang bangag na pulubi. Haha. Ang dudungis din nila, yung buhok nila gulo gulo, yung damit nila punit punit, yung muka nila may mga pasa. Wahaha! Bugbug sarado to kayna Alyx at Shana sure! Mukang napalaban din si Shana at Alyx eh, punit punit din ang damit at may mga galos at sugat. Pero yung apat talaga! Wahahaha! Letche! Mukang nginudngod sa abo! Haha. May mga parang ano sa muka eh. Parang mga taong grasa! Haha. Tas nadugo pa yung ibang parte ng katawan nila, saka sa damit nila may dugo din. Halatang nahirapan din sila. Pero humanda din sila saakin! Grabe hirap na dinaanan ko dun! Huhuhu!

"Ah, ouch!" I suddenly shrieked. Yung paa ko kasi. Agh. Nadugo mabuti eh. Aish. Nagitla na lang ako nung bigla akong lumutang sa ere. Este buhatin ang ni Evans. Omo! Feeling ko namula ako dun.

"Bring a chair!" Sigaw nya. Kaya't maya maya may dumating na medic at isang lalaki na may dalang upuan inupo ako dun ni Evans. "Gagamutin na po ba?" Biglang tanong nung medic.

"No. Mamaya na." I said. "Rivera." Napalingon ako kay Evans noong magsalita sya. Warning tone. Huhuhu. Ano bang ginawa ko sa lalaking to? By the way, so hot ni Evans kita abs. Emeged. Haha. Wala kasi syang suot na damit, you know. Binigay nya kasi saakin hihihi.

"Mamaya na kasi, dito muna tayo sa game. Dali na. Talo na nga eh. Announce nyo na." Asar na sabi ko.

"Yeah, she's right. Unahin na natin tong game." Biglang sabi ni Cassidee. Aba! Umagree saakin ang bruha. Mouhahaha!

"Tss." Evans replied. Mukang suko na sya. Kaya't nagpatuloy na kami sa about sa game.

"So as you can see. Ang boys team ang unang nakakuha ng flag. Ang game natin ay isa lang naman ang rule, kung sinong maka-kuha ng flag syang panalo." Annicka said.

Narinig ako ang pag-buntong hininga nila Alyx, naguilty tuloy ako. Kasalanan ko ito eh, sana kasi binilisan ko pa.

"So. The winner is! The boys team!" Annicka announced and then the whole room was filled with cheers and loud music. Agh nagitla ako sa biglang ingay. Nag tatalon nanaman sa saya ang mga lalaki sa kabilang team kahit si Skyler nakita saya na din.

"We won! We won!" Masayang sabi nila. Na parang mga batang nagmemerry go circle round and round. "Ansaya! Pananalo nanaman tayo!" Tuwang tuwang sabi ni Thon Thon. Huhuhu edi sila ng masaya! Andaya! Huhuhu!

Ang ingay ingay nila. Nagkakagulo sila, may mga confetti at party poppers na lang kasi bigla. Samantalang ako ang lungkot lungkot ko, kung di ko kasi pinilit yung dora game ko eh. Kung di ko kasi pinilit yung walang kwentang mga gusto ko eh. Kung sana hindi ako nagpaloko eh.

Nagitla ako nung lumapit si Evans saakin. Yakap yakap ko yng flag, naiiyak ako. Kagagawan ko lahat ng ito.

Lumuhod sa harap ko si Evans nanlaki ang mata ko.

Hala! Mag-proprose sya?! Omygad! What was he thinking?! Nasa harapan namin ang fiancé nya! Lokohan ba?! Omygad!

"W-wag mong ituloy iniisip mo!" Banta ko. Mukang nagtaka si Evans dun. "Huh?"

"Wag! Grabe ka! Aawayin ako lalo ng fiancé mo! Tayo ka dyan! Tayo ka dyan! Ang landi landi mo!" I screeched. Pero dahil sa ingay hindi ito ganung rinig.

Buti na lang at nakatalikod saamin si Cassidee at may kausap na ibang mga taong andito na sa room namin.

"What?" Natatawang tanong ni Evans.

"Omygad! Evans! Wag ka nga dyan! Omygad! Hindi ako mag-yeyes noh!"

"Haha! What the hell are you thinking?"

"Wow! Ha! Nakikipagbiruan ba ako sayo! Hindi mo pa nga ako nililigawan tas may fiancé ka pa tas tas---"

"Haha! You're unbelievable, Rivera, I'm just gonna heal your wound. What were you thinking?" He smirked.

"Hehehe." Awkward. Letche! Ano ba naman kasi yung nasa isip mo Ayah! Nakakahiya ka! Huhuhu!

"Wait here, I'll get some first aid kit." He said. Then he smiled teasingly! Letche! Nakakahiya ako! Huhuhu!

Napalingon ako kay Evans kasama niya na si Cassidee. Inabutan ni Cassidee si Evans ng damit pagkatapos ay tinulungan pa niyang suotin ito ni Evans, tas niyakap ni Evans si Cassidee at ngumiti. Hays. Ang sweet nila. Bagay na bagay.

Napalingon naman ako kayna Shana mukang down na down sila habang naka-upo na din. Hindi kami bagay sa lugar na ito. Ang ingay ingay at puno ng celebration, tas kami ganito. Hays.

"So kamusta naman yun? Talo kayo." Nang-aasar na sabi ni Thon Thon.

"Che!" Alyx retorted.

"This is all my fault." I said. Habang apologetic na nakaharap kay Shana at Akyx na mukang pissed off.

"No this is not your fault Ayah, this is Lian's fault!" Biglang sigaw ni Shana na galit na galit. Ganyan yan si Shana hindi tumatanggap ng pagkatalo.

"Chill, bad girl. Tanggapin mo na, you were defeated." Biglang pang-aasar ni Jj.

"Shut up asshole! I'm not talking to you!" Shana squealed. Biglang natahimik lahat doon. Humina na din ang music at nawala ang party atmospehere.

"You should have go with Ayah, Lian. What were you thinking?!" She shrilled.

Lian stood up form her seat. "I'm buying time." Lian said calmly, may iba eh. May iba. Si Lian, may natakbo sa isip ni Lian.

"Come on. Party all you want." Natatawang remark ni Lian. Nagtaka na kami doon. Maging ang mga lalaki hindi na umimik. Antahimik ng paligid.

"Buying time?" Alyx inquired.

"Yes." Lian said with a smirk. Omygosh! That smirk. D-don't tell me?

"Oh my my, didn't you notice? Didn't you have an odd feeling? Didn't know? That all this time, you are deceive?" Mahabang katahimikan ang sunod naming narinig.

"W-What?" Naguguluhang tanong ni Timothy.

"Wala kayong napansin? I've fooled you all. I've bamboozled you all." She stated. And we were all shocked in silence.

Then suddenly, I've heard a slowly repeatedly clapped. Napalingon ako sa pinagmumulan noon, kay Evans. Unti unti syang lumakad papalapit saamin, habang dandahang pumapalakpak.

"Now, let me announce the true winner of this game..." Evans spoke. And were all like--- what?

"... the girls team, Ms. Lian Analiz Valle's team."

***
A/N: Anyare? Panong sina Lian? Haha. Hulaan nyo! Any theory? Comment! :D Wag kayong silent reader. T_T Vote and Comment for the next update! :D

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top