Heir 32: Arson

Heir 32: Arson

Lian Analiz' POV

"Sa tingin mo, Lian. Bakit 'di man lang pinagalitan ni Tito at Tita si Ayah?" Biglang tanong ni Alyx. Naglilibot libot kami sa school ngayon, nag-ditch class kami, hindi masaya eh, wala si Ayah, saka ang boring.

"Ewan nga, saka sobrang weird talaga nung ngiting 'yun." I said.

"'Yung ngiti ni Tito? Why?" Biglang sabi naman ni Shana, tumigil ako sa pag-lalakad at humarap kay Shana. "Ewan ko, alam mo kasi 'yung pakiramdam na may mali, at kakaiba? Ganun ang naramdaman ko nung ngumiti si Tito nun," Paliwanag ko. Napatango tango si Shana saka kami ulit nag-simulang mag-lakad.

"Baka naman masaya lang si Tito na kahit ganun nangyari okay si Ayah." Kontra naman ni Alyx.

"Ewan may mali eh, 'di ba? For the past five years? Grabe ang pagiging protective nila kay Ayah? Tas ngayon na may nangyari sa kan'ya parang wala lang sa kanila, parang masaya pa sila." Katwiran ko naman.

"Nako Lian Analiz Valle ha, sa limang taon nating kasama si Tita Brina at Tito Peter, ni minsan wala silang hinangad kundi kaligtasan ni Ayah, 'wag natin silang husgahan." Alyx said. Napatango tango naman ako dun.

"Ang gulo nila Tito, minsan 'di ko na rin magets natakbo sa utak nila." Sabi naman ni Shana.

"Aish, natatakot na ako." I confessed.

"Ako din." Biglang sabi ni Shana at Alyx.

"Simula nung akala ko talaga babarilin tayo ni Ayah, may mali na." I said.

"Ganun din pakiramdam ko, kaso pinagsasawalang bahala ko na lang, kasi hindi naman makakatulong kung mag-aalala tayo ng todo," Alyx said.

"Tama." Shana said.

Nagbuntong hininga na lang ako. At unti-unti bumalik sa ala-ala ko 'yung nangyari dalwang araw na ang nakakaraan noong akala ko malilintikan kami kayna tito, pero maling akala lang pala, dahil mukang sumaya pa sila. Agh.

Flashback

"May kalaban sa likod n'yo e. Akala n'yo kayo na ano?" Natatawang sabi n'ya. "Damn." I whispered silently. Napaka talaga nitong si Ayah, walang warning warning. Gagawin ang gusto n'ya. Tsk. Sobrang kabado ko dun a.

"You scared the hell out of me! Ayah!" Shana yelled. Sino ba naman kasing 'di matatakot sa ginawa n'ya. Aish.

"Glad to scare you out." She replied smiling, hindi ko akalain na 'yun ang isasagot n'ya. Parang noon lang, ganyan na ganyan din s'ya sumagot.

"Damn you. Ayah." Malutong na mura ni Shana. "Damn you too. Shana." She replied.

Natulala naman 'yung mga kaibigan ni Evans sa inasta n'ya, para bang nagtataka kung ako si 'ayah' talaga s'ya.

"Is she really the childish gullible Ayah?" Annicka suddenly asked. Mukang nagtataka sila, pano nagawang lumaban ni Ayah ng solo---ang childish at baliw na katulad n'ya nagawang iligtas ang Evans na 'yun. Kataka-taka naman talaga, dahil hindi nila kilala si Ayah. Ang tunay na Ayah.

Napangiti na lang ako at tumingin kay Annicka. "You're lucky." I declared. Nagtaka naman sila dun.

"You saw her ---on her other side." Alyx continued.

"You just saw her demon side." Shana stated seriously, at saka mo masisilayan ang mga ngiti ng demonyong nakakulong sa loob ng anghel na si Ayah.

"Agh." Mabilis akong lumapit kay Ayah at inalalayan s'ya. Ganun din ang ginawa nina Alyx, sina Annicka naman tinulungan si Evans.

"Aish. Aalis alis ng solo. Yari ka kay Tita nan." Sabi ni Alyx. Inirapan lang s'ya ni Ayah. "Lian, may gamot ka? 'Yung gamot sa liyo?" Ayah asked. "Naliliyo kasi ako, ansakit nanaman ng ulo ko. 'Wag ka mag-alala 'di ako nag-s-skip. Bigla na lang talaga akong naliyo kanina." Dugtong n'ya.

Dali-dali kong kinuha 'yung bag ko at binuksan 'yung bote ng gamot n'ya. "Ano 'yan?" Biglang tanong ni Timothy. Agad kong tinago 'yung gamot, mabuti na lang at nakapag abot na ako kay Ayah ng isa noon.

"As if you care." I retorted. Psh. 'Wag s'yang mangi-alam. Napaka-pakielamero na talaga nila. I heard him snorted because of what I have replied. Bahala s'ya sa gusto n'yang isipin.

"Sht ansakit talaga ng ulo ko." Mahinang imik ni Ayah. Napa-iling iling ako dun. "Tara na, dadalhin ka namin sa ospital." Sabi ko.

"'Wag! Si tito andun sigurado." Nanghihinang sabi n'ya. "Whether you like it or not pupunta tayo, kesa naman mapahamak ka pa lalo." Sabi ko. "Pero..." Alma n'ya. "Ako na bahala kay Tito." I said.

Inalalayan namin s'ya at umiinda pa din s'ya ng sakit, may daplis pala sa bewang at braso. Napakatigas ng ulo, susugod mag-isa. Tapang talaga. Aish.

"Call the underlings, clean this mess." Sabi ni Jacob. Napalingon ako sa kan'ya. Pero hindi sila namansin.

"Kami na bahala dito." Sabi ni Anthony kay Alyx. Alyx just nodded. "'Yung leader? Asan ang leader ng vulture?" Tanong ni Skyler.

"S-She just killed him, easily." Pahayag ni Nate. Napa-tigil naman si Skyler dun. "She? Si Ayah? She killed him?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yes, in just one shot." Sagot ni Evans. 'Di na ako mag-tataka kung nagawa nga ni Ayah 'yun, it's a normal thing though.

Na-speechless na lang dun sina Annicka. "Tara na sa ospital." Sabi ni Timothy, "Papunta na daw 'yung mga maglilinis dito." He added. Tumango na lang sila.

"Sumama na kayo sa 'min, may alam kaming maayos na ospital." Sabi ni Annicka saamin. I shook my head. "No need, may alam din kami." I said. Tumango na lang sila dun, kaya't umalis na kami dahil nainda na ng sakit si Ayah.

Sumakay na kami sa kotse at binilisan ni Shana ang pag-mamaneho. Walang umimik sa amin, samantalang si Ayah tahimik na nakatingin sa binta, kahit minsan 'yung expression n'ya naiiba dahil siguro ngayon nararamdaman n'ya na 'yung sakit ng katawan n'ya.

Hindi na namin s'ya kinausap, dahil natatakot kami. Kahit hindi naman sabihin nina Alyx ramdam ko 'yung aura nila na natatakot sila kay Ayah, sa inaasta n'ya.

Maya-maya pa nakarating na kami sa ospital, hinanap agad namin si Tito. Hiniga sa stretcher si Ayah, at saka dali daling dumating si Tito.

"Tito..." Mahinang imik ni Ayah. "S-Sorry kasi naman e. Sira ulo 'yung si Dor-- este Diego, kaya pina---" akala namin papagalitan ni Tito si Ayah katulad ng normal na reaksyon nito, dahil over protective nga sila ni Tita.

Pero mali...

"Hindi mo ikamamatay ang daplis, 'wag kang umiyak diyan." Natatawang sabi ni Tito. "Eee! Hindi naman ako naiyak gawa nun e! Naiyak ako kase sisigawan mo nanaman ako!" Alma ni Ayah, napatawa ako ng mahina dun, ibang klase. Hindi takot kay kamatayan, kay Tito takot. Haha.

"Who said that?" Tito asked, and then a smirked formed into his lips. Noong una, natulala ako? 'Yung ngising 'yun kakaiba... Namamalik mata lang ba ako? O sadyang ngumiti ng ganun si Tito?

"Hoy Lian! Tara na!" Natauhan ako dun noong hilahin ako ni Alyx, kaya ayun sumama na ako sa kanila, pero 'yung ngiting 'yun 'di maalis sa utak ko. Bakit? Bakit parang kinabahan ako sa ngiting 'yun?

End Flashback

"'Yung ngiti talaga eh," mahinang bulong ko.

"Lian, tara na!" Biglang sigaw ni Alyx, napa-iling iling na lang ako sa iniisip ko, baka naman nag-oover thinking na naman ako. Hindi naman magagawa ni tito 'yun, sigurado ako. Aish. Dali dali akong tumakbo papunta kayna Alyx.

"This school is so odd." Biglang sabi ni Shana. Tumingin ako sa kan'ya, pinagmamasdan n'ya lang ang kapaligiran ng school.

"Andaming high buildings, andaming hidden buildings, mga cabins na parang condo units, mga malalaking fields, training rooms, high tech facility and madami pang iba, hindi ba kayo nagtataka?" Mahabang sabi ni Shana.

"Naks! Shana ang haba ng sinabi mo! Haha!" Pang-aasar ni Alyx.

"Tsk."

"Seriously? Pati mga estudyante, mga basag ulo." Dagdag ko pa, sa loob ng halos tatlong linggong pananatili namin dito, pati mga estudyante kakaiba din. Ano bang meron sa school na 'to?

"Ewan ko ba, andaming weird na nangyayari ngayon, as if we're controlled." I said. Napatingin naman sa'kin 'yung dalwa.

"Robot lang?" Alyx replied. I shrugged. Kanina pa kami naglilibot sa school na 'to hanggang ngayon andami pa din naming nakikita na hindi namin nakikita dati. May mini air port pa nga. Masyadong malaki ang school na 'to. Sobra. Halos mag-kanda ligaw kami.

"Teka, dun tayo. 'Di pa natin napupuntahan 'yun 'di ba?" Excited na sabi ni Alyx, bano talaga 'to.

"'Wag kang bano." Sabi ni Shana, I chuckled a little, so straight forward of her.

"Che, maganda naman." Sabi ni Akyx sabay flip ng hair.

"San banda?" Pft. Ibang klase talaga mag-talo 'tong dalwang 'to. Haha. "Tigil na. Awat na." Natatawang sabi ko, saka sila hinilang dalwa papunta dun sa lugar na tinutukoy nila.

Sobrang isolated nung lugar, malayo sa mga buildings, tapos may mga nakapaligid din na parang maze garden. Sosyalin.

"Grabe na nga ang laki, grabe din ang ganda ng school na 'to, like me so maganda talaga. Haha." Wala eh, Alyx 'yan eh, kahit seryoso ang usapan, basta kagandahan iisingit nan.

"Oo na tumahimik ka lang." Biglang sabi ni shana.

"Omo! Shana nag-agree ka na maganda me! Omo!" Parang batang tuwang tuwang sabi ni Alyx, haha. Ibang klase.

"Ay binabawi ko na pala." Bored na sagot ni Shana.

"Yah! Bawal 'yun! Tara na ngaaa!" Padyakpadyak na sabi ni Alyx. Haha. Pikon. Wala kaming nagawa kundi sumunod sa kan'ya hanggang sa napadpad kami sa parang bahay. Two floor lang 'to. Medyo parang napabayaan pero maganda pa.

Unlike sa karaniwang building dito na mga glass, eto halos gawa pa sa kahoy, mukang native, pero na preserve ang kagandahan, parang mga sinaunang bahay, 'yung mga bahay ni Rizal, mga ganun pero maganda.

"Pasok tayo?" Pilyang sabi ni Alyx.

"Kaya nga tayo andito eh." Pft. Basag. Haha. Grabe talaga 'tong si Shana, tinabig ni Shana si Alyx, kaya't s'ya ang nauna sa'min. May passcode 'yung two floor house na parang building na gawa sa kahoy.

"Sosyal naman n'yan, ganyan pa passcode." Sabi ni alyx, modern passcode kasi ang gamit 'yung may mga number combination.

"Akong bahala." I said, saka lumapit dun sa lock. Kinuha ko 'yung gamit ko para madetermine kung anong codes ang gamit dito.

Nag-spray ako dun sa lock, saka ko ito pinunasan at saka unti unting umilaw o parang nag glow 'yung number na laging pinipindot para sa passcode lock na 'to. Apat na number lang. Number 3, 7, 9, at 6 ang ginagamit. Madaming pwedeng combination sa numbers na 'to. Hmm?

"Ako! Ako gagawa. Magaling ako sa chambahan ang panghuhula sa ganyan." Masayang sabi ni Alyx, kaya't pinaubaya ko na sa kan'ya, saaming apat, si Alyx ang swerte sa ganyan, parang bang 'yung mga hula n'ya sa ganyan laging tama.

Nag-try si Alyx ng 6397. Error ang nangyari 'di nabuksan. Napakamot s'ya sa ulo, pero nagtry pa din s'ya, sa ikalawang beses na attempt n'ya mali pa din ang nagawa n'ya.

"Tagal." Pft. Grabe naman si Shana para kasisimula pa lang eh.

"Ikaw kaya ikaw kaya." Alyx murmured. "Tss." Tanging sagot ni Shana kaya pinagpatuloy ni Alyx ang pang-huhula. Sa ikapat na try n'ya bigla itong nabuksan. Nice. Ang bilis talaga manghula ni Alyx.

"So tara na?" Excited na sabi n'ya sabay pasok dun.

Pagkapasok namin, malinis ang lahat, pati mga gamit pang-sinauna. Pero maganda at halatang napangalagaan pa.

"Wow. Ang refreshing." Masayang sabi ni Alyx, habang binubuksan 'yung sinaunang bintana. Napangiti ako lalo na nung masinagan kami ng araw. Ang ganda nga sa lugar na 'to. Nagscan ako ng mga libro. Mga sinaunang libro din at sinaunang records ng school. Mukang dito itinatago 'yung mga ganun.

Naglakad lakad ako at tingnan ang pwedeng libro na mabasa. Pero may nakaagaw sa pansin ko, may nakita akong aparador na parang inaakit ako na pumunat dun, I don't know kung anong meron pero dandahan akong naglakad papunta dun at tiningnan ang mga nakalagay dun.

Nagtaka ako dahil puro documents, libro at newspaper ang nandito. Kinuha ko 'yung isang libro na may nakalagay na mga salitang, "The Empires." Hmm? Anong meron dito?

Binuksan ko ito, may kalumaan na 'yung libro.

"The empire is a powerful organization that operates the most influential and largest business in the whole world." Nagtaka naman ako dun, The Empires? Eh wala nga akong alam na may The Empire pala tas pinakamayaman, pinakamalakas, at pinakamaimpluensya? Lokohan?

Binasa ko pa 'yung iba. Dati daw ang empire ay binubuo lang ng isang makapangyarihang grupo, kaso nagkaroon ng madaming pangyayari at nahati ito sa tatlo. Kahit nahati ito sa tatlo, may isa pa ding pinakamalakas. Ang Gangster Empire, ang pinakamalakas, at pinakamakapangyarihang empire, kasunod nito ang Hoodlum Empire at ang huli ang Yobbo Empire. Binuklat ko pa 'yung libro at may nakita akong mga illustration. Mga symbol ng empires. Ang sa gangster empire ay Letter G na may dragon, sa Hoodlum, Letter H namay korona, at sa Yobbo empire, Letter Y na may ahas. Hmm? Ano kaya 'to? Pero parang pamilyar 'yung isang tattoo o symbol, san ko nga ba 'to nakita?

Bubuksan ko pa sana 'yung kasunod na page nung mahagip ng mata ko 'yung isa pang libro. Mukang bago pa ito. Parang ito 'yung pinakalatest. Naakit ako dun sa cover kaya tiningnan ko.

"The Heirs of The Empire." 'Yan ang nakalagay at medyo recent s'ya. Binuksan ko 'yung unang page.

"I am the rebel of rebels, killer of killers, gangster of gangsters and I am trouble and death." Nakalagay na quote. Tapos may kasunod na "The Gangster Heir," Hmm? So galing ang quote na 'to sa Gangster Heir? Siguro.

Binuksan ko 'yung kasunod na pahina. Babasahin ko sana 'yung nakalagay nung biglang umimik si Shana. Halos mapatalon ako sa gulat.

"Shh. May tao." Sabi nito. Mabilis ang naging pakiramdam ko, meron nga, agad kong hinawakang mabuti 'yung dalwang libro. Hinablot ko na din 'yung malaking envelop, hindi ko alam pero parang napaka importante ng dalwang libro na 'to at nung envelop kelangan ko pa 'tong mabasa. Gusto ko pa itong mabasa.

Nagtago kami sa medyo dulo sa mga malalaking shelves. "Malapit na sila," bulong naman ni Alyx.

"Hawakan n'yo," bulong ko, sabay abot kay Shana nung envelop at kay Alyx 'yung isang libro. Ang kapal eh, medyo mabigat. "Ano 'to?" Tanong ni Alyx. "Shh. Ewan ko, pero gusto ko basahin," I said.

"Lian naman, hanggang dito ba naman?" Alma ni Alyx.

"Shh. Ewan ko. Parang may impormasyon dyan na kelangan nating malaman, something's odd. I can feel it, I'm just following my guts." I said. "Aish," tangging reaksyon ni Alyx, pero wala na s'yang nagawa.

Nagitla ako nung bigla akong hilahin ni Shana, tas may natanaw kaming mga lalaki na pumanik dito sa second floor. Hindi namin makita 'yung muka. "Shh." Shana warned, buti kita namin sila, pero 'yung muka hindi namin kita, nakikita lang naman namin sila dahil sa mga nakaawang na libro.

"Ano? Gawin n'yo na gagawin n'yo." Mahinang sabi nung isa, nagtaka naman kami dun, anong gagawin nila?

Nagkatinginan kami nina Shana, Alyx, shrugged. Maya maya pa naka-amoy kami ng kakaibang amoy. "What's that smell?" I asked. They both shrugged. Tiningnan ko 'yung tatlong lalaki na pumasok dito.

"Tara na!" Mabilis na sabi nito saka dali daling tumalon sa bintana 'yung tatlo. Sht. Naliliyo ako bigla.

"Sht," mahinang bulong ni Shana, saka n'ya tinakoan 'yung ilong n'ya.

"Amoy sunog!" Tili ni Alyx, sabay sabay nanlaki ang mata naming tatlo. Sht, amoy pampasabog din.

Tatakbo na sana kami, kaso huli na. May sumabog na, dahilan para mapahinga kaming tatlo, at madaganan ng mga shelves, kumirot ang ibang parte ng katawan ko dahil dun, nag-simula na ding kumalat ang apoy.

"Damn it, we need to get out of here." Shana said, nakita kong itinulak ni Shana 'yung nakadag-an sa kan'yang mga libro. Ngunit may biglang nalaglag na kahoy na may apoy malapit sakan'ya. "Sht." Hanggang sa napa-ubo ubo na s'ya.

Mabilis ding kumalat ang usok kaya't nahihirapan na kaming maka hinga. Nakarinig ako ng pag-ubo kaya't nakita ko Alyx na nakatindig na. Lalapit sana s'ya sa'kin para tulungan ako, dahil naipit 'yung isang binti ko sa shelf, darn ang sakit. Nakaramdam na din ako ng matinding init sa balat.

"Go get some help." I said, mabilis tumango-tango si Alyx, at dali daling pumunta sa may bintana at sumigaw.

"Tulong tulong!" Malakas na sigaw n'ya pero biglang nangalaglag 'yung ibang mga nag-aapoy na kahoy sa lugar n'ya dahilan para napa-upo s'ya at unti-unting nanghina.

"Help!" Shana yelled.

Kahit nahihirapan na akong huminga, pinilit ko ang sarili ko, kaya't naiangat ko 'yung shelf at nagawa kong maaalis 'yung binti ko dun.

Ang hirap hirap ng huminga, nanlalabo na din ang paningin ko. Puro ubuhan naming tatlo na lang ang naririnig ko.

"T-tulong, na-nakahingi k-ka ba ng t-tulong?" Tanong ko kay Alyx, kahit hindi ko alam kung asan s'ya sa sobrang kapal ng apoy.

"Oo, n-nakita ako n-nina Anthony." Mahinang imik ni Alyx sabay nun ang malakas na tili n'ya mukang napaso s'ya. Lumipas ang ilang saglit na walang nagsalita sa amin.

Hanggang sa unti-unti... Nawalan na ako ng malay sa sobrang kapal ng usok at pagkaliyo at pagkahirap huminga.

***

Jacob Blaze's POV

"Gago! 'Wag nga kayong magulo! Tara na. Yari tayo nito kay Pards Gab!" Asar na sabi ko dun, sa dalwang ugok.

"Takot! Hahaha!" Tawa ni Thon Thon.

"Sapak?" Asar na sabi ko, pero tinawanan lang ako nito. Napaka-bakla talaga nito kahit kailan, ibang klase. Nakakaloko.

"'Wag kang ganyan Pards JJ parang wala tayong pinag-samahan ah, haha. Tara nga, bakit ba naman kasi naisipan nun ni Pards Gab na tumakas sa opspital at papuntahin tayo sa gustong puntahan nung si Ayah para dun makipagkita." Mahabang sabi ni Thon Thon.

"Alam mo Thon. Mautak 'yun si Gab, alam n'yang ginagawa n'ya." Sabi naman ni Tim Tim.

"Ows? Talaga? Mas mautak sa'yo?" Pang-aasar ni Thon Thon, isa na langtalaga masasapak ko na 'tong kumag na 'to. Malakas ang pitik. Tss.

"Oo. At mas gwapo sa'yo."

"Walangya ka Tim Tim! Ako pinaka-gwapo sa'ting lima! Lakas mo mangarap! Feeling gwapo lang 'yun si Pards Gab!" Alma ni Thon Thon. Nakakapoker face s'ya. Hayst!

"Ewan ko sa'yo. Napakadaldal mo." Sukong sabi ni Tim Tim.

"Tara na. Layo layo pa nung lugar kung asan mga ebidens'ya, tas magdadaldal pa kayo d'yan, mamaya't mainip 'yung si Pards Sky at umalis sa parking. Tsk." Sabi ko, saka ko binilisan ang lakad ko.

"Oo na! Highblood!" Thon Thon retorted.

"Oo sa'yo!" I said. Napatawa naman s'ya dun saka ako inakbayan. Sinamaan ko s'ya ng tingin, pero tinawanan lang ako. Kaya natatawag kaming doofus ni Incess eh, pasimuno si Thon Thon.

"Tigilan mo nga ako Thon Thon, nakakakilabot ka." Sabi ko sabay alis ng pagkakaakbay sa'kin.

"Pards naman! Alam ko namang mahal na mahal mo ako!" Arte pa ni Thon. Potek! Ayaw ko na! Tinakbuhan ko na. Asar.

"Walangya ka talaga, Thon!" Sigaw ni Tim Tim. Matagal ng walangya ang isang 'yan. Ang sarap dalhin sa mental.

"Gago!" Sigaw naman ni Thon Thon, saka kami nag-unahan papunta sa lugar na 'yun, sa akala mong lumang bahay na 'yun. Habang papalapit kami ng papalapit, nagtataka ako, bakit? Parang makulimlim sa lugar na 'yun ngayon? Tanaw mo naman kasi sa langit.

"Naulan ba?" Biglang tanong ni Tim Tim.

"Sikat na sikat ang araw! Naulan ka dyan?" Biglang sabi ni Thon Thon. Napatigil kaming tatlo sa paglalakad at tumingin dun sa maitim na ulap? O usok?

"Teka, ba't maitim ang ulap?" Nagtaka na din si Thon.

"Hindi ulap 'yan tangna! Usok 'yan! May sunog!" Sigaw Tim Tim saka dali daling tumakbo kasunod si Thon Thon. Samantalang ako naiwang nakatayo dito.

Dali dali kong tinawagan ang facility ng school para sa fire department, mabilis naman ang naging response nila at papunta na daw sila agad dun, dali dali akong sumunod sa pagtakbo kayna Tim Tim. Sht ang layo pa namin, pero tanaw mong may sunog talaga.

Sht, 'yung mga nakalap naming ebidensya, mga pwedeng gamitin para sa pagkamatay ni Incess. Andun. Sht, sana 'wag masunog 'yun.

Binilisan ko ang pagtakbo ko, akala mo hinahabol ang ng aso sa sobrang bilis, ramdam na ramdam ko din ang hampas ng hangin sa balat ko, ganun din ang pagkaramdam ko ng pawis na pumapatak sa noo ko, dahil sa sobrang kaba, ang bilis din ng tibok ng puso ko. Antagal naming kinalap ang lahat ng andun, tapos mawawala lang ng parang bula? Hindi kami makakapapayag. Hindi.

Kitang kita ko din sa muka nina Tim ang galit, inis, at kaba. Mauuwi sa wala ang lahat ng pag-iimbestiga namin, kung mawawala ang lahat ng 'yun, konting-konti na lang malalaman nanamin kung sino ang pumatay kay Incess, tapos gan'to? Hindi pwede.

Noong malapit na kami, may nakita akong nakatayo sa bintana ng lugar na 'yun. Sabay sabay kaming nagkatinginan na tatlo, kasabay ang malakas na tunog ng fire department.

"Alyx?" Biglang imik ni Thon.

Natulala kaming tatlo, ang bilis kumalat ng apoy, dahil kahoy lamang ang bahay na 'yun. Tatakbo sana si Thon kaso pinigilan na s'ya ng mga fire department, mabilis silang kumilos, kaso nahihirapan sila dahil sa laki ng apoy.

Nagpumilit na din akong makapasok pero mas'yadong malakas at madami ang mga taga fire department at hindi talaga kami hinayaan. May mga ilang pumasok galing sa FD, kaso nabalik lang sila palabas dahil wala silang makita sa loob dahil sa sobrang kapal ng usok.

Dumami na din bigla ang tao sa paligid na nakikiusosyo. "Sht! May tatlong tao sa loob!" Sigaw ni Thon sa isang fireman at saka ito sinuntok, nagpumilit ulit s'yang pumasok pero naharangan talaga s'ya.

Nagwawala si Tim Tim at Thon Thon at gustong gustong pumasok sa loob, marahil dahil sa ebidens'ya at sa mga kaibigan ni Ayah.

Doon pumasok sa isip ko natawagan si Pards Gab.

I dialed his number immediately, at mabilis naman n'ya itong nasagot.

[ "Hello?" ]

"Sht, Pards Gab. Arson!" Asar na banggit ko, habang mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

[ "What?" ]

"'Yung bahay na pinagtataguan natin ng evidences at madami pang iba nasusunog." Nanlulumong sabi ko.

[ "Fuck? Kelan pa? Damn." ] sunod sunod na sabi n'ya.

"Kani-kanina lang. Nasa loob mga kaibigan ni Ayah. Sila Alyx." I said. "Pumunta ka na dito, sabihin mo na din kay Ayah." Then I heaved a sigh. Sht lang.

[ "Okay. Okay. I'll go there." ] frustrated na boses ni Gab Gab ang narinig ko. Sht. Mali ang kinalaban nila.

***

Wala kaming magawa kundi manlumo at mag-intay. Gustong gusto naming pumasok ngunit, labag 'yun sa rule ng school na 'to, andito ang mga taga fire department kaya't hindi kami pwedeng makialam. Aish. Kung hindi lang sila kelangan hindi ko sila tatawagan. Aish.

Napapikit na lang ako sa asar, maya maya pa't bigla na lang akong nakarinig ng kotse na humaharurot, napalingon ako sa isang lugar andito na si Gab Gab kasama n'ya si Ayah.

Nakita ko silang tumakbo na tila ba, gusto na din pumasok sa loob nun. Dandahan akong naglakad papalapit sa kanila.

"Out of the way!" Sigaw ni Pards Gab, kaya halos lahat ay nagbigay ng way sa kan'ya at tumakbo papunta sa kalakihang building na nasusunog, ang laki ng apoy, at hindi pa ito humuhupa.

"Gab!" Salubong ko sa kanila.

"Anong nangyayari JJ? Sht. The evidences!" Sigaw ni Pards Gab sakin. Kitang kita ko ang galit at pang-gigigil sa kan'ya. "Nasusunog na! Sht! Ayah?!" Biglang baling ko kay Ayah, nakakatakot ang tingin ni Ayah at Gab Gab parang mga demonyong gustong kumawala sa hawla. Nakakakilabot, mas kinilabutan pa ako sa kanila, kesa sa sunog.

"'Yung mga kaibigan mo nasa loob!" Biglang sigaw ko na lang dahil nga sobrang ingay at dami ng tao. Nagitla ako nung tumakbo si Ayah, alam kong hindi din s'ya makakalusot, pero akala ko lang pala 'yun.

Madaming humarang sa kanya pero walang nakapigil. Ginamitan sila ni Ayah ng lakas at dahas, at hanggang sa nakapasok sya. Napatulala ako ang bilis at ang lakas nya, samantalang kagagaling nya lang din sa ospital.

Nagdadalwang isip tuloy ako, si Ayah ba talaga s'ya? O ang nagka-amnesia na si Incess? Pero 'yung DNA. Fck naman oh!

"Rivera! Ayah! Fck!" Rinig kong sigaw pa ni GabGab kay Ayah, gusto ding makalampas ni GabGab pero nahihirapan din s'ya dahil pinagkakaisahan na din s'ya. Pero tumakbo palikod si Gab na pinagtaka ko, akala ko kung ano, pero kumuha s'ya ng towel sa kotse n'ya at hinablot ang mineral bottle ng isang estudyante at ibunuhos lahat 'yun sa towel, saka dali dali tumakbo papasok sa loob, ginamit n'ya na din ang lakas n'ya.

Sht, detention sila Ayah pagnagkataon, nilabag nila ang rules. Sht.

Pagkapasok ko dun, sobrang kapal ng usok, napa-ubo ubo na din ako. Sht. Dapat kumuha ako ng pwedeng magamit, sht naman oh.

Pero, nilabag na ni Nate ang rule? Lalabagin na din namin. Dali dali ko tinawag sila Thon Thon at Tim Tim, saka kami sabay sabay na gumamit ng lakas upang makapasok din sa loob.

Nathaniel Gabriel's POV

"Lian! Shana! Alyx!" Narinig kong mahinang boses ni Rivera, kaya't siguradong nakalayo na s'ya.

"Lian! Shana! Alyx!" Paulit ulit na sigaw n'ya. Nahihirapan akong makakita sa lugar na 'to kaya't ipinikit ko na lang ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Sobrang init, napaka init.

"Riveraaaa!" Sigaw ko. Pero parang hindi n'ya man lang ako pinansin. Sht, napaka, padalos dalos ni Rivera.

Itinakip ko sa ilong at binig ko 'yung towel nanakuha ko at saka dali daling naglakad paakyat ng hagdan habang nakapikit, mabuti at kabisado ko ang lugar na 'to, kada lakad, parang bibigay 'yung hagdan kaya dandahan akong umaapak dito, ramdam na ramdam ko din ang mga nahuhulog na kahoy na may apoy kaya't mabilis ko itong naiiwasan.

Kahit may takip pa ako sa ilong, nahihirapan pa din akong huminga, binilisan ko na ang kilos ko at nakarating ako sa second floor, madaming nalalaglag na may apoy na shelves at libro mabuti na lang naiiwasan ko. Masakit na din sa mata ang usok at init. Sht.

Kelangan mahanap ko kaagad si Rivera. Maya maya pa nakita ko na agad s'ya mabilis akong tumakbo papunta sa kan'ya at nagitla ako nung halos matumba na s'ya buti na lang at nasalo ko s'ya.

"Evans... Help them..." Mahinang bigkas n'ya saka nawalan ng malay. Dali dali ko s'yang binuhat ng may marinig akong sigaw.

"Gab!" Ang doofuses, dali dali kong itinuro sa kanila ang kinalalagyan nung tatlong babae, at mabilis nila itong binuhat.

Nahirapan kaming umalis pero nagawa naman namin.

Noong makalabas kami sa sunog na 'yun nakita kong may yakap yakap na libro si Valle na buhat ni Tim. Hiniga na kasi ni Tim si Valle sa stretcher. Nanlaki ang mata ko. Nakuha n'ya 'yung libro! Sht! Hindi ito nasunog!

Sunod naman akong napatingin kay Roberts na buhat at nilagay sa stretcher ni JJ. May hawak din itong libro, medyo nasunog na ito ng konti, pero buo pa ito. Hinawakan ito ni JJ pero hindi n'ya ito makuha dahil sa hawak nga ito ni Roberts.

Hawak naman ni Fortaleza ang isang envelop. Ang mga ebidens'ya! Sht! Napatigin ako sa buhat kong si Rivera. Napangiti ako sa kan'ya. Thank God you are safe, and the evidences are fine.

Nakita kong nagkamalay na si Lian dahil na din sa oxygen na kinabit sa kan'ya. Kukunin sana ni Tim 'yung libro. Pero hinawakan lang ito ng mahigpit ni Lian.

"Akin na 'yan!" Asar na sabi ni Tim. Nilapitan ko sila at umimik, "Hayaan mo muna." I said to Tim. Nagtaka si Tim pero tinanguan ko lang s'ya.

May first degree burn si Lian sa braso at hita, at hindi ganung makapagsalita, kukunin na lang namin ang libro pag maayos na s'ya.

Ganun din ang sinabi ko kay Thon at JJ nung kukunin nila kay Alyx at Shana 'yung mga gamit namin, walang malay 'yung dalwa at katulad ni Lian, may first degree burn din sila. Isinakay na 'yung tatlo sa magkakahiwalay na ambulansya at sinabihan ko ang doofuses na samahan sila, kaya't wala silang nagawa.

Isinakay ko naman si Rivera sa kotse ko, at saka dumiretso sa clinic ng school. Malayo kasi dito 'yun, kaya't nagkotse na ako.

Pinark ko itong kotse sa pinakamalapit na parking lot.

Dali dali kong dinala sa mini clinic si Rivera at hiniga sa isang kama doon, mabilis naman syang inasikaso.

Wala naman daw ganun dapat alalahanin dahil walang burn si Rivera nawalan lang daw ito ng malay dahil sa masobrahan sa paglanghap ng usok.

Lumabas muna ako sa clinic at bumuli ng pagkain at tubig sakaling magising si Rivera.

Pagkadating ko sa clinic matapos bumili ng pagkain tulog pa ito. Tumungo na lang din muna ako sa kama n'ya at nag-isip isip. Sinong pwedng gumawa noon? Mabuti na lang at hindi nasunog ang pinakamahahalagang libro at mga ebidensya salamat sa mga kaibigan ni Rivera. Agh.

Sino?

*

Halos kalahating oras din akong nagiisip ng maramdaman kong naalimpungatan si Rivera.

Umayos ako ng upo at hinawakan ang kamay n'ya hanggang sa unti-unti n'yang imulat ang mata n'ya.

Noong una tumingin s'ya sa'kin at kumunot ang noo n'ya. "Gab Gab?" Mahinang bigkas n'ya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mata n'ya habang nanlalaki ang mata ko. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. Nanginginig na din ang kamay ko. Sht. Did she just called me 'Gab Gab'?

Dandahan s'yang ngumiti sa'kin.

"L-light?" Mahinang bigkas ko. Habang nakatitig sa kan'ya, nagitla ako nung haplusin n'ya pisngi ko.

"Gab gab." With those words, my heartbeat doubled at halos hindi na ako huminga, at dandahang pumatak ang luha sa aking mata.

"Light..."

•~•~•

A/N: Alam ko bitin! Kaya wag ka mag-comment na bitin, aware naman ako. Dahil ON-GOING to. Hindi din naman ako si superman o wonder woman na sobrang bilis mag ud dahil sabi nyo. May sariling buhay din ako.

Kung gusto nyo talaga ng UD mag intay kayo please? Hindi naman kasi ako robot. Kung magcocomment sana naman yung mga nangyayari sa chapter o reaksyon nyo, hindi yung ud na, antagal ng ud. Etc. VOTE AND COMMENT PARA GANAHAN AKO! Haha. Hindi po ako galit nageexplain lang haha! :D

-ChantieCute. Hart hart. Haha.

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top