Heir 31: Something's Odd

Heir 31: Something's Odd

Ayah Lynn's POV

"Lalala~" tuwang tuwang sambit ko habang naglalakad sa pasilyo ng hospital, gabi ngayon kaya wala ng ganung tao, pa'ano mga weak tulog agad. Aish.

Lumukso-lukso pa ako ng kaunti habang naglalakad sa pasilyo, ng may mabangga ako. "Aray naman!" Asar na banggit ko, talbog ako e, tinde. Napakamot ako sa ulo ko, at napahawak sa balikat ko kung saan ako may tama, sakit nun ha!

"Hoy! Sakit nun ha! Alam mo bang may tama ako dun? Alam mo ba 'yun ha!" Sigaw ko sabay duro-duro sa kan'ya.

"Hindi, kung alam ko babanggain ba kita?" Naningkit ang mata ko sa sagot n'ya, basag ako ang tinde. Sarap sapakin neto, nabasag ako! Hindi ko ito matatanggap huhuhu! Talo n'ya ako! Wala akong masagot! Huhuhu!

"Excuse me, dadaan ako." Sabi n'ya pa. Nakatungo kasi s'ya 'di ko kita muka n'ya, saka medyo madilim dito, lalaki ito, may saklay.

Hinarang ko 'yung kamay ko, "Bawal ka dumaan dito!" Mataray na sabi ko, matapos n'ya akong barahin, aba 'di pwede 'to!

"Iyo ba 'to?" Sagot n'ya sabay ang pag-tingin n'ya sa 'kin ng diretso.

"Ba't ka andito?" Tanong ko. "Ba't bawal ba?" Hanaknang asdfghjkl. "Iiih! Hoy Evans! 'Wag mo akong mapilosopo dyan ha!" Asar na sabi ko, si Evans pala 'to? Andito din s'ya sa ospital na 'to? What a small world nga naman!

Tinalukuran na lang ako tas nagsimula s'yang maglakad edi, nag lakad din ako. Hehehe. "San ka?" Tanong ko.

"Tss." He replied. Hmp. Napaka talaga neto, bait bait ko nga sa kan'ya eh.

"Oy may utang ka kaya sa 'kin!" Asar na sabi ko sa kan'ya, tas inisnaban lang ako. "Magkano ba?" Biglang tanong n'ya biglang nag-ningning 'yung mata ko.

Tas tumigil s'ya sa pag-lalakad at humarap sa 'kin, lumapit ako syempre. Pagkalapit ko, magsasalita na sana ako nung mapansin kong nakatitig s'ya sa muka ko, at tinitingnan ang labi ko. Nanlaki ang mata ko at tinakpan ang labi ko.

"Pervert!" I yelled at him, instead he just smiled at me. "Ang kapal mo." He said then, bigla n'ya pinitik noo ko.

"Aray!"

"Ingay mo." Aba aba aba! Ibang klase talaga 'tong Evans na 'to! Napahawak ako sa noo ko at napa-pout. "'Di kaya, sakit huhuhu." Asar na sabi ko, tas naglakad ulit 'yung Evans habang may saklay.

Syempre sinundan ko ulit. "Teka 'yung utang mo kasi!" Asar na sabi ko, kulit kulit! Sabi sabi n'ya kanina may utang s'ya sa 'kin, tas ngayon gantuhan! Aba, hustisya nga naman! Kadaya ng Evans na 'to. Hmp.

"Ano? Utang? Alin 'yung halik?" Diretsohang sabi n'ya.

Agad akong napatakip sa labi ko, nanlaki din ang mata ko sa sinabi n'ya, aba kanina pa ako binabara ng wengyang 'to ah! "Hindi! Pervert ka talaga! Sabi sabi mo dati nung andun tayo sa abandonadong building 'I owe you bigtime, Ms. Rivera,' tas ene ne? Asan na 'yun?" Hanaknang! Ba't ang bilis maglakad ng mga lalaki? Ayun, nauna na naiwan ako dito nagsasalita mag-isa.

"Hoy walangya ka talaga Evans!" Pag-mamartsa ko sa kan'ya.

"Tumahimik ka nga dyan, magigising 'yung mga tulog sa'yo e," napatakip naman ako ng bibig dun.

"Sowy na." Nakatungong sabi ko. "Pero 'yung bayad mo kasi." Sabi ko. "Aish ang kulit." Asar na sabi n'ya. "Eh kasi naman!" Sabi ko sabay cross arms. "Bayad mo kasi muna!"

"Later, follow me first." Sabi n'ya kaya sumunod na lang ako sa kan'ya, san ba kasi pupunta 'to?

"San ka ba kasi?" Asar na sabi ko. Hindi ko s'ya pinansin, tas sumakay s'ya sa elevator, wala akong nagawa kundi sundan s'ya, asar. Sasabihin lang 'di pa masabi.

"Evans, may bibig ka ba?" Tanong ko, tas sumara 'yung elevator, pinindot ni Evans 'yung highest floor. "Tsk." Pinipigilan ko 'yung sarili ko ngayon na sabunutan si Evans. Grr! Asar na asar na ako! May bibig naman s'ya tas 'di nagsasalita! Napaka! Agh!

"Evans!" Tili ko.

"Aray!" Alma n'ya sabay takip ng tenga n'ya. "Iiih! Magsalita ka kasi!" Asar na sabi ko. "Ano bang mahihita mo kung magsasalita ako ha?" Wooo! Ang haba ng sinabi ni Evans.

"Woot! Woot! Parte parte!" Masayang sabi ko, sabay dance step na gawa gawa ko.

"Muka kang tanga." Aruy. Walang pakundangan? Maka tanga 'to. Asar talaga, nakakapoker face. Grabe. Grabe. Isa pa sasabunutan ko na 'to.

"Cute kaya, dali gaya ka, woot! Woot! Parte parte! Nagsalita na si Evans!" Masayang sabi ko sabay sayaw ulit.

"Tigil mo nga 'yan." Naaduwang sabi n'ya. Napatawa naman ako dun, mukang asar na asar s'ya sa sayaw ko eh. Kahit ako nahihiya sa sarili ko gawa nung sayaw ko. Kahiya hiya.

"Pero Evans, takas tayo hihihi." Sabi ko sa kan'ya.

May sinabi s'ya pero 'di ko ganung naintindihan kasi bumukas na 'yung elevator kaya lumabas na kaming dalwa.

"Oy! Teka naman! Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Wala sabi ko, andaldal mo." Tipid na sabi n'ya, nakakapoker face talaga 'tong Evans na 'to, 'pag 'di nagsasalita, trash-talk naman.

"Aaaaah! Nakakainis ka talaga! Ano ba kasing sabi mo?" Asar na sabi ko, with padyakpadyak paa.

"Sabi ko, tatakas ka pa ba? E, wala ka ngang ginawa sa loob ng dalwang araw dito sa ospital kundi, takasan 'yung kwarto mo."

Tumakbo ako ng mabilis para maabutan si Evans. "Ayiee. Omo." Sabi ko sabay sundot-sundot sa tagiliran n'ya.

"Aish. Why?" Asar na sabi n'ya sabay iwas ng tagiliran n'ya. Mouahahaha! May kiliti si Evans dun! Hahaha!

"Ayiee. Ayieee. Ikaw Evans ha! May HD ka ata sa'kin ayiieee." Sabi ko tas sinundot ko tagiliran n'ya.

"Ayah Lynn Rivera," tawag n'ya sa sa 'kin, pero tatawa tawa naman! Haha. Nakikiliti s'ya eh! Hahaha.

"Ayieee. Ayieee. May HD ka pala sa'kin, kaya pala hinalikan mo 'ko nun ano? Kaya pala, maygadh!" Sabi ko sa kan'ya.

"Ayah Lynn Rivera, tigilan mo nga ako." Pft. Haha. Namumula na si Evans pagpipigil ng tawa. "Hahaha! Evans! Grabe! Tawa ka na. Namumula ka na eh!" Natatawang sabi ko sa kan'ya, as if on cue, natawa sakin si Evans.

"Omo! May HD ka nga sakin!" Sabi ko.

"Huh? Ano ba 'yung HD?" Tanong n'ya. Bigla akong napa-poker face, hindi n'ya alam 'yun?! Hindi n'ya alam 'yung saang earth s'ya nang-galing?!

"Hmp! Pati 'yun 'di mo alam? Grabe ka! Hidden Desire 'yun!" Sabi ko sabay flip ng hair ko, tas... "Aray!" Tas tatawa tawa n'ya akong nilampasan. Saka naglakad ulit, nasa hangdanan na kami ngayon.

"Hoy! Evans! Ikaw ikaw ikaw! Kanina mo pa ako pinipitik sa noo ah! 'Di mo ba alam na masakit 'yun! Huhuhu! Inaabuso mo noo ko!" Alma ko.

"Daldal mo talaga." Bored na sabi n'ya. "Psh! May hidden desire ka lang sa'kin eh," I said.

"Hidden desire yourself. Ang kapal mo naman." Waaa! Ako pa makapal. Huhuhu. Ibang klase talaga 'tong Evans na 'to!

"Yoko na! Change topic! 'Yung utang mo kasi! Tas san ba kasi tayo?" Asar na sabi ko. Tapos bigla syang tumigil at binuksan 'yung pinto. "Dito." Sabi n'ya sabay lakad. Napatulala ako sa nakita ko, kitang kita mo ang city lights. Ang ganda, ang liwanag. Medyo malamig nga lang gawa ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko, pero the rest, namangha ako.

"So all this time sa rooftop ka lang pala pupunta?" I queried. "'Di pa ba halata?" He retorted. "Hindi kaya nga ako nagtanong 'di ba?" Ha! Ano ka! Basag kang Evans ka! Wahaha! You're so magaling talaga Ayah!

"Psh." Mouahahaha! Wala s'yang masay!

Umupo s'ya sa isang tabi, 'di ko alam pero noong umupo s'ya umupo din ako, napapalad ng hangin ang buhok n'ya kaya kitang kita ko ang muka n'ya, 'yung mata n'ya may kakaiba sa mata n'ya. Kitang kita mo ang lungkot doon.

"Evans, okay ka lang?" Hindi ko alam pero 'yan ang biglang lumabas sa bibig ko. Biglang humarap sakin si Evans kaya medyo nagitla ako, tas tumingin s'ya sa langit. Nagbuntong hininga din muna s'ya.

"No. For the past five years, I've never been okay, even for one second." Sobrang seryoso ng tono n'ya, parang lahat ng tapang, lakas, pagiging suplado n'ya, pagiging mayabang n'ya nawala lahat, parang tanging malungkot at nawawalang Evans ang nakikita ko ngayon.

"Bakit? Ano bang meron sa five years ago issue n'yo?" Tanong n'ya.

"Hmmm?" Tanging tugon n'ya, mukang ayaw n'yang pag-usapan ang tungkol dun.

"Evans! One plus one?" Biglang tanong ko. "Huh?" Biglang sagot n'ya. "Napaka slow mo talagang Evans ka! Sabi ko, one plus one! Di mo alam? Balik ka grade one dali!" Asar na sabi ko, napaka panira moment talaga nitong gagong 'to. Aish.

"Two." Sagot n'ya.

"Two plus two?"

"Four."

"Wahahaha!" Biglang tawa ko. Tingnan naman ako ni Evans na parang nababaliw na. Nag-pout ako sa kan'ya napaka talaga neto! Panira ng trip.

"Ba't ka tumawa?" Tanong n'ya.

"Hahaha! Uto-uto ka kasi, hahaha!" Habang tumatawa ako, kumunot ang noo ni Evans. "Baliw kana ba?" Aba! Aba!

Bigla ko syang sinabunutan! "Aray!" Alma n'ya, pero 'di ko tinuloy ko pa din, "Aray! Rivera!" Sigaw n'ya. "Hahaha! Nye nye nye~ mag-tiis ka. Hahaha!"

"Baliw ka na nga!" Sigaw n'ya.

"Aray! Aray aray!" Tili n'ya pa, kaya binitawan ko na s'ya. "Aish! Sakit nun! Unggoy ka ba! Nanabunot!" Busangot n'ya.

"Ganda ko namang unggoy!" Asar na sabi ko.

"What ever you say." He retorted. "Nye~ nye~ nye~ napaka mo talaga, dapat lang sa'yo 'yan." I said. Pero bigla na lang s'ya nag-chuckle. Omo.

"Omo!"

"What?" Asar na sabi n'ya. "Nag-chuckle ka?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Masama tumawa?" Tanong n'ya.

"Omo." Tuwang tuwang sabi ko. Lagi kasing nakasimangot eh.

"Evans serysong usapan, bayadan mo na utang mo daliii~" pangungulit ko, aba. Maduga 'tong lalaking 'to, bayadan n'ya dapat utang n'ya.

"Ano bang gusto mong ibayad ko? Halik?" Feeling ko namula ako dahil sa sinabi n'ya. "Sabunot gusto mo?" Asar na sabi ko.

"Oy, hindi na. Loko lang." Tatawa tawa n'yang sabi. "Huh! Takot ka pala sa sabunot eh!" Asar na sabi ko. "Hindi ah," sabi n'ya, inihaya ko ulit 'yung kamay ko para sabunutan s'ya, "Oy! Oy! Ano 'yan?" Sabi n'ya habang unti unting umipod.

"Sasabunutan ka, sabi mo 'di ka takot 'di ba?" Pang-asar na sabi ko sa kan'ya.

"Aish! Oo na takot na!" Amin n'ya, tas napahagalpak naman ako ng tawa. "Wahahaha! Kalalaking tao! Takot sa sabunot! Wahaha! Ibang klase!" Tatawa tawang sabi ko.

"Hirap kaya ayusin ng buhok namin." Asar na sabi n'ya. "Hahaha! Gel lang katapat nan!" Natatawang sabi ko.

"Baliw." Bulyaw n'ya, tinawanan ko lang s'ya.

"Pero Evans, 'yung utang mo kasi." Sabi ko ulit, kanina pa kami na chachage topic sa utang na 'to eh, asar.

"Ano nga? Babayaran ko mag-kano ba?" Poker face na sabi nya.

"Five hundred billion!"

"What?!" Nanlalaking matang sabi n'ya.

"Hahaha! Joke lang! 'Di ako mukang pera 'no!" Parang nakahinga ng maluwag si Evans sa sinabi ko, hahah! Grabe ang laking pera nun! Tiba-tiba kami nina Alyx pag nagkataon. Mouahahahaha! Pero nevermind, mas maganda hihilingin ko kay Evans mouahahaha.

"Ano? 'Wag mo nga akong pag-tripan." Asar na sabi n'ya, natawa naman ako dun. Mas pag-tritripan pa kita! Hohoho!

"Slave na lang kita!" Masayang sabi ko.

"Heck no!" Napakabilis talaga mag-react ng Evans na 'to. Ahahaha. "No way! I will never be a slave of someone like you!"

"Someone like you, someone like you mo muka mo!" Asar na sabi ko, "Baka nakakalimutan mo, ako nagligtas sa iyong precious life!" Sabi ko.

"Psh."

"Slave na kita, slave na kita, slave na kita!" Masayang sabi ko.

"A. YO. KO." Matigas na sabi n'ya, natawa naman ako dun, akala n'ya talaga 'yun ang gusto ko? Wahahahaha!

"'Di ka na mabiro! Huh! Ayaw ko nga maging slave ang kagaya mo, eeewwww! Over my dead sexy body! You're soooo cheap kaya!" Natatawang sabi ko sa kan'ya.

"Hoy! Gago mo ah." Sabi n'ya, tinawanan ko lang s'ya.

"Hahaha! Eto na totoo na!" Natatawang sabi ko sakan'ya, 'di na mabiro 'tong Evans na 'to hahaha.

"Ano?" Asar na sabi n'ya.

"Bigyan mo akong unlimited supply ng oreo, at saka chuckie." Seryosong sabi ko. Tas biglang tumahimik. Eh? Tapos biglang...

"Bwahahahahahaha!" Biglang humagalpak ng tawa si Evans. Eh? Akala n'ya nagloloko ako? Tiningnan ko s'ya ng masama. Medyo natigil s'ya sa pagtawa, nag fake cough pa. "Seryoso?" Biglang sabi n'ya habang nakatingin sa'kin, pinaningkitan ko s'ya ng mata. "Muka ba akong nag-bibiro?"

Napakagat labi s'ya na parang nag-pipigil ng tawa! "Yaaaah!" Sabi ko sabay palo sa kan'ya sa braso.

"Aray!" Sigaw ko naman noong bigla n'ya akong pitikin sa noo.

"Seryoso ka talaga? Oreo at chuckie?" Bakit baaaa? Etong Evans na 'to! May galit ata sa favorites ko! Huhuhu! Papasugod ko s'ya kay dora o kaya sa wonder pets eh! Napaka!

"Oo ngaaa! Tamoooo!" Sigaw ko! Tas tinawanan nanaman ako. Biglang klase talaga. Tawanan daw ba ako! Huhuhu! Napaka talaga netong Evans na 'to! Kanina pa n'ya ako tinatawanan ha!

"Mayaman ka naman ah, ba't 'di ikaw?" Sabi n'ya.

"Ayoko, mas masarap kainin ang libre. Hehehe."

"Weird mo talaga." Sabi n'ya. "Thanks for the compliment!" Masayang sagot ko tas niyakap ko braso n'ya.

"Rivera, tanggalin mo nga pagkakakapit mo sa 'kin." Sabi n'ya. "Ayoko, ang lamig kaya." Sabi ko. "Tska alam ko namang gusto mo 'to. Hehehe." May HD talaga 'tong Evans na 'to eh, natanggi lang hohoho.

"Psh." Oh tamo tamo tamo! 'Di na tumanggi hinayaan lang ako! Tss! Tanggi tanggi pa! Naka! Ibang klaseng Evans 'to!

"Ayieee! May hidden desire ka talaga 'no!" Pang-aasar ko, sabay lapit pa sa kanya. Hehehe. Ang lamiggg. Huhuhu.

"Gago." Tanging sabi n'ya.

"Gago too." Natatawang sabi ko. Narinig ko na lang ang mahinang tawa n'ya, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting antok, napa-hikab tuloy ako. Sumandal ako sa balikat ni Evans.

"Sa lugar na 'to..." Mahinang bulong ni Evans.

"Nagsimula ang lahat ng lungkot sa buhay ko, kung hindi lang kami nakuha sa lugar na 'to... Ni minsan hindi ko magawang ngumiti sa lugar na 'to, pero anong ginawa mo Rivera? Bakit napangiti mo ako? Bakit napatawa mo ako?" Hindi ko naintindihan sinabi ni Evans, sobrang hina eh.

"Gago." Maka-gago talaga 'tong lalaking 'to. "Hoy, gago." Sabi n'ya sabay galaw galaw nung braso n'yang yakap ko.

"Maka gago ka. Gago too!" Asar na sabi ko sabay hiwalay sa kan'ya.

Natawa naman s'ya ng konti, tas tumindig s'ya, tinulungan ko s'ya tas inayos ko saklay n'ya, medyo nailang lang ako gawa nung tingin n'ya sakin! May hidden desire talaga 'to! Meron!

Nauna s'yang maglakad, napatingin na lang ako sa likod n'ya habang naglalakad s'ya napa-isip ako.

Ang lapit mo, pero ba't ang hirap mong abutin? Agad akong napatingin sa langit, tama ba stars? Parang ang lapit lapit n'yo pero ba't ang hirap n'yo abutin?

"Dummie." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung tawagin n'ya ako nun. "Hey, dummie." Tawag n'ya ulit.

Napatulala ako sa kan'ya. "Dummie?" Mahinang bulong ko.

"Hoy! You dummie, tara na." Sabi n'ya, parang nagising ako dun, at sumunod sa kan'ya.

"Ba't dummie?" Tanong ko. "Tanga ka kasi."

"Yaaaah! Napaka mo talaga!" Sabi ko sabay hila dun sa saklay n'ya, bigla s'ya na out of balance, at napayakap sakin, muntik na kaming mahulog sa hagdan buti nakakapit ako sa kapitan at napayapos s'ya sa'kin.

Nanlaki din ang mata ko nung makita ko kung gano s'ya kalapit sakin. Tiningnan n'ya ako sa mata kaya't parang naduling ako, tas tiningnan n'ya labi ko, feeling ko sobrang pula ko. Kyaaa! Tas nilapit n'ya pa lalo 'yung muka n'ya sakin, kaya't pumikit ako, iniintay ang kasunod na mangyayari.

Pero wala naman? Eh?

Nakarinig ako ng tunog ng saklay at saka ko minulat ang isang mata ko, wala na si Evans, kasunod kong minulat 'yung isa ko pang mata. Walangya talaga asdfghjkl! Wala naaa! Nauna na si Evans! Naglalakad na! Napaka talaga! Asdfghjkl.

"Gago ka Evans!" Sigaw ko.

Narinig ko naman tawa n'ya, "Hahaha. Gago too Rivera!" Sagot n'ya, aba't! Ginaya pa 'yung line ko! Ibang klase! Ibang klase!

"Kyaaaa!" Sigaw ko sa kan'ya, at ayun, tinawanan lang ako ng gago. Ibang klase. Tumakbo ako papunta sa kan'ya para maabutan s'ya.

"Hoy Evans hindi ka ba nabobored dito sa hospital?" I asked. "Nabobored." Yes! Sabi ko sa isip ko, sabi na ba eh! Nabobored din s'ya!

"Takas tayo?" Sabi ko.

"5am tomorrow." Nanlaki ang mata ko dun.

"Yes sir!" Masayang sabi ko. "Pero pano 'yang binti mo?" I asked. Ngumiti lang s'ya sa'kin, "Okay na 'to bukas." Biglang sabi n'ya, edi tumango-tango ako.

"San room mo?" I asked.

"226." Tumango tango ako dun.

"Okay! Puntahan kita ha!" Masayang sabi ko. "Hmm-hmm." Tumatangong sagot n'ya. Aja! Mouahahaha! Makakaadventure din sa wakas! Hohoho!

"Punta ka na sa kwarto mo, Rivera." Biglang sabi n'ya. Ngumiti ako dun, tas nagitla na lang ako ng pitikin n'ya ako sa noo. "Ikaw Evans ha! Tamo talaga! Nakaka---" pinutol n'ya pagsasalita ko nung hawakan n'ya labi ko.

"Shhh, 'wag ka maingay, maawa ka tulog na 'yung iba oh. Tsaka, I just love teasing you." Nakangiting sabi n'ya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kyaaa! Ba't ganun? Lakas ng epekto ng gagong 'to.

"Bye dummie." Nagitla ako sa sunod n'ya ginawa. He placed his palm on his lips at hinalikan 'yun at saka n'ya nilagay 'yung palm n'ya sa noo ko, at nagsimulang mag-lakad.

Nakatulala kao dun, pero isang salita lang lumabas sa bibig ko. "Gago." Narinig n'ya siguro kaya't tumawa s'ya at... "Gago too, Rivera." Sa mga salitang 'yun ni Evans... Natigilan ako.

Bakit parang? It's another way of saying 'I love you,' and 'I love you too,' eh?

Napa-iling iling na lang ako saka dumiretso sa kwarto ko, excited para sa pag-takas namin bukas. Humiga ako sa kama ko, at pumikit ng may ngiti sa mga labi. Wengya ka Evans! Lakas ng epekto mo!

*~*~*~*

"Oy! Teka laaaang!" Sigaw ko.

"Aish! 'Wag kang maingay! Mahuhuli tayo nito!" Asar na sigaw ni Evans pabulong. "Ano? Talon!" Sigaw n'ya ulit.

"Tekaaa!" Asar na sabi ko.

"Talon na!" Sabi ni Evans. "Teka mamaya mali 'yang kalkula ko! Baka malaglag ako! Antaas kaya! Nasa fifth floor po tayo!" Asar na sabi ko.

"Tatalon ka lang, tabi ako na muna." Sabi n'ya.

"Tekaaaa! 'Yung binti mo!"

"Aish! Okay na ako." Asar na sabi ni Evans.

"Pero teka kasi, ako muna," sabi ko, para syempre mas madali ko matulungan si Evans. "Bilisan mo! Dadating na si Cassidee!" Asar na sabi ni Evans.

"Aba kasalanan ko bang late ka nagising na Evans ka ha!"

"Aba kasalanan ko bang may tinurok palang pampatulog dahil hirap akong makatulog!" Sabi ni Evans.

Nag-kakagulo kami ni Evans, kanina pa akong five am dito at seven am nagising ang loko. May tinurok pala sa kanya. Akala ko nga patay na 'to kanina eh, kaya ngayon, eto baka mabulilyaso pagtakas namin.

Sabi ni Evans talunin ko daw mula sa bintana n'ya 'yung malapit na puno dito, kaya ko naman, kaso baka mamali ako ng kalkula ang ingay kasi ni Evans masyadong nag-mamadali. Dadating daw 'yung fiancé n'ya si Cassidee na nag-aalaga sa kan'ya edi mabubulilyaso nga plano naming tumakas. Asar.

"Bilisan mo! Five minutes andito na 'yun!" Sabi ni Evans.

"Oo teka teka, ingay mo kasi." Asar na sabi ko, lumusot na ako dun sa bintana, at tumalon, muntik na akong ma-out of balance at malaglag kasi mahuna 'yung sanga, buti mabilis ang galaw ko at nagawa kong maka-punta sa matibay na parte.

Lumusot na din si Evans, at tumalon, ang shonga naman ni Evans! Dun din sa mahinang sanga ang landing, mabuti na lang nahawakan ko kamay n'ya papunta sakin, kaya ayun parang naka yakap sakin si Evans.

"Nate?" Nakarinig kami ng ingay muka sa kwarto ni Evans, kaya nanlaki ang mata naming dalwa. Kitang kita ko mula sa bintana si Cassidee, 'yung babaeng mataray na maganda na 'yun, asar.

"Nate!" Biglang sigaw n'ya noong makita n'ya kami! Hanaknang! Ba't ang bilis ng mata ni Ganda? Nagitla ako nung may balak din s'yang tumalon dito? Hala! Kaya nya? Aba matinde.

"Oy! Tekaaa! 'Yung finace mo! Baka malaglag!" I said. Imbis na kung ano, tumalon si Evans, pababa sa mga sanga. "Pabayaan mo s'ya, kayang kaya n'ya 'yan!" Sigaw n'ya sakin, kaya't dali dali na din akong bumababa, kahit may doubt ako na kaya nga ni Cassidee, mamaya maaksidente pa 'tong babaeng 'to. Nagitla ako nung tumalon na nga s'ya, at wengya! Kaya nga! Sabi ko nga.

Edi dali dali kaming naghabulan. "Nate!" Sigaw ni Cassidee. Noong makarating kami sa baba at tumakbo.

"Sht! Nate! 'Di ka pa ganung magaling! Bumalik ka dito!" Sigaw ni Cassidee, kaya't mas binilisan namin ang takbo.

"Ahhh! Yari ka sa dad at mom mo Nate!" Sigaw pa ni Cass, pero imbis na tumigil, tumawa lang si Evans.

"Go on tell them, dear fiancé!" He yelled, kaya't natawa ako dun, ibang klase. Haha. Tumigil sa pag habol samin si Cassidee parang may tinawagan pa s'ya. Haha. Isusumbong nga, ibang klase.

Noong makarating kami sa parking ni Nate, sumakay kami sa isang kotse. Kotse n'ya siguro. Tas mabilis n'ya itong dinadrive.

"You're really awesome Rivera." Natatawang sabi nito. "Nasabi ko na ba sa'yo na ang astig at ang galing mo noon, sa abandoned building? Pano mo nagawang kalabanin ang gang na 'yun?" He asked.

"Hehehe. Syempre Ayah Lynn Rivera 'to. Nag-train ako eh." Palusot ko. Huhuhuhu. Bawal n'ya malaman na ako si Blue Moon, sikret lang 'yun. Huhuhu.

"Never thought, you can do such moves." Sabi n'ya pa.

"Aba syempre looks can be deceiving ika-nga." Sabi ko naman, natawa naman s'ya ng onti dun, tas nag-concentrate ulit s'ya sa pag-dridrive.

"San tayo?" He suddenly asked, "San mo gusto pumunta?" Hmm? San nga be pede? "Hmmm sa---" naputol ang sasabihin ko ng biglang mag ring ang phone ni Evans.

"Hello?"

"What? Fuck? Kelan pa? Damn. Okay. Okay. I'll go there." Nagtaka naman ako sa mga sinabi ni Evans.

"Bakit?" Bago pa man n'ya sagutin ang tanong ko, nag-drift s'ya ng sasakyan at nag-u-turn. Sobrang astig at bilis nun, napakapit din ako sa seatbelt, sa sobrang bilis ng pag-papaandar n'ya.

"Teka! Anong nagyayari?" I asked.

"We are heading to the Empire Academy," he said. Sa school? Bakit? "Anong meron?" I asked. Napatingin ako sa daan, nagitla ako nung akala ko mababanggan kami. Wooo! Ang bilis! Ang galing umiwas ni Evans! Grabe! Ang saya sumakay sa ganto kabilis na sasakyan!

"Nasusunog 'yung pinaka-iingatan naming lugar." Serysong tungon ni Evans.

"Huh?" Tangging nasabi ko.

"Lugar kung nasaan lahat ng mga pwedeng may connection sa nangyari five years ago, at natrap sa loob nun ang mga kaibigan mo." Biglang nanlaki ang mata ko.

"Fck? Sino?! Sina Alyx?!" Sigaw ko.

"Yeah."

"Fck! Bilisan mo!" Sigaw ko. Bigla akong kinabahan. Baka may mangyari kayna Alyx! At saka bakit may sunog?!

Anong nangyayari?!

"Something's odd." Napatingin ako kay Evans nung sabihin n'ya 'yun. "Huh?" Tanging tugon ko. Umiling iling s'ya at binilisan pa ang pag-mamaneho. Halos humiwalay 'yung kaluluwa ko sa sobrang bilis.

Hanggang sa nakarating kami sa school. Pinasok n'ya 'yung kotse at pinunta sa lugar na tinutukoy n'ya doon sa lugar na 'yun mo makikita ang napakadaming tao at bumbero, medyo malayo 'tong part ng school na 'to.

Sabay kaming tumakbo ni Evans ang kapal na ng usok at may harang na din.

"Out of the way!" Sigaw ni Evans, kaya halos lahat ay nagbigay ng way sa kan'ya at tumakbo papunta sa kalakihang building na nasusunog, ang laki ng apoy, at hindi pa ito humuhupa.

"Gab!" Salubong ni Jacob samin.

"Anong nangyayari JJ? Sht. The evidences!" Sigaw ni Evans, kinilabutan ako sa sigaw n'ya. "Nasusunog na! Sht! Ayah?!" Biglang baling ni Jacob ng attention sa'kin.

"'Yung mga kaibigan mo nasa loob!" Biglang sigaw n'ya dahil nga sibrang ingay at dami ng tao. Nanlaki ang mata ko dun, walang pakundangan, tumakbo ako sa loob ng nag-aapoy na two floor building.

Madaming humarang sakin pero walang nakapigil. Ginamitan ko na sila ng lakas ko, at sa wakas nakapasok ako, narinig ko pang sigaw ni Evans pero hindi ko sila pinansin. Sina Lian...

Pagkapasok ko dun, sobrang kapal ng usok, napa-ubo ubo na din ako. Sht. Dapat kumuha ako ng pwedeng magamit, sht naman oh.

"Lian! Shana! Alyx!" Sigaw ko.

Wala akong narinig na response, kaya't tumakbo pa ako pa-akyat sa second floor, para pala itong library. Naliliyo at hindi na ako makahinga. Sht. Kelangan ko mahanap sila Lian.

"Lian! Shana! Alyx!" Sigaw ko ulit, pero wala akong narinig na response. Sht, nanlalabo na ang paningin ko.

"Riveraaaa!" Malakas na sigaw ang narinig ko sa baba, boses ni Evans, pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paghahanap, hanggang nakita ko si Lian, Shana at Akyx, na nakahiga sa sahig walang malay.

Dali dali akong pumunta sa kanila, may nalalaglag na mga kahoy na may apoy at libro, kaya't nahirapan ako.

Unti-unti hindi na talaga ako makahinga. Napatakip na ako sa bibig at ilong ko, malapit na ako. Pero... Unti unti... Nawawalan na ako ng malay, hanggang sa ma-out of balance na ako.

Nagulat ako ng may sumalo sa 'kin.

"Evans... Help them..." Then everything went black.

~•~•~•~

A/N: Whew. Pasensya na sa sabaw na UD at matagal na Ud. Huhuhu. Wala talaga ako sa mood. Madami akong pinagdadaanan ngayon. </3 Sorry.

Vote and comment! :) Sensya na talaga. :(

[!!!] May interested bang maging operator? Lalaki ang kelangan kong operator. PM nyo ko. :D Lalaki ha. Hindi babae. :)

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top