Heir 30: Other Side

Heir 30 Other Side

Ayah Lynn's POV

6 hours before.

Text message: ( Dora&Boots )

Girlfriend ni Nathaniel Gabriel Evans, pumunta ka sa lugar na 'to.

Ngali-ngali kong ibato 'yung phone ko sa inis. Tatlong araw na akong tinetext nito na pumunta daw ako sa lugar na sinasabi n'ya.

Nung una akala ko joke joke lang, kasi unang text n'ya ay...

Girlfriend ni Nathaniel Gabriel Evans.

Gan'yan ako naman sabi ko sa sarili ko, sino namang girlfriend ni Nathaniel na 'yun? Baka wrong send 'tong nagtext sa 'kin.

Hindi ko pinansin, hanggang sa nagtext nanaman. Hindi ko ulit pinansin, pero hindi ako tinigilan. Tinawagan pa ako. Robot pa ang boses nung tumawag. Weird ng mga tao ngayon. Tsk.

Pinipilit n'ya ako na ako daw girlfriend ni Nathaniel. Ang kulit! Sabi ko nga hindi e. Pero nag-send s'ya ng video sa 'kin, 'yung video na hinahalikan ako ng gagong 'yun, tas sabi n'ya ebidens'ya daw 'yun na girlfriend ako nung gago.

Sabi ko dun sa nagtetext sakin, porket may video na ganun girlfriend na 'di ba pedeng ikaw muna? Pero ayaw talaga akong tigilan.

Nung ikalawang araw, pinapupunta naman ako sa lugar na kung nasaan na daw si Nathaniel. Aba malakas na talaga trip ng nag-tetext sa 'kin, gagawin pa akong si Dora na kung san-san pinapapunta ni Map.

Kaya Dora&Boots pangalan n'ya sa contacts ko e. Ang kulit. Nakakainis.

Tapos nung ikatlong araw nag-send s'ya ng video sa 'kin, habang binubugbog nila si Nathaniel, at kinunsens'ya pa ako. 'Pag hindi ako pumunta dun tutuluyan daw nila si Nathaniel. E syempre may konsens'ya ako.

Kaya 'di ko alam gagawin ko.

Andito kami ngayon nina Lian sa rooftop tutal lunch naman at etong si Dora ay tinetext pa din ako. At puro picture pa ni Nathaniel na duguan sinesend sa 'kin. Agh.

Gusto ko mag-reply ng, 'Tuluyan n'yo na, trip n'yo 'yan e,' kaso hindi kaya ng konsensya ko, kaya ang nireply ko ay...

"Wow, Hanep sa effects ang mga pictures n'yo mukang tunay na dugo 'yung ketchup! Nice! Anong editor 'yan?"

At ang natanggap kong text ay...

"Putang-na mo!"

Nakakawalangya lang. Namura pa nga. Kainis 'tong Dora na 'to e! Pasapak ko 'to kay spongebob at Barney e! Kakainis.

"Putang-na too."

I replied. Ano kala n'ya s'ya lang marunong mag-mura? Huh! Marunong din kaya ako, kay Shana ko natutunan 'yan hehehe.

Maya-maya pa nagsend nanaman s'ya sa 'kin ng video. Nakakakilabot 'yung video, binubugbog nila si Nathaniel tapos duduruan nila, samantalang 'yung si Nathaniel, halos mawalan ng malay pero hindi man lang nasigaw. He's hurt but you can't hear any screams from him.

Kinakabahan na ako lalo dun sa video. Pano 'pag pinatay talaga nila si Nathaniel? Edi pede akong makulong? Kasi hinayaan ko s'ya? Eh hindi naman ako ang pumatay e, hindi 'yan. Pero...

Anaknang! Bakit ba hindi ako mapakali?

Maya-maya nag-vibrate 'yung phone ko. Sinagot ko 'yung tawag.

[ "Hindi ka ba nakukunsyensya? Mamatay s'ya ng dahil sa'yo, kaya kung ako sa'yo pumunta ka na sa lugar na 'to. Dahil tutuluyan na namin 'to, at palalabasin na ikaw ang pumatay." ]

Gusto ko sana sumagot kaso, binabaan ako! Bastos ni Dora! Inis! Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ano ba? Ano bang gagawin ko? Sabihin ko kaya sa pulis? Tama tama!

Tatawag na sana ako sa pulis ng mag-vibrate ang phone ko. Text message.

"Subukan mong tumawag ng pulis o kahit sino, tigok 'to." With attachment na video na katutok sa sentido ni Nathaniel 'yung baril.

Sht naman o! Ano bang gagawin ko? Konsyensya ko naman hindi ako titigilan nito 'pag may nangyari dun sa Nathaniel. Aish.

I walked back and forth. Nag-iisip ng pedeng gawin. Nakaka stress e. Mas mahirap pa 'to sa pagdetermine kung alin ang mas malaki, bag ni Dora o bulsa ni doraemon.

"Hoy Ayah! Nakakaliyo ka na ah!" Sigaw ni Alyx. Kanina pa ako palakad lakad dito. Ngayon lang ako pinansin ni Alyx. Aish naman e. Ngayon pa. Eh nag-iisip ako. Kainis 'to ah.

"Ssshhh! Nag-iisip ako 'wag kang magulo." Saway ko. Napa-ngatngat na ako sa kuko ko. Bakit ba naman kasi sinasabi ng Dora na 'yun na girlfriend ako nung Nathaniel na 'yun e, hindi naman. Nakakaloko lang.

Papasapak ko talaga 'yung Dora na 'yun kay Barney. Asar.

"Aish! Nakakaliyo talaga. Lakad dun, lakad dito!" Reklamo ulit ni Alyx, hindi ko na lang pinansin si Alyx, baka kung anong masabi ko. Nag-coconcentrate ako pano ko papasapak si Dora kay Barney e. Syempre joke lang. Nag-iisip ako kung pano iligtas 'yung Nathaniel na 'yun.

Maya-maya nag-send nanaman sakin ng message si Dora. "Bilisan mo. Pumunta ka na dito." Maka-utos. Akala mo kung sino, hindi naman ganto si Dora. Asar. Napa-simangot at napa-poker face tuloy ako dun.

"Sino ba kasi 'to?! Kapal kapal." Mahinang imik ko. Akala mo kung sinong Dora. Humanda talaga 'to mamaya sa 'kin, akala mo kung sino maka-utos. Utusan ko s'ya mamaya e.

"'Di marunong mag-intay? Papuntahin ko d'yan si Barney e." Reply ko. Kainis kasi s'ya.

"Problema, Ayah?" Napalingon ako nung tanungin ako ni Lian, bakas sa muka n'ya ang pag-aalala.

"Hehehe. Wala ka na dun, Lian. Yaan mo ako." Nakangiting sabi ko. Tas tumango-tango na lang si Lian. Hehe. Hindi ako sinungaling Lian ah. Hehehe. Ayaw ko lang madamay kayo sa Dora na 'to.

"Pinag-loloko mo ba kami? Tutuluyan ko na 'to!" Tas may video nanaman. Takte. Kawawa naman si Nathaniel na 'yun! Wala ng malay! Parang deads na! Pero hindi e, buhay pa alam ko lang hehehe. Narerecognize ko na nahinga pa s'ya e.

"Inis! Inis! Inis! Huhuhu! Ano bang kasalanan ko dito. Huhuhu." Inis na sabi ko. Kawawa na nga, ginaganun pa nila, tas kelangan ako pa mag-salba dun sa kawawang si Nathaniel. Huhuhu. Pede namang wonder pets e. Bakit ako pa?

Wonder pets wonder pets tutulong sainyo! Ayan dapat wonder Pets nalang tinawagan nila. Huhuhu.

"Ano bang meron d'yan sa cellphone mo a, Ayah?" Tanong ni Lian. Gusto ko sanang isagot na, 'Malamang screen, battery, camera, apps, at iba pa.' Kaso iba na lang hehehe.

"Wala wala. Si Dora kasi e, nililigaw ako. Hehehe." Sagot ko, para 'di kaduda-duda at para hindi halatang nag-sisinungaling, baka pingutin ako ni Lian e, ganun kasi 'yan pag-nagsisinungaling ako.

"Tuluyan mo na." Gusto ko sanang ireply kaso... Nakokonsyensya na talaga ako. Huhuhu. Ayaw ko na! Ayaw ko na may mamatay dahil wala akong magawa...

Ayoko nun... Ayoko nun...

Patuloy akong nag-isip ng pwedeng gawin. "Pupunta ako d'yan, 'wag n'yo s'yang sasaktan." I replied. Aish. Tama ba 'tong decision ko? Agh.

Napa seryso na ako ng pag-iisip. Nag-iisip kung pano ililigtas 'yung Nathaniel na 'yun.

"Ayah bakit---"

"'Wag mo muna akong kausapin." Seryosong imik ko, habang hindi nakatingin kay Lian na nagtanong. Ayaw ko ng iniistorbo ako 'pag seryosong nag-iisip.

Nag-ngat-ngat ako ng kuko. Mabilis na tumitingin sa paligid. Seryosong nag-iisip. Tapping of my feet. Humanda 'yang Dora na 'yan sa 'kin.

"A---" iimik sana si Lian. Kaso tiningnan ko na s'ya. 'Wag muna s'yang maki-alam. Ako na ang bahala sa lahat.

Ngumiti na lang ako sa kan'ya, kahit medyo labag sa loob ko, wala naman kasing kangiti ngiti sa sitwasyon ngayon.

"'Wag ka mag-alala." I mouthed. Mahirap na magtaka pa lalo si Lian. Kanina ko pa s'ya napapansing tumitingin sa 'kin.

"Bago mag-dilim dapat andito ka na." Sabi nung Dora na 'yun sa text.

"May time limit? Demanding?" Reply ko. Kainis kasi e. Saka 'di ko alam 'yung lugar. Hindi naman nila ako binigyan ng map. Kainis.

"Tangna mo ah. Kanina ka pa ah. Tingnan mo 'to ngayon!" Sabi dun sa text, with video ulit. Nagitla ako dun sa nakita ko. Bomba. May bomba silang kinabit sa katawan ni Nathaniel. Sht. Nanginginig ako sa nakikita ko. Duguan na si Nathaniel at kinakabitan pa ng bomba.

"Damn it!" Sigaw ko. B-bomba... Gawin na nila ang lahat. 'Wag lang bomba... Nanghihinag sabi ko sa isip ko.

"Bakit?" Alyx asked.

"Shit ka naman, Gabriel Evans oh!" I yelled not minding Alyx, he need to wake up! He need to! Hindi s'ya pedeng mamatay dahil sa b-b-bomba... Sht! Dali dali akong tumakbo dahil dun. Mag-tutuos talaga kami ng Dora na 'to!

Habang natakbo palabas ng school. May nakita akong parang maliit na button sa damit ko. Akala ko insekto o kung ano, pero tracker... Sht naman si Lian, nilagyan pa ako nito. Napaka talaga.

Tumigil ako katatakbo at hinila ang isang estudyante. "Dalhin mo 'to sa soccer field! Lagay mo sa isang bench." Utos ko, mukang nasindak 'yung estudyante sa ginawa ko, kaya dali-dali n'ya 'tong kinuha at tumakbo sa direksyon papunta sa soccer field.

"Siguraduhin mong dun mo dadalhin 'yan!" I yelled once more, bago ulit tumakbo.

"Hep! Hep! Hep! San ka?!" Sigaw nung gwardiya sakin saka ako hinarangan. Nakakainis naman 'to oh! Nag-mamadali ako e!

Agad ko 'tong sinuntok, kaya natumba s'ya at ako naman tumakbo agad. "Sorry!" I yelled, bago tuluyang makalabas. Mabuti na lang walang ibang gwardiya ngayon.

Mabilis akong tumakbo at humanap ng pedeng sasakyan. Maya-maya pa. May dumaang naka-motor, hinarang ko si 'yung nagmomotor.

"Hep! Hep! Hep!" Sigaw ko. Pero bumusina lang ito sa 'kin, edi humarang ako dun sa dadaanan n'ya. Kaya lalong napalakas ang busina n'ya. Tas napatigil s'ya malapit sa 'kin.

"Pasakay lang e, kelangan haharangin pa." Nakasimangot na sabi ko. Sabay sakay dun sa motor.

"Ano ba! Baba! Baba!" Sigaw n'ya.

"Sapak? Nakasakay na, pabababain mo pa. Baka mapektusan kita. Babayaran kita. 5k deal?" I said. Nakakasura 'tong si Kuya, hindi naman kagandahan motor n'ya.

"Deal. San ba?" Tamo! Tamo! Mukang pera! Tamang tama kamuka n'ya si noynoy. Haha. Nasa 500 pesos yun di ba? Edi nasa muka ng pera. Hehe. Tapos sinabi ko sa kan'ya 'yung address, kaso takte. Wala pala akong armas. Pano ako lalaban dun?

"Ay change address tayo! Dito na lang!" Sabi ko sabay sabi ng adress ng bahay namin, kukuha muna ako ng kahit isang baril man lang 'di naman ako tanga na susugod na lang basta basta dun.

*

Noong nakarating ako dun sa bahay. Pinaalis ko na si kuyang naka-motor at pumasok sa bahay, mabuti na lang at wala sina Tita at Tito, kasi panigurado iinterogate nila ako, kung ba't ako andito.

Pumanik ako sa kwarto at hinanap ang drawer kung san ako naglalagay ng baril. Kaso sht naman oh. Mukang kinuha ni Tito, walang laman 'yung case ng baril. Aish. Tito talaga nanakawin pa 'yung akin, e meron naman s'ya. Alam ni Tito na may baril ako. S'ya may bigay dati nun e, pamprotekta daw. Weird. Pero nakakatulong naman.

Mabilis akong pumunta sa kwarto ni Tito at hinanap ang drawer kung san n'ya pede ilagay 'yun, kaso wala. Sht naman o, nauubusan ako ng oras. Baka mamaya, double dead ko na datnan si Evans dun. Patay tayo. Makokonsensya nanaman ako ng todo.

San ba pede ilagay ni tito 'yun? Aish.

Luminga-linga ako sa paligid. Aish. Wala dito sa kwarto, asar naman si Tito e, tapos bumababa ako sa hagdan baka nasa salas. Kaso, habang pababa ako sa hagdan, ba't ganun? Iba ang tunog nitong inapakan kong palapag?

Napatigil tuloy ako. Parang walang cemento sa loob. Tinesting ko ulit, pero ganun pa din talaga. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero naghanap ako ng awang sa hagdan na 'yon at meron nga!

Hinila ko ito ng konti, at 'yun! Bumukas ito ng parang drawer! Wow! Sosyal na hagdan! Nice talaga magdesign ng bahay ni Tita!

May case dun sa hagdan drawer na binuksan ko. Pagkatpos may padlock. Aish. Baril 'to! Mabigat e, ramdam ko. Tama nga naman, hindi mo mahahalata na dito ito nakatago. Napaka talino talaga ni Tito.

Kumuha ako ng hairpin sa buhok ko at saka ko kinalikot 'yung lock, hanggang sa tumunog na ito. Kumuha ako ng isang baril na hindi kalakihan at silencer pati na din, madaming bala tas binalik ko ulit ito, sa dati na parang walang nangi-alam, beside the fact na nabawasan 'yung nasa case haha.

Pagkatapos ko dun, dali dali na akong lumabas at inilock ang bahay saka dumiretso sa garahe. Kinuha ko 'yung motor ni Tito, mabuti na lang at alam ko kung san nakalagay 'yung susi ng mga sasakyan at hindi na pahirapan.

Binuksan ko dali-dali 'yung gate at saka nilabas 'yung motor. At syempre sinarhan ko ulit 'yung gate, mamaya dumating pa sina tita at tito yari na talaga ako dun sa dalwang 'yun.

At saka ko pinaharurot 'yung motor. Saka naman ako napa-isip. San ba ako pupunta? Eh, hindi ko alam 'yung location nung tinext sa 'kin na address. Ay walangyang 'yan! Wala pa akong map. Aish.

Kinuha ko muna 'yung phone ko habang dinadrive ko 'tong motor, tinawagan ko 'yung si Dora.

[ "Nasan ka na?!" ] Ang nice talaga netong si Dora. Pede namang hello.

"Nasa motor!" Asar na sabi ko. Nakakahigh blood. Ayoko na. Hindi ko na friend si dora, hindi ko na s'ya kabarkada kung gan'to rin naman. Huhuhu. Susumbong ko s'ya kay Alyx.

[ "'Wag mo akong pinagloloko!" ] Sigaw ni Dora, na boses robot. Pinagloloko ko daw s'ya? E, nasa motor naman talaga ako ah, nakakapoker face na lang talaga.

"Eeh! Nasa motor naman talaga ako e! Ayan naririnig mo ba 'yung engine ha?! Ikaw 'tong shonga, shonga!" Asar na sigaw ko. Shonga shonga s'ya, kitang minamaneho ko 'tong motor habang nakikichika sa kan'ya e.

[ "Nasan ka na?" ] Paulit ulit?

"Nasa motor nga! Saka kaya pati ako tumawag e, tatanungin ko pano ba pumunta diyan!" I yelled. Lakas ng hangin, sht.

Tapos ayun, satsat ng satsat si Dora, kung pano pumunta dun, tas binababa ko na. At inilagay ko ulit sa bulsa ko, buti hindi ako na out of balance, at namaneho ko pa din ng ayos 'tong motor, kahit matagal na akong hindi nakagamit nito.

Nakarating ako dun sa sinasabi nung si dora. Kaso. Ano ba itong nadatnan ko? Lokohan lang? Mcdo. Niloloko ba ako nung Dora na 'yun?!

McDo?! Seriously?

Maya-maya nag-ring ulit 'yung phone ko. "Hello? Niloloko mo ba ako?" Ako unang nagsalita. Kanina pa ako naiinis ah. Hindi ako maganda mainis.

[ "Tangina mo. Nasan ka naba kasi?" ]

"Tangina mo din! Nasa McDo!" Asar na sagot ko. Grabe! Mabuti pa si Map ng Dora, panigurado sa tamang lugar n'ya ako dadalhin. Hindi dito sa McDo. Muka bang nasa McDo si Evans? Shonga shonga.

[ "At bakit ka nasa McDo?!" ] Sigaw neto sa 'kin.

"Kakain kasi ako, kakain ako." Sarkastikong sagot ko, habang nag-ro-roll ng mata. Kainis 'tong dora na 'to. Mali mali.

[ "Takte! Mali ang pinuntahan mo!" ]

"Halata nga, alangan naman na kumidnap kayo sa McDo n'yo dadalhin? Tanga lang?" Asar na sagot ko. Isa na lang talaga masasapak ko na 'to. Ang bobo e.

Tapos ayun. Dinakdakan nanaman ako, eh kasalanan ko bang naligaw ako? S'ya taong mali mali ang bigay ng direks'yon sa 'kin.

*

Pagkatapos ng halos maraming oras na paghahanap ng lugar nila, nakarating din ako. Ang bobo e. Dalwang beses akong naligaw. Shonga mag-bigay ng direks'yon. Aish. Pero sa wakas mag-tutuos din kami.

Noong makarating ako dito sa tamang place, medyo kinabahan ako ng konti dahil isolated ito, at isang abandonadong construction site.

Walang tao dito sa labas, mabuti na lang at nakatago agad ako, dahil gusto ko, hindi n'ya alam kung nasan na ako. Pinatay ko din 'yung phone ko, baka tumawag e, bahala s'ya sa buhay n'ya basta susurpresahin ko s'ya.

Tumingin tingin muna ako sa paligid, at agad humanap ng kasunod na pwedeng pag-taguan. Nakahanap agad ako ng pader, kaya nag-tago ako dun at dandahang nakiramdam sa paligid.

May tao na sa kasunod na pedeng pagtaguan. At malalaki ang baril nila. Napapikit muna ako, pano ko tahimik na matatapos 'tong mga 'to? Hmm. Isip isip Ayah. Isip.

Maya-maya pa, naka-isip na ako ng pwedeng gawin. Mabuti na lang gumana ng maayos utak ko ngayon, kase kung papipiliin ako, dapat nag-dala ako ng mascot na barney dito, para masaya. Syempre joke lang.

Maya-maya umayos ako ng ayos sa pagtatago, dahil may naramdaman akong papalapit sa pwesto ko, mabuti na lang at isa lang ito. Pa-shades-shades pa, e, wala namang araw nasa loob naman s'ya ng loob ng construction site na 'to, tanga lang?

Noong makalapit ito sa 'kin, nag-pakita ako saka ngumiti at kumaway. "Peram ng baril ah?" I said, saka s'ya biglang pinatulog. Hayy. Easy naman pala 'to e, pinuntirya ko lang 'yung batok kung saan, sensitive at pedeng mawalan agad ng malay.

Matapos kong kunin 'yung baril na malaki at madaming bala, nilagay ko agad dun 'yung silencer. At agad, pinag-babaril 'yung mga nandito malapit sa 'kin.

"One. Two. Three. Four. Five. Six. Seven. Eight. Nine. Ten. Eleven. Twelve." Nice. Twelve agad. Weak pala 'tong mga 'to e. Bigla tuloy parang bumaha ng dugo dito. Yuck. But I don't know why, a smile formed into my lips.

I badly miss blood.

Hindi ko alam pero bigla akong naexcite. Lumabas ako sa pinag-tataguan ko, dahil sigurado alam na nila na nandito na ako. Ayan kasi mas'yado akong excited. Pero okay lang. Andami nanamang tumba.

Pagkalabas ko sa pinag-tataguan ko, may lima agad pumalibot sa 'kin. "Tawagin n'yo si Boss! Sabihin n'yo andito na 'yung babae!" Sigaw nung isa. Napaka neto aba, ipapaalam pa, kitang surprise nga dapat.

"Hoy! 'Wag ka nga! Papaalam mo e, surprise gusto ko!" Asar na sabi ko.

Pagkasabi ko nun, sinimulan kong makipag-suntukan sa limang nakapalibot sa 'kin. Suntok sa kaliwa, tapos tadyak. Ayun, taob. Ang weak. Aish.

Ngumiti ako sa apat pang natitira at hinamon sila, gamit ang isang daliri, sinenyasan ko sila na sila naman sumugod.

May sumugod na isa sa 'kin, at inambangan ako ng suntok pero agad akong nakaiwas, at nahawakan ko ang braso n'ya at pinihit ito paikot, pagkatapos tinadyakan ko s'ya ng malakas sa where it hurts the most, sabay malakas na uppercut. Tumba.

Walang pasabi sabay na sumugod sa 'kin 'yung kasunod na dalwa, sa kanan at kaliwa, umupo lang ako. Antanga naman, ayun silang dalwa nagkasuntukan, tumba ah, kaya nung natumba sila, kinuha ko 'yung kutsilyo malapit sa 'kin na gamit ito sa isang lalaki, at sinaksak sa kamay n'ya.

"Aaaaah!" Malakas na sigaw n'ya. Aish nakakarindi 'yun ah. Kinuha ko 'yung baril na may silencer at agad ipinutok sa kan'ya 'yun. Patay.

Naramdaman ko naman sa likod ko na may nakatutok na baril sa kin, kaya kahit nakatalikod, tinira ko 'yung baril na nakuha ko kanina, at tinira sa pwesto ng gusto bumaril sa 'kin. Pasens'yahan mas mabilis ako. Talo s'ya.

Bigla na lang dumami bigla ang mga nandito. Aish. Alam na nga ata nung boss nila. Ang bading naman kasi nitong isa, sumigaw para sinaksak lang. Aish. Nawala tuloy 'yung surprise ko. Kainis. Panira ng plano.

Madaming sumugod sa 'kin, at marami ding nakatutok na baril sa 'kin, kaya ang ginawa ko na lang ay ginawa kong panangga 'yung malapit sa 'kin. Alam kong ipuputok nung nasa bandang kanan ko 'yung baril kaya mabilis akong humablot ng isa sa malapit sa 'kin at s'ya ang pinansangga ko.

Sa kaliwa, may babaril din sa 'kin, kaya mabilis akong nagtago sa likod ng nasa kaliwa ko na kalaban ko na malapit lang sa 'kin, s'ya din natamaan.

Sumugod na 'yung ibang malapit sa 'kin, kaya pinaputukan ko na sila ng baril. At pag nga naman umaayon. Pagkatapos ng limang tira, wala na. Ubos na ang bala. Itinapon ko na lang 'to at dali-daling tumakbo para sugurin sila.

Suntok sa unahan, tadyak sa likuran, talon, ilag, sangga, tira gamit ang tuhod, na lang ang ginawa ko. Maayos ko naman itong lahat na nagawa. At halos tatlo na lang ang natira. Ang kinabigla ko lang. Shit. Sabay sabay silang naglabas ng baril at nasa direks'yon ko lahat. Aish.

Tumindig lang ako at nginitian sila. Nakita ko sa mata nila ang kilabot dahil dun.

"'Yan lang kaya n'yo?" Mapanuyang sabi ko sa kanila, sabay tanggal ng blazer ko, revealing my black sando. Ngumisi naman ako sa kanila, habang papalapit pa din silang tatlo sa kin ng papalapit habang nakatutok sa 'kin ang baril. "Weak." I said with a playful smile in my face.

Tumungo ako at tiningnan ang suot ko, may bahid na ito ng dugo. Patay ko kayna Tita nito. Aish. Pahamak 'tong mga nandito e.

Naramdaman ko na halos katiting na lang at ipuputok na nilang tatlo ang baril at malapit na malapit na din sila sa 'kin. Nakatungo pa din ako at nanatiling hindi nagalaw.

"Itaas mo kamay mo." Utos ng isa sa kanila.

Dandahan kong itinaas ang isang kamay ko. "Pati 'yung isa." Dagdag n'ya pa. Napa-irap naman ako dun. Maka-utos akala mo kung sino. Utusan ko s'ya e.

Itinaas ko na din 'yung isa. "Putok n'yo na 'yung baril..." Mapanganib na utos ko sa kanila. Natigilan silang tatlo dun, dandahan kong inangat ang ulo ko. "...bago ko pa kayo maunahan." Sa mga salitang 'yun, mabilis akong naagaw 'yung baril ng nasa kanan ko, sabay ng pag-dodge ko at pag-putok ng baril ng nasa unahan ko, nakaiwas ako sa putok ng baril ng nasa uanhan ko, dahil sa pag-dodge ko, halos kasabay lang din nun ang pagpapaputok ko ng baril sa nasa kaliwa ko at nasa unahan ko.

Napangiti na lang ako ng kakaiba dahil dun. "Bang." I said. Mga weak. Napatay ko na agad sila. Napa-pahid na lang ako sa pisngi ko, dahil natalsikan ito ng dugo dahil nga malapit lang sila sa 'kin.

Naramdaman ko na marami nanamang maka-aim sa 'kin na baril, napaka nitong mga nag-a-aim sa 'kin, duwag ang lalayo nila. May ibang nasa taas, may ibang nakatago sa dilim. Aish. Uso kaya mag-pakita, asar.

Kinuha ko 'yung malapit na baril sa 'kin, kaya dalwa na ang hawak ko. At parehas ng walang silencer. Inihanda ko ang sarili ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko. I've done this before, magagawa ko pa din 'to. After all...

"I'm still blue moon, even though I've tried to be not her." I whispered as I slowly raised my hand. Nakaramdam agad ako ng kakaibang pakiramdam, parang biglang lumakas ang pandinig ko, dahil na din siguro sa tahimik ng paligid.

Kinasa na ang gantilyo ng baril nang nasa likod ko, agad kong itinutok dun ang baril kaya't naunahan ko sya. Sabay titira ang dalwang nasa taas, mabilis ko itong, naiwasan, at ramdam na ramdam ko at ang lapit ng bala ng baril sa tagiliran at leeg ko, mabuti na lang mabilis ako nakaiwas.

Sabay kong itinaas ang kamay ko, at binaril ang dalwang nasa taas. Na gumawa nga ng move sa pagbaril sa 'kin, pero nagawa ko namang iwasan.

Dandahan ko ng iminulat ang mata ko, dahil alam kong lahat ngayon at sabay sabay ng titira. Agad akong tumakbo sa pinapamalapit na pader, upang 'yun ang gawing panangga. Mabilis at marami agad akong narinig na putok ng baril, kaya't nakipagbarilan na din ako.

Maya-maya pa, nawalan ako ng bala, saktong pagtigil din ng mga na baril sa 'kin. Dahil dun, mabilis akong tumakbo pataas. Siguro naman kakaunti na sila dito ano? Andami ko ng napatay.

Pagdating ko sa ikawalang palapag. May dalwang lalaki agad na sabay nagtutok sa 'kin ng baril, malapit naman sila sa 'kin, kaya't nagawa ko agad na tanggalin ang lalagyan ng bala, sabay suntok sa kanila. Ang weak ng mga 'to e.

Pano pa kaya si dora? Aish. Magtutuos pa ng pala kami ni Dora.

Binilisan ko ang kilos ko at pinatay ang dapat patayin, tumba naman agad silang lahat. Nakipag-mano mano din ako, kaya't medyo sumakit ang katawan ko, dahil hindi naman maiiwasan na matamaan din ako ng atake nila. Andaya kaya nila, ang dami nila. Halos 10 vs 1 kadugaan talaga ng dora na 'yun asar.

*

Nasa 7th floor na ako, at napahawak ako sa bewang ko, may tama ako ng baril dun. Aish. Lapastangan ang gumawa nun sa 'kin, mabuti na lang napatay ko din s'ya kaagad.

Nag-tago muna ako sa isang pader at pinunit ng kaunti ang blazer ko para ipantakip sa nadugong tama ko, mabuti na lang at may kutsilyo akong nakuha kanina kaya nagawa kong mapunit agad 'to at pina-ikot sa bewang ko, para hindi na ganung mag-dugo pa 'yung sugat.

Matapos kong gawin 'yun nagpatuloy ako sa pakikipaglaban. Ano ba 'to? Hindi ba nauubos 'tong mga weaklings na 'to? Andami na nila ah. Andami ko na din napatumba asar. Ayoko na sayangin ang lakas ko.

Mag-tatago na lang ako hanggang sa makarating ako sa pinakamataas na floor dahil siguradong andun sila. Patago tago na lang ako, mabuti na lang at magaling ako sa gan'to kaya niisa walang nakahalata sa 'kin.

Pagdating ko sa pinakataas na floor, may pinto sa isa dun at may nakabantay na dalwang lalaking malaki ang katawan at may malalaking baril na hawak. Aish. Sure nandun sila.

Nag-lakad na ako papunta dun, agad akong tinutukan ng baril nung dalwa. Dahil sa asar ko. Inunahan ko na sila, gamit ang baril ko talaga na kinuha ko kanina sa bahay. Kaya't nauhanhan ko sila. May silencer naman ito, kaya sigurado na hindi pa alam nung dora na 'yun na nadito na ako sa kung saan nasan sila.

Kinuha ko 'yung malaking leather black jacket na suot nitong isa na nakabantay at sinuot. Kinuha ko din 'yung baril. Saka 'yung cap at sinuot. Mabuti na lang matching sa outfit ko, all black.

Hinawakan ko 'yung doorknob, pinihit ko ito, kaso napatigil ako may naramdaman akong kutsilyo sa leeg ko. Sht naman o.

Naistatwa ako dun. Pumikit din ako. "Magaling ka." He said. Baho ng hininga, amoy alak. Tsk. Dandahan kong kinuha 'yung pocket knife sa bulsa ko. "Alam ko naman kuya, wala kaya akong sakit." Asar na sagot ko. Natawa naman ito ng marahan, dahil dun mabilis kong nakuha 'yung pocket knife at nabuksan sabay mabilis na pagsaksak sa tagiliran n'ya.

"Ahhh!" Malakas na sigaw n'ya, kaya nabitawan n'ya 'yung kutsilyo malapit sa leeg ko at napahiga sa sakit. Lumapit ako sa kanya at inapakan ang muka n'ya.

"Pakialamero." I mumled. Sabay kuha ng pocket knife ko sa tagiliran n'ya. "Ahhh!" Ang ingay. I smiled at him, sabay saksak ng kutsilyo sa bunganga n'ya. Natalsikan tuloy ako ng dugo. Aish. Tumili nanaman s'ya kaya kinuha ko na 'yung baril ko at... "Farewell." I said as I left him, dead with open eyes.

Tuluyan na akong nakapasok sa loob.

Tumungo ako, mabuti na lang at kaunti lang sila dito. Lima lang sila. At saka si Nathaniel. "Ano 'yung sumigaw sa labas?" He asked. Eto na si dora. Pero lalaki ang boses? Nice. Dapat pala Diego. Psh.

I shrugged. Nakatungo pa din ako at lumakad lang ng ilang hakbang hanggang sa natanaw ng mata ko si Nathaniel Gabriel Evans na may bomba at duguan. Biglang kumulo ang dugo ko sa nakita ko, anong karapatan nilang saktan si Nathaniel? Ako dapat ang unang mananakit sa kan'ya dahil sa pagnanakaw n'ya ng halik. Psh.

Naiyukom ko ang kamao ko dahil dun. "Nasan na 'yung babae? Nakikipaglaban pa din ba o patay na?" He queried. Napa-ismik naman ako dun. Ako mamatay agad? Oh come on. Baka mauna pa s'ya. Tch.

"'Wag n'yo s'yang sasaktan! Duwag kayo!" Nathaniel suddenly yelled. Napatawa naman etong si Dora and her friends, este Diego and his friends. Pede namang barney and his friends. Ay ano ba 'yan. Aish.

"Ano nasan na 'yung babaeng 'yun? Tanga pa na naman 'yun, dalwang beses naligaw. Ha-ha-ha. Antanga lang." Natatawang sabi nito.

"Ha-ha-ha." Sabay ko sa pagtawa n'ya. Tinggal ko 'yung cap ko. Kaya't lumugay na ang buhok kong naka-ipit kanina sa cap. "Sinong tanga sa 'tin ngayon? Ha-ha-ha. Duwag." Biglang natigilan sina Diego at napatitig sa 'kin.

I smirked. "Oh? Gulat kayo?" I playfully said. Inilabas ko agad 'yung baril ko at mabilis silang pinaputukan nun. Weak. Dahil ata sa pag-ka-amaze na nandito na agad ako, e. Natulala at hindi nakabunot ng baril, ayun patay sila. Sakto. Lilima lang sila.

Agad akong tumungo kay Nathaniel.

"Ano yabang? Asan lakas mo? 'Yang limang ugok na 'yan 'di mo malabanan?" Asar na sabi ko habang inaalis sa kan'ya 'yung bomba at tali.

"Stupid. I'm tied here and my hands were handcuff, do you think I can fight them with that? They're also armed." He retorted.

"Ay talaga? Bakit ako? Nagawa ko agad?" I asked. Hanggang sa nataggal ko na 'yung bomba at tali sa kan'ya.

'Yung handcuff naman, kinuha ko na lang ulit 'yung pin ko at nabuksan na 'yun konting sandali pa. "'yung bomba." I suddenly said.

10 mins. Bago sumabog ito. Tinabig n'ya ako at saka kinalikot 'yun. "Oy baka sumabog lalo 'yan." I said.

"I'm not idiot." Tipid na sagot nito. Nye-nye-nye, napaka talaga nitong lalaking 'to. S'ya na nga niligtas. Psh. Dalwang beses ko na nga s'ya nililgtas e. 'Di man lang nag-tha-thank you. Napaka nice talaga. Mabuti pa si Barney marunong mag-thank you.

Maya-maya pa. Natapos 'yung pagkalikot n'ya sa bomba. "Tapos na. Tara na." He said tas bigla n'ya akong hinigit.

"Ba't ka ba na kidnap ng mga 'yan?" I asked.

"Nalasing ako. Nawala sa katinuan, tapos nagising na lang ako and'yan na ako sa puder nila," tipid na explanation nito. Psh. Weak pala 'to 'pag lasing psh.

Nag-simula kaming maglakad papunta sa pinto paalis sana sa room na 'to kaso tumigil s'ya. "May mga nag-aabang sa labas. Mag-ingat ka." He said. I nodded. Dahan-dahan n'yang hinawakan 'yung door knob at binuksan ang pinto at tama s'ya andami nila.

Lumabas kami ng ilang hakbang pa. Delikado sa parte namin dahil napapunta kami sa pwesto na walang harang 'yung paligid, kumabaga nasa 10th floor kami tapos 'yung dapat may harang ay wala.

Mabilis sumugod 'yung mga lalaki sa 'min kaya mabilis din kaming naki-paglaban. Tumagal ang laban na 'yun dahil mano-mano. Kitang kita ko ang galing ni Nathaniel makipag-laban ang astig. Parang normal na normal lang sa kan'ya 'yun. Ang lakas ng dating.

Dahil sa panunuod ko ng laban ni Nathaniel hindi ko na pansin na may bigla palang sumugod sa 'kin at huli na para maiwasan ko ang atake n'ya.

"Agh! Sht!" Napasigaw ako dahil 'yung sa kung saan ako may tama may daplis dun ako nasuntok. Sht lang. Napapilipit ako dahil dun. Hindi pa ito nakuntento at pinag-tatadyakan ako.

"Sht. Damn you!" I yelled at him. "Ahh!" Napasigaw lang ulit ako nung bigla n'ya akong sabunutan at ihampas sa sahig ang ulo ko. Sht. Nakaramdam ang ng matinding sakit dahil dun. Naramdaman ko din ang pagtulo ng dugo sa noo ko dahil dun.

"Ayah!" Malakas na sigaw ni Nathaniel, mabilis n'yang kinalaban 'yung nanakit sa 'kin at natumba naman ito. Halos tatlo na lang ata natitirang nakatayo. Lalapitan sana ako ni Nathaniel, kaso sinenyasan ko s'ya na may kalaban sa likod n'ya, mabilis n'yang napatumba 'yun at 'yung natitirang dalwa. Bilib ako sa kan'ya dahil kahit bugbog sarado na s'ya malakas pa din s'ya.

Lumapit sa 'kin si Nathaniel. "Are you okay?" He asked.

"May nadaplisan bang okay? May bugbog bang okay?" I sarcastically retorted. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo dahil dun. Biglang parang may nag-flash sa 'kin na scene kung saan may lalaking nakangiti sa 'kin. Blurry 'yung batang lalaki pero ang lakas ng epekto nito sa 'kin.

"Aaaah!" Malakas na sigaw ko dahil sa sakit ng ulo. Sht naman o.

"Hey! What's happening to you?!" He yelled. Hindi ko alam. Wala akong maintidihan. Masakit ang ulo ko. Parang may nakikita akong blurred pictures and images na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam pero unti unti parang kinakain ako ng sakit na nararamdaman ko.

"Ahhh!" Malakas na sigaw ko hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Alam ko lang nag-aalala sa 'kin si Nathaniel.

"Ah sht!" Nagitla na lang ako ng napamura si Nathaniel at tumalbog malapit sa kung saan pwede s'yang mahulog.

Napatingin ako bigla sa isang dako. May isa pa palang nakaligtas at sinipa si Nathaniel kanina kaya napatalbog at ngayon binubugbog n'ya ito.

"Sht." I mumbled.

Dandahan akong tumindig kahit sobrang sakit ng tagiliran ko at ng ulo ko. Dandahan akong lumapit sa pwesto nila, kaso nakarinig ako ng putok ng baril, nadaplisan nun sa Nathaniel sa binti. Pinilit tumayo ni Nathaniel nagawa n'ya naman at kinalaban n'ya ulit 'yung lalaki kahit iika-ika na s'ya.

Kaso dahil sa tama n'ya sa binti. Nahirapan s'ya. Nagitla na lang ako nung naitulak s'ya nung lalaki at parang nag-slow mo sa 'kin ang paligid. Bigla s'yang na-out of balance at dandahang unti-unti nakita ko s'yang nalaglag.

Hindi ko alam pero adrenaline rush ang nangyari, nakakita ako ng tali. Agad kong kinuha 'yun. "Ahhhh!" Rinig kong sigaw n'ya. "Nateeee!" Rinig kong sigaw ng isang boses babae. Mabilis kong ibinato 'yung lubid at sumigaw ng... "SALUHIN AT HAWAKAN MO!" Malakas na sigaw ko. Mabuti na lang at mahaba 'yung lubid at nahawakan n'ya pa 'yun, samantalang ako, itinali agad 'yung tali sa isang poste noong makasiguradong nakakpit na s'ya ng maayos.

Hinila ko ito ng hinila hanggang sa nandito na ulit s'ya at nakakapit na sa semento. Sya na ang gumawa ng paraan para maka-akyat ng tuluyan.

Noong maka-akyat s'ya. "Sht!" Mabilis na sabi n'ya sabay tingin sa likod ko. Hindi ko alam, mabuti na lang mabilis ang response ko at nakuha ko agad 'yung baril at naunahan 'yung lalaking dahilan ng pagkalaglag ni Nathaniel sa pag-baril kaya s'ya ang patay. Napahiga na lang ako pagkatapos nun, at saka nakaramdam ng matinding pagod at sakit.

"Y-you j-just saved m-me." I heard Nathaniel's voice. "Kaya nga pasalamat ka." I said then laughed a bit.

"I owe you bigtime. Ms. Rivera." Then he chuckled, then he got up. "Ahh!" Napatili pa s'ya ng konti dahil nga sa 'yung isa n'yang binti ay may tama pero kahit ganun nakatayo pa din s'ya, at saka nilahad 'yung kamay n'ya sa 'kin, tinggap ko 'yun at saba na bumababa papunta sa first floor.

Ansakit pa ng katawan ko. Nagitla na lang ako pagkadating sa first floor andun sina Lian.

"Sht Ayah!" Sabay sabay na sabi nung apat. Nakaakbay sa'kin si Nathaniel. At iika-ika s'ya mag-lakad.

Itinutok ko ang baril sa way nina Lian, kaya natigilan sila sa pag-punta sa 'kin. Ganun din ang ginawa ni Nathaniel sa baril nahawak n'ya.

"Ayah..." Mahinang sabi ni Alyx. Then I playfully smiled at her. Alam kong kinabahan s'ya dahil dun, pero kinalabit ko 'yung gantilyo kasabay nun ang pagputok ng baril ganun din ginawa ni Nathaniel.

Napapikit naman sina Lian dun, pero natawa na lang ako. Nung natawa ako, napamulat sila.

"May kalaban sa likod n'yo e. Akala n'yo kayo na ano?" Natatawang sabi ko. Sabay sabay napa-mura sina Lian.

"You scared the hell out of me! Ayah!" Shana yelled.

"Glad to scare you out." I retorted smirking.

"Damn you. Ayah." Malutong na mura sa 'kin ni Shana. "Damn you too. Shana." I replied. Natulala naman 'yung mga kaibigan ni Evans sa inasta ko, para bang nagtataka kung ako si 'Ayah' eh, ako naman talaga ah. Ngayon lang nakakita ng duguan? Kaloka naman 'yun.

"Is she really the childish gullible Ayah?" Annicka suddenly asked. Napatingin ako sa naka-akbay na si Nathaniel sa 'kin, it's like he's asking the same question.

I shrugged. Tapos napatingin ako kay Lian, na tumingin kay Annicka at ngumiti. "You're lucky." She said. Nagtaka naman sila dun.

"You saw her ---on her other side." Alyx continued.

"You just saw her demon side." Shana stated seriously, and a smile formed into my lips. Am I really a demon? I guess so.

***

A/N: Comment! Madaming comment para sa next update! Haha! Any reactions? Lols. Haha! Sorry for all the errors.

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top