Heir 24: Dummie
Heir 24 ♚ Dummie ♥
Nathaniel Gabriel's POV
I can't help but to grin widely after what happened. Priceless! Ang ganda ng itsura n'ya kanina! Este, ang cute n'ya. Nakakatuwa 'di s'ya nag-alma.
Parang tinakasan ng katinuan e. Haha. Napaka-inosente.
Napahawak ako sa labi ko. Her soft lips. Aish! 'Di ko talaga mapigilan 'di mapangiti. Naalala ko 'yung muka n'ya e! Mukang anghel na nakatulala.
Naalala ko tuloy sabi ko sa sarili ko, i-tretreat ko s'ya coldly. Pero I can't help it! Kanina habang yakap ko 'yung bewang n'ya at malapit ang muka namin sa isa't-isa. Naattract ako.
Teka! Mali 'to! 'Di ako sigurado kung si Light s'ya! Agh! Feeling ko tuloy nagtataksil ako! But damn! I can't really really help but beam habang naalala ko 'yung kanina. Aish! Basta nagawa ko na. Sigurado ako maiinis s'ya dun. Tapos ayun, magagalit s'ya saakin at 'di na ako mahihirapan i-trato s'ya coldly.
Tama, tama 'yan Gab.
Dumiretso sa ako sa headquarters namin, with a triumph smile plastered on my face.
That girl! Haha! Sana si Light na lang s'ya... Pero magkaiba sila ng ugali e. Hayy.
Umupo ako sa sofa dun. Lunch na kasi, dadating na sina Skyler dito. Dito kami nag-lulunch. Binuksan ko muna 'yung TV at inaccess ko sa net. Pede naman 'yun dito.
Pumunta ako sa website ng school. Sure thing headline ngayon 'yung eksena namin dito. Sa bilis ba naman ng net dito. Pagkabukas ko ng website. Damn, it's trending! Haha!
"The famous Nathaniel Gabriel Evans just kissed a girl! And he's smiling widely while giving her a peck on her lips! He looked so happy on the pictures! However how about Cassidee Therese Servilla?"
'Yan agad ang nabasa ko sa headline news at hot news ng school. Tapos nag-trending din s'ya sa site namin. Nagbasa ako ng ilang comments, at hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko. Pero, nung pangalan ni Cassidee ang makita ko nawala ang ngiti sa labi ko.
Agh. My possessive fiancé. Bahala na. Aish.
Big deal talaga sa kanila 'yung nangyari na may hinalikan akong babae. Kase hindi na ako humahalik ng babae(maliban 'pag lasing)--simula noon. Sabi ko kasi sa sarili ko. Kung 'di lang naman si Light ang hahalikan ko. 'Wag na lang. Kahit si Cassidee 'di ko pa nahahalikan.
Pero, yes I've kissed girls before pag-nalalasing ako, o kaya wala sa katinuan. Napagkakamalan kong si Light. Pero, 'di naman nalalaman ng school. Sa labas naman ako ng school umiinom. At saka, takot lang ng mga nakakita na ikalat 'yun.
Tumingin ako sa screen at nagbasa ng comments.
Kyaaaah! Ang gwapo ni Fafa Nate! Nakangiti s'ya! Pero pano na si Cassidee? #NathanielKissedAGirl
Ang swerte swerte nung girl! Sana ako na lang s'ya! Teka? Wala na ba si Cassidee at Nate?! #NathanielKissedAGirl
They look like a couple! How sweet! #NathanielKissedAGirl
Omygoshh!! Wishing I was the girl! #NathanielKissedAGirl
Fafa Nate! Pakamatay na 'ko! Halikan lang ako! #NathanielKissedAGirl
Maganda 'yung babae. Kawawang Cassidee.
Did someone noticed the girl look likes, ahm... Princess? #NathanielKissedAGirl
Natigil ako sa pagbabasa ng comments ng makita ko 'yung bukod tanging comment na ito. Matagal na siguro itong estudyante dito kaya alam n'ya. Napa-iling-iling na lang ako.
Tama! Oo nga, kamuka n'ya! #NathanielKissedAGirl
Hala! Grabe! Kaya ba hinalikan ni Nate? #NathanielKissedAGirl
Napa-iling iling na lang ako lalo. Dito pa nag-usap. Uso naman sa private message. Aish. Nag-scan ulit ako. At andami naming pictures nung babae. Dapat masanay ako na 'di Light ang tawag sa kan'ya.
Pinag-sa-walang bahala ko na lang 'yung kay Cassidee, bahala na mamaya.
Andami talagang pictures. May side view, may front view. May nakadait ang labi ko sa labi n'ya. May naka-ngiti lang ako at tulala s'ya. Meron ding kuha nung nag-uusap kami.
Sa 'di malamang dahilan. I saved those pictures on my phone. Madali lang 'yun, tina-ransfer ko lang 'yung files.
Trending na trending 'yung ginawa ko minutes ago sa website ng school. Malaking issue nanaman ito. Aish.
Annicka Hera Williams: Omygosh! Is this true? Kyaaa! Nate! Whose the lucky girl? Behlat si Cassidee! #NathanielKissedAGirl
Annicka Hera Williams: Ay oo nga! Kaloka-like n'ya si Incess! Omygosh! I wanna meet her! #NathanielKissedAGirl
Annicka Hera Williams: Kyaaaah! Nate! Nakangiti ka sa pictures! Omygoshhh! Malapit na ako humanda ka! #NathanielKissedAGirl
Damn! Pati si Anncika nakigulo na din. Sigurado ako nagtatakbo na 'yun papunta dito. That brat. Parang kapatid ko na 'yun e. Kukulitin nanaman ako nun. Napatawa nga ako ng mahina noong mabasa kong huling comment n'ya. Pasugod na 'yun dito. It's lunch after all.
Timothy Chase Yoon: Woah. Pards. May hinalikan ka? Welcome to the Casanova's Club Pards!
Napatawa ako ng mahina sa comment ni Tim Tim sira ulo talaga.
Nathaniel Gabriel Evans: Gago!
I replied to Tim's comment. Wala pang limang minuto, halos nasa 100 na ang nag-likes sa comment ko. Tsk. Sobrang bilis talaga ng mga tao dito basta sa chismis. Tss.
Jacob Blaze Williams: Pards Gab! Nakita mo si kamuka ni Incess! Takte! Nasan? Gusto ko din makita! Ang bilis mo! Nahalikan mo na? Gago!
Nathaniel Gabriel Evans: Gago!
I replied to JJ's comment. Papunta na 'yang mga 'yan for sure. At nakukulili ang tenga ko sa dami nilang itatanong.
Anthony Llyod Sy: Taena! Pards Gab congratulations! May nahalikan ka na at 'yung kamuka pa ni Incess mylabs! Humanda ka saakin! #NathanielKissedAGirl
I nearly laughed because of Thon's comment with hashtag, napaka-bakla talaga nitong isang 'to walang kupas! Mag-rereply na sana ako sa comment n'ya kaso...
"Nateeeeeeeeeee! Kyaaaaaaah~!!" Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng sigaw n'ya.
"Annicka, lower down your voice." I commanded. Instead of lowering down her voice she jumped at screamed again.
"Kyaaaaaaah~!" Pano ko ba patatahimikin 'tong babaeng 'to?
"Omo! Omo! Omoooo! Ahhhhhh~!" Nakakabingi. Isa pa tatakpan ko na bibig ng babaeng 'to.
"Ano ba Nicka! Nakakabingi ka! Shut up!" Asar na sabi ko sa kan'ya pero 'di man lang s'ya nasindak.
"Perooooo keshe e kenekeleg eke. Emegesh! Yee kessed a gerl! Et kemeke pe ne Leght." She said beaming na akala mo nag-d-daydream. At 'di ko naintindihan sinabi n'ya.
"Kyaaaa! Nateeee~!" The she jumped on the sofa and clung her arm to my arms.
"Damn, Annicka." I spoke.
"Eeeh! 'Wag ka ngang epal! Grabee! Kyaaaa~ 'yung pictures Nate! Nakakakilig! Your smile! Pakshet! Nakakainloveeee~ Emeger!" Goodness. Dumali nanaman 'tong babaeng 'to!
"Waaaa~ Tingnan mo nga ngayon Nate! Ayan o, nakangiti ka! Kyaaa~ I should meet that girl immediately! Magthanthank you ako sa kan'ya ng maraming beses 'cause she made you smile! A true smile, we are longing for a looooong time!" She exclaimed. I chuckled. Na lalo n'yang kinatuwa.
"Nate, bakit mo s'ya hinalikan?" She suddenly asked. Medyo naging seryoso na s'ya.
"Ibinalik ko lang at binayadan ko lang utang ko." I firmly uttered. Tinaasan naman ako ng kilay ni Annicka.
"Weh?"
"Oo nga. Tanda mo noong nakaraan noong nalasing ako? 'Di ba sabi ko may kamuka si Light na nakita ko edi ayun, hinalikan ko s'ya noon bago ako magpakalasing. At ngayon 'yung babaeng kamuka ni Light ay dito nag-transfer at nakita ko s'ya kanina. We had an encounter and she said na bayadan ko daw 'yung utang ko sa kan'ya." I explained. Kung 'di ko ieexplain kukulitin ako nito hanggang mamaya.
"And suppose that, that debt is the kiss? Kaya ba hinalikan mo ulit s'ya kanina?" She asked I nodded.
"Kyaaaa~! OMO! Ang sweeeet!" Masayang sabi n'ya. Napa-iling iling na lang ako.
"You're too loud, Hera." Napalingon kami sabay ni Nicka sa nag-salita si Skyler. Agad tumayo si Annicka at nilapitan si Skyler.
"Omo! Zeus! Nakita mo na 'yung site? Omo! Trending si Nate!" She said habang naka-akbay kay Sky. Naka-tikdi pa 'yan tangkad ni Sky e.
"I know." Simpleng sagot ni Skyler Zeus Anderson.
"'yan lang reaksyon mo?" Poker face na tanong ni Annicka.
"Anong gusto mo magpaparty ako?" Poker face na sagot ni Sky. Basag si Annicka. Haha! "Eeee!" Annicka pouted. "Zeus, naman e. Ang bad mo talaga saakin." Nag-buntong hininga si Sky. Kulit talaga ng ka-isa-isang babaeng kaibigan namin.
Inakbayan na lang ni Sky si Annicka at kiniliti, kaya biglang tumawa ng malakas si Annicka. Those two, mukang couple.
"Pards Gab!" Sabay sabay kaming napalingon na tatlo, si JJ at Tim nasa pinto na.
Nag-hand shake muna kaming apat na lalaki saka kami dumiretso sa kitchen. Kakain ng lunch. Kulang pa pala kami wala pa si Thon.
"Gab Gab!" Speaking of.
Sabay sabay na kaming pumunta ng kitchen ng headquarters ibinababa nina Tim at JJ 'yung dala nilang pagkain, tapos si Nicka naman kumuha ng utensils.
"Totoo ba 'yung nasa site?" JJ asked.
"Tanga mo din JJ e. Kita mong may pictures? Aba! Galing naman nung nag-edit nun kung sakaling fake!" Thon interrupted.
"'Wag ka mangialam, Pards 'di kita kausap." JJ replied to Thon. Napatawa naman si Tim.
"Pakielamero mo talagang gago ka ano?" Sabi ni Tim Kay Thon.
"'Wag ka mangialam, Pards 'di kita kausap." Pftt. Basag si Tim! Loko loko talaga nitong si Thon Thon! Haha!
"Oops! 'Wag na kayong mag-away, kumain na tayo!" Sabi ni Annicka. Umupo s'ya. Nakahanda nanaman 'yung pagkain. Umupo na din sila Sky, kaya't umupo na din ako.
"Anong pangalan nung babae?" Annicka asked. I shrugged. "I don't know." I cooly retorted. Nanlaki ang mata ni Annicka.
"Imba ka talaga Nate! Hinalikan mo na! Nakausap mo na! 'Di mo alam pangalan, wow lang ha." Annicka sarcastically said.
Sa hindi ko alam, nakalimutan ko itanong. Aish. Why would I bother asking?
"Baka naman Princess Light Smith ang name?" Thon suggested. Annicka pouted.
"Kung ganon nga, papa-party ako! Buhay si Incess natin! Kaso takte! Pinapaasa nanaman natin sarili natin!" Annicka declared. Tama naman si Annicka baka false hopes nanaman 'yan. Sa loob ng limang taon, andaming false hopes at paulit-ulit kaming nasasaktan.
Eto lang ang pinaka-malala kasi ngayon lang kami naka-encounter ng kamukang-kamuka ni Light.
"Ano gagawin natin? Pa'no natin malalaman kung si Incess ba 'yun o hindi?" JJ asked.
"Kung si Incess 'yun edi kilala tayo nun, pero base sa kwento at nangyari kanina, mukang wala s'yang alam." Tim said.
"Baka nag-ka-amnesia?" Sabi naman ni Skyler.
"Pwede." JJ said.
"However, baka kamuka lang talaga, madami namang ganun 'di ba? 'Yung kamuka lang pero walang koneksyon sa isa't-isa." Tim Tim has a point.
"Kung ganun, ano gagawin natin, para malaman natin kung s'ya nga si Incess na nag-ka-amnesia o kamuka lang talaga?" Annicka queried.
"DNA." Skyler simply suggested.
"Pwede!" Thon Thon exclaimed. "Pero pano?" JJ catechized.
"Ako! Kukuha ako ng DNA nung girl!" Masayang sabi ni Annicka, nakataas pa ang kamay nito. "How?" I asked. "Leave it to me, baby." Then she winked at us, napangiwi naman kami dun. Loko talaga nitong si Annicka.
"Kanino pa 'yung isang DNA?" I asked.
"Kay Tita Nadine, sa mom ni Incess." Tim suggested. Kaso pano kami kukuha ng sample kay Tita Nadine?
"Ako ng bahala. Nurse kamag-anak ko, sabihin ko kuhanan ng dugo si Tita you know, blood donations, mabait naman si Tita Nadine e, charity works." Simpleng sagot ni JJ. We nodded.
"So problem solved?" Skyler queried.
"Yep!" Masayang sabi nina Thon, Tim at Annicka.
"Ikaw na bahala sa sample dun sa girl ha?" JJ said to Annicka, Annicka nodded. Then we eat our lunch. May klase pa naman kami mamayang one in the afternoon. Pero maaga pa naman.
Pagkatapos namin kumain, umupo kami sa salas saka binuksan 'yung TV.
"Takte. 'Di talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina." Iiling-iling na sabi ni Tim Tim kaya napatingin kami sa kan'ya.
"Mag-kwento ka dali!" Masayang sabi ni Annicka tapos tinabihan si Tim, bilis talaga ng babaeng 'to basta chismis.
"Agh. May nangyari sa'yo Tim? Sa 'kin din e, pahamak nung babaeng 'yun e. Sakit ng pisngi ko." JJ said. Ngayon ko lang napansin, may bruise na maliit si JJ sa pisngi. Woah, s'an n'ya nakuha 'yun?
"Kayo din Pards? Ay lengya! Saakin din! May babaeng makulit!" Singit ni Thon.
"O? Sa'yo Skyler walang nangyari?" I questioned. May nangyari sa doofus e, baka may nangyari rin kay Sky.
"The usual, natulog lang ako, nothing more nothing less." He said. I noodded.
"Omo! Ikwento na 'yan doofus!" Excited na sabi ni Annicka.
"May babaeng sinabunutan ako, takte!" Iiling-iling na sabi ni Thon Thon, mukang nalugi ang gago. Haha.
"Pfft. Wahahahahahaha! Kawawang Thon Thon! Hahahaha! Sinabunutan ka? Pfft. Hahahaha! Damn! Dapat nakita ko 'yun!" Tuwang tuwang sabi ni Annicka. Babaw talaga nito e.
"Kaw Tim?" Skyler asked. Poker face pa.
"Someone just dumped me."
"Omiiiigoooosh! Ang ultimate Casanova ng bayan! Nabasted! Wahahahahahaha! I should congratulate that girl, it's the first one!" Comment ni Annicka.
"JJ 'kaw?" Tim inquired.
"May sumuntok saakin, napaka nung babaeng 'yun. Kala mo kung sino. Gulpihin ko s'ya e." Asar na sabi ni JJ.
Annicka laughed. "Pinsan talo ka ng babae! Wahahaha!" Lakas talaga maka-pang-alaska nito.
"Tumigil ka nga Annicka, pahabol kita sa aso e." Asar na sabi ni JJ.
"Bleh! Bleh! Bleh! Tungas n'yo kasing doofus! Haha! Sabay sabay pa ata nangyari sainyo e! Karma n'yo 'yan!" Pang-aasar pa ni Annicka.
"Tatamaan ka saamin Nicka, tamo." Tim Tim exclaimed. Pero wala lang kay Annicka, tawa lang ng tawa. Lakas ng pitik.
*
"Uwaaah! Taena! Trending ka pa din Nate!" Sabi ni Annicka habang naka tingin sa phone n'ya.
"Tch."
"Omygosssshh! Look at this! Nakita n'ya na 'yung post ng school! OMO!" Sabi ni Nicka, sabay pakita saakin ng cellphone n'ya tinaboy ko 'yun at nag-click sa TV, para mapunta sa net.
Binuksan ko 'yung account ko sa website ng school.
Ayah Lynn Rivera: Uwaaah! Ano 'to?
Alyxandria Jane Fortaleza: Malamang ikaw! May kahalikang lalaki! Ayah ka!
Ayah Lynn Rivera: My gulay! Humanda saakin 'yung kutong lupang 'yun!
Unknown: Ate, ikaw 'yung nasa pic? Aba! Kapal ng muka mo! Pano mo nagawa na halikan si Nate? #NathanielKissedAGirl
Unknown: Omygosh! Ikaw nga 'yung nasa pic! Hala ka kay Cassidee!
Ayah Lynn Rivera: Ako nga, 'lema n'yo?
Pftt. War-freak pala 'tong babaeng 'to. Haha. I-click her name to browse her infos lumabas dun 'yung picture n'ya isa pa lang. Kagagawa pa lang ata n'ya ng account.
Wala pang ganung post sa account n'ya kundi puro banta at pagtataray ng ilang istudyante sa school. Meron din naman na may mababait na gusto s'ya kaibiganin. Rather than that wala na.
Ibinalik ko na lang sa news ng school. Parang facebook at tweeter kasi 'tong website ng school, bago ka maka-access kelangan may account ka.
Ayah Lynn Rivera pala name n'ya. Layo naman sa Princess Light Smith. Tch.
"Hala ka Nate!" Tukso saakin ni Annicka.
"As if naman masisindak mo n'yan si Gab." Natatawang sabi ni Thon, habang nakatingin sa iPad n'ya. Habang si Tim naman nasa computer n'ya nagkakalikot nanaman. Si JJ nag-c-cellphone ganun din si Annicka mag-pinsan nga, si Sky tulog at naka-earphones sa sofa. Ako nag-ne-net dito sa TV.
Mabuti na lang 'di na ako kinukulit nitong mga 'to at si Annicka na lang.
"Kyaaaa~ Nate~!"
"Annicka!" We all said in unison except Skyler, napatakip naman ng bibig si Annicka. "Ooops! Pero kasi aaaaaah~!" Impit na tili n'ya.
"Ano nanaman?" Asar na sabi ko.
"May bagong trending!" Poker face. Akala ko naman kung ano na. "Pero trending pa din 'yung kanina. Kasoooo kyaaa~ pang second na lang 'yun at may pumalit na." Explain n'ya pa. Aish.
"Kyaaaa~! Omo!" Kinikilig na sabi n'ya. Ano ba naman 'to?
"Kyaaaa~! Ahhhh~!" 'Yan nanaman nag-tititili naman s'ya. Nakakainis na si Annicka a. Nakukulili tenga namin e.
"Shut the fck up, Annicka!" Sabay sabay na sabi namin, with Skyler, mukang nagising sa tili ni Annicka.
"Omo! Tiiiiiim Tiiiiim! JJ! Thoooooon Thoooon! Trending kayoooo~!" Sabay sabay nakuha ni Annicka ang atens'yon ng doofus.
"What?!" They said in unison.
Dali daling inagaw saakin ni Tim 'yung remote at inilagay n'ya sa news ng school. Aish. Account ko naka-log e. Kinuha ko ulit 'yung remote. Pero nasa page na s'ya ng school.
"The famous perilous gang 'Improbus Ille Imperium' are all in a relationship?" It says, napataas naman ako ng kilay dun.
Improbus Ille Imperium means Heartless Empire.
We are the 'Improbus Ille Imperium' si Thon nag-pangalan nan. Ewan ko sa gagong 'yan kung saan nakuha 'yan.
Nakita akong mga pictures nina JJ.
Hawak ni JJ 'yung kamay nung babae, tapos magkaharapan sila. That's the first picture of JJ, the next one is yakap n'ya na 'yung babae. Woah. May girlfriend na pala si JJ.
"JJ! Sino 'yan ha?" Tanong ni Annicka.
"Wala! 'Yung nanuntok saakin! Kapal ng muka ng babaeng 'yan e!" Asar na sabi ni JJ. "Saka ano? In a relationship ang status ko d'yan sa babaeng 'yan! 'Wag na uy!" Asar na dagdag pa nito.
"Jacob Blaze Williams known as Dark Pious is in a relationship with this girl? Is it true or not?" Yan pa ang headline kay JJ.
Nag-scroll down pa ako at andami ding comments.
Si papa Jacob! May gf na din? #ImperiumLoveLife
Mygash! That btch! Jacob's mine! #ImperiumLoveLife
I can't believe it! The four from Imperium have a girlfriend?! Kill me now please. #ImperiumLoveLife
Nag-next page na ako, at tiningnan 'yung kasunod na hot news, which happens to be Tim's news.
"And we qoute, "You'll be my girl!" End of qoute, Timothy Chase Yoon known as the Clyfar Archon just said that seriously to a girl!"
Sabay-sabay kaming napalingon kay Tim na dakilang casanova. "What?" He questioned.
"Sinabi mo 'yun sa isang babae? Sa pag-kakaalam ko wala ka pang sinasabihan o inaakit na maging girlfriend. Sila naghahabol sa'yo e. 'Di ka na womanizer?" Annicka asked.
"Gago! Ako presidente ng Casanova's Club tapos mag-q-quit ako? 'Wag na! Nainis lang naman ako sa babaeng 'yun kaya sinabihan ko ng ganun." Depensa ni Tim.
May ipinakitang pictures na nakangiti si Timothy habang kausap 'yung babae. Tapos may picture din naka-upo 'yung babae sa lap ni Tim Tim. At madami pang Iba.
I turned it to the next hot news, at kay Thon Thon naman.
Masayang nagtatawanan 'yung babae at si Thon, base sa pictures tapos meron ding hinalikan ni Thon sa pisngi 'yung babae, nag-blush pa 'yung babae. Meron ding parang nag-sasagutan sila. Muka silang couple, halos lahat naman nung kuhang picture saamin nina JJ mukang mga girlfriend namin 'yung mga babae, mukang sweet na sweet e.
"Anthony Llyod Sy known as Thanatos Spade, is laughing with a girl, having a date? Huh?"
Napa poker face ako sa mga news saamin, nakita lang naman nilang may babae kaming kasama besides Annicka, ganan na ang chismis? 'Di naman nila alam ang tunay na nangyari. Aish.
Pinatay ko 'yung screen. At syempre nag-log-out muna ako sa account ko. Tiningnan ko 'yung apat.
"Ano ba naman 'yan! Lalo tayong pag-kakaguluhan!" Asar na sabi ni Thon.
Napa-iling iling na lang ako. Mabuti pa si Skyler na tulog lang ng tulog walang gulo. Aish. Ano ba naman 'tong napasok namin. Aish.
"Kyaaaa~!" Napapikit na lang ako. Nakaka-frustrate si Annicka. Ang ingay mas'yado.
"What again?" Asar na tanong ni Sky. Natutulog 'yung isa nagigising kay Annicka.
"May bagong trending!" Aish. Bakit ang bilis naman mag-trending nan? Pa-iba-iba.
"Nate~ Hala ka! Binantaan ka nung kaloka-like ni Incess! 'Yung Ayah Rivera! Hala ka! Tingnan mo o! Trending 'yung statement n'ya sa'yo! Tinag ka pa! Hahaha! Tapang n'ya! Hahaha! Hala ka Nate." Binigyan ko na lang si Annicka ng death glare, kaya natigil s'ya.
Hinablot ko 'yung cellphone ni Annicka at tiningnan 'yung sinasabi n'ya.
Nag-log-in ako ng account ko. Tapos tiningnan ko sa notif, may naka-tag nga saakin. Binuksan ko 'yun.
Ayah Lynn Rivera with Nathaniel Gabriel Evans.
You pervert! You will really pay for stealing soooo many kisses! Kutong lupa ka! Nakakainis ka! Pagnakita ulit kita! Humanda ka sa revenge ko! Pagbabayaran mo mga atraso mo sa 'kin! Napaka mo talaga!
Napatawa ako ng marahan noong mabasa ko 'yung status n'ya na trending ngayon, at pinupuna na ng haters. Haha.
I don't know what I've gotten myself into, but I posted my status and tagged her. She's now surely red as tomato I guess?
Nathaniel Gabriel Evans with Ayah Lynn Rivera.
Hey. Dummie. Mad at me? Don't be. I love you, Dummie. Sorry for the public kiss, don't worry. I'll pay again my debt by a private kiss.
Napatawa ako ng marahan noong basahin ko ulit 'yung status ko. Damn! Saan ko nakuha ang ganang salita? I just wanna piss her off. And I'm enjoying teasing her. Agh. This is not good.
Dummie is really 'Dummy' a stupid person. Tutal may pag-ka-stupid naman 'tong babaeng 'to, bagay na sa kan'ya 'yung ganung endearment.
"Kyaaaaah~! Nateee! Saan mo nakuha ang ganung salita? Ha? Kyaaaa~! Nakakakeleg! OMO! Sana s'ya na si Incess ng magpatuloy ang na-udlot n'yong pag-mamahalan! Hahaha!" Natatawang sabi ni Annicka.
"Tch."
Nakita kong nag-comment si Annicka sa status ko.
Annicka Hera Williams: Kyaaah~! Oemgie! #DummieCouple♥
At ayun sunod-sunod na ang "#DummieCouple♥" Damn! Annicka! Napaka talaga nitong babaeng 'to! Agh.
Nasa TV pala nag-access si Annicka, na sa 'kin phone n'ya e. Maya-maya nag-vibrate ang phone ko. Notif, galing kay Ayah Lynn Rivera.
Ayah Lynn Rivera with Nathaniel Gabriel Evans.
You pervert! I love you, Dummie! ♥
Nanlaki ang mga mata ako, literally, noong makita ko 'yan. What the? Ang bilis ng trending lalo 'yung ginawang hashtag ni Annicka, mabilis talaga kakalat 'yan lunch e. Puro naka-net ang istudyante dito.
I don't know why, but because of that post I'm smiling like an idiot.
"Kyaaaa~! Kyaaa~! Omo~! #DummieCouple♥!" Sigaw ni Annicka.
"Shut the fck up, Annicka!" We all said in unison.
•-•-•-•
A/N:
Kyaah! #DummieCouple♥ comment kayo! Lagyan n'yo ng hashtag! Haha! Pa-uso ni Annicka! Sorry for all the errors.
Kamusta ang chap? Feels ko sabaw e. Okay lang ba?
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top