Heir 22: Destiny? Irresistible Trouble!

Heir 22 Destiny? Irresistible Trouble!

Ayah Lynn's POV

"Titaaaaaaa!" Malakas na sigaw ko nung makarating ako sa Bahay. Pag-bukas na pag-bukas ko pa Lang ng pinto, sumigaw na ako. Hinihingal pa ako. Naliliyo at masakit ang ulo ko. Parang binibiak ito.

"Omygosh! Ayah!" Mabilis na sabi ni Alyx nung Makita n'ya ako. Nandito na pala sila. Mabilis din nag-sulputan sina Tito at Tita, pati na din si Lian at Shana. Pero wala akong ganung maintindihan Dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"What the? What happened?" Tito questioned. I breathe in and out! Hinihingal talaga ako, tapos ang sakit sakit pa ng ulo ko.

"M-my h-head hurts!" I stuttered. Mabilis pa sa kidlat Buhat na ako ni Tito at mabilis na ipinanik sa kwarto ko. Naramdam ko ang pag-ikot ng mundo ko. Naikot. Agh. Bakit ganito? Para akong nasusuka na ewan.

I closed my eyes, and I saw soooo many blurred images. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. And my head hurts like hell!

"My goodness! What the hell happened to you?" Tito asked. Umiikot ang paligid ko. Anlabo ng nakikita ko. Naghahalo ang blurry images at ang image Nina Tita. What is happening to me?

"Aaah!" Napahawak ako sa ulo ko. Mabuti na lang naihiga na ako sa Kama. I cried, parang binibiak ang ulo ko. Napasabunot na din ako sa buhok ko. At ang bilis blis ng tibok ng puso ko.

It was like everything is happening so damned fast!

Magulo sobrang gulo, parang gusto kong magwala, gusto kong pumatay, gusto ko maghiganti para sakan'ya. I wanted to kill those bastards, pero masakit ang ulo ko. Gusto ko din malaman ang nakaraan ko. Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang dami kong gustong Gawin at malaman.

Damn!

"Ayah!"

"Anong nangyayari?"

"Tito! Bakit po? Nabalik s'ya sa dati?"

"Ano na? Ano na?"

Halo-halong boses, 'di ko sila maintindihan. Bakit ba ito nangyayari saakin? Kahit magulo at blurry naramdaman kong chinecheck ni Tito ang vitals ko.

At biglang bilang may itinurok saaking injection. That made me felt dizzy. Then, everything was pitch black...

•~•~•

Theanna Sabrina's POV

"What happened to her Peter?" I asked Peter, pinalabas ko sina Alyx, sa kwarto ni Ayah, nag-aalala ako. Naawa din ako sa kalagayan n'ya Ngayon.

Kanina... Para s'yang nababaliw...

"Nangyayari nanaman ba sa kan'ya?" I asked... Remembering what happened to her two years ago.

"No. Side effects of her medicines. Inaasahan ko na, na mangyayari 'to because of her meds, 'di ko naman inaasahan na malala pala ang epekto. I'll call mister Smith." Seryosong sabi nito. I nodded.

"May maalala na ba s'ya?" I asked curiously.

Dahil sa tinanong ko, napatigil si Peter at tinitingan ako. "Wala pa." His words were telling no, but his eyes were telling yes. Then he stared at me.

Kinilabutan at kinabahan ako sa titig ni Peter.

"Don't worry Brina, everything will be fine." With those words I nodded, and I stared at Ayah who is now sleeping peacefully.

Ano bang nangyari sa kan'ya? Bakit pagkabalik n'ya dito ay ganun na s'ya? Maliit ang mundo...

Possible bang pinagtagpo na sila ng mga bahagi ng nakaraan n'ya? Possible bang nakita n'ya na ang lalaking minahal o minamahal n'ya?

"'Wag ka na masyado mag-alala. She'll be fine. She just need some rests and medicines. Mukang 'di n'ya naiinom sa tamang Oras ang meds n'ya kaya ganun." He explained. I nodded.

Lumabas na kami ng kwarto ni Ayah, nasa salas sina Alyx, 'di mapakali, noong nakita nila kami. Mabilis silang nagtanong.

"What happened?" Shana asked.

"Is she okay?" Lian queried.

"Why? Is she..." Nakatulalang sabi ni Alyx.

"Don't worry, epekto lang ng gamot ang Lahat." Peter explained. They all nodded. "Did Ayah, skipped her meds?" Tanong pa nito.

Napapikit sina Alyx at sabay sabay na tumango. "Crap." Peter cussed silently.

"Why? Bakit s'ya nag-sk-skip?" He asked.

"Sabi n'ya po kasi, 'di n'ya na kailangan 'yun magaling na s'ya. Saka ayaw n'ya na daw po nun. Lagi na lang n'ya daw 'yun iinom." Lian spoke.

Napa-iling iling na lang ako.

"Hard headed brat." We all said in unison. Sabihin nanatin na wala na 'yung cold personality ni Ayah o Princess pero... 'Yung katigasan ng ulo n'ya... It doubled. She's a ruler breaker indeed. Sometimes nagiging rebel... Lumalabas talaga ang katangian n'ya bilang heiress ng Hoodlum Empire.

Hanggang kelan namin itatago ang heiress nila?

Hanggang kelan kami magsisinungaling Kay Ayah o Princess?

Hanggang kelan Lahat ng kaguluhan na ito?

Habang tumatagal ng tumatagal ang Lahat nagiging komplikado lalo ito. Lalong gumugulo. Pero, sa mga panahong ito... Sigurado ako matutuldukan na Lahat ng kasinungalingan.

Tama na ang limang taong pinuno namin ang kasinungalingan.

Malapit na. Malalaman n'ya na ang katotohanan, Dahil ang mundong tinatakasan namin noon, ay s'ya ng haharapin namin Ngayon.

We are going back to where it all started. To the Empire Academy.

Magsisimula na ang mas magulong buhay na tatahakin namin.

•~•~•

Ayah Lynn's POV

"Ayah! Gising na!" Malakas na sigaw ni Alyx, nabosesan ko e. Nag-inat na muna ako. Parang ang Tagal ng pahinga ko ah.

"Ay naku. Biglaang slumber ang inattendan mo." Sabi pa nito, na pinagtaka ko. Eh? Nag-slumber ako?

"Huh?" Tanging sagot ko.

"Dumali ka nanaman sa huh mo. Dalwang Araw ka lang naman tulog. Psh. Kaya gumising ka na. Kasi papasok na tayo sa school." Sabi nito.

"Teka nga, Alyx, sinaniban ka ba?" Tanong ko. She frowned.

"Sira ulo ko Ayah! Nakatulog ka Lang ng dalwang Araw, akala mo Kung sino ka na!" Eh? Anong pinagsasabi nito?

"'di ko gets." I said.

"Bahala ka sa buhay mo! Dali! Malalate na tayo! First day natin!" Asar na sabi nito. I raised my eyebrow. Highblood ni Alyx, lumabas na s'ya sa kwarto ko at ako naman eto naguguluhan sa pinagsasabi ni Alyx kanina.

Aba ewan ko, wala akong nagets sa conversation namin kanina e. Walang kwenta. Aish. Pabayaan na nga. Inaantok pa ako.

Five minutes more. I said to myself. Tapos humilata ulit ako. Sa inaantok pa ako e. Hayy. Nakakaantok talaga, 'di nagtagal nasa dreamland na ulit ako.

"AYAH LYNN RIVERA! You are late," agh. Ano ba 'yun? Ang ingay ingay naman. Aish. Kitang natutulog 'yung tao e.

"Agassi, wake up! You brat!" Kinapa ko 'yung unan na pedeng ibato sa maingay na 'yun, natutulog pa ako tapos gigisingin ako!

"Subukan mong ibato 'yan saakin. Sasamain ka." OMG! Sasamain ka... Those words! Agad nanlaki ang mata ko at umupo mula sa pagkakahiga. Hala! Galit na si Tito Peter! Huhuhu. E, sa inaantok nga ako!

"Joke lang Tito Peter bakit ba kayo nang gigising ha?" Tanong ko tas bumababa ako sa kama nag-Inat at nag-hikab.

"Aga aga pa e," reklamo ko pa. Nag-cross arms naman si Tito dahil sa sinabi ko.

"Anong sabi mo? Maaga pa? E sa pagkakaalam ko, ten o'clock na ng umaga. Nakaalis na din sina Alyx, papunta ng school at ikaw na babae ka ay natutulog pa din, ano Agassi, maaga pa ba?" Napantig ang tenga ko sa narinig ko.

Whuttt? Nakaalis na sina Alyx? At ten o'clock na? At may pasok na kami? Uh-oh!

"Tito naman e! Bakit ngayon mo lang si---" Tito cut me off in my mid sentence.

"Ngayon lang sinabi? Kawasa ka! Tulog ka ng tulog! Napaka-brat mo talagang bata ka! Aba! Maligo ka na! At sumunod saakin pababa para makakain ka na. Unang araw na unang araw mo pa lang sa school late ka na." Mahabang sermon n'ya.

"Aish. Aish. Osige na osige na. Baba ka na Tito, susunod na ako! Shoo! Shoo!" Pagtataboy ko kay Tito saka tulak sa kan'ya palabas sa pinto ko.

Pagkatapos nun, dumiretso na ako sa cr.

Habang naliligo, napa-isip ako. Sino ba 'yung nakita kong lalaki noong nakaraan? Bakit ganun s'ya umasta? Ano bang meron? Saka bakit parang kilala n'ya ako? Pero mali naman ang pangalan na sinabi n'ya.

"Princess Light Smith?" I murmured. Sino 'yun? I asked myself. Baka naman mali lang s'ya ng imik.

Ayah Lynn Rivera dapat. Para ako talaga. Sayang! Wafu pa naman ni Kuya, chicks ang dating! Haha! Kung 'di lang ganun inasta n'ya saakin, edi sana crush ko na s'ya. Ang wafu kaya! Kamuka ni Lee Min Ho. Hihihi.

Ang landi, Ayah. Hehe. Ang wafu talaga e. Aish! Ano ba 'yan! Late na nga pala ako, tama ng pag-dadaydream.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako saka ako bumababa papunta sa dinning, naabutan ko si Tito at Tita dun nag-uusap.

"Tama ba talaga disisiyon ni Mr. Smith?" Tita asked Tito.

Hinawakan ni Tito kamay ni Tita. Ayieee! Si Tito dumadamoves! Keleg! "Tama 'yun Brina, alam n'ya lahat ng ginagawa n'ya kaya 'wag ka kabahan arasso?" Tito said.

Pero wala ako paki sa sinasabi n'ya. Kasi nakakakilig! Naka-intertwined ang kamay nila, tas magkatitigan pa. OMG! I'm so kinikilig! Kyaaah!

"Pero Peter, napa-mahal na s'ya---" Tito cut her off.

"Ako din naman. Pero there's nothing to worry about Brina." He assured her. Tapos niyakap n'ya ito! Omigoooshhh! Wala talaga akong paki sa pinag-uusapan nila, 'di ko nga gets sa sobrang keleg!

Bata pa Kasi si Tito at Tito nasa 27 pa lang ata silang dalwa e!

"Omo! Omo!" I laughed. Napahiwalay tuloy sila sa yakap, at sabay napatingin saakin. "Kelan kasalan?" I asked beaming.

Namula naman agad si Tita at napahiwalay Kay Tito, I nearly tease them again. Ang cute nila! Bagay na bagay!

"Ayah." Warning tone ni Tito, pero 'di ko mapigilan mapangiti ng malapad, good mood si Tito sure ako dun. Sa limang taon ko ba namang kasama silang dal'wa.

"Alam mo Tito, pakasal na kayo, tapos ang tawag ko na sa inyo, Mom and Dad, o 'di ba? Bagay!" Masayang sabi ko.

Natawa naman si Tito dun. "Ikaw bata ka. Tara na. Hahatid ka namin ng Tita mo," nakangiting sabi nito. I smile, yes! Hahatid ako!

Na-unang maglakad si Tito kaya kami ni Tita sumunod sa kan'ya. "Ayieee. Kinikilig si Tita!" I teased. Namula lalo si Tita.

"Tigilan mo nga ako, Ayah." She said. I smiled.

Pinagbuksan kami ni Tito ng kotse, si Tita sa una, ako sa huli, tas sa driver's seat si Tito. Tapos nag-byahe na kami. Ang pinagtaka ko lang, nawala 'yung aura na masaya, Napalitan ito ng aura na 'di ko maintindihan.

"Ayah. 'Wag ka maniniwala sa mga sasabihin ng tao sa'yo sa school. At 'wag ka magpadala sa sabi-sabi o kung ano-ano pa." Bilang umimik si Tita Brina.

"Huh?" Takang sagot ko.

"Basta tandaan mo na lang ang bilin namin ha? And Ayah, please your medicines. Take it. Inumin mo ng tama sa oras, kung ayaw mo maranasan 'yung naranasan mo noong nakaraan." Paalala ni Tita.

"Okay po. Iinumin ko na po talaga," I said.

"Talaga lang ha?" She added. I nodded. "Promise!" I assured her. Ngumiti naman si Tita.

"Malapit na tayo." Biglang sabi ni Tito, nag-buntong hininga si Tita. "Be careful Ayah. Mahal ka namin ng Tito mo, arasso?" Biglang sabi ni Tita. Ayieee. Baka nag-lalambing lang si Tita.

"Ayieee. Sige po. Kayo din po. I love more! Both of you!" I said while beaming sobrang malapit na talaga silang dalawa sa puso ko e. Sila na 'yung tinuring kong magulang.

"Ayah. Ikaw si Ayah Lynn Rivera. Ayah Lynn Rivera is your name." Nagitla naman ako sa Sinabi ni Tita. Bakit parang kinabahan ako? Ayah Lynn Rivera naman talaga ah. Pero bakit ganun? May kaka-Iba akong naramdaman? Aish.

"Naman Tita! Alangan naman Theanna Sabrina Vigor pangalan ko! Ako 'yun si Ayah Lynn Rivera na maganda!" Dinaan ko na lang sa biro 'yung kabang nararamdaman ko. Ngumiti na lang dun si Tita.

Maya-maya pa. Dumating na kami sa school. Ang ganda nung school, sobrang laki. Tapos may nakalagay sa una na. "Empire Academy," napangiti na lang ako dun. Sosyal naman pala 'tong school ko e! Yaman talaga nina Tita!

Bumababa na ako sa school. "Bye. Take care. Punta ka na lang sa office para sa files mo ha? Una na kami may aasikasuhin pa kami." Sabi ni Tita.

"Arasso!" Masayang sabi ko.

"Tigilan mo kaka-korean mo! Nasa pilipinas ka!" Tito jested. I laughed. "Okay!" Masayang sabi ko.

"Bye, Ayah Lynn Rivera!" They chorused tapos pina-andar na ni Tito 'yung kotse. I stared at the car habang paalis ito.

Bakit ganun? Pakiramdam ko madaming weird things na mangyayari. Why do I have this feeling?

I just shrugged, tapos naglakad na ako papasok ng school. 'Hanapin ko na lang sina Alyx.' I said to myself. Tama! Para naman may kasama na ako. Pero teka, 'yung files at schedule ko nga pala. Aish!

Naglakad na ako, tapos habang naglalakad ako. Bakit parang pamilyar 'yung lugar? Bakit parang nakadating na ako dito? Baka naman guni-guni ko lang. Tama baka nga.

Sa office na lang muna ako pupunta. Sabi ko sa sarili ko. 'Di ko alam kung saan ang office, magtatanong sana ako. Kaso wala ngang mapagtanungan. Simula na ata ng klase kaya walang istudyante na pagala-gala.

Bahala na kung saan mapunta.

'Di ko alam pero dinala ako ng paa ko sa office. Woah. Parang alam na alam ng katawan ko ah. Parang may instinct. Aish. Baka naman malakas lang talaga sense of direction ko. Oo nga naman. Hehe.

Nag-knock muna ako sa office, tapos pumasok na ako dun. Pagkapasok ko dun. Madaming teachers at mga faculty staffs na busy. Ni hindi nga napansin na nandito ako e. Aish, ano ba 'yan!

"Excuse me." I said. Pero wala talagang pumansin saakin. I knocked on the door once again, baka sakaling may makapansin, pero wala talaga.

"Madam, excuse me." Sabi ko dun sa isang staff, pero parang hangin na lumampas lamang saakin. Oh geez!

Pano ko ba makukuha ang atens'yon nitong mga 'to?

"Miss," tawag ko dun sa isa. Pero wala pa din. Kumatok ulit ako. Pero wala pa din. Grabe ha! Gan'to ba dito? 'Di pinapansin ang may kailangan.

"We're busy Miss," sabi nung isang nakapansin saakin, pero 'di man lang ako tiningnan. Wow. Busy daw. Halata nga. Pero sana marunong sila umintindi 'no? Nakakaasar kasi e! Nauubusan na ako ng pasens'ya.

"Excuse me." Medyo nilaksan ko 'yung boses ko kasi nga, mga busy daw e. Para naman maka-kuha ako ng atens'yon. Pero wala pa din. Agh.

"Sillyehabnida!" I shrieked! Nakakainis e! Kanina pa ako andito tapos 'di man lang ako pinapansin! Asar! Dahil sa pag-sigaw kong 'yun nakakuha ako ng atens'yon. Nagtinginan sila lahat saakin.

May ibang napatulala at parang 'di makapaniwala sa nakita nila. Meron namang parang nainis, kasi eto ako sumigaw na lang bigla. Meron din naman na kumunot ang noo. Ay bahala sila sa buhay nila. Ang akin lang makakuha ng sched at files ko!

"I'm Ayah Lynn Rivera. A transferee. I need to get my schedule and my files." I said. Hindi pa din nag-si-kilos 'yung mga nandito nakatulala at nakatingin pa din sila saakin. Goodness! Ganito ba talaga mga tao dito?

"Aba ano na? Gan'yan ba talaga kayo? Uso kumilos!" I bellyached. Nakakainis na eh, natauhan naman 'yung isa sa kanila.

"Ahm, Ayah Lynn Rivera? Are you sure your name is Ayah Lynn Rivera?" She asked.

"Kasasabi lang 'di ba? Paulit-ulit? Tanga lang?" Asar na sabi ko. Matapos nila akong pag-hintayin.

"A-Ah. Okay. T-this way Ma'am," she said. Sumunod ako sa kan'ya. Hinanap n'ya 'yung pangalan ko. Tapos ibinigay n'ya saakin 'yung files at iba pa.

Pagkatapos ko makuha 'yun, umalis na ako dun at naglakad lakad muna. Nag-scan ako ng sched ko. At linchak! One in the afternoon pa pala ang simula ng klase ko! Ay lengya naman!

Gusto ko pa matulog e! Ay alam ko na! Matutulog na lang ako! Maghahanap ako ng tulungan dito!

Naglakad lakad ulit ako, mamaya ko na lang hahanapin sina Alyx, baka nasa klase na 'yun. Sa paglalakad ako. Nakahanap ako ng pedeng tulugan! Sakto!

Umakyat ako sa puno na pede ko tulugan! Malaki 'yung sanga, malilong, maginhawa! Saktong sakto 'di ba? Edi dito na lang ako tutulog!

•~•~•

"Omygasss!"

"Napaka-gwapo n'ya talaga!"

"Oemgie! Pakasalan mo na 'ko!"

Naalimpungatan ako, ng biglang may magsisigaw, wow ah. May mga nalitili pala talaga ng ganun? Nahiya naman ako. Kitang natutulog e.

"Aish." I irritatedly murmured. Ano naman kaya pinagkakaguluhan ng mga babaeng 'yun? Nakatingin kasi ako sa isang banda ng building dito. May pinag-kakaguluhan. Kitang kita ko pa naman nasa puno ako e.

'Yung kaninang mga nagkalat sa daan. Bigla na lang nag-sitabihan. Wow may prinsipeng dadaan? I asked myself. Kung makatabi kasi e.

Psh. Bahala sila d'yan. Tutulog na sana ulit ako. Pero may malakas akong sigaw na narinig. Tumili ng parang takot, basta ganun. Napalingon ulit ako dun sa nagkakagulo. Nanlaki na lang 'yung mata ko. Ng may nakita akong lalaki na sinusuntok na isang lalaki.

Teka! Bawal 'yun a! Kawawa naman 'yung lalaki na nasusuntok! 'Di nalaban! Aish. Nainit ang ulo sa gan'yan e! Ayaw ko ng may nasasaktan!

Nakita ko na tinulak pa n'ya ito tapos kawawang lalaki dumudugo ang muka. Agh! Ubos na agad ang pasens'ya ko dahil sa gan'yan!

Dali-Dali akong bumamaba at pumunta dun. Mabilis pa sa alas kwatro nandun na ako sa nagkakagulo. May ilang napapangiwi at napapapikit sa nakikita nila. Agh! Binubugbog n'ya talaga 'yung lalaki!

Dumaan ako sa nagkakagulong 'yun buti na lang at malawak 'tong lugar nila kaya madali akong nakadaan, 'di naman kasi ganung siksikan.

Lumakad ako dun na tila walang nakikinig. Buti na lang may earphones ako na nakasaksak sa tenga ko kaya mas madali na ala-ala wala akong alam sa nangyayari. Prenteng prente akong pumunta sa lugar kung saan binubugbog nung isang lalaki 'yung kawawang lalaki. Hinawakan ko pa 'yung files ko para ala-ala nagbabasa ako.

"Repeat yourself!" He yelled. 'Yung lalaking nambubugbog. Sumigaw s'ya. Nakatalikod sya mula saakin e. Ala-ala 'di ko rinig. Ala-ala may music ako kahit wala naman talaga.

Napansin ko naman 'yung mag nakapaligid na parang nag-uusap usap. Kasi nga malapit na ako dun sa nagbubugbugan.

"Ay 'te! 'Di kita? May nag-susuntukan oh!" Sabi ni ateng paki-elamera. 'Di ko s'ya pinansin ala-ala nga 'di ko rinig e.

"Totoo naman sinabi ko! Hanggang ngayon 'di ka maka-move on d'yan sa babaeng namatay na!" Sigaw nung lalaking binubugbog.

"You son of a bitch!" Sigaw ni kuyang masama ang ugali. Saka Dali daling sinuntok 'yung lalaki. Agh! Kawawa naman talaga si Kuya!

Matapos suntukin, lumayo ng konti si lalaking masama. Kaya naman binilisan ko ang lakad ko, hanggang sa nasa gitna na nila ako.

Si Kuyang masama ready na ulit manuntok. Nasa una n'ya ako (naka-side view ako saka'ya) . Tapos si Kuyang kawawa nakahiga na sa sahig nadugo ang muka.

"Move." He ordered. Tumaas naman ang kilay ko dun. Ngumisi ako ng palihim. Ibinababa ko 'yung files ko at tumigil sa ala-alang pagbabasa.

"What?" Tanong ko dun sa mga nakapaligid o sa akin. Ala-ala 'di ko alam na nasa tabi ko lang si Kuyang masama. Naka side view ako sa kan'ya e.

Maya-maya pa naramdaman ko na lang na tinggal ni Kuyang masama 'yung earphones ko sa kabilang tenga ko, kaya humarap ako sa kan'ya.

Nagtama ang paningin namin. Nanlaki ang mata ko at ganun din s'ya.

Omo! S'ya nanaman? "Mr. Dauntless?" I whispered.

"Ms. Intruder." He softly whispered. Nawala 'yung soft expression ng muka n'ya at Napalitan ng cold stares. And he smirked. A dangerous, and evil smirk.

Takot na ako n'yan. Note the sarcasm.

"You again?" Nakangiting sabi ko. "You pervert." I added.

Lumapit ito saakin at hinaplos ang pisngi ko. Gusto ko sana tanggalin 'yung kamay n'ya sa pisngi ko at suntukin ang pag-mumuka n'ya pero 'di ko magawa. I just stared at him dangerously and he returned that look.

Ibang iba s'ya. Parang 'di s'ya 'yung nakita ko nung nakaraan. Parang nagbago s'ya. Parang galit na galit s'ya saakin.

"Ano ba!" Asar na bulong ko sa kan'ya. Pero 'di s'ya sumagot at tinitigan lang ang mata ko, at inilapit ang muka n'ya sa muka ko.

Naiinis na ako ah! Itinulak ko s'ya ng malakas. Dahilan para mapaatras s'ya. Dahil sa ginawa ko, mas dumilim ang expression n'ya.

"How many times do you need to push me away?" Mahinang sabi n'ya at halatang halatang pag pipigil n'ya ng emosyon.

"And how many times do you need to go near me?" I asked back. We stared at each other for minute. God knows that my heartbeat doubled.

Saka napaka tahimik ng paligid. Tense ang lahat.

"We meet again." He said, na lalong nakalala sa tens'yon ng lugar. "Destiny, huh?" He said smirking.

"Destiny? Nah. It's what you called irresistible trouble." I said with the famous smirk in my lips. You kiss stealer! You'll pay!

•-•-•-•-•

A/N: Sorry for all the errors. No proofread. Vote and Comment!

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top