Heir 13: Devastated
Heir 13 ♚ Devastated
Annicka Hera's POV
Timeline: July 27 (12:07pm)
"Annicka. Calm down." Sita saakin ni JJ. Andito pa din kami sa ospital. Kanina pa ako 'di mapakali. Ang sama sama ng kutob ko, ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
"Annicka. Umupo ka nga," tapos bigla akong hinila ni Tim Tim paupo. Nandito na din sina Tim Tim at Thon Thon, pati nga si Cassidee.
Wala na 'yung maraming mga men in black. Tahimik na din 'yung ospital. Kaninang kanina pa ako 'di mapakali. Si Cassidee tahimik na umiiyak sa isang tabi.
Ngayon ko Lang s'ya nakita na umiyak. May kahinaan din pala s'ya. Kitang Kita ko sa mata n'ya 'yung pag-aalala para Kay Nate.
Tahimik kaming nag-iintay dito. Sigurado kami, dito sila dadalhin after nila makuha sa mga kidnapper na 'yun.
"JJ, bakit ganun? Kinakabahan talaga ako. Hindi ko mapigilan." Bulong ko sa pinsan ko. Huminga ng malalim si JJ. Hinawakan n'ya 'yung kamay ko. Ang lamig ng kamay n'ya.
"'Di Lang ikaw ang kinakabahan, Annicka." He firmly said.
Nag-antay pa Kami doon. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Ano ba 'to! Baka naman naprapraning Lang ako.
"JJ, bili tayo ng tubig?" Sabi ko Kay JJ. Tumango s'ya saakin. "Pards, kayo ba?" Tanong ni JJ Kay'na TimTim, tumango naman silang dalwa.
Umalis kami ni JJ sa floor ng mga Smith at pumunta sa canteen nitong ospital. Kahit na nililibang ko ang sarili ko, Hindi ko maiwasan 'di kabahan.
Habang nakapila ako sa babayaran (Si JJ may binibili din), biglang may humawak sa kamay ko, kaya napasinghap ako. Nakakakaba 'yun ah!
"Bakit po?" Tanong ko. Si lola naman Kasi e, nanggugulat pasyente Siguro 'to dito.
"May mamawawala." Bigla akong kinabahan sa malalim at seryosong boses ni lola.
"P-po? Mawawala?" Takang tanong ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I felt a lump in my throat.
"Oo. May mamatay." Sa mga katagang 'yun. Unconsciously tumulo ang Luha ko.
"L-lola naman p-po e, la-lakas n'yo mag-biro." I kidded.
"Hindi ako nagbibiro, Hija. May mawawala. Maraming magbabago. Maraming kasinungalingan. Maraming-" tinakpan ko ang tenga ko.
"Tama na! Tama na! Hindi totoo 'yan!" I cried. Pero patuloy Lang sa pagsasalita si Lola, paulit ulit n'yang sinasabi 'yun.
"Annicka! Annicka!" Napayakap ako Kay JJ. Noong alugin n'ya ako. Sinisigawan ko pa din Kasi si Lola.
"JJ, sabi n'ya. Sabi n'ya may mamatay." I murmured.
"Shh. Wala walang mamatay okay? Wala. Si lola may psychological disorder s'ya okay? Kita mo 'yun? Ayun oh, Kung ano ano Lang sinasabi n'ya." Turo ni JJ Kay lola na ina-assist na ng nurse.
Kahit papano kumalma ako dun.
Maya-maya Lang din, bumalik na kami ni JJ sa taas, habang naglalakad kami sa hallway, napansin kong dumami ang mga nurse at doktor, at saka parang nag sisigawan?
"Tabi! Tabi!" Nagitla ako sa sumigaw. Kaya itinulak ako ni JJ sa tabi.
Parang slow mo ang Lahat, kitang Kita ko Kung sino 'yung nakahiga sa kamang may gulong na 'yun at tinatakbo sa emergency room.
Puro sugat at pasa s'ya. Dumudugo din ang ulo n'ya. Wala na din s'yang Malay. "N-Nate..." I softly whispered as tears started to fell down.
Napahawak ako ng mahigpit Kay JJ noong nakita ko ang itsura ni Nate. Nakita kong nabigla s'ya sa nakita n'ya.
Nabato kami ni JJ sa nakita namin, nakita ko si Cassidee noong Makita n'ya si Nate bigla s'yang nagwala pagkatapos ay sinundan n'ya Kung saan dadalhin si Nate. Bakas din sa muka Nina Tim Tim ang pagkabigla.
Nanghihina ako. Mabuti naalalayan ako ni JJ.
"Shhh." Pagpapatahan saakin ni JJ. Ang sikip sikip ng dibdib ko, tapos parang may nakabara sa lalamunan ko. Anong nangyari? Bakit ganun ang naging itsura ni Nate?
Nagsimula ulit kami maglakad ni JJ papunta Kay na Tim Tim.
Maya-maya pa may dumaan ulit pero, eto Hindi na mabilis, mabagal na ito at nakataklob ng kumot ang buong katawan, pero may bahid ng dugo 'yung kumot.
Pagkakita ko dun, kinabahan ako, pero hinarang ko 'yung nagdadala nun, at walang pasabi na inalis 'yung tela.
Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko, ng Makita ko Kung sino 'yun. No. No. No.
"I-Incess." Umiiyak na bigkas ko sa pangalan n'ya. Nagitla ako noong biglang takpan ulit nung nurse 'yung katawan ni Incess at saka dumiretso.
Napaluhod na Lang ako bigla at nabitwan Lahat ng dala ko at saka hinayaan ang sarili ko na umiyak.
"H-Hindi. Hindi si Incess 'yun 'di ba? Hindi s'ya 'yun!" Nagitla na Lang ako sa biglang magwala si Thon Thon. Bigla n'yang sinuntok 'yung pader, dahilan para dumugo ang kamay n'ya.
Samantalang si Tim Tim bigla na Lang sumigaw. At halos magwala na din. At tumakbo bigla.
Nginatngat ko 'yung kuko ko. "Tell me, JJ. Tell me. She's not that right? Hindi s'ya 'yun 'di ba?" Nauutal na tanong ko Kay JJ.
Pero imbis na sumagot, niyakap ako ni JJ. Dahil sa yakap na 'yun. Lumakas ang iyak ko. Pinalo palo ko sa dibdib si JJ. "Hindi! Hindi! Hindi totoo 'yun!" Paulit ulit na sabi ko.
Kasi, kahit ano Gawin ko, Hindi ko matanggap ang mga nalaman ko.
***
Dandahan akong naglakad papunta sa kabaong n'ya. Hanggang Ngayon, hirap na hirap pa din akong tanggapin na wala na s'ya. Wala na 'yung babaeng kasangga ko, 'yung babaeng nagturo saakin Kung pano maging malakas. 'Yung babaeng tinuring kong kapatid.
Napakaamo ng muka n'ya. Parang wala na s'yang ininindang sakit. Tahimik akong umiyak.
"Grabe ka, Incess. Bakit?" Umiiyak na tanong ko sa walang buhay n'yang katawan sa loob ng casket.
Unang Araw ng libing n'ya ngayon. At huling Araw na din. Isang Araw Lang ang libing ni Incess, yun ang narinig ko Kay Tita. Napalingon ako Kay Tita tahimik at nakatulala na umiiyak sa isang tabi, samantalang si Tito kausap ang dad ni Gab.
"Bakit ang aga mo kaming iniwan Incess?" Tanong ko sa kan'ya, pero tulad ng inaasan Hindi man Lang s'ya sumagot.
Hindi ko na kinaya na tingnan s'ya kaya umupo na ako sa tabi ni JJ na tahimik na umiiyak. Nakita ko si Nate sa peripheral vision ko, naka wheel chair s'ya at maraming s'ya benda sa katawan.
Tulala s'ya. Hindi ko pa s'ya nakikita na umimik simula nung magkamalay s'ya kagabi. Hindi ko pa din s'ya nakikitang umiyak.
Pero, kitang Kita mo 'yung galit at sakit sa mata n'ya nakayukom 'yung kamao n'ya. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit na kinikimkim n'ya.
Gustong gutso ko na s'yang tanungin Kung anong nangyari sa kanila ni Incess, bakit sa isang iglap pagkabalik nila, wala ng buhay si Incess. Gustong gusto ko s'yang sisihin, gusto ko s'yang sumbatan, Kung bakit Hindi man Lang n'ya naprotektahan si Incess.
Pero, seeing those wounds, those eyes. Alam ko, ginawa n'ya ang makakaya n'ya para protektahan si Incess. At alam kong mahal ni Nate si Incess at Hindi n'ya ito papabayaan.
Nakatitig Lang s'ya sa kawalan. Hindi nagsasalita, Hindi umiiyak. Siguro pagod na pagod na s'yang umiyak. Siguro pagod na pagod na s'yang masaktan.
Para s'yang bato Ngayon. Ngayon ko Lang nakita si Nate na ganyan. Awang-awa ako sa kan'ya. Awang-awa ako sa kalagayan n'ya. Iniisip ko pa Lang 'yung pedeng pinagdaanan ni Incess at ni Nate naiiyak na ako. Sobrang tapang nilang dalwa at nalampasan nila 'yun.
Ang masakit na parte nga Lang dun. Hindi na umabot si Incess.
Maya-maya lumapit si Tita Nadine Kay Nate. Kaya napatingin kaming Lahat. Lumuhod si Tita Nadine sa harap ni Nate. Kitang Kita sa mata n'ya ang sakit.
"Parang a-awa m-mo. Magsalita ka. Anong nangyari sa anak ko?" Umiiyak na tanong ni Tita. Nate just stared at her. Para s'yang bato. Walang emosyon ang muka n'ya.
He just glanced at her, pagkatapos tumingin ulit sa kawalan.
"Magsalita ka magsalita ka. Bigyan mo ng hustisya ang pagkawala ng anak ko..." Pagmamakaawa ni Tita. Lumapit agad si Tito Kay Tita at niyakap ito.
"Please... Tell me. Tell us. Anong nangyari sa inyo? Sinong may kagagawan nun? Sino?" Hindi nagsalita si Nate at patuloy na tumingin sa kawalan.
Nagitla na Lang kami ng biglang sampalin ni Tita si Nate.
"Ikaw! Gangster Heir ka 'di ba? Ikaw ang pinakamalakas sa kanilang tatlo! Pero ano?! Hindi mo man Lang nagawang protektahan ang anak ko, harap-harapan mong Sinabi saamin noon na mahal mo s'ya! Pero ano?! Wala kang nagawa! Walang kwenta!" Galit na sigaw ni Tita Kay Nate.
Agad na tumakbo ang mommy ni Nate Dahil sa ginawa ni Tita.
"Nadine, please... 'Wag mo sisihin ang anak ko. Nasaktan din s'ya. Naghirap din s'ya. Can't you see those wounds?" Mahinahong sabi ng mommy ni Nate.
"Oo nga, nasaktan s'ya. Naghirap s'ya. Pero walang wala 'yun sa dinanas ng anak ko! Kita mo 'di ba? Nakita mo 'di ba? Mas maraming sugat, mas maraming pasa, mas maraming damage ang anak ko! Walang wala ang paghihirap ng anak ko, sa paghihirap ng anak mo! Saka... Ang anak ko ang namatay!" Punong puno ng emosyong pahayag ni Tita.
Dahil sa mga narinig ko, gusto kong sugudin si Nate. Para kasing wala Lang sa kan'ya at ang tigas ng expression n'ya. Akala ko, ginawa n'ya ang Lahat pero sa narinig ko Kay Tita na mas maraming galos si Incess parang nabaliktad Lahat ng paniniwala ko.
Inilabas ni Cassidee si Nate sa church, Hindi pa din nagsasalita si Nate, na trauma ata. Paglalabas nila. Tumindig ako. Gusto kong kausapin si Nate.
"San ka Annicka?" Tanong ni JJ. Hindi ko s'ya pinansin at dumiretso palabas.
Paglalabas ko naabutan ko si Cassidee. Hinawakan ko s'ya sa kamay. Tinutulak n'ya Kasi 'yung wheelchair ni Nate.
"Can I?" I asked. For the first time. Hindi s'ya nag taray at tumango Lang saka kami iniwan ni Nate.
Lumuhod ako sa harap ni Nate. "Nate..." Hinawakan ko ang kamay n'ya. Nagulat ako ng tumingin s'ya saakin at pinunasan ang Luha ko sa mata, Dahil sa gesture ni Nate na 'yun lalong nagtuloy tuloy ang pagbagsak ng Luha ko.
"Anong nangyari? Alam ko, malalim pa 'yung sugat sa puso mo. Pero, kelangan natin mabigyan ng hustisya si Incess. Please?" I beseeched.
Pero tulad kanina, Hindi nagsalita si Nate. Pero hinawakan n'ya ng mahigpit ang kamay ko.
"Tell me, Nate... Please..." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa kan'ya. Nakita ko ang hurt expression ni Nate. Na lalong bumiak sa puso ko.
Nagitla na Lang ako noong may nalaglag na sulatan at ballpen sa hita ni Nate. Napatingala ako. Isang lalaki na kasing edad Lang namin.
"I'm Skyler." Napaharap ako sa kan'ya. Agad kinuha ni Nate 'yung sulatan at ballpen.
"He helped us." Napaiyak ako lalo sa nabasa ko. Tinulungan ng lalaking 'to sina Incess. "Tell me, Nate anong nangyari?" I asked.
Lumingon s'ya Kay Skyler. Tiningnan ko si Skyler.
"Naglalakad ako nun madaling Araw ng July 26, ng may mapansin akong kakaiba lalong lalo na sa abandonadong Bahay. Nakita kong maraming bantay na lalaki sa abandonadong Bahay na 'yun. Nagmanman ako sa Bahay na 'yun." Simula ni Skyler.
"Wala na akong magulang o bahay. Tapos napadpad ako sa lugar na 'yun. Nakarinig ako ng mga sigaw at pagmamakaawa. Kaya lalo akong nagduda. Tuwing gabi. Sumisilip at hinanap ko Kung saan nangyayari 'yung ingay. Then I saw them..." Tukoy ni Skyler Kay'na Nate. Tumango ako.
"Nagtext ako sa isang number na binigay noong babaeng kasama mo." Sabi ni Skyler na kinagitla ni Nate. "Tulog ka noong mga panahong 'yun." Paliwanag n'ya sa tahimik na tanong ni Nate.
"Ikaw 'yung Nagtext ng location?" Tanong ko. Tumango si Skyler. S'ya pala 'yung Nagtext saakin.
"Oras ang lumipas pero walang dumadating na tulong, saktong nakita mo naman ako sa bintana. Ibinato ko 'yung cellphone na nakuha ko dati sa pagtratrabaho, sa'yo para magamit mo. Tutal nagawa ko na ang parte ko. Ayaw ko Madamay sa inyo. Ayaw ko pa mamatay." He seriously stated.
"Nag-intay ako. Dahil Hindi ako mapakali. Para kasing may maling mangyayari. Hanggang sa nakarinig ako ng putok ng baril. July 27 ng mga 11 mahigit ng umaga. Akala ko. Gawa n'yo 'yun. Akala ko, nakatakas na kayo. Pero, Mali pala. Sumilip ako sa bintana at nakita ko kayo. Parehas nakahiga sa sahig at nakapikit. Akala ko patay ka na din noon," sabi nito kay Nate.
"Aalis na sana ako noon Dahil, walang nangyari sa pagtulong ko, pero nahuli ako ng isa sa mga kumuha sa inyo. Noong mga panahong 'yun akala ko mamatay na din ako. Ikinulong nila ako sa isang kwarto. Akala ko papatayin na nila ako, pero may dumating na Lang bigla." Tahimik kaming nakikinig sa sinasabi n'ya.
"Dumating na 'yung tulong na hinihingi n'yo," tinapik ni Skyler 'yung balikat ni Nate. "Akala ko mamatay na din ako. Salamat sa tulong n'yo. Buhay pa ako. Nagkagulo noon maraming putok ng baril sasakyan at helicopter. Hanggang sa nakatakas 'yung mga kumidnap sa inyo." Bigla akong nanlumo sa narinig ko.
"Pinilit silang habulin ng mga tauhan n'yo. Pero wala silang nagawa. Mas inuna nila ka'yong dalwa. Sinugod nila kayo sa ospital. Kasama ako. I'm sorry Hindi na kinaya noong babae. Dead on arrival s'ya." Nakita ko ang lungkot sa mata ni Skyler.
"'Yun Lang ang tanging alam ko sa mga nangyari. Pasensya na..." Agad akong umiling. "Malaking tulong ang ginawa mo." Sabi ko habang pinupunasan ang Luha ko.
Humarap ako Kay Nate. Nakayukom ang kamao n'ya. Akala n'ya Siguro nahuli 'yung mga gumawa nun sa kanila.
"That Light girl? She's brave. Kitang Kita ko 'yung tapang at lakas n'ya." Sabi pa ni Skyler saka ngumiti ng mapait at tumulo ang Luha sa mata n'ya.
"Condolence." Maikling sabi n'ya.
Tumango-tango ako. Kinuhit ako ni Nate at pinakita 'yung sinulat n'ya. "Wala na s'yang pamilya at Bahay 'di ba?" Nakalagay dun sa sinulat n'ya.
Tumango ako. Nagsulat ulit si Nate. "I'll tell Dad. Don't make him leave. Make him stay. I owe him my life, Kung 'di s'ya humingi ng tulong, baka patay na din ako Ngayon." Tumago tango pagkatapos kong basahin ang sinulat ni Nate.
"Skyler, please stay." Nagtaka si Skyler sa Sinabi ko. "Tinulungan mo sina Nate 'di ba? May kapalit 'yun." I said.
"No need. Hindi naman ako humihingi ng kapalit." He retorted. "I'm sorry pero, bawal tumanggi." I declared. Napa-iling iling na Lang si Skyler. At sumama saamin pabalik sa loob ng church.
***
Isang Oras halos Lang bukas ang casket ni Incess kahapon, pagkatapos Kasi noon sarado na ito at Hindi na binuksan.
Bakit kaya?
Ngayon na ang libing ni Incess. Umiiyak kami Lahat, Hindi namin akalain na sa isang iglap. Wala na s'ya. Hindi namin matanggap.
Patuloy pa din ang imbestigasyon sa nangyari. Skyler's testimony is a great help. Si Nate Hindi pa din s'ya nagsasalita. Hindi pa din s'ya umiiyak.
Naghulog na kami ng bulaklak sa kabaong ni Incess. Patuloy sa pagpatak ang Luha ko.
I'll never forget you, Incess.
Ipinapangako ko, hahanap kami ng hustisya sa pag-kamatay mo.
Nagitla na Lang kami ng mag sigawan ang ibang tao dito. Nahimatay si Tita Nadine. Kaisa-isang anak si Incess, kaya grabe ang naging epekto nun Kay Tita pati na din Kay Tito.
Narinig ko sa isang tabi ang sininghutan ng doofus. Grabe ang iyak nila. Kung wala kami sa sitwasyon na 'to. Malamang kanina pa ako humagalpak ng tawa Dahil sa tatlong 'yan. Pero Hindi e, imbis na Matawa, nadadala ako sa iyak nila.
Simula kahapon, Hindi nila pinapansin si Nate.
Tahimik akong umiiyak sa isang tabi. Hindi na nga nauubos ang Luha ko pakiramdam ko pati magang-maga na ang mata ko.
Maya-maya pa nagpalipad na kami ng puting lobo. At unti-unti nag-Alisan na ang mga tao. Pati sina tito umalis na Dahil nga nahimatay si Tita. Ang lolo naman ni Incess tahimik Lang sa isang tabi habang may kausap sa telepono at umalis na din maya-maya.
Ako, Si JJ, Tim Tim, Thon Thon, Nate, Skyler na Lang ang natitira. Alam Nina Tim ang naging tulong ni Skyler. Kaya't parang naging malapit na agad ang loob nung tatlo Kay Skyler.
"Gab." Napalingon ako ng magsalita si JJ. Ang sama ng tingin n'ya Kay Nate.
Hindi nagsalita si Gab at patuloy na tumingin sa kawalan. "Naglolokohan na tayo Pards! Kaibigan mo kami! Pero, sino solo mo 'yang sakit na nararamdaman mo!" Sigaw ni Thon Thon.
"Alam namin masakit ang biglaang pagkawala ni Incess! Pero, Pards Gab! Parang nawala ka din Dahil sa Inaakto mo!" Segundo naman ni Tim Tim.
"Ang gago gago mo Gab..." Mahinang sabi ni JJ.
Nagitla naman ako ng Makita kong tumulo ang Luha ni Nate. "A-Alam k-ko a-ang l-laki k-kong g-gago." Mas lalo naming Ikinagitla ang pag-imik ni Nate. Napatakip ako ng bibig at biglang bumuhos ang Luha ko.
Napangiti naman sina JJ habang tumutulo ang Luha.
Nagitla na Lang kami noong suntukin ni JJ si Nate, "Napaka-gago mo! Bakit Hindi ka man Lang umiyak ha?! Bakit Ngayon Lang ha?! Bakit ang damot damot mo?! Bakit napaka selfish mo?!" Sigaw ni JJ.
"Sige Lang. Sumbatan n'yo k-ko," patuloy ang pagtulo ng Luha sa mata ni Nate. "Ang tanga tanga ko mga Pards. Ang tanga tanga ko. Andun ako, pero, Hindi ko man Lang s'ya na ligtas. Andun ako, pero Hindi ko man Lang s'ya naprotektahan." He mourned.
"Tama ang narinig n'yo Kay Tita Nadine. M-mas maraming dinanas na hirap si Light. Mas marami s'yang ininda. Samantalang ako, wala akong nagawa. A-ako 'yung lalaki. Pero, napaka-walang kwenta ko." Sinisisi n'ya 'yung sarili n'ya.
"Ang sakit sakit. K-kada maririnig k-ko 'yung sigaw n'ya... 'Yung pag-mamakaawa n'ya. 'Yung I-iyak n'ya... P-para akong pinapatay. Tinutusok ng maraming beses ang puso ko. Para akong pinapatay noong mga pagkakataong 'yun. She sacrificed her own life to save me." Lalong tumulo ang mga Luha namin sa narinig namin Kay Nate.
"A-ang mga huling salitang Sinabi n'ya tandang tanda ko pa. Si-Sinabi n'yang m-mahal n'ya ako. K-Kung wala Lang kami sa sitwasyon na 'yun. Siguro ako na ang pinaka-masayang tao sa mundo. Pero, hindi k-ko magawang mag-saya dahil doon." He paused for a moment.
"H-Hindi k-ko mabura sa I-isip k-ko ang itsura n'ya h-habang umiiyak at nag-mamakaawa. K-Kung paano s'ya binugbog ng mga gagong 'yun. Ipaghihiganti k-ko s'ya."
"Bibigyan k-ko ng hustis'ya ang pagkamatay n'ya."
***
Halos dalwang linggo na ang nakalipas simula noong mamatay si Incess. At sa dalwang linggong 'yun. Napakadaming nag-bago.
Kitang-kita ko ang pag-babago. Ramdam na ramdam ko ang pag-babago.
"Repeat yourself. Ano sinabi mo?" Agad akong napa-takbo ng marinig ko ang boses Nya.
Nakipagsiksikan ang sa kumpol ng mga tao. Nakita ko sya. Mahigpit ang hawak n'ya sa braso ng isang babae.
Ilang beses ko na ito nasaksihan. Pero hanggang Ngayon, hindi ko lubos isipin na ganto kalaki ang pagbabago n'ya. Parang 'di ko na s'ya kilala. Nakakatakot s'ya.
"Nate." Tahimik na bigkas ko sa pangalan n'ya.
Hindi agad maka-imik 'yung babae. Pero, nagsalita pa din ito. "A-Ang sabi ko Lang naman. Dapat lang talagang mamatay 'yung bitch na si Prin---" Hindi na naituloy nung babaeng 'yun ang sasabihin n'ya ng sampalin ko s'ya.
"Ahhh! How dare you!" She yelled at me. I yanked her hair and banged her head towards the wall.
"Be careful from what you are saying dear, kayang kaya kitang ilibing ng buhay." Saka ko s'ya binitiwan.
Narinig ko naman ang palakpak ng isang tao. Walang Iba kundi si JJ. Nilapitan n'ya ako. "That's my cousin." He proudly said. I just stared at him. Hindi ko pa kayang ngumiti.
We are still devastated by Incess' sudden death.
Pero, isa Lang ang masasabi ko. Hindi Lang si Nate ang nagbago. Kaming apat ang nagbago-- JJ, Tim, Thon, ako. Pati si Skyler kasama na namin. Dito na s'ya pumapasok sa school namin at kasama s'ya sa cabin Nina Thon. Isa 'yun sa pagpapasalamat ng pamilya nila Kay Skyler. Skyler is a cold person. Hindi s'ya pala-salita sa Iba. Saamin lang Nina Tim, Thon, JJ, Gab s'ya nakikipag-usap.
Wala na ang makukulit at isip batang doofus, wala na ang mabait na si Nate, at wala na ang dating tatahitahimik na ako.
Mess with us, and you are dead.
***
A/N: Searching for the operators of the characters, PM me if you are interested. :)
No second look. Sorry for typos and grammatical errors.
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top