Heir 12: Twisted Incident
Heir 12 ♚ Twisted Incident
Nathaniel Gabriel's POV
Timeline: July 26 (5:17 am)
I woke up, dazed and confused. I gazed at the blurry image of the place. Ang sakit ng katawan ko, para akong nakatali at naka-upo.
Habang nag-aadjust ang mata ko sa paligid, nararamdaman ko ang sakit at pagod. Unti unti, may nakikita na ako.
Madilim ang paligid, mataas din ang ceiling, saka maalikabok. Malawak din ang buong lugar, tanging isang lamesa at isang sofa Lang ang nakikita ko.
Nasan ba kami? Teka... Kami. Damn it! Si Light! Agad hinanap ng paningin ko si Light at nakita ko s'ya nakapikit sa isang banda at nakatali din sa upuan.
"Light..." I murmured. "Light..." I called her in a soft way once more. Medyo naalimpungatan s'ya Dahil dun. Pagtamang pagtama ng tingin namin sa isa't-isa. Nakaramdam ako ng matinding kaba.
Nanginginig ang mga kamay ko, namamawis ang palad ko, nanlalamig ang pawis ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba. Bakit? Damn, why all of sudden I'm feeling this?
"A-are you alright?" I stuttered. Kinabahan ako sa titig ni Light saakin, she smiled at me. But, it's a faint one.
"Hey. Answer me. Are you okay? May masakit ba?" I asked. "N-Nothing. I'm fine." Kahit papano nung sinabi n'ya 'yun kumalma ako.
"Nasan tayo?" She asked. "I don't know." I retorted. "But I assure you makakaalis tayo dito, in one piece." I added. She nodded. Nakatali ang kamay at paa namin ni Light sa isang upuan. Medyo madilim din, pero naaninag naman namin ang paligid.
Iginala ko ang paningin ko, nagbabakasakaling may makita akong pedeng magamit para maputol ko ang tali sa kamay ko at makatakas kami ni Light.
"Stay still. Hahanap ako ng paraan para makatakas tayo okay?" I stated, she just stared at me. Nakakita ako ng lungkot sa mata ni Light-ewan ko ba Kung guni guni ko lang 'yun o hindi. Nakakakaba ang inaasal ni Light.
Maya-maya pa may nakita akong isang kutsilyo na malapit saakin nasa sahig ito. Damn, p'ano ko maabot 'yun? Bahala na, kailangan ko makuha 'yun. Dandahan inipod ko 'yung upuan ko paatras dahil andun 'yung kutsilyo.
Hindi maiwasan na may magawa akong tunog. Pero, hindi naman ito ganun kaingay, sana walang makadinig ng ingay na ginagawa ko. Patuloy pa din ako sa pagpapaipod ng upuan ko, kahit mahirap.
Titiisin ko ang kahit anong hirap. Makaalis lang kami dito, at 'wag mapahamak si Light.
"Gab Gab," she called. Nilingon ko s'ya. Ngumiti ako, ayoko makita n'yang nahihirapan ako. Kaya ko 'to. Para sa'n pang naging Gangster Heir ako 'di ba?
"Shhh. Stay there. I can manage." I softly said to her. Tumango tango naman s'ya. Dandahan nagsimula ulit akong gumalaw palikod. Napapikit ako ng mariin dahil muntik na akong ma-out of balance. Nahihirapan din ako pag-ipod dahil nakatali ako sa upuan na 'to.
Patuloy ako sa pag-ipod kaya't napatigil at nagitla na lang ako ng biglang bumukas ang pinto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mga panahong 'yun. Shit. Sana hindi nila napansin ang pag-ipod ko.
"Oh? Gising na kayo?" Nakakakilabot na boses ang nadinig ko. Naiyukom ko ang kamao ko, sapatos pa lang ang nakikita ko at pantalon n'ya- nasa dilim na bahagi kasi ito at hindi ko makita ang muka o pataas nabahagi ng katawan n'ya.
"Hayop ka! Nasan kami?!" I bellowed. Napatawa naman s'ya ng marahan sa inasal ko, nakita ko si Light na nakatungo lamang pero, nakayukom ang kamao.
"I never thought you are that impatient, Gangster Heir." He laughingly said. Kung hindi lang ako nakatali tang*na nasuntok ko na ang pagmumuka ng hayop na 'to.
"The hell you care! Where the hell are we?!" I yelled. Humakbang s'ya mula sa kinatatayuan n'ya papunta kay Light. Nanlaki ang mata ko. Damn bakit kay Light s'ya papunta?!
"Gangster Heir, hindi mo ba talaga alam kung nasan tayo? Nasa impyerno tayo." He ribbed. Damn! Sira ulo ba s'ya ano akala n'ya nakikipagbiruan ako sa kan'ya?!
"Eh gag* ka pala e! I have no time for your fvcking jokes!" I shrilled. Nakikita ko na s'ya ngayon. Pero damn it! Nakamaskara pa din s'ya. Kilala ko ang boses n'ya boses ito ng kumuha saamin ni Light kanina, 'yung nagsalita sa rooftop.
"Easy, Gangster Heir. Galit ka na? Hindi pa nga tayo nagsisimula e." He chaffed. God knows how much I'm controlling my temper. Gagong 'to! Pag ako nakawala dito. Susuntukin ko talaga 'to.
"What do you want?" I asked firmly. "Gusto ko? Ano nga ba?" He playfully said habang inikutan si Light saka hinawakan ito sa pisngi. Halos muntik na ako mag-wala Dahil sa ginawa nito. Tang*na! Anong karapatan n'yang hawakan si Light?!
"Ah!" Sabi n'ya na para bang biglang nagkaroon ng magandang idea. Bigla s'yang lumuhod ng kaunti para maging magka-level sila ni Light. Bigla n'yang hinaplos ang pisngi nito. Gag* takte! Pero, biglang nanlaki ang mata ko ng bigla nitong pisilin ng madiin ang pisngi ni Light.
"Shit!" I heard Light shrieked. Hawak hawak n'ya ng mahigpit sa pisngi si Light ng bigla s'yang humarap saakin. "Tinatanong mo kung anong gusto ko 'di ba?" He said. Sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Bitiwan mo s'ya!" I squealed. Tumawa lang ito ng mala-demonyo sa pagsigaw ko. "Ang gusto ko Lang naman," he started as he looked at me intently. "Ang kamatayan mo." Sa pagbigkas na pagbigkas n'ya ng 'mo' bigla n'yang tiningnan ng masama si Light. At biglang sinakal.
Nanlaki ang mata ko sa mabilis na pangyayari. Bigla akong natulala. Puta! Nakita kong nahihirapan na si Light sa paghinga n'ya dahil Hindi pa din s'ya binibitiwan nito.
Biglang akong may nakita ang mata ko, may batong maliit sa paanan ko, mabilis ko itong inipit sa pag-itan ng sapatos ko at inihagis pataas at mabilis kong iginalaw ang ulo ko at inuntog sa bato upang humagis ito ng malayo papunta sa direksyon nina Light.
Nakaramdam ako ng kaunting sakit dahil sa ginawa ko, pero hindi ko ito ininda. "Shit!" I heard him cussed, noong natamaan s'ya sa pisngi ng maliit na bato na naibato ko sa kan'ya. Agad s'yang napabitaw kay Light at hinawakan ang pisngi n'ya na dumudugo ng kaunti dahil sa pagkakabato ko sa kanya.
"Walang hiya ka!" He growled. Sa isang iglap nasa harap ko na s'ya. "Alam mo ba ang ayaw ko sa lahat?" He said as he looked at me vehemently. Tsk. Hindi n'ya ko masisindak ng ganan. I also stared at him fiercely. I saw his burning raven eyes.
"Pretty valiant." He commented noong tumindig s'ya ng tuwing sa harap ko. "No one ever touches my girl." I seethed. He simpered.
"As you said." He retorted. Medyo bumababa s'ya para maging mag kalevel kami. "'Wag ka masyadong magpaka-bayani. Tandaan mo, ang mga bayani namamatay." He dangerously warned.
"Pwe!" I spitted on his face. Mabilis ang naging galaw n'ya. Nagitla na Lang ako ng bigla na lang n'ya akong na sampal. "Gago!" He shouted at my face.
"Huh. Mas gago ka!" I retorted angrily.
"Gab!" Light screamed, "I'm okay, Light." I retorted.
"Tandaan mo. Papatayin kita." I said. He clenched his fists-ready to land on my face tinitingnan ko Lang s'ya. Susuntukin n'ya na ko e, pero may pumigil sa kan'ya.
"Easy lang Dab. 'Wag mo s'yang saktan." Another guy said. Kapapasok lang nito dito. I heard him snorted.
Lumayo s'ya saakin. Tumingin ako kay Light. "I'm alright." I softly said. She nodded. "Ikaw magbantay jan. Baka 'di ako makatiis sa kagaguhan ng batang 'yan." Narinig kong sabi nung
Lalaking dinuraan ko.
"Sige sige. Dab," Dab pala ang tawag nila dun. Hindi bagay, tsk. 'Dab' sa pagkaka-alam ko, skillful person ang ibig sabihin nun, tsk. Kailan pa naging skillful person ang ganung kagagong lalaki?
Umupo sa sofa 'yung isang lalaki. "Kiddos." He murmured. "Kamusta? Pasens'ya na Kay Dab, mainitin lang talaga ulo nun. Kaso, mas ako e." Natatawang sabi n'ya.
Mga baliw na ata ang nandito. Nakakainis. "Hey. Light. 'Wag mong pansinin 'yang psycho na 'yan ha? O parehas sila nung Dab na 'yun. Ha?" I said to Light.
"Yeah." She said plainly.
"Ano tawag mo saakin?" Tanong nung psycho. "I don't repeat myself." I retorted.
"Aba gago ka nga ah!" Mabilis na sabi n'ya na agad napatayo sa kina-uupuan n'ya. "Lalo ka na." I retorted. I saw him clenched his fists.
"Pasalamat kang bata ka." He mumbled. Tsk. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin. Bahala s'ya sa buhay n'yang psycho s'ya.
Nagkaroon ng katahimikan. Matapos ng sagutan namin. Pinagmamasdan ko lang si Light, nakita kong mapula ang leeg n'ya. Gawa Siguro ng pagkakasakal sa kan'ya. Hayop talaga 'yung Dab na 'yun! Mapapatay ko 'yun!
Napapikit ako ng mariin naramdaman ko na lang ang sa malapit sa mata ko ang natulong dugo sa noo ko, gawa Siguro nung pagkakatira ko dun sa bato gamit ang ulo ko. Tss! Nakakainis.
Nakita kong nagsisigarilyo 'yung psycho. Tangnang 'to. Pano ko makukuha 'yung kutsilyo dun sa likod ko. "Tahimik n'yo naman." Sabi nung psycho. Tumingin ako Kay Light tahimik Lang s'ya. Lagi naman s'yang ganyan.
"Hayy! Boring!" Sabi pa ulit nung psycho. Hindi na ako nagsalita. Sige lang maboring ka pa, ng umalis ka na at mawalan na ulit kami ng bantay. I said to myself.
Tumingin ulit ako Kay Light. Nagulat ako ng makita ko s'yang umiiyak. Tahimik Lang napumapatak ang Luha sa mata n'ya. It's the first time I ever saw her cried. Tumingin s'ya saakin, nagtama ang mga mata namin, patuloy padin ang pagpatak ng Luha n'ya.
I felt my eyes watered because of what I'm seeing. "Shhh. Don't cry." I mouthed. "We'll be safe." I added. Parang ako ang nanghina noong nakita ko si Light na tahimik na umiiyak. She nodded her head.
"Stay safe." She mouthed. I nodded.
"Aish!" Napatingin ako dun sa psycho. Lumabas s'ya ng kwartong kinalalagyan namin ni Light. Agad akong tumingin kay Light.
"Don't cry please." I pleaded. "Please be strong. Makaka-alis tayo dito ng buhay okay? Mga psycho lang 'yang mga kumuha saatin. 'Wag ka mag-alala mahahanap tayo ng empire, they are powerful remember?" I tried to lighten up her mood.
She smiled at me. "Don't worry about me." She said. "Just be fine for me." She added. I smiled at her. "I can't help but to worry about you." I retorted. "Just let me worry about you." Sabi ko pa, saka s'ya nginitian.
Sinimulan ko ulit na iipod 'yung upuan ko palikod. Pero, nahihirapan na ako. Nakaramdam na ako ng pagod. I stayed still for a minute. Pagod at ngalay na ako dahil sa pagkakatali saakin. Siguro lalo na si Light.
I was about to move, when somebody entered. That psycho again. "Heirs kayo ng empire e, baka makatakas kayo. Mabuti ng sigurado. Sleep well." He playfully said then, I heard Light shrieked. Nakita ko na may itinurok Kay Light, after that she fell asleep. Damn!
Lalong Hindi kami makakakilos kung papatulugin din ako. Damn it! Dandahan saakin naman lumapit 'yung psycho. "Sleep tight." He said as he injected something to me. Nagwala ako, pero unti-unti lumabo ang paningin ko. Damn!
Nahihilo ko, blurry pero nakita kong lumabas 'yung psycho. Then before everything went black, napaharap ako sa bintana. I saw someone. Moreover, I'm positive with it.
*
Timeline: July 26 (6:12pm)
Masakit ang leeg ko noong magising ako. Malabo pa ng konti ang paningin ko, nag-aadjust sa liwanag.
"Grabe ha! Tagal n'yong tulog! Ilang oras? Almost 12 hours? Tinde n'yo!" Narinig kong sabi no'ng lalaking psycho. Humarap ako sa kan'ya.
"Kasalanan mo!" I hissed. Nakakainis. Imbis na maka-alis na kami. Nakatulog kami ng halos kalahating Araw. Ang nanghihina ako, epekto ata nung tinurok saakin kanina.
Napalingon ako kay Light. Gising na din s'ya.
"Gab!" She yelled. Agad akong naging alerto dahil sa sigaw n'ya. Napaharap ako sa psycho na 'to. Susuntukin n'ya na pala ako dahil sa pagsigaw ko sa kan'ya kanina. Mabilis akong nakailag sa suntok n'ya. Muntik na akong matumba dahil nakatali ako sa upuan, buti na lang nabalance ko ang sarili ko.
"Oh! Oh! 'Wag mo s'yang saktan. Unahin muna natin 'yung isa." Napaharap ako sa biglang nagsalita. 'Yung tinatawag nilang 'Dab.'
"Sabi mo e." Boring na sagot nitong psycho. Maya-maya pa, may lumabas na mga ibang lalaki, nakamaskara din sila katulad ni Dab at nung psycho.
Umupo sa sofa 'yung Dab at 'yung psycho, tapos biglang bumukas 'yung ilaw. Kaya lumiwanag 'yung lugar. Kumuha ng sigarilyo 'yung si Dab at psycho.
"Pakawalan n'yo 'yung babae." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nung Dab. "Light! Light!" I screamed. Pumunta 'yung mga lalaki sa kinatatayuan ni Light at tinaggal ang pagkakatali n'ya sa upuan.
It's her chance. Pede s'yang makatakas sa gagawin n'ya. "Hey! Hoodlum Heiress. Ikaw. Ikaw ang gagawa ng lahat, maliwanag?" Napatingin ako sa Sinabi nung psycho. What? Ano?
"Gusto n'yong makatakas 'di ba?" Sabi nung psycho.
"Tanga ka ba? Malamang." Light cooly said. Tumalim naman ang tingin nung psycho sa sinagot ni Light. That's my girl. I grinned.
"Tama 'yan, hoodlum heiress. Maglaro tayo. Let's play the death game." That Dab seriously stated.
"No!! The hell! 'Wag ka pumayag Light!" I shouted, but she ignored me. Shit! Matigas pa naman ang ulo ni Light. And I'm sure as hell she'll grab that bait! Shit 'di pa ganun kagaling si Light! Kagagaling n'ya lang sa ospital!
"Now, it's your decision, hoodlum heiress. Play with the death? Or let death play with you." Tangna. Parehas lang 'yun! Hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan ni Light! But the hell! Nanghihina na si Light! Damn that injection!
"I'll play." Parang tumigil ang mundo ko sa mga katagang sinabi ni Light.
"No!" I shrilled. "Light listen! Don't play that game! Either way, they will kill us!" I vociferated. Light just looked apologetic to me. No. No. No. I kept saying to myself. She'll never risk her life for that damned game!
"I'm sorry." Pakiramdam ko bumagsak ang langit at lupa saakin ng sabihin n'ya 'yun. Pakiramdam ko ang ang pinakawalang kwentang tao sa buong mundo. I can't do anything para maging ligtas kaming parehas. S'ya pa ang gagawa ng paraan para saamin.
She's a girl. No matter how strong she is. She's still a girl. The girl that I love.
"Tapos na ba ang drama n'yo?" That psycho asked. "Damn you!" I shouted. Napaka-walang hiya nila. I swore pagnakawala ako dito, ako mismo ang sisingil sa kawalanghiyaan nila.
"Eto lang naman ang mechanics ng larong kamatayan. 'Kill them, before they kill you.' Easy lang 'di ba?" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng sabihin 'yun ng Dab na 'yun. Damn I'm antsy.
"Yun lang ba?" Nakangiting sagot ni Light, fearless as ever. But, I can sense her jittery feeling. Kilala ko si Light, Hindi n'ya ko maloloko. Kinakabahan din s'ya.
"Yes." Dab said. "And the game may start now." Then he smirked.
Pinalibutan si Light ng mga lalaking armado. Awfully, yes they are armed. Some have knuckles, some have knives, some have bats, the others have pistols. Napapikit ako ng mariin.
Naramdaman ko na lang ang matinding kaba sa puso ko, ng simulan nilang atakinhin si Light. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nanginginig ako, kinakabahan sa maaring mangyari.
Mabilis ang naging kilos ni Light. Nasipa n'ya 'yung mga nasa harap n'ya tumalbog naman sila, mabilis n'yang nasuntok 'yung nasa likod n'ya. At mabilis din s'yang nakakaiwas sa mga galaw ng kalaban. My heart rose with pride.
That's Light. That's my girl.
Ang bilis bilis ang lakas lakas n'yang gumalaw. Tumalon s'ya at mabilis na tinira ng high kick ang isang lalaking may hawak na kutsilyo. Merong lalaki sa likod n'yang titirahin s'ya ng bat.
"Sa likod!" I yelled. She immediately responded at mabilis na tumungo at umikot kaya't 'yung isang lalaki ang natamaan nung lalaking may bat.
Tumindig si Light ng tuwid. Pinalibutan ulit s'ya nung mga lalaking nakaitim at nakamaskara. Malalaki ang katawan nila at halatang trained. Nakakatakot din mga muka nila. She glanced at my direction then gave a weak smile.
That alerts me. Damn! Nanghihina na s'ya. Mabilis na kumilos 'yung mga lalaki at sabay sabay na sumugod sa kan'ya. Then I heard her screams.
Those screams suddenly breaks me. "L-light." I stammered. Naramdaman ko na lang ang biglang pagtulo ng luha ko.
"A-aah!" I heard her again. Nagising ako sa sigaw n'ya.
"Light!" I yelled while weeping. "Stop! Please! Itigil n'yo na! Please. Please. Make it stop. Please." I beseeched. However they didn't listen.
"Light!" I heard her little sobs, she's now crying in pain. Hindi ko s'ya makita dahil sa pinalilibutan s'ya ng mga lalaki. Maya-maya. I heard the evil laughs of those dumb-ass. Hanggang sa nakita ko na si Light.
Nakaluhod s'ya. Nadugo ang ulo n'ya. Andami n'yang pasa at nagsusuka s'ya ng dugo. That shatters me. Kahit na binubugbog na s'ya nakangiti pa din s'ya saakin.
Those smiles are my weakness yet it is also my strength.
Hindi ko hahayaan na may mangyari pa kay Light. I need to stop this chaos. I need to stop this. "You! Stop this immediately! Ako! Ako ang lalaban! Please! Itigil n'yo na 'to! Let me continue that bullshit game!" I beseeched.
Imbis na makinig patuloy nilang binugbog si Light nakikita kong panghihina ni Light habang pinagtatawan sila ng mga hayop na 'yun. Awang awa ako sa lagay ni Light, samantalang galit na galit ako sa sarili ko Kasi wala akong magawa.
Dandahang tumindig si Light at sinuntok 'yung isang lalaki. Saka sumipa sa mga kalaban n'ya. Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko. Lumalaban si Light kahit wala na s'yang Laban. It kills me. Wala akong magawa. I'm useless.
Habang pilit nakikipaglaban si Light. Patuloy ako sa pag-wawala. Halos masira na 'yung upuan dahil sa ginawa ko. I cried her name a hundred times. Sometimes she glanced at me putting up her smile.
"You are killing me, Light." I muttered under my breath. Napatungo na lang ako, my little sobs and my tears streaming down my face is all that I can do. I'm nothing but a burden.
"G-Gab Gab." I heard my name. I immediately looked at her. "Stay safe." She mouthed and continued to fight.
Sigaw ako ng sigaw pagnasusuntok si Light sa t'yan at nagsusuka ng dugo. "Light!" I bawled. Pero, dahil nanghihina na si Light nasaksak s'ya sa braso. She cried in pain. Napa-upo s'ya sa sahig. At hinawakan ang sugat n'ya at nahihirapan ng huminga. Dun sa braso na 'yun natamaan s'ya ng bala. Halos puro dugo na ni Light 'yung sahig.
I clenched my fists. "Damn you! You bullshit monsters! Stop this game! Stop it!" I bellowed. Tumingin saakin ang naninigarilyong mga hayop.
Ngumiti Lang sila saakin ng mala demonyo. "Aaah!" Agad akong napatingin kay Light dahil sa pagsigaw n'ya. Namimilipit s'ya sakit.
"Damn!" I cursed loudly. When one of those guys twitched Light's hair, saka kinaladkad papunta saakin. Napahagulhol na ako sa nakikita ko.
Tuwing naririnig ko ang paghihirap ni Light, ang mga sugat n'ya, ang mata n'yang lumuluha. Walang wala 'yun sa sigaw ko, sa katiting na sugat ko sa noo at sa pag-iyak ko.
"Shhh." I comforted her. Nakalapit na Kasi sila saakin at nasa paanan ko si Light.
"I'm fine." She murmured. "No you're not!" I countered. She just gave me her weak smile.
"You are really have that tantrums." She said. "Aah!" Biglang sigaw n'ya noong bigla s'yang sipain ng hayop na lalaking may hawak na knife.
"Hayop ka, pag ako nakawala dito! Ikaw uunahin ko!" I cried. Ginalaw ko ng ginalaw 'yung kamay ko sa likod. Sa kapal ng rope at sa sobrang higpit nito. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng dugo dito, wala na akong paki-alam sa dugo na 'yun. Ang gusto ko lang ngayon, kahit ikamatay ko pa. Maitakas ko lang si Light ng ligtas at buhay, mamatay ako ng payapa.
Pinilit kong taggalin ang kamay ko sa pagkakatali, pinagkiskisan ko 'yun. Masakit. Nararamdaman ko ang pagdudugo ng wrist ko at pagkagat ko sa labi ko para maiwasang sumigaw.
"Mga hayop kayo! Pag nakita kayo ng dad at ng empire! You are doomed!" I bawled.
Tuwang tuwa lang kami pinanuod ng dalwang 'yun, that Dab and that psycho.
"AHHH!" Sabay na sigaw namin ni Light. Sinampal s'ya kaya't napasigaw s'ya, napasigaw naman ako sa sakit ng nagdudugong wrist ko.
Galit na galit ako. I will kill those bastards. Pumikit ako ng mariin, rinig na rinig kong pag-iyak ni Light nanghihina ako dahil dun.
"Itigil n'yo na parang awa n'yo na!" I pleaded.
Tumingin ako ng nagmamakaawa sa kanila. Ngumiti si Dab saakin. "Itigil n'yo." Kahit papano nakahinga ako ng maluwag dahil dun. Itinigil nila ang pasipa kay Light.
Halos pumikit na si Light habang nakahiga sa paanan ko, nanginginig s'ya, halos magkulay red na ang damit n'ya.
"Tanggalin n'yo sa upuan 'yang Gangster Heir." Sa mga salitang 'yun, umalis 'yung psycho at 'yung iba pa, pagkatapos may isang lalaking nagkalag saakin sa upuan, nakatali pa din ang paa at kamay ko pero Hindi na ko nakatali sa upuan.
Agad akong nalaglag sa upuan at lumapit kay Light ininda ko lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil alam kong mas matinding sakit ang dinadanas ni Light. 'Yung lalaking nagkalag ng tali saakin, umupo s'ya sa sofa. S'ya lang ang bantay namin. At wala akong pake sa kan'ya. Naka'y Light ang atens'yon ko.
"Shhh." I held her close.
"G-G-Gab..." She stuttered. Lalong nagbagsakan ang luha ko dahil dun. "S-Shh. Don't say a word. Just stay alive." I softly whispered. She smiled.
Kahit nahihirapan hinawakan n'ya ang pisngi ko.
"I'm g-glad w-we've m-met..." Nanghihinang sabi n'ya habang umiiyak. Tahimik akong nakinig sa kan'ya habang patuloy ang pagpatak ng luha sa mata ko.
"A-Alam m-mo? A-Akala k-ko, d-di ka worth it, b-but I was w-wrong, you are worth the f-fight..." Patuloy na sabi n'ya habang hinihimas ang pisngi ko. Naiinis ako sa mga taling nakatali sa paa at kamay ko, Hindi ko tuloy s'ya mayakap.
"Shhh. I'm sorry. I'm sorry, I'm such a burden, useless dumb-ass. H-Hindi Kita maprotektahan, ikaw pa 'tong nagproprotekta saakin, sorry, Light. W-wala akong magawa. Wala akong kwenta. I will blame myself if something will happen to you." Umiiyak na sabi ko sa kanya.
She smiled at me weakly, "Don't be sorry. 'Wag ka magsalita ng ganyan, arraso? It kills me. Malaman ko lang na okay ka, maayos na din ako." She said while weeping.
Sobrang sakit na Makita ko s'yang nahihirapan at naiyak. Ngayon ko Lang nakita gan'to si Light. Para akong unti-unting pinapatay dahil sa paghihirap n'ya.
"G-Gab g-gab, I'm tired," naging alerto ako sa sinabi n'ya. "H-huh?" I barely can't breathe while saying that word.
"Magpapahinga lang ako, 'wag ka mag-alala. Gigising pa ako okay? Bantayan mo 'ko?" She asked softly. Tumango-tango ako sa kan'ya.
"I will, matulog ka na. Babantayan kita." I said. Ngumiti s'ya saka pumikit. Kinabahan ako sa pag pikit ni Light b-baka ka-kasi mamaya 'di na s'ya magising.
"G-Gab gab, 'wag ka umiyak. 'Di pa 'ko patay." She joked kahit pikit padin ang mga mata n'ya. I chuckled because of that.
Pinigilan ko ang pagluha ko. "G-Gab Gab, can you sing me a lullaby?" I nodded and started to hum.
"Without you, I feel broke like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn, like sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song."
Nakita kong napangiti s'ya sa pagkanta ko. Hinayaan kong matulog s'ya. Ang ganda at ang amo, amo talaga ng muka n'ya.
"Sag-app-oh, Light..." I murmured. Tinitigan ko lang si Light the whole time na natutulog s'ya. Halatang pagod din s'ya dahil sa paghinga n'ya.
Kung wala kami sa panganib, I will wish to see her sleeping face all the time. Sobrang amo kasi, pag naman gising dinaig pang nakakatakot na leon.
"Sag-app-oh." I uttered once more.
*
Timeline: July 26 (10:30pm)
Kanina pa umalis 'yung lalaki na nagbabantay saamin, hinayaan n'ya kami ni Light dito. Tahimik lang ako nagmamasid sa paligid.
Nararamdaman ko kasi na may nanunuod saamin ni Light, tumingin ako sa isang bintana. Hindi ko pinakawalan ang titig ko dun. May nakita akong silhouette!
"May tao ba dyan?" I asked, nakarinig ulit ako ng kaluskos Hindi ko alam kung kalaban ba 'yun o hindi pero kanina ko pa s'ya nararamdaman.
"T-tulungan m-mo kami parang awa mo na..." I pleaded. Alam ko naririnig n'ya ko. Sana tulungan n'ya kami.
"G-Gab Gab?" Agad akong napalingon Kay Light noong tawagin n'ya ko. Gising na s'ya. Halos maiyak nanaman ako. Gising s'ya. Gising. Alam ko naman na kaya n'ya 'yun e. Malakas kaya s'ya.
"L-Light..." I softly whispered.
"Shhh. I'm alright. S-sino kausap m-mo?" She asked. Iniling iling ko ang ulo ko. "W-wala, wala guni-guni mo l-lang 'yun." I said. She nodded.
Lumingon lingon ako sa paligid. Nakita kong may kumikislap malapit lang sa tabi namin. 'Yun kutsilyo! Agad ko itong nilapitan, mabuti na lang ang malapit na ito saamin.
Umipod ako ng konti at nakuha ko na ito, pilit kong hiniwa 'yung lubid. Ramdam na ramdam ko din ang sakit ng paghiwa nito sa sarili kong balat.
"Ahhh..." Impit na tili ko sa sakit na nararamdaman ko. "Gab gab. Itigil mo 'yan..." Light said weakly. "Itigil mo 'yan. Ako ng bahala okay? Mamaya magsisimula nanaman 'yung laro." Pagpupumilit n'ya.
"No. 'Wag mo 'ko intindihin. Ako na ang bahala okay?" Sabi ko. Nakita ko na tatayo sana si Light para kalagan ako, pero, biglang may pumasok.
"Oh? Gising na kayo? Ipagpatuloy na natin ang laro ha?" Makahulugang sabi nito. Pumasok na ulit 'yung mga lalaki at pilit na itinayo si Light. Nabitawan ko 'yung kutsilyo. Nagsimula nanaman pumatak ang Luha sa mata ko, ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko, at ang sakit ng lalamunan ko.
Kinuha s'ya nung mga lalaki at pinagsusuntok habang hawak s'ya ng dalwa pang lalaki. Napapikit ako ng mariin sa nakikita ko, habang lumalakas ang iyak ko.
"Tama na... Tama na..." I uttered. Hindi ko na kaya ang nakikita ko, halos ikamatay ko na ang mga sigaw ni Light Dahil sa paghihirap n'ya.
Ang sakit sakit na ng lalamunan ko, ang sakit sakit na ng ulo ko, ng puso ko...
"Tama na... Tama na... Please..." I cried. Pero, Hindi man Lang nila ako narinig. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at nakita ko si Light naka-upo na sa sahig. Tumutulo ang Luha n'ya. Tumutulo ang maraming dugo mula sa kan'ya. Hinang-hina na s'ya.
"Tama na! Tama na! Parang awa n'yo na! 'Wag na si Light! Ako! Ako na Lang patayin n'yo! Ako na Lang!" Umiiyak na sigaw ko. I don't care Kung umiiyak ako. Wala na akong paki-alam.
"Hindi ako lalaban! Ako na Lang! Parang awa n'yo na!" I cried.
"Ang drama n'yo!" Inis na sabi nung Dab samantalang tatawa tawa Lang 'yung psycho.
"Mga putang*na n'yo!" I vehemently yelled. They just laughed. "Hoy! 'Yung gansgter heir naman!" Agad lumapit saakin 'yung mga lalaking nang-bugbog Kay Light.
"No... No..." I heard Light silently pleaded. "Yes." I countered. "Stay still. Ako na nag bahala. Close your eyes." I said to Light noong nakita ko s'yang nakahiga sa sahig at nakaharap saakin.
"Close your eyes." I said. Saka ako nakaramdam ng sakit ng pag sipa saakin sa t'yan. At pagbugbog saakin. Masakit pinipilit kong 'wag sumigaw. Hirap na hirap na din ako.
"AAAHHHHH!" I screamed in pain, lalong lalo na noong suntukin ako ng knuckle sa muka.
"Gab!" Light screamed. Halos patayin ako noong Makita ko si Light na umiiyak Dahil nasasaktan ako. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman n'ya.
"Shh. Okay Lang ako. Okay Lang ako." I said to her. Pero iniling iling n'ya ang ulo n'ya. "No you are not!" She yelled.
"Agh!" I cried in pain. "Tama na! Itigil n'yo na 'yan parang awa n'yo na!" Light screamed. Pero, parang kanina noong ako ang nagmamakaawa, Hindi nila pinakinggan si Light.
Nanlalabo na ang paningin ko. Hindi na kaya ng katawan ko ang sakit na nararamdaman ko, alam ko mas matinding sakit ang dinanas dito ni Light, kahit papano napapangiti na ko kasi alam ko. Nasalo ko ang ibang pasakit na dapat Kay Light. Masaya ako Kasi may nagawa ako.
Unti unti, naramdaman ko ang pag suka ko ng dugo. At pag pikit ng mata ko. "Sag-app-oh... Light..." Mahinang sabi ko.
"Itigil n'yo na 'yan! Bukas na ulit!" Narinig ko pang sigaw nung Dab. Naramdaman ko na Lang na umalis na sila.
Then I heard Light. "G-Gab. Makakaalis tayo ng buhay 'di ba?" She murmured. I smiled weakly at her. "We will..." Then everything went black.
*
Timeline: July 27 (9:50am)
Naalimpungatan ako sa naririnig kong ingay, dandahan minulat ko ang mata ko, nakita ko si Light natutulog sa sahig, ganun din ang lagay ko, kahit mahirap at masakit sinikap kong umupo.
Lumingon ako sa paligid. Nakita kong bata sa bintana. Mga kasing edad Lang Siguro namin. Mabuti na Lang walang bantay! S'ya 'yun! S'ya 'yung nakita ko kahapon!
"Parang awa mo na... Tulong..." I said. Tumango saakin 'yung batang lalaki.
May itinapon s'ya. May cellphone s'yang itinapon. Nanlaki ang mata ko dun, mabuti na Lang at malapit na saakin 'yung cellphone. Kinuha ko ito at itinago ko sa likod ko.
"Tutulungan ko ka'yo. Hahanap ako ng tulong." Sabi nung lalaki. "Salamat. Salamat." Mabilis na sabi ko.
"Anong pangalan n'yo?" Tanong nung lalaki. "Nathaniel Evans at Light Smith." I retorted. Tumango tango 'yung bata.
"Skyler Zeus Anderson." Pakilala n'ya sa sarili n'ya tumango naman ako. Maya-maya may narinig akong yabag ng paa. Sinenyasan ko si Skyler na umalis na at humanap na ng tulong, tumango naman s'ya at Dali daling umalis.
"Gising! Gising!" Mabilis akong humarap sa mga lalaking hayop na 'to at tiningnan sila ng masama. Nakita ko naman si Light na nagising Dahil sa sigaw nung psycho at nung Dab.
Lumapit ako ng konti Kay Light, hawak ko pa din 'yung cellphone. "Shh. Makakaalis na tayo okay?" I whispered. She nodded.
"Simulan ulit ang laro." Itinindig ulit si Light at sinimulang suntukin. Bigla nanaman akong naluha. Napaka-walang kwenta ko nanaman.
"Itigil n'yo na 'yan! Tang*na!" Malakas na sigaw ko sa kanila.
"Kahit anong sigaw mo wala ka ng magagawa. Kamatayan n'ya na!" Sigaw saakin nung Dab.
"Tang*na mo pala e! Ikaw ang mapapatay ko!" I retorted.
"Ha ha ha! Panuodin mo na Lang 'yang babaeng mahal na mahal mo, habang namamatay!" Sigaw saakin nung gagong 'yun.
"Hayop ka!" I yelled. Pero tinawanan n'ya Lang ako.
Nag flicker 'yung ilaw sa parte ko, kaya't medyo dumilim sa pwesto ko. Rinig na rinig ko pa din ang mga sigaw ni Light. Tama na. Ayaw ko na marinig ang mga sigaw na 'yun. Dahil medyo hindi ako pinapansin ng mga gago.
I pressed the last dialed button noong de-keypad na phone, 'yung color green na parang symbol ng phone. Dalwang beses ko 'yun pinindot.
Bahala na kung sino ang matawagan.
Dandahan humiga ako para ala-ala nanghihina na ako, patuloy pa din ang pagpatak ng mga luha ko. Inipit ko sa tenga ko 'yung phone. Para hindi ito makita.
[ "Hello?" ] Nagitla ako ng may sumagot. May sumagot! Hindi na ako nag-atubili pa humingi ng tulong.
"H-Help u-us..." I stammered.
[ "Omyghad! Nate! Hang on! Hang on!" ] boses ng babae ang narinig ko, salamat at kilala ako ng sumagot ng tawag. "Tita! Si... Si Nate po!" Rinig ko pang sigaw n'ya. Nagtaka ako kung Panong kilala ako nung tinawagan ko, but I ignored it.
[ "Nathaniel. It's me. Princess' mother. Please hang on. We need to locate both of you." ] Noong narinig kong mommy ni Light ang kausap ko, pumatak nanaman ang mga Luha sa mata ko. I'm sorry. I'm so sorry I can't protect your daughter.
Napatingin ako Kay Light, nakahiga na s'ya sa sahig at tahimik na umiiyak habang pinagsisipa s'ya Hindi man Lang n'ya ininda. Ang sakit sa puso. Ang sakit...
["Here! Annicka, please talk to him." ] Hindi ako makasagot sa naririnig ko.
[ "Nate. Nate. Anong nangyari sainyo? Nasan si Incess?" ] Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal.
Impit na iyak lang ang naisukli ko. Kitang kita ko ang paghihirap ni Light. Halos mawalan na s'ya ng buhay.
"P-Please he-help us. P-Please." Kahit hirap mabuti at may lumabas na boses sa bibig ko.
"Ahhh!" Malakas na sigaw ni Light. "Huh!" Asik nung lalaki sa kanya. "You piece of bullshit!" Sigaw ko dahil sa pag sabunot n'ya kay Light.
Agad lumapit saakin 'yung mga lalaki. Mukang ako naman ang papahirapan nila. Mabuti na 'yun para naman mabawasan ang paghihirap ni Light.
Bigla akong sinipa nung lalaki sa t'yan. Mabuti na Lang at Hindi nila napapansin 'yung cellphone na hinagis ko sa isang tabi. Pero, alam kong di pa 'yun na eend call. They need to find us.
Sinuntok suntok nila ako sa muka at sa ibang parte ng katawan ko, pero nanatili akong nakangiti para Kay Light. Kitang Kita ko ang pag-iyak n'ya.
"No! Don't please! Ako na Lang! Ako na Lang!" Iyak ni Light saakin. Umiling iling ako, na parang sinasabi na, 'wag n'ya akong intindihin. Kaya ko pa naman. Kaya ko pa.
Nagitla ako ng bigla lapitan nung Dab si Light at tutukan ng baril sa noo. Parang tumigil ang mundo ko ng pagkakataong 'yun. No! No! No! Tuloy tuloy sa pag-agos ang Luha ko, Hindi ko man Lang ininda at sakit ng pag-gulpi saakin ng mga lalaking 'to.
Takot ang nararamdaman ko Ngayon. Kitang Kita ko ang takot sa mata ni Light noong ilapat sa noo n'ya at baril.
"Lighhtt! No! No! Please!" Pag-mamakaawa ko Kay Dab. Walang magawa si Light Kung Hindi pumikit at umiyak.
Hindi ko napansin na may lalaking lumapit sa dako Kung saan ko hinagis ng konti 'yung cellphone at hawak n'ya na ito Ngayon.
"Ano 'to?! Aba't hayop kang gago ka! Saan mo nakuha 'tong telepono na 'to?! Gago!" Malakas na sigaw n'ya saakin, kaya't napukol ang atensyon ni Dab saakin.
Lumapit s'ya saakin at bigla akong sinipa sa t'yan. "Aah!" Malakas na sigaw ko. Kinuha n'ya 'yung cellphone at biglang ibinato sa muka ko.
"Hayop kang gago ka! Sinong tinawagan mo?!" Malakas na sigaw nito saakin. Dinuraan ko s'ya sa muka.
"Mas hayop at mas gago ka saakin! At wala kang paki-alam Kung sinong tinawagan ko!" I yelled at his face. Agad ako nitong sinakal.
"Napaka-laking gago mo!" He bellowed saka itinutok ang baril sa noo ko.
"Noooo! Gab Gab!" Malakas na sigaw ni Light at pinilit na makalapit saakin. I cried. "Shhh. Tama na Light. Ako na Lang, ako na Lang. Basta mabuhay ka." I uttered.
"No! No! Stop saying that's nonsense!" She yelled and wept.
Agad akong sinabunutan noong lalaki at biglang tinulak sa sahig. Naramdaman ko na lang ang matinding sakit at pag-agos ng dugo sa ulo ko.
Namilipit ako sakit. Nakita ko si Light na tumindig. Kahit na sobrang hirap na hirap s'ya. Dandahan s'yang lumakad papunta saakin.
Ngumiti ako sa kan'ya. "Sag app oh..." I mouthed. Saka tuluyang pumikit. Pagod na ako. Pagod na pagod na.
Lumayo ng konti 'yung Dab saakin. Itinutok na Lang n'ya saakin 'yung baril. Nakahiga na ako sa sahig at iniintay ang pagtama ng bala saakin. Alam ko naman, Dahil sa ginawa ko tutuluayan n'ya na ako.
"Sag app oh, Light..." Huling mga salitang Sinabi ko, saka pumikit at tinggap ang kamatayan ko.
Nakarinig na Lang ako ng malakas na putok ng baril. "AHH!" Nagitla ako sa malakas na sigaw ni Light at wala akong naramdamang pagtama ng bala sa katawan ko.
Dandahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang pagbagsak ng katawan ni Light sa tabi ko. Umaagos ang dugo n'ya sa tyan n'ya. Hawak hawak n'ya iyon.
Humarap s'ya saakin. At ngumiti. "I l-love y-you..." Natulala ako sa nakikita ko, ang unti unting pagpikit ng mata ni Light at ang pagkawala ng ngiti sa Labi n'ya.
Unti-unti dinudurog ang puso ko. Unti-unti nanghihina ang buong sistema ko.
Hindi .Hindi. Hindi totoo 'to. Panaginip Lang 'to. Kalokohan Lang 'to. Joke Lang 'to.
Hirap na hirap akong tiningnan si Light na nakapikit na at tumulo ang Luha sa mata, hanggang sa dandahan akong lumapit sa kan'ya.
Inilapit ko ang muka ko sa muka n'ya. Para akong binagsakan ng langit at Lupa. Wala na akong
Nararamdaman hininga n'ya.
Sa mga pagkakataong 'yun. Sabay sabay kong naramdaman ang sakit- emotionally, physically, mentally. Tahimik akong napahagulhol.
"Lighhhtttt..." I mourned.
~~~
A/N: "RIP Light." Chos! Basa ng NOTE, ang 'di mag-basa PANGET!
Nga pala pinalitan ko 'yung title from The Gangster Heiress to The Gangster Heirs. Wala trip ko, mas akma at mas tama 'yung heirs kesa heiress e. Sensya naman. Haha.
Saka pasensya na Kung napatagal bago ako mag-update. Nagsaya lang ako. Haha. Literally, nagsaya ako, sa college days / foundation days ng school namin. Haha! Super saya! Kyaah!
Nga pala. Suklian nyo naman ang aking hirap sa pagtytype. LELS. Madrama. Pag-bige. Kayo, wala kayo ginagawa kundi mag-intay ng update! Di naman Siguro kawalan sa inyo Kung mag-cocomment o mag-vovote man Lang kayo. Kasi, ako ginagawa ko 'yung best ko para sa inyo. Sana naman Suklian nyo.
Tandaan! Mas madaming vote at comment! Mabilis na update!
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top