09 : Series of Unfortunate Events

CHAPTER 8
~ A Series of Unfortunate Events ~

"If we wait until we're ready, we'll be waiting for the rest of our lives."

- Lemony Snicket

+++

It was already 4:50 in the afternoon, at malapit na ring lumubog ang araw. Almost everyone from their class have gone home.

Except maybe for N, and the others.

The boy was silently sitting on a bench somewhere in the Morillo Highschool's rooftop building. Tahimik lamang itong nakatitig mula sa screen ng kanyang cellphone, habang binabasa ang huling mensahe sa kanya mula sa estrangherong si Lucifer.

From Lucifer:
8 hours remaining before the next judgement...

N took a deep breath and sighs, sabay wika sa sarili...
"Everything will be alright," he says.

"N?" isang pamilyar na boses ang mayamaya'y tumawag sa kanyang pangalan. Napalingon ang binata, at nakita niya mula roon ay ang dalawa sa kanyang mga pinakamalalapit na kaibigang sina Forest at Treyton.

"Forest, Treyton, Kayo pala!" Wika ng binata.

"Nandito ka lang pala? Kanina ka pa namin hinahanap!" ani ni Forest, at pagkatapos ay pareho itong lumapit kay N.

"Pati si Cody kanina pa naghahanap sa'yo," sabi naman ni Treyton.
"Anong nangyari? Ba't pala bigla ka nalang nawala?" Tanong niya.

Umiling-iling lang ang binata, but Forest answered the question himself with a follow up theory question.

"Dahil ba 'to do'n sa mga chats ni Lucifer? Posible bang, natatakot ka sa mga sinasabi nitong 'consequences' kapag hindi mo ginawa 'yong dare, N?" He asked.

Bahagyang napatango lamang si N dahil dito.
"H--Hindi naman sa naniniwala talaga ako pero... Ever since kasi nakilala natin tong si Lucifer, parang nag-iba na ang mga buhay natin eh. Lalo na sa buong section natin," aniya. "Kamuntikan nang may masamang mangyari kay Althea, si Joyce naman, bigla nalang nakatanggap ng isang napakamamahaling bagay. At tsaka... Ma-e'explain niyo ba kung bakit parang na wiped out nalang bigla ang memories ng ibang mga tao tungkol sa existence ni Alina??" May halong pagkabalisang wika ni N, na halatang maraming tanong na talaga ang sumisirko mula sa kanyang isipan.

"At hindi lang 'yon... Ang mga dares pang 'to... Sinabi sa'kin ni Gabrielle, na kapag hindi ko raw sinunod ang mga pinapagawa ni Lucifer, maaari raw akong mapahamak. Tayong lahat daw!" He continued... "What if, nangyayari ang lahat ng ito dahil kay Lucifer?" He asked.

Sa puntong iyon naman ay pareho nalamang na nagkatinginan sina Treyton at Forest nang may halong sobrang pagtataka sa kanilang mga mukha.
"Teka teka, kalma lang N ah?" pigil sa kanya ni Treyton, "Ang dami-dami mong sinabi, pero wala akong maintindihan!" Aniya, dahilan upang mapabuntong hininga nalamang si N.

"Umpisahan mo nga muna ulit, promise mag-fofocus na talaga kami!" wikang muli ni Treyton.

"K--Kalimutan niyo nalang ang tungkol do'n." Tanging isinagot nalamang ni N.

"Ano? Pero N---"

"Uy guys!!"
Mayamaya'y narinig ng tatlong binata na may bigla nalamang tumawag sa kanila, dahilan upang pare-parehong mapatingin ang mga ito mula sa kanilang likuran.

At doon ay nakita ng mga ito ang mga mukha ng ilan pa sa kanilang mga kaklase.

Those were Althea, Brennon, Floryn, Euphrasia, Zafrina and Aries. With Cody walking behind them.

"Nahanap niyo na pala si N, ba't hindi manlang kayo nag-text sa'min?" Ani ni Althea.

"Oo nga! Kuya! Kanina ka pa namin hinahanap! Ang lawak-lawak pa naman nitong school niyo!" sabi naman ni Cody.

"Oh, N, Ba't ka nga pala napadpad dito?" Tanong ni Brennon.

Ngunit napangiti lamang ang binata bilang sagot, sabay tumingala mula sa kalangitan. "Di ko rin alam eh," aniya. "Siguro, gusto ko lang talagang masilayan ang sunset hangga't naririto pa tayo," wika pa nito.

Aries rolled his eyes and sighs.
"Kanina pa kami naghahanap sayo tas nandito ka lang pala at naghihintay na lumubog ang araw? Magsasara na ang gate ng school natin, buang! Baka mapagiwanan na tayo! Malayo pa naman ang lalakarin namin sa bahay buysit kayo!" Reklamo pa nito.

Dahil doon ay napailing-iling nalamang si Euphrasia.
"Alam mo, Ries, ang kj-kj mo! Tama rin naman si N eh! Just look at the sky!" turo pa ni Euphrasia mula sa kalangitan, dahilan upang lahat sila ay mapatingin naman mula roon.

The clouds were forming some beautiful aesthetics. And the lights reflecting from the sun were astonishingly mesmerizing.

In other words, talagang maganda ngayon ang paraan ng paglubog ng araw.

"Diba ang ganda?" Wikang muli ni Euphrasia "So why don't we just stay for a little bit longer?"

Dahil sa sinabing iyon ng dalaga ay mga ilang minuto nga muna silang nanatili mula roon at sabay-sabay lamang na tinitigan ang napakagandang imahe ng buong kalangitan.

It feels more like, they were all seeing it for the first and last time of their lives, which was really eccentric...

++

"Guys? Parang matagaltagal na rin simula no'ng mag-bonding tayo 'no?" wikang muli ni Euphrasia sa mga kaibigan.

"What are you trying to say?" nakangiting tanong naman ni Floryn.

"Mag-movie marathon tayo! Kina N at Cody! Okay kayo?" Euphrasia asked once more, but everyone had mixed feelings about it...

Umiling-iling si Aries.
"Sorry. Pero, pareho kaming mabi-busy ni Zaf dahil sa isang group project. Kaya naman, baka sa su---"

"Ano ka ba naman, Ries!" sabat ni Zafria "Tama si Euphrasia! Matagal-tagal na rin simula no'ng mag-happy-happy lang tayong lahat! I think it's time for a little change. Kahit ngayong gabi lang naman eh!" aniya pa.

"Waste of time, Zaf!" Bored na sabing muli ni Aries.

"All in favour na mag-movie marathon tayo mamayang gabi kina N, itaas ang mga kamay!" Euphrasia said while already raising her hand.
Sa puntong iyon naman ay kaagad na itinaas no'ng iba ang kani-kanilang mga kamay. Maliban nalamang kina N, Cody at Aries.

"Ang hindi sumama, magiging alila natin for 3 years!" Muling wika pa ni Euphrasia, dahilan upang mapa-irap-sabay buntong hininga nalamang si Aries.

"Aaargh!! Ang kukulit niyo! Sige na nga!!" tanging iniwika nalamang nito, dahilan upang magpalak-pakan ang lahat.

Ngunit kaagad na sumabat muna sa kanila si N.
"Teka lang guys ah? Sa dinami-rami ng bahay, bakit naman sa'min pa?" He asked.

"Why not? Eh diba mala-four storey floor building naman ang bahay niyo? Eh di, perfect for a party!" ning muli ni Euphrasia.

"Oo nga eh. Mapapa-'sanaol' nalang talaga tayo, diba?" sabi naman ni Floryn, sabay tawa pa ng mahina. "And besides... Talagang kailangan nating magpalipas oras muna. Lalo na't halo-halong mga hindi maipaliwanag na bagay pa ang mga bigla nalang nangyari satin. Especially tong si Althea. In short, all of us really need each other right now," aniya pa. "Diba Thea?" sabay baling kay Althea.

Napangiti naman ng dahil dito ang dalaga, sabay taas pa ng kanyang thumb finger.

"Eh hindi naman pagmamay-ari namin ang condo na 'yon eh. It belongs to our grandparents," N said.

"Kuya, wala namang problema kina lolo 'yon," ani ni Chris.
"At tsaka, diba aalis sina ate mamaya? Baka bukas pa raw sila umuwi dahil sa isang importanteng job assessment, kaya tingin ko naman ayos lang sa kanila na bumisita nalang muna tong sina ate Althea," wika niya pa.

"Oh diba? Overnight na 'to!" Sabing muli ni Euphrasia na halatang na-eexcite.

Dahil dito nama'y napahinga ng malalim nalamang si N, sabay taas-baba ng kanyang balikat.
"Edi sige. Sinabi niyo eh," aniya, dahilan naman upang mas magdiwang lamang iyong iba, lalo na si Euphrasia.

"Siya nga pala guys," Brennon made a slight suggestion... "Ayos lang ba kung imbitahan ko rin ang mga katropa kong The Bobsons? Sina Jiro, Lake, Styles at 'yong iba pa?"

"The more the merrier!" Euphrasia answered.

"Nice! Sige imbitahin ko na rin sina Gwen at Guinivere!" Sabi naman ni Zafrina.

++

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap-usap ng magkakaibigan ay napagpasyahan na rin ng mga itong magsi-uwian na. Nagsimula na ring lumakad paalis ang ilan sa kanila, ngunit hindi pa man nakaka-isang hakbang si N, ay bigla nalamang siyang mapatigil nang may marinig siyang boses na nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Disfunctional...."
Dinig niya mula roon, dahilan upang kaagad na mapalingong muli sa kanyang likuran ang binata.

But he sees no one...

"Tara na, kuya N?" Tawag ni Cody sa kanya. Dahilan upang muling makabalik mula sa kanyang gawi kaagad ang binata...

He was slightly creeped out.

He swore to himself na may narinig siyang nagsalita mula roon. It sounded more like a voice coming out from a radio, but then, it was just gone...

Ngunit imbis na mas bigyan lamang ng pansin ay isinawalang bahala nalamang muna iyon ni N, at sumunod na sa mga kaibigan...

+++

"Kuya... Hindi mo naman sinabi sa'king, marami ka palang nakakatakot na mga kaklase," sabi ni Cody sa kakambal, habang magka-sabay silang naglalakad pauwi na sa kanilang bahay.

Dalawa nalamang silang magkasabay ngayon. Naka-uwi na rin kasi iyong iba, at paniguradong naghahanda na ang mga ito para sa kanilang pa-movie marathon mamaya.

"Nakakatakot?" May halong pagtatakang naitanong nalamang ni N.

"Oo!" Parang bata namang nakangusong sagot ni Cody.
"Yong si Tiffany. Ang liit-liit niya, siguro pareho nga lang kami ng height eh. Pero kung magalit, daig pa si Godzilla!" He said.
"Pati 'yong Rebel na rin. Napakarami niyang tattoo sa mga braso't leeg! Para talaga siyang isang boss ng mafia eh! Katakot din! At tsaka... Yong ipinakilala sa'kin no'ng mga kaklase niyong si Thaddeus? Napakaseryoso't tahimik niya masyado eh. 'Yong para bang... May kung ano siyang lihim na tinatago? Kung sana sinabi mo sa'kin na may mga kaklase ka palang gano'n, edi sana pala, sa ibang school nalang ako nagtransfer."
Monologong wika ni Cody.

Ngunit napahinto lamang mula sa kanyang paglalakad si N, nang mabanggit ng kanyang kakambal ang salitang 'lihim'

Dahil dito'y muli niya lamang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Gabrielle...

"Ang mga lihim na tinatago mo ang maaaring kumitil sa buhay mo at sa mga taong naka-paligid sayo. Kaya ang mabuti pa---"

"Kuya? Kuya, yohoo!! Earth to N!" Cody tried to snap his finger in front of his brother's face, but he couldn't do it with his small baby-like fingers.

"T--Tara na?" Tanging iniwika nalamang ni N, at pagkatapos ay nauna nang maglakad.

Masyadong ikinataka muna ni Cody ang biglaang pagiging weird ng mga bawat kilos ngayon ng kanyang kapatid.
Ngunit napailing-iling nalamang siya dahil dito...
"Ano bang meron do'n?" Aniya sa kanyang sarili.
"Tsk. Nahahawa na siya sa mga ikinikilos ng mga kaklase niya. Lahat sila nagiging weird na eh," aniya pang muli.
"S--Sana naman, hindi ako mahawa," aniya pang muli...

+++

"H--Hello? S--Si Althea McKinley po ito...."
Wika ni Althea sa linya ng telepono. "O--Opo. Minsan na nga po akong naging pasyente sa hospital ninyo. actually, last week lang ang naging out ko," aniyang muli.

Halos kakarating palamang din ni Althea sa bahay nila.
Matapos niyang mabati ang kanyang ina, ay kaagad na siyang dumeretso mula sa kanyang sarili kwarto upang magpalit na ng damit.

She also asked her mother's permission kung ayos lang ba sa kanyang pumunta sa bahay ng kanyang kaibigan mamayang alas dyis ng gabi't mag-overnight lang muna roon.

Her mom granted her permission, lalo na't kakilala niya rin naman ang kaibigang tinutukoy ni Althea, but she told her not to overdo things. Lalo na't kagagaling lang ng dalaga sa kanyang mga sugat.

Sa mga oras na ito ay kinakausap ni Althea ang isa sa mga nurse ng Morano hospital.
Nagtataka kasi ito kung ano na ba ang nangyari doon sa nurse na tumulong sa kanya no'ng gabing inatake siya ni Alina.

Nurse Jenny Orejola. Sa palagay niya'y iyon ang pangalan noong nurse.

She thought to herself that the lady died because of the deep stab wound, ngunit nagkaroon din siya ng pag-asang, maaari ay nakaligtas din ito, dahil bigla nalamang itong nawala no'ng bumalik siya mula sa kanyang kwarto...

"Jenny Orejola? Naku, sorry. Pero wala kaming nakikilalang nurse rito na ganyan ang pangalan, miss."
Tanging isinagot ng kausap ni Althea sa kanya.

Althea paused for a couple of seconds...

Hindi niya alam kung ano muna ang kanyang ire-react...

"P--Po?"

Nobody else can remember even the nurse. Parang kagaya nalamang sa kaso ngayon ni Alina...

"Oo hija, baka sa ibang hospital nagtatrabaho yang tinutukoy mo," wikang muli ng kausap niya mula sa telepono.

"Ahh... S--Sige ho. Maraming salamat nalang. At sorry na rin po sa istorbo," huling iniwika nalamang ni Althea, bago ibaba ang linya.

Wala ring ibang tao ang nakakaalala sa existence ni Jenny, maliban lamang sa kanya...

Napabuntong hininga nalamang ang dalaga't napa-sapo mula sa kanyang mukha.

She needed something refreshing, kaya nama'y napainom nalamang ito ng soda can na kanina lang ay kinuha niya mula sa kanilang refrigerator, sabay na napasalampak sa kama ng kanyang sariling kwarto...

Halos hindi na alam ng dalaga kung ano pa ba ang paniniwalaan niya...

Alot of things are all over her head already, kaya imbis na isipin pang muli ang mga bagay na iyon ay mas pinili niya nalamang na isawalang bahala ang mga ito't mag-ayos-ayos nalamang muna sa overnight nila kina N.

She's pretty sure na mas makakabuti pa ang mga ito imbis na mag-isip lamang ng mga problema...

++

After a few minute of preparation, ay nakapaghanda na rin ang dalaga. Ngunit nanatili lamang siyang naka-upo sa kanyang kama, habang nanonood ng tv, dahil wala pang update ang iba niyang mga kaibigan kung ready na rin ba ang mga ito.

At this moment, all she did was eat some chips, stared at her phone while playing Candy Crush, and not pay attention to the tv she just opened...

Ngunit nabasag ang kanyang focus mula sa cellphone nang bigla niya nalamang marinig ang mga sumunod na balita mula sa telebisyon...

"....Kaninang umaga, bandang alas singko ng madaling araw, isang dalagang babae ang natagpuang wala nang buhay, at nakabitay lamang sa isang tulay malapit sa townsfolk ng Vanity Hill. Nakita umano ang bangkay na ito ng mga batang naglalaro lamang mula roon. At base pa sa mga taong aming naka-usap, marahil daw ay isa lamang itong dayo. Dahil baga ma't maraming tao ang nakasaksi nito, ay wala ni isa sa kanila ang nakakaalam sa pagkakakilanlan mismo noong naturang babae..."

Halos mabato na si Theresa mula sa kanyang kinauupuan.

Gulat na gulat siya!

Dahil kilalang-kilala niya kung sino ba talaga iyong babaeng kanyang nakikita ngayon sa telebisyon...

"A---Alina?!" Mahinang pagkaka-wika ng dalaga sa sarili.

Kitang-kita ng dalaga ang mukha nito. Naka-bitay nga sa may ilalim ng Vanity bridge, at halatang wala nang buhay!

She even saw Alina's brother, Andrew being interviewed by the reporter. But his emotions were still. Na para bang, isang random na bangkay lamang ang kanyang nakikita't wala siyang kahit na anong koneksyon dito.

Which is over eccentric! Lalo na't kapatid nito ang bangkay!

Ngunit papaano?

The news reporter says that, the girl must have died of committing suicide. Ngunit napapalibutan ito ng napakaraming dugo mula sa kanyang leeg at katawan! Na wari bang pinagbubuno muna bago tuluyang bitayin! Hindi rin ba iyon nakikita ng ibang mga tao?

And who would do such a thing? Buong pag-aakala niya'y buhay pa si Alina, at kasalukuyan lamang itong nagtatago sa kung saan. At ngayon, makikita niya nalamang itong patay sa tv...

How did this happen?!

+++

"Kuya? May bibilhin lang akong mga chichirya sa may Hijada's Market ah? Balik ako agad," pagpapaalam ni Cody sa kakambal na may bibilhin lang daw ito.

"Sige sige. Cody! Bili ka na rin pala ng mga softdrinks. Just in case walang ambag ang mga 'yon," pahabol na wika ni N sa kakambal, bago ito umalis, habang siya naman ay abala lamang sa pagluluto ng adobong manok sa may kusina.

"Sige kuya," huling iniwika ni Cody at tuluyan na ngang umalis ng bahay.

Pagkaalis na pagkaalis ng kanyang kapatid ay siya namang paglapit ni N mula sa speakers na nasa may living room lamang nila.

His little brother hates loud music, kaya nama'y nag-take advantage na siya habang wala ito.

Now playing, Sunflower, by Post Malone...

N tuned up with the beat and started singing and dancing. Ngunit kaagad din siyang bumalik sa kusina upang ipagpatuloy ang niluluto niya...

Little does he know, kanina pa ring nang ring ang kanyang cellphone...

And it was Aeron making an incoming call. But N couldn't hear anything because of the loud music.
At kasalukuyang naiwan niya mula sa may sala ang kanyang cellphone, habang siya naman ay nasa kusina nila.

+++

"Hello? Hello, Althea, nanonood ka ba ng news ngayon?"
Agarang pagtatanong ni Aeron, nang kaagad siyang sagutin ni Althea.

"Ron? O--Oo, nanonood nga ako..." Sagot ni Althea.

"Patay na si Alina...." Direct to the point na sabi ni Aeron.

"O--Oo alam ko. P--Pero bakit? A--At papaano!? Ano ba talaga ang nangyayari, hindi ko maintindihan!" sunod-sunod na mga tanong ni Althea.

"Althea, makinig ka... Pumunta ka sa blue gymnasium ng paaralan natin! May mahalaga akong sasabihin sa inyong lahat!"
May halong pagkaaligagang wika ni Aeron mula sa linya ng telepono, habang abala at nagmamadali ito sa pag-susuot ng kanyang jacket.

"H--Ha?? B--Bakit---?" Althea asks

"Wala nang oras, Althea! Basta pakinggan mo nalang ako! Pakiusap, pakisabihan mo nalang din ang iba pa nating mga kaklase! Ayaw nilang sumagot!" Wikang muli ni Aeron. Sa puntong iyon ay nakapang-suot na siya ng pang-alis upang sana'y makipagkita sa kanyang mga kaklase...

Ngunit nang saktong bubuksan na sana ni Aeron ang pinto ng kanilang bahay upang sana'y umalis na, nagulantang ang binata nang saktong may isang misteryosong lalake ang bigla nalamang nanghampas sa kanya mula sa mukha, dahilan upang kaagad na matumba mula sa sahig ang binata't mawalan ng malay...

"Hello? Hello, Aeron? Aeron?!"
Althea kept on calling him, dahil nag-alala ang dalaga nang bigla nalamang siyang makarinig ng isang mahinang pag-umpog...

The other person picked up the phone, with a wicked smile on his face and said...

"Follow his orders. If you wanna live..." wika nito, at pagkatapos ay kaagad nang ibinaba ang linya...

+++

T o B e C o n t i n u e d . . . . . . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top