05 : Never Fade
+++
CHAPTER 5:
~ Never Fade ~
"Forgive yourself, but don't forget."
- Alexandra Bracken
+++
Isang dalaga ang gulat na bigla nalamang napabangon mula sa kanyang kinahihigaang kama, habang walang tigil sa paghinga ng mabilis.
"A--Anak? Anak o--okay ka lang ba?"
Unang tanong sa kanya ng nag-aalalang ina, matapos nitong makita ang anak na bigla nalamang napabangon.
"N--Nay?"
Wika ni Althea, nang kaagad na makita ang mukha ng ina.
Dahil dito'y kaagad na napalibot ng kanyang mga tingin ang dalaga.
At doon niya lamang napagtantong, wala na siya sa loob ng hospital room, kundi nasa mismong kwarto na ng kanilang bahay.
"A--Anong... n--nangyari?"
Tanong ng dalaga sa sarili...
< ~ ++++ ~ >
BestRoleInLife
Presents
[THE GAME OF LUCIFER]
Chapter 5:
Never Fade
Written by:
Romell Labita
< ~ ++++ ~ >
"Nak, heto nga pala ang baon mo. Ako na mismo ang nagluto niyan para sa'yo," wika ng ina ni Althea, habang inilalahad sa kanya iyong lunchbox na nakalagay sa isang plastic bag.
Ngunit iyon ay hindi kaagad natanggap ng dalaga, dahil kanina pa ito parang lutang.
She's already wearing her school uniform, upang sana'y pumasok na sa kanilang paaralan. Ito ang kanyang first day of school bilang kakalabas lamang sa Morano Hospital.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maintindihan ni Althea ang mga nangyari.
Naaalala niya, halos nag-aagaw buhay na siya kagabi. She even thought that she might have already died because of the stab wounds and the blood loss! At ngayon magigising nalamang siya, naka-uwi na pala sila ng bahay?
But that's not the craziest part yet...
Sinabi niya sa kanyang ina kung ano ang mga nangyari sa kanya kagabi, na inatake siya ni Alina at kamuntikan na siyang malagutan ng hininga.
Ngunit bahagya lamang na nagalit mula sa kanya ang kanyang ina, telling her that, it's not right to say something like that, especially about dying.
Ibig sabihin ay hindi ito kaagad na naniniwala sa kanya, na marahil ay panaginip lamang ang lahat ng kanyang mga naaalala.
But that's not it. The craziest thing is, her mother cannot remember who Alina is at all. Nor her existence. All she could remember was that, she got involved in an accident, kaya siya nai-dala sa hospital...
"Ano ba kasing nangyayari?"
Wika ni Althea sa sarili, habang naka-upo pa rin sa harapan ng kanilang hapagkainan at wari ba'y malayo ang iniisip.
"Ano yo'n, Althea?"
Muling tawag sa kanya ng kanyang ina, dahilan upang muli siyang makabalik mula sa kanyang sariling gawi.
"Ah... W--Wala, nay. S--Salamat po sa baon," tanging iniwika nalamang ni Althea. Dahil paniguradong, hindi nanaman siya paniniwalaan nito...
Tessa smiled, "Nasabihan ko na rin pala ang teacher niyo na papasok ka na ng school ngayon. At natuwa sila sa binanggit kong balita," aniya.
Matapos ang lahat ng iyon ay napagdesisyunan nalamang ni Althea na magtungo na sa kanilang paaralan.
She waved goodbye to her mother with a smile.
But deep inside, she's still confused of what's really happening, and what's going on...
***
"Hi, Althea! Uy, kanina pa kami naghihintay sa'yo rito!"
Wika ng bigla niya nalamang nakasalubong na si Gwen. Bukod dito'y kasama rin nito sina Guinevere, Floryn at Brennon.
"Uy, k--kayo pala!"
Kaagad na nabunutan ng tinik ang dalaga nang makita niya ang mga mukha ng ilan sa kanyang mga kaibigan. She ran after them and gave each one a great big hug.
"Kamusta ka na? Nabalitaan namin, magaling ka na raw at nawala na yo'ng mga injuries mo dahil sa aksidente."
Ani ni Guinevere. Dahilan upang kaagad namang mawala ang mga ngiting nakakurba mula sa mga labi ni Althea at lubusang magtaka.
"A--Aksidente?" She asks.
Tumango-tango naman sina Guinevere.
"Oo. Nagpapasalamat pa nga kami at walang masyadong masamang nangyari sayo eh. Dahil kung hindi---"
"Anong... Anong aksidente ba ang ibig niyong sabihin?"
Tanong ni Althea, dahilan upang kaagad na matigilan nalamang sa pagsasalita si Guinevere.
"Huh? Eh diba, kamuntikan nang masunog ang sinasakyan niyong van nina Styles?"
Sa pagkakasabing iyon ni Guinevere ay nakaramdam si Althea ng parang hindi na talaga tama.
It's like what her mother told her...
"P--Pero... H--Hindi ako naaksidente..."
Mahinang naiwika ni Althea, dahilan upang pare-pareho nalamang na magkatinginan sina Guinevere, Gwen, Floryn at Brennon sa isa't-isa.
"Althea?... A--Ano bang ibig mong sabihin?"
Tanong naman ni Gwen, na halatang nag-aalala na sa kaibigan.
"I--I was..."
Halos hindi na makapag-salita pa ng maayos si Althea.
Bad things happened to her. But none of her family or any of her friends can remember anything...
At kahit na sabihin niya man ang mga bagay na nangyari sa kanya no'ng gabing kamuntikan na siyang mapatay ni Alina ay panigurado namang wala pa ring maniniwala sa kanya.
And come to think of it. Ang mga injuries at malalalim na sugat na natamo niya no'ng gabing iyon ay wari bang nawala nalamang ng parang bula! There were no trace of any deep stab wounds.
Maliban lamang sa mild burn na kanyang natamo noong mga nakaraang linggo pa.
Ngunit kung ano man ang mga naaalala niya noong gabing iyon ay wari ba'y ibang-iba na sa kung ano man ang naaalala ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Is this some kind of prank?
Or is this just some kind of... an unexplainable phenomenon?
"Althea--"
"K--Kagabi... Sa hospital... K--Kamuntikan na 'kong patayin ni Alina!"
Bulalas na wika ni Althea, dahilan upang pare-parehong magulat ang kanyang mga kaibigan.
"A--Alina?" Floryn muttered...
"Huh!? A--Anong ibig mong sabihin? Eh diba noong mga nakaraang araw pa kayo naka-uwi mula sa hospital? At... Sino si Alina??"
May halong pagtatakang tanong ni Guinevere, dahilan upang mas magulantang lamang si Althea ng dahil dito...
She felt devastated.
Why can't they remember her??
She needed someone to tell her dark story, but why can't they remember??
Mayamaya'y nagsalita na ang kanina pang tahimik na si Brennon,
"Uh... Guys? Ang mabuti pa siguro maghanap na tayo ng masasakyan nating jeep?" singit niyang wika sa kanila.
"Baka kasi ma-late na tayo eh. At tsaka," matapos iyon ay bumalingin naman siya ng tingin kay Althea. "Althea, naiintindihan namin ang sitwasyon mo ngayon. Na-coma ka rin kasi ng ilang araw eh, kaya posibleng nagkaroon ka rin ng mangilan-ngilang mga false memories," wikang muli ni Brennon sa dalaga.
"P--Pero--"
"Tara na, Thea. Wag kang mag-alala, magiging okay lang din ang lahat," said Floryn, then hold onto Althea's hand with a smile, at pagkatapos no'n ay naglakad na sila paalis.
What Brennon said might be true... False memories...
Pero imposible namang maging ang existence ni Alina ay nangyari rin dahil sa isang false memory?
They've known each other since they were in high school. So why can't the others remember her?
***
"Nandito na kami! Bye guys!! Later nalang ulit! Thea, take good care of yourself, okay?"
Pagpapaalam nina Gwen at Guinny kina Floryn, Brennon at Althea matapos na makarating na mula sa kanilang sariling classroom iyong dalawa. As a matter of fact ay kakarating palamang din ng magkakaibigan sa Vanity High. Ang paaralang kanilang pinapasukan.
Pare-parehong taga class-A sina Althea, Brennon at Floryn. Habang taga class-C naman sina Gwen at Guinny. Making the two of them not a part of their class...
Matapos iyon ay muli nang naglakad paalis sina Floryn upang sila naman ang tumungo sa kanilang sariling section.
Althea still feels uneasy. Hanggang ngayon ay malalim pa rin ang kanyang iniisip, at napakaraming tanong ang nagsisilutangan mula rito.
Ngunit natigilan lamang sa pag-iisip ang dalaga nang huminto sa paglalakad at magsalita ang isa sa kanyang mga kaklase.
"Naaalala namin," wika ni Floryn.
Dahil dito'y maging si Althea ay napahinto nalamang din sa paglalakad, sabay napalingon sa kanyang mga kaibigan.
"Huh?" Takang tanong pa nito
Nagpalingon-lingon muna si Floryn mula sa buong hallways, sinisiguradong silang tatlo lang ang naroroon... May mga nagsisi-daanang ibang estudyante naman, ngunit ito'y kakaunti lamang.
After that, ay muli na siyang napatingin kay Althea.
"Lahat ng mga nangyari sayo. Naaalala namin ang lahat ng 'yon, Thea! Pati na'rin ang tungkol kay Alina. Naaalala rin namin siya!" Wika ni Floryn.
Althea gasped, sabay na napalingon kay Brennon. At isang tango lamang ang itinugon nito.
"Tama si Flor, Thea," aniya.
"I--Ibig sabihin.... K--Kung naaalala niyo, eh ba't hindi makaalala sina Gwen at Guinny? Pati na rin si nanay?" She asks.
Ngunit pareho lamang na nagkatinginan sina Floryn at Brennon sa isa't-isa, giving a look that, they too, have no idea why the others can't remember anything.
"Thea... A--Ang totoo kasi niyan, hindi rin namin alam eh," ani ni Brennon. "Kahapon pa kami naghahanap ng konklusyon at mga sagot kung bakit. Pero... Base sa mga nalaman namin, wala nang kahit na sino pa ang nakakaalala sa existence ni Alina, maliban nalamang sating mga taga class-A Edison," aniya pa, bagay upang mas magpabigay lamang ng mga katanungan mula sa isipan ni Althea.
"Huh? Teka... H--Hindi ko maintindihan---"
"Ang ibig sabihin ni Rogelio, ay ang section nalamang natin ang nakakaalala pa kay Alina, at sa kung ano man ang nangyari sayo no'ng gabing nadala ka sa hospital. All of the others can't remember anything. It's like, their memories has been altered and the person involved of almost killing you was erased. Maging sina mama, papa at ang mga ate ko," monologong wika naman ni Floryn.
Dahil doon ay wari bang mga pitong segundo munang natigilan si Althea at nag-isip ng kung ano-ano.
"P--Pero bakit? D--Don't you guys think it's weird?"
Tanong muli ni Althea.
"We do think it's weird!" Said Floryn.
"Pero wala kaming alam kung bakit nangyari o nangyayari ang lahat ng ito! Kung bakit sa dinami-rami ng mga tao ay tayong mga taga-section A lang ang nakakaalala kay Alina!" Aniya pa.
"K--Kahit nga 'yong mga pulis na dapat eh naghahanap na ngayon kay Alina ay wala na ring maalala eh! Nawala ang record niya sa mga file cases."
"P--Papaano niyo naman nasabi?" Althea asks once more.
"Nag-dropped by kasi muna kami do'n kanina ni Brennon, para sana i-check 'yong progress sa naging kaso niyo at kung ano na ba ang balita kay Alina. P--Pero... T--Tiningnan lang kami ng may halong pagtataka ng mga pulis at sinabing, pasensya na. Pero wala kaming fi-nile na kaso na Alina Guilliar ang pangalan at tsaka---"
"Hi Floryn!"
Natigilan sa pagsasalita ang dalaga nang may bigla nalamang magsalitang babae mula sa likuran nila.
Dahil dito'y pare-parehong napalingon mula roon ang tatlong magkakaibigan, and saw Tiffany, along with her other two tall minions whose names are Samantha and Abriella.
Ngunit nagulat sila nang bigla nalamang sinampal ni Tiffany ng napakalakas si Floryn, dahilan upang pare-parehong magulat ang magkakaibigan.
"Tiffany!! Bakit mo ginawa yo'n!?"
Gulat na sigaw ni Brennon sa kaklase.
"Naku sorry! May lamok kasi eh," pag-iinarteng palusot ni Tiffany, sabay tawa ng mahina. Both Sam and Abriella did the same.
"Napaka-bitch mo talaga kahit kailan!"
Bulyaw namang sigaw ni Althea sa kanya.
Kaagad na napalingon naman sa kanya si Tiffany.
"Oh hi sweetie! Hindi kita agad na nakilala ah? Akalain niyo 'yon, nakalabas ka na'rin pala sa hospital? I thought for sure na do'n ka na talaga mananatili forever eh," mala-sassy girl na wika nito.
"Well anyway, it's good to have you back, loser!" Aniya pa.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago eh noh? Napaka-hipokrita mo pa rin!" Sabi ni Althea.
"Hipokrita? Ako? Awww, grabe ka naman kung makapagsalita, Thea!"
Naka-pout na pagkakawika ni Tiffany.
"Kababalik mo lang at mangangaway ka na agad? That's not nice, and for your information, I slapped your nerdy friend here not because I hated her or something..."
Tiffany paused for like, two seconds at kaagad na binawi ang kanyang huling sinabi...
"Well I mean, actually, I do kinda hate her. And of course, you too dearie! And everyone else in your group dinamic, including this huge bulky thing over here," sabay turo ni Tiffany kay Brennon.
"But I only did what I did because of a dare..."
"Dare?"
Tanong ni Althea.
Tiffany's phone vibrated.
"Oh would you look at that! Lucifer already texted!" Aniya, sabay kihuna ang cellphone mula sa kanyang bulsa at binasa ang mensahe.
"It says that, my dare has been completed. Yeey!"
===============
Lucifer: Player #46 Tiffany Anne Munroe and Player #48 Floryn Montgomery both gained three points and will also receive a gift for completing Lucufer's orders. Therefore, both players will move on to the next daring games and will be saved before the first judgement hour begins.
===============
"T--Teka... S--Sinabi mo bang L--Lucifer?"
Muling tanong ni Althea.
"Yes. Duh! Don't you have a cellphone? Diba kasali ka sa group--- HEY WHAT THE FUCK!?"
Bahagyang nagulat si Tiffany nang bigla nalamang inagaw ni Althea ang cellphone niya mula sa kanya.
Lucifer... Kung hindi rin kasi nagkakamali si Althea, iyon ang pangalang paulit-ulit na binanggit ni Alina matapos nitong pagtangkaan ang kanyang buhay!
She skeamed through their group chats using Tiffany's phone and saw alot of dares coming from this unknown WheelBlog user named Lucifer.
"L--Lucufer... K--Kung hindi ako nagkakamali ito yo'ng---"
"GIVE ME THAT!!"
Bulyaw ni Tiffany, at kaagad na inagaw muli ang kanyang cellphone mula sa kamay ni Althea.
"Go buy your own phone, you weirdo!"
Wika nito at pagkatapos ay naglakad na paalis, sabay na binunggo pa si Floryn. Samantha did the same, one of Tiffany's minions. But unlike the other two, humingi nalamang ng sorry ang isa sa kanilang si Abriella, at hinabol na rin ang mga kaibigan.
Magsasalita na sanang muli si Althea at susugurin ang grupo nina Tiffany, ngunit kaagad lamang siyang pinigilan nina Brennon at Floryn.
"W--Wag mo nang patulan," ani ni Brennon.
"Tama siya, Thea. Baka mas lumala lang ang away," wika naman ni Floryn.
"Pero Flor, sinampal ka niya! Hindi ka ba gagawa ng paraan para---"
"Para ano pa, gumanti?"
Sabat ni Floryn, dahilan upang agad na matigilan si Althea.
"Thea, what else can we do? We're just plain losers anyway," mahina nitong wika...
Magsasalita na sanang muli si Althea, pero hindi niya iyon naipagpatuloy nang may isang pamilyar na kaklase na ang sumenyas sa kanila.
"Guys? Ano pa bang hinihintay niyo rito? Malapit nang magsimula ang klase natin oh!"
Wika ng class president nilang si Aeron Martinfield, narinig kasi nito ang mga boses ng kanyang mga kaklaseng nasa labas pa rin ng kanilang classroom, kaya nama'y kaagad na siyang lumabas upang sunduin ang mga ito.
He even patted Althea's back. Halatang masaya ito dahil nakabalik na sa pag-aaral ang kaklase mula sa hospital.
***
"I--Ikinagagalak ko po kayong makilalang lahat, a--ako nga po pala si Cody Lambert. K--Kakambal po ako ni N Lambert. S--Sana okay lang po sa inyo kung m--magiging parte po ako ng k--klase niyo," pag-papakikala ni Cody sa buong klase, halatang hindi makatingin ng deretso sa mga taong naroroon dahil sa sobrang pagkahiyang nararamdaman niya sa sarili.
Naiilang rin siya sa mga ito, pakiramdam niya kasi, siya lang ang normal kung manoot eh. Habang ang mga bago niyang mga kaklase ay wari ba'y pare-parehong kumikinang ang mga awra't ang so-sosyal pa.
Ikinataka niya tuloy kung bakit sa Class A pa siya napunta. Eh pwede namang sa B, C o D.
The atmosphere of the other students are just too intimidating for him.
"Oh great! Another nerd," bulong na reklamo ni Tiffany sa sarili.
"Akala ko pa naman isang hot at matchong daddy ang magiging bago nating kaklase. Turns out, it's just another boring version of a bland Harry Potter. Parang ipinakilala lang ni N ang sarili niyang clone eh. Nothing new," aniya pa, na narinig naman ng kanyang mga ka-seatmates na sina Samantha at Abriella.
"He's kinda cute," ani Abriella, dahilan upang mapangiwi nalamang sa kanya si Tiffany.
"Alam mo, you're right. And you're kind of cute too, Brie. Alam mo ba 'yon?"
May pagka-sarkastikong wika ni Tiffany.
"Talaga? Yiiee. Salamat Tiff ah?"
Wika ni Abriella, sabay hawi pa ng kanyang buhok.
"Yeah. You're the cutest chihuahua I've ever seen, literally!" Pabarang na wika naman ni Tiffany, dahilan upang pigil na mapatawa nalamang ang isa pa nilang katabing si Samantha.
"Tiffany, lang sakalam."
Ani pa nito.
**
"Okay, Cody. Thank you for that wonderful introduction! And welcome to Class-A," wika ng kanilang adviser kay Cody.
"S--Salamat po Mr. Stark."
"You're welcome. You may now take your seat," pagkasabi noon ng guro, ay kaagad nang tumungo mula sa kanyang upuan si Cody. Doon lang din mismo sa kung saan naka-upo malapit sa kanya ang kanyang kapatid.
"Great job! Halatang nagustuhan ka ng lahat."
Pabulong na wika ni N sa kakambal.
"I--I don't think so..."
Tanging iniwika nalamang ni Chris.
Matapos iyon ay muli nang nagsalita ang kanilang guro. He welcomed Althea back whom was absent for almost two weeks dahil sa nangyari.
At kagaya nga ng inaasahan ni Theresa, maging ang kanilang guro ay iba ang naaalala, nang banggitin nito ang aksidenteng nangyari sa kanya two weeks ago.
Ngunit walang ibang nagawa ang dalaga kundi ang ngumiti nalamang, mag-bow at magpasalamat sa pag-wewelcome sa kanya ng kanilang teacher pabalik.
"So, kamusta ka naman ngayon, Ms. McKinley? Naghilom na ba ang mga sugat mo?"
Mr. Stark asked.
"O--Opo. S--So far, n--nag-hihilom na po ang mga sugat ko sa nangyaring aksidente. Sobrang thankful po ako na walang kung anong nangyari sa'kin. Mabuti nalang po talaga at... Wala roon si... A--Alina na pwedeng manaboy sakin ng gasul---"
Mr. Stark has his eyebrows frowned after hearing Althea's statement.
"Alina?"
Takang tanong nito sa dalaga.
Ngunit isang ngiti lamang ang kanyang itinugon mula rito.
"Ah... Wala po yo'n," tanging iniwika nalamang ni Althea.
Dahilan upang mapangiti nalamang din si Mr. Stark.
"Okay. Masaya ako't walang may kung anong masamang nangyari sayo, Ms. McKinley. You may now take your seat," wika pa nito.
Theresa answered him with a bright sweet smile, sabay nag-bow pa sa harapan nito. Nang sana'y uupo na ang dalaga ay bahagya muna siyang napatingin mula sa mga mukha ng kanyang mga kaklase.
At may napansin siya mula sa mga facial expressions nito...
All of them...
Are staring at her...
And they all knew something that others doesn't...
"Kuya?"
Bahagyang kinulbit ni Cody ang kanyang kapatid.
"Oh?"
N asks...
"Aksidente? Eh diba ang sabi mo, kamuntikan nang pagtangkaan ang buhay ni ate Althea? Pero... Bakit ang sabi niya---"
"Maniwala ka, Cody... Hindi ko rin alam," sagot ni N sa kapatid.
"Huh?"
"Something weird is literally happening around here..."
Huling iniwika ni N, dahilan upang mas magtaka lamang ang kanyang kapatid.
"Tama ka," wika naman ng katabi niyang si Gabrielle, dahilan upang parehong mapalingon sa kanya ang dalawa. Gab is wearing a wide smirk, carved on his face. He is the boy known for being too attractive, has too many admirers, but on the other side of the page, also has too many secrets to tell...
"Hindi ba nakaka-excite?" Wika pa nito...
***
T o B e C o n t i n u e d.....
Chapter Characters:
(In order of appearances)
+ Althea McKinley
+ Tessa McKinley
+ Gwendolyn Stevens
+ Guinivere Montevilla
+ Floryn Montgomery
+ Brennon Leonhart
+ Tiffany Anne Monroe
+ Zanaiah Smith
+ Samantha Vandelgort
+ Lucufer (through chat)
+ Aeron Martinfield
+ Cody Lambert
+ Mr. Robert Stark Jr.
+ N Lambert
+ Gabrielle Paxton
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top