04 : Creating Monsters

+++

CHAPTER 4:
~ Creating Monsters ~

"With nature on your side, you don’t need numbers, you don’t need financing and you certainly don’t need to make friends with people you should be fighting
against."

- Christopher Rankin

+++

"Haay~ ano ba naman yan. Hindi nanaman ako makatulog," pabulong na wika ng binatang si N, habang nakahiga lamang mula sa kanyang kama't nakatingin sa may kisame.

Alas dose na ng gabi, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

He couldn't explain it, but something's bothering him. Hindi niya nga lang alam kung ano ito.

Kaya mula roon ay napagpasyahan ng binatang bumangon nalang muna sa kanyang higaan at dahan-dahang bumaba mula rito.

Nasa may bandang itaas ng double deck na kama rin kasi siya eh.
At kasama niya sa iisang kwarto ang tatlo niya pang mga kapatid.

They're quadriplets. His other brothers are Cody, Liam and Rhodey. N is the eldest, or atleast that's what his parents told him. Siya raw ang pinakahuling lumabas sa sinapupunan ng kanilang ina.

Sa mga paniniwala raw kasi ng kanilang mga lolo at lola, ay kung sino man ang huling ipanganak sa kambal, triplets o quadruplets, sila raw talaga ang panganay.

Pero bukod sa kanilang apat, ay may nakakatanda pa silang kapatid na babae. Ang kanilang ate Nessy.

Unlike them, she has a separate room, dahilan upang minsan ay magselos iyong apat.
Kapag magkakasama kasi sila, talagang walang privacy.

Bukod pa riyan ay magkaka-iba 'rin ang personalidad nilang magkakapatid.

Cody is the shy one. Rhodey is the naughty one, while Liam is the elegant one. About N... He's basically all of them. Kind of a bit moody...

"Kuya? Sa'n ka pupunta?"
Naaalimpungatang tanong ng bigla nalamang nagising na si Cody.

"Shhh. Mag-kakape lang ako saglit. Hindi kasi ako makatulog eh," aniya rito.

"Mag-kakape? Eh mas lalong hindi ka makakatulog niyan!"
Wikang muli ni Chris.

Napabuntong hininga nalamang ng dahil dito si N, sabay kamot ng kanyang noo.
"Wag mo na nga lang akong pakialaman. At bukas na ang una mong pasok sa school namin. Kaya matulog ka na lang diyan!"
May halong pagka-iritadong sabi nalamang ni N, at pagkatapos ay naglakad na palabas mula sa kanilang kwarto.

Napailing-iling nalamang ng dahil dito si Cody, sabay taas-baba ng kanyang balikat.
"Okay," he said to himself, and then goes back to sleep.

***

Makalipas ang ilang minutong pagtitimpla ay napagdesisyunan ni N na tumambay nalang muna mula sa may balcony ng kanilang bahay.

Nakaupo siya sa isang rocking chair na inilagay nila roon, at dahan-dahan niya itong inaayog-ayog habang nakatingala lamang mula sa kalangitan, at tahimik na tinititigan ang mga bituing kanyang nasisilayan mula rito.

And by the way, instead of coffee, gatas nalang ang tinimpla niya. Sabi kasi nila, mas madaling dalawin ng antok ang mga taong umiinom ng gatas kapag gabi kaysa sa kape.
Kaya naisip niya na baka makatulong ito para agad siyang makatulog

"When you wish upon a star, your dreams will come true," bulong ng binata sa sarili, habang seryosong nakatitig pa'rin sa langit.
"If only it was that easy," aniya pa, sabay ininom ang gatas na kanyang tinimpla.

Ngunit kaagad niya lamang itong naibuga nang mapagtantong ito'y napaka-init pa.
"Aaah! Ba't ko ba ginawa yun! Pwe!"

***Bzzzt bzzzt...

Mayamaya'y naramdaman ni N ang mahinang pag-vibrate ng cellphone niya mula sa kanyang bulsa. Dahil dito'y agad niya itong kinuha.

He then checked the message, and it was coming from their main group chat.

==================

Morgan: Goodnight guys! Tomorrow ulit!

(Ruthe Morganna Lucas logs out>

==================

Iyong mensahe ng isa sa kanyang mga kaklase lamang ang kanyang nakita mula roon.
Siguro ay nakipagdaldalan nanaman ito sa iba, kaya siguro kahit mag-aalas dose na ay ngayon palang mag-o-off ang mga ito.

N scrolled through his phone all the way back. Halos napaka-rami na rin kasi ng mga messages eh. And none of it were kind of important. Mga samu't-saring topic lang 'rin naman ang kanyang nabasa mula rito. Mostly, galing sa mga Marites niyang mga kaklase.

He then, scrolled and scrolled all the way up... Hanggang sa, mapahinto siya sa part kung saan ay muli niyang nakita ang kauna-unahang chat sa kanila noong misteryosong WheelBlog user na si Lucifer...

"Lucifer, huh?"
Wika ng binata sa sarili.
"Sino ka ba kasing talaga? Pinaghinalaan tuloy ako ng mga kaklase kong dummy account kita eh," aniya pa.

Ilang segundo rin muna ang lumipas at tinitigan niya lamang iyong chat no'ng Lucifer.

===================

Lucifer: Starting tonight, your whole class must participate in a daring game. You must obey every single orders coming from Loki. Doing so will give you some rewards and wishes of completing the orders. Disobedience will lead to your punishments. This is not a typical online game. Once you became a part of it, there will be no turning back. You, have been warned.

===================

Napabuntong hininga nalamang ang binata.
"Kung sino ka man, I bet mas weird ka pa sa'kin," wikang muli ni N sa sarili, sabay sip mula sa kanyang gatas. It wasn't as hot as before.

Mayamaya'y naglakas loob ang binatang i-click ang profile ni Lucifer.

He wanted to know what kind of person he or she is. Ngunit nadismaya lamang ang binata nang walang ibang nakitang mga kung ano roon sa profile ni Lucifer kundi ang purong itim lamang nitong profile picture.

In short, his WheelBlog account was totally empty.

"How boring," N uttered. "Ngayon alam ko na. Kung hindi ka man poser, paniguradong isa kang scammer o kung sino mang walang magawa sa buhay..."
Aniya pa habang nakatitig pa rin sa account ni Lucifer.

Makalipas ang ilang segundo ay bigla nalang nag-beep ang cellphone na hawak ni N...

================

Lucifer just posted a video.

================

"Huh? Teka, wala toh kanina ah..."
Bulong na wika ni N sa sarili matapos makita ang isang kaka-upload palamang na video sa WheelBlog account ni Lucifer.

There was no caption. Just the video itself. At wala rin itong kahit na anong thumbnail, maliban lamang sa purong itim.

N wanted to click and play the whole thing. Ngunit, para bang may parte sa kanyang nagsasabing iwanan niya nalamang itong mag-isa...

But he just took a deep breath, at bahagyang pinahinaan ang volume. Kinakabahan siya, baka kasi bigla nalang itong umungol ng wala sa oras eh, magising niya pa ang kanyang mga kapatid at mga magulang at sabihing nanunood siya ng porn.

He played the video, which was just a minute long.

It went on, silently. At halos purong kadiliman lamang ang kanyang nakikita mula rito.
"C---Creepy..."
Wika niya sa sarili habang nakatutok pa rin sa panonood no'ng video.

The video goes on. At habang focus sa panonood nito ang binata, wala siyang kaalam-alam sa mga kamay na unti-unting pumapalibot na mula sa kanyang leeg.

N then, suddenly felt goosebumps around his neck, dahilan upang bahagya siyang mapalingon mula sa kanyang likuran.

But...

There was nothing there...

**

"N... Tulong..."
Isang mahinang boses ang bigla nalamang niyang narinig...

But the scary part was...

It was coming from his cellphone.

Kaya nama'y dahil sa kaba, ay dahan-dahan siyang napapatingin mula rito. At nang tuluyan niya nang maiharap ang kanyang mga mata sa kanyang cellphone ay gayo'n nalamang ang kanyang biglaang pagkagimbal nang makita ang isang babaeng naka-bigti mula rito. She was wearing a face full of pain and suffering!
And is struggling from being hanged.

"TU~LONG!"
Impit na sigaw no'ng babaeng nasa video, habang deretsong nakatingin mula sa mga mata ng binata. Na wari bang, nakikita rin siya nito.

N was bewildered. At nang dahil din doon ay naramdaman nalamang ng binatang unti-unti nanamang sumisikip ang dibdib niya. Senyales na siya'y inaatake nanaman ng kanyang hika!

Dahil dito'y hindi sinasadyang nabitawan ni Mell ang kanyang cellphone. He was struggling to breathe!

Ngunit mabuti nalang talaga't parati niyang dala-dala ang kanyang inhaler, kaya nama'y kaagad niya itong kinuha mula sa loob ng ganyang bulsa't ipinalsak mula sa kanyang bibig.

He breathed it in for 7 seconds, hanggang sa unti-unti na ngang bumalik ang kanyang normal na paghinga. He doesn't want his family and neighbors to woke up, kaya nama'y hindi na siya gumawa pa ng kahit na anong ingay.

Napasandal nalamang ang binata sa inuupuan niyang rocking chair, sabay napasapo mula sa kanyang ulo. He was relieved. Mabuti nalang at naagapan niya agad...

He took another deep breath.
"Ano ba kasi 'yon..."
He said to himself, still can't had enough of the video he just witnessed. He was too creeped out about it that his curiosity is killing him!
"At ang babaeng 'yon... B--Ba't parang pamilyar siya?"
Aniyang muli sa sarili.

What he saw scared the shit out of him. Ngunit gayo'n pa man ay pinaniwalaan niya nalamang na marahil iyon ay isa lamang clip galing sa isang horror movie. And maybe he just misheard his name?

There is no way he'll want to play it again.

*Bzzzzzzzzzzzzzzt~*

Muling napatingin mula sa nahulog na kanyang cellphone si N nang bigla nalamang itong mag-vibrate ng napakahaba.

He was still a little terrified, dahil sa nakita niyang video kanina. Ngunit gayo'n pa man ay pinulot niya pa rin ito.

Ngunit sadyang nagtaka ang binata nang makitang wala na 'roon ang video na kamakailan lamang ay ini-upload ng user na si Lucifer. His timeline was empty again...

Pero ang mas nagpaagaw ng pansin sa binata ay nang pindutin niya ang main chat room nila ng kanyang mga kaklase. Mula roon ay sunod-sunod na siyang nakakita ng mga mensahe. At lahat ng iyon ay nanggagaling mismo sa estrangherong WheelBlog user na si Lucifer...

===================

Lucifer: Player #33, N Lambert must announce his deepest darkest secret around his classroom within 12 hours

Lucifer: Player #02 Ritchelle Alcoy must cut off her thumb.

Lucifer: Player #13 Michelle Caniopé must loose 3 important things in her life.

Lucifer: Player #46 Tiffany Anne Monroe must slap Player #48 Floryn Montgomery on the face.

Lucifer: Player #62 Joey Valentine and Player #53 Regina Pelletier must stab each other's shoulders.

Lucifer: Player #52 Gabrielle Paxton must broke the new student's arm.

Lucifer: Player #23 Joshua Durant must kill off all of his dogs.

Lucifer: Player #05 Blessie Arcalon must steal the most important thing her mom is being kept secret at.

Lucifer: Player #59 Rina Russell must cut off her tounge.

Lucifer: Player #58 Rizzo Reanido must kiss Player #65 Kerwin Vitanzo's foot.

Lucifer: Player #64 Kim Vega must walk around the Tendido Park naked.

Lucifer: Player #51 Rosemarie Norton must kill three of her favorite person.

Lucifer: Player #07 Jerelyn Basin must snatch out Player #27 Arjelyn Green's left eye.

Lucifer: The orders from Lucifer must be obeyed and must be followed. You will be given 24 hours to do all the game tasks, while one of you has been given a limit of 12 hours. Not participating in time will lead to punishments.

=======================

Matapos iyong mabasang lahat ni N ay halos hindi siya makapaniwala sa mga ito...

His face couldn't be drawn up, to what emotion is he feeling during those moments.

It was a daring game sent by Lucifer. Tons of tons of daring games. And not just ordinary, every single one of it are pure nasty and terrifying.

Doon lamang napagtanto ni N na hindi lang pala basta isang weirdong WheelBlog user itong si Lucifer.
"He's a total psychopathic creep."


T o B e C o n t i n u e d....


Chapter Characters
(In order of appearances)

+ N Lambert
+ Cody Lambert
+ Zeke Lambert (asleep, no lines)
+ Liam Lambert (sleep, no lines)
+ Morgan Lucas (through chat)
+ Lucifer (through chat)
+ Alina Guilliar (video)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top