02 : Let The Right One In
+++
CHAPTER 2
~ Let the Right One In ~
"That’s how you should be. Accept your burden and carry it, with joy. That’s how you should be."
- John Ajvide Lindqvist
+++
Isang dalaga ang gulat na bigla nalamang napabangon mula sa kanyang kinahihigaang kama.
Halos mapuno na rin ng pawis ang kanyang buong katawan, at hindi niya rin mapigilan ang kanyang mabigat na paghinga. Marahil ay dala ang lahat ng ito sa kanyang masamang napanaginipan.
"Anak? Nak! G--Gising ka na pala!"
Wika ng taong unang bumungad sa kanya. It was her mother, na kanina pa palang nakaupo malapit sa kanyang kama.
"Nay?"
May halong pag-tataka niyang wika. Napalibot din siya ng kanyang tingin, at lubusang nagtaka nang mapagtantong hindi pala siya nasa loob ng kanyang kwarto.
Mayamaya'y dali-daling lumabas ang kanyang ina at may tinawag na mga nurse.
The nurses got there in just seconds, at sinuri ang buong kalagayan ng dalaga, na sadyang ikinataka nito.
***
Makalipas ang ilang minuto ay kaagad na ring nagsialisan ang mga nurse. They explained everything to her
Like what happened, why she was there in the first place, at kung ilang araw na ba siyang naroroon. And it turns out na, na-comatose pa pala siya ng mahigit isang linggo.
At dahil dito ay kaagad na muling naalala ni Althea ang lahat ng mga huling nangyari sa kanya. And it was a nightmare.
**
"H-Hindi ko po talaga inaakalang... m-magagawa sakin ng isang kaklase ko yun. I-I mean... at the same time, hindi ko rin naman rin po siya masisisi kung gustong-gusto niya akong saktan. P-Pero ang pagtatangkaan ang buhay ko? I-Ibang kaso na po 'yon!"
Wika ni Althea.
Tessa wiped away her tears, halatang nagpipigil lamang ang ina sa pag-iyak.
"Sa ngayon pinaghahanap na siya ng mga pulis," aniya.
"A-Alam mo anak, mabuti nalang talaga at first degree mild burn lang ang natamo mo at walang masyadong masamang nangyari sayo!" She said. "K--Kasi... H--Hindi ko na rin talaga alam kung ano pa ang gagawin ko! Ba't ba naman kasi may magtatangkang gumawa sayo no'n, anak?" Aniya pa.
Napahinga nalamang ng malalim si Althea, sabay hawak sa kamay ng kanyang ina. Pinaka-ayaw niya talaga ay ang nakikita ang kanyang mga magulang na umiiyak.
"Nay, wag na naman ho kayong umiyak oh! Wala naman hong masamang nangyari sa'kin diba? Mabuti nalang ho talaga at nando'n din 'yong mga kaibigan ko," she said.
Bahagya namang napangiti nalamang ang kanyang ina, sabay tango-tango pa.
"Oo. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila. Alam mo bang hindi sila nag-hesitang buhatin ka kahit na, nasa hindi kagandahang kalagayan ka na raw? Mabuti nalang at kaagad silang nakakita ng isang fountain. At sabi ng mga nurse, baka ang pagkakatapon nila sayo roon ang nagsanhi ng mild mong pagkakabagok kaya ka na-coma ng ilang araw at walang maalala agad nang magising ka na. Labis akong nag-alala anak. Pero, buti nalang talaga't hindi gano'n kasama ang nangyari sayo."
"T--Talaga, ma? Itinapon nila ako sa isang fountain?"
Bahagyang natatawang wika ni Althea.
"Oo. Ayun nalang din kasi ang pinakamalapit na nakita nilang tubig para matanggal sayo ang apoy eh. Matapos 'yon, ay sinubukan nilang hanapin iyong kaklase niyong gumawa sayo noon. Kaso, hindi na nila ito muling nakita pa. Ngunit gay'n pa man, magbabayad pa rin siya sa pagtangkang pagpatay sa'yo, anak."
Nang muling mabanggit ng ina ang tungkol sa kaklaseng si Alina ay muli lamang ding nawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
Naalala nanaman kasi nito ang mga bagay na noo'y kanyang nagawa sa dalaga.
Kasalanan niya rin naman kasi eh kung bakit gagawin sa kanya iyon ni Anila.
They humiliated her. And now, the bullied girl wanted revenge.
***
Makalipas ang ilang minuto ay parehong narinig nina Tessa at Althea ang mahinang pagkatok ng pintuan mula sa kanilang kwarto.
"Ah. Baka ang mga kaibigan mo na yan. May mga dadalaw din kasi sayo ngayon eh. Teka lang muna nak ah, buksan ko lang ang pinto. At tsaka, maiwan ko na muna kayo rito't may mga bibilhin at aasikasuhin lang ako sa labas," wika ng ina, bago tuluyang buksan ang pintuan ng kwarto.
Unang binati muna ng mga ito ang ina ni Althea, at pagkatapos ay kaagad nang nagsipasukan.
Came inside are several of her friends named Guinevere, Gwendolyn, Brennon, N, Floryn and a familiar face of a girl whom she doesn't know the name yet.
At halos pare-parehong nagulat ang mga ito nang makitang gising na pala ang kanilang kaibigan.
"Oh my gosh!! Totoo ba tong nakikita ko? Althea, gising ka na!?"
Gulat na bulyaw ni Gwendolyn, at pagkatapos ay bigla nalamang siyang niyakap ng mahigpit.
Ngunit kaagad ding napalayo si Gwen nang marinig niya ang mahinang pag-aray ni Althea.
"Kung makayakap ka naman! Kaka-recover palang ni Thea eh!" Ani ni Guinevere.
"Sorry! Sorry! Hindi lang talaga ako makapaniwala! Buong pag-aakala ko kasi maghahanap pa tayo ng isang prince charming para lang mabigyan ng isang true love's first kiss itong bestfriend natin magising lang eh!"
Napatawa nalamang ng dahil dito si Althea.
"Asus! Na-miss ko rin kayo!" Aniya pa. Matapos iyon ay nagsiupuan na ang kanyang mga kaibigan sa tabi ng kanyang kinahihigaan.
"Teka lang, at sino naman tong chix?"
Turo ni Althea roon sa babaeng kasama ng kanyang mga kaibigan.
"Ah! Theresa, si Nica nga pala, yaya ko," pabirong wika ng binatang si Brennon, dahilan upang kaagad siyang masiko ni Nica.
"J--Joke lang!"
Agad na bawi ng binata.
"Si Nica... Girlfriend ko," nangingiting wika pa nito.
Bahagyang napataas naman ng isa niyang kilay si Theresa, halatang hindi satisfied sa sinabi ni Brennon.
"I want the truth, sir."
"Oo, nagsasabi siya ng totoo," wika ni Nica.
"Hi Althea! Ako nga pala si Nica, girlfriend ni... Didoy."
Pagpapakilala naman ng dalaga sa sarili, sabay lahad ng kanyang kamay sa dalaga. At 'Didoy' kasi ito ang naka-ugalian nilang itawag kay Brennon.
Hindi man makapaniwala ay tinanggap nalamang iyon ni Althea.
"Seryoso kayo?"
Muling tanong ng dalaga, na ikinatango nalamang ng lahat. Althea gasps.
"No way!! Na-coma lang ako at nakapag-jowa na si Didoy ng babaeng pang-Miss Universe ang dating? Ang gara ah! Sana all!" Aniya pa, dahilan upang mapangiti ng pilyo nalamang si Roger habang napapakamot mula sa kanyang batok at namumula.
"Wag niyong sabihing pati tong si N may jowa na rin!"
Turo naman ni Althea roon sa isa pa nilang lalakeng kaibigan.
"You can't hurry love. You just have to wait," tipid na iniwika lamang naman ng binata.
"Teka, kanta yun diba?"
Althea asked.
"Anyway, maiba tayo... So, Thea, kamusta ka naman ba? May mga nararamdaman ka parin bang sakit?"
Tanong ng kaibigan niyang si N, seventeen years old. Siya iyong binatang naka-suot ng wari ba'y mala-Harry Potter na eyeglasses dahil sa sobrang bilog nito. Wala naman itong grado, talagang hilig lang nitong magpa-geek-looking. And he's not really the jock-y type either. He's just the type of guy everyone has for a friend. Plain and simple.
"Oo, N, may nararamdaman pa akong sakit," seryosong pagkakasabi ni Theresa.
"Huh? S--Saan?"
N, foreasked.
"Sa puso ko. Hanggang ngayon kumikirot pa rin, dahil iniwan niya lang ako't ipinagpalit sa iba," pabirong hugot na sagot ni Althea, dahilan upang mapasapo nalamang mula sa kanyang mukha si N sabay iling pa, habang iyong iba nama'y napatawa nalamang dahil sa ka-kornihang ibinanat ni Althea.
"Nice, Thea! Bumabalik ka na agad ah!"
Wika ng matcho gwapito nilang kaibigang si Brennon, nineteen years old. Ang pinakanakakatandang teenager sa kanilang magkakaibigan. Roger, or commonly known as Didoy is a jock-y type muscle kid with a shy personality. Kaya siguro hindi makapaniwala si Theresa nang malaman nitong mayroon na siyang girlfriend. Dahil even though may ibubuga naman talaga ito mula sa kanyang itsura, medyo kulang naman ito sa deskarte pagdating sa mga babae. Sobrang mahiyain din kasi.
"Haay naku! Bumabalik sa ka-kornihan, kamo!"
Bagot na sabi namang muli ni N.
"Atleast sign 'yon na talagang okay na siya. Diba Thea?"
Wikang muli ni Brennon.
"Oo seryoso, okay na talaga ako," seryosong bawing iniwika ni Althea. "Walang labis, walang kulang! Sabi ng doktor, mabuti nalang daw talaga't 1st degree mild burn lang daw ang natamo ko. Kasi hindi raw kaagad na dumikit sa'kin 'yong apoy eh. Siguro dahil 'yon sa pagkakatapon sa'kin ng gasoline water ni... A--Alina. Medyo natabing ko kasi 'yong bote, kaya kaunti lang yung dumikit sa'kin. Sa braso ko lang din. At sabi pa ng mga nurse, e baka raw weeks lang ang aabutin at unti-unti nang maghihilom 'tong mga sugat ko," she explains.
"What a relief! Wag na wag mo na ulit gagawin 'yon samin, Thea ah! We know what happened. Everything! Sinabi sa'min nina Jiro ang lahat ng mga pangayayari," N said.
"Pero... Kung ano man ang mga nangyari no'ng gabing iyon ay hinding-hindi ko na makakalimutan," sabi pa ni Althea, dahilan upang manahimik muna ang lahat sa loob ng anim na segundo.
Nabasag lang iyon nang magsalitang muli si Althea.
"Teka nga pala. Ngayong nandito kayo, ibig bang sabihin nito, alam na rin ng lahat ng mga kaklase natin ang nangyari sa'kin?"
Tanong niya sa mga kaibigan.
"Hindi lang ng mga kaklase natin, actually kalat na rin siya sa buong campus, at sa mismong Vanity Hills na rin," mahinhing pagkakasambit naman ni Floryn. Ang kaibigan nilang may pagka-Maria Clara type na babae. Kulot ang buhok nito at laging naka-pony tail. She's also a geeky type, but unlike N, she doesn't wear glasses or any other accessories. She's more of a nerdy girl who only loves reading books and anything related to witchcraft, fantasy and fiction.
"Totoo."
Singit na wika naman ng tomboyish na si Guinevere, o mas nakasanayan na sa palayaw na 'Gwinny'.
"Isang krimen ang bagay na ginawa sayo ni Alina eh. Kaya, talagang dapat lang na i-anunsyo ito sa buong town's land," aniya pa. Although may pagka-tomboyish si Gwinny, she still considers herself as a straight girl and not as a lesbian. Talagang mas gusto lang nito ang porma at kilos na panglalake. Pero madalas ay kaya niya rin namang kumilos pambabae. Lalo na kapag nasa malapit lang ang lalakeng kinahuhumalingan niya. At kagaya nina Gwendolyn at Nica, despite of being part of Theresa's group, silang tatlo lang ang kanilang mga kaibigang hindi parte sa mismong klase nina Althea.
"I--Ibig bang sabihin nito, wanted na si Alina?"
Muling tanong ni Althea.
"Ano pa nga ba," said Gwinny.
"Eh,Thea... Matanong ko lang... sabi kasi sa'min ng ibang mga kaklase niyo, kaya ka raw kamuntikan nang mapahamak dahil gusto mong makipag-usap doon sa, Alina na 'yon? Eh diba... kilala siya bilang anak ng isang k--kriminal?" tanong sa kanya ni Gwendolyn, o Gwen for short. Ang pinaka girly-type naman sa kanilang magkakaibigan.
Theresa sighs.
"Oo. Gusto ko lang naman talagang makipag-usap sa kanya eh, iyon lang. Umaasa ako na, makakahingi pa ako ng tawad sa mga bagay na nagawa ko sa kanya. Mga bagay na... nagawa namin, ---to be exact. At tsaka, even though kriminal ang tatay niya, hindi naman ibig sabihin pati siya kriminal na rin diba? M--Masyado lang talaga namin siyang nahusgahan noon kaya siguro gano'n," ani ni Althea.
Dahil sa sinabi niyang ito ay pare-pareho lamang na napatamo sina N, Brennon at Floryn. Dahil hindi nila maikaka-ila na nagkaroon din sila ng parte sa mga nagawa nilang hindi maganda kay Alina noong kaklase pa nila ito. It was not like, they too, were such a bully. Wala lang talaga silang nagawa no'ng mga panahon na iyon at pinabayaan lamang na magkaganoon si Alina.
Guinevere, took a deep breath.
"Althea, kung ano man ang mga nangyari sa inyo noon, masama man o hindi, iba na 'yon eh. Nakaraan na ang lahat nang iyon," wika ni Gwinny. "She still tried to kill you. Kaya gayo'n pa man, kahit ikaila pa man na'tin ang lahat o hindi, sumunod na rin siya sa mga yapak ng tatay niya ngayon. Diba nakapatay ng apat na tao si Mang Antonio Guilliar dati? At ngayon, attempted murderer mo na si Alina. In short, like father, like daughter." aniya pa.
"Eh diba lumipat ng bayan dati sina Alina dahil sa mga pang-aakusa ng mga taong bayan sa kanila?" Wika ni N.
"S--So, tingin niyo ba guys, na nagbalik siya rito para maghiganti sa'tin? I--I mean, kamuntikan niya nang sunugin si Althea, kaya baka---"
"Gagiks! Tumigil ka nga, N! andyan ka nanaman eh!"
Sabat sa kanya ni Floryn.
"Siguro nasobrahan ka nanaman sa panonood mo ng mga horror movies noh?"
"Nagsasabi lang! Minsan kasi, hindi lang pang-enterntainment ang mga movies at stories! Minsan, nagsisilbi rin silang guide or warning sa mga nangyayari o mangyayari palang sa totoong buhay," wikang muli ni N. "Kagaya ngayon! Hindi pa nakikita ng mga pulisya si Alina. Kaya, malay na'tin nagpa-plano na pala siya sa kanyang mga susunod na pag-atake? We never know."
"Haay naku! Ewan ko nga sayo N! Kaya ayokong nanonood ng mga nakakatakot na palabas eh! Baka mamaya maging kamukha na kita! Masaya na ako sa Harry Potter at I Am Number Four franchise," wika nalamang ni Floryn.
"Aba! Bakit? Cute naman ako ah! Sabi ng mga magulang ko!" He said pouting like a little kid.
Magsasalita na sanang muli si Floryn upang barahin ang sinabi ni N, pero agad lamang silang inakbayan ni Roger, na sa mga oras na iyon ay nakaupo sa pagitan nilang dalawa, sabay inuntog ang mga ulo nito sa isa't-isa, dahilan upang pareho silang mapa-aray.
"Ba't mo ginawa yo'n!?"
Inis na tanong ni Floryn.
"Alam niyo, ayoko sanang maging referee rito eh, pero parang 'yon kasi ang ginagawa niyo sa'kin. Kaya ano, another untog, gusto niyo?"
Aniya, dahilan upang magsitawanan nalamang silang lahat.
Makalipas ang ilang oras na pananatili ng magkakaibigan ay napagpasyahan na'rin ng mga itong umuwi na't bumisita nalamang sa mga susunod na araw.
After another week, ay posible na'rin namang makalabas sa hospital si Althea.
"Sige, Thea magpagaling ka na ah?"
Ani Gwen sa kaibigan. Nagpaalam na rin sila sa mama ni Althea. Seeing their bright sweet smiles before leaving made them happy as well.
***
"So... Sasakay ba tayo ng taxi, jeep, tricycle o ano?"
Tanong ni N sa mga kaibigan pagkalabas na pagkalabas nila mula sa loob ng hospital building.
"Walking would be nice," ani naman ni Nica.
"Eh? Sure kayo?" N asked.
"Kung okay lang sa inyo, tatawagin ko nalang 'yong driver namin para sunduin tayo gamit ang limousine ko," pabirong pagyayabang ni Brennon, dahilan upang mapatawa nalamang ang ilan sa kanila.
"Highschool ka palang! At as if naman meron ka nun!"
Gwen said while giggling.
"Maglakad na nga lang tayo. Malapit lang naman ang mga bahay natin dito diba," pag-su-suggest naman ni Gwinny.
"Okay! Sinabi niyo eh!"
Bored na wika nalamang ni N, sabay nag-unat-unat. Matapos iyon ay sabay-sabay na ngang naglakad papaalis mula roon ang magkakaibigan.
It was already 6 pm, at unti-unti na ring lumulubog ang sikat ng araw. Ibig sabihin ay malapit nang mag-gabi.
Habang naglalakad ay halos may iba-ibang ginagawa lamang ang magkakaibigan.
Brennon and Nica were the ones in front talking with each other, habang nasa likod naman nila sina Gwinny, Gwen at N.
Floryn was just behind them. Halatang busy sa kaka-text kay Chloe. Isa sa kanilang mga kaklase, at ang maituturing niyang pinakamatalik na kaibigan.
Nangungumusta ito sa kalagayan ni Althea. And Floryn was just reporting everything that have happened this morning to her.
Ngunit natigilan sa kaka-type mula sa kanyang cellphone si Floryn nang may isang taong naka-suot ng hood ang bigla nalamang bumangga sa kanya, dahilan upang bigla nalamang mabitawan ni Floryn ang kanyang cellphone.
Pupulutin na sana iyon ni Floryn, ngunit kaagad siyang naunahan no'ng estrangherong tao at ini-abot iyon sa kanya.
"P--Pasensya na. Heto o---"
Nang makita no'ng estranghero ang mukha ng dalaga ay gulat na bigla nalamang siya natigilan at kaagad na napatalikod. Dahilan upang magtaka si Floryn.
Ngunit isang tipid na "Salamat" nalamang ang isinagot niya rito matapos na makuha ang kanyang cellphone, at nagpatuloy na muli sa paglalakad.
"Floryn? Sino yun? At anong nangyari sayo't ba't nahuhuli ka?"
Gwen asks.
"Wala. Nalaglag kasi 'yong cellphone ko eh. At may nakabungguan akong tao kanina," aniya.
"Yan! Cellphone ka kasi ng cellphone habang naglalakad!"
Wika ni N.
"Buti nalang at binunggo ka lang. It could have been a worse case scenario," aniya pa.
Habang naglalakad ay muling napalingon si Floryn mula sa estrangherong kanyang nakabungguan kanina.
Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit, pero pakiramdam niya ay bigla nalang siyang nakilala no'ng estrangherong iyon kaya ito kaagad na napa-iwas ng tingin mula sa kanya.
But she couldn't really tell whether that stranger was a male or a female.
"Uy, Flor. Nakikinig ka ba?"
Tanong sa kanya ni N, dahilan upang muli siyang mapalingon mula sa kanyang mga kaibigan.
"Huh?"
Tanong niya.
N sighs. "I said, bilang mga kaibigan mo, you should really take our advices."
"The truth!" Brennon said, agreeing.
"Advices?"
Muling tanong ni Fkoryn. Halatang wala sa kanyang mga kaibigan ang pokus ng kanyang atensyon.
"Stop texting while you're in the middle of the road!! Ayon lang naman!"
Aning muli ni N.
***
Napakumo naman mula sa kanyang kamao iyong estrangherong kani-kanina lang ay nakabungguan ni Floryn.
Pero imbis na ilabas ang kanyang galit ay napa-hinga nalamang siya ng maluwag, upang pakalmahin ang sarili.
She then, smirked while still trying to stare at the people she just crossed-path with.
"Classmates..."
Bulong nito sa sarili.
"Namimiss ko na rin kayo," aniya pa at pagkatapos ay muli nang nagpatuloy sa paglalakad...
"Pero mas may namimiss pa ako kaysa sa inyo," wika pa nito. Na ngayo'y nakatayo na mula sa harapan ng Morano Hospital...
T o B e C o n t i n u e d.....
Chapter Characters
(In order of appearances)
+ Althea McKinley
+ Tessa McKinley
+ Guinevere Montevilla
+ Gwendolyn Stevens
+ Brennon Leonheart
+ N Lambert
+ Floryn Montgomery
+ Nica Carolina
+ Alina Guilliar
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top