01 : Catching Fire

+++

CHAPTER 1
~ Catching Fire~

"Sometimes, things happened to people. And they're not equipped to deal with it."

- Suzanne Collins

+++

"Ilang blocks pa ba kasi papunta sa bahay nina Phoebe? Eh halos kanina pa tayo palibot-libot dito sa kalyeng toh oh!"
Reklamo ng dalagang si Sarah, sa kanina pang nagmamanehong si Stiles.

"Oo nga. Dude, sigurado ka bang alam mo talaga ang papunta sa bahay nina Phoebe?"
Wika naman ng binatang si Jiro.

Napabbuntong hininga nalamang si Stiles dahil sa kanina pang pagrereklamo ng kanyang mga kaibigan. "Guys, relax okay? Makakarating din tayo do'n!"

Tiffany rolled her eyes in annoyance. "Kanina mo pa kaya sinasabi yan! 15 minutes na tayong late! And for sure, kanina pa nag-start ang party nina Phoebe without us! And it's gonna be all your fault, Stiles!" Reklamo nito.

It was 10:30 in the evening, at kasalukuyang naka-sakay ngayon sa isang van ang limang magkakaibigan na sina Stiles, Jiro, Althea, Tiffany at Sarah.

Sa mga oras na iyon ay papunta sana sila sa isang party, na isa sa kanilang kaibigan lang din mismo ang mag-hohost.

Ngunit wari ba'y kanina pa nila sinusulsog ang bawat kalye ng Crimson Ville at hanggang ngayo'y hindi pa'rin nila nahahanap ang sinasabing bahay ng kaibigan. And yes, it was their first time to visit Phoebe's. And it feels more like, today isn't their very good day for a road trip.

Kaya nama'y halos mag-init na ang mga ulo ng ilan sa kanila, lalo na kay Stiles, since siya ang nagmamaneho.

Ngunit isa sa kanila ang kapansin-pansing kanina pang tahimik sa halos buong biyahe. It was Althea, and she doesn't give a shit.

Nababagot at walang ibang iniisip lamang ito kundi ang sana'y tumahimik nalamang ang kanyang mga kasama.

"Sarah, have you texted Phoebe yet?" Tiffany asked.

Umiling lamang si Sarah bilang sagot. "Trinay ko na nga rin siyang tawagan eh, pero tingin ko busy na talaga siya."

"Then what about the others?"

"Wala eh. Busy rin."

Tiffany sighs and slightly touched the bridge of her nose, unamused.
"Which makes sense kasi kanina pa nag-s'start iyong party, habang tayo naman, nasa-maze of the unknown pa'rin! Alam niyo naman ang number one rule nating mga taga 10-A diba? Kung sino man ang huling ma-late sa mga events ay siya ring maglilinis ng mga dumi at kalat sa buong set ng party. And if that happens to me, I'm definitely gonna kill all of you guys! I freakin' swear! " Tiffany exclaimed, looking stressed.
“Lalong-lalo ka na, Stiles!”

“Sino ba kasi ang gumawa ng rule na yun?” Napapangiwi na tanong naman ni Stiles.

"I don't know. And just shut up and drive. I don't wanna be here for hours!" mataray na sagot lamang ni Tiffany sa binata.

"May idea ako! Pano kung hindi nalang tayo pumunta sa party nila Phoebe at mag-set nalang tayo ng sarili nating party?" Ani Sarah.

Tiffany rolled her eyes. "At ano naman ang gagawin natin sa party mo, Sarah? kumanta ng Happy birthday at i-disco ang baby shark? Duh!"

"Nag-su'suggest lang naman."

"Teka. Stiles, pwede mo bang i-hinto 'yong van do'n sa may bahagyang bakanteng lote?" sabat ni Althea sa mga kaibigan, matapos siyang may makitang isang pamilyar na mukhang naglalakad sa may gilid ng kalsada. It was her first time to interrupt her friends habang nasa buong biyahe, kaya nama'y sabay-sabay at pare-parehong napalingon naman sa kanya iyong iba.

"Saglit lang may kakausapin lang ako."

But Tiffany wasn't in favor of the idea of stopping by the road, lalo na't may hinahabol pa silang oras.
"For God's sake, Althea! Kung sino man yan, di ba pwedeng i-text mo nalang siya o i-dm sa messenger? Or do you even have a Twitter account? Facebook, Instagram or something---"

"Sabi ko, saglit lang," pag-puputol ni Althea sa pag-rereklamo ni Tiffany.

"Kung makakapaghintay lang sana ang oras sa'tin, then why not? Kahit diyan ka pa sa gilid ng kalsada matulog ng tatlong oras, walang problema. But time waits for no one, Althea," sarkastikong pahayag ni Tiffany sa dalaga.

"It's just a party, Tiffany," wika naman ni Althea. “It's not like, mali-late na tayo sa school at may papalo sa'ting teacher. And besides, we're still lost anyway, so I might as well just use one of my precious time.”

"Pero, Alth, bakit?" Sarah asked.

"Basta. May kailangan lang akong kausapin," tipid na sagot ng dalaga.

Napahinga nalamang ng malalim si Tiffany. Sabay bulyaw ng, "Okay fine!! Three minutes!"

Wala namang ibang nagawa ang magkakaibigan kundi ang iparada nalang muna ang van sa may tabi.

Mula roon ay bumaba si Althea, at kaagad na nilapitan ang isang babaeng kaklase na matagal niya nang hindi nakikita. May dala-dala itong puting plastic bag na halatang puno ng mga sardines at iba pang canned foods.

"Alina?"
Tawag niya rito, dahilan upang kaagad na mapalingon sa kanya iyong dalaga.

"A--Althea?"
May halong gulat na wika ng dalaga matapos na makita ang mukha ng kaibigan. --or rather, dating kaibigan.

Dahil dito ay kaagad na itinago ni Althea ang kanyang mga pinamili mula sa kanyang likuran. Nahihiya na makita ito ng dalaga. Nahihiya na baka pagtawanan at tuksuhin siya nito kagaya no'ng iba.

"Alina, kailan ka pa naka-uwi?" nakangiting tanong ni Althea, ngunit naiilang na napapatingin lamang sa kanya iyong dalaga.

**

"Sino ba kasi yang gusto niyang kausapin?"
Takang tanong ni Tiffany, habang pare-pareho lamang silang nakatingin mula sa labas ng kanilang van at tinatanaw mula sa hindi lamang kalayuan sina Althea at iyong misteryosong babae. Sarah and Jiro both shrugged their shoulders bilang sagot sa tanong ni Tiffany.

"Baka boyfriend niya?"
Ani ni Sarah.

"Hindi. Tingin ko babae rin 'yong kinakausap ni Althea eh," sabi naman ni Jiro.

"Oh, edi baka girlfriend niya," singit na wika naman ni Stiles. Halatang gustong mag-crack up ng isang joke, ngunit pare-parehong napa-tingin lamang sa kanya iyong tatlo, na wari bang na-ko-kornihan sa sinabi nito.

"Si Althea, magkaka-girlfriend? Dude, lilipad muna ang mga baboy. Halata namang may crush yan sa'kin eh," natatawang sabi ni Jiro.

"Wow ah! Tol confident! Hangin!"
Natatawang wika nalamang ni Sarah.

"Wait a minute..."
Mas ipinokus ni Tiffany ang kanyang mga tingin doon sa babaeng kausap ni Althea.

“And what makes you think na may crush si Theresa sa'yo ha? Abir, Jiro?”

“Itinatanong pa ba yan? Edi syempre, dahil sa—”

"Can you guys just please shut the hell up for a sec? I'm trying to focus here!"
Sita pa ni Tiffany sa kanyang mga kasama, na halos mangintsik na ang mga mata, mas maaninag glamang kung sino iyong kinakausap ni Althea.

Mayamaya nama'y kaagad nalamang na napatakip ng kanyang bibig si Tiffany nang agad na makilala iyong babae.
"Oh my gosh! I think nakikilala ko na kung sino yang kinakausap ni Althea!"

"Sino, mama mo?"
Natatawang wika ni Jiro, dahilan upang pareho silang magtawanan ni Stiles.
Tatawa na rin sana si Sarah, ngunit kaagad lamang siyang binigyan ng isang napakatalim na mga tingin ni Tiffany, dahilan upang ito'y hindi matuloy.

"No. It's that pathetic freakshow girl. 'Yong parating nabu-bully sa class natin dati, dahil sa amoy niya? Naaalala niyo pa naman siya right?"
Tanong ni Tiffany sa kanila.

“Si Cruzia?” Pagbanggit ng isang pangalan ni Jiro.

“No. Worse than her,” sabi naman ni Tiffany.

"Si... Alina ba 'yong tinutukoy mo? And, uhh... nambubully? U--Uy, kayo lang 'yon ah! Hindi ako kasama do'n! Malinis na malinis ang konsensya ko!" depensa naman ni Sarah.

"Diba siya rin 'yong pinaghihinalaan nilang... anak ng mga kriminal daw?"
Tanong naman ni Stiles.

"No comment ako riyan," sabi naman ni Jiro.

"I know right? At hindi ako makapaniwalang gustong makipag-usap ni Althea sa weirdong yan. Does she owe her a dept or somethin' or what?"
Said Tiffany.

**

"B--Bakit?"
Nanginginig na iniwika ni Alina, na hanggang ngayon ay hindi parin makatingin ng deretso kay Althea.

Napabuntong hininga nalamang si Althea. Maiintindihan niya kung bakit hindi ito makatingin sa kanya ng deretso. It's been a rough past. At hanggang ngayon ay hinding-hindi niya parin makakalimutan ang mga bagay na nagawa niya at ng mga kaibigan niya noon kay Alina.

But the thing is... She never really did anything. And that alone was the problem. She never did anything. The whole class was bullying her, and all she did was to stay silent. Even though Alina was her friend.

Anyone can call it cowardice. But in her own point of view, ayaw niya lang talagang madamay sa gulo no'ng mga panahong 'yon.

"Alina..." Althea took a deep breath before speaking out, trying to let go of the burden that has been trying to suffocate her, ever since her friend left school because of the hell she have dealt with. "Naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan. G--Gusto ko lang naman sanang malaman mo na.... k--kung ano man ang nagawa namin sa'yo noon... k--kung ano man ang nagawa ko..."

"Wala ka namang ginawang kahit na ano eh," pag-puputol ni Alina sa sinasabi ni Althea, dahilan upang matigilan ang dalaga't deretsong mapatingin sa mga mata ni Alina. "Wala kang ginawa," muling wika pa nito.

Althea was taken aback. She knew Alina was right.
Ngunit tumango-tango lamang ang dalaga sabay sabing, "A--Alam ko. A--At... Sorry, Alina..." Aniya.

"P--Pero, okay lang kung hindi mo pa matatanggap ang apology ko. I'm just really glad na makita ka ulit..."

Alina took a deep breath...
"Kung ano man ang mga nagawa niyo sakin noon ay hinding-hindi na muling mababago pa," malumanay, ngunit may pagka-mariing wika niyang muli.

"A--Alina--"

"Umalis ka na!"
Bulyaw na agarang pagpuputol ni Alina kay Althea, na bahagyang ikinagulat nito.
"Dahil sa inyo... d--dahil sa inyo kaya ako nagka-g--ganito!"
Nauutal at halatang nagpipigil sa pag-iyak na sabi no'ng dalaga.

"I--"
Hindi pa man natatapos sa pag-sasalita si Althea ay kaagad nang nagtatakbo papaalis si Alina. "Te--Teka! Alina!!"
Sinubukan siyang tawaging muli ni Althea, ngunit hindi na ito muling lumingon pa sa kanya.

"Your 3 minute is up, Althea!! And what the hell are you doing!?"
Bulyaw sa kanya ni Tiffany na hanggang ngayo'y nasa loob pa rin ng van kasama iyong iba. Naghihintay lamang sa pagbalik ni Althea. "Mali-late na tayo sa party at nandito ka, sinasayang ang last few minutes natin dahil gusto mo lang makipag-chismisan sa weirdong 'yon? For sure naman may matibay kang explanation para sa ginawa mong action diba?"

Napahinga nalamang ng malalim si Althea at nagtimpi ng dahil sa mga narinig niyang sinabi ni Tiffany.
"Pwede ba? Hindi siya weirdo! She's just... Different!"
Wika nalamang ng dalaga.

Tiffany rolled her eyes. "Oh, whatever! Just get into the f*cking car! She's still a weirdo no matter which angle you look at her! Nakita mo naman 'yong mga canned sardines na pilit niyang itinatago sa likuran niya diba? Ugh! Only weirdos can ever afford to eat those! Anyway, ano, sasama ka ba samin o hindi?"

Sa huling mga sinabing iyon ni Tiffany ay muling napatingin si Althea sa dereksyon kung saan nagtatakbo paalis si Alina. Hoping that she would see her again and just apologize for everything that she've done.

Ngunit talagang wala na mula roon ang dalaga.

Kaya nama'y wala nang ibang nagawa pa si Althea kundi ang maglakad nalamang pabalik mula sa kanilang sinasakyang van.

**

"H--Hindi ko na dapat sila nakita pa," wika ni Alina sa sarili, habang nagtatago sa may pader at patuloy lamang sa pag-iyak.

Muli lamang na naalala ng dalaga ang lahat ng mga masasamang bagay na na-experience niya sa mga tao na iyon.

At kahit kailan ay hinding-hindi niya sila mapapatawad sa lahat ng mga nagawa nila sa kanya.

They bullied her, humiliated her, change and destroyed her life forever!

They don't deserve to be forgiven!!

**

Makalipas ang ilang segundo ay kaagad na napatigil sa pag-iyak si Alina nang bigla nalamang mag-vibrate ang kanyang cellphone na nasa loob lamang ng bulsa ng kanyang palda.

She picked it up...

At gayon nalamang ang panginginig ng kanyang katawan nang makitang, mula ang mensaheng iyon sa isang estrangherong nagngangalang Lucifer.

***

"Wag kang mag-alala sis. Makikita pa naman natin si Alina eh. Makakapag-sorry rin tayo do'n," malumanay na wika ni Sarah, na ikinatango nalamang ni Althea.

"Ew! Sarah, pwede ba? Wag mo lalahatin! Ako, mag-sosorry do'n? Duh! She deserves every bit of madness I've ever done to her. She's the bitch of all the bitches! And I can't even imagine myself pronouncing her name! It's like, the ugliest thing ever created! Eww" reklamo ni Tiffany. Mahahalatang mas lumelevel-up lamang ang b*tchy attitude niyang kasalukuyan niyang ipinapakita.

"Bakit, Tiffany, ikinaganda't ikinayaman mo ba lahat ng ginawa mo sa kanya?"
Seryosong wika nalamang ni Althea, dahilan upang parehong mapa-"Ooooh," nalamang sina Ian at Justin.

Tiffany then, paused for a bit. Pero nakangiting tiningnan nalamang nito si Althea. At tipid na ibinigkas ang mga salitang, "Yes. Bakit, angal ka? At sis, wag kang magmalinis pwede ba? Diba binully mo rin siya noon? At ngayon gusto mong mag-sorry? Gusto mong maging anghel? Isang Mary Sue? Elle Woods? You're just the same as everyone else."
Monologo niyang sabi. At bahagya pang napatawa.
"Hun, running after her and asking for forgiveness is nothing but a dumb move of being a loser. What's done is done. You were a villain, so stop acting like a hero and just get over it."

Sobrang na-trigger dito si Althea, at sasagot na sana siya, ngunit pinigilan nalamang siya ni Sarah.

"Thea. Wag mo nalang kasing patulan," bulong nito sa kaibigan. Ngunit upang hindi na lumaki pa ang tensyon, napag-desisyunan nalamang ni Althea na bumaba mula sa loob ng van. Dahilan upang bahagyang magulat naman sina Sarah, Stiles at Jiro.

"Woah... Thea, sa'n ka pupunta?" tanong ni Jiro, at dali-daling hinawakan pa mula sa sa braso ni Althea.

"Uuwi."
Tipid na sagot lamang ni Althea at tinanggal ang pagkakahawak ni Jiro mula sa kanyang braso, at pagkatapos no'n ay nagsimula nang maglakad paalis, pero hinabol at pinigilan lamang siyang muli ni Jiro.

"Teka nga, Althea. Uuwi? Mag-isa? At ano naman ang sasakyan mo? Baka kung ano pang masamang mangyari sayo!"
Wika ni Jiro.

"Tama si Jiro, Althea! Lalo na't hindi pa tayo mga taga rito oh! Baka mamaya, may mga bad guys na palang nagmamasid satin," ani naman ni Sarah, na nasa labas na rin ng van dahil sinundan sina Jiro at Althea.

"Wag nga kayong paranoid. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Kaya wag na wag niyong sasabihing hindi. At isa pa, tingin ko kating-kati na ang isa riyang maki-party, kaya ang mas mabuti pa, ihatid niyo nalang muna yan!"
Pagpaparinig pa ni Althea kay Tiffany, na mahahalatang wala lang sa kanya ang mga nangyayari.

"Alam niyo tama siya."
Sarkastikong wika ni Tiffany.
"Kaya ano pa ba kasi'ng hinihintay niyo, iwanan nalang natin yan! For sure naman mas gugustuhin pa niyang maki-party do'n sa weirdo na yun!"
Mataray na wikang muli ni Tiffany.

"Tiffany, pwede ba? Hindi ka nakakatulong eh."
May halong inis nang sabi ni Jiro.

"Eh sinong nag-sabing gusto kong tumulong? Duh!!"

"A--Alam niyo guys, wala naman akong pakialam kung mag-aaway-away kayo eh."
Singit na sabi ni Stiles.
"Pero... pwede bang sa ibang lugar niyo nalang ipagpatuloy yan? I mean, come on guys! This place is giving me the creeps! Hindi niyo ba nararamdaman? It's isolated. No cars, no other people, no street animals, at halos ni-insekto wala akong makita! Ni-hindi nga ako makapaniwalang papunta rito ang bahay nina Phoebe eh! Kaya, pwede ba guys? Umalis na tayo rito!?" Aniya pa.

"Stiles, who needs them, just go!!"
Bulyaw ni Tiffany.

"Hoy, Stiles ha! Paandarin mo ang van na yan at talagang break na tayo!"
Sigaw ni Sarah sa binata.

"At sino namang nagsabing mag-jowa tayo?"
Takang tanong ni Stiles, dahilan upang mapa-isip si Sarah.
"Oo nga pala noh? Well... Just consider it as a figure of speech."

Napa-irap nalamang si Althea dahil sa mga nangyayari.
"Guys. Seryoso, pumunta nalang kayo sa party nang hindi ako kasama. Actually, hindi ko naman talaga feel na sumama eh, pinilit niyo lang ako. Tatawagan ko nalang ang kuya kong pinsan para sumundo sakin. You guys can go," huling iniwika ni Althea at pagkatapos ay muli nang naglakad.

"Pero Althea---"
Mayamaya'y bigla nalamang natigilan ang magkakaibigan nang may isang pamilyar na mukha ang muli nilang nakita.

Maging si Althea ay napatigil sa paglalakad nang may makitang isang taong naglalakad papunta sa kanila.

Parehong nagkatinginan nang dahil dito sina Sarah at Jiro, habang napasapo nalamang mula sa kanyang mukha si Joyce, sabay bulong pa ng, "Oh my god," dahil sa sobrang pagka-bagot.

"Al--Althea?"
Wika ni Alina sa pangalan ng dalaga.

Sa puntong iyon ay nakangiti na si Alina, at wala na ring bahid ng pagkatakot mula sa kanya, kumpara no'ng kanina. Wari bang, parang naging normal nalamang ito bigla.

Napangiti nalamang din si Althea nang makitang muli ang dating kaklase.
Magsasalita na sana siya, ngunit walang ano-ano'y bigla nalamang siyang niyakap ni Alina, na sadyang ikinataka ng dalaga, pati na rin ng kanyang mga kaibigan.

"Great! More drama! Can we just go already?"
Reklamong muli ni Tiffany.

"Salamat, Althea," bulong ni Alina sa dalaga, habang nakayakap pacrin ito sa kanya.
"Ikaw palang ang nagpapakita sa'kin ng kabutihan, sa lahat ng mga naging kaklase natin," aniya pa.

Althea, then hugged her back.

"Okay lang yun," aniya pa. "Alina... sorry talaga... k-kasi---"

"Hindi. Althea, sa puntong ito ako dapat ang humingi sayo ng sorry," pagpuputol na bulong ni Alina sa mga sasabihin sana ni Althea, dahilan upang mas magtaka lamang ng dahil dito ang dalaga.

"Huh?"

"Wala na akong ibang choice..."
Mangiyak-ngiyak na huling iniwika ni Alina at pagkatapos ay kumalas na mula sa pagkakayakap sa dalaga.

Bahagyang umatras ng tatlong hakbang si Alina at may kinuhang maliit na jag mula sa kanyang dala-dalang plastic bag, at walang ano-anong ginawa itong pambuhos mula sa dalaga, na sadyang ikinagulat ng lahat, lalo na ni Althea.

Matapos iyon ay may kinuha naman siyang lighter mula sa kanyang bulsa.

"A-Anong gagawin mo?" gulat at may bahid nang takot na tanong ni Althea. Her inner thoughts is telling her that it's time to run, but her body isn't responding.

"M-Masama toh! Althea, lumayo ka sa kanya!!"
Bulyaw ni Justin at dali-dali silang napatakbo papalapit sana kay Althea. Maging si Stiles ay napababa na rin mula sa loob ng kanilang van upang sana'y saklolohin ang kaibigan, habang si Tiffany naman ay gulat lamang na tinitingnan ang lahat ng mga nangyayari't hindi alam ang gagawin.

"P--Patawarin mo ako, Althea. Ito ang gusto ni Lucifer!"
Bulyaw ni Alina at walang-ano-ano'y bigla nalamang ibinato ang lighter mula sa basang-basa dahil sa ibinuhos sa kanyang gasolina si Althea.

Malapit na sana siyang maabutan ng mga kaibigan, ngunit hindi pa man nakakalapit ang mga ito sa kanya, ay bigla nalamang nag-liyab si Althea.

Matapos iyon ay wala nang ibang maririnig pang ingay mula sa kalsada ng Crimson Ville, kundi ang napakalakas na sigaw ng nagliliyab mula sa apoy na dalaga...

T o B e C o n t i n u e d....

Chapter Characters
(In order of appearances)

+ Sarah Morris
+ Jiro Hudson
+ Stiles Forester
+ Tiffany Anne Monroe
+ Althea McKinley
+ Alina Guilliar

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top