CHAPTER 98
THE LAST RESORT...
KALI'S P.O.V
"Tulong!" Sigaw ko na lang nang hilain ako ng galamay na nakapulupot sa akin.
"Kali!" Sigaw naman ni Rhys na nakakuha ng atensyon nilang lahat, tumalon naman siya para sana iligtas ako, ngunit bigla siyang nahampas ng isa pang galamay. Katapos no'n ay inilapit ako nito sa kanyang mukha at nginisian ako.
"Mukhang ikaw ang pinakamahina sa lahat ah?" Tanong nito sakin na may halong pangmamata. Umismid naman ako at tinitigan aiya ng seryoso.
"Di mo sure," Simpleng sabi ko. Tumawa naman ito, at sa pagbuka ng kanyang bibig ay siya namang pagdura ko ng Pearl of the East na nilagay ko sa bibig ko kanina. Na-shoot naman ito ng direkta sa bibig niya na nagpa-samid pa sakanya. Tumingin naman ito ng napatalim sakin, pero ilang saglit pa ay bigla itong bumagsak na naging dahilan din ng pag-luwag ng pagkakapalupot ng galamay niya at ilang saglit pa ay nabitawan ako nito.
"Kali!" Sigaw naman ng pamilyar na boses ni Rhys, at ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang bisig niya na nakasalo na sakin. Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko. Ilang saglit pa ay nasa seafloor na kami, pero 'di niya parin ako binibitawan at tumingin pa ito saking mata.
"U-Uhmmm... Rhys, pwede mo na akong ibaba, " Sabi ko. Bigla naman itong nag-iwas ng tingin at binaba ako nito.
"P-Pasensya na," Sabi niya. Tumngi lang ako at umiwas ng tingin. "K-Kali-"
"KUYA!" Sigaw naman ni Guia na pumutol sa sasabihin sana ni Rhys. Napatingin naman ako s alikuran ko at kita kong tumatakbo papunta sakin ang mga kasama namin, at unang tumatakbo si Guia, Ate Adhira, at Xavier. Ilang saglit pa ay tumalon sila sakin para yakapin ako.
"Aray!" Nasasaktang sigaw ko dahil sa pagtumba ko.
"Kuya akala ko mamatay kana!" Sigaw ni Guia habang umiiyak. Kinaltukan ko naman siya sa ulo.
"Gaga ka, patay agad? Baka nakalilimutan ko malakas ata kuya mo!" Sigaw ko naman pabalik sakanya, sabay himas s alikod niya.
"Akala ko rin mamatay kana, Kali," Bulong ni Ate Adhira. Napatawa naman ako dahil do'n.
"Wala ka bang tiwala sakin ate?" Tanong ko dito na nagpangiti sakanya.
"Akala ko rin mamatay kana, Kali. Kaso naisip ko, masamang damo ka pala," Biro naman ni Xavier. Kinaltukan ko rin siya s aulo dahil do'n.
"Nagbago na kaya ako." Sabi ko naman habang tumatawa pa. Katapos no'n ay bumitaw na sila s apagkakayakap sakin at sabay-sabay kaming nagsitayuan. Doon nga ay nakita ko ang mga Royalties na nagtatakang nakatingin sakin.
"Ano?" Tanong ko sakanila.
"Kali, paano kang nagkaroon ng isa pang Pearl of the east? Eh nasa akin lang ang kaisa-isang pearl na bibigay sakin ni ama?" Tanong ni Princess Morren. Nabigla naman ako dahil doon.
"Kaninang papasok tayo dito, may kamay na nag-abot sakin ng perlas, akala ko saiyo kamay iyon, mahal na prinsesa," Sagot ko. Bigla namang naging tahimik ang paligid dahil sa aking sagot.
"Hindi ba ikaw ang nagbigay, Rhys?" Tanong ni Princess Morren. Umiling naman si Rhys at nagtatakang tumingin sakin.
"Hindi ate, alam mo namang tanging si Haring Poseidon lamang ang may alam kung paano makakukuha niyan," Sagot ni Rhys.
"Haist ayahan niyo na lang, kahit sino pa ang nagbigay kay Kali ng extrang perlas, mukhang wala naman itong masamang intensyon, kaya magpasalamat na lang tayo dahil sakanya natalo natin si Scylla. So, tara na ba? Ses?" Sabi ni Ate Adhira. Nhumiti na lang si Princess Morren at tinanguan si Ate Adhira.
"Tama ka ses. Hali na nga kayo at pumunta na tayo sa kinalalagyan ng Tears of Water Deus." Sabi ng prinsesa. Kaya nag-umpisa na kaming maglakad.
"Disappear!" Sigaw naman namin para ipahinga na ang aming mga Fera.
"Ano pa lang gagawin niyo sa Tears of Water Deus?" Tanong ni Princess Morren.
"Di rin po namin alam, mahal na prinsesa. Basta pinapapunta lang po kami ng Diretora dito para hingin ang luha," Sagot ko. Tumango-tango naman ito habang nakahawak pa sa kanyang baba.
"Uhmm... Kay tagal ng panahon simula nang may humingi ng luha ng Deus, ano kayang dahilan ng Diretora?" Pagka-usap ng pronsesa sakanyang sarili.
"Ayahan mo na ses, gawin na lang natin kung ano mang inuutos niya," Sagot ni Ate Adhira.
Ilang minuto pa ang nakalipas...
"Tigil na, narito na tayo sa harap ng kastilyong kinalalagyan ng luha!" Masayang sabi ni Princess Morren, napamaang naman kami dahil doon. Ang tanging bagay na nakikita kase namin ngayon ay isang patay na kabibe.
"N-Nagbibiro ka lang 'di ba ses?" Tanong ni Ate Adhira. Umiling lang naman ang prinsesa.
"Hindi ses," Simpleng sagot ng prinsesa.
"Isang malaking patay na kabibe lang ito eh, nasaan ang Tears of the Water Deus?" Tanong ni Ate Adhira.
"Wait, there's more!" Sabi ni Princess Morren sabay tawa. Katapos ay humarap siya s amay kabibe at hinawakan ito.
"O clam mortuum, vive et ostende nobis castrum Dei Mar Fluindo. Vivat, o concha, assignata lacrymis custodi, vitam aperi nobis!" Sigaw ng prinsesa sa isang enchantment. Ilang saglit pa ay unting-unting bumalik ang kulay pinkish-white ng kabibe na nanagangahuluganb muling nabubuhay ito. Katapos ay bigal itong sumabog.
[Translation: Oh patay na kabibe, mabuhay ka at ipakita samin ang kastilyo ng Deus Mar Fluindo. Mabuhay ka oh kabibeng tinalagang magbantay sakanyang luha, ibukas mo ang iyong buhay samin!]
"Anong nangyare, Ses?" Tanong ni Ate Adhira sa prinsesa.
"Chill ka lang ses, masyado kang mainit," Sabi ng prinsesa. Katapos no'n, mula sa pigment ng sumabog na kabibe ay uti-unting nabuo ang isang pintuan, sabay naman ang unti-unting paglabas ng isang palasyo na kulay pinkish-white.
"Tara, pasok na!" Sigaw naman ni Princess Morren. Nagpati-una na siyang maglakad at sumunod naman kami. Pagkapasok namin ay nakita namin ang napakahabang corridor na sa dulo ay tanaw ang isang balon na may rebulto ng isang lalaking may buntot at pakapak habang nakatingala at parang inaabot ang kalangitan sa dalawa niyang kamay. Puni rin naman ng napakaraming kawal na may full armor, pati ang mga buntot nila ay may mga armor, at may mga hawak ng axe. May bigla namang lumitaw na babae na nakasuot ng purong puting dress at nakasakay ito sa isang higanting seahorse. Lumapit naman ito samin na may ngiti.
"Nagagalak akong may mga nilalang nang napadpad dito. Alam kong mahirap ang naging paglalakbay niyo papunta rito, kaya naman makakakuha na kayo ng ng luha ng Deus." Sabi nito na nagpangiti saming lahat.
"Ikaw nang kumuha, Kali. Bilang ikaw ang nakapagpatumba kay Scylla," Sabi ni Princess Morren. Tinignan ko naman ang iba. Umiling-iling ang ibang prinsesa, pero halos lahat naman at tinanguan ako.
"Hali ka, sumakay ka sa aking Gigantic Seahorse para agad makarating doon," Pag-alok nito. Tumango naman ako. Inabot niya ang kanyang kamay at sako namna ito inabot at tinulungan niya ako makasakay sa kanyang seahorse. Tumakbo naman papalapit sa balon ang seahorse at ilang saglit pa ay nasa tapat na kami nito. Kita ko naman ang napakahandang disensyo ng palon.
"Bukod pala sa estatwa ay napakaganda rin ng mismong struktura ng balin dahil sa nababalutan ito ng mga pink pearl, ano?" Tanong ko.
"Oo, ginandahan talaga namin ito dahil bilang pagrespeto narin sa Deus na sinasamba namin," Sagot naman ng babae, "Sige na, kumuha ka ng luha." Sabi nito at saka inabot sakin ang isang container na may hugis kabibe. Kaya naman bumaba na ako sa seahorse at sumalok agad sa balon. Pero nagulat ako ng may kamay na humawak sa kamay ko at hinila ako nito na naging dahilan para malaglag ako sa balin...
...
Yes! Finally nakapag-update na. Thank you for always supporting me!
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top