CHAPTER 97

VISITING...

ARIOCH'S P.O.V

"Mahal na hari, narito na po ang mga hinihintay nating panauhin." Pagpapa-alam ni Berno na aking ministro. Bigla namang pumasok ang mga naka-itim na Cloak na mga Fantasian...

"Aba, napakalaki ng pinagbago ng Pais Das Trevas. Ikaw ba ang bagong hari rito?" Tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay leader ng mga Sempiternal na si Yuwel.

"Ako nga, ikaw ba si Yuwel?" Sabi ko sa kanya na nangungumpirma kung siya nga.

"Ako nga, ikaw, alam kong alam mong wala ng natirang Equinox noong mamatay si Dark Knight at umalis si Yolanda. Ngayon, papaanong merong umuupong hari sa trono ng Pais Das Trevas?" Sunod-sunod na tanong nito na nagpangisi sa akin.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon HAHAHA." Tumatawang sagot ko. Bigla namang may itim na usok ang biglang lumitaw sa harapan namin at ilang saglit pa ay lumitaw sa usok na ito si Deus Lucifero.

"Narito na pala si Yuwel." Sabi naman ng Deus nang makita niya si Yuwel.

"Hindi ba halata Lucifero? Tsk...tsk...tsk, hali na tayo at pag-usapan na ang plano para sa nalalapit na pananakop sa buong Mundo da Fantasia." Utos naman ni Yuwel sa amin.

"Napakahangin mo parin, Yuwel. Gagawa muna ako ng barrier para walang makarinig sa usapan natin. Palabasin mo ang mga kawal mo, Arioch." Sunod-sunod na sabi ng Deus Lucifero, agad naman naming sinunod ang mga inutos niya.

"Mga kawal, narinig niyo naman ang Deus. Lumabas na kayong lahat!" Utos na sigaw ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang humarap sa akin at yumuko bilang pagbibigay galang. Katapos nun ay humarap na sila palikod at nagmarcha paalis...

Lumakad naman palayo sa amin ang Deus at itinaas ang dalawa nitong kamay...

"Eodum... Eodum... Eodum. oebue issneun salam-eun naebue issneun pantajian-ui iyagileul deul-eul su eobsdolog bohohalago myeonglyeonghabnida." Sigaw niya sa hangin. Katapos ng Enchantment na iyon ay bigla na lang may itim na usok ang dito sa kinalalagyan namin at nagpa-ikot-ikot ito sa ere.

[Translation: Kadiliman... Kadilima... Kadiliman. Inuutusan kitang bigayan kami ng pananggalang na kung sino mang nasa labas nito ay walang maririnig sa pinag-uusapan ng mga Fantasian na nasa loob nito. ]

"Okay, simulan na nati-"

"Teka lang." Sabi bigla ni Yuwel na pumutol sa sasabihin ko.

"Ano iyon, Yuwel?" Tanong naman ng Deus sa kanya.

"Nasan ang ibang may mataas na katungkulan na naglilingkod sa hari?" Tanong naman ni Yuwel.

"Ang aking Reyna ay nagpapahinga, ang aking mga anak naman ay nasa misyon sa Mundo ng mga Mortal, ang aking kanang kamay naman ay nahuli ng mga Anciàos Santos." Paliwanag ko naman sa kanya na nagpabuntong-hininga sa kanya.

"Ganon ba kahina ang kanang-kamay mo?" Tanong nito sa akin na nagpangisi sa akin.

"Huwag mo munang isipin ang aking kanang-kamay HAHAHA." Sabi ko na lang. Hindi pa dapat nila malaman ngayon ang plano...

"Okay, oh, simulan na ang pag-uusap para sa mga plano." Sabi naman nito. Kaya naman nagsilapit na sila sa akin trono at pumalakpak naman ako para lumitaw ang isang projection ng mapa ng buong Mundo da Fantasia...

...

KALI'S P.O.V

Nasa ilalim kami ng tubig ngayon at payapang lumalangoy...

"Uyyy ses, nasaan ba yung Trench of Scylla?" Tanong ni Ate Adhira kay Princess Morren.

"Malapit na tayo, kaya maging alerto tayong lahat ses. Mahilig pa naman daw si Scylla sa mga surprise attack." Sagot naman ni Princess Morren. Kaya naman pinagana ko na ang aking Short Vision, para madalian kong makita ang atake ni Scylla kung umatake man ito lalo pa ngayon na tulog parin si Death kaya dapat talagang handa ako...

Habang tumatagal kami sa paglangoy at lumalalim  ang aming tinatahak na daan ay unti-unti rin namang nawawala ang liwanag na nagmumula sa Solis at dumidilim ang daan na aming tinatahak...

"Wait." Sabi bigla ni Princess Morren. Kaya naman tumigil kami sa paglangoy.

"Bakit ses?" Tanong ni Ate Adhira sa kanya.

"Narito na tayo sa bukana ng Trench of Scylla, kailangan nating maghanda at maging alerto." Sagot naman ng prinsesa. Lumakad naman akong paharap para mas makita ang sinasabi niyang bukana ng Trench of Scylla. Nang makalapit ako ay doon ko nga nakita ang isang butas sa sahig ng dagat. Parang bangin ito na napakalalim...

"Papasok ba tayo riyan, mahal na prinsesa?" Tanong ko sa prinsesa.

"Oo, kailangan nating lagpasan si Scylla, upang makapunta tayo sa kinalalagyan ng Tears of Water Deus."  Sagot naman ng prinsesa.

"Wah! A-Ayokong pumasok diyan kuya, magpapa-iwan na lang ako!" Sigaw ni Guia na halatang takot na takot, kaya naman hinarap ko siya sa akin.

"Guia, kailangan mong labanan ang takot mo, dahil habang tumutubo ang takot mo ay nagiging mahina ka naman. Kaya nga tayo pumunta rito para magpalakas 'di ba?" Pagpapalakas-loob na sabi ko sa kanya, ngumiti naman ito sa akin. Bigla namang lumapit sa amin si Prince Elior...

"Huwag kang mag-alala nasa tabi mo lang ako, I mean kami para protektahan ka." Nakangiting sabi nito sa kapatid ko, ngumiti rin naman ng napakalapad si Guia at nagtitigan lang sila na parang sila lang ang tao sa mundo na nagpataas ng kilay ko, aber, anong namamagitan sa dalawang 'to na hindi ko alam?

"Ehem." Tumikham naman ako para naman maputol na ang titigan nila. Hot seat ang kapitid ko mamaya sa akin.

"Tara na at pumasok na tayo. Rhys, magagamit mo ba ang Hold mo sa ilalim mamaya? Kailangan natin ng liwanag, dahil sobrang dilim sa loob." Utos naman ni Princess Morren kay Rhys. Fuck this heart of mine! Lakas ng tibok kapag naririnig ko pangalan ni Rhys.

"I will try later, Ate Morren." Sagot naman ni Rhys, kaya naman pumasok na kami sa Trench of Scylla...

Ang dilim dito sa loob, wala akong makita -- Kahit mga kasamahan ko ay hindi ko makita...

"Rhys, gamitin mo na ang Hold mo para makita na natin ang dinaraanan natin." Dinig kong utos ni Princess Morren kay Rhys...

"Blue Fire Phoenix: Torch!" Sigaw nito at bigla na lang nagliyab ang kanang kamay ni Rhys at naging sanhi para makita namin ang nasa loob ng Trench na nagpanganga sa aming lahat...

"A-Ang ganda." Sabay-sabay na sabi namin dahil sa nakikita namin ngayon, ang daming corals at kapag natamaan sila ng liwanag na nanggagaling sa apoy ni Rhys ay nagliliwanag din sila ng kulay Rainbow, marami ring mga Fera na kamukha ng mga Jellyfish na makikita sa mundo ng mga tao, ngunit napakalaki nila, sa tantsya ko kasing laki sila ng mga elepante, nag-rereflect naman ang liwanang ng nga corals sa kanilang katawan na nagpaganda pa lalo sa kanila -- Pero bakit puro Jellyfish lang ang nandito at wala ng iba?

Naalarma naman ako ng makita ko sa Short Vision ko na may papatamang kung ano sa amin, kaya agad ko silang binalaan...

"Lumangoy kayo paitaas!" Sigaw ko sa kanila na agad naman nilang dinunod at ilang saglit pa ay may mga galamay ng pugita ang tumama sa kinalalagyan namin kanina.

"Paano mong nalaman iyon?" Namamanghang tanong ni Princess Morren.

"May kakayahan ako na kung tawagin ay Short Vision na kayang makita ang sampong segundong mangyayare sa hinaharap." Sagot ko naman, nakita ko namang lumuwa ang mata niya. Magtatanong pa sana ang prinsesa ng makita ko na namang may papatama na namang galamay sa amin.

"Langoy pababa!" Sigaw ko naman na agad nilang sinunod. Ilang saglit pa ay may mga galamay na namang bumulusok sa kinalalagyan namin kanina.

"Kailangan na nating lumaban!" Gigil na sigaw ni Prince Breeze, nagsi-tanguan naman kami at saka pinalabas ang aming Held at Bosom Fera ng sabay-sabay...

"APPEAR!" Sigaw namin ng sabay-sabay, katapos ng sigaw na iyon ay nagsilitawan na ang aming Fera.

"Laban na!" Sigaw ko at saka kami lumangoy ng sobrang bilis papunta sa pinanggagalingan ng mga galamay...

Nang makalapit na kami doon ay doon namin nakita ang isang nilalang may walong ulo ito ng kulay pulang lobo sa may baywang at isang katawan at ulo ng babae, ang kalahating katawan naman nito ay may napakaraming galamay na parang sa mga pusit at higit sa lahat, napakalaki nito na halos kasing laki ng Hari ng Republica de Agua.

Nagngangalit ang mga lobong nasa baywang niya ngayon na para bang gustong-gusto na kaming lapain ng mga ito.

"Mga lapastangan, bakit kayo naparito?!" Sigaw nito na dumadagundong.

"Gusto lang naming dumaan." Sagot naman ni Princess Morren sa nilalang.

"Hindi pwede, umalis na kayo!" Galit na sigaw nito.

"Hindi kami aalis, daraan kami kahit anong mangyare!" Sigaw ulit ng Prinsesa dito.

"Ah ganon ba? Sige tanggapin niyo ito!" Sigaw nito sabay nagpalabas ng apoy ang mga ulo ng lobo na nasa baywang niya. Shit! Hindi ata namin maiiwasan ang nga aboy na ito dahil sa bilis. Wrong timing pa na na-abot ko na ang limit ng Short Vision ko.

"Hindi ata natin maiiwasan ito." Sabi ko na lang sa kanila at pumikit na lang para tanggapin ang atake ng ilang saglit ang nakakalipas ay walang tumama sa akin, kaya binuksan ko na ang aking mga mata at doon ko nakita na ginamit pala ni Xavier si Alessia at gumawa ng shield na pomoprotekta sa amin ngayon. Ngunit ilang saglit pa ay may naramdaman akong kung ano na pumulupot sa katawan ko at doon ko nakita ang galamay na nakapalupot sa akin ngayon.

"Tulong!" Sigaw ko na lang nang hilain ako nito...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story.

You can add me in my social media accounts...
Facebook: Dandiv
Instagram: its_devvvy
Twitter: Dandiv Canlas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top