CHAPTER 96
GOING TO TRENCH OF SCYLLA...
SOMEONE'S P.O.V
"Lucifero, ano't gusto mo kaming maka-anib ngayon?" Sarkastikong tanong ko sa tinakwil na Deus na nasa harapan ko ngayon.
"Dangsin-i wonhagi ttaemun-e-"
[Translation: Dahil gust-]
"Shhh! Huwag mo akong kausapin sa lenggwaheng iyan. Alam mo namang hindi ako nakaka-intindi niyan." Pigil ko sa kanya, "HAHAHA napakamang-mang mo parin hanggang ngayon, Yuwel," panghahamak naman nito na nagpakunot ng aking noo.
"Talaga bang nais mong makipagtulungan o nais mong mamatay?" Inis na tanong ko rito na nagpatawa sa kanya.
"Yuwel, nais ko talagang makipagtulungan sa iyo, sirain natin itong mundong binuo ni Amang Solomon!" Sigaw na pangungumbinsi nito sa akin.
"Ano't naging ganyan na ang iyong kalagayan, magiting na Lucifero?" Sarkastikong sabat na tanong naman ni Aria na tagapamahala ng hukbo.
"Oo nga, sa pagkaka-alam ko ay ikaw ang naka-isip ng plano na pamuksa sa amin, hindi ba?" Sabat din naman ni Rasdia na kanang kamay ko.
"Kinamumuihan ko sila! Silang lahat! Katapos ng mga ginawa ko para mapanatili ang dignidad naming mga Deus at Dea ay may gana pa silang kunin ang lahat sa akin!" Galit na sigaw nito na nagpatawa sa aming tatlo.
"Kaawa-awang Lucifero, huwag kang mag-alala, dahil kahit hindi ka pa nakipagkita sa amin mga Sempiternal ngayon ay kami na talaga ang lalapit sa iyo. Isa pa, nasa iyo parin naman ang Hold mo bilang Deus, kaya may pakinabang ka pa sa amin." Nakangising sabi ko naman sa kanya.
"Nagagalak ako sa desisyon mo, Yuwel. Pumunta na lang kayo sa Pais Das Trevas para doon na lang tayo bumuo ng plano, paalam," saad naman nito. Bigla namang may katanungan sa isip ko ang nabuo.
"Lucifero, hindi mo ata kasama si Aurelia ngayon?" Tanong ko sa kanya, "Bakit ko naman magiging kasama ang babaeng isa sa mga kalaban natin?" Tanong naman nito na magpataka sa aming lahat, nagkatitigan pa kami nila Aria at Rasdia.
Huminga na lang ako ng malalim at sumagot, "Wala, sige na mauna kana."
[Pais Das Trevas: Palace of Dark Continent.]
Bigla naman itong naglaho at doon nga ay hinarap ko ang mga kasamhan kong Sempiternal upang ipaalam ang napagkasunduan namin ni Lucifero, "Narinig niyo naman sigurong lahat ang napagkasunduan hindi ba? Kaya bukas na bukas ay pupunta tayong lahat sa Pais Das Trevas, sige maaari na kayong bumalik sa inyong kanya-kanyang gawain." Utos ko naman sa kanila na agad naman nilang sinunod. Nagsi-alisan na sila hanggang kami na lang ng tatlo kong pinagkakatiwalaang tagasunod ang natira.
"Bakit ganon na lamang kung pagsalitaan ni Lucifero si Aurelia? Anong nangyari sa kanilang dalawa?" Takang tanong naman sa akin ni Aria.
"Hindi ko rin alam, ngunit sa tingin ko ay isa iyon sa naging sumpa sa kanya ni Supreme Deus Solomon." Sagot ko na lang at saka na ako mag-quick step paalis upang pumunta at magsanay sa bundok ng walang direksyon...
...
KALI'S P.O.V
Kasalukuyan na kaming naglalakad at lumalangoy naman ang magkakapatid papunta sa palasyo nila at tawa parin kami ng tawa sa pag-uusap nila Princess Morren at Ate Adhira. Tanaw naman rito amg napakalaking tarangkahan ng kaharian, gosh bakit masyado naman atang malaki ang tarangkahan ng kaharian nila? Hays baka trip lang nila.
"Ow, ses narito na pala tayo sa tarangkahan ng aming kaharian," pagpigil ni Princess Morren kay Ate Adhira at saka ito humarap sa amin,
"Dito na ang aming kaharian, tara pasok." Pag-anyaya naman nito sa amin at lumapit ito sa pinto at kumatok. Bigla namang nagbukas ang pinto, mula rito ay tanaw na tanaw na ang napakahabang red carpet na sa tingin ko ay guide ito papunta sa trono habang sa magkabilang gilid nito ay may iba't ibang uri ng mga nilalang na may kalahating Fantasian at kalahating iba't ibang uri ng isda o lamang dagat, tulad ng alimango, pusit, at marami pang iba.
"Woah~" nasabi na lang namin at saka na kami naglakad papunta sa trono.
Nang medyo malapit-lapit na kami sa trono ay napanganga naman kami nila Guia, Ate Adhira, at Xavier sa nakikita namin ngayon.
"A-Ang laki." Nasaad na lang ni Ate Adhira sa nakikita namin ang isang nilalang na kamukhang-kamukha ni Prince Breeze, may suot itong korona at Royal Mantle na nagangahulugang siya ang hari, at sa tingin ko ay kasing laki o mas malaki pa siya sa kahariang ito na magpabigla sa amin.
"AMA!" Malakas na sigaw ni Princess Morren na umagaw sa atensyon namin at nagpatingin din naman sa higanteng hari. Ngumiti naman ito sa amin.
"Mga anak ko!" Sigaw naman nito na nagpayanig sa kaharian.
"Mahal, inahan mo ang iyong boses." Suway naman ng isang babaeng normal lang ang laki, maganda at may tenga ito ng parang palikpik ng isda at may buntot ito na parang sa mga dragon ngnit, 'di gaya na naka-upo sa balikat ng Hari. Sa tingin ko siya ang reyna.
"Pagpasensyahan mo na ako, mahal. Ang hirap pigilan lalo na at narito na ang tatlo nating anak at ang mga Royalties." Pagpapasensya naman nitoo. Grabe dumadagundong boses niya sa buong palasyo.
"Masaya rin po kaming makita kayo, Ama." Nakangiting sabi naman ni Princess Guen.
"Long time no see, Ama." Sabi rin naman ni Prince Breeze. Lumapit naman silang tatlo at niyakap ang buntot ng higanting Hari.
Bigla namang nag lined-up ang natirang Royalties at saka sabay-sabay na nag-bow, "Ikinagagalak namin ang pagtapak sa inyong kaharian, mahal na Haring Poseidon at mahal na Reynang Leviathan." Sabay-sabay na sabi ng mga Royalties.
"Aba, mukhang may bagong mukha kayong dinala rito, sino sila?" Tanong ng hari habang nakatingin sa amin.
"Ayahan niyo pong ako na ang magpakilala sa amin, mahal na Hari." Sabi naman ni Ate Adhira jabang nakayuko. Tinanguan naman siya ng hari ng itaas ni Ate Adhira ang kanyang ulo.
"Ako po si Adhira Kaminari Picosa, ang lalaki namang matanggad na tamik ay si Lucian Adrien Picosa, 'yung katabi niya naman po ay si Xavier Inugami Luzslo, itong dalawang magkamukha naman po ay ang kambal na si Sephtis Kali Picosa at Vita Guia Picosa." Pakilalang sabi ni Ate Adhira sa amin. Kaya naman yumuko na rin kami.
"Pamilyar sa akin ang apelido niyo," sabi naman ng Hari kaya medyo kinabahan kami.
"Oo nga, kaapilido kayo ni Otima Mae Aurelia Picosa. Kaano-ano niyo siya?" Sabat na sabi naman ng Reyna.
"Uhm, b-baka nagkataon lang po na parehas ang apelido namin, mahal na Reyna at Hari." Sagot ko naman sa kanila.
"Ganon ba? Oh bakit naman kayo naparito, mga Prinsesa at Prinsepe?" Tanong naman ng hari nang humarap ito sa mga Royalties.
"Naatasan po kami ng Diretora na humingi ng Tears of Water Deus sa inyo, mahal na hari." Sagot naman ni Rhys sa hari.
"Sinabi ba ng Diretora na napaka-delikado ang daan patungo roon?" Muling tanong ng Hari. Hays akala ko naman simplehan na lang pagkuha ng Tears of Water Deus.
"Wala naman po siyang nabanggit, kamahalan." Sagot naman ni Prince Glenn.
"Si Anisha nga naman, tsk, tsk, tsk. Alam niyo bang daraanan niyo ang Trench of Scylla, kung saan naninirahan ang halimaw ng dagat na si Scylla." Seryosong sabi naman ng Hari na magpakilabot sa amin. Shocks! Ano na naman kayang itsura ng nilalang na iyon?
"Kaya naman namin 'yon ama, huwag kang mag-alala." Pagpapagaan-loob naman ni Princess Morren sa ama.
"May tiwala ako sa iyo, Morren, ikaw ng bahala sa kanila. Narito ang Pearl of the East, magiging panlaban niyo ito kay Scylla. Ipalunok niyo lang sa pinaka-unang ulo." Mahabang sabi ng Hari sa amin na nagpayaka sa amin lahat.
"Ibig niyo pong sabihin ay hindi lang isa ang ulo ng halimaw?" Biglang tanong ko naman sa Hari.
"Oo, dahil may walong ulo ito ng kulay pulang lobo sa may baywang at isang katawan at ulo ng babae na siyang kumukontrol sa buong katawa. Kalahating kraken si Scylla, kaya may galamay ito na parang sa mga pusit." Paliwanag naman ng Hari na nagpakaba sa amin.
"Sige po ama, mauuna na po kami." Paalam naman ni Princess Morren. Tinanguan naman siya ng Hari.
"Mag-iingat kayo, babies ko!" Mangiyak-ngiyak na sigaw naman ng Reyna.
"Ma, malaki na kami." Malamig na sagit naman ni Prince Breeze na nagpatawa ng malakas kay Ate Adhira.
"Baby~" Sarkastikong panggagaya naman ni Ate Adhira sa Reyna na magpa-inis sa prinsepe.
"Puny-"
"Baby Breeze nasa harap tayo ng trono," bulong naman ng Princess Morren sa kanya kaya naman tumahimik ito habang nakakunit noong masamang nakatingin kay Ate Adhira.
"So, guys tara na at umpisahan na natin ang paglalakbay patungo sa kinalalagyan ng Tears of Water Deus!" Maligalig na sabi naman ni Princess Morren. Kaya anman yumuko na kami sa harap ng Hari at Reyna bilang pagpapaalam at pagbibigay ng galang at saka na kami tumalikod para lumakad na palabas ng palasyo.
"Sundan niyo lang ako ah." Sabi naman ni Princess Morren at saka lumangoy pakanluran. Sinundan naman namin siya. Grabe ang galing nakakapaglakad kami sa tubig at nakakahinga na parang nasa lupa lang kami, ngunit nag-aalala parin ako sa makakaharap naming halimaw, wala akong magagawa kung makaharap man namin si Scylla. Hindi ako makakatulong sa laban, dahil tulog parin si Death Hanggang ngayon. Tulog pa ang Hold Being ko...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top