CHAPTER 94

MISSION#02...

KALI'S P.O.V

"Ano ka ba, Rhys? Bakit ka umiiyak? Please tell me." Sabi ko sa kanya.

"Sephtis, m-magpapakasal na kami ni Nirvana." Sabi ni Rhys na nagpatulala sa akin at bigla na lang nagpatulo ng luha ko. Nabigla naman ako ng biglang yakapit ako ni Rhys.

"Sephtis, huwag mo akong iyakan. Huwag mong iyakan yung lalaking hindi ka man lang kayang ipaglaban." Saad nito sa akin. Napansin ko namang nabasa ang balikat ko na nangangahulugang umiiyak parin si Rhys. Huminga naman ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Katapos non ay bumitaw ako sa yakap at hinarap si Rhys.

"Rhys, 'di ba nag-usap n-na tayo l-last time? Hindi ba nang mag-usap tayo ay pinakawalan na kita? K-Kaya ayos lang sa akin kahit magpakasal ka kay Nirvana lalo pa at pinagkasundo na kayo." Saad ko sa kanya habang magpipigil na umiyak. Masakit? Oo sobrang sakit na pakaaalan mo yung taong mahal na mahal mo. Pero kailangan, kase parehas lang kaming mahihirapan kapag pinagpatuloy pa namin ang pahlaban.

"Sephtis, kung hindi kita kayang ipaglaban, ako naman ang ipaglaban mo ah, please." Umiuyak na saad nito sa akin.

"Rhys naman, magiging selfish naman ako kapag ginawa ko 'yan." Saad ko habang nakangiti. Pero sa loob-loob ko ay sobrang sakit na ang nararamdaman ko.

"Sephtis, mahal mo ba ako?" Tanong nito habang pinupunasan ang mga luha.

"Oo, sobrang mahal na mahal kita. Kaya nga pinapakawalan na kita kase alam kong iyon ang makakabuti sa iyo, sa atin." Nakangiting saad ko sa kanya. Ngumiti rin naman ito sabay talikod sa akin.

"Masaya akong marinig iyan mula sa'yo kahit sa huling pagkakataon." Saad niya sabay nag-ejection. Nang mawala naman siya ay sakto naman ang pagtawag ni Guia gamit ang TeleCom.

"Kuya, handa na ang pagkain." Saad niya sa TeleCom. Hindi ko naman siya sinagot at agaran na lang aking mag-quick step sa loob ng Dorm Room. Doon nga ay nakita king nasa hapag-kainan na sila kaya naman pumunta na ako roon at umupo.

"Oh, anak saan ka galing?" Tanong naman ni Nay Aurelia habang sumasandok ng soup.

"W-Wala nay, nagpahangin lang." Sagit ko naman. Patuloy ko parin nilalaban ang luha na gustong pumatak sa luha ko. Masakit parin ang ang nararamdaman ng puso ko.

"Anak, may problema ba? Bakit nakabusangot ka riyan?" Tanong ni Nay Aurelia. Hays, sabi na nga ba at mapapansin niya eh. "W-Wala ito nay, m-may iniisip lang ako." Sagot ko naman.

"Okay, basta kapag may problema ka ay huwag kang maghihiyang magsabi sa amin." Saad naman ni Nay Aurelia at umupo na para kumain.

"Mushroom puree pala ang niluto niyo nay, favorite ko ito." Nakangiting saad ko sa kanya.

"Alam ko. Kaya iyan ang niluto ko." Sagot naman niya.

"Mga anak, nabalitaan niyo na bang nag-announce na ang Hari ng Reino do Fogo na ikakasal na pala ang bunso niyang anak na si Prince Rhys?" Saad naman bigla ni Nay Aurelia na nagpabigla sa akin. Nagulat naman ako ng mabigla rin ang mg akasamahan ko at napatingin sa akin.

"O-Opo nay, alam ko. S-Sinabi niya k-kanina." Nauutal na sagot ko habang nilalabanang pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

"Anak, anong problema? Sabihin mo sa akin." Seryosong tanong naman ni Nay Aurelia. Kaya 'di ko na napigilan ang mga luha na kanina pang gustong bumagsak. Kaya naman tinakpan ko na lang ang mikha ko gamit ang dalawang palad ko. Narinig ko naman ang pagtunog nv mga upuan na nagangahulugang tumayo silang lahat at ilang saglit lang ay nakaramdam naman ako ng napakaraming yakap.

"Sabi ko naman sa'yo anak, kapag may problema ka, huwag kang mahihiyang mag-open up sa amin." Dinig ko namang saad ni Nay Aurelia. Kaya agaran kong tinanggal ang mga palad ko sa akinv mukha at hinarap sila.

"N-Nay, a-ang sakit. Naramdaman ko na naman 'yung sakit na naramdaman ko noong isa pa akong mortal." Umiiyak na saad ko kay Nay Aurelia. Niyakap naman ako nito ng may mahigpit.

"Anak, pwede mo bang i-kwento sa amin?" Tanong ni Nay Aurelia. Kaya humiwalay ako sa yakap niya at tumango.

"Nay, kaninang umalis ako. Nagkita kami ni Rhys doon sa Fountain sa labas. Alam niyo nay, doon kami unang nagkita at nabuo ang pagmamahal ko sa kanya haha kaya nakakatawang isipin na doon din magtatapos." Saad ko habang nagpupunas ng luha. Huminga naman ako ng malalim para mailabas ng kaunti ang bigat ng kalooban ko sa pag-alala sa nakaraan.

"Nay, nag-usap kami at doon niya sinabing ikakasal na siya. Masakit nay, pero nilabanan ko at pinakawalan siya. Kase a-alam kong iyon ang p-paraan para 'di na kami mahirapan pa." Nauutal na sabi ko dahil sa pinpigilan ko na naman ang aking namumuong mga luha.

"Kuya! Bakit mo ginawa 'yon? Dapat pinaglaban mo siya!" Galit na sigaw naman sa akin ni Guia. Tinignan ko naman siya at nginitian.

"Guia, mahirap ipaglaban ang taong nakatali at 'di ka kayang ipaglaban. Sabi niya ni Rhys kanina, ay huwag ko na raw suyang iyakan ang katulad niyang lalaking 'di man lang aki kayang ipaglaban. Kaya ano pang magagawa ko. Anong gusto mong gawin ko? Maging tanga sa kahahabol sa taong 'di ko na kayang habulin? Magiging ka-level ako ni Nirvana?" Tanong ko kay Guia habang umiiyak. Napatingin naman ito sa ibaba at parang linag-iisipan ang mga sinabi ko.

"Anak, basta kahit anong mangyare ay narito lang kami sa tabi mo. Hindi namin alam ang nararamdaman mo kaya hindi namin hihilingin sa iyo na huwag ng umiyak at malungkot. Kaya tatandaan mo na narito lang kami hanggang sa maging okay ka." Saad naman ni Nay Aurelia na nagpangiti sa akin.

"Hays, Etits, kumain na muna tayo at magpahinga na pagkatapos. Naku, masam yung ganyan na malungkot ka at gutom ka pa. Kaya tara na! Lantakan na 'yang hiannda ni Nay Aurelia!" Pag-iiba naman ni Ate Adhira sa athmosphere sa amin. Kaya natawa kami sa kanya.

"Hays, tama si Adhira. Tara na at kumain na." Yaya ni Nay Aurelia na agad naming sinunod. Katapos namin kumain ay nagsi-akyat na kami sa sara-sarili naming kwarto. Dahil nga wala na si Soliel at Lilith ay nagsarili na kami ni Guia...

Nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto ko ay agad na akong tumalon sa kama. Hindi ko na ginawa ang night routine ko, kase sobrang pagod na mg katawan ang isip ko at unti-unti namang kadiliman ang paningin ko at nakatulog na...

...

"Kuya! Gising na riyan! Pinapatawag na tayo mg Diretora sa opisina niya!" Sogaw naman ni Guia mula sa labas ng kwarto. Kaya naman agaran na akong tumayo.

"Oo, sandali lang mag-aayos lang ako!" Sigaw ko. Kaya pumunta na ako sa banyo at ginawa na ang morning routine ko...

Ilang saglit pa ay natapos ko na ang morning routine at pagbibihis ko kaya pumunta na ako sa sala. Doon ko naman nakitang naka-upo na silang lahat sa sofa at nagtatawnan pa. "Bom Dia." Sabi ko sa kanila. Napatingin namin sila sa akin sabay ngiti.

"Bom Dia!" Masayang saad naman nila sa akin.

"Bom Dia." Pahabol din naman ni Kuya Lucian.

Naglakad na ako palapit sa kanila. Napansin ko namang wala si Nay Aurelia. "Nasaan pala si Nay Aurelia?" Tanong ko sa kanila.

"Ah, na-una ng pumunta sa Diretora's Office. Sasalubungin na lang tayo roon." Sagot naman ni Xavier. Napatango naman ako dahil doon.

"Okay, tara na?" Pag-anyaya ko sa kanila. Agad naman silang sumunod kaya naman pumikit na kami para mag-quick step...

Ilang saglit pa ng pagdilat ko ay unang nakita ng mga mata ko ay si Rhys na nakatingin din sa akin, timibok ng napakabilis ng puso ko at nagbalik ang mga ala-ala kagabe. Kaya naman ako na ang umiwas sa titigan naming iyon.

"Nay!" Sigaw naman ni Guia. Kaya naman nakuha non ang pansin ko at tumingin na lang sa aking ina.

"Nay, bakit hindi niyo na po kami hinintay?" Tanong ko naman at saka na kami lumapit kay nanay.

"Hindi naman sa ganon. Nagkaproblema kase sa Floresta Encantada at kailangan ko ng bumalik doon. Buti nga ay naabutan niyo pa ako eh, dahil paalis na nga ako ngayon." Sagot naman ni Nay Aurelia na nagpa-takot sa mga mukha namin.

"Anong problema nay?" Tanong ko.

"Huwag niyo ng isipin, mailiit na bagay lang naman. Sige una na ako." Saad naman ni Nay Aurelia sabay mag-quick step. Feel ko may masamang nangyayare sa Floresta Encantada ah.

"Dahil naka-alis na ang Otima ay sasabihin ko na ang dahilan kung bakit ko kayo pinapunta rito." Saad naman ng Diretora ng makaalis na si Nay Aurelia.

"Ano po pala iyon?" Tanong ni Rhys. Bakit ba kapag naririnig ko ang boses niya ay kinakabahan ako.

"Ang misyon niyo ay humingi nito." Sabi ng Diretora sabay labas ng isang papel. Lumapit naman kami para tignan ito at doon namin nakita ang isang patak ng tubig na naka-ukit sa papel at may nakalagay na, "Tears of Water Deus."

"Pupunta kami sa aming kaharian? Pupunta kami sa Republica de Agua?" ...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top