CHAPTER 93
TALKING TO THE MOON AGAIN...
KALI'S P.O.V
"Nay Aurelia!" Sigaw ko ng makita ko ang aking ina.
"Nay!" Sabay-sabay namang sigaw ni Guia, Xavier, Ate Adhira. Habang si Kuya Lucian ay lumapit naman kay Nay Aurelia at niyakap ito. Kaya pumunta narin kami sa kinalalagyan nila at niyakap din siya.
"Kaano-ano niyo ang batang babaeng iyan?" Tanong naman ni Prince Rhys. "Kuya Rhys, 'di mo ba na rinig ang itinawag namin sa kanya? Siya ang nanay namin. Si Nay Otima Mae Aurelia Picosa." Sagot naman ni Guia. Nakita naman namin ang pagkabigla sa mukha ng mga Royalties.
"O-Otima Mae A-Aurelia? A-Ang Legendary Holder of Youth at isa sa maalamat na limang Sentries. A-Akala namin ay patay na kayong lahat?" Nauutal na saad naman ni Rhys. "Ang tanging miyembro na namatay sa aming lima ay si Ainesh Otizam lamang at wala ng iba pa." Sagot namna ni Nay Aurelia.
"Totoo ba ito? Grabe parang kailan lang, nangangarap akong makaharap kahit isa man lang sa inyong limang Sentries mahal na Otima at ngayon narito ma na sa aking harapan. Maaari ko po bang hawakan ang inyong kamay?" Manghang saad naman ni Prince Glenn. Sabay lapit sa amin habang nakatulalang nakatingin kay Nay Aurelia. "Oo naman, iho." Pagsang-ayon naman ni nanay. Kaya naman dali-daling hinawakan ni Prince Glenn ang kamay ni nanay. Ngunit nagulat na lang kami ng biglang matumba ito at ng tignan ko ang prinsepe ay todo dugo ang ilonv nito at tulala na nagparamdam ng kaba sa amin.
"GLENN!" Sigaw ng mga Royalties sabay lapit sa kinalalagyan namin.
"Ano pong ginawa niyo nay?" Kinakabahang tanong ko kay nanay. "Wala man akong ginawa anak." Kinakabahang sagot din naman ni Nay Aurelia.
"Pagpasensyahan niyo na po siya. Ganyan lang po talaga si Glenn kapag masyado siyang na-pressure. Paumanhin po pero ipupunta muna namin siya sa clinic. Paalm po mahal na Otima." Sagot naman ni Princess Shaine na kakambal ni Prince Glenn. Tumango naman si nanay at tumakbo na papuntang clinic ang mga Royalties.
"Bakit po pala kayo naparito?" Tanong ko kay Nay Aurelia nang makalayo na ang mga Royalties. "Sasagutin ko na lang mamayang nasa Dorm Room na tayo ang mga tanong niyo. Ngayon ay gumamit na lang tayo ng quick step para mabilisan tayong makapunta roon." Sagot naman ni Nay Aurelia. Kaya naman pumikit na kami...
...
Nang maramdaman ko na na narito na kami sa harapan ng Dorm Room namin ay agad ko ng binuksan ang aking mata. Nang pagkabukas ko ng aking mata ay nakita ko naman ang mga kasama ko na nakatitiglang sa akin habang pinipigilan ang tawa.
"Feel na feel ah, Etits HAHAHA." Tumatawang saad naman ni Ate Adhira na nagpataas ng aking kilay. "Hays." Saad ko na lang sabay buntong hininga at lumakad na palapit sa pinto at binuksan na ito.
"Mga anak, umupo muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Saad naman na nagpaningning ng mga mata namin. Shit! Na-miss din namin ang luto ni Nay Aurelia. Noong nasa Floresta Encantada pa kami para magbakasyon ay siya lang lagi nag-luluto. Kaya talagang na-miss namin 'to. Nagsi-upo naman kami sa mga sofa na narito sa sala at sinandal ang ulo namin.
"Hays, nakakapagod 'yon ah. Grabe halos magtatatlong araw na tayong walang kain." Saad naman ni Guia at nang tignan ko siya ay nakahawak ito sa kanyang tiyan. "Hays, oo nga Gi. Grabe napagdaanan natin doon." Saad naman ni Ate Adhira.
Bigla namang tumayo si Kuya Lucian na nagpataka sa amin. "Akyat na kami, una na kaming magpahinga ng babe ko." Walang emosyong saad nito sabay hila kay Xavier. "Wait lang, Adrien, gusto kong matikman luto ni Nay Aurelia." Saad naman ni Xavier. "Okay, katapos akyat na tayo ah." Saad naman ni Kuya Lucian. Nag-cringe naman ako dahil doon kaya napatayo ako na nakakuha ng atensyon nila.
"Alis muna ako ah, tawagan mo na langa ko sa Telecom kung handa na ang pagkain." Saad ko sabay akong lumikit para mag-quick step...
...
PRINCE RHYS' P.O.V
"Mga kamahalan, ayos na po si Prince Glenn at baka bukas po ay magising na siya." Saad naman ng Healer sa amin sabay labas ng Clinic.
"Guys, h-hindi parin akong mapaniwalaang nanay nila ang isang Legendary Holder." Hindi makapaniwalang saad ni Nirvana na nagpataas ng kilay ko. "Edi huwag kang maniwala." Sagot ko naman sa kanya.
"Rhys, kailan ba magbabago pakikitungo mo sa akin?" Saad ni Nirvana na nangangaralgal ang boses. "Kapagtinigilan mo na ako o kapag nawala kana sa buhay ko." Simpleng sagot ko naman.
"Uhm, sige bili muna kami ng makakain." Sabat naman ni Shaine. "Hoy, labas na tayo, Zen, Breeze, Tan-tan at ate Guen." Sigaw pa ni Shaine sa kanila sabay hila sa mga ito palabas.
"Ano na naman bang drama 'to Nirvana? Ah?" Inis na tanong ko rito. "Rhys! Bakit ka ba ganito!" Umiiyak na sigaw naman niya.
"Sinabi ko na sa iyo ang ng ilang ulit sa iyo, Nirvana. Hinding-hindi kita magugustuhan at maisip pa lang na halikan kita sa harap ng altar ay 'di ko na kayang isipin pa!" Sigaw ko sa kanya na nagpa-iyak pa lalo sa kanya. Wala naman akong pakialam kahit na maglupasay pa siya riyan.
"Bakit kase 'di mo na lang ako pakawalan? Alam mo namang walang mangyayari sa kahahabol mo sa akin." Saad ko na 'di ko namalayang nagpatulo na pala sa luha ko sa kadahilanang naisip kp bigla si Sephtis. "Rhys ano ba! Huwag mo namang laging sabihin sa akin iyan! Bakit 'di mo munang buksan ang puso mo para sa akin!" Umiiyak na sigaw naman ni Nirvana.
"Nirvana, matagal ko ng binubuksan ang puso ko pero isinasara ng utak ko ang puso ko para sa'yo. Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga kayang mahalin ka. Please palayain mo na ako." Umiiyak na paki-usap ko sa kanya. "Rhys naman! Huwag tayong maglokohan. Never mong binuksan ang puso mo para sa akin! Lahi mo akong tinataboy!" Umiiyak na sigaw nito sa akin.
"Nirvana, kapag ngatuloy pa 'to parehas lang natin pinapahirapan ang sarili natin. Bakit 'di mo na lang ako isuko sa taong mas sasaya ako?" Umiiyak na saad ko sa kanya. "At kanino kita isusuko? Kay Kali? Curse you! Mas gusto ko pang mahirapan tayo pareho, kesa mapunta ka sa Fabtasian na iyon!" Galit na sigaw nito sa akin habang nakangising umiiyak pa.
"Hinding-hindi kita bibitawan lalo pa at nalalapit na ang kasal nating dalawa HAHAHA." Tawa niya habang umiiyak. Nabigla naman ako sa sinabi niya. "Anong kasal? Nababaliw ka na ba Nirvana?" Takang tanong ko sa kanya. "Hinde Rhys, sinabihan ako ng iyong ama na sa katapusan ng paglalaban ninyo para sa trono ay ikakasal na tayo." Seryosong sagot nito habang pinupunasan ang mga luha niya. Kaya naman nablanko ang isip ko at lumapit at hinawakan ko siya sa kanyang mga braso at pinisil ito ng mahigpit.
"Huwag kang magsinungaling! Hindi totoo 'yan!" Sigaw ko sa kanya habang hinahawakan ko siya ng mahigpit. "R-Rhys nasasaktan ako." Saad ni Nirvana habang nakangiwi. Pero dahil sa galit ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakapisil sa mga braso niya.
"Fuck you bitch! Huwag kang magsinungaling!" Galit na sigaw ko sa kanya. "H-Hindi ako nagsisinungaling! Alam iyan ng iba pang mga prinsepe at prinsesa!" Sigaw nito na nagpagulat sa akin. Kaya naman binalibag ko siya at napasalampak siya sa pader, agad naman akong lumabas ng pinto at nakita ko namang nasa labas lang pala ang ibang Royalties at nakikinig sa usapan namin.
"Alam niyo ba?!" Galit na siga wko sa kanila. Bigla naman silang yumiko at tumango. "AHHHH!" Galit na sigaw ko. Kaya pumikit ako at nag-ejection...
...
KALI'S P.O.V
Nang kabukas ng mata ko ay narito na ako sa paborito kong lugar. Ang Fountain kung saan unang nagkita kami ni Rhys. Sakto pa namang bilog na bilog ang Lua ngayon. Hays, naalala ko na naman yung araw na iyon. Ang araw na umibig akong muli at ang araw na hinihiling kong hindi na naganap pa. Hays nasasaktan na naman ako sa aking naging desisyon, shit kase! Bakit sa lahat ng taong mamahalin ko kase ay yung mag fiancee pa!
"Talking to the moon
Trying to get to you
In hopes you're on the other side talking to me, too
Or am I a fool who sits alone talking to the moon?
Oh-oh." Pagkanta ko sa chorus ng kanta ni Bruno Mars na kinanta ko rito sa unang pagkikita namin ni Rhys at 'di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko...
"Hindi ka parin kumukupas, mahal." Saad naman ng isang pamilyar na boses sa likuran ko na nagpagulat sa akin at napatingin na nga ako agad. Doon ko ngang nakumpirama na si Rhys ito. Bigla namang tumibok ang puso ko ng napakabilis at mabilisan ko ring pinunasan ang luhang pumapatak sa mata ko.
"A-Anong ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong ko sa kanya. "Uhm, nagpapalipas lang ng sama ng loob." Sagot naman nito na nagbigay ng kuryosidad sa akin.
"Bakit, anong nangyare? May naging awayan ba sa inyo ng mga Royalties?" Tanong ko sa kanya. "Medyo nadismaya lang ako sa kanila." Sagot naman nito.
"Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?" Tanong ko kay Rhys. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. Kaya napatingin ako sa kanya at doon ko nakita ang mga luha niya na pumapatak. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaibang kaba kaya naman bumitaw ako sa paghawak noya sa aking kamay at pinunsan ang mga tumutulong luha niya.
"Ano ka ba, Rhys? Bakit ka umiiyak? Please tell me." Saad ko sa kanya. "Sephtis, m-magpapakasal na kami ni Nirvana."...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top